TBH 41: Suspect


Huminga ng malalim si Airah bago lumabas ng hospital. Sa pagkakataong ito nakasuot siya ng panlalaking damit. Pinakapal ang kilay at nagsuot ng boy hairstyle wig. Kampanteng lumabas ng hospital at dumaan pa sa kalagitnaan ng mga reporters na gustong makakuha ng scoop para sa pamilyang Lionheart.

May taxi ang tumigil sa tapat niya. Agad naman siyang sumakay.

"Saan tayo pupunta Miss Airah?" Tanong ni Akiro na nagpapanggap na taxi driver.

"Mamasyal." Sagot ng dalaga at huminga ng malalim. Gusto niyang mag-unwind para pakalmahin ang sarili.

"Ayos ka lang ba?" Maya-maya'y tanong ng lalake sa kanya.

"Ayokong magalit at masira ang araw ko nang dahil sa mga taong yon. Hindi sila worth it para masira ang araw ko nang dahil sa kanila."

Katahimikan ang sumunod na namagitan sa kanilang dalawa.

"Si Young Master Throne, alam na niya ang totoo." Sabi ni Akiro makalipas ang ilang minuto.

"Tung CCTV camera sa silid ni lolo?" Tanong ni Airah.

"Nabura ang CCTV footage sa oras bago ka dumating. Na sa hinala namin ay may kusang nagbura." Sagot ni ni Akiro.

Naikuyom ni Airah ang kamao.

"Gusto kong malaman ang sunod nilang plano." Sabi niya.

"Anong gagawin mo?"

Tiningnan siya ni Airah at nag-usap sila sa susunod na gagawin.

***

Hapon na nang makabalik si Airah sa mansiyon. Aakyat na sana siya sa grand staircase nang may tumakip sa kanyang ilong at nakaramdam ng pagkahilo.

Nang magising muli narinig niya ang sigaw ni Ava. At natuklasang nahulog sa hagdan si Throne at wala ng malay.

"Ate Airah, anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Aina nang umakyat sa hagdan.

"Airah, kahit galit ka sa amin o kay Throne hindi mo siya dapat tinulak." Sabi ni Alvira sa kanya.

"Tinulak?" Naguguluhang tanong ni Airah.

May mga pulis ang pumasok sa silid ni Don Art at sa silid ni Airah. Nakaupo naman ngayon sa sala sina Aina, Raven, Alvira, Ava, Arthur, Aiden at si Aikoh na naka-wheelchair habang hinihintay ang ginawang pag-iimbestiga ng mga detective at mga pulis.

Wala ring pinayagang makalabas ng mansion at kahit ang mga guwardiya at mga maids ay kabilang sa mga suspect sa nangyari sa Don at kay Throne.

Si Throne naman dinala na sa hospital kasama ang kanyang ama.

Tiningnan ng mga pulis ang CCTV footage at nakita ang isang babae na may kaparehong suot ni Airah ang pumasok sa study room ng Don at may kinuhang papeles mula sa safe nito.

May mga finger print din si Airah sa mga gamit sa loob at natagpuan din ang isang Will and testament sa silid ng dalaga.

Nakapaloob sa testamento na ito na kung mamamatay si Don Art, si Throne ang papalit sa pwesto ng matanda at siya ng bahala sa kanyang mga kapatid at pinsan. Bibigyan din ng ilang mga ari-arian ang ilan pang mga apo ng Don. At mas marami ang makukuha sa mga ari-arian na ito sina Aikoh at Aikah at ang mga apong lumaki sa mansion kasama ang Don.

Nakapirma na ang abogado ng Don at pirma na lamang ng matanda ang kulang.

"Siguro bago makapirma ang Don may umatake na sa kanya." Sabi ng isang pulis at napatingin kay Airah.

Naisip niyang sinayang ni Airah ang buhay niya at nagawang saktan ang mga taong kumupkop sa kanya dahil lang sa mana at sa galit dahil kahit kinupkop na siya ng Don kunti lang ang ipapamana sa kanya.

"Ang batang to, nakaturo na nga sa kanya ang lahat ng mga ebidensya, kalmado parin." Sambit ng isang pulis na medyo nakaramdam ng panghihinayang dahil iniisip niyang maganda sanang pagkabata at parang may magandang upbringing pero may may masamang puso pala.

Pinakita ng mga pulis kina Arthur ang CCTV footage at sinabi din ng mga ito ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

"Hindi ito totoo. Hindi magagawa ni ate Airah ang mga bagay na ito." Sambit ni Aina.

"Ate Airah. Hindi ikaw to di ba? Hindi ako naniniwala na ikaw to." Sabi naman ni Aiden.

