TBH 29: Nagbalik na ang Don

Nagbalik na ang Don kaya naman sinamantala nina Ava ang pagkakataon para sabihin kay Don Art ang lahat ng mga nakahanda nilang mga akusasyon kay Airah. Pinatawag pa nila ang ina nina Raven, Alvira at Aiden. Para magiging kakampi nila.

"Lolo, sabi niya siya daw ang nagmamay-ari sa school. Siya pa nga ang naghahari-harian sa paaralan. Alam mo bang nananapak siya at marami ng nambubugbog? Hindi lang yon basta-basta lang siyang nagpapatalsik ng mga school staff at director." Sumbong ni Ava kay Don Art habang patuloy sa pag-iyak. "Di ba ayaw niyo ng ganoon grandpa?"

"Ayokong masira pati pangalan ng anak ko at kinabukasan niya dahil kay Miss Airah kaya kung pwede lang sana kausapin niyo po ang apo niyo. Marami na kasing nagrereklamong mga magulang dahil sa kanya." Sabi din ni Rowena. Ang ina ni Raven.

"Mom." Pigil ni Raven sa ina pero sinamaan lang siya ng tingin.

Sa totoo lang takot ang ina ni Raven kay Don Art ngunit dahil sa sinabi ni Ava na pinapahirapan ni Airah si Raven at napipilitang makisama ang anak niya kay Airah, napagpasyahan niyang pumunta sa Lionheart mansion.

Ayaw niyang masira ang kinabukasan ng anak dahil palage nitong kasama ang monster na apo ng Don.

Hindi sumagot ang Don ni di tinapunan ng tingin ang babae.

Napatingin siya sa mga apo at sa mga ina ng kanyang mga apo. Katabi ni Aina ang kanyang ina. Katabi naman ni Alvira ang ina na hindi nagsasalita at nakikinig lang sa usapan sa paligid. Si Throne naman nakayuko lamang na halos ayaw iangat ang ulo.

Si Aikah halos matakpan ng buhok ang mukha at nakatingin lang sa kanyang mga kuko. Katabi niya si Arthur at sa gilid ni Arthur nakaupo ang umiiyak na si Nova. Si Avey naman na nakaupo katabi si Arthron kalmado lamang na nanonood sa pinagsasabi ng anak.

"Kung di dahil sa kanya hindi sana maaaksidente si Aikoh. Kahit bumabawi pa kayo sa mga pagkukulang niyo sa kanya hindi niyo parin dapat hinayaan ang ganyang klaseng pag-uugali papa." Sabi din ni Nova. Pinunasan pa ang luha sa mga mata dahil sa labis na lungkot na nararamdaman para sa sinapit ng anak.

"Hindi na makakalakad pa si Aikoh nang dahil sa kanya. Kawawa ang anak ko. Nasira ang lahat ng pangarap niya." Humagulhol na siya sa harapan ng Don.

Hindi umimik ang Don. Walang nakakaalam kung ano ang nasa isip niya. Ilang sandali pa'y nagsalita na siya. "Dalhin niyo dito si Airah."

Agad namang tinawag ng isang katulong si Airah.

"Nandito na po siya lolo." Sabi ni Alvira.

Inirapan ni Ava si Airah at tiningnan ito na tila sinasabi na lagot ka ngayon.

"Iwan niyo na muna kami." Utos ng Don sa kanila kaya nagsilabasan na sila.

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong ng Don sa tahimik na dalaga na tila tinatamad na kahit tapunan siya ng tingin ay halos napipilitan lang.

"Kailangan pa bang magsalita nitong sandata mo?" Airah said with a mocking tone. Alam ng dalaga na ginagamit siya ng Don laban sa mga tagapagmana nito kaya nga hinahayaan siya ng matanada sa anumang mga pasyang ginagawa niya.

Napangiti ang Don sa sagot niya. "Isa ka ngang Lionheart. May matalas na pag-iisip. At hindi kasing tanga ng mga pinsan at kapatid mo."

Umirap lamang ang dalaga sa tinuran ng Don.

"Bilang parusa sa ginawa mo magtrabaho ka sa triple A's."

Napakunot ang noo ni Airah sa narinig.

"Mr. Lionheart."

Alam na ni Don Art ang tawag na iyan. Kapag ganyan na ang tawag sa kanya galit na galit na ang dalaga na mas lalong ikinatuwa niya. Ang cute kasi ng apo niyang ito kapag namumula sa galit.

"I'll make all of your companies go bankrupt." Banta ni Airah.

"I am already old. I don't care kung ano man ang mangyayari sa sa mga kompanya na mamanahin niyo." Sagot ng Don at nagkibit-balikat.

"Im still a student pero bakit papagtrabahuin mo na ako sa kompanya mo? Nahihibang ka na ba?" Di na mapigilang itanong ni Airah.

"Ano na naman bang binabalak ng matandang ito?" Tanong niya sa isip.

"It's the only way." Biglang sagot ng Don na may seryosong tono.

