TBH 3: Assassin

Nakahiga ngayon si Airah sa kanyang kama at nakatingin sa kesame. Tinatanong ang sarili kung bakit nga ba niya iniligtas ang matandang yun. Ngunit iniisip rin na dahil lang sa kailangang-kailangan niya ng pera kaya niya ginawa yun.

Nagpasalamat siya dahil nakaalis agad sila sa nasabing hospital at nailipat agad ang kanyang ama. Dahil kundi pa, baka natunton na sila sa mga taong naghahabol sa kanyang ama.

Tahimik na sana ang nagdaang mga araw niya makalipas ang tatlong buwan mula ng magdonate siya ng dugo. Ngunit bigla na lamang itong nagbago pagkatapos ng tatlong buwan na iyon. Palage ng may nakasunod sa kanya sa tuwing lalabas siya. Hindi pa naman niya matukoy kung sino ang mga naghahabol sa kanyang buhay o sa kung sino ang mga tauhan lamang ng Don.

Kinabukasan, maagang nagtungo si Airah sa pamilihan para makabili ng mga kakailangan nila ng kanyang ama. Ngunit hinarang siya ng mga lalaking nakablack suit.

"Binibini. Pinapasundo ka sa amin ng Don." Sabi ng isa sa mga naka-black.

Tumalim ang kanyang tingin. Ayaw niyang iwan si Andrey dahil walang mag-aalaga dito kapag wala siya ngunit pinipilit siya ng kanyang lolo na sa Lionheart mansion na titira kasama ang mga tagapagmana ng Don. Ayaw ni Airah sa mga mapagkunwaring nga half-sister at mga pinsan. Higit sa lahat ayaw niyang manirahan sa poder ng Don.

"Hindi dahil sinundo niyo ako dapat na akong sumama. Saka maaari bang tigilan niyo na ako?" Sagot niya at tiningnan ng masama ang sampong mga naka-black suit na mga lalake.

Galit ang papa Andrey niya sa pamilya ng Don, kaya kung dadalhin din nila si Andrey para lamang sumama si Airah sa kanila, malabo ring mapadali ang mga bagay na iyon dahil kahit ang pangalan ng Don ayaw na ayaw na marinig ni Andrey.

Tumakbo na lamang si Airah para maiwasan sila.

"Young lady, wag niyo na po kaming pahirapan. Sumama na po kayo sa amin." Sigaw ng isa sa kanila.

Napatigil si Airah dahil may nag-aabang na pala sa kanya sa daang tinahak niya.

"Sumama ka na sa amin kung hindi, pupwersahin na lamang namin kayo." Napatigil ang lalake sa sinasabi dahil tumama sa tiyan niya ang paa ni Airah. Napaatras ang lalake at napahawak sa tiyan. Nang tingnan niya ang lima pang mga kasama nakahiga na ang mga ito sa lupa.

"Saan na? Saan na siya?" Hinihingal na sabi ng isa habang nakapatong ang mga palad sa mga tuhod nito.

"Nakatakas na naman." Sagot ng lalaking nasipa sa tiyan kanina.

"Bakit ba siya tumatakbo? Wala naman tayong gagawing masama sa kanya a." Sabi din ng isa pa na nakahawak sa hood ng kotse dahil hinihingal na ito sa pagod.

"Ang swerte na nga niya dahil apo siya ni Don Art tapos tinatanggihan pa niya ang grasya." Sabi naman ng isa pa.

Sila din kasi ang sumundo sa mga apo ni Don Art na mula sa iba't-ibang lugar. Kapag pinaliwanag na sa kanila na apo sila ni Don Art, hindi sila makapaniwala. Makikita ang gulat at tuwa sa mga mata nila nang malamang apo sila sa isang kilala at sikat na billionaire ngunit ibang-iba ang ikinikilos ni Airah sa lahat ng mga apo ng Don.

Wala itong balak mabuhay ng marangya kasama ang iba pang mga apo ng Don at mas gustuhing mabuhay ng simple kasama ang adopted father nito.

Sa kakatakbo ay muntik ng mabangga ng sports car si Airah.

