TBH 35: Achievements
"Miss Airah. Kalat na kalat na sa media na sinadya mong tanggalan ng break ang motorbike mo para siraan ang kapatid mo." Pagbabalita ni Akiro nang matawagan si Airah. Hindi na tumitingin sa internet si Airah ngayong mga nagdaang mga araw kaya wala siyang alam sa mga bali-balita. Hindi rin siya nanonood ng TV.
"Hindi niyo parin ba alam kung sino ang nagpakalat?" Tanong niya.
"Nalaman naming si Janice ang may gawa." Sagot ni Akiro. "Ano ang dapat naming gawin sa kanya?"
"Inutusan lang siya. Hindi ang pain ang dapat lutasin kundi ang sino mang nag-utos sa kanya."
"Tiningnan namin ang CCTV footage ng Lionheart Mansion pero nabura na ang iba." Sabi pa ni Akiro.
"Hayaan mo na. Malulutas din ito."
Pagkatapos makausap si Akiro napaisip naman si Airah.
***
Pumasok na ulit si Airah sa klase niya at umupo agad sa kanyang upuan. Dumating naman ang taas noo kung maglakad si Tryzt at sinipa pa ang upuan ni Aikah.
"Alis diyan." Sabay sipa sa upuan ni Aikah. "Ayaw kitang makatabi." Sabi niya kay Aikah. Agad namang tumayo ang dalaga at lumipat ng mauupuan.
Proud naman si Tryzt sa ginawa na tila ba sinasabi na im the king. Sa totoo lang may hinihintay siyang reaksyon kaso walang nangyari. Pansin kasi niya na kapag si Airah ang ginugulo nila hindi ito iimik pero kapag ang sinuman sa mga kapatid niya siguradong para siyang tigre pero wala siyang imik ngayon na ipinagtataka niya.
"Hey!" Tawag niya sa babaeng nakatuon lang ang atensyon sa libro.
"Bakit?" Tanong ni Airah sa kanya.
"Di mo ko papagalitan?" Tapang-tapangan niyang tanong na halatang hinihintay talagang mapansin.
"Bakit ko naman gagawin yon?" Tanong ni Airah na napataas na ang kilay.
"Hindi ka nagagalit? Inaapi ko ang kapatid mo." Nagtatakang tanong ni Tryzt.
Napasulyap naman si Airah kay Aikah na nakayuko lang ngayon. Nakakaawa itong tingnan kapag hindi umiimik at yuyuko lamang.
"Kung crush mo siya ligawan mo nalang. Wag mo akong dinadamay. Saka wag ka sa akin nagpapapansin." Sagot ni Airah at muli ng itinuon ang atensyon sa libro.
"Aba to... Hindi ko siya gusto." Katwiran ni Tryzt. Kibit-balikat lang ang sagot ni Airah. Pumasok na ang kanilang guro.
"Hindi ko talaga siya gusto." Pag-uulit niya ngunit di na siya pinansin ng katabi. "Nakakainis naman o."
Pagkatapos ng klase lumabas na si Airah. Nakasalubong niya si Teacher Darren na ikinatigil niya sa paglalakad.
"Miss Airah." Tawag ni Teacher Darren kay Airah.
"Yes? Bakit po?" Tanong niya sa guro at direktang nakatingin sa mga mata nito. Tumikhim naman ang guro dahil sa tinging ibinigay ni Airah.
"Im sorry." Sambit nito at napabuntong-hininga. Nang malaman kasi niya ang tunay na nangyari sa pamamagitan nina Aiden at Albert nalaman niyang hindi naman pala si Aiden ang tunay na may kasalanan ng lahat. Kaya hiyang-hiya siya sa sarili at nagiguilty siya. Tapos na siyang humingi ng tawad kay Aiden at balak niyang humingi ng tawad kay Airah at magpasalamat na rin.
"Para saan?"
"Dahil hinusgahan ko agad si Aiden na di man lang inalam ang tunay na nangyari. At nagpapasalamat din ako dahil sa kabila ng mga nagawa ko hindi mo ako ipinatanggal." Hinging paumanhin nito na mahahalatang kinakabahan base sa tono ng boses. May mga black circles ang paligid ng kanyang mga mata. Halatang ilang araw ng walang mabuting tulog.
"Magaling kayong guro. Ang mali niyo lang ay ang panghuhusga niyo agad pero ikinagagalak kong malaman na tinanggap niyo ang inyong pagkakamali. Palatandaan lang niyan na isa kayong mabuting guro." Sagot ni Airah na ikinatuwa naman ng guro dahil madali lang naman palang kausap si Airah at di tulad ng iba pang mga heiress na palaging mapagmataas at iniisip na lahat nalang mababa sa kanila.
Matapos makausap si Teacher Darren nagtungo na si Airah sa cafeteria ngunit napatigil mapansing pinag-uusapan siya ng iba.
"Andiyan na siya. Kala ko pa naman mabait siya kaya niya ipinagtatanggol ang kanyang mga kapatid iyon pala para makuha lang ang loob ng iba. At para maitago ang tunay niyang pagkatao." Bulong ng isang babaeng estudyante sa kasama.
