TBH 46: Flashback 1
Napatingin si Airah sa balita sa TV. Nakita niya ang mukha ni Avey na nagsasalita ngayon.
"Ang totoo napilitan lamang umamin ang anak ko. Wala siyang kasalanan. Pinilit lang siya ng taong iyon. Nakakaawa ang anak ko. Dahil lang sa siya ang balak gawing tagapagmana ng Don nangyari sa kanya ang mga bagay na ito." Naluluha nitong sambit habang nakatingin sa camera.
Dahil sa sinabi ni Avey nagiging suspect muli ang lahat ng mga tagapagmana ng Don. Wala namang ebidensya na si Throne nga ang maygawa ng krimen kaya kahit inamin niya ang lahat posible ngang may nag-utos lang sa kanya at napipilitan lamang siya dahil sa takot.
"Mukhang nag-eenjoy ka sa larong ito." Sabi ng isang lalake at inabutan siya nito ng juice.
"Pinaglalaruan lang tayo bakit di tayo maglaro sa larong inihain nila sa atin?" Sagot ng dalaga.
Napailing naman ang lalake.
Naalala niya ang araw ng pag-iinterrogate niya kay Airah noon.
Flashback...
"Isa lamang tayong pain sa larong binuo nila. Bakit di tayo maglaro at sa halip na sila ang may hawak sa atin sila ang lalaruin natin?" Bulong ni Airah sa kanya.
Kakampi ni Juno ang dalawang mga detective na nanonood sa monitor at nakikinig sa usapan nila ni Airah. Inutusan niya ang dalawa na gumawa ng paraan upang paalisin ang dalawa pang pulis na hindi nila pinagkakatiwalaan. Saka niya pinakinggan ang plano ni Airah.
Noong una iniisip niyang isang simpleng high school girl lamang si Airah ngunit nang marinig ang sinabi nitong isa lamang sila sa mga chess pieces sa laro ng iba naisip niyang hinawakan hindi isang simpleng dalaga ang kaharap niya.
"It's safe now. Lahat ng nandito pinagkakatiwalaan ko. You can tell me what you wanted to say. No need to lean over." Sabi niya. Takot niya lang mawala ang calm facade niya. Kahit naman siguro sino kapag nilalapitan ng isang magandang babae at bulungan sa tainga ay makakaramdam ng kakaiba.
Hindi siya yung tipo ng lalake na nadadala sa beauty pero di ibig sabihin non na hindi siya makakaramdam ng pagkailang lalo na kung kitang-kita niya ang makinis na mukha ng dalaga at ang mapupula nitong labi habang bumubulong malapit sa kanyang tainga.
Oo na. Aaminin na niya. Naaapektuhan din pala siya kapag nakakakita siya ng maganda. Lalo na kung katulad ni Airah. Akala pa naman niya hindi siya madadala o maaakit sa ganda kundi sa personalidad at sa kung ilang araw na nakikilala ang isang tao pero ngayong kaharap niya ang babaeng to tila ba nabasag ang pader na nakaharang sa kanya at sa sinumang gustong pumasok sa buhay niya.
Hindi niya inaasahan na bukod sa babaeng crush na crush niya may iba pa palang magpapapula ng mukha niya.
"Ano ang pinaplano ng boss niyo?" Kalmadong tanong ni Airah na tinitingnan ang mga kuko sa daliri. Sasabihin sana ni Juno na ginagawa lang nila ang trabaho nila at walang kinalaman ang iba sa trabaho nilang ito. Kaso nagsalita na ulit si Airah.
"Na isuli ako pero palabasin na tumakas at pasasabugin ang sinasakyan ko right?"
"Ho-how did you know that?" Gulat na sambit ni Juno.
Hindi niya inaakala na malalaman ni Airah ang ipinaplano nila. Sa totoo lang binigyan niya ng oras si Airah para sabihin ang plano nito hindi dahil sa pinagkakatiwalaan niya ito kundi gusto lang niyang malaman kung anong ideya ang pumasok sa utak ng dalaga.
Tapos kunwari pakikinggan niya pero gagawin parin niya ang dating plano. Papasabugin niya ang sasakyan ngunit itatakas ang babaeng ito. Pulis siya at di pumapatay ng mga inosente. Saka kailangan niya si Airah bakit naman niya ito papatayin? Kunwari ay susundin niya ang gusto ng taong nag-utos sa kanya na patayin si Airah at palabasing aksidente lang ang lahat.
Sang-ayon din siya sa plano ngunit hindi totoong kamatayan ang ibibigay niya dahil palabasin lamang niya itong patay. Hindi niya nga lang inaakala na malalaman ni Airah ang anumang pinaplano ng taong yun.
