TBH 27: Nadisgrasya
Bagsak balikat si Throne na umuwi sa mansion dahil nalaman niyang hindi siya gusto ng babaeng gustong-gusto niya. Tahimik pa masyado ang mansion at nasa Lionheart Academy pa ang ibang mga apo ng Don.
Inilapag niya ang bag sa kama at naisipang umakyat sa attic para magpalamig. Nadaanan niya ang silid ng ina ngunit napatigil siya dahil may kausap itong isa sa mga bodyguards nila. Nagtago si Throne sa gilid ng pader at nakinig sa usapan.
"Sigurado ka bang si Aikoh ang magmamana sa 15% shares ng Lionheart corporation?" Tanong ni Avey sa lalake.
"Opo. Narinig ko pong iyon ang sinabi ng Don kay Butler Kim. Sinabi din ng Don na ibibigay din niya kay Aikoh ang hotel chain na pinagmamay-ari niya. Isa din sa nalaman ko na ibinigay na ng Don kay Miss Airah ang Lionheart Academy." Paliwanag ng lalake.
"Nagsisimula na palang magbibigay ng yaman ang Don pero bakit wala parin kina Throne at Ava? Ikaw na ang bahala kay Aikoh. Gawin mo sa malinis na paraan." Sabi ni Avey.
Napaatras si Throne sa narinig. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya inaakalang makakaisip ng masama ang tahimik at masunurin niyang ina.
"Responsable si Throne at maalaga sa mga kapatid at pinsan. Ngunit mahina siya at malambot masyado ang puso. Pakitaan lang siya ng luha siguradong bibigay agad siya. Kaya sigurado akong hahayaan lang niya na makuha ng iba ang mana na nararapat sana sa kanya."
"Kaya alisin niyo ang sinumang magiging hadlang sa landas ng mga anak ko." Sabi ni Avey na ikinapanghina ng mga tuhod ni Throne.
Bumalik siya sa kwarto niya at nakatulalang nakatingin sa kesame.
Nang dumating ang hapunan tinawag siya ni Ava at sinabing bumaba na dahil sabay-sabay silang lahat sa pagkain dahil dumating na sina Avey at Arthron at nandito na rin si Arthur. Si Don Art nalang ang hindi pa umuwi. At kung nasaan man ito at kung ano ang ginagawa, walang nakakaalam maliban kay Don at sa mga pinagkakatiwalaan nito.
"Kuya ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Ava makitang nakatulala ang kapatid.
Hinimas niya ang noo nito para alamin kung may lagnat ba o wala.
"Wala ka namang lagnat." Sabi ni Ava.
***
Hatinggabi na, isang pigura ang makikitang pumasok sa garahe pagkatapos non nagliwanag ang ilaw sa terrace ng mansion.
Bumaba si Aikah sa hagdan at kumuha ng tubig sa refrigerator. Paakyat na sana siya nang bumukas ang pintuan ng mansion at nakita si Airah.
Hindi siya nagsalita at nagtago lamang sa gilid ng ref, hinintay na makaakyat na si Airah bago siya umakyat ng kanyang silid.
Kinabukasan, sasakay na sana si Airah sa motorbike niya kaso nakita niyang sinakyan na pala ito ni Aikoh.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Pahiram muna. Nagmamadali ako." Sabi ng lalake at pinaharurot na ang sasakyan.
Napatingin si Airah sa driver nila. May duplicate kasi ito sa motorbike niya.
"Bakit mo binigay sa kanya ang susi?" Tanong niya sa lalaking driver.
"Kinuha po niya Miss. Hindi ko sana ibibigay pero..." Napayuko ito. Takot sila kay Aikoh kaya naman paano siya makakatanggi? Isa lamang siya sa sampong driver ni Don Art.
"Hayaan mo nalang." Sabi ni Airah at naghanap ng ibang masasakyan.
***
"Mom, sino ang kausap niyo?" Tanong ni Throne makitang may kausap sa telepono ang ina.
Nakita niyang napaigtad ang ina sa gulat.
