TBH 34: Bye Bye Love
Dinalaw naman si Aikoh ng mga kaibigan niya.
"Magpagaling ka na kasi. Kapag di ka magpapagaling sino na lamang ang magiging kakompetensya ko sa paaralan at sa crush mo?" Sabi ni Sydion na tila ba diring-diri sa kaibigan kung makatingin dito.
"Oo nga Aikoh. Kapag di ka magpapagaling baka di mo na mababantayan ang kapatid mo. Alam mo bang nagbabalak manligaw itong si Sydion sa kapatid mo?" Sabi naman ni Tryzt.
"Si Aikah? Tsk! Ano naman kung liligawan niyo siya? Malaki na yon at dalaga na rin." Sagot ni Aikoh at inikot ang mga mata.
"Hindi a." Sagot agad ni Tryzt.
"Si Aina? Bata pa yon. Kaya wag na wag kayong magbabalak ng kung ano-ano diyan. Kung ayaw niyong hindi na kayo makakabisita pa sa amin."
"Anong si Aina? Bakit mo nilalagpasan si Airah? Si Airah dude. Si Airah." Sagot ni Tryzt. Sinamaan naman siya ng tingin ni Aikoh.
"Mga masochist ba kayo? Paano kayo nagkakacrush sa isang brutal na babae, ha?" Di talaga niya maintindihan kung anong meron sa Airah na iyon para magustuhan ng mga kaibigan niya? Ang taray kaya nito at ang cold pa.
"Ang sweet kaya niya. Kapag di mo ginalit." Sagot ni Sydion.
"Saang banda ba niyang bulag mong mga mata nakikitang sweet siya?"
"Sa panaginip ko. Kinikiss niya ako sa pisngi, nilulutuan niya ako ng pagkain at sinusubuan." Sabi ni Sydion na nagpapantasya na ngayon habang iniisip na sinusubuan siya ni Airah.
Naalala ni Aikoh noong sinubuan siya ni Airah at no'ng alalayan siya nito paupo sa kanyang wheelchair, napatango pa siya maisip na sweet nga ang kapatid. Hindi niya pansin na nakangiti na pala siya pero nang maalala ang sinabi ni Sydion at maisip na sinusubuan ni Sydion ang kapatid, bigla nalang napawi ang ngiti niya.
Nagkatinginan naman sina Ricky at Christian saka sabay na napatingin kay Tryzt na parehong nagtatanong ang mga mata.
"Nababaliw na ba sila?" Tanong ni Christian.
"Di kaya may mga lagnat ang mga to?" Tanong din ni Ricky.
Napatingin si Aikoh kay Sydion na nagpapantasya pa. Ilang sandali pa'y binato ang kaibigan ng unan.
"Ano ba? Wag ka ngang disturbo? Iyon na sana e. Ikikiss na sana ako." Sagot ng kaibigan na lalong ikinagalit ni Aikoh.
Napaisip naman si Aikoh at nakikita ngayon sa kanyang isip si Airah na nakanguso at nilalapit ang mukha sa mukha ni Sydion. Tapos si Sydion nakapikit at sinalubong ang papalapit na mukha ng dalaga. Umasim ang mukha niya at naghanap ng maibabato sa kaibigan. "Manyakis to."
Makitang inaabot ni Aikoh ang prutas sa bedside table para ibato kay Sydion mabilis namang nagsilapitan ang mga kaibigan na kanina nakamasid sa dalawa.
"Hey! Sandali. Itigil niyo nga yan." Mabilis na pinigilan nina Tryzt at Ricky si Aikoh sa pag-aalang baka mapano siya.
Inilayo naman ni Christian si Sydion. Wala talagang oras hindi mag-aaway ang dalawa kaya sanay na sila. Pero iba lang ngayon dahil iba yata ang pinag-aawayan nila.
"Wag niyo kong pigilan. Gugulpihin ko yan." Sigaw ni Aikoh.
