TBH 32: Daughter like Father
Bumukas ang pintuan sa isang silid kung saan naka-confine si Aikoh. Pumasok si Arthur na may dalang isang bouquet ng bulaklak.
Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na anak. Huminga siya ng malalim at umupo sa gilid ni Aikoh.
Naramdaman naman ng binata ang paglubog ng kama ngunit pinili niyang magtulog-tulugan dahil hindi niya kayang harapin ang ama.
"Aikoh." Rinig niyang sabi ni Arthur.
"Im sorry." Katahimikan ang sumunod. Ilang sandali pa'y nagsalita itong muli.
"Magpalakas ka." Mahinang sabi ni Arthur na halos pabulong na.
"Matapang ka di ba? Kaya malalagpasan mo rin yan." Ganito palage ang sinasabi ni Arthur dati, sa bawat panahong nadadapa o nasasaktan si Aikoh noong bata pa siya.
"Just be patient. Gagaling ka rin." Garalgal na ngayon ang boses ng ama. Ito ang unang pagkakataon na nakitaan ni Aikoh ng kahinaan ang estrikto at cold niyang ama.
Hindi siya gumalaw. Alam niya na kapag nalaman ni Arthur na gising siya tiyak na cold na mga tingin ang sasalubong sa kanya. Hindi nito ipapakitang nag-aalala siya katulad ni Airah.
"Father like daughter." Sambit niya sa isip.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa makita ang dalawang side ng pagkatao nina Arthur at Airah.
Sa kanyang pagtulog-tulugan tuluyan na siyang nakatulog.
Nasa kalagitnaan siya ng unconscious at conscious state at tila nag-aagaw ang consciousness niya nang makarinig siya ng isang hikbi.
"Im so sorry. Im really sorry. Sana mapatawad mo ako." Boses ito ng isang babae kaya lang hindi niya mawari kung panaginip ba ito o hindi.
"Takot akong mawala ang lahat sa akin at ayaw kong madismaya siya sa akin. I intended to ruin her but I ended up ruining you instead. Sana mapatawad mo ako." Sabi ng boses habang patuloy ang paghikbi.
"Sana mapatawad niya ako."
Nang magising si Aikoh, wala na ang daddy niya at wala rin siyang nakitang ibang tao maliban sa kanya.
"Kaninong boses ba ang narinig ko? Nanaginip lang siguro ako." Sabi niya pa.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Nova. Mabilis siyang pumikit at nagtulug-tulugan. Mga buntong-hininga ang maririnig niya at ilang sandali pa'y mat mga kamay ang humawak sa isa niyang kamay.
"Anak, wag kang mag-alala. Ipaghihiganti kita. Magbabayad silang lahat na nananakit sayo." Sabi ni Nova na ikinakunot ng noo ni Aikoh. Idinilat ang mga mata at tiningnan ang ina.
"Gising ka na pala." Masayang sabi ni Nova at mabilis na pinahid ang luha. "Nagdala ako ng pagkain. Kumain ka muna."
Tiningnan lamang ni Aikoh ang ina at di na nagsalita pa.
***
Dumating na rin ang Annual Festival kasabay ng Lionheart Academy 66th Anniversary. Marami ang mga invited prominent figures at mga bisita ang pumunta upang makapanood ng mini-concert ng mga estudyante at mga palaro sa Academy. At ang pinaka highlight nila ay ang theater play ng mga estudyante.
Nagiging successful naman ang kanilang play at biglang sumikat si Aikah dahil sa kanyang transformation matapos siyang i-make-over.
Marami ring mga humiling na ma-interview siya. At may mga talent scout din ang lumapit sa kanya para gawing artista.
***
"Hindi niyo lang alam. Napakaganda ni Miss Aikah kahapon. Magiging fans na niya ako simula ngayon." Sabi ng isang estudyanteng babae.
"Tumigil ka nga. Mas cool kaya ang ate niya. Di mo siguro napanood yung sayaw nila kagabi." Sabi naman ng katabi niya.
"Pero bakit kaya nagback-out si Miss Airah?"
"Di niyo ba narinig? Pinarusahan siya ng Lolo nila dahil tinangka niyang iframe-up si Aikah."
"Weh, di nga. Paano mo nasasabi yan?"
