TBH 45: AIRIZ
"Ang anak ko. Si Throne. Gusto kong makita si Throne." Sigaw ni Avey at lalabas na sana ng kanyang kwarto ngunit hinarang siya ng mga bodyguards.
"Palabasin niyo ako, hahanapin ko si Throne." Sigaw niya at napahagulhol muli.
"Pasensya na po Madam. Hindi raw muna kayo maaaring lumabas. Ito ang utos ni Sir Arthron." Paliwanag ng isang bodyguard.
Bumalik na lamang siya sa silid niya at umiyak na lamang mag-isa.
Dinalaw naman siya ng kaibigan na si Janice para pagaanin ang kanyang loob.
"Ano bang pinag-aalala mo? Nandiyan pa naman si Ava a. Saka wala na ang Don kahit si Airah wala na. Wala na ring witness sa nangyari." Sabi ni Janice.
"Saka hindi pa natagpuan ang bangkay niya kaya posibleng buhay pa siya at valid parin ang testamento na iyon di ba?" Wala siyang alam na gumawa ng fake na testamento si Avey. At ang Will at testament ng Don ay hindi totoo.
Kumalma naman si Avey. Kailangan lang niyang linisin ang pangalan ng anak niya. Muling nagliwanag ang mga mata niya maisip na buhay pa si Throne at may paraan pa para malinis muli ang pangalan nito.
"Gusto ko sanang humarap sa media at baliktarin ang lahat. Wala naman silang mga ebidensya laban sa akin e. Kaya malilinis ko pa ang pangalan ng anak ko."
Kaya naman naghanap sila ng mapagkakatiwalaan nilang reporter upang kunan siya ng panayam.
Umiiyak ngayon sina Aina, Aikah, Ava at Alvira habang kaharap ang bangkay ng Don. Pinagmasdan na lamang nila itong dinala sa underground laboratory kung saan isasagawa ang autopsy sa katawan ng Don.
Habang inaasikaso ang bangkay ng Don, sunod-sunod naman ang nangyayaring pag-atake sa lahat ng mga negosyo na naiwan ng Don.
Nakahinga na sana ng maluwag si Nova nang tuluyan ng makalabas sa hospital. At wala namang gaanong pinsala ang natamo niya dahil sa nangyaring aksidente sa kanya. Kaya lang sunod-sunod na problema ang kinakaharap ng kompanya nila.
"Madam, wala ng bumibili sa Lionheart Clothing company at wala ng bumili sa mga stocks natin. Naipasara rin ang hotel na pinatayo niyo maging ang apat na hotel restaurant na nasa pamamahala ng pamilya mo dahil may nakitang dumi at mga insekto sa loob."
Malinis ang restaurant nila at siguradong may nanira lang talaga sa kanila. At kung sino man iyon, siguradong sinamantala nito ang pagkakataong marami ang problemang kinakaharap ng mga Lionheart.
Kay Arthur naman kausap niya ngayon ang kanyang assistant.
"Sir. May nagsampa po ng plagiarism case sa bagong labas nating mga design lalong-lalo na mga bagong design na inilabas ng jewelry shop at clothing company."
"Paano nangyari yon? Design iyon nina Aikah at Alvira." Di makapaniwalang sambit niya. Tiniyak muna nila na walang kapareho ang mga design na gawa ng dalawa kaya paanong may kapareho ito?
"Anong company ang nagsampa ng kaso?"
"Ang AIRIZ International."
"Nagsent sila ng video na nagpapatunay na sa kanila nanggaling ang mga disenyo at sa katunayan nga may iilan na sa mga kilalang mga tao ang binigyan nila nito bago pa man magkaroon ang ating kompanya."
Naalala ni Arthur sina Alvira at Aikah. Imposibleng nagagaya ng mga ito ang disenyo ng kalaban nilang kompanya maliban na lamang kung palihim nila itong ibinigay sa iba bago pa man ipasa sa kanya o baka naman ginaya lang nila ang anumang nakita nila sa internet?
"Kaso wala kang makikitang kapareho ng mga designs nila sa internet." Alam niyang hindi masasagot ang kanyang mga katanungan kundi niya itatanong sa dalawa.
***
Pumasok si Aikah sa silid ng ina at natuklasang nababalisa ito.
"Mommy, anong nangyari sayo?" Nag-aalala niyang tanong sa ina.
"Anak, naaalala mo ba ang binigay kong disenyo sayo?" Tanong ni Nova sa kanya.
Tumango naman ang dalaga. Binigyan siya ng larawan ng mga jewelry design ngunit di niya alam kung saan galing. Sinabi ng kanyang ina na sasabihin niya kay Arthur na kanya ang disenyo na iyon at di na siya mag-alala pa kung kanino galing ang design.
"Kung alam ko lang na kay Airiz galing ang design na iyon hindi ko sana..." ‘ninakaw.’ Sambit ni Nova.
Hindi niya inaakala na maiisahan siya sa babaeng palaging laman ng masama niyang panaginip.
May kumatok sa pintuan na agad namang pinagbuksan ni Aikah.
"May nagpadeliver po ng gift kay madam." Sabi ng katulong.
Kinuha ni Aikah ang box at ibinigay sa ina. Binuksan naman agad ito ni Nova dahil sa pangalang nakalagay sa sender. Mga larawan ang laman ng kahon. Mga larawan niya dati.
Nanginginig ang mga kamay niya habang pinagmasdan ang mga larawan na kuha mula eleven years ago hanggang ngayon.
Kinuha niya ang maliit na card.
"Do you like my girft, Nova?" At sa ibaba ng notes ay ang pangalang AIRIZ na pawang nasa capital letters. Naitapon ni Nova ang card na tila ba napaso.
