TBH 4: Meeting her Siblings

"Salamat sa tulong niyo." Sabi ni Airah at yumuko ng bahagya saka nagsimula ng maglakad paalis.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Arthur. Hahawakan sana ang siko ni Airah ngunit umiwas ang dalaga. Binawi na lamang ni Arthur ang kamay niya.

"Alam mong nasa panganib ang buhay mo di ba? Paano kung babalikan ka ng mga yon?" Nag-alalang tanong ni Arthur.

"Buhay ko na yun at problema ko na yun." Lalagpasan na sana si Arthur pero hinarang siya nito.

"Airah, makinig ka naman. Nanganganib ang buhay mo. Alam kong galit ka sa akin. Kung di mo man ako mapapatawad tatanggapin ko yun, ngunit maaari mo bang pagbigyan ang lolo mo?" Cold na tingin lamang ang sagot ni Airah.

"May taning na ang buhay ng lolo mo. Hindi ba maaring pagbigyan mo naman siya kahit kunti?" Pakiusap ni Arthur.

"Sir, marami naman siyang mga apo. Bakit kailangang ako pa?"

Sir. Parang kutsilyong tumarak sa puso ni Arthur ang katagang ito.

"Dahil hindi ka niya nakasama at ngayon lang niya nalamang may apo pa pala siya bukod sa mga apong kasama niya." Sagot ni Arthur na mababakasan ng lungkot ang boses.

"Mas kailangan ka niya. Kailangan niya kayo. Dahil anak ka ni Aida." Singit naman ni Arthron makitang mababakasan ng sakit ang mga mata ng kapatid. Tinapik-tapik ni Arthron ang balikat ni Arthur bago ito naunang maglakad.

Sinundan ni Airah ng tingin ang papalayong pigura ni Arthron. Hindi niya maiwasang maisip muli ang sinabi nito na "mas kailangan ka niya. Kailangan niya kayo. Dahil anak ka ni Aida."

"Kung mas kailangan niya si mama bakit di pa nito ipinakita dati? Bakit ngayon pa? Ngayon pang imposible ng mapapatawad pa siya ni mama." Nakayukong sagot ni Airah.

Sa loob ng isang kotse naman pinagmamasdan ni Don Art ang ikalimang apo. Rinig niya ang sinabi nito na lalong nagpasikip sa kanyang dibdib.

Alam niyang marami siyang mga pagkukulang at pagkakamali sa kanyang asawa at kay Aida. Ngunit gusto niyang makabawi habang may panahon pa siya. Gusto niyang bumawi kay Airah sa lahat ng mga kasalanan at mga pagkukulang niya kay Aida at kay Airah.

"Wala silang pinagkaiba kay Lady Aida." Sabi ni butler Kim sa Don.

Sa lahat ng mga apo ni Don Art si Airah lamang ang hindi nakikitaan ng gulat, excitement, tuwa at galak malamang apo sila ng isang tanyag na bilyonaryo. Halos hindi sila makapaniwalang isa sila sa mga tagapagmana ng Don. Ngunit kabaliktaran nito ang reaksyon ni Airah.

Bukod sa aware itong apo siya ni Don Art, hindi rin ito natutuwang maging isang Lionheart. Wala itong balak maging parte sa buhay ng Don o maging tagapagmana ng anumang yamang nanggagaling sa angkan nito.

"May sakit parin si Andrey. Siya na lamang ang kunin niyo. Sigurado akong lalapit din sa atin ang batang yan."

"Ang problema, nawalang bigla ang lalaking yun. Hindi namin siya nakitang lumabas ngunit wala na siya sa apartment na tinitirhan nila." Sagot ni butler Kim.

Si Airah naman nasa malalim na pag-iisip. Sigurado siyang hindi siya tatantanan ng sinumang naghahangad sa buhay niya at sa buhay ng papa Andrey niya. Base sa sulat ni Andrey batid niyang gusto nitong sumama siya sa kanyang tunay na ama para maprotektahan ang sarili. Hindi niya alam kung ano ang pinaplano ni Andrey ngunit alam niyang para ito sa ikakabuti niya at sa kanyang ina.

At kung malapit siya sa pamilya ng Don mas mapapadali ang paghahanap nila ng mga ebidensya tungkol sa pagkamatay ng kanyang lola.

"Sasama ako ngunit ayaw kong pinagbabawalan ako at masakal sa mga batas ng Don. Gagawin ko ang anumang gusto ko pero kung hindi, wag nalang. Kaya ko namang mabuhay mag-isa e." Nakita niyang nakatulala si Arthur.