"Sinadya niyang sirain ang brake ng motorbike niya para i-frame up si Aikah at sasabihing binalak ni Aikah na madisgrasya siya para magiging female lead pero hindi nangyari ang plano niya dahil si Aikoh ang sumakay sa mitorbike niya kaya si Aikoh ang nadisgrasya."
"Ang sama pala talaga ng babaeng yan. Kaya naman pala nagpaganda na si Aikah at bumabawi na para hindi na maapi ni Airah."
"Sinabi mo pa. Nakalimutan mo na bang ang dami ng binugbog ng babaeng yun?"
"Shhh! Mag-iingat kayo. Baka marinig kayo ni Airah at papaalisin din kayo sa Academy." Bulong ng kasama nang makita ang papalapit na sina Aina at Aiden.
"Absent naman yun palage. Ano bang ikinatatakot niyo?" Sagot ng isa pa.
Habang sumisikat ang pangalan ni Aikah at nagkakaroon pa ng maraming followers sa mga social media accounts niya dumadami naman ang mga bashers ni Airah. Ngunit may mga die hard fans naman siyang pinoprotektahan siya laban sa mga bashers.
Isang araw may nakaaway si Aina dahil sa narinig niyang paratang ng isang estudyante kay Airah.
"Kriminal ang babaeng iyon, bakit di pa nila papaalisin sa paaralang ito? Nasisira lang ang imahe ng paaralan dahil sa kanya." Sabi ng babae na narinig naman ng papadaan na si Aina.
"Hindi kriminal si Ate Airah. Bawiin mo ang sinabi mo kundi kakasuhan kita ng slander."
"Bakit ko babawiin e totoo naman. Kriminal si Airah. Masama siyang babae at kahit sino-sino na lang din ang nilalandi niya sa murang edad niya."
Dahil dito sinugod siya ni Aina. Kaya lang nag-iisa lamang si Aina kumpara sa babae na may iba pang mga kasama.
Nang dumating si Aiden natagpuan na lamang niyang may mga pasa, galos at mga sugat na ang kapatid. Umiiyak ito.
"Ang sama-sama nila. Walang kasalanan si Ate Airah." Ang umiiyak niyang sambit.
"Bakit mo kasi sinugod? Dapat tinawagan mo kami." Sabi ni Aiden habang inalalayan ang kapatid.
Sa gawi naman ni Airah, may meeting ngayon ang Triple A's at kaharap ngayon ng dalaga ang mga board of directors ng kompanya at iilang mga nasa mataas ang katungkulan.
"Magmula noong ikaw na ang bagong presidente ng kompanya marami na ang nag pull out ng stocks nila. Ano bang pinakain mo kay Chairman Art at ikaw ang pinaupo niya sa posisyon? Gusto ba niyang ibagsak ang kompanya kasama namin?" Sabi ni Luis na siyang director ng financial department.
"Then let them be." Kalmadong sagot ni Airah na lalong ikinagalit ng mga matatanda sa kanya.
"Bumaba din ng five percent ang sales natin at malaking kawalan iyon sa kompanya. Mahigit isang linggo ka palang dito pero papabagsak na ang kompanyang ito ano pa kaya kung aabutan ka ng isang buwan?" Sabi ng isa sa mga manager ng marketing department.
"Is that so?" Tanong ni Airah at bahagyang itinaas ang isang kilay. Kanina pa siya iniintimidate ng mga employee na ito kaya lang nang makita ang cold na mga tingin ng dalaga bigla silang nai-intimidate.
"Sigurado ba kayong kasalan ko o dahil sa hindi niyo inaayos ang trabaho niyo?" Cold na tanong ni Airah.
"Ang hindi gagawin ng tama ang trabaho go away. Ang tapat sa kompanyang ito then stay." Sabi niya at tiningnan isa-isa ang mga tao sa loob ng kwarto.
"This girl is getting on my nerves." Sambit ni Mister Hernado.
"Miss Roses. Nasaan ang report na pinagawa ko sa department niyo?" Tanong niya sa isang sexy'ng babae na mula sa accounting department.
"Ahmm. Pasensya na po. May ibang mga presentation kasing ipinagawa sa akin kaya hindi ko po natapos." Hinging tawad nito na labas sa ilong. Para sa kanila sino ba ang immature na dalagang ito ang mag-uutos sa kanila? Mas marami silang alam kaysa kay Airah kaya sino ba si Airah na utus-utusan sila?