"Hindi parin mababago ang plano. Susundin mo parin ang boss mo ngunit hindi totoong mamamatay ako. Sayang kasi ang beauty ko e. Ang ganda-ganda ko pa naman." Seryosong sagot ni Airah ngunit di talaga naaalis ang pagpupuri sa sarili na ikinailang na lamang ng lalake.
"Help me solve the murder case and Throne's accident and I'll help you solve the mystery behind the vehicles accident last month." Sabi ni Airah.
"Why should I trust you?" Tanong ni Juno.
"Because you need me and so do I to you. We both need the help of each other."
Pinag-isipang mabuti ni Juno ang sinabi ni Airah. Tama si Airah, kailangan niya ang tulong ng dalaga. Kailangan nila pareho ang isa't-isa at halos magkapareho sila ng iniisip kaya naman pumayag siya sa plano ng dalaga.
"Posibleng may kinalaman ang nag-utos sa inyo sa nangyayari ngayon sa pamilya ng Don. Alam mo ba kung sino siya?" Iniisip kasi niya na ang sinumang nag-utos kina Juno na patayin siya, posibleng ang siyang tunay na kalaban ng pamilyang Lionheart at nasa likod ng lahat ng krimen ng pamilya.
"Bakit mo tinatanong sa akin? Paano kung magsisinungaling ako at ibang tao ang ituturo ko di ba?" Tanong pabalik ni Juno.
"Sinusubukan lang kita. But now I know na di mo alam. Siguro kinausap ka lang through voice at malamang gumagamit ng voice changer kaya imposibleng makikilala mo siya." Kalmadong sagot ni Airah na di umaasang masasagot ni Juno ang kanyang tanong kanina.
"Bakit mo naisip ang mga bagay na yan?" Totoong gumagamit ng voice changer ang taong yun kaya di niya alam kung anong tunay nitong kasarian.
"Unang-una sa reaksyon mo palang halata na. Halatang di mo siya kilala. Pangalawa isa siya sa list of suspects mo kaya kunwari sumasabay ka sa plano niya. Wala kang magawa kasi naman may kakilala siyang superior niyo. Kung wala pa hindi ka naman siguro mapipilitang sumunod sa kanya di ba?"
"At bakit naisip kong gumamit siya ng voice changer o baka hindi siya ang direktang kumakausap sa inyo? Dahil sobrang tagal na pero di parin siya nahuhuli. Ibig sabihin napaka-maingat niyang tao. At kung maingat bakit niya hahayaang makilala ng kung sino? Syempre kikilos siya behind the scene." Nagsimula ang magulong buhay ng Don fourteen years ago. At kung may kinalaman man ang taong ito sa nangyaring krimen noon ibig sabihin napakaingat niya talaga na kahit ginagamit na ng Don ang lahat ng impluwensya niya hindi parin nahuhuli ang tunay na salarin.
"Iba ang pinapagawa niya sa lahat ng bagay na gusto niya at kung magiging palpak man ito maghahanap siya ng magiging shield niya o scapegoat ba kaya. Gagawa ng paraan na iba ang matuturo para malutas na agad ang kaso at di na uungkatin pa dahil aakalain ng iba na tapos na ang kaso at nagbayad na ang dapat magbayad pero ang totoo, nagpapakasaya parin ang tunay na salarin at naghahanap na naman ng ibang pagkakataon at ibang paraan para makaatake. Syempre nakaplano na rin kung sino ang magiging tagapagbayad ng krimen na gagawin niya."
"At, ang chess pieces niya specially the pawn ang magiging tagasalo sa mga atake ng kalaban na dapat ay para sa kanya."
"Paano mo naisip ang mga bagay na yan? Mahilig ka bang manood ng crime movies?" Base sa sinabi ni Airah posibleng isa siya sa magiging pawn, sacrifice or scapegoat para sa susunod na pag-atake na gagawin ng taong kumikilos ng palihim. Hindi lang lubos maisip kung paanong ang magsisiventeen years palang na tulad ni Airah ay makakaisip na ng ganitong bagay.
"Mahilig akong manood ng mga romantic movies. Saka yung mga labanan sa palasyo. Madami kang makikitang mga schemes at tactics sa mga battle of the throne drama or movies."
"Kaya pala ang lawak ng imahinasyon mo."
"Pero totoo." Seryosong sagot ng dalaga.
"Dahil parang nasa loob ng palasyo ang buhay ko kung saan naglalaban ang mga anak ng hari sa kung sino ang magmamamana sa trono."
Napaisip si Juno. Ilang taon na niyang iniimbestigahan ang mga Lionheart kaya alam niya kung anong klaseng tao ang Don. Iba ang paraan nito para mahasa ang ang tagapagmana niya. Sa halip na pantay-pantay na bibigyan ng share ang mga apo, kinailangan ng mga ito na i-meet ang expectation niya. Ang sino mang hindi maabot ang gusto niya sa pagiging isang Lionheart, hindi makakapaghangad ng anumang bagay na mamamana mula sa Don.
