TBH 30: Sinubuan


"Hindi ako maaaring matanggal. Kailangan kong makahanap ng paraan para makabalik sa trabaho." Sambit ni Janice at paroo't-parito na siya sa kanyang silid. Hanggang sa makaisip ng ibang paraan.

"Tama. Bakit di ko ito gagawin?" Sambit niya.

Pinapasundan niya si Airah at naghahanap ng mga ebidensya laban sa dalaga upang gagamitin sa pagba-blackmail dito.

***

Dahil hindi na pumapasok si Airah, si Aikah ang nagiging female lead star.

Si Aikoh naman nagising na ngunit nagwala ito nang matuklasang hindi na siya makakalakad pang muli. At palaging nagwawala kapag napapansin niyang buhay pa siya. Kaya tinuturukan na lamang siya palage ng pampatulog para hindi na magwawala pa.

Hindi siya gaanong nadadalaw ng ama dahil may problemang kinakaharap ngayon ang minamanage nitong kompanya.

Mas nakatuon naman ang atensyon ng ina kay Aikah dahil ito na lamang ang natatanging pag-asa niya para magiging isang tunay na madam ng mga Lionheart.

Nang magising ulit si Aikoh napansin niyang nakagapos siya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Airah na ikinagulat niya.

"Kalagan mo ako." Utos niya sa dalaga.

"Kakalagan kita kapag kumain ka na." Sagot ni Airah na may dalang baunan. Narinig kasi niyang hindi kumakain si Aikoh magmula noong magising siya.

"Ayoko." Sagot ng lalake at sa ibang direksyon iniharap ang mukha.

"Kung ganon matulog ka nalang ulit." Kinuha ang isang injection na may malaking karayom.

"Te-teka. Anong gagawin mo diyan?" Sa paulit-ulit na pagturok ng mga doctor o nurse ng pampatulog sa kanya narararamdaman na niya ang paulit-ulit na sakit kapag nakakakita siya ng karayom.

"Bakit? Natatakot ka?"

"Anong natatakot? Kailangan kong mag CR." Nauutal na sagot ni Aikoh.

" Lalagyan ko na lang ng tubo ang baby mo." Biro ni Airah. Napatingin naman si Aikoh sa ibaba niya at namula bigla ang mukha.

"What?" Nanlaki ang mga mata niya makitang akmang ibaba ni Airah ang sout niyang pajama.

"Anong ginagawa mo? L-lumayo ka."

Napatawa si Airah makita ang namumulang mukha ni Aikoh at takot na takot na ekspresyon ng mga mata. Kinagat niya ang labi para pigilan ang tawa sabay bago sa kanyang ekspresyon at nagiging cold ulit.

"Mamili ka. Diyan ka nalang magbawas o titigilan mo na iyang pagwawala mo?" Sabi ni Airah.

"Fine." Pagsuko ni Aikoh.

"Kung gusto mong maglakad muli wag na wag mo munang gagalawin iyang mga paa mo." Paalala ni Airah at inilapit ang wheelchair na nakalagay sa gilid ng silid palapit kay Aikoh.

"Sabi ng doktor wala ng pag-asa pang gagaling ang mga paa ko." Sagot ng lalake na halatang pilit na binubuo ang mga sinasabi.

"Depende. Iyon ay kung hindi ka mag-iingat."

"Are you kidding me?"

"No I'm not." Seryosong sagot ng dalaga.

"Nagbabait-baitan ka ba para makuha ang loob ko?" Tanong ni Aikoh. Para sa kanya, ang lahat ng mga nakapaligid sa kanya maliban sa kanyang mga kaibigan, nagbabait-baitan lamang para makuha ang kanyang loob. Tulad na lamang ng mga apo ni Don Art. Ginagawa nila ang lahat para hindi mapasama ang imahe nila sa Don kaya naman hindi na nila mailalabas ang tunay na sila at kung ano talaga ang gusto nila.

