TBH 33: Ipakita at iparamdam

Pagkalabas ni Airah sa Triple A's building mabilis siyang sumakay sa kanyang kotse. Sumakay na rin sa mga kotse nila ang kanyang mga bodyguards.

Tinapik-tapik ang kanyang dibdib sa labis na kaba. "Akala ko kanina mamamatay na ako sa kaba." Sambit niya pa.

"Ang cool niyo nga po kanina Miss Airah. Takot na takot kaya sila sayo." Sabi ng driver niya as well as personal bodyguards na rin na si Akiro.

"Talaga? Patingin nga no'ng video." Kinuha ang laptop na hawak ng lalake. Makikita sa monitor ang mga eksena kung saan sila nagmemeeting kanina.

Sa totoo lang kinakabahan siya ngunit hinding-hindi niya iyon ipapakita sa mga taong nagnanais na ipabagsak siya. Hinding-hindi niya ipapakita ang kahinaan niya sa mga taong itinuturing niyang kalaban.

Tiningnan niya ang record ng performance niya kanina at napangiti siya makita ang takot at pamumutla ng mga tao sa loob ng kwarto.

"Hahahaha. Bagay na bagay talaga sa akin magiging kontrabida." Sabi niya pa at muling natawa makita ang sarili na kinatatakutan ng mga taong mas matanda sa kanya. Makita ang tingin ni Akiro, tumikhim siya at sumeryoso ulit.

"Ehem. Wag mo akong pansinin kung minsan baliw talaga ako." Sabi niya sa lalake.

Ngumiti lamang si Akiro at napapailing. Isang ex-detective si Akiro at siyang nag-aasikaso noon sa kaso ng mga Lionheart at bigla na lamang napatanggal sa serbisyo dahil sa negligence of work daw niya. Si Andrey ang ang pumalit sa kasong hinahawakan niya at dahil sa pareho sila ng goal nakipagtulungan siya kay Andrey tungkol sa misteryo ng pagkamatay ni Donya Ayala at sa dahilan ng pag-abandona ng mga Lionheart kay Aida.

Sa pamamagitan ni Airah magtulung-tulungan silang hanapin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng Donya at sa rason ng pagkadisgrasya ni Aida thirteen years ago.

"Siya nga pala, bantayan niyong mabuti ang mga kinikilos ng mga Lionheart. At kung maaari, i-track niyo ang mga lokasyon ng bawat isa sa kanila." Utos niya kay Akiro.

"Pero Miss Airah, baka maulit na naman ang nangyari sa inyo. Baka mas mapapahamak pa kayong lalo." Sagot ng lalake. Ayaw kasi ni Airah na sinusundan siya kaya naman hindi nila ito sinundan noong nangyari ang disgrasya. Higit sa lahat may ibang bagay na ipinagawa sa kanila ng dalaga.

"Hindi niyo ako dapat sinusundan. Dahil kapag ginawa niyo yun hindi ko masisigurong may iba na palang nakasunod sa akin na aakalain kong kayo. Sasabihin ko sa inyo ang susunod na mga plano pero sa ngayon ang mga inutos ko na muna ang sundin niyo." Sabi niya pa.

Seryoso namang napatingin si Akiro sa kanya. "Malaki ka na nga." Sambit nito at dumaan ang lungkot sa mga mata.

"Kung hindi ko sana kinuha ang kaso tungkol sa mga Lionheart, possible kayang buhay pa siya?" Bulong niya at napapikit.

"Wag kang mag-alala. Kapag nalaman na natin ang totoo malalaman na rin natin kung ano ang nangyari sa pamilya mo." Sagot ni Airah.

Pinaandar na ni Akiro ang kotse at kapansin-pansin ang determinasyon sa mga mata. "Malalaman din natin ang totoo. Magbabayad na rin ang tunay na may kasalanan." Sambit niya pa.

***

Hindi na muna bumaba si Airah upang kumain. Nagpahatid na lamang siya ng pagkain sa kanyang kwarto. Kung nasaan ang Don at ang dalawa nitong anak, hindi niya alam. Nasa hospital naman sina Nova at Aikah dahil dinalaw ng dalawa si Aikoh. May group study naman sina Raven sa bahay ng kaklase niya. Si Throne naman madalas nawawala ngayong nagdaang mga araw at minsan gabi na rin kung umuuwi. Ayaw naman niyang makasabay kumain sina Avey, Ava at Alvira. Hindi rin lumalabas sa silid nila sina Aina at Aiden.

Kinabukasan bumaba na rin si Airah. Nakuniporme na ulit ito. Kailangan kasi niyang pumunta sa paaralan dahil alam niyang iyon ang pinakamagulo sa ngayon.

Papababa na rin sana sina Aiden at Aina ngunit napansin ni Aiden na namumula ang kapatid.