Para lang ding isang hari. Ang sino mang makikita niyang mas matalino at mas karapatdapat sa trono ang gagawin niyang tagapagmana.
"At sa labanan ng mga anak ng hari na ito posibleng ang unrelated, ang taganood o ang tunay na kalaban behind the scene, ay ang tunay na kalaban at naghihintay lamang ng pagkakataon. Pagkakataon kung kailan aatake. Hihintayin na magpapatayan ang mga tagapagmana tapos kapag nanghihina na sila saka siya susulpot at magpapakita. At siyang makinabang sa kaguluhang nangyayari sa palasyo. Or let us say sa Lionheart." Dagdag pa ni Airah.
"Hindi ka ba talaga takot na tatraydorin kita at sasabihin ko sa taong yun ang anumang sinabi mo ngayon?" Tanong muli ni Juno. Pakiramdam niya masyadong honest si Airah at sinabi nito sa kanya ang anumang napapansin niya at nahuhulaan ang anumang mga masasamang pinaplano ng kalaban. Kapag sinabi niya sa taong yun ang anumang napansin o konklusyon ni Airah tiyak na babaguhin ng taong yun ang kanyang plano para di na mape-predict ng babaeng ito.
"Sasabihin mo o hindi, wala namang magbabago. Papatayin at papatayin parin naman niya ako. Uubusin din niya ang lahat ng mga Lionheart kaya bakit ako mag-alala o matatakot kung sa simula palang alam ko ng walang mawawala ni magbabago? Itutuloy parin naman niya ang palihim na aatake. May magbabago lang kung magiging kakampi kita. Dahil may madadagdag sa mga plano ko." Paliwanag ni Airah.
"May punto ka. Pero pumunta ka ng kusa sa lugar na ito, na alam mong mas mapanganib ang buhay mo dito. Anong dahilan mo?" Base sa confidence ni Airah at sa kasiguruhan nitong hindi siya mapapahamak posibleng isa sa plano nina Airah at sa sinumang nasa likod niya ang kusang pumunta sa lugar na ito.
Ibig sabihin posibleng may paraan sila para linisin ang kasong ipinapataw sa kanya o ba kaya gusto lang nilang sakyan ang anumang inihain na patibong ng kalaban sa kanya.
Sigurado na siyang may mabigat na dahilan si Airah kung bakit kusa siyang sumama sa mga pulis kaya naman naitanong na niya kung ano ang dahilan ng dalaga.
"Gusto ko lang naman makita kung sino-sino pa ang kakampi ng taong yun. Ngayon alam ko na na meron pala dito. Mas mahilig siya sa behind the scene, why can't I do that too? Pero nakadepende iyon sa desisyon mo."
Kailangan din ni Juno ang dalaga. At kahit may kasalanan sa kanya ang isa sa mga Lionheart, naisip niyang sumugal.
Kaya kinabukasan, isinagawa agad nila ang plano.
Sumakay sila sa isa sa mga vehicle ng mga police, in desguise of setting her free at nang dumating na sa tahimik na lugar, lumipat sila sa ibang sasakyan at sinunog ang una nilang sinakyan.
Dinala niya si Airah sa secret base niya. Nagpahinga na rin ang hapong-hapong dalaga kaya lang tumawag si Akiro at ibinalitang tumakas sa hospital si Throne.
Nagpapahinga din si Juno ng pilitin siya ni Airah na magdesguise bilang isang nanay.
"Saan tayo pupunta?" Tanong pa ni Juno na nakabestida at may bra pang nilagyan lang ng dalawang mansanas sa loob.
"Pft. Hahaha. Bagay na bagay sayo maging magandang nanay." Natatawang sambit ni Airah habang pinagmamasdan ang lalakeng naguguluhan sa pinapagaw niya.
"Pagtiyagan mo muna ang mansanas. Ingatan mo lang na di malaglag. Nagmamadali kasi tayo e." Sambit ni Airah na halos sasakit na ang tiyan sa kakapigil ng tawa.
Nagdesguie din ang dalaga bilang isang Lolita girl na may suot na lolita dress. Kundi lang nasa rush hour sila baka hahanga na siya sa galing makadesguise ng dalaga at para na itong real life doll.
Halos malaglag pa ang puso niya nang tumawid sila sa daan kahit na may sasakyan na papalapit. Buti nalang tumigil ito at di sila tuluyang nabanggaan ng driver.
At ang di talaga lubos maisip ni Juno ay ang magtago sila sa gilid ng bangil. Buti nalang talaga at di madulas ang lupa at di gaanong makitid. Saka may mga reinforcement na din ang dalaga na nakabitin na sa ibaba. May nakahanda pang malaking net sakaling di nila masasalo ang sinumang dapat saluin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top