"Bakit? Makukuha ko ba ang loob mo?" Balik tanong ng dalaga.

"Hindi." Mabilis na sagot ni Aikoh.

"Hindi naman pala, ano namang ipinag-alala mo? Wag mong sabihing takot kang baka mahulog sa akin ang loob mo? Tapos magkagusto ka sa akin. Eww lang. Di kita papatulan."

"Anong magkakagusto? Sinong magkakagusto sa brutal na babaeng katulad mo? Kadiri ka." Sigaw ni Aikoh sa kapatid at naigalaw ang mga paa na ikinaungol niya.

"Sinabi ng wag galawin ang binti e. Gusto mong masapak?" Mabilis na inalalayan si Aikoh. "Masakit pa ba?"

Napatitig si Aikoh sa dalaga mapansing may makikita ng emosyon ang cold na mga mata ni Airah.

"Gusto mo bang uminom ng pain reliever? Masakit pa ba? Wag mo kasing ginagalaw." Sunod-sunod nitong tanong at naghanap ng gamot sa isang drawer.

"Nag-aalala ka ba?" Tanong ng binata na ikinatigil ni Airah sa pagalaw.

Nilingon si Aikoh at pinamaywangan. "Tse. Wag kang umasa." Sagot niya at umirap. Sumama naman ang tingin ng lalake ilang sandali pa'y napangiwi na naman.

"Aaah. Ang sakit." Makikita sa mukha nito na nasasaktan nga kaya naman natataranta na naman si Airah.

"Si-sigurado ka ba diyan?" Nagdududang tanong ni Airah.

"Masakit talaga. Doctor. Tumawag ka ng doctor." Sabi niya at umungol na naman.

"Sandali tatawag ako ng doctor." Lalabas na sana nang biglang tumawa si Aikoh.

Napapreno si Airah at sinamaan ng tingin si Aikoh sabay sapok sa ulo ng binata.

"Aray! Para saan ba yun?" Sinamaan ng tingin ang dalaga pero maalala ang pagkataranta nito kanina ay bigla na naman siyang natawa.

"Bahala ka nga diyan." Umupo sa isang upuan at binuksan ang baunan saka nagsimula ng kumain.

"Pagkain lang ba laman ng isip mo?"

"Oo."

"Dinala mo ba talaga yan para sa akin o para sayo?"

"Dinala ko para paglawayin ka." Sabay pakita ng binalatan ng crayfish at isusubo sa harapan mismo ni Aikoh. Paborito ni Aikoh ang crayfish kaya naman napapalunok siya makitang kinakain ito ni Airah.

"Naglaway na yan. Naglaway na."

"Tsk! Childish." Sambit niya makitang pinapainggit siya ni Airah. "Kala ko pa naman cold ang babaeng ito. Kasing childish lang pala ni Aina." Bulong niya at napairap.

Natigilan siya makitang may papalapit sa mukha niya. Naibaba niya ang tingin at nakita ang laman ng crayfish na hawak ni Airah.

"Kainin mo na. Nakaglove naman ako e. Di madumi ang kamay ko." Inilapit ni Airah sa labi niya ang pagkain.

"Ayaw mo e di wag." Babawiin na sana ang kamay ng biglang sinubo ni Aikoh ang hawak niya. Naisubo nito pati ang daliri niya na parehong ikinagulat ng dalawa.

"Wag mo kasing isinasali ang daliri ko." Sabi ng dalaga at binatukan na naman ang lalake.

"Bago pa man gagaling ang mga paa ko baka mababaliw na ako sa kakabatok mo."

Ipinagpapatuloy na lamang ng dalaga ang pagsubo ng pagkain kay Aikoh. Nakailang subo na ito nang mapansin ni Airah ang tingin ng binata.

"Wag kang mag-assume na may pakialam ako sayo. Kasi inutusan langa ko ni lolo kaya ginagawa ko ito. Kaya wag kang mag-isip ng kung ano diyan." Sabi ni Airah.

