TBH 40: Throne's real identity
Throne's P.O.V
Palihim akong lumabas ng hospital na nakadesguise. Mabuti nalang talaga at may nagpahiram ng jacket at cap sa akin kanina. Ngayon naman pinahanap ko ang doctor na nag-asikaso kay mommy.
Nang sabihin ni daddy na hindi ko dapat ginagaya ang anumang pagkakamaling nakikita ko, naisip kong may itinatago silang dalawa ni mommy sa akin o sa amin.
Nandito na ako ngayon sa isang hotel na isa sa mga properties na nakapangalan sa akin.
"Nandito na po siya, young master Throne." Sabi ng butler ko.
Inutusan ko siyang papuntahin si Dr. Min gamit ang pangalan ni mommy.
Bumukas ang pintuan at nakita ko si Dr. Min. Natigilan siya at halatang gulat na gulat nang makitang hindi si mommy ang nandito.
"Ikaw pala young Master Throne." Sabi ni nang makahuma na. Huminga ng malalim at kalmadong naglakad palapit sa akin.
"Ano ang kailangan mo sa akin Young Master?" Magalang niyang tanong.
Tinuro ko ang single couch sa gilid at agad naman siyang umupo rito.
"Alam mong may sakit si mommy kaya bakit inaasahan mong siya ang makipagkita sayo?" Tanong ko sa kanya. Kung may iniinom lang siya sa mga oras na ito baka naibuga na niya.
"Hindi totoo yan. Bakit ko naman iisipin na siya ang makikita ko. Inaakala ko lang na butler niya o ang assistant niya ang nandito." Mabilis niyang sagot.
"Gulat na gulat ka kasi nang makita mo ako. At hindi ko alam na may lihim pala kayong transaction ni mommy dahil kundi pa bakit nasabi mong inaakala mong butler ni mommy o assistant niya ang nandito."
"Sa totoo lang nagtataka nga din ako kung bakit ako pinatawag ni Madam Avey."
Napatsk ako. Ganon na ba ako katanga para pagsinungalingan ng ganito? O baka mukha lang talaga akong uto-uto na madaling paikutin?
"Hindi nalang ako magpaliguygoy pa. Ano ang tunay na kondisyon ni Mommy Avey?" Seryosong tanong ko. "Yung totoo." Dagdag ko pa na may matalim na tingin.
"May sakit sa puso ang iyong ina." Mabilis niyang sagot. Pero kapansin-pansin na pinagpapawisan siya at hindi mapakali ang mga kamay niya.
"Yung totoo ang sinabi ko di ba? O baka naman gusto mo ng mamatay?" Tiningnan ko ang aking butler at naglabas naman agad ito ng pistola.
"One more lie and you'll be dead." Banta ko. Namutla bigla ang doktor makitang nakatutok na sa kanya ang pistola na hawak ng aking butler.
"Alam mo ba itong ginagawa mo? Gusto mo bang makulong?" Ang kaninang takot ay napalitan ng galit. Napabuntong-hininga na lamang ako. Siguro nga hindi ako kasing intimidating nina Aikoh at Airah. Wala ring fierce aura na katulad ni lolo kaya hindi sila natatakot sa akin.
"Barilin mo na siya. Ay sandali lang lagyan mo ng silencer para di makakuha ng atensyon. Saka natin ipapadala ang bangkay niya sa kanyang pamilya." Utos ko sa butler. Pumasok naman ang mga bodyguards ko na may dalang garbage bag para lalagyan ng bangkay.
"Sasabihin ko na. Wala siyang sakit. Wala talaga siyang sakit sa puso." Mabilis na sagot ni Doktor Min nang kalabitin na ng butler ang pistola.
Nabigla ako sa natuklasan. Totoo ang hinala ko. Wala ngang sakit si mommy pero bakit niya ginawa ang bagay na iyon?
Napatingin ako kay Dr. Min n nakapikit parin ngayon dahil sa sobrang takot at hinihintay ang pagtama ng bala ng pistola sa kanyang katawan ngunit dahil wala siyang narinig na putok at wala ring nararamdamang sakit agad niyang naidilat ang mga mata.
