TBH 44: The real culprit

Napaluhod si Arthron. Sinubukan niyang iligtas ang anak kaso hindi na niya ito naabutan.

Gusto ni Avey na iligtas ang anak, gaya ni Arthron, tumakbo din siya para pigilan si Throne ngunit nakita na lamang niyang nalaglag na ito.

"Hindi." Nanghina ang kanyang mga tuhod at napaupo. "Throne." Nanghihina niyang sambit.

Si Throne. Ang anak na siyang dahilan kung bakit siya nagsikap. Kung bakit pinili niyang magsinungaling sa lahat. Para lang sa magandang bukas ng anak niyang hindi niya alam kung sino ang ama.

Para maitago ang lihim ng anak, pinili niyang patayin ang Don. Para mabuhay sila ng marangya ginawa niya ang lahat kahit na maling landas na ang tinatahak niya.

Masaya siya nang malamang nakulong na si Airah at nasira na ang reputasyon nito at mas nagiging masaya siya nang mabalitaang namatay na ang dalaga at ang Don. Nag-aalala siya nang malamang nagising na ang anak at tumakas sa hospital. Nag-alala siya na baka sasabihin nito ang totoo. Ngunit hindi niya inaakala na aakuin ng anak ang mga kasalanang siya ang may gawa.

At ang di niya inaasahan ay ang pagpapakamatay nito. Tila umikot ang mundo at naramdaman na lamang niyang dumilim ang paligid. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Nanghihina naman sina Raven makitang wala na si Throne. Hindi nila makita ang ibaba dahil sa sobrang dilim ng paligid. May mga pulis ang nag-presintang bumaba para maghanap.

"Kuya. Bakit mo ginawa yon?" Napatingin siya sa ama. "Dad, maliligtas pa si kuya di ba? Maliligtas pa siya." Ang lumuluha niyang sambit.

"Kuya Throne." Ang lumuluhang sambit ni Aina.

Kahit hindi man palasalita si Throne at di sila gaanong kinakausap ngunit alam niyang may mabuti naman itong puso. Minsan man itong nakagawa ng pagkakamali iyon ay dahil masyadong nape-pressure nang dahil kay Avey. Saka hindi kagaya nina Alvira at Ava na isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap sa Lionheart Academy sina Aiden at Aina.

Kung sila nagluluksa sa pagkahulog ni Throne si Arthur naman nakatulala habang pinagmamasdan ang sumabog na sasakyan na sinakyan ni Airah sa pagtakas.

Bumalik sa alaala niya ang balitang namatay ang anak niya sa oras ng kasal nila ni Nova. Ang wedding anniversary nila ni Nova ay Death Anniversary din ng panganay niyang anak. Kaya naman hindi sila nag-celebrate ng wedding anniversary kahit minsan dahil magpapaalala lamang ito sa mga kasalanang nagawa niya kay Aida.

Gusto niyang malaman ang totoo kung bakit nangyaring pagkawala ng brake ng motorbike ngunit ano pang saysay ng katotohanan kung wala na ang dapat niyang protektahan?

"Airah, sana naman ay buhay ka." Sambit niya bago umalis sa nasabing lugar.

Alam niyang alam ni Airah ang totoo pero pinili nitong manahimik. Dahil gusto nitong subukan ang kakayahan ng ama at kung makakaya ba nitong linisin ang pangalan niya sa sarili nitong pamamaraan.

***
Kaharap ngayon ni Aikoh si Aikah habang pinapanood ang sunod-sunod na balita sa TV na patungkol sa nangyayari sa kanilang pamilya.

"Masaya ka na ba?" Cold na tanong ni Aikoh.

Napayuko naman ang kapatid at nanginginig ang mga kamay nito.

"Wala na sila. Wala ng aagaw sa trono mo. Magpakasaya ka na. Sana naman magiging masaya ka." Sabi ni Aikoh sa kapatid.

Tumulo naman ang luha ni Aikah sa narinig. "Im sorry." Nanginginig ang mga labi nito habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Sorry? Anong saysay ng pagsosorry kung wala kang balak baguhin ang sarili mo? Anong silbi ng sorry kung wala na ang dapat makakarinig nito?  Nagsorry ka ngunit may ginawa ka ba para mapatunayang nagbago ka?" Sambit ni Aikoh.

"Mabait ka. Mabait ka nga." Patuyang sabi ng lalake. "Mabait ka lang. Mukha lang. Ngunit mas masahol ka pa sa iyong ina. Wala kang pinagkaiba sa kanya."

