TBH 24:
"Bilisan niyo. Nagugutom na kaya ako." Reklamo ni Raven sa mga pinsan at hinila na si Aiden.
"Raven ang galing niyo, pakilala mo naman kami sa mga kasama mo."
"Oo nga. Pakilala mo namang kami."
"Si Aiden yan di ba? Bakit ngayon ko lang napansin na ang cute niya pala?"
"Ang cute nila. Saka ang cool kanina."
Si Aiden napayuko dahil hindi sanay na pinagpapantasyahan. Ngunit nakataas naman ang noo ni Raven na halatang proud na proud sa sarili at sa pagkakaroon ng magaganda at mga cute na mga pinsan. Kilang-kilala na siya ng Lionheart Academy at sanay ng pagpapantasyahan o kaiinggitan ng iba. Sanay na rin siya sa mga atensyong ibinibigay ng iba sa kanya.
"Hello Miss. Ang cool at ang ganda mo."
"Oo nga Miss Newbie. Lumingon ka lang ayos na." Ito naman ang sinasabi ng mga kalalakihang nakakakilala sa mukha ni Airah ngunit hindi sa pangalan niya.
Sumikat siya sa school sa unang araw pa man lang dahil sa pagiging bad ass niya. Lalong-lalo na ang mga kinalaban niya ay ang mga kilalang mga dakilang bully ng Lionheart Academy.
Nakilala naman si Aina ng halos lahat ng mga estudyante noong nangyari ang insidente sa cafeteria. Dahil sa palage siyang nakayuko at di gaanong makihalubilo sa iba noon hindi nila napapansin ang kanyang ganda at taglay na ka-cute tan. Ngunit nang makita siyang sumayaw kanina kasama ang sikat na si Raven at ang sikat bad ass na si Airah maging ang gwapong si Aiden, napansin na din nila ang kanyang tinatagong ganda. Lalo na dahil magaling din siyang sumayaw katulad ng mga kapatid at pinsan.
Parehong nakayuko at nahihiya sina Aina at Aiden habang nakataas noo naman si Raven na tila ba sinasabing "tingnan niyo, may mga pinsan akong magaganda at magagaling." Habang wala namang pakialam sa paligid si Airah. Nasanay naman siyang agaw atensyon. At pansinin man siya o hindi wala din siyang pakialam dahil nasanay na rin siyang walang pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Maging masama man ito o mabuti.
"Miss sandali." Hinihingal na tawag ng isang lalaki na di nila pinansin sa pag-aakalang hindi sila.
"Sandali lang." Hinihingal na sambit ni Assistant Jake habang nakaharang sa daraanan ng apat.
Napatigil na ang apat at nagkatinginan. Saka napadako ang tingin nila kay Airah dahil sa kanya nakatingin si Jake.
"Miss pinapapunta ka ni Derek Liu." Sabi nito na ikinabago ng ekspresyon ng dalaga.
"Ha?" Sambit ni Airah at napalingon sa stage kung saan nag-audition ang mga may gustong maging female lead ng play.
Nagsialisan na ang mga estudyante at hinihintay na lamang nila ang magiging resulta. Kung wala paring mahahanap ang director, magsasagawa ulit sila ng audition bukas o sa susunod na araw.
Sumama si Airah kay Jake hanggang sa pinaakyat siya sa stage na ipinagtataka niya. Wala naman siyang balak mag-audition kaya bakit siya pinaakyat ng stage?
"Anong gagawin nila kay ate?" Tanong ni Aina. Walang sumagot dahil hindi rin nila alam kung bakit.
Napatingin si Airah sa apat na mga judges. Hindi niya alam kung sino sa kanila si Direk Liu.
"Can you sing?" tanong ni Direk Liu sa kanya.
"A little bit." Sagot niya dahil marunong din naman talaga siyang kumanta at minsan na rin siyang nagperform ng kanta sa program sa kanilang school.
"Can you sing for us?" Tanong agad ng babaeng judge na ipinagtataka niya.
"Excuse me?" Tanong niya na naghihinalang may balak ang mga itong gawin siyang female lead star.
"Why are you asking me to sing?" Naguguluhan niyang tanong." Tapos na ang audition saka bakit siya pinapakanta?
Naalala niya noong isang gabing nakita niyang sinampal si Aikah ni Nova dahil sinabi nitong ayaw niyang magiging lead star at mas gustong magpiano. Wala siyang balak magiging lead star pero maisip na magngingitngit sa galit si Nova dahil siya ang magiging female lead parang gusto niyang subukan.