"Pero bakit pati yon?" Sambit ni Airah na parang isang spoiled brat at nagdabog. Kahit naman kasi cold at seryoso ang ipinapakita niya sa labas pero hindi nito maitatagong bata parin siya.

"Dahil kailangan." Sagot ng Don.

"Lolo naman." Isinandal ang likuran sa upuan at tila iiyak na anumang oras.

"Kung gusto mong malaman kung ano ang nangyari sa lola mo, gagawin mo ang sinasabi ko." Sagot ng Don at iiling-iling makitang parang batang inagawan ng kendi o laruan si Airah.

Para sa lola niya, gagawin niya ang lahat. Kahit ayaw niya sa pamamaraan ng Don pero nakikita naman niyang may improvement din sa mga pinagagawa niya. Pinakita na ni Nova kung ano siya, maging si Rowena, at iilan pang mga taong nakapaligid sa Don. Alam niyang mapanganib ang ginagawa niyang ito pero kung ito ang paraan para mailabas ang sinumang nasa likod ng pagkamatay ni Donya Ayala, worth it din ang lahat ng paghihirap niya.

Pero di parin niya maiwasang mainis kapag naisip niyang magtrabho sa kompanya tapos nag-aaral pa. Anong trabaho ang magagawa ng tulad niya? Tagalinis ng kubeta? Padabog siyang lumabas ng silid at isinara ng malakas ang pinto. Makitang ang sama ng mukha ng dalaga, napangiti naman sina Ava at Alvira maging sina Nova, Avey at Rowena na naghihintay pala sa labas. Maliban kay Throne na tila ba may napansin na kakaiba.

Pababa na sana ng hagdan si Airah nang lumabas ng pintuan si Don Art at hinabol siya.

"May nakalimutan pa ako. Ikaw ang magtuturo kay Aikoh." Sabi nito na ikinatigil ng dalaga sa paghakbang.

"Bakit ako na naman?" Reklamo niya. "Ayoko." Agad niyang sagot.

"Talaga?" Tanong ng Don na may nagbabantang tono.

"Oo na." Sagot muli ni Airah bago ito tuluyang bumaba.

Sinundan ng tingin ni Throne ang papababang pinsan. Nagtataka siya at napapaisip na parang may tinatago sina Airah at Don Art.

Under ang lolo nila kaya paanong napapasunod ng matandang ito si Airah? Maliban lang kung may kinatatakutan si Airah na hawak ng lolo nila?

Saka sino ang ina ni Airah? Bakit kaapleyido niya ang apelyido ni Donya Ayala? Ito ang mga katanungan ni Throne sa isip niya.

***

"Ano kayang punishment ni lolo sa kanya?" Excited na sambit ni Ava.

"Papaalisin na kaya siya sa mansion?" Dagdag niya pa.

"Walang kasalanan si Ate Airah kaya bakit niyo ba ipinagpipilitan na kasalanan niya ang nangyari kay Kuya Aikoh?" Inis na sagot ni Aina. "Saka napapalaban lang naman siya nang dahil sa amin. Ipinagtanggol lang naman niya ako at si Aiden."

"Kahit nakita ko siyang lumabas noong gabi bago ang nangyaring aksidente ni kuya Aikoh hindi ibig sabihin non na siya na ang may gawa. Wala naman sigurong taong tatanggalan ng break ang sariling motorbike di ba?" Sagot ni Aikah.

"Kung ganon, nakita mong lumabas si Airah sa gabing iyon? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ni Raven.

Naguhuluhan namang napatingin sa kanya si Aikah.

"Hindi ba? Ah, nag-alala lang ako na baka mas lalo niyo siyang pagdudahan kaya di ko na sinabi." Sambit niya at tinakpan ang bibig na halatang nagsisisi kung bakit nasabi niya ito ngayon.

"Imposibleng magagawa yon ni Ate Airah." Katwiran ni Aina.

"E ano ang dahilan ng pag-alis niya sa hatinggabi?" Tanong naman ni Aikah.

"Bakit mo ba tinatanong? Saka paano mo nalaman na umalis siya sa hatinggabi? Ano namang ginagawa mo sa silid niya sa hatinggabi ha?" Sagot din ni Alvira.

Natigilan naman si Aikah. "Hindi ako makatulog kaya umakyat ako sa attic. Napadaan ako sa silid niya at napansin na bahagyang bukas ang pintuan kaya sumilip ako. At nakita kong walang tao sa loob. Bumaba ako at nakita siya na galing sa labas ng mansion." Sagot ni Aikah.

"Kailangan nating malaman kung ano ang ginagawa niya sa labas." Sabi ni Ava.

"Di kaya may kinakatagpo siyang lover niya?" Tanong naman ni Alvira.

"Hindi magagawa yun ni Ate. Hindi na niya kailangan pang itago sa sinuman kung may lalake siya." Sagot ni Aina.

"Kung hindi lalake ang pinuntahan niya, wag mong sabihing siya nga ang sumira sa break ng motorbike niya?" Sagot ni Alvira.

***

School...

"Absent si Airah. Narinig kong pinagtrabaho daw siya sa Triple A's company." Masiglang pagbabalita ni Melanie.