"Nakakagulat ka naman. Bakit nandito ka pa? Wala ka bang pasok?" Tanong ni Avey sa kanya at mabilis na ibinaba ang telepono.
"Wala. Kaibigan ko lang siya." Sagot ni Avey.
"Siya nga pala anak. May magandang balita ako sayo. Ako na ang bahala sa lahat. Wag ka ng mag-alala at mag-isip pa ng kung ano." Sabi ni Avey.
Malapit na nilang makuha ang triple A's company at dito sila magsisimula para unti-unting kunin ang mga yaman ng Don.
"Mom, kung maaari wag kayong gumawa ng masamang bagay alang-alang sa akin. Wag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para maabot ang pangarap niyo pero hindi sa masamang paraan." Sabi ni Throne bago iwan ang nagtatakang ina.
"May alam ba siya sa binabalak ko?" Tanong niya pa at sinundan ng tingin ang anak na papaalis.
***
School...
Naiinis na ang lahat dahil kanina pa at di parin dumating ang female lead star para sa practice nila. Ilang sandali pa'y nakatanggap si Director Liu ng mensahe na hindi na makakasali sa play si Airah.
"Bakit hindi na sasali sa play si Miss Airah?" Tanong ni Sydion nang sabihin ng director na papalitan na ang female lead nila.
"Nadisgrasya si Miss Airah kaya hindi na siya makakasali pa sa play." Sabi ni Director Liu.
May nanghihinayang ngunit mayroon din namang natutuwa.
"Mabuti nga sa kanya. Ang bilis naman ng karma." Sabi ni Ava na natutuwa sa nabalitaan.
May tumawag naman kay Aikah. Kapansin-pansin ang panginginig sa mga kamay niya nang sagutin ang tawag sa kanyang cellphone.
Hindi niya maintindihan pero sobrang kinakabahan siya.
"Aikah, kasama mo ba ang kuya mo?" Tanong ni Nova.
"Hindi po. Hindi ko pa siya nakikita sa school." Sagot niya.
Narinig niya ang tunog ng nabasag na bagay sa kabilang linya.
"Mommy, anong nangyari?" Tanong niya sa ina.
"Si Aikoh. Tawagan mo si Aikoh." Sabi ng ina kaya mabilis niyang ni-dial ang numero ng kuya kaso hindi nagri-ring.
Tuliyan ng nabitiwan ni Aikah ang hawak na cellphone nang makita si Airah na paparating.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alvira makita si Airah na walang galos sa katawan.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Airah sa pinsan.
"Di ba nadisgrasya ka?" Tanong din ni Ava.
"Sinong maysabi?" Tanong niya pabalik.
Tinawag naman si Airah ni director Liu at nag-usap sila sa office nito. Pagkatapos mag-usap umalis na ulit si Airah. Ipinaalam din ng director sa lahat na si Aikah na ang magiging bagong female lead star ng play nila na hindi naintindihan ng iba kung bakit nagbago ang desisyon ng Director.
Sa Micanovic High naman tinawagan si Throne ni Raven.
"Throne sina Aikoh at Airah nadisgrasya." Sabi ni Raven kaya nabitiwan ni Throne ang hawak na cellphone na ipinagtataka ng mga kaklase niya.
Bago pa man sila makapagtanong tumakbo na palabas ng classroom si Throne.
Pumunta siya sa Triple A's kung saan nagtatrabaho ang ina.
Nagulat na lamang si Avey nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.
"What are you doing here?" Gulat na tanong niya sa anak.
"Mom, sabihin niyo. May kinalaman ba kayo sa nangyari kina Airah at Aikoh?"
"What are you talking about?"
"Narinig kong may binabalak kayong masama kina Airah at Aikoh at ngayon nadisgrasya sila. Sabihin mo may kinalaman ka ba sa nangyari sa kanila?" Tanong niya dito.
"May nangyari sa kanila?" Halata ang tuwa sa mga mata ni Avey. "Ano napuruhan ba?"
"Mommy?" Iiling-iling na sambit ni Throne bago tumakbo palabas ng opisina niya.