She felt sorry for Aikah sakali mang mapipili siya pero alam niyang hindi naman talaga ito ang gusto ni Aikah. But again, hindi naman sila close ni Aikah para isipin ang anumang mataramdaman nito sa kanya kung sakaling mapipili siya. Saka gusto niyang malaman kung ano ang gagawin ni Aikah. Mabait ito pero anak parin siya ni Nova na may pagka-selfish at ginagawa ang lahat para sa sarili kaya hindi siya sigurado kung wala bang namana si Aikah sa ugali ng ina.
"Imagine that you are betrayed by someone you trusted what emotion will you give?" Tanong bigla ni Direk Liu na hindi sinagot ang tanong ni Airah sa kanila.
"Betrayed by someone you trusted?" Sambit ni Airah. Mula sa pagkawalang ekspresyon napalitan ng di makapaniwala, hanggang sa mapapansin ang sakit sa kanyang mga mata. Makikita rin ang paghihinagpis na napalitan ng galit at pagkasuklam.
Muling bumalik ang sakit at galit na dati ng nakabaon sa kanyang dibdib. Na tila ba naranasan na niyang pagtaksilan ng pinakaimportanteng tao sa buhay niya.
Naagaw ng kanyang tingin si Aikoh na isa sa mga taong nasa ibaba ng stage. At si Aikah na na nakatingin sa kanya. "Bakit? Bakit?" Sambit niya at dahan-dahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nanginginig ang mga labi at ikinuyom ang kamao. Pumikit siya at nang muling ibuka ang mga mata nawala na ang sakit ngunit makikita ang pagiging cold nito na makikitaan ng matinding pagkamuhi.
"What will you feel if you see the person you hate the most at the same time you love him or her?" Naalala niya ang kanyang ina at ama maging ang kanyang grandpa. Kinamumuhian niya ang mga ito at the same time mahal niya. Ang kanyang ama namumuhi siya dito pero hindi niya kayang ipagkaila na kahit papano hinahangad parin niya ang pagmamahal mula sa tunay na ama. At ang ina na inabandona siya para lang sa isang paghihiganti. At lolo na isa sa dahilan ng pagkawala ng taong pinakamamahal niya. At dahilan kung bakit lumaki siyang uhaw na uhaw sa atensyon at pagmamahal mula sa tunay na pamilya.
Makikita sa mga mata niya ang tindi ng pagkamuhi ngunit makikita mo rin ang itinatago niyang pagmamahal and a helpless face, and her inner struggles of what she really felt. She hated them at the same time she loves them. She wanted to take revenge and destroyed them at the same time she cared for them.
Pinipigilan niya ang pagluha ngunit may butil ng luha rin ang pumatak sa kanyang mga mata na agad din niyang kinontrol ang sarili para di na bumuhos pa ang iba.
"I hate you all but at the same time i love you." Sambit niya saka yumuko. Pinunasan ang luha at nagbigay ng 45 degree bow. Napalitan ng indifference ang mga mata kagaya ng nakagawian niyang ekspresyon.
Pumalakpak ang mga judges kahit si direk Liu.
"At last we found the right one." Masiglang sabi ng babaeng judge.
"Right one?" Tanong ni Aina na naiyak sa acting ng ate niya kanina. Ginawa pang pamunas ang damit ni Aiden.
"Kadiri ka talaga." Sambit ni Aiden at nilayuan ang kapatid.
"Miss Aragon. You will be the female lead star of our play." Sabi ni Director Liu.
"Po?" Nagtataka niyang tanong. Hindi pa siya kumanta a. Paano kung di pala pasado ang boses niya? "Bakit ang bilis naman yata ng desisyon nila? Di pa kaya ako kumanta." Tanong niya sa isip.
Nakita niya sina Aina at Aiden na gumagawa ng mga funny pose kaya naman nawala bigla sa isip niya ang sinabi ng mga judge at napatawa siya ng wala sa oras kahit pinipigilan niya.
"So pretty." One of the judges mumbled.
Nawala ang ngiti ni Airah maalala ang sinabi ni Director Liu.
Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatanggapin ba niya ang offer o hindi. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi.
"Sige na ate. Pumayag ka na." Sabi ni Aina.
"Oo nga. Sige na. Pumayag ka na kasi." Sagot naman ni Aiden.
"Go. Go. Go." Pag-eenganyo din ni Raven.
Dahil nagsalita sila nakisali na rin ang mga estudyante na nanonood sa performance niya kanina.
"Oo nga miss. Bagay naman sayo. Ang galing mo na ang ganda mo pa."
"Sige na pumayag ka na."
