TBH 47: Flashback 2
Habang nakabitin sa ibaba kinuha ni Juno ang mansanas sa ilalim ng bra niya at kinagatan.
Pinapakinggan nila ang drama ng isang lalaking nasa tuktok ng kanilang kinaroroonan.
"Ang tagal niyang tumalon. Kinakagat na ako ng lamok." Reklamo pa ni Airah habang sinisilip kung ano na ang ginagawa ni Throne sa itaas.
"Akyat ka nalang kaya tapos itulak mo." Utos nito kay Juno. Muntik na tuloy mabilaokan ang lalaki sa narinig.
May mga halaman at naglalakihang mga bato din ang nakakalat sa makitid na lupang ito. Ang advantage lang nila ay dahil alam na nila ang pasikot-sikot ng lugar dahil isa ito sa ilang linggo nilang inimbistigahan at sinuring mabuti dahil sa paghahanap ng clue at sa pagre-rescue ng mga katawan noon.
Sa totoo lang para na cemetery ang lugar na ito tapos ang babaeng ito di man lang natatakot? Hindi rin talaga niya mauunawaan kung paanong nakakaya nitong di magsuot ng night vision goggles gayong sobrang dilim ng paligid. Sila nga nagsuot pero ang babaeng to di na nag-abala pa.
Hindi nila kailangang gumamit ng lubid pero para makasiguro tinalian parin nila ang kanilang mga katawan para sakali mang madulas sila safe parin. Sa kabilang dulo ay ang mga kasamahan ni Airah na siyang bahala sa kanilang kaligtasan sakali mang magpagulong-gulong sila pababa.
"Ngayon ko lang nalaman, napakadrama pala talaga ng isang to." Sabi pa ni Airah.
"Wala ka ba talagang puso? Di ka man lang nahabag diyan?" Tanong ni Juno. Sobrang hina ng mga bulungan nila sa pag-alalang marinig sila ni Throne.
"Katangahan ang ginagawa niya bakit ako mahahabag? Gusto ko nga siyang batukan e." Gusto niya itong batukan ng pagkalakas-lakas kasi bakit ba naisip ni Throne na magpapakamatay na meron namang ibang paraan?
Saka di naman siya ang tunay na may kasalanan bakit siya magpapakamatay? Hindi nga lang niya mahuhusgahan si Throne dahil di niya alam kung bakit mas ginusto nitong magpakamatay sa halip na magpakatatag at ibunyag ang totoong may kasalanan. Gusto lang talaga niya itong batukan dahil nag-aalala siya. At sobrang kaba ng nararamdaman niya kapag nakikita niyang malalaglag na ito tapos di naman pala matutuloy.
Kaya naman ng makakita siya ng pagkakataon hinila na niya ang binti ng pinsan. Nasalo naman agad ito ni Juno at mabilis na natakpan ang bibig. Saka nagtago sila sa isang malaking bato para di makita ni Arthron.
Habang shock na shock pa si Arthron sinamantala nila ang pagkakataon na ilayo si Throne. Hinimatay ang lalaki sobrang gulat kaya naman di na sila nag-alala pang sisigaw ito at gumapang na sila palayo papunta sa ibang parte ng bangil.
Ang mga kasamahan naman ni Airah nagpanggap na mga pulis at siyang naghanap kay Throne. Hindi talaga sila naghanap. Tinulungan lang na makalayo sina Airah kasama si Throne. At nang dumating ang tunay na mga pulis, nakaalis na ang mga fake. Naiwan na lamang ang mga orihinal na pulis na kakampi naman nina Airah sa plano at nakihalubilo sila sa iba pang mga bagong dating na mga pulis.
Pagkatapos mangyari ang mga bagay na iyon, ito na si Airah pa-relax-relax lang habang sobrang gulo na ng mga tao sa mansiyon. Si Throne naman inaasikaso pa ni Dr. Seo kasi labis itong na-shock ng malaglag sa bangil.
"Hindi ko inaasahan na ito ang pinaplano mong behind the scene revenge act mo." Sabi ni Juno at tumabi ng upo kay Airah kaso may tumamang sipa sa pang-upo niya na ikinalayo niya. Natapon pa ang kape na iniinom niya. Muntik na kasi niyang mabitiwan ang hawak na tasa.
"Why did you kick me again?" Sa ilang araw nilang palaging magkasama natuto na asarin o let us say landiin ang dalaga kaso kundi siya nasisipa nasasapak naman.
Pero minsan nakukyutan siya sa mga reaction nito kapag asar na asar na sa kanya. Medyo nakukuha narin niya ang ugali ng dalaga. Mukha lang itong cold at mataray ngunit may malambot na puso. Madalas nga lang parang patalim ang lumalabas sa dila kaya aakalain mong ang sama-sama niya o ang taray niya. Ngunit kung makikilala mo na hindi pala siya ganoon ka-taray at ka-cold.
"Takot kang tumabi ako sayo dahil nag-aalala kang maririnig ko ang lakas ng tibok ng puso mo? Aminin mo, nahulog ka na sa gwapo kong mukha." Pang-aasar na naman niya.
Tiningnan naman siya ni Airah na may nandidiring mga mata.
"Matanda ka na. Tsaka may mas gwapo pa sayo at mas bata pa sayo bakit ako magkakagusto dahil sa gwapo ka?"