"Ayaw mo? Sige. Salamat nalang." Tumalikod na siya at naglakad na paalis.

"Sandali. Oo na. Wag kang mag-alala. Ako ang kakausap sa lolo mo tungkol sa bagay na yan." Mabilis na sagot ni Arthur.

Iniisip kasi niya kanina kung paano dukutin nalang si Airah. Hindi niya inaakalang papayag din itong sumama sa kanila.

Napakunot ang noo ni Airah makita ang tuwa at galak sa boses at mga mata ni Arthur. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang galit ang kanyang ina kay Arthur. Sa tingin kasi niya sa amang ito, mukhang hindi naman masamang tao. Sabagay, baka ang pagkakababaero nito ang dahilan ng galit ng kanyang ina sa lalaking ito.

Malawak ang ngiti ni Arthur habang pasakay na sila ni Airah sa kanyang kotse.

Ang Don naman na nagmamasid sa mag-ama ay napasuntok pa sa ere kaya tumama ang kamao niya sa bubong ng sasakyan na ikinangiwi niya sa sakit.

"Dapat kalma lang kayo Don Art. Mapapahamak kayo niyan e." Sabi ni butler Kim at agad sinuri ang kamao ni Don Art. Napailing siya makitang nakangiti parin ang Don kahit na namumula ang kamao nito.

Agad nilang sinundan ang kotseng sinakyan nina Airah at Arthur.

Napakunot si Airah ng noo makitang dumiretso sila sa isang malaki at malawak na field. Maliban sa malaking gate na nadaanan nila kanina, wala na siyang nakitang mga kabahayan sa paligid.

"Kailangan ko pang bumalik sa apartment." Nandon pa kasi ang mga gamit niya.

"Pinapunta ko na ang mga tauhan ko at dadalhin na nila ang mga gamit mo." Hindi na sumagot si Airah.

Napatingin siya sa malakastilyong gusali sa di kalayuan.

"Kastilyo?" Sambit niya at napatingin kay Arthur.

Tumigil na ang kotse at may mga maid na nakalinya sa magkabilang gilid ng red carpet papasok sa loob ng inaakala niyang kastilyo.

"Nandito na tayo. Ito yung Lionheart mansion." Sabi ni Arthur at bumaba na sa kotse. Pinagbuksan din niya ng kotse si Airah at sabay silang naglakad sa red carpet. Nagsiyukuan naman ang mga butlers, bodyguards and maids ng mansion.

"Wala pa rito ang iba kaya iilan lamang sila ang nakikita mo dito." Sabi ni Arthur na pinagtuunan ng pansin ang magiging reaksyon ni Airah.

Wala siyang makikitang pagkagulat sa mga mata nito ni di pinansin ang mga nadadaanang mga bumabating mga tauhan nila.

Dinala siya ni Arthur sa magiging kwarto niya.

"Ito yung ipinahandang kwarto sayo ng lolo mo, 6 months ago." Dito pa nababakasan ng pagkagulat ang mga mata ni Airah.

"Sa totoo lang, sobrang tuwa niya malamang apo ka pala niya. Kumpleto na nga pala ng gamit ang kwarto mo. Sabihin mo lang kung may iba ka pang kailangan."

Binuksan ng isang maid ang pintuan at pumasok ang dalawa.

"Nakaayos na sa isang closet ang mga gamit mo galing sa apartment."

Napatingin si Airah sa bookshelves, nandito na ang mga libro niya. At may mga libro ding nakalagay sa mga bookshelves na naaayon sa taste niya.

Ipinakilala siya ni Arthur sa dalawang maid na naasign sa kanya. Nagpaalam na rin si Arthur para makapagpahinga na muna siya.

Ilang oras din siyang naglilibot sa kanyang bagong kwarto. May sarili siyang theater room, music room, library, swimming pool, terrace, giant walking closet, wardrobe at sa kanya rin ang isang parte ng attic sa itaas ng kwarto niya.

"Mayaman nga talaga ang Don Art na yun." Sambit niya at naupo sa kanyang bagong kama. Lahat ng mga desenyo at red and white na kulay ay naaayon sa gusto niya. Kahit ang mga pagkain at mga snacks sa ref niya ay ang mga paborito niya. Halatang inalam ng mga ito ang mga bagay na tungkol sa kanya.