"Siguro, nagkukunwaring mabait din ang kanyang ina para maakit si Sir Arthur kaya siya naisilang." Sagot naman ng isa pang babae.
"Nanlandi ng may asawa ang kanyang ina kaya hindi na nakapagtatakang ganon din siya. Magaling lang talaga silang magpaikot ng mga tao kaya marami silang nabibiktima." Sagot naman ng isang lalaking estudyante na naiinis kung bakit minsan niyang nagiging idolo ang babaeng katulad ni Airah.
"Tama ka. Pati nga tayo napaikot e. Biruin mo nalinlang tayo sa kunwaring bait niya?" Sagot ng kaibigan.
"Sabihin niyo nalang na nalinlang kayo sa kunwaring ganda niyang parang mukhang anghel." Sagot naman ng isang babae.
Kinuha na lamang ni Airah ang kanyang headset para hindi na marinig ang pinag-uusapan nila. At hindi na niya narinig na may mga nagtanggol din sa kanya.
"Hindi niyo lang alam na sinira ni Aikah ang brake ng motorbike ni Airah para siya sana ang magiging lead star. Gustong-gusto kasi ng kanyang ina na magiging lead star siya kaso hindi siya pumasa." Sabi ng isang estudyante na humahanga kay Airah.
"Tanda niyo ba na motorbike ni Airah ang ginamit ni Aikoh noong madisgrasya? Saka lahat nalang ng mga lumalabas sa internet kontra kay Airah hindi niyo ba iyon napapansin? Bakit di niyo man lang naisip na mayroon talagang gustong manira sa kanya?" Sagot naman ng kasama niyang hindi naniniwala na si Airah ang may kasalanan ng lahat.
Bukod sa mga bully ng school wala ng ibang may galit kay Airah. Nagbago lang ang pananaw nila dahil sa video na nagpapatunay na lumabas nga si Airah sa mansion kahit gabi na. Pero walang nakakaalam kung ano nga ba ang dahilan ng paglabas niya.
***
Nakabalik na ngayon sa mansion si Aikoh at sa pagkakataong ito dalawa na ang naka-wheelchair. Si Aikoh at ang matandang Don.
"Kumusta ang pag-aaral niyo?" Tanong ng Don sa mga apo. Habang hinihintay ang pagkain sa mesa.
"Ayos naman po lo. Nagiging female lead si Aikah sa play ng school." Sagot ni Aina.
Ikinuwento ng iba ang anumang mga achievements nila. Nakakuha ng gold medal si Raven sa junior basketball game. Nanalo naman sa beauty pageant si Alvira. Nakakuha naman ng trophy ang cheerleading squad kung saan nabibilang si Ava. Gold medalist si Aiden sa table tennis.
Ngunit simpleng achievement lamang ang meron sila kumpara kay Aikah na sikat na sikat na ngayon at pinag-aagawan pa ng mga talent scouts at mga entertainment at modeling companies at iilang mga products brand para maging artista at model nila.
Tahimik lang si Airah at walang nishare na achievement niya habang nakatungo naman si Aikoh na nawalan na ng gana sa pagkain.
"Wag kang mag-aalala Airah, may maaabot ka rin kapag magtiyaga ka lang." Pang-eengganyo naman ni Nova dahil walang sinabi si Airah kay Don Art.
"Kung dito ka lang sana kasi lumaki e di may maipapakita ka namang kakayahan kaso hindi e. Wag kang mag-alala, gagaling ka rin. Tuturuan kita." Dagdag pa nito.
"Bakit di mo turuang tumugtog ng piano ang ate mo Aikah para naman kahit papano may maipagmamalaki naman siya. Baka mamaya mapahiya pa ang pamilya natin dahil sa kamangmangan ng iba." Sabi naman ni Avey. Halatang-halata ang galit niya kay Airah na itinatago niya sa ngiti.
"Oo nga. Baka mamaya aakalain nilang hindi natin tinuturuan si Airah." Nakataas noo ding sagot ni Ava.
"Kung dito ako lumaki baka may nabaldado na sumikat lang ako." Pagpaparinig ni Airah.
Napaubo si Aikah at agad na uminom ng tubig.
"O ba kaya wala na akong paa bago pa man ako sumikat." Dagdag pa ni Airah.
"Are you accusing us that we achieve what we won through dirty means?" Halos mapatayo na si Alvira sa galit.
"Ang matamaan lang ang nagagalit. Bakit natamaan ka ba?" Sagot ni Airah na lalong ikinausok ng ilong ni Alvira sa galit.
Inilapag na ng mga katulong ang mga pagkain sa mesa.
"You!" Sigaw ni Alvira na nakaturo pa ang isang daliri kay Airah.
"Yes?" Hamon din ni Airah.
"Alvira." Puna ng tahimik na si Arthron sa anak.
"But dad, siya kasi e." Sabi ng dalaga at pabagsak na umupong muli.
Sinira kasi ni Alvira ang takong ng sapatos ng supposed to be beauty queen kaya natapilok ito sa final round habang nilagyan naman ni Ava ng thumb tax ang sapatos ng ace ng kalabang cheerleading squad kaya na nagkasugat ang paa nito at di na naaayos ang performance niya at ang squad nina Ava ang nanalo sa cheerleading competition.