"Sige nga. Sige nga kung kaya mo? Pasyente ka kaya. Kung gusto mo akong matalo magpalakas ka muna dahil kung hindi, sa oras na makakalabas ka ng silid na ito baka ikakasal na kami." Sabi pa ni Sydion na lalong ikinainis ni Aikoh.
"Ikaw! Bubugbugin kita." Sigaw naman ni Aikoh habang hinahawi ang dalawang ulo na humaharang sa paningin niya para makita si Sydion.
"Titirisin din kita." Sagot din ni Sydion.
Hinila na lamang ni Christian palabas si Sydion para wala ng gulo.
"Ikaw, bakit ba palage mo nalang iniirita si Aikoh ha?" Tanong ni Christian at napahawak pa sa sentido. "Sabi ko na nga bang di ka pwedeng sumama e."
"E sa nakakairita din naman siya e. Bigla-bigla ba namang nambabato." Sagot ni Sydion.
Napabuntong-hininga na lamang si Christian. "Alam mo, kapag ganyan kayo palage baka kayo pa ang magkakatuluyan." Sabi pa nito.
"Aba't. Tingin mo sa gwapo kong mukha bakla?" Tinuro pa ni Sydion ang sarili habang tinatanong iyon.
"Hindi pero mukha kang lalaking nanunukso sa crush niya para mapansin." Tumalim ang tingin ni Sydion sa sinabi ni Christian.
"Christian, gusto mong mabugbog?" Sabi ni Sydion at pinatunog ang mga daliri. Makita ang mamumulang mukha ni Sydion sa galit binatukan siya ni Christian sabay takbo nito palayo.
"Huy! Bumalik ka dito." Sigaw ni Sydion at hinabol ang kaibigan.
Bigla namang napapreno si Christian at mabilis na humarap sa gawi ni Sydion. Si Sydion naman na hindi na makakahinto ay bumangga kay Christian na ikinatumba ng dalawa at aksidenteng nagkadikit ang mga labi nila.
Nakahiga parin sila at magkapatong pa. Sabay na napataas ang mga tingin sa aninong lumilim sa kanila.
Naestatwa sila at namilog ang mga matang nakatingin sa natatawang babae.
"Pfft! Bagay kayo." Nagpipigil sa tawang sambit ni Airah.
Bahagyang tumigil sa pagtibok ng puso ng dalawa at tila ba huminto rin ang oras dahil sa ngiti at sa magandang mukhang bumungad sa kanila. Kaya lang maisip ang sinabing bagay silang dalawa, sabay na nagkatinginan sina Sydion at Christian. Napakurap-kurap at saka narealize na nagkadikit pala ang mga labi nila.
Mabilis na napaupo ang dalawa at pinunasan ang mga labi saka napalingon sa gawi ng papalayong pigura ni Airah.
"Byebye love." Naiiyak na sambit ni Sydion. Sa dinami-rami ba naman kasing makakakita sa kahihiyan nilang nagkakaibigan ang pinapa-impress-an pa niyang dalaga? Nasaan na ang cool at pinaastig style na imahe niya? Saan na lamang niya ilalagay ang mukha niya? Gusto na talaga niyang ibaon sa lupa sng sarili para di na makita pa ng iba.
"Papa Jesus. Iuwi mo na ako sa langit, please." Pakiusap naman ni Christian sa sobrang hiya.
Makita ang mga natatawang mga tao sa paligid lalo na ang mga cellphone nilang nakatutok sa kanila ni Christian, nag-init ang mukha ng dalawa sabay takbo palabas ng hospital na nakatakip ang mukha.
Pumasok naman si Airah sa ward ni Aikoh.
Naratnan niyang pinapakalma ng dalawang magkakaibigan ang lalake. Nang makita siya mabilis na inayos ang buhok at suot. Makita ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Aikoh napalingon sa likuran nila sina Tryzt at Ricky.