"Hey! Throne." Tawag niya sa anak ngunit di na ito nakinig.
Habang naglalakad sa kalsada nakita niyang nagkagulo sa unahan. Masyado ring traffic sa paligid at nakita ang schoolmates niyang sina Luijen at Kian.
"Anong ginagawa nila dito?" Tanong niya at sumiksik sa mga nagkukumpulang mga tao. Nakita niyang may mga katawang ipinasok sa ambulansya.
Ang daang ito ay daan patungo sa probinsya at may bangil sa unahan.
"Ano pong nangyayari dito?" Tanong niya sa isang lalake.
"May nagsalpukan kasi. May motorbike na bigla na lamang nawalan ng break at lumiko sa gawing iyon." Sabay turo sa kalsada patungo sa isang kalsada kung saan nangyari ang aksidente.
"Tapos bigla na lamang ding may sumulpot na itim na kotse at bumangga sa motorbike. Iwan kung sinadya ba o wala ring break ang kotse nito. Kaso napadaan din ang malaking bus at balak yatang iwasan ang nagsalpukang saksakyan kaya nalaglag sa bangil." Pagkukwento ng lalake.
Narinig niya ang sigaw nina Luijen at Kian. Sinisigaw nito ang pangalan na pamilyar sa kanya. Gusto niyang lumapit kaso may mga nakaharang na mga pulis kaya hindi niya malapitan ang dalawa.
Nang makitang bumalik na ang dalawa habang yakap ang sirang cellphone at isang punit na bag lalapit na sana si Throne ngunit napako siya sa kinatatayuan nang marinig ang paulit-ulit na sinasabi ni Luijen.
"Im sorry Fhaye. Im sorry." Ito ang sambit ni Luijen habang umiiyak.
"Si Fhaye?" Sambit ni Throne na halos hindi na makatayo ng maayos.
Lutang ang utak ni Throne habang nagalalakad sa daan. Tumigil sa isang park at umupo sa gilid ng puno.
"Bakit? Bakit kailangan nilang kumitil ng buhay para sa pera?" Sambit niya. Hindi na niya pansin kung ilang oras siya sa lugar na iyon hanggang sa mapansin na rin ang pagdilim ng langit.
"Patawad Airah."
"Patawad Aikoh."
"Patawad Fhaye."
"Patawad sa inyong lahat." Sambit niya at napapikit na lamang.
Sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyari sa mga nasawi. Pakiramdam niya napakasama na niya at isa na siyang kriminal.
Nang idilat niya ang mga mata nasa hospital bed siya.
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit magdamag kang natutulog sa lugar na iyon? Gusto mo bang mamatay ha?" Bungad ni Avey sa kanya nang magising siya.
"Anong nangyari?" Tanong niya. Sa pagkakatanda niya nakaupo siya sa gilid ng puno.
"Malakas ang ulan kagabi at natagpuan ka namin sa gilid ng puno na walang malay. Ano bang nangyayari sayo kuya? Narinig kong brokenhearted ka daw. Babae lang yun, makakahanap ka rin ng iba." Sabi ni Ava.
Nang maalala si Fhaye ay muling nanikip ang dibdib ni Throne.
"Sina Airah at Aikoh, kumusta na sila? Nasaan na sila?"
"Bakit ka nag-aalala sa mga yon?" Sagot ni Ava at umirap.
Saka naalala ang pagpunta ni Airah sa paaralan kahapon pero umalis din. Hanggang ngayon hindi pa nakakabalik.
Hinahanap pa rin nila si Aikoh dahil naglaho na lamang itong bigla. Nakuha na ang motorbike na sinakyan nito pero wasak na kaya posibleng wasak na rin ang sakay nito.
Hanggang ngayon hinahanap parin nila ang katawan nito. Si Nova naman parang nababaliw na ganon na rin si Aikah na nagkukulong sa kwarto nito.
Mabilis na pinigilan ng mag-ina si Throne makitang lalabas sana ito.
"Dito ka lang. Wag ka munang lumabas."
