TBH 26: Hindi takot


Hinampas ng director ng teaching department na si Janice ang mesa.

"Hindi ba sinabi ko ng si Miss Airah ang papatalsikin niyo sa paaralang ito?" Halos mabingi na si Mr. Siy sa sigaw ni Janice na halatang galit na galit kay Mr. Siy.

"Madam hindi lang ikaw ang dapat nasusunod sa paaralang ito. Tandaan mo may mas mataas pa sayo." Sagot ni Mr. Siy. Dati palage niyang sinusunod ang anumang sinasabi ni Janice dahil kakilala niya ang may-ari ng Academy. At kahit umasta na siya na parang ikatlong may-ari ng paaralan walang umangal. Kahit ang iba pang mga directors ng Academy.

Pero ngayon hindi na niya kailangan pang maging sunod-sunuran sa babaeng ito. Maalala niya ang tawag ng secretary ni Don Art at ang banta nito sa kanya hindi niya maiwasang kilabutan.

"Isa parin akong director ng paaralang ito pero bakit mo pinatalsik ang anak ko na hindi man lang dumaan sa akin?" Sigaw ni Janice sa sobrang galit.

"Madam, director lang kayo at hindi may-ari ng paaralan." Kampanteng sagot ni Mr. Siy. Alam niyang kaibigan ni Janice si Nova na asawa ng anak ni Don Art pero kay Miss Airah parin ang paaralang ito. Sino ba si Nova kahit si Arthur pa upang ikumpara kay Miss Airah Aragon? Tunay na may-ari versus stepmother ng may-ari? Tapos kaibigan lang ng stepmother itong gustong maghari-harian sa paaralang ito? Halatang-halata na sa paningin niya kung sino ang siyang tatanghaling panalo.

"Take back what you announced or else I'll fire you." Banta ni Janice.

Nagkibit-balikat lamang si Mr. Siy na lalong ikinapikon ni Janice.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Nova.

"Hello, sister. I want you to fire this damn principal. Yes. That's it. Okay." Sunod-sunod nitong sabi bago ibinaba ang cellphone. Saka matalim na tiningnan ang principal. "Just wait until you beg for me. I will never forgive you for humiliating me." Hinihintay niya na tatawagan si Mr. Siy ng head director nila at paaalisin na sa posisyon.

Napangiti siya nang may tumawag kay Mr. Siy.

"See? Come on. Beg me. Malay mo at mapapatawad pa kita." Ngunit napataas ang kilay niya dahil ngumiti ang principal at halata sa boses nito na nagpahaba ito sa sino mang kausap sa phone.

"Good job Mr. Siy." Ito ang sabi ng kabilang linya na ikinangiti ng principal.

Kagabi lang halos malaglag ang puso niya sa gulat nang malaman na si Airah ang tunay na boss ng paaralang ito. Maalala kung paano niya pagalitan si Airah gusto na talaga niyang sampalin ang sarili. Pero ngayon maisip kung ano ang magiging reaksyon ni Janice kapag malaman na ang tunay na boss ng paaralang ito ay hindi ang pinagmamalaki niyang bestfriend o ang asawa ng bestfriend niya, lalo siyang nasasabik.

Ilang sandali pa'y nakatanggap ng notice si Janice at natuklasang fired na siya sa paaralan. Nalaglag ang hawak niyang cellphone at napatingin kay Mr. Siy na parang kakatayin na niya ito.

"Mr. Siy. You... You..." Sambit niya na bumaka tikom ang bibig. "Ako ang nagluklok sayo sa posisyon tapos ito ang gagawin mo sa akin?" Tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang galit.

"I'll look for the head director." Sabi niya at nagmamadaling lumabas.

Tinawagan niya ang number ng head director ngunit natuklasan niyang natanggal na rin pala ito sa trabaho. Kaya pumunta siya sa opisina ng head director at naabutan ang isang babaeng nakaupo sa dating upuan ng head director.

"Yes director of teaching department? What I can do for you?" Patuyang tanong ni Airah.

"What are you doing here?" Malakas na sambit ni Janice.

"Do you think you have the right to sit here?" Sigaw niya.

"Oh, then is that you who has the right to sit in this seat?" Tanong ni Airah na may matamis na ngiti sa labi.

"Nasaan ang bagong director? I want to talk to him?" Mariing utos niya.