"Itapon mo yan. Sunugin mo. Sunugin mo." Sigaw niya na ikinataranra din ni Aikah.
"Mommy, anong nangyari sayo? Mommy." Nababahala na si Aikah makitang takot na takot ang ina.
Nakita niya ang isang larawan kung saan nakahubad ang ina ngunit ibang lalake ang kasama. At ang isang card na may nakasulat na AIRIZ.
AIRIZ, ang pangalan na nagpapasama sa mood ng ina kapag nakakarinig ng ganitong pangalan. Hindi niya alam kung bakit takot na takot ang ina sa pangalang ito.
"Bitiwan mo yan." Inagaw ni Nova ang hawak niyang larawan.
"Lumabas ka muna. Iwan mo muna ako dito." Halos itulak na si Aikah ni Nova palabas ng pinto ngunit nahagip ng kanyang tingin ang isang DNA test na di niya alam kung kanino. Kasama ito sa mga nagkakalat na mga larawan. Nang makalabas na siya mabilis na isinara ni Nova ang pintuan.
Nakasalubong niya ang ama na kararating lang.
"Dad." Tawag niya sa ama nang papasok na sana ito sa kwarto nito. Iba ang kwarto ni Arthur at Nova ngunit magkatabi lang naman sila ng silid.
"Bakit?" Tanong ni Arthur na halatang pagod na pagod.
Nag-aalinlangang magtanong si Aikah ngunit gustong-gusto niyang malaman kung sino ba si Airiz. Ano ang dahilan kung bakit takot na takot sa kanya si Nova?
"Dad, sino si Airiz?"
Nagulat naman si Arthur sa narinig. Mas lalo namang naguluhan si Aikah.
"Bakit mo natanong?"
"Anong kinalaman ni mommy sa kanya? Gaano ba kabigat ang kasalanan natin sa kanya?" Tanong niya maisip na tila may malaki silang kasalanan dito base lamang sa mga reaksyon nina Nova at Arthur.
"Airiz. Hawak niya ang mga ebidensya laban sa atin. At ang naghahangad na pabagsakin ang Lionheart."
"Kilala ba natin siya?"
"Siya ang tunay na..." Napatigil si Arthur sa pagsasalita dahil tumunog ang kanyang cellphone. "Sandali lang." Pumasok na ito sa kwarto niya at naiwan namang mag-isa si Aikah.
***
"Kuya." Dahil di niya matanong ang ama sinubukan niyang magtanong sa kuya.
"Kuya, sino ba si AIRIZ? May alam ka ba tungkol sa kanya?" Tanong niya kay Aikoh na ngayon ay nagbabasa ng libro.
"Madaming Airiz sa mundo."
"Ang Airiz na nanggugulo sa buhay natin. Lalong-lalo na kay mommy." Sagot ni Aikah.
Ibinaba ni Aikoh ang libro at may kinuha sa isang bookshelves. Nang bumalik, hawak na niya ang isang larawan. Lawaran ng isang napakagandang babae na nasa highschool pa.
Sa ibaba ng larawan ay ang pangalang, Airiz Dianna A. Lionheart.
"Sino siya?" Naguguluhan niyang tanong. Bakit Lionheart din ang babaeng ito?
"Apo din ba siya ni lolo?"
"Siya ang ina Airah at ang tanging anak nina Don Arthuro Lionheart at Donya Ayala Aragon. At may palayaw na Aida."
Aida. Ito ang pangalan ng ina ni Airah. Napaawang ang bibig ni Aikah sa gulat dahil sa natuklasan. "May anak na iba si Don Art bukod kina tito at Daddy?"
"As far as we know hindi anak ni Donya Ayala sina dad ngunit di nila sinabi sa atin kung sino ang ina nila."
"Then si Ate Airah ay ang bunga ng forbidden love nina Dad at Aida?"
"Forbidden love kung matatawag. Iyon ay kung totoong anak ni Don Art sina dad at tito." Sagot ni Aikoh at inikot ang mga mata.
Napako naman si Aikah sa kinatatayuan.
"Sinabi ko na to sayo dahil ayaw kong mahihimatay ka sa gulat o ba kaya magpapakamatay ka rin kung malaman mo ang katotohanan. Marami ang lihim sa pamilyang ito na hindi natin nalalaman. Pero ngayong wala na ang Don at nagbabalik na ang AIRIZ, mawawala na ang lahat sa atin dahil sa umpisa palang, nakikigamit lang tayo sa yamang di natin pag-aari." Sabi ni Aikoh.
Napatitig si Aikah sa kanyang kuya. "Alam mo ang lahat, bakit wala kang sinabi?" Ilang sandali pa'y napatingin siya sa mga binti ng kuya.
"Dahil posibleng ang pinaniniwalaan nating katotohanan ay siya palang totoong kasinungalingan." Sagot nito at di na muling nagsalita pa.
Muntik ng mawala ang buhay niya dahil sa paniniwala sa isang kasinungalingan kaya hindi na niya iyon uulitin pa. Mahalaga ang identity niya at ang yaman ngunit mas mahalaga parin ang buhay niya.
Kapansin-pansin din ang pagiging balisa ngayon ni Avey na isa din sa dahilan ay ang pagpaparamdam ni AIRIZ dito.
Kaya lang natitiyak niyang walang kinalaman ang AIRIZ INTERNATIONAL kay Aida ngunit binabangga rin ng kompanyang ito ang L Group.
Pinindot ni Aikoh ang button ng kanyang wheelchair at kusa naman itong gumulong papunta sa elevator. Pinindot niya ang button na papunta sa underground laboratory.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top