"Hahanapin ko sina Airah at Aikoh. Hahanapin ko sila." Sabi niya at tinulak ang ina na nakaharang sa daraanan niya na ikinabagok ng ulo ni Avey sa pader. Lalabas na sana siya nang marinig ang sigaw ni Ava.
"Mommy."
Hindi sana siya lilingon ngunit nag-alala din siya sa kanyang ina kaya napalingon siya at nakita ang ina na wala ng malay at may dugo sa ulo.
Mabilis siyang bumalik tinulungan ang ina. Mabilis namang tumawag ng doktor si Ava.
Dahil sa nangyari, si Avey na naman ang nakaratay sa hospital bed.
***
Nalaman na nila kung nasaan si Aikoh. Natuklasan nilang nasa ibang hospital ito at nasa comatose state. Si Airah naman may pasyenteng hinatid sa hospital kaya nawala ito kahapon. Matapos iasa ang pasyente sa dalawang mag-ama umalis na rin si Airah at hinanap kung nasaan si Aikoh. Nalaman nila kung nasaan si Aikoh dahil kay Airah.
Hindi siya nagpakita sa sinuman dahil ayaw niyang ma-interview. Dahil ang kotseng sinakyan niya ay isa sa ginamit ng mga nagbabalak pumatay kay Aikoh. At isa ang kotse sa mga sasakyang sumabog sa nangyaring aksidente.
"Airah, ano bang nangyari? Bakit nadisgrasya si Aikoh?" Tanong ni Arthur nang maabutan si Airah sa labas ng operating room.
Napapikit naman si Airah at naalala ang lahat.
Sakay ng kotse nakasunod siya sa ginagamit na motorbike ni Aikoh. Masama kasi ang kutob niya. Para kasing wala sa sarili si Aikoh habang nagdadrive.
Hanggang sa mapansin niyang may nakasunod sa kanila. Nakita niyang bigla na lamang may humarang na sasakyan sa daraanan kaya napilitan si Aikoh na sa ibang daan dumaan hanggang sa lumayo na sila. Naghanap siya ng short cut at sumabay kay Aikoh. Binuksan ang bintana ng kotse.
"Aikoh, tumalon ka dito." Sabi niya.
Tatalon sana si Aikoh ngunit may dalawang sasakyan ang gustong bumangga sa kanila kaya sabay silang umiwas at napunta sa magkaibang landas. Muntik ng mabangga si Airah sa isang kotse. Mabilis namang umiwas ang kotse kaya lang may nabanggaan itong isang babae.
Lumiko si Airah at hinabol kung nasaan na si Aikoh at nakita niyang nakahandusay na ito sa daan habang ang sinasakyang motorbike ay di na niya nakita. Wala naman siyang nakitang sugat maliban sa mga pasa nito sa mukha at ang mga pasa sa mga paa.
Nakita niya sa di kalayuan ang mga nagsalpukang mga sasakyan at isang bus kaya mabilis niyang binuhat si Aikoh at hinarang ang kotse na muntik na niyang makabanggaan.
May nakahigang babaeng duguan sa passenger's seat kaya sumakay sila sa back seat. Nakita pa niya ang pagsabog sa isa sa sasakyan at ang pagsabog din ng kanyang sinasakyan. Saka niya napagtanto na may bomba sa sinasakyan ng mga nagbabalak bumangga sa kanila ni Aikoh.
Ayaw niyang maalala ang mga bagay na iyon. Ang daming namatay nang dahil sa kanila. Hindi man niya ginusto pero namatay parin sila. Isa parin siya sa dahilan kung bakit sila namatay. Muli siyang napapikit.
Naalala niya ang duguang babae. Hindi niya alam kung mabubuhay pa ba ito dahil sa dami ng dugong nabawas sa kanya at sa dami ng natamo nitong mga sugat.
"Sana lang ay mabubuhay siya." Sambit niya.
Inaakala ni Arthur na si Aikoh ang sinasabi ni Airah na sana mabubuhay.
Wala namang gaanong sugat si Aikoh ngunit may problema sa dalawang binti nito.
"Magpahinga ka na muna." Sabi ni Arthur makitang pagod na pagod si Airah.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top