Napahawak naman si Juno sa dibdib na parang nasaktan ngunit maisip ang sinabi ni Airah, bigla niyang naisip na hindi bumabase si Airah sa hitsura dahil sa huli nitong sinabi.
"Madalas sa ugali ako bumabase pero mahilig din naman ako sa gwapo. Sino bang hindi mahilig sa magagandang bagay di ba? Pero kung gusto ko ang isang tao, siguro kahit ano at sino pa siya magugustuhan ko siya. Im not sure of that. Pero kung ikaw, wag nalang. Wag ka ng umasa."
Napasimangot naman si Juno sa narinig. Ito na yata ang unang pagkakataon na sinabihan siya ng isang babae na di siya magugustuhan. Di pa nga siya nakapanligaw nabasted na. Buti nalang talaga at di rin niya gusto si Airah dahil kung nagkataon na gusto na niya ito baka para ng dinurog ang puso niya ngayon.
Pero syempre medyo nadisappoint siya. Sino bang taong di maaapektuhan kung sabihan siya na kailanma'y di siya magugustuhan lalo na kung magandang babae ang magsasabi? Matutuwa ka nga kung malalaman mong may nagkakagusto sa'yong magandang babae kahit sabihin mo mang di mo sila gusto pero matutuwa ka talaga kung malalaman mong may nagkakagusto sayo. Ganito si Juno. Lalo na kung lumaki siyang palaging hinahabol ng mga babae tapos direktahan siyang sasabihan na di siya magugustuhan ng babaeng ilang ulit na niyang tinulungan?
"Makatingin ka parang ang laki ng kasalanan ko sayo." Sabi ni Airah.
"Nilagyan ko love potion ang juice na yan kaya bukas mahuhulog ka na sa akin." Sagot ni Juno.
"Bukas pa naman yun. Ibig sabihin madami pa akong magugustuhan ngayon, mamaya at mamayang gabi bago darating ang bukas." Sagot din ni Airah na muli ng itinuon ang sarili sa balita sa TV.
Nakita niya na dinala na sa mansion ang bangkay ng Don at marami ang nagtatanong kung sino sa mga tagapagmana ng Don ang magmamana sa posisyon nito.
"Wala pa akong ginagawa pero nalinis na ang pangalan ko. Gusto ko namang magparamdam kunti." Sambit niya at kinuha ang bagong cellphone saka tinawagan ang isa sa mga tauhan nila na magpadala ng regalo sa Lionheart mansion.
"Kailangan na ng Janice na iyon ang maturuan ng leksyon." Sabi niya pa at nagbigay ulit ng instructions.
Si Juno naman napatitig kay Airah. Iniisip na buti nalang at di niya piniling maging kalaban ang babaeng ito.
***
Napangiti naman si Janice at iniisip na makakabalik na rin ulit siya sa trabaho ngayong wala na si Airah. Wala na rin ang presidente ng Triple A's kaya posibleng makakabalik na ang kanyang asawa sa trabaho. Hinihintay lamang niya ang magandang balita ni Avey.
At habang nasa problema pa ngayon ang kaibigan palage niya itong dinadalaw ay kunwari good friend para kung matapos na ang kinakaharap nitong krisis at paghahati-hatian na ang mana maalala parin ni Avey ang kabutihan niya noong nasa problema pa ito.
Isang araw, tumawag si Avey at sinabing pupunta na ang abogado ng Don para paghahati-hatian na ang yaman kaya naman excited na si Janice at malalaman na niya kung saan mapupunta ang Lionheart Academy at ang Triple A's.
Kaya lang ang magandang balita ay di dumating kundi mga pulis ang dumating sa pamamahay nila. Maraming kaso ang isinampa sa kanya at sa asawa niya. Hindi lang yun pati ang kanyang anak na si Dianne ay sinampahan ng kaso dahil sa estudyanteng namatay dahil sa pang-aapi nina Dianne sa nasabing estudyante.
Isa ang kasong ito sa pinagtakpan ni Janice noong nasa Lionheart Academy pa siya. Hindi niya alam na mauungkat parin ang kasong ito kahit na sinira na sana niya ang lahat ng mga ebidensya. Nadagdag ang kasing ito sa mga kasong isinampa sa kanya.
Sobrang galit niya nang malamang may tinatago palang kabit ang asawa ngunit sobrang galit din ni Mr. Jack nang malamang hindi pala nito tunay na anak si Dianne. Ang mas malala, pareho silang makukulong na may iba't-ibang kaso na pinapasan.
"Ang akala ko ba dahil wala na si Airah at ang Don magiging maginhawa na ulit ang buhay ko." Sambit niya ngunit wala na siyang ibang magawa. Matibay ang mga ebidensya na isinampa laban sa kanila kaya paano sila makakalaya?
"Mom, ayokong makulong. Please mom. Tulungan mo ako." Pakiusap ni Dianne sa ina ngunit may magagawa pa ba sila? Malakas ang kalaban nila.
Kahit dalawang buwan lang ang ipapanatili ni Dianne sa loob ng kulungan, hindi niya alam kung makakatagal ba siya. Nasanay siyang mamuhay ng komportable kaya ngayong titira siya sa kulungan sa loob ng dalawang buwan ay para na rin siyang nabuhay sa impyerno.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top