Kung may mas nakakakilala man kay Aikah iyon ay si Aikoh. Mula bata kapag may gusto si Aikah ipinapadaan lamang niya sa luha at maaawa lahat sa kanya at pagbibigyan siya. Kapag munting away silang magkapatid kahit walang kasalanan si Aikoh napapagalitan siya dahil lang sa umiyak ang kapatid niya. Nagiging masamang anak siya sa paningin ng lahat dahil sa inaapi niya ang kapatid.

Wala siyang ginawa ngunit palage siyang naaakusahan dahil lang sa mukhang babasagin ang kapatid at mukhang mahina. Saka nakakaantig sa puso kapag nagpapatulo na ng luha. At dahil napapagalitan naman siya na walang kasalanan lumayo ang loob niya sa kapatid at tinotohanan na ang mga akusasyon sa kanya. Kapag nagkakaroon siya ng pagkakataong apihin ito ginagawa niya.

Dahil kay Aikah, wala siyang feelings sa sinumang nalalaman niyang kapatid niya o kadugo. Dahil para sa kanya ang lahat ng kadugo niya magiging kaagaw niya sa lahat. Kaagaw sa atensyon, pagmamahal at yaman. Hangga't may kapatid siya walang makakapansin sa kanya. Walang makakakita kung nasasaktan siya. Walang may pakialam kung may sakit siya o kung kailangan din naman niya ng karamay.

Kaya nang dumating ang iba pang mga apo ng Don mas lalo lang siyang nagiging cold. Saka iniisip niyang pumunta lamang sila sa mansion dahil sa yamang meron ang Don. Hindi dahil sa gusto nilang makita ang mga kapamilya nila at di dahil sa may pakialam sila sa pamilya. Yaman lang ang pakay nila kaya para Aikoh lahat sila gold digger.

At kung magkunwari silang concern, para sa kanya pakitang tao lang lahat. Gusto lang makuha ang loob ng lolo nila at ang loob ng iba.

"Wag mong dinadamay si mommy. Wala siyang kasalanan. Kasalanan ko ang lahat." Sagot ni Aikah.

"Bibigyan kita ng huling araw para magpakatotoo. Huling araw Aikah." Sabi ni Aikoh at pinindot ang button ng kanyang wheelchair saka nagtungo sa elevator.

Naiwan naman si Aikah na nakatulala.

Madaling araw na ngunit wala pa ang iba. At wala paring balita tungkol kina Airah at Throne. Hindi parin matagpuan ang mga katawan nila.

Paroo't-parito naman si Aikah na naglalakad sa sala. Ilang sandali pa'y kumuha ito ng tubig sa isang pitsel na nasa mesa.

"Aikah!"

Napatalon si Aikah sa sobrang gulat at nabitiwan ang hawak na baso. Bumagsak ang baso sa sahig at kumalat ang tubig at ang basag na baso.

"D-dad?" Natataranta nitong sambit at halatang kinakabahan.

Mabilis namang nilinisan ng mga katulong ang sahig habang si Aikah pumunta sa study room ni Arthur.

Nagkatinginan ang mag-ama. Parehong may mga eyebags sa paligid ng mga mata. Halatang walang maayos na tulog.

"Sabihin mo ang totoo. Makikinig ako." Mahinahong sabi ni Arthur. Naniniwala siyang walang kinalaman si Aikah pero hindi siya naniniwalang inosente ito.

Mabilis namang lumuhod si Aikah. "Im sorry dad. Kasalanan ko ang lahat." Sambit nito at naoahagulhol na.

Gustong-gusto na niyang sabihin ang totoo ngunit natatakot siya. At mas nag-alala sa ina lalo na nang madisgrasya ito dahil sa kanya.

"Tinanggal ko ang brake sa sasakyan ni Ate Airah dahil gusto kong hindi na siya magiging lead star ng play. Hindi ko sinasadyang mapahamak si Kuya Aikoh. Wala akong balak manganib ang buhay nilang dalawa."

"Im sorry dad. Im sorry."

Napapikit si Arthur para pakalmahin ang sarili.

"Anong dahilan kung bakit nadisgrasya si Nova?" Tanong niya makalipas ang ilang sandali.

"Inamin ko kay mommy ang totoo, at nagtext ako sa kanya na sasabihin ko na ang totoo. Saka ko nalamang may nangyari kay lolo."

"Nagmamadaling umuwi si mommy para pigilan ako kaya lang nadisgrasya siya." Pagkukwento ni Aikah habang nababalot ng pagsisi ang mga mata.