Mabilis silang tumayo ng tuwid at inayos ang kuwelyo at inayos ang suot sabay tikhim.
Inilapag ni Airah ang dalang lunch box sa mesa.
"Ah, masakit ang paa ko." Biglang sabi ni Aikoh na nakangiwi pa na tila ba namimilipit sa sakit.
Nagkatinginan naman sina Ricky at Tryzt.
"Nasaan na ang matapang na Aikoh kanina?" Tanong ni Ricky sa isip.
"Ang bilis magpalit ng anyo ng lokong to. Kanina lang ang tapang-tapang." Bulong ni Tryzt. Nakitang sinamaan siya ng tingin ni Aikoh, sinamaan din niya ito ng tingin.
"May gagawin pa kayo di ba? Kaya umalis na kayo." Taboy ni Aikoh sa dalawa.
"Kararating lang kaya namin." Angal ni Ricky.
Si Tryzt naman pasimpleng lumapit kay Airah.
"Tryzt, balita ko nasa bahay niyo daw ang mommy mo ngayon." Sabi ni Aikoh na nakatingin kay Tryzt na may pilit na ngiti sa labi.
Nakita ang nakakatakot na ngiti ni Aikoh mabilis na nagpaalam ang kaibigan.
Kapag di siya aalis siguradong gagawa ng paraan ang Aikoh na ito para mapaparusahan siya ng kanyang ina. O ba kaya dadalhin na naman siya ng ina sa mga business gathering para sa training. At makakatagpo na naman ang parang lintang babae na anak ng bestfriend ng kanyang ama. Maisip ang nakakadiring babaeng yon nagmamadali ng umalis si Tryzt at hinila ang naguguluhang si Ricky.
"Hindi ka pumasok?" Tanong ni Aikoh na walang makikitang emosyon sa mga mata.
"Absent." Sagot ni Airah.
Napangiti naman si Aikoh maisip na umabsent si Airah para lang mabantayan siya.
"May dinaanan kasi akong pasyente kaya dumiretso na ako dito pagkatapos." Sabi agad ng dalaga na ikinapawi ng ngiti ng lalake at ibinaling sng tingin sa ibang direksyon saka naagaw ng tingin ang lunchbox na dala ni Airah.
"Sa akin ba iyan?"
"Hindi."
Bumagsak ang balikat ni Aikoh at mababasa sa ekspresyon na tila sinasabi na 'wag ka ng umasa pa expression'.
"Ibibigay ko sana kay Edrian."
"Edrian?" Sambit ni Aikoh na napapadiin ang pagkuyom ng kamao. ‘Sino ba ang lalaking yan? Ang lakas ng loob niyang pumatol sa isang Lionheart?’ Sambit niya pa sa isip.
"Nangyari sayo?" Tanong ni Airah habang binubuksan ang isa pang baunan. Hindi naman umimik si Aikoh hanggang sa maamoy niya ang Brisket beef with barbecue sauce at isang beef steak na isa sa mga paborito niyang pagkain.
"Alam kong ayaw mo ng black beans kaya ibibigay ko nalang sana ang luto ni Chef Yumi kay Edrian. Nilutuan nalang kita ng paborito mong brisk beef."
"Nilutuan mo ako?" Nag-aatubiling tanong ni Aikoh.
"Oo. Bakit?"
"Wala." Sagot ni Aikoh at umiwas ng tingin. Umubo pa ito para maitago ang ngiti sa labi. Ngunit napawi muli dahil sa sinabi ni Airah.
"Ginawa ko lang to dahil sabi ni lolo. Saka nagpa-practice pa ako kaya di ako sigurado kung sakto na ba sa panlasa ng iba. Tira ko lang to. Kala mo naman, tsk." Dagdag pa ng dalaga na ikinaasim ng mukha ni Aikoh. Kaya lang tumunog ang tiyan niya.
Inilapit ni Airah ang dalang mga pagkain kay Aikoh. "Kumain ka na muna."