"Aina, ayos ka lang ba?" Nag-alalang tanong niya dito.

"Ah, oo." Sagot ni Aina at ngumiti. Ngunit kapansin-pansin ang mga luha na namumuo sa mga mata dahil sa init ng katawan.

Palabas na sana sila ng mansion nang may tumawag kay Aina.

"Aina." Napalingon sila sa tumawag at nakita si Airah na bitbit ang slingbag nito.

Nakaramdam naman ng kaba ang magkapatid dahil sa cold na tono ng boses ni Airah. Iniisip nila kung may nagawa ba silang mali na ikinagalit ng ate nila kaso wala silang maisip na kasalanan.

"Bumalik ka sa kwarto mo." Naguguluhan man ngunit sumunod naman si Aina.

"Bakit kaya parang galit sa akin si Ate Airah?" Kinakabahan niyang tanong sa sarili. Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto.

Nakita niyang may hawak na bimpo at maliit na palanggana ang kapatid. Ipinatong nito sa bedside table at nilapitan si Aina. Nilapat ang isang palad sa noo ng nagtatakang kapatid.

"Ang init mo." Sambit ni Airah at lumabas na muna. Pagbalik may dala ng thermometer. Sinuri ang temperatura ng kapatid saka ito pinagalitan.

"Ang taas ng lagnat mo tapos papasok ka parin? Nahihibang ka na ba?" Sabi ni Airah matapos icheck ang kanyang temperatura.

"Nabasa ka ba ng ulan kahapon? Kumain ka ba ng pagkaing allergy sayo? Kumain ka ba ng maayos?" Sunod-sunod na tanong ni Airah. "Saka bakit may putok ang labi mo?"

"Nakagat ko lang kagabi." Nakayukong sagot ni Aina.

"Kahit grade conscious ka pa at abala sa pag-aaral kailangan mo ring makakain ng maayos. Magpahinga ka na muna. Wag ka na munang papasok." Sabi niya sa kapatid na may malambot ng boses.

"Ate hindi kami katulad mo na ayos lang na wag ng pumasok. Lagot kami kapag bumagsak ang grades namin." Sagot ni Aina pero dahil naluluha ang mga mata dahil sa init na nararamdaman, nagmumukha siyang nakakaawang tuta sa paningin ni Airah.

Napatitig si Airah kay Aina naghahanap ng gamit sa drawer ni Aina. "Gamitin mo ang bimpo na yan para bababa kunti ang temperatura mo. Asan na ba kasi ang mga gamot dito." Sambit pa niya habang patuloy sa paghahanap ng gamot.

Napatigil siya sa ginagawa nang mairehistro na sa kanyang isip ang sinabi ni Aina. Hinarap niyang muli ang kapatid.

"Aina, sinabi ba ni Don Art kung ano ang gusto niya sa isang apo? Sinabi ba niyang kailangan niyong magtop sa klase para makuha ang loob niya?" Tanong ni Airah habang nakatingin ng diretso sa namumungay na mga mata ng kapatid.

"Walang ibang gusto si Don Art kundi ang ipakita niyong kailangan niyong tumayong mag-isa at kaya niyong lumaban. Hindi niya sinabing kailangan niyong mangunguna sa lahat ng bagay at maging pinakamagaling." Sabi ni Airah at napabuntong-hininga na lamang.

Hindi niya alam kung bakit kailangan nilang magkunwaring perpekto sa mga mata ng Don at gagawin ang lahat ng bagay para makuha ang loob ng Don pero sa nakikita niya iba naman ang mga ginagawa at kinikilos nila sa mga ninais talagang makita ng Don.

"Ang maging tapat kayo at di gumagawa ng maling paraan para makuha lamang ang recognition niya. Ang tunay na nagpapahalaga sa kanya at sa pamilya niya at hindi sa pinapahalagahan siya dahil sa manang maibibigay niya. Kaya maging tapat ka lang sa nararamdaman mo at hindi mo kailangang magkunwaring ibang tao."

"Totoong pagpapahalaga. Totoong pagmamahal. Iyon ang kailangan niya at hindi ang anumang mga pagpapakitang gilas na ipinapakita niyo. Kaya wag mong hahayaan ang kalusugan mo. Ang mana at pera napapalitan pero ang buhay hindi. Kaya ingatan mo ang buhay mo at ang iyong kalusugan. Wag kang pumasok na may sakit. Bumawi ka nalang kung malakas ka na ulit, ha ba?"

"Ate." Bigla na lamang tumulo ang butil-butil na mga luha ni Aina. At niyakap ang ate niya saka humagulhol.

Naalala niya ang kanyang ina. Kapag namimiss niya ito dinadalaw niya kaso tinataboy siya. Sa halip na itanong kung ayos lang ba siya sinasabi lang nito na kailangan niyang magsikap para hindi bumagsak dahil nakakahiya sa mga Lionheart.