"Airah." Sambit ni Alvira na hindi rin makapaniwala sa nakita. Kahit masungit at palage silang ginagalit ni Airah pero hindi sila naniniwala na magagawa nitong saktan si Throne at si Don Art dahil lang sa mana.

Higit sa lahat hindi nakikita ang mukha ng babae sa CCTV. Pareho lang ng suot kay Airah at pareho din ng pangangatawan.

"Airah sabihin mo. Hindi ikaw to. Hindi mo magagawa ang ganitong bagay di ba?" Tanong din ni Raven ngunit shoeprint at finger print na naiwan sa study room at sa katawan ni Throne pawang si Airah ang itinuturo.

Hindi maintindihan ni Airah ang nararamdaman makita ang reaksyon ng mga pinsan at kapatid. Hindi niya inaakala na hindi agad sila naniniwala sa nakita at sa sinabi ng mga pulis sa halip ay hinihintay nila ang sasabihin niya na para bang sinasabi ng mga ito na nakadepende ang sagot niya sa dapat papaniwalaan nila.

Napatingin siya sa kanyang ama na kalmado lang na nakatingin sa kanya. Isa sa mga bagay na pakiramdam niya may mali sa mga nangyayari sa paligid. Hindi magaling umarte ang ama kaya alam niya kung umaarte ito o totoong nag-alala.

Si Aikoh naman seryosong nakatingin sa kanya na parang hinihintay kung ano ang susunod niyang gagawin o sasabihin habang si Ava, galit na galit ito nang makita ang CCTV at sinunggaban si Airah ngunit nadapa ito at natisod.

Inalis naman ni Airah ang paa saka nakangiting tiningnan si Ava.
"Walangya ka. Papatayin kita."

"Halimaw ka. Wala kang puso." Galit na galit nitong sigaw. Susugurin sanang muli si Airah pero humarang na si Arthur.

Tiningnan lamang ni Airah si Ava na tila ba sinasabi na napaka-stupid ng kaharap kaya naman mas uminit ang dugo ni Ava lalo na nang marinig ang sinabi ni Airah sa kanya na "stupid at fool."

Ang dahilan kung bakit naiirita sila kina Aikoh at Airah dahil sa mga tingin nila na para bang sinasabi na napakatanga nila. Lalong-lalo na kung binibigkas pa ni Airah ang salitang ipinapakita ng kanyang tingin.

"E ano naman kung matalino ka? Di mo ba kita na makukulong ka na? Kahit matalino ka may mas matalino parin sayo. At dahil sa katalinuhan mo makukulong ka na rin. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan at di na makakalaya pa." Sigaw nito kay Airah.

"Mangyayari lang yon kapag di na magigising sina Throne at Lolo kaya ipagdasal mo munang di sila magigising para habang buhay akong makukulong. Ang tanga mo talaga." Sagot ni Airah na lalong ikinausok ng ilong ni Ava.

Nagkatinginan ang mga pulis makita ang bangayan ng magpipinsan at ang reaksyon ni Airah kahit na siya ang tinuturo ng mga ebidensya. Humanga sila sa pagiging kalmado ng dalaga na hindi kayang gawin ng kahit mga matatanda na.

"Miss Airah, ikaw ang suspek sa nangyaring aksidente kay Throne Lionheart at kay Chairman Arthuro Lionheart. May sasabihin ka pa ba?"

Ibinigay naman agad ni Airah ang wrist niya para malagyan ng posas na ikinatigil ng mga pulis at tila nagulat pa sa ginawa ng dalaga.

"Wala ka man lang sasabihin?" Tanong ng isa pang pulis.

"Bakit? May itatanong pa kayo?" Tanong pabalik ni Airah. "Kung wala na. Tayo na."

Napaubo ang pulis at kinuha ang dalang posas para ilagay sa mga kamay ng dalaga.

"Airah!" Sambit ni Aikoh makitang di man kang ipinagtanggol ni Airah ang sarili.

"Bakit mo to ginagawa? Aakuin mo ang kasalanang di naman sayo?" Napataas ang kilay ni Airah sa sinabi ni Aikoh.

"Bakit? Ako naman talaga ang nagtulak kay Throne kaya nahulog sa hagdan. Saka ako din ang nagtulak kay Don Art kaya bumangga ang ulo niya sa mesa at nawalan ng malay." Pag-amin ni Airah.

"Hindi po tinulak si Don Art, may humampas po sa ulo niya." Sagot ng isang detective na nag-imbestiga sa kaso ni Don Art.

"Ay, hindi pala. Hinampas ko siya ng Vase." Pagbawi ni Airah. Napakunot ang ulo ng mga pulis at detectives sa sagot niya.