Napatingin si Airah sa maingay na paligid na nagsasabi sa kanya na siya ng magiging female lead star. Lalo na sa pagchicheer ng mga kapatid. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng warmth. Dati kapag may nagchi-cheer sa kanya, nalulungkot siya. Iyon ay dahil sa libo-libong taong nag-chicheer sa kanya wala man lang ni isa sa kanyang pamilya ang nandoon.
Makita ang ngiti nina Aina, Aiden at Raven hindi niya maiwasang maalala ang panata ng ina.
"Kung mapapatunayan ko bang hindi sila katulad sa inaakala mo, magbabago ba ang isip mo, mama?" Sambit niya sa isip.
Sa isang bahagi ng field makikita ang grupo ng mga kababaihang may matinding galit kay Airah.
"Ano bang nakikita niya sa babaeng yan? Magaling lang naman siyang umarte at magpaikot ng tao a." Naiinis na sabi ng isang babae.
"Bakit siya pa? Ginagamit lang niya ang koneksyon niya kaya siya ang pinili ni Direk. Malay natin kung tinakot nila ang isa sa mga judges di ba?" Sagot din ng isa pa.
Si Ava naman inis na inis dahil isa siya sa nag-audition kaso napagalitan lang siya at napahiya pa dahil kay direktor Liu. Tapos si Airah pinuri na nga tinanggap pa agad. Hindi niya mawari kung bakit palage na lamang si Airah ang nakakalamang sa kanila.
Lalo na makita ang pagkakasundo nina Airah kina Raven at kina Aiden at Aina, na isa sa mga kinamumuhian niya di talaga niya maiwasang makaramdam ng galit. Anak lang siya sa labas at di karapat-dapat na magiging mas lamang sa kanilang mga legitimate child ng mga Lionheart.
"Sabagay mga anak naman sila sa labas. Kaya nagkakasundo sila. Bakit ko ba kaiinggitan ang mga tulad nila?" Sambit niya bago tumalikod na.
Si Alvira naman nakasalubong ang matamlay na si Aikah.
"O kumusta na ang prinsesa ng mga Lionheart? Anong pakiramdam mo ngayong hindi mo nakukuha ang gusto mo?" She said in a mocking tone.
Ayaw na ayaw niya kay Aikah dahil ito ang paborito dati ng Don at siyang maituturing na prinsesa ng mga Lionheart. Lahat ng gusto niya binibigay. Kapag nagpatulo pa ng luha lagot agad silang magpipinsan. Kaya naman gumaganti sila pagdating sa paaralan. Gumagamit sila ng ibang tao para apihin si Aikah hanggang sa nakasanayan na nila at nasanay na rin ang iba na apihin si Aikah dahil iiyak lang ito sa sulok at di lumalaban.
Matapos kausapin ang pinsan tumalikod na si Alvira.
"Excited na akong makita ang reaksyon ni Tita." Sambit pa niya at pakanta-kanta pang umalis.
Lalo namang napayuko si Aikah at namutla maalala ang maaaring reaksyon ng ina.
Pagdating sa bahay nagpasalamat si Aikah dahil wala ang kanyang ina ngunit natatakot siya. Natatakot siya sa maaaring gawin sa kanya ng ina.
***
Kinabukasan...
"Di ba walang may gustong mag audition sa male lead star?" Tanong ni Aiden nang makita ang mahabang pila ngayon para sa male lead.
"Grabe ka ate. Bintang binta ang beauty mo. Biruin mo, nang malaman nilang ikaw ang female lead star ang dami ng nag audition para sa male lead?" Sabi pa ni Aina.
"Narinig kong ang mga gaganap bilang mga male and female lead sa play natin siya rin daw'ng magiging lead actress sa gagawing drama ni Director Liu. Wow ate magiging sikat na artista ka na kung ganon." Sabing muli ni Aiden.
"Tapos magpa-autograph ako sayo tapos ibebenta ko sa mga kaklase kong mga hangal. Hangal sayo." Masiglang sabi ni Raven at nag-i-imagine na ang pila ng nga kaklase niyang naghahangad makakuha ng autograph niya.
Sinamaan siya ng tingin ng mga pinsan niya na ikinatikom ng kanyang bibig.
"Tingnan niyo. Di ba yung barkada iyan ni kuya Aikoh?" Tanong bigla ni Aina na ikinatingin nila sa nagtutulakang magkakaibigan.
"Uy, kuya. Mag-audition ka rin?" Tanong ni Aina nang makalapit kay Aikoh.
"Sinong maysabing mag-u-audition ako? Sinamahan ko lang ang mga ugok na ito." Sabi niya at tinuro ang mga kaibigan.
"Teka, di ba ikaw yung..." Hindi natapos ni Christian ang gustong sabihin dahil tinakpan na ni Aikoh ang bibig