Magmula noong matapos ang operasyon ng ina bilang na lamang ang araw na nagkakatagpo ang kandas nila. Ang malala palaging sinasabi sa kanya na kailangang gagawin niya ang lahat para makuha ang loob ng Don kung gusto niyang magkaroon ng magandang buhay.

Mayaman siya oo. Nabibili niya ang lahat ng gusto niya. Pero nawala lahat ng mga tao at mga kaibigang dating nagpapahalaga sa kanya ng tapat at totoo. May mga nakikipagkaibigan man sa kanya ngayon at kunwari concern iyon ay dahil sa isa siyang Lionheart at di dahil sa kung ano at sino siya. Hindi na niya alam kung sino ang tunay na tapat sa kanya at kung sino ang nagkukunwari.

Gusto lang niya ng simpleng pamilya. May maalagang ina at mapagmahal na ama. Hindi pera. Hindi mahalaga ang pera para sa kanya. Pero ngayong may taong nagsasabi na mas mahalaga siya kaysa sa pera at yaman hindi niya maiwasang mapaiyak.

Oo, mahalaga ang pera dahil kung wala ang pera malamang patay na ngayon ang kanyang ina. Pero mahalaga din naman siya. At gusto rin niyang maramdaman na may nagpapahalaga din sa kanya di dahil sa isa siya sa mga heiress ni Don Art.

Niyakap na rin ni Airah ang humahagulhol na kapatid. Alam niya ang pakiramdam ng walang mapagsasabihan ng saloobin at nararamdaman. Alam niya ang pakiramdam nang kailangan mong ipakitang malakas ka kahit ang totoo nahihirapan ka na. Ang pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha kahit sinasabi ng puso mo na di mo na kaya at naiiyak ka na talaga kaso di mo nilalabas ang sakit na nararamdaman dahil alam mong wala namang may pakialam sayo at wala namang makikiramay kahit umiyak ka pa ng dugo.

Alam na alam din niya ang pakiramdam iyong inaabot ang ninanais ng iba para lang makuha ang loob niya pero sa huli maiisip mong kahit anong gagawin mo hindi rin niya makikita na ang ginagawa mo ay para lang mapansin niya at para lang sa kanya. Masayang may kasama at karamay, at may minamahal at rason kung bakit lumalaban pero sa tao lamang na may puso at pakiramdam.

Lumalaban si Airah para sa hustisya ng kanyang ina pero ang tanong may pakialam ba ito sa kanya? Kung hindi siya pinalaki ni Andrey na may pagmamahal baka hindi niya alam kung ano ang tinatawag na pagmamahal at pagmamalasakit.

"Magpahinga ka na muna. Saka alisin mo nga yang scarf sa leeg mo. Lalo ka lang maiinitan niyan e." Napahawak naman si Aina sa scarf na pinaikot niya sa kanyang leeg.

"Hindi dahil sa sinabi ko to pababayaan mo na ang pag-aaral mo. Ang sinasabi ko lang ay kailangan mo ring alagaan ang sarili mo habang nagsisikap ka ring mag-aral ng mabuti." Sabi ni Airah mapansing kumakalma na si Aina. Ngunit natigilan siya makitang napapangiwi ito kapag nahahawakan niya ang ilang parte ng katawan ng kapatid.

Nilislis niya ang longsleeve ni Aina na ikinagulat nito at akmang ilalayo ang kamay pero nakita na ni Airah ang malaking sugat nito sa mga kamay. Inalis niya ang scarf sa leeg ni Aina at natuklasan na may mga pasa ito. Hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha ni Aina at nakita ang mga bruises na hindi gaanong natatakpan ng make up.

Dumilim ang mukha ni Airah at lumabas ng silid. Napaigtad si Aina dahil sa lakas ng pagsara ng pinto at nalaglag pa ang picture frame na isinabit niya sa may pintuan.

Paglabas niya ng silid muntik na niyang mabanggaan si Aiden.

Pumasok si Airah sa kwarto niya at tinawagan si Akiro.

"Alamin niyo kung ano ang nangyari sa school kahapon. Pakicheck na rin ng mga monitor." Utos niya.

Pagkatapos ng tatlumpong minuto may pinasa sa kanya si Akiro. Naikuyom niya ang kamao makita ang video.

Lumabas siya at bumaba. Nakita niya si Aiden na paroo't-parito sa labas ng pintuan ni Aina. Halatang nag-alala ito sa kapatid.

"Kung tunay kang nag-aalala iparamdam mo. Hindi yung umaakto kang nag-alala pero hanggang salita lang. Ipakita mo ang pagiging concern mo sa gawa hindi sa hanggang pag-alala ka lang tapos magiguilty-guilty ka? Bakit di mo nalang itapon sa basurahan iyang kunwaring concern mo? Palage mo siyang pinapabayaan tapos ipapakitakita mong nag-aalala iyang mukha at mga tingin mo? Sa totoo lang umaarte ka ba?"