"Isang baseball bat ang hinampas sa kanya Miss Airah. Wala ka bang naalala sa nangyari?" Tanong ng isang babaeng pulis.

"Ay bat pala, siguro nga medyo lutang pa ako. Sige na, ikulong niyo na ako."

Ito na yata ang kriminal na siya pang atat na makulong at parang nagyayaya lang mamasyal. Sobrang kalmado rin na parang wala siyang kinalaman sa mga nangyayari sa paligid.

"Ano pang hinihintay niyo? Let's go." Yaya niya sa mga pulis na magdadala sa kanya.

"Ate Airah." Naluluhang sambit ni Aina.

"Ikaw ba talaga ang gumawa non? Bakit di mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo? Alam kong di mo yun magagawa." Ang lumuluha nitong sambit.

Tiningnan lamang siya ni Airah at nginitian. Sumakay na si Airah sa police car.

"Bakit niyo ba kinakampihan ang babaeng yon? Kitang-kita niyo na ngang siya ang maygawa pero nagpapakabulag parin kayo?" Sigaw ni Ava sa kanila bago ito umalis habang umiiyak.

"Dad." Tawag ni Aikoh makitang papaalis si Arthur. Napatigil naman si Arthur sa pag-alis nang tawagin siya ni Aikoh.

"Alam ni Airah ang ginagawa niya." Sabi ni Arthur bago umalis.

"Wala man lang ba kayong gagawin?" Tanong ni Alvira.

"Di ba galit ka kay Airah bakit nagkukunwari kang nag-alala diyan?" Sagot ni Raven at inirapan ang half-sister na ito.

"E ano naman kung ayaw ko sa kanya at galit ako sa kanya? Anong kinalaman nito sa tunay na kriminal? Kapag di nahuhuli ang tunay na kriminal ibig sabihin patuloy na malalagay ang buhay natin sa panganib. Gamitin niyo nga iyang mga utak niyo?" Sagot ni Alvira.

"Ikaw nga ang madalas di ginagamit ang utak e. Himala nga at ginagamit mo na sa ngayon." Sagot naman naman ni Raven na ikinasama ng mukha ng half-sister niya.

"Wag na kayong mag-away. Lalala lang ang sitwasyon kung mag-aaway-away pa tayo. Bakit di nalang tayo mag-imbestiga sa kung ano talaga ang tunay na nangyari?" Suhestiyon ni Aina.

"Oo nga. Hindi ako naniniwala na magagawa ni Ate Airah ang anumang paratang sa kanya at malalaman lang natin ang totoo kung magising na si Throne at Lolo pero paano kung matatagalan pa? Anong mangyayari kay Ate Airah?" Sabi ni Aiden.

"Makukulong ba talaga si Ate Airah? Dinala siya ng mga police di ba? Di ba underage pa siya?" Tanong ni Aina.

"Hindi naman siguro. Baka tatanungin lang nila si Airah kung sino ang nag-utos sa kanya o ba kaya kung sino ang mastermind sa lahat ng mga nangyayari dito. Pwede siyang idetained ng 24 to 54 hours ba yata yun pero hindi naman siguro siya makukulong." Sabi ni Raven.

"Kaso inamin niya ang mga kasalanang ibinintang sa kanya." Sagot ni Aina.

"Antayin nalang natin kung kailan magigising si Throne. Kapag mangyayari yon malalalaman din natin ang totoo at malilinis na rin ang pangalan ni Airah." Sabi ni Raven.

***

Napatingin si Airah sa silid na pinaglagyan sa kanya. Walang bintana ang nasabing silid at mahina rin ang ilaw na patay-sindi pa. Wala ring upuan ni mesa at kulay gray naman ang buong paligid.

"Talagang gusto nila akong pahirapan a. Tsk. Tsk. Tsk." Sambit niya at Iiling-iling pa. Umupo siya sa gilid at isinandal ang likuran sa pader. Damang-dama niya ang lamig ng likuran niya.

Napatingin siya sa isang sulok kung saan nakalagay ang isang maliit na spy cam. Nag-smirked siya saka pumikit.

"Tingnan natin kung hanggang saan ang kakayanin niya sa lugar na ito." Nakangiting sambit ng isang babae.

"Hindi ko alam na may pagkabubo pala itong apo ni Arthuro at kusang nagpahulog sa patibong na nakalaan para sana sa iba." Sabi ng babae. Siya ang babaeng nag-utos noon sa isang nurse para patayin ang Don kung saan naka-confine din noon ang papa Andrey ni Airah.

"Ayos lang. Hindi na tayo gaanong mahihirapan pang iligpit siya." Sambit niya pa saka sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top