Sinindihan ng butler ang sigarilyo nito saka hinipan ang muzzle ng pistola. Lighter ang fake pistol na ito at hindi totoo.
Nanlilisik ang mga mata nang ibaling ni Dr. Min ang tingin sa akin matuklasang hindi totoo ang pistola. Naibagsak ang likuran sa couch na tila nawalan ng lakas dahil sa tindi ng takot at kaba. Kapansin-pansin naman ang panginginig ng kanyang mga tuhod at unti-unti na ring nagkakulay ang namumutlang mukha.
"Example lang yon pero totoo na sa susunod. Kaya sagutin mo ako ng totoo. Ano ang dahilan kung bakit nagsinungaling kayo ni mommy?"
"Wala akong alam. Binayaran lang niya ako at palabasing may sakit siya. Wala na akong alam sa anupamang dahilan niya." Pagtatapat ni Dr. Min.
Naglakad palapit sa kanya ang sampong bodyguards na ikinalaking muli ng kanyang mga mata.
"Ano pa bang kailangan niyo? Iyon lang ang alam ko bakit niyo ba to ginagawa sa akin?" Nanginginig niyang sambit at takot na takot na nakatingin sa sampong bodyguards.
"Wala siyang sakit. Malusog pa ang katawan ni Mrs. Avey Lionheart. Bukod pa dito wala na akong alam sa anupamang dahilan kaya pakiusap, pakawalan niyo na ako. Kung gusto mong malaman ang totoo siya na lamang ang tanungin mo. " Mabilis niyang sambit. Mukhang wala nga siyang alam sa binabalak ni mommy at sa dahilan nito kung bakit nagawa niya kaming lokohin.
"Makakaalis ka na at wag na wag ng bumalik pa." Sabi ko. "Wag ka ng bumalik sa mansion."
Nagmamadali naman siyang lumabas ng kwarto na parang hinahabol ng aso.
***
Nagtungo ako sa rest house kung saan nagbabakasyon si mommy Avey. Ang rest house kung saan kami nagbabakasyon dati.
Sa back door ako dumaan. May puno kasi malapit sa bintana papunta sa isang silid kaya umakyat ako sa puno at pumasok sa bintana.
Walang bantay sa backdoor pero may code na dapat pindutin bago makapasok sa loob kaya mas mainam na umakyat na lamang sa puno.
Pagkapasok ko sa loob hinanap ko agad kung nasaan si mommy hanggang sa matagpuan ko siyang nakaupo sa balcony. May kausap siyang lalake at ito rin ang lalaking nakita ko dati.
"Nagsagawa ulit si Don Art ng DNA test kaya kunin niyo ang test result sa study room niya bago pa man makita ng iba." Rinig kong sabi ni mommy.
DNA test? Tapos na akong ipa-DNA test pero bakit nagsagawa ulit si lolo?
"Ano bang pinag-alala mo? Ano naman kung nagsagawa siya ng panibagong DNA test?" Sagot ng lalake. Ngunit lalo lang nagiging anxious si mommy.
"Dahil hindi niya apo si Throne."
ANO?
Hindi niya ako apo? Hindi ako isang Lionheart? Bakit? Paano?
Para akong pako na nakabaon sa kahoy. Hindi makakilos sa sobrang gulat.
"Hindi siya tunay na apo ni Don Art. At wala siyang dugong Lionheart. Kaya paanong hindi ako mag-alala?"
Napasandal ako sa pader. Nag-flash back sa isip ko ang sinabi ni lolo sa akin.
"Hindi kadugo at tagapagmana ang kailangan ko kundi tunay na apo. Tunay na apo na hindi ako minahal dahil sa yaman at dahil sa dugo ko ang nananalaytay sa mga ugat nila."
May alam na ba si lolo sa kung sino ako? May kinalaman kaya si mommy sa nangyari sa kanya ngayon?
"Huli na. Alam na ng Don ang totoo." Sabi ng isang babae na kararating lang. Hindi ako gumalaw sa kinaroroonan sa takot na mahuli nila.