Ganito siya kasakit magsalita kaya naman naiinis sila sa kanya dahil sa nakakapikon niyang mga salita. Hindi nga lang nila nababara dahil totoo naman.

"Sorry." Nakayukong sabi ni Aiden.

"That's it. Feeling guilty. Saying sorry. Yung pagsasabi ng sorry palatandaan lang yan na may nasaktan na. Hanggang kailan ka magiguilty? Ikaw ang pinaka-close sa kanya pero ano ang ginawa mo? Palage mo siyang pinapabayaan. Ang pinakamabait na Lionheart palaging iniiwan sa ere ang closest sister. Hindi yun kabaitan. Kaduwagan iyon."

Nanatiling nakatayo si Aiden hanggang sa mawala na sa paningin niya si Airah.

"Tama siya. Duwag ako." He said clenching his fist, forming into a ball. Nasabi niyang duwag nga siya iyon ay dahil sa nakita niyang pinagtulungan si Aina pero hindi siya lumapit upang tumulong. Iyon ay dahil sa ibinigay na  banta sa kanya. Na kung ipagtatanggol niya si Aina mas lalo lamang magiging miserable ang buhay ni Aina sa paaralan.

Hindi lang yon, ayaw niyang mahihirapan ang half-brother niya sa ina. Sasaktan nila ang kapatid niya kapag kinalaban niya ang grupong naninira kay Airah. Mahalaga si Aina ngunit mas mahalaga ang pamilyang iniwan niya bago mapunta sa Lionheart mansion.

Saka siya lumapit nang mawala na ang mga babaeng nakaaway ni Aina. Kaya nang malamang nagkasakit si Aina ay mas lalo siyang nakaramdam ng pagsisisi. Lalo na nang maalala ang sinabi niya dito kung bakit di siya timawagan.

Magmula noong kunin sila ng mga Lionheart si Aina lamang ang kumausap sa kanya at ang nakakasundo niya. Dahil parehong bagong salta sila lamang dalawa ang nagkakaintindihan.

Palaging nag-aaway sina Raven at Throne. Ganon din sina Alvira at Ava na palaging nagpapatalbugan. Hindi sila kinakausap ni Aikah at cold rin ang pakikitungo ni Aikoh sa kanila. Para rin silang hindi nag-eexist sa mansion na ito kung wala ang Don at ang dalawang anak nito. Wala ng nakakapansin sa kanila kapag wala silang nagagawang hindi maganda.

Hindi niya kayang ipagtanggol si Aina sa takot na masangkot sa gulo at madamay ang pamilya niya sa labas. Nakokonsensya siya pero aanhin pa ang konsensya kung kaduwagan na ang nauuna? Hindi kaduwagan kundi kasakiman. Kaya naman napapikit siya at ilang ulit na napasambit ng sorry bago umalis sa tapat ng silid ni Aina.

Si Airah naman pumunta sa hardin ni Donya Ayala. Pinakalma ang sarili at ipikit ang mga mata.

"Ako ang walang pakialaman di ba? Bakit ako pa itong nag-aalala?" Hindi niya maiwasang maisip ang ginawa ni Aina para lang ipagtanggol siya sa mga naninira sa kanya. At ang panonood lamang ni Aiden na hanggang awa lang at di man lang gumawa ng paraan.

"Im so mad. I'm sooo mad." Nanggigigil niyang sambit. "Lionheart ba talaga sila? Bakit ang uto-uto at duduwag nila?" Sambit niya pa at sinipa ang bato sa inis. Hindi niya inaasahan na may matatamaan siya at napaungol ang lalake.

"Sino yan?" Hinanap niya ito.

Nakita niya ang lalaking nakasuot ng uniporme ng mga guwardiya na nagmamadaling tumakbo at may hawak itong camera. Isa itong paparazzi na nagpapanggap na guwardiya. Guwardiya iyon ni Nova.

"Tsk! Ang dami namang mga daga sa lugar na ito." Sambit niya at hinayaang makalayo ang guwardiya.

"Avey, Nova, Arthur and Arthron. Don Art. Ano ba ang itinatago niyo? At ano ba ang ginawa ni kay mama?" Sambit na lamang niya ngunit nang maalala ulit ang ginawa ni Aiden muli na naman siyang nakaramdam ng galit.

Napapailing na lamang siya. "Pakialam ko ba sa buhay nila? Airah, buhay mo nalang ang isipin mo. Kaso naiinis ako e." Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili.

Umupo na lamang siya sa damuhan at dinama ang malamig na simoy ng hangin para mapagaan ang pakiramdam.

Nakalimutan niyang may pasok pa pala siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top