Nagtsk lamang ang lalake sa sinabi niya.

Pagkatapos kumain, tinanggal na niya ang lubid na itinali niya sa mga kamay ni Aikoh.

"Tulungan mo akong umupo sa wheelchair." Sabi niya kay Airah.

Inalalayan naman siya ng dalaga.

Hindi niya maiwasan mapatingin sa mukha ni Airah habang tinutulungan siya nitong lumipat sa wheelchair. Hindi maipagkakailang hindi hangaan ng sinuman ang hitsura ng kapatid. Effortless ang beauty na kahit walang suklay o polbo nakakabighani parin. Hindi na kataka-takang kahit cold ito marami paring humahanga at isa na dito ang mga barkada at mga kaklase niya.

Hindi rin niya masisisi kung ganon nalang mainggit sina Alvira at Ava sa beauty ni Airah.

"Hoy!" Sigaw ni Airah na nagpukaw sa pagkatulala ng kapatid.

"I-ilabas mo ako." Nauutal na sabi ni Aikoh habang nakaiwas ng tingin.

"Akala ko ba magsi-CR ka?"

"Gusto ko talagang mamasyal at makalanghap ng sariwang hangin."

"Bakit di mo agad inamin?" Biglang tanong ni Airah habang tinutulak ang wheelchair ni Aikoh.

"Inamin na ano?" ‘Alam kaya niyang...’ nanlaki ang mga mata ni Aikoh at lalo pang namula.

"Hindi kita crush. Wag kang mag-aasume." Biglang sabi ni Aikoh na ikinakunot ng noo ni Airah.

"Anong crush pinagsasabi mo?" Tanong ng dalaga.

"E ano ba kasing sinasabi mo? Linawin mo kasi." Inis na sagot ni Aikoh. Akala pa naman niya kung ano na. Kinabahan pa siya.

"Sabi ko bakit di mo inamin ang anumang alam mo. Hindi mo naman siguro sasakyan ang motorbike ko kung wala kang alam di ba?" Sagot ni Airah.

"Wala akong alam." Sagot ni Aikoh. Nagkibit-balikat naman si Airah at di na nagtanong pa.

"Di mo ako pipiliting sumagot?" Tanong nitong bigla pagdating nila sa labas.

"Para saan? Wala namang magbabago. Sasabihin mo man o hindi wala na akong pakialam don." Sagot ni Airah.

"Alam mo at kay ideya ka kung sino, bakit di mo rin ipinaalam sa lahat?" Balik tanong ni Aikoh.

"Kapag sinabi ko may maniniwala ba? Sa sinabi ko na, walang magbabago kundi mas lalala lamang ang sitwasyon. Kaya hahayaan ko na muna sa ngayon." Sagot ni Airah.

‘sa ngayon’ ito ang pumasok sa isip ni Aikoh. Napatingin siya kay Airah.

"Wag kang mahulog sa akin. Di kita papatulan." Sabi ng dalaga na ikinasama na naman ng tingin ni Aikoh.

"Umalis ka na nga. Nakakawala ka ng mood." Sigaw nito sa dalaga.

"Aalis na talaga ako. May gagawin pa ako." Sabi ni Airah at ibinalik na sa loob si Aikoh.

"Hey! Kakalabas lang natin a."

Hindi na sumagot ang dalaga.

Ipinasok sa ward nito si Aikoh kahit nagrereklamo pa.

"Wag na wag mong sabihin na dinalaw kita dito. Kundi lagot ka." Sabay pakita sa kamao bago lumabas ng silid.

Napatingin na lamang si Aikoh sa nakasara ng pintuan. Mag-isa na naman ulit siya. Boring na naman ang buhay niya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at naglaro na lamang ng mobile game.

***

Papasok na sana si Airah sa Triple A's nang harangan siya ni Janice.

"I want to talk to you." Sabi ni Janice na may ngiti sa labi.

"Okay." Mabilis na sagot ng dalaga.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top