"Ano ba Miss! Magpapakamatay ka ba?" Sigaw ng gwapong lalaki na nakauniporme kay Airah. Napaangat naman si Airah ng tingin at bahagyang natigilan ang maninigaw pa sanang lalake.

"Sandali lang Mister. Pasakay." Walang pag-aalinlangang tumalon si Airah pasakay sa shotgun seat.

"Teka, huy." Nagulat si Aikoh dahil bigla na lamang sumakay ang dalaga sa sasakyan niya.

"Magdrive ka na o ako ang magdadrive para sayo?" Akmang agawin ang manibela kaya naman napadrive na lamang si Aikoh.

Nakita nila ang mga naka-black suit na kararating lang sa kinaroroonan nila kanina. Napatingin naman si Aikoh sa babaeng katabi. Diretso lamang ang mga mata ng dalaga habang nililipad naman ng hangin ang buhok.

Nakita ni Aikoh ang makinis at maputi nitong mukha. At kahit kabilang pisngi lang ang nakikita niya ngayon, hindi nito maitatago ang kagandahang taglay ng babaeng ito. Kahit ang makinis at matangos na ilong, hindi makikitaan ng kahit kunting pores. Lalo na ang mamula-mula nitong labi na tila ba nang-aakit sa kung sinong titingin dito. Hindi maintindihan ni Aikoh ngunit mas bumilis pa yatang bigla ang tibok ng puso niya.

"Gusto mo bang mabangga?" Walang emosyon na tanong ni Airah. Saka naman natauhan si Aikoh at mabilis na iniliko ang kanyang sports car na muntik ng mabangga sa isa pang kotse.

Nang matiyak na ni Airah na wala ng sumusunod sa kanya, sinabihan niya si Aikoh na itigil na ang kotse.

"Dito lang ako. Salamat." Sabi niya at tumalon na pababa.

"Ang cool." Sambit ni Aikoh ngunit nang maalalang hindi man lang niya naitanong ang pangalan ng babae mabilis siyang bumaba at hahabulin na sana si Airah kaso nakipaghalubilo na ito sa mga tao at naglaho na sa kanyang paningin.

"Aish! Sayang naman. May maipagmamayabang na sana ako sa mga loko kong mga kaibigan." Sabi niya at naiinis na sinipa ang hood ng kanyang kotse.

May dalawang itim na kotse ang tumigil sa tabi ng kanyang kotse. Nagsilabasan agad ang mga sakay nito.

"Young Master. Nasaan na po ang babaeng sumakay sa kotse niyo?" Tanong ng isa sa mga naka-black suit sa kanya.

"Bakit niyo tinatanong sa akin ha?" Sigaw niya. Ngunit natigilan mapansing ang mga private bodyguards na ito ang nakita niyang humahabol kay Airah kanina.

"Bakit niyo ba siya hinahabol? Wag mong sabihing apo din siya ni Don Art?" He asked mockingly.

Walang sumagot sa kanya na ikinaasim ng mukha niya.

Kung kanina ay humanga siya sa ganda ni Airah at sa pagiging cool nito, ngayon naman nakaramdam siya ng galit at pagkamuhi.

"Isa na namang gold digger." Sabi niya at sumakay na lamang muli sa kotse niya at nagdrive na paalis.

Si Airah naman, kausap na ngayon sa telepono ang ina.

"Mama. Sabi mo kukunin mo na ako dito? Nasaan ka na ba ha?" Tumawa lamang ang kausap niya sa kabilang linya.

"Ayaw mong tumira sa mansion ng lolo mo? Mayaman ang mga yun saka hindi mo na kailangan pang magtrabaho para magkapera kung nandoon ka na. Niligtas mo siya di ba?"

Hindi sumagot si Airah. Nagagalit siya sa ina na ito ngunit namimiss din niya kahit galit siya dito.

"Kailangan ni Papa ng mag-aalaga, nasaan ka na ba? Bakit ba ang tigas ng puso mo ma?" Tumahimik sa kabilang linya.