Napatayo siya dahil tumunog ang doorbell sa pintuan niya. At nakita niya ang mukha ng isang maid sa isang kahon sa tapat ng pinto niya. Kinuha niya ang remote at binuksan ang de-remote na pintuan.

"Young lady, pinapababa po kayo ni Don Art." Magalang na sabi ng maid na ito. Tinanguan niya ito at bumaba na kasama ang maid.

Habang pababa ng giant staircase, nakatingin ang mga tao sa ibaba sa kanya. Hindi niya pinansin ang mga ito at kalmadong naglakad pababa.

Natigilan siya nang makasalubong ng tingin si Aikoh. Naalala niyang ito yung lalaking nagmaneho sa sports car na sinakyan niya noon.

Cold na mga tingin ang ibinigay sa kanya ni Aikoh. Hindi rin nakawala sa kanyang pandinig ang sinabi nitong "bagong social climber."

Sinalubong naman siya ng nakangiting ginang. Maganda ito, kahit na may mga anak na, hindi parin mahahalata sa mukha niya.

"Oh, hija. Mabuti at bumaba ka na rin. Kanina ka pa namin hinihintay. Siya nga pala, ako si tita mo Avey. Ang asawa ni tito Arthron mo." Nakangiti nitong pagpapakilala sa kanya at nakipagbeso.

"Hello." Bati niya pabalik. Neither cold nor warm.

"And this is my son Throne and my daughter Ava." Tumango si Throne na may kasamang ngiti. Inirapan naman siya ni Ava. Ngumiti ito makitang sinamaan siya ng tingin ng ina.

"By the way guys. Siya ang bagong miyembro ng Lionheart. Siya si Airah. Airah, ito naman si Tita mo Nova, may wife." Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Nova.

"Ito naman si Aikoh at Aikah." Nagtetext si Aikoh na di man lang siya tinapunan ng tingin. Alanganing ngiti naman ang binigay ni Aikah.

"Ito naman sina Aiden at Aina. Kapatid mo rin." Kumaway sina Aiden at Aina sa kanya na halatang masaya sila nang makita siya.

Ipinakilala rin ni Arthur ang dalawa pang anak ni Arthron na sina Alvira at Raven.

Si Airah naman parang gusto na tuloy palitan ang kanyang pangalan dahil lahat ng mga anak ni Arthur sa mga babae nito ay may mga Ai sa pangalan.

"Woah. Magkakatunog lahat ng mga pangalan natin. Mula kay Aikoh, Aikah, tapos si kuya Aiden at ako na Aina." Manghang sambit ni Aina nang mapansin ang pagkakatunog ng mga pangalan nilang lima.

Tumikhim si Don Art na nakaupo sa main seat.

"Siya nga pala-"

"Kilala ko na siya." Sabi ni Airah.

Nagbago ang tingin ng mga nakapaligid kahit sa mga maid makitang hindi man lang binati ni Airah ang Don.

"Magbigay galang ka naman kahit ayaw mo. Siya ang Master sa bahay na ito." Pabulong na sambit ni Raven.

"Kung wala na naman po kayong sasabihin, gusto ko ng kumain. Pakituro na lang kung saan ang kusina nang makakain na ako."

Lahat sila napatingin sa kanya. Kaya pala hindi nai-intimidate sa kanila dahil wala pala itong magandang upbringing.

"Kung iniisip niyong wala akong class o manners, wala talaga ako non. Sabihin niyo nalang kung di niyo ko kayang pakainin at aalis na ako." Sabi ni Airah habang nakalagay sa bulsa ang mga kamay.

"Ano pang hinihintay niyo? Ihanda niyo na ang mga pagkain." Utos ng Don sa mga maid. Mabilis naman silang nagsipagkilos.

"Kababago-bago palang niya ang kapal na ng mukha. Parang kung sinong makapagsabi ng ganon. Kala siguro niya dahil anak siya ng Don napakataas na niya." Sabi ng maid na naghahanda sa mga kutsara.

"Mas malala pa siya sa tatanga-tangang si young lady Aina noong unang araw niya dito." Sagot naman ng isa na halatang hindi rin gusto si Aina na naging parte sa mga Lionheart.

"Bagong sakit na naman to ng ulo. Madadagdagan pa yata ang mang-aapi kay young lady Aikah nito." Sagot din ng ikatlo. Sila ang mga maid na gustong-gusto ang ugali ni Aikah at mas itinuturing nilang tunay na mistress si Aikah kumpara sa iba pang mga apo ni Don Art.