Kalmadong nilalaro ni Airah ang hawak na ballpen. Bago tingnan ang nakayukong babae. "Starting today don ka na magtrabaho sa sino mang sinusunod mo. Leave this company now. Your fired."
"You can't fire her as simple as that. Marami na siyang naiambag sa kompanyang ito at mas marami siyang alam kaysa sayo." Pagtatanggol ni Mister Sandoval.
"So sinasabi mong mas karapatdapat siyang maupo sa posisyon ko? Dahil mas may alam siya?" Tanong ni Airah. Halata naman sa mga mukha ng mga tao sa kwarto na tila sinasabi na 'it's obvious' look.
"Sad to say kompanya namin to at sinasahoran lang kayo. Anong karapatan niyong suwayin ang utos ko?" Tumingin siya kay Mister Sandoval. " Take her as your employee. You can have her and create your own company na siya ang CEO. You can leave with her rigth now. Hindi ko kailangan ang isang tauhan na hindi marunong sumunod sa utos."
Umasim naman ang mukha ni Mister Sandoval sa narinig. Inaasahan nilang mape-pressure si Airah dahil sa kanila at papakinggan nito ang anumang sasabihin nila dahil wala pa itong alam sa pamamahala ng kompanya. Lalong-lalo na't high school pa lamang ito. Hindi rin nila binibigyang halaga ang mga sinasabi nito. Hindi nila alam na mas matigas pa pala ito kumpara sa mga nagiging ex-CEO nila.
"Alam mo ba iyang pinagsasabi mo? Hindi madali ang makahanap ng papalit sa posisyon niya." Di na nakatiis na sabi ni Avey.
"So madali lang ang maghanap ng papalit ng posisyon ko?" Balik tanong ni Airah kay Avey.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang, isa ka ng CEO kahit sa murang edad mo pero sana wag kang magpadalos-dalos sa mga desisyon mo." Panimula ni Avey.
"Nag-aaral ka palang. Dapat nga e nagpopokus ka muna ngayon sa pag-aaral mo. Bakit di mo nalang iasa sa amin ang kompanya? Wag kang mag-alala lulutasin namin ang problema ng kompanya."
"Mrs. Lionheart." Sabi ni Airah na pinutol ang anupamang ninais sabihin ni Airah.
"Marami ngang problema ang kompanya. Kaya paano ko ito iiwan sa mga tunay na pinagmulan ng problema?" She said and smirked.
"Akala niyo ba hindi ko alam?" She tsked and continued. "Alam kong nagnanakaw kayo ng mga funds sa kompanyang ito at nagtayo ng maliit na kompanya gamit ang pangalan ng iba. At alam ko rin ang ginagawa niyo sa kompanya this past few days."
"What are you talking about? Stop accusing us." Halos pasigaw ng sabi ni Avey ngunit nanginginig ang mga kamay na halata ang pagkanerbyos.
" Then saan napunta ang 20 million pesos na bigla na lamang naglaho this past few days? Kala niyo dahil bata pa ako hindi ko iyon mate-trace? Akala niyo din ba ganoon nalang kabobo si Don Art para di malaman ang mga kilos niyo?" Sabi ni Airah sabay tawa ng galit. Nagsimula ng papawisan ang mga directors at mga managers na sangkot sa corruption ng kompanya.
"Yeah, it's true that I'm too young, but doesn't mean I'm too stupid. At kahit magiging tanga man ako hindi naman siguro magiging tanga katulad ko ang matandang may-ari ng kompanyang ito di ba?"
"Anong ebidensya mo? Alam mo bang pwede kang makasuhan sa pagbibintang mo ng walang puweba?" Sabi ni Mister Sandoval.
"Pruweba ba ka mo? Don't worry, magkikita naman tayo sa korte. Iyon ay kung aabot ka pa sa mga oras na iyon?" Sagot ni Airah.
"Return all the funds you robbed or else I'll destroy all of you." Tila nagyelo ang buong kwarto sa lamig ng boses ng dalaga. Malamig ngunit may dalang panganib.
"Mas nakakatakot pa pala siya kay Mr. Lionheart." Bulong ng isang executive director sa katabi niya.
"He almost died when he found out the truth. And be thankful that he manage to survived because if not, I might burn all you alive." Airah said and dragged the last sentence.
Kung ang unang tingin nila kay Airah ay immature and naive girl with an angel's face ngunit sa mga oras na ito nakikita nilang mukha lang siyang anghel na may nakatagong panganib sa likod ng anghel nitong mukha.