"Gusto mo bang titira ako sa tahanang pinaninirahan ng mga tigre at mga ahas? Gusto mo bang mamamatay din ako ng maaga katulad ni lola?" Muling sabi ni Airah.

"Ngayong natunton ka na ng Don, sa palagay mo ba makakatakas ka pa sa kanila? Sinabi ko ng wag na wag mong hayaang makilala ka nila kaso sinuway mo ako at niligtas pa ang Don na yun. Kung nakinig ka lang sa akin, hindi sana mangyayari to Airah." Sabi ng kabilang linya.

Ibinaba na lamang ni Airah ang telepono at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri.

"Hindi ko hahayaang lamunin kayo sa galit mama. Hindi ko hahayaang kumitil ka ng buhay ng iba." Sambit niya.

Matapos makabili ng mga kakailanganin nila, bumalik na siya sa apartment kung nasaan ang kanyang papa Andrey. Hanggang ngayon kasi hindi pa gaanong magaling ang sugat nito kaya kinailangan munang mananatili sa kama.

"Papa, nandito na ako." Sabi niya at tinungo ang kwarto ni Andrey kaya lang wala na ito sa kinahihigaan.

"Papa." Hinanap niya ang ama ngunit hindi na matagpuan.

Ilang sandali pa'y nakita niya ang isang piraso ng papel mula sa kama ni Andrey.

"Airah. Mas ligtas ka sa poder ng Don. Ayos lang ako kaya wag mo na akong isipin pa." Napaupo naman si Airah sa nabasa.

Si papa niya Andrey lamang ang meron siya. Ang nagpalaki sa kanya magmula nagkamulat siya. Ang palaging nandiyan kung kailangan niya mga magulang na gagabay sa kanya. Ang itinuring niyang ina at ama. Ang nagturo sa kanya kung paano lumaban. Ang nagturo sa kanya sa halos lahat ng mga bagay na natututunan niya magmula noong pitong taong gulang siya.

Mag-isa na lamang siya. May ina siyang walang pakialam sa kanya dahil mas itinuon ang pansin nito sa paghihiganti. May ama siyang tila ngayon lang nalamang nag-eexist siya. May lolo siyang ayaw naman niyang makasama dahil galit siya rito. May mga pamilya siyang estranghero sa kanya. Si Andrey lamang ang itinuring niyang pamilya. Ang nag-iisang taong nakakaintindi at nagpapahalaga sa kanya ngunit wala na ngayon. Iniwan na rin siya.

"Malaki ka na. Kaya mo ng mabuhay mag-isa." Ito palage ang maririnig niya sa ina mula noong anim na taong gulang pa lamang siya. At siguradong ganito parin ang sasabihin nito ngayon. Wala itong balak suportahan siya sa pag-aaral niya ni bigyan siya ng allowance sa pang-araw-araw niyang pangangailangan. Ang papa Andrey lamang niya ang kanyang katuwang sa buhay ngunit iniwan din siya.

Umupo siya sa gilid ng kama habang nakalagay sa mukha ang dalawang palad. Ilang linggo na lamang at magbubukas na ulit ang klase. Mas mahihirapan yata siya ngayong mag-isa na lamang siya sa apartment na ito. Wala na kasi siyang lulutuan sa umaga, wala na siyang makakausap at makakakwentuhan. Wala na siyang matatawag na papa.

Dumidilim na, nanatili paring nakaupo si Airah sa gilid ng kana ni Andrey. Natigilan siya dahil sa aninong dumaan sa may bintana. Nagiging alerto siyang bigla at inihanda ang sarili sa kung sino mang pumasok sa apartment niya.

May mga yabag siyang narinig na papalapit sa gawi niya. Tumayo siya at hinintay ang pagdating ng kung sinong uninvited guest na ito.

"Hindi ka ba sisigaw at manghihingi ng tulong?" Sabi ng lalaking nakamask at nakasumbrero.

Nagsmirked pa ito makitang hindi man lang nakikitaan ng takot at kaba sa mga mata si Airah.

Inilabas ng lalake ang isang kutsilyo at naglakad palapit kay Airah. Nakapamulsa namang nakatingin sa kanya si Airah hinintay ang paglapit ng lalake sa gawi niya.