"Tumahimik na kayo. Baka marinig pa kayo ng Don niyan." Saway ng mayordoma sa kanila.

Pagkatapos maihanda ang mga pagkain sa mesa, nagsipasukan na sina Airah kasama ang iba pa.

Umupo si Airah sa isang upuan ngunit pinigilan siya ng usang maid.

"Paumanhin po. Para po sa first young miss ang upuan na iyan." Ang first young miss na tinutukoy nito ay ang si Aikah. Iba ang upuan ng anak sa asawa at sa anak ng mga mistress kaya hindi maaaring maupo si Airah sa upuan ng legitimate daughter.

Pinagdiinan pa ng maid ang pagsasabi ng first young miss na halatang pinapamukha kay Airah na wala siyang karapatang maupo sa upuang hindi nararapat sa kanya.

"Sino ang first young miss niyo?" Tanong ni Airah na hindi gumagalaw sa kinauupuan.

"Si lady Aikah po, miss." Sagot ng maid.

"Ang lakas ng loob niyang maupo sa upuang di kanya. Kala siguro niya mapapalitan niya si Lady Aikah sa posisyon nito." Bulong ng isang maid sa katabi.

Nong inagaw ni Alvira ang upuan ni Aikah, naparusahan siya ng Don kaya naman inaakala nilang mapaparusahan din si Airah.

"Hindi kasi marunong kung saan dapat lumugar." Sambit naman ni Ava at umupo na sa kanyang upuan. Katabi ang upuan niya sa upuan ng first miss dahil pangalawa siya sa legitimate granddaughter ng Don.

"Ano ka ba, Gina. Si Airah ang first miss ng bahay na ito. Mas matanda siya kay Aikah ng ilang buwan." Sagot ni Arthur na ikinagulat nila. Inaasahan kasi nila na magagalit si Arthur ngunit mas pinagalitan pa nito ang maid na kumampi kay Aikah.

Naikuyom naman ni Airah ang kamao. Kaya naman pala ang tindi ng galit ng mama niya kay Arthur dahil sa habang ipinagbubuntis siya ng ina, may binubuntis din palang iba ang ama.

"Dito nalang ako. Ayos lang naman na dito nalang ako maupo." Sabi ni Aikah at naupo na sa upuang katabi ni Aina. Ang upuang ito ay para sa mga illegitimate child ng Lionheart.

"Naupo lang ako dito dahil nakaukit sa upuan na ito ang pangalan ko." Sabay turo ni Airah sa nakaukit na pangalan sa sandalan ng nasabing upuan.

Saka nila naalala na may pangalan nga pala sa upuang ito na di nila alam kung bakit sa lahat ng mga upuan ito yung may pangalan na Airah.

"Para nga sayo ang upuan na iyan. Pinaupo ko lang diyan si Aikah dahil wala ka." Sabi ni Don Art. "Ngayong nandito ka na, ibabalik ko na sayo ang nararapat sayo."

Wala namang nakapansin sa pagkuyom ng kamao ni Mrs. Nova.

Lumawak namang lalo ang ngiti ni Mrs. Avey at sinabi ang salitang interesting.

Si Aikah ang naglead ng prayer pagkatapos, hinintay ng lahat na magsimula ng kumain ang Don.

"Magsikain na tayo." Sabi ng Don at nagsimula ng kumain.

Napatingin naman sa kanila si Airah. Pansin niya na dapat nauuna palage ang Don. Kahit sa pag-upo kanina, wala munang umupo hanggang di pa nakaupo ang Don. Hindi rin sila maaaring kumain kung hindi pa nakakasubo ang Don.

Tapos pati yung arrangement sa upuan dapat alam mo kung ano ang level mo. Kung mas angat ang rank mo sa pagiging tagapagmana ng Don mas malapit ka rin sa kanya.

Mula sa kinauupuan ni Don Art, may dalawang bakanteng upuan pa sa left side bago ang kinauupuan ni Airah. Kasunod ni Airah si Ava, bago sina Alvira, Aikah at Aina.

Sa right side naman kasunod ng Don si Arthur at ang asawa niya, then si Arthron at ang asawa niya, bago pa si Aikoh na sinundan ni Throne, kasunod ni Throne si Raven at si Aiden ang panghuli.

Napakunot ang noo ni Airah dahil may pangalan din ang dalawang bakanteng upuan na ito.

Pangalan ng mama at lola niya. "May halaga din pala sila sa Don na ito." Sambit niya sa isip at nagsimula na lang din kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top