"Hindi pa ako nakakapaghugas ng kamay. Pa-subo."
"Subuan mo ako." Pag-uulit niya napansing hindi kumilos ang dalaga.
"Ano ka bata?"
"Di ba sabi ni lolo alagaan mo ako?" Sagot niya at ibinuka ang bibig.
Inikot naman ni Airah ang mga mata at sinubuan ang lalake. Nakailang subo ito nang magpaalam na si Airah.
"Nakalimutan kong bumili ng gamot ni Aina kaya iiwan muna kita." Sabi ni Airah at nagmamadali ng umalis.
"Teka, sandali lang." Tawag niya pero nakaalis na ang kapatid.
Ilang minuto ring nakatitig siya sa pagkain nang bumukas ulit ang pintuan at niluwa nito ang mga kaibigan na may nanunuksong mga tingin.
"Hindi ako nakapaghugas ng kamay. Pasubo bhabe." Tukso ni Ricky sabay tawa. "Hindi ko alam na may ganoong side pala ang mala-leon naming kaibigan. Hahaha."
"Subuan mo ako." Tukso din ni Tryzt na ginaya pa ang boses ni Aikoh kanina.
"Ano ka bata? Mukha lang pero marunong ng gumawa ng bata." Sagot ni Ricky na ginaya ang tono ng pananalita ni Airah.
"Sabi ni lolo alagaan mo ako di ba?" Sagot naman ni Tryzt gamit ang tono ni Aikoh na ikinapula ng mukha ng tinutukso nila.
"Anong ginagawa niyo dito? Magsilayas nga kayo! Bakit bumalik pa kayo ha?" Sigaw ni Aikoh at akmang batuin ng kutsara ang mga kaibigan.
"Ayieeh. Kunwari pa to." Tukso pa ni Ricky sabay tawa nilang dalawa ni Tryzt.
Napatingin si Tryzt sa pagkain sa baunan na dala ni Airah at nagliwanag ang kanyang mga mata maisip na matitikman na niya ang pagkaing luto ng babae. "Mukhang masarap yan. Pahingi." Kukuha na sana kaso natampal ang kamay niya.
"Wag na wag mong ginagalaw ang pagkain ko." Sabi ni Aikoh na iniharang ang mga kamay sa pagkaing nasa tabi niya.
"Ang damot. Sige na kahit isang subo lang." Pakiusap ni Ricky.
"Ayoko nga. Umalis na kayo." Sigaw niya pa.
"Sana may half-sister din akong katulad niya. Maganda na, sweet at aalagaan din ako kapag may sakit ako." Sambit ni Ricky at napabuntong-hininga na lamang.
Proud namang nagsimulang kumain si Aikoh sa harapan ng naglalaway na mga kaibigan. Napapikit pa siya sa sarap. Di niya inaakala na masarap pala magluto ang kapatid.
"Wag kang umasang magkakaroon ka ng half-sister na katulad niya dahil may kulang sayo." Sagot ni Tryzt.
"Anong kulang? Magiging sweet din ako kapag may pagkasweet sa akin ang kapatid ko no. Saka hot din naman ako a."
"Kulang ka ng face value." Asar ni Tryzt sabay tawa. "May hitsura ka lang pero hindi kasing gwapo namin kaya kung magkakaroon ka man ng half-sister hindi parin magiging kasing ganda ng Airah ko."
Napaubo si Aikoh sa sinabi ni Tryzt na Airah ko. "Anong Airah mo ha?" Sigaw niya na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaibigan.
Habang naninilim rin ang mukha ni Ricky habang nakatingin kay Tryzt. "Anong wala akong face value ha? Kakatayin kitang langya ka." Ipinaikot niya ang braso sa leeg ni Tryzt. "Ako panget? Ang dami kayang naghahabol sa mukhang to?"
"Ang dami nga kaso puro hipon." Pang-aasar pa ni Tryzt.