"Talaga? Pinagtrabaho siya ni lolo sa office." Masayang sabi ni Ava. Noong pinagtrabaho sila nina Raven sa triple A's, pinaglinis sila ng kubeta at sa mga opisina ng mga mga staff sa loob ng isang buwan. Wala silang allowance at wala ring maayos na pagkain. Maisip na mararanasan din ni Airah ang naranasan nila sa Triple A's, napangiti ng matamis si Ava.

Ang triple A's ay isa sa mga subsidiary company na pinatayo ni Don Art. Hango ang pangalang ito sa yumaong panganay na apo ng Don.

"Buti nga sa kanya." Sabi ni Alvira malamang pinagtrabaho si Airah sa Triple A's.

***

Lionheart mansion...

May dumating na bisita sa Lionheart mansion.

"Pakiusap gusto kong makausap si Don Art." Sabi agad ni Mr. Freddie pagkapasok niya.

"Bakit Tito? Ano pong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Alvira. Kilala nila si Freddie. Isa ito sa mga kasosyo ng Don sa negosyo.

"Ni pulled out ng Triple A's ang investment nila sa company namin. Babagsak ang kompanya namin kapag hindi maibabalalik ang investment." Sagot ni Freddie.

"Paanong nangyari yun? Nasaan si Jack? Siya ang CEO ng Triple A's di ba?" Tanong ni Avey.

"Wala kayang kinalaman dito si Airah?" Tanong din ni Nova.

"I don't think so." Sambit ni Avey.

Agad nagbihis si Avey at pumunta sa Triple A's company.

***

"What are you doing here? Where's Mr. Jack?" Tanong niya makita si Airah na nakaupo sa opisina ni Jack.

"I fired him." Sagot ni Airah.

"What?" Ngayon may ideya na siya kung bakit nag-pulled out ng investment ang triple A's sa Liam corporation. Iyon ay dahil kay Airah.

"Bakit ikaw ang ipinalit ng matandang iyon sa posisyon ni Jack? Is he insane?" Di makapaniwalang sambit ni Avey mapagtantong hindi tagalinis ng kubeta ang trabaho ni Airah sa kompanyang ito kundi tagalinis ng mga employee.

"You are just a nobody kaya paano mo hahawakan ang kompanyang ito?" Tanong niya sa kalmadong dalaga. Pakiramdam niya mababaliw na siya sa mga pangyayari ngayon.

"Tauhan ka lang din ng kompanya. At di dahil asawa ka ni Sir Arthron you are allowed to boss around. As the newly appointed president I'm the boss. Kaya wag mo akong masigaw-sigawan kung ayaw mong mapatanggal din sa trabaho." Sagot ni Airah.

"Next time you need to knock first baka iisipin ng iba na walang galang ang mga employees sa kompanyang ito." Sabi ni Airah.

"And i have only one rule. "Follow or Fired."

Napatingin si Avey kay Airah. Parehong-pareho kay Don Art ang aura niya. At naiintimidate siya dito kahit isang teenager lamang ang kaharap niya.

"This is really insane." Sambit niya at napasabunot ng buhok. Bago nagmamadaling lumabas ng office at tinawagan ang asawa.

Sumakay siya sa kotse niya at kinausap ang asawa sa kabilang linya.

"Kausapin mo nga ang matandang iyon? I thought paparusahan niya ang baliw niyang apo iyon pala gagawin niyang presidente sa kompanya? Nasisiraan na ba talaga ng bait iyang daddy mo Arthron?" Sigaw niya sa kanyang cellphone.

Sandaling katahimikan ang naririnig niya bago marinig ang boses ni Arthron sa kabilang linya.

"Watch your mouth Avey. Your talking about my dad and my niece." Sagot ni Arthron na halatang hindi natutuwa sa narinig.

"If you don't help me I'll destroy her." Sagot din ni Avey.

"Don't you try to think another scheme. Dahil kahit asawa pa kita pwede kitang talikuran." Sagot ni Arthron bago patayin ang tawag.

Sa inis ni Avey binato niya ang cellphone sa bintana ng kotse kaso bumalik sa kanya at tumama sa kanyang noo na mas lalong ikinagalit niya.

"AAAAHHHH!" Ubod lakas niyang sigaw sa sobrang galit at frustration.

Matagal na niyang gustong makuha ang Triple A's. Halos lahat ng mga employees na nagtatrabaho dito ay mga tauhan niya. May usapan sila ni Jack kaya pinagsikapan niyang mailuklok ito sa posisyon ngunit pansamantala lamang. Siya parin ang totoong boss ni Jack habang hindi pa siya ang nagiging CEO ng triple A's. Iniisip niyang isang araw siya na ang gagawing CEO ng Don sa Triple A's tapos bigla-bigla na lamang nagiging si Airah?

Pero sa ngayon mas ramdam niya ang sakit sa noo niyang tinamaan ng kanyang cellphone. Gusto na niyang mahimatay sa sakit kaso hindi e na nagpadagdag lang sa kanyang galit at inis.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top