"Im right here in front of you madam." Sagot ni Airah. Ilang sandali pa'y napatakip sa bibig at nanlaki ang mga mata. "Ah, i forgot. Di pa nga pala ako formal na nakapagpapakilala." Tumayo siya at inilahad ang kamay.

"I'm Airah Aragon. The real owner as well as the chairman and the head director of this Academy. Nice to meet you madam." Pagpapakilala ni Airah na may provocative voice.

Muntik ng mapaupo si Janice sa gulat at panghihina. Hindi niya inaasahan na ang babaeng gusto niyang paalisin sa paaralan ay ang tunay na may-ari ng Academy. Sa pagkakaalam niya may isa sa mga apo ng Don ang tunay na nagmamay-ari sa Academy. Pero di niya alam na si Airah ito.

Naalala niya si Nova. Kung di siya pinilit ni Nova na paalisin si Airah hindi sana mangyayari ito. Kung alam lang sana niya na si Airah ang tunay na may-ari e di sana ginawa na niya ang paraan para mapalapit kay Airah. Pero bago yun umalis na muna siya at tinawagan si Nova. Kailangang malaman niya kung bakit si Airah na ngayon ang pumalit sa posisyon ng head director nila.

***

Hinihintay ng lahat na paalisin na sa paaralan si Airah ngunit hindi pala siya ang pinatanggal. Makalipas ang ilang oras may mga nagpost ng mga original video kung bakit binugbog ni Airah ang mga estudyante at isa na doon si Sydion. Natuklasan ng lahat na ang mga binugbog niya ang mga school bullies. Mali man ang paraan ng pagtatanggol niya sa kapwa pero sa Lionheart Academy ito lamang ang pinamabisang paraan dahil wala namang mga namamahala sa Academy ang magtatanggol sa mga inaapi dahil sa malakas na koneksyon ng mga mapang-api sa mga namamahala sa school at dahil sa special background nila.

Sa halip na masira ang reputasyon ni Airah mas lalo lamang itong sumikat at naging hero pa sa mga mata ng mga inaaping mga estudyante. Nagiging cool goddess naman siya ng iba at idol ng nakararami.

Napamura si Nova matuklasang kay Airah nga nakapangalan ang Lionheart Academy. Inaakala pa naman niya na kay Aikoh nakapangalan ang ownership ng Academy dahil si Aikoh ang pinakapaborito ng Don. Ngunit ang bagong dating na apo pala at ang anak pa ni Aida na siyang kinamumuhian niyang babae sa buong mundo.

Tinawagan niya sina Mr. and Mrs. Han at natuklasan niyang wala ng share ang mga Han sa Academy dahil ipinagbili na ito ni general Han kay Don Art.

"Airah, I really underestimated you." Sambit niya na nanginginig ang mga nakakuyom na kamao.

Sa paaralan naman taas noong hinarap ni Sydion ang mga kaibigan dahil siya ang natanggap na magiging male lead sa theater play nila. Si Aikoh sana kaso nalaman ng director Liu na magkapatid pala sila ni Airah kaya pinalitan niya si Aikoh at ipinalit si Sydion.

"Sabi ko na sayo e, matatalo din kita." Mayabang na sabi ni Sydion kay Aikoh.

"Sabihin mo lang na ikaw talaga ang tagapulot sa mga inayawan ko na." Ganti din ni Aikoh na ikinaasim na naman ng mukha ng kaibigan. Nilapitan ni Sydion si Aikoh. Nikuwagan ang kanyang necktie at tinanggal ang ilang butones ng polo.

"Hey, hey. Stop that. Gusto niyo bang mapapagalitan ni director Liu?" Awat ni Tryzt. Alam nila sa suntukan nagkakasundo ang dalawang mga kaibigan nilang ito. Madalas dinadaan din sa suntukan ang pag-uusap nila.

"Wag mo akong pigilan. Uupakan ko talaga to." Sabi ni Sydion at tinulak palayo sa kanya si Tryzt.

"Tumigil ka nga. Baka makita ka na naman ni Miss Airah, gusto mo bang makita niyang may pasa ka sa mukha ha?" Sabi naman ni Christian na ikinatigil ni Sydion.

"Kapatid ko ang crush mo kaya dapat maging mabait ka sa akin." Mayabang na sabing bigla ni Aikoh.

"Anong kapatid? Under ka nga sa kapatid mo e." Sagot din ni Sydion at nilabasan pa ng dila ang kaibigan.