Iiling-iling naman si Aikoh at nagpatuloy na lamang sa pagkain na di na pinansin ang mga kaibigan.
Magmula sa araw na iyon, sinusunod na ni Aikoh ang anumang sinasabi ng mga nurse at doctor sa kanya. Nagsisikap na rin itong mabuti para mas mapadali ang kanyang recovery. Iniinom na rin sa tamang oras ang kanyang mga gamot na ikinatuwa ng mga nag-aasikaso sa kanya lalo na Don maging ang kanyang ama.
Si Aina naman malakas na ulit pagkatapos ng isang araw na pamamahinga. Nag-aral na ring muli ngunit pansin niya ang pagbabago sa paligid niya.
Hindi na siya gaanong pinapansin ni Aiden, at madalang na ring sumasabay sa kanya pagpasok sa school o pag-uwi sa mansion. Pansin din nila ngayon ang pagbabago ng ugali ni Throne at ang pagiging active na ni Aikah sa lahat ng mga activities sa school. Dati kasi maliban sa academics wala ng iba pang kapansin-pansin sa kanya pero ngayon sunasali na rin siya sa sports at napapadalas na rin ang pagtugtog niya ng piano.
Abala naman si Airah sa pag-aaral at pagtatrabaho, kaya di na niya napagtuonan ng pansin ang pagbabago ng paligid.
Ngunit kapansin-pansin naman sa iba ang kakaibang kinikilos ni Throne ngayong nagdaang mga araw na kahit si Avey ay nakakahalata na rin. Nagiging mas seryoso na masyado si Throne at mas nagiging cold din kaysa dati.
"Magiging tagapagmana ka na. Ikaw na ang papalit sa Don bilang Chairman ng L group kaya umayos ka." Sabi niya makitang nagmumukmok lamang sa kanyang kwarto si Throne sa bawat panahong uuwi ito galing sa eskwela.
Hindi na rin ito nakikipag-usap sa kahit kanino sa loob ng mansion.
"Ang dami na ngang iniisip ko dumadagdag ka pa." Naiinis na sabi ni Avey bago lumabas sa kwarto ni Throne.
Naikuyom naman ni Throne ang kamao sabay sambit sa pangalang "Fhaye."
"I'm sorry."
***
"Alam niyo ba? Parang may mali kay kuya Throne." Sabi ni Aina kay Aiden habang nang magkakasabay-sabay ulit sila sa paglalakad. Hindi nagkakasabay si Aina ang sumabay at hinabol sina Aiden at Raven.
"Narinig kong namatay daw ang crush niya. Pero wag kang maingay baka marinig ni tita Avey. Siguradong magagalit yun." Bulong ni Raven kay Aina.
"Kawawa naman pala si kuya Throne." Sabi ni Aina.
"Mas kawawa si Aikoh." Sagot naman ni Raven.
"Siya ang first choice ni lolo dati na papalit sa pagiging Chairman niya sa L group. Pero ngayon mukhang malabo na." Sabi ni Raven.
Ang L group ay ang main business company ni Don Art na mula pa sa kanyang mga ninuno. At may iba't-ibang branch sa iba't-ibang panig ng mundo. At may bilyon-bilyong networth bawat buwan. Ang ibang mga business company ng Don na ipinamahala sa mga anak ay ang mga extra company lamang na may billions annual profits. At hindi kailanman maikukumpara sa yamang makukuha nila sa L group.
"Ang sinumang magta-top sa atin pagdating ng graduation sa highschool personal daw na ite-train ni lolo. Pero ngayon sa palagay ko may mga nabago na." Sabi ni Raven.
Iyon ay dahil biglang nagkasakit ang Don. Bigla ding dumating si Airah na nagpabago sa lahat at ngayon ay ang pagkadisgrasya ni Aikoh. Nangangamba sila na sa susunod baka sila na naman ang madidisgrasya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top