Iginalaw ng lalake ang kamay na nakahawak sa kutsilyo upang saksakin siya, mabilis naman siyang nakaiwas. Umikot at sinipa ang lalake na ikinaatras nito.

"May alam ka nga sa pakikipaglaban." Sabi nito at muling umatake.

Tumalon si Airah at ginawang tulay ang pader saka sinipa sa ulo ang lalake na ikinatumba nito sa kama.

"Sa lahat ng mga assassin na ipinadala upang patayin ako, ikaw na yata ang pinakamahina." Sabi niya at sinipang muli ang lalake na naiwasan naman nito. Mabilis na sinaksak si Airah, umiwas naman ang dalaga kaso nabangga siya closet at wala ng maaatrasan pa. Kaya naman nadaplisan ang baywang niya. Muli siyang sinaksak ng lalake, agad niyang pinigilan ang kamay nito na may hawak na kutsilyo at mabilis na sinipa ang kaselanan ng lalake na ikinaupo nito at ikinabitaw sa hawak na kutsilyo.

Ilang sandali pa'y umalingawngaw sa buong apartment ang hiyaw ng lalake na nakabaluktot na ngayon sa sahig habang hawak ang kaselanan.

May mga yabag naman ang mabilis na dumating. Kinuha ni Airah ang kutsilyo at binuksan ang bintana upang tatalon na sana pababa nang marinig ang pamilyar na boses.

"Young lady sandali." Pigil ni Butler Kim sa kanya na ikinalingon ni Airah.

"Airah." Napatingin siya kay Arthur na kasama ngayon ng mga private bodyguards ni Don Art.

"Ayos ka lang ba? May sugat ka." Nag-alalang sambit ni Arthur makitang nasugatan si Airah.

Napatitig naman si Airah sa nag-alalang mukha ng nagpakilalang ama niya umano. Sinusuri ng paningin kung totoo ba ang pag-alalang ipinapakita nito o pakitang tao lang?

"Dadalhin kita sa hospital."

"Ayos lang ako." Napatingin siya sa kamay niyang hawak na pala ni Arthur.

"Maaari bang bitiwan mo na ang kutsilyong ito? Baka masugatan ka pa." Saka niya napansin na sobrang higpit pala ang paghawak niya sa kutsilyo.

Binitiwan niya ito kaya nakuha agad ni Arthur. Hinuli nila ang assassin habang si Airah naman dinala nila sa Lionheart hospital.

Napatingin si Arthur kay Airah na tinatahi ngayon ng doctor ang sugat nito. Kalmado lamang ang dalaga mula ng matagpuan nila sa loob ng kwarto kasama ang isang assassin hanggang sa dalhin nila sa hospital at kahit ngayong tinatahi na ng doctor ang sugat niya.

"Anong buhay ba ang dinanas niya sa mga kamay ni Aida at kahit nasa delikadong sitwasyon kanina ay napakakalmado parin niya?" Hindi niya maiwasang itanong.

"Kumusta na si Airah? Ayos lang ba siya?" Tanong ng kararating lang na si Arthron.

"Ayos lang siya. Hindi naman malala ang sugat niya."

"Bakit ba nangyayari to? Di ba may mga bodyguards naman na nakabantay sa kanya?" Tanong ni Arthron.

Bumuntong-hininga naman si Arthur. Kanina kasi nakita niyang pumasok si Airah sa apartment nito. Hindi sila lumapit at nakabantay lamang sa labas. Ilang oras din siyang paroo't-parito sa may pintuan dahil di niya alam kung paano nila mapapasama sa kanila si Airah. Kung hindi nila narinig ang sigaw, hindi nila malalaman na may nakapasok na palang assassin sa loob.

"Kasalanan ko ang lahat. Muntik na siyang mawala sa atin dahil sa kapabayaan ko." Sambit niya at napatingin ulit kay Airah.

Tinapik-tapik naman ni Arthron ang balikat niya.

"Wala kang kasalanan. Wag ka ng mag-alala, magiging ayos din ang lahat." Lumabas na si Doctor Seo at kinausap sila.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top