"Nabuksan na niya ang envelope kaya naman tinuluyan ko na." Sabi ng babaeng hindi ko kilala.
Napasinghap ako sa narinig. Si mommy... Hindi ito totoo. Paanong sangkot si mommy sa nangyari kay lolo?
"Bago pa man niya masabi sa lahat ang totoo, kailangan niyang mamatay." Mariing sagot ni mommy.
Kailangang makaalis ako dito at mailigtas si lolo. Tatakbo na sana ako ngunit isang kamay ang humawak sa aking braso. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nagiging mapabo ang aking paningin dahil may mga luha na palang namumuo sa mga mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni mommy at tumakbo palapit sa kinaroroonan ko.
I blinked my tears ang look at my mom with pain in my eyes.
"Mommy. Bakit mo nagawa ang mga bagay na ito? Bakit?" Naluluhang sambit ko.
"Let me explain first okay." Pinaalis niya ang lalaking humarang sa akin saka dinala sa living room.
Ang inang palaging may ngiti sa labi kahit nagagalit na. Ang ina na inaakala kong maldita lang ngunit hindi masama. Ang ina na nabuhay sa yaman ni Don Art at umaasa sa yamang hindi kanya ay siyang culprit kung bakit nasa panganib ngayon ang buhay ni grandpa.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganitong mga bagay a."
"Mommy." Sambit ko at tuluyan ng walang tigil sa pagdaloy ang aking luha. "Hindi ako apo ng Don kung ganon bakit iba ang resulta sa dating DNA test?
Puro na lamang ako ng bakit. Bakit kasi? Bakit nga ba?
"Ano naman kung hindi ka isang Lionheart? So what? Hindi lang naman ikaw ang hindi niya kadugo a." Sigaw ni mommy na ikinatigil ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Itinago niyo kay lolo ang lahat? Kung hindi ko siya kadugo then hindi ko rin ama si Daddy Arthron?"
Natigilan si mommy sa tanong ko. Kaya naisip kong hindi nga ako anak ni Arthron. Kung gano'n sino ang aking ama?
"Kung alam pa niya malamang wala na tayo sa mansion ngayon?" Sagot ni mommy na halatang wala siyang pinagsisihan sa mga nagawa niya dati.
"Bakit kayo nagsinungaling sa kanya? At bakit niyo siya kailangang patayin?"
"Pakiusap tama na. Isang malaking kasalanan ang ginawa mo. Makukulong ka sa ginawa mong ito." Sambit ko.
"Sa tingin mo malinis na ang kamay mo? May kasalanan ka rin dahil nang dahil sayo kaya ko nagawa ang lahat ng ito. Nang dahil sa inyo kaya ko nagawang magsinungaling. Napaka-incompetent mo kasi."
Incompetent. Useless. Stupid. Weak. Mga salitang ayaw na ayaw kong marinig lalo na kung sa bibig ng ina ko pa mismo maririnig ang ganitong salita.
Useless nga ako. Incompetent nga. Kundi pa bakit wala man lang akong nagawa nang madisgrasya si Fhaye? Kung ako lang sana ang napili ni lolo na papalit sa pwesto niya malamang hindi na gagawin ni mommy ang mga ginawa niyang kasalanan ngayon.
May kinalaman din ba siya sa nangyaring aksidente kina Aikoh at Airah?
"Wag niyong saktan si lolo, pakiusap. Siya parin ang nagpalaki sa akin mommy. Itigil mo na ang kahibangan mong ito. Wag ka ng gumawa pa ng iba pang pagkakamali. "
"Hindi na maitatama pa ang isang pagkakamali. At para habang buhay na maitatago ang isang pagkakamali kailangan niyang mawala." Determinado niyang sagot.
Anong gagawin ko? Tiyak na hindi na niya ako papalabasin hangga't di pa natatapos ang binabalak niya. Paano si lolo?
Kukunin ko na sana ang cellphone sa bulsa ko ngunit nawala na sa kinalalagyan.
"Dito ka na muna pansamantala. Hanggang sa di pa natatapos ang plano namin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top