"Mr. John." Napaigtad si Mr. John nang marinig ang kanyang pangalan. "I found out that you're flirting with some of the office employees and bribe them with high positions?"
"No. That's not true. Miss president." Halos mapatalon na mula sa pagkakaupo nang sabihin ang mga salitang ito ni Mr. John.
"Then ano ang relasyon niyo ni Miss Rivera? Ni Miss Roses? And miss Cuevas? You made your office a f*cking office you jerk." Airah's voice roared around the room.
"You are really insane. Kung ano-ano na lamang ang pinagsasabi mo." Sigaw ni Mr. John na sumabog na rin sa galit.
Ang totoo, nagpatawag si Airah ng meeting hindi para sa mga reports nila kundi upang subukan ang loyalty nila sa kompanya at kung ano ang opinyon ng mga ito sa kanya. Ra na rin malaman niya kung sino-sino pa ang dapat alisin at para mahanapan na rin ng butas ang mga gusto niyang patalsikin.
"Airah, nababaliw ka na ba?" Hindi na napigilang sabi ni Avey. Hindi niya tinatawag na chairman ang isang batang halos kaedad lang ng anak niya.
"Oh? Am I insane? Parang inulit mo lang ang sinabi mo kay mama noon. Papalabasin niyo rin ba akong nababaliw na, para madali lang ding idispatsa? Well, hindi ako si mama. If you are a b*tch then I am a monster." Sabi ni Airah na ikinaputlang lalo ni Avey. Paanong alam ni Airah ang ginawa nila kay Aida dati?
"May alam ba talaga ang batang ito?" Tanong ni Avey habang tinitingnan ang ekspresyon ni Airah.
"Gusto niyo ng ebidensya hindi ba?" Sabay taas ng dalaga sa isa niyang kamay.
Mga Cctv camera footage mula sa office halatang nakatago ang camera base sa mga posisyon ng kuha ng camera. Si Mr. John ito na may kasamang iba't-ibang babae sa opisina niya at minsan sa nasa loob ng adjacent room ng office niya.
"One wrong move at kakalat iyan sa buong mundo." Wala siyang pakialam kung nakikita ng iba ang video ni Mr John at sa mga babaeng empleyado ng kompanya. Iilan lang naman sa kanila ang walang tinatagong baho e. Saka isusunod din naman niya ang iba. Magsilbing banta na rin ang ginawa niyang ito sa kanila.
Another video ay ang pagtransfer nila ng pera sa account ni Aida para siraan ito sa kompanya. At iilang mga ebidensya na nagpapatunay na pinlano nilang lahat ang pagpapatalsik kay Aida na dating presidente noon ng Triple A's na kilala pa dati bilang Aragon corporation.
May video pa kung paano nila inilipat ang pondo ng L company sa isang account na pinaghihinalaang kay Aida.
"How is that possible?" Namimilog ang mga matang sabi ni Avey. Hindi niya inaasahan na makakakuha ng ebidensya si Airah.
"Sino ka ba talaga?" Di niya napigilang tanong na halos hindi na magawang makatayo pa. Kaya naman isinandal na lamang niya ang likuran sa kanyang inuupuan.
Lahat sila nanigas sa kinatatayuan. Akala nila na madali lang pabagsakin ang batang ito at magagamit nila ang kamangmangan nito sa pagngungurakot nila sa kompanya.
And the intense look in her eyes makes them shiver in fear. Na tila ba sinasabi na "wag niyo akong lokohin dahil alam ko ang lahat ng pinagagawa niyo."
"Oh i forgot to tell you, except the six of you, all of you are fired."
"You can't do this." Sagot ni Mister Sandoval.
"Nga pala may naka-monitor nga pala sa atin. Takot ko lang hindi na makakalabas dito." Sumulyap sa mga camera na nakatago sa isang sulok.
Tumayo na siya at kinuha ang bag niya. "Meeting is adjourn. You don't have to come back." Sabi niya at naglakad na palabas.
Nakita nila ang sulat na naka-print sa likuran ng damit niya.
‘Mess with me and you'll be dead.’ Basa nila bago magsara ang pinto.
Ang anim na hindi natanggal ay nagpasalamat samantalang ang mga pinatanggal hindi na ma-imagine ang ekspresyon ng mukha nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top