"Ano ang sinabi mo? Ako? Under?" Tanong ni Aikoh sabay turo sa sarili.

"Under. Mahina. Duwag." Tukso naman ni Sydion. Ibinagsak ni Aikoh ang kanyang bag at nilislis ang manggas ng kanyang suot na jacket. "Duwag? Mahina?" Tiimbagang sambit ni Aikoh habang matalim na nakatingin kay Sydion.

Si Ricky naman gusto ng batukan ang dalawa sa pagka-isip bata ng mga ito at sa palaging pag-aaway sa maliliit na mga bagay.

"Kahit sino pa hindi ako natatakot. Kahit kay lolo pa." Cold na sabi ni Aikoh at naglakad palapit kay Sydion. Inihanda naman ni Sydion ang sarili para sa bakbakan na naman nilang magkaibigan.

"Miss Airah." Biglang tawag ni Ricky.

Mabilis namang inayos ni Sydion ang kuwelyo at ang suot. Mabilis ding binalik ni Aikoh ang tinuping manggas at sinuklay ang buhok sa bangs gamit ang daliri saka kinuha ang kanyang bag na nasa lupa. Saka sabay sila ni Sydion na lumingon at hinanap si Airah. Ngunit wala silang makita. Kaya napatingin sila sa kung saan nakatayo si Ricky ngunit wala na ito sa kinatatayuan at nakita na lamang nila ang pigura nitong halos madapa na sa kakatakbo.

"Huy! Loko ka." Tawag ni Sydion at hinabol ang manlolokong kaibigan.

May narinig si Aikoh na mahinang tawa kaya napatingin siya kina Christian at Tryzt na nagpipigil ng tawa.

"Hindi talaga ako under. Hindi talaga." Bulong ni Christian tapos magpipigil ng tawa. Napaangat siya ng tingin at nakita ang nanlilisik na mga mata ni Aikoh mabilis siyang tumakbo palayo.

Napalingon naman si Aikoh sa tumatawa paring si Tryzt. Napatigil naman ito nang makita ang masama niyang tingin.

"Si Miss Airah." Sambit nito.

"Akala mo matatakot ako kapag binanggit mo ang pangalan niya? Huy, wag mo akong lolokohin. Kahit bugbugin ko pa si Airah sa harapan niyo kayang-kaya ko iyon." Akmang batukan ang kaibigan nang marinig ang boses mula sa likuran.

"Bugbugin?" Tanong mula sa likuran.

"Teka." Napalunok laway siya. "Boses iyon ni" napalingon siya at halos mapaupo makita ang mukha ni Airah na nakatingin ng masama sa kanya. "Airah?" Mabilis niyang binatukan si Tryzt. "Ikaw, sino kang sabihan akong kaya mong bugbugin sa harapan ko si Airah ha? Gusto mo bugbugin kita?"

Tryzt: Nasaan ang kahit pa bugbugin mo pa si Airah sa tapat ko? Bakit ako na ang pinagbibintangan mo?

Gusto niyang sumagot pero tinakpan na ni Aikoh ang bibig niya at hinila na paalis, palayo sa kung saan nakatayo ang dalaga.

"Sandahmmmp." Tinanggal ni Tryzt ang kamay na nakatakip sa bibig niya. "Sandali! Ano ba." Nakahinga ng maluwag si Tryzt nang matanggal na sa bibig niya ang palad ng kaibigan. "Kakausapin ko pa ang crush ko bakit mo ba ako hinila ha?" Inis nitong sagot. Nanghihinayang niyang pinagmasdan ang malayo ng pigura ni Airah.

Tiningnan niya si Aikoh na tila ba natalo ng ilang milyon sa sugal. "Ikaw kasi e. Di tuloy ako nakapanghingi ng number. Kaya may utang ka sa akin."

"Anong utang ka diyan?" Sagot ni Aikoh sabay ikot ng mata.

"Utang mo sa akin ang number ni Airah. Hummp." Sagot niya at nilagpasan na ang kaibigan.

"Ano bang nakita nila sa brutal na babaeng yan? Ang panget kaya niya." Sabi pa niya at sinipa ang isang bato na nakita. Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng ungol saka nakita si Mr. Siy na nakahawak sa noo.

Bago pa man makita ay mabilis na siyang tumakbo palayo.

"Sinong bumato sa akin?" Rinig pa niyang sigaw ni Mr. Siy.

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top