Naalala naman ni Raven ang ginawa niya noong nakaraang taon. Nilumpuhan niya ang pinakamagaling na basketball player ng team na makakalaban nila sa final. Kaya magmula noon hindi na nakakapaglaro pa ang lalake at si Raven na ang naging pinakamagaling sa Lionheart Academy. Kundi dahil sa biglaang pagdating ni Airah at sa takot na mahuli sa mga pang-aaping pinagagawa ng grupo niya baka naulit na naman ang dati niyang pinagagawa.
Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya at natatakot din siyang makita ni Airah ang bad side niya. Bahagya siyang nagbago nitong nakaraang mga araw o ba kaya dahil alam niyang ayaw ni Airah ang nang-aapi ng iba. Sa mga nagdaang mga araw na kasama niya ang mga pinsan naramdaman niyang mas masaya siya kumpara sa mga panahong kasama niya ang kanyang mga barkada at nag-aabang ng mga estudyanteng mapagtitripan. Mas masaya pala kung may matutulungan kaysa may inaapakan.
Maliban kina Aina at Aiden na ginawa ang lahat ng kanilang makakaya na walang halong pandaraya at nakakuha ng mga parangal sa sarili nilang pagsisikap.
"Nagkakamali po kayo tita, Champion po kami ni Airah sa group dance at siya nga po sana ang magiging female lead star e kung di lang naaksidente si Aikoh?" Pagtatanggol ni Raven kay Airah.
"Kung magaling pa siya bakit siya pinalitan? Hindi naman siya ang naaksidente para hindi makapag-perform di ba?" Katwiran ni Ava.
"Mamaya na kayo mag-usap. Kumain na tayo." Sabi ni Arthur na ikinatahimik nila.
"Kumain na tayo." Sabi ni Don Art bago ito nagsimulang kumain.
Napatingin si Airah sa katabi niyang si Throne na tila wala sa sarili at nakatingin lamang sa plato nito. Inilipat kasi niya ang kanyang upuan kanina sa tabi ni Throne at si Aikah ang nakapwesto ngayon sa dating pwesto niya.
Kumuha si Airah ng chicken curry at naglagay sa isang mangkok saka nilagay sa tabi ng plato ni Throne na ikinaangat ng tingin ng lalake.
"Kung malungkot ka, ikain mo nalang." Sabi ni Airah na tanging si Throne lamang ang nakakarinig.
Lalo namang sumama ang mukha ni Aikoh. Tumikhim naman ang Don. Mabilis namang tumayo si Aina at nilagyan ang plato ng Don ng gulay.
"Kumain po kayo grandpa." Masayang sabi ni Aina bago bumalik sa upuan niya. Alam niyang magagalit ang matanda dahil gulay ang nilagay niya sa plato nito. Pero nandito naman si Airah kaya di siya nag-alala.
"Kumain ka na anak. Masarap to." Sabi ni Nova at nilagyan ng bacon ang plato ng anak at isang sausage.
"Mom, hindi po kumakain ng bacon at sausage si kuya." Paalala ni Aikah na ikinahiya ni Nova. Dito niya napansin na hindi pala niya napagtutuonan ng pansin ang anak dahil kahit ang mga paborito at ayaw nito hindi niya alam.
"Hindi naman umimik si Aikoh at nakatingin lang sa plato niya.
Pagkatapos kumain tumayo na si Airah. Bago umalis binatukan pa si Aikoh.
"Kumain ka kung ayaw mong lumpuhin kitang muli." Sabi ni Airah bago umakyat sa grand staircase.
"Bakit mo binatukan ang anak ko? Alam mo namang mahina pa siya?" Sigaw ni Nova at mabilis na nilapitan ang anak. "Ayos ka lang ba? Masakit ba? Wag mo ng pansinin ang babaeng yon, wala talaga siyang pakiramdam." Pagpapakalma niya sa anak sa pag-aalalang magwawala itong bigla.
Umasim ang mukha ni Aikoh. "Bakit ako binabatukan pero iba inaabutan ng makakakin?" Sabi niya sa isip at tumalim ang tingin.
Inaakala nilang magwawala na naman si Aikoh ngunit nagulat na lamang sila nang magsimula na itong kumain na parang lobong galit na galit. Nilalabas lang niya sa pagkain ang anumang nararamdaman niyang frustration na di niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng ganito.
May ngiti ang sumilay sa labi ng tahimik na matanda bago muling naging pokerface.
"Airah, ikaw ang magiging tutor ni Aikoh sa make up class niya." Sabi hg Don na ikinabuga ni Ava sa hinihigop na sabaw at ikinaubo nina Alvira at Aikoh na mabilaokan na sana. Kasabay ng pagkatapilok ni Airah sa inaakyatan na hagdan na muntik na niyang ikalaglag pababa.
"Ito ba ang pagtuturo na sinabi ni lolo?" Tanong niya sa isip pero di na isinatinig at nagpatuloy na lamang sa pag-akyat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top