"Gusto ko ng sumuko sa mga pulis, ngunit nag-aalala ako kay mommy. Kasalanan ko ang lahat kaya ako dapat ang nasa sitwasyon ni kuya. Ako dapat ang nasa hospital sa halip na si mommy at ako dapat ang ikinulong sa halip na si Ate Airah." Pagpapatuloy nito.

Napahawak si Arthur sa ulo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sunod-sunod na nangyayaring problema. Una nawala ang Don. Hindi parin nahuhuli ang salarin. Kasunod nito ang pagkadisgrasya ni Airah, ang pagkahulog ng katawan ni Throne sa bangil at ang nagawang krimen ni Aikah.

Gusto niyang protektahan ang reputasyon ni Aikah ngunit unfair iyon para kay Airah. Hindi niya naprotektahan ang reputasyon ni Airah gayong napagbintangan lamang ito tapos ngayon poprotektahan niya ang reputasyon sa anak niyang siyang tunay na may kasalanan? Kung patay na talaga si Airah matatahimik ba ang kaluluwa nito? At kung buhay naman, tiyak na madadagdagan lamang ang galit na nararamdaman nito sa kanilang pamilya.

***

Matapos maibalita ang pagpanaw ng Chairman ng L Group at missing bodies ng dalawang tagapagmana nito, sumabog naman ang pag-amin ng isa pang heiress sa media.

Nalaman ng lahat na inosente ang suspect na heiress at wala itong kinalaman sa nangyaring aksidente ni Aikoh maging sa aksidente ni Don Art. Lahat ng ito ay kasalanan nina Throne at Aikah na siyang tunay na salarin at si Airah ay isa lamang biktima ng dalawa.

Marami ang naaawa kay Airah lalo na nang malamang hindi parin nahahanap ang katawan nito. Samantalang marami namang kumukutya kay Arthron at sinasabing napakasama pala niya na nagawa pang patayin ang sariling lolo dahil lang sa mana.

Si Avey naman halos mabaliw na nang magising. Lalo na nang malamang siya ang sinisisi ng lahat dahil hindi niya nagampanan ng maayos ang pagiging ina niya at marami ang nagsasabi na siya ang dahilan kung bakit napilitan si Throne na gawin ang lahat para maging isang karapat-dapat na tagapagmana.

Si Ava naman hindi na makakapasok sa paaralan dahil kinamumuhian na siya ng lahat sa pagiging isang kapatid ng isang kriminal.

Iniisip ng lahat na may alam siya sa nangyari kahit wala talaga siyang alam sa lahat. May nagsabi naman na kaya pala pinipilit niyang ibunton kay Airah ang sisi para hindi malaman ng lahat na kuya niya ang tunay na salarin.

"Wala akong kasalanan. Wala akong kinalaman. Bakit ba pati ako sinisisi ng lahat?" Sigaw ni Ava at napahagulhol na.

Si Nova naman halos sugurin na ang anak nang makita ito.

"Di ba sabi ko sayo wag mong aminin na kasalanan mo ang lahat? Bakit di ka nakikinig ha?" Sigaw ni Nova. Pinipilit tumayo ngunit dumilim ang kanyang paningin kaya muli na lamang siyang humiga.

Gaya ng dati, paulit-ulit na nanghihingi si Aikah ng tawad. Kahit ayaw niyang aminin ang totoo ngunit hindi na kaya ng konsensya niya at palage lamang siyang dinadalaw ng masamang panaginip. Pakiramdam niya mababaliw na siya kaya naman nang tanungin siya ng ama at makita ang tiwala sa mga mata ng ama inamin na niyang kasalanan niya ang nangyari kay Aikoh.

Umiyak na lamang si Nova. Hindi niya inaasahang sisirain ng anak ang lajat ng pinaghirapan niya. At ang pangalang iniingatan niya.

Wala na nga ang anak ni Aida. Wala na rin ang posibleng kalaban ni Aikoh sa pagiging tagapagmana ng L Group pero ano pang saysay nito kung pati siya wala na ring naiiwang karapat-dapat na maging tagapagmana dahil ang isa may criminal record na at ang isa naman baldado na. Wala ng silbi ang mga tagapagmanang sinikap niyang palakihin ng maayos at hinubog para magiging isang karapat-dapat na tagapagmana ng L Group.

"Wala na. Wala na ang lahat ng pinaghirapan ko." Sambit ni Nova habang nakatingin kay Aikah. Ilang sandali pa'y hinimatay ito.

"Mommy!" Sigaw ni Aikah makitang hinimatay ang ina nang dahil sa galit, lungkot at pagkadismaya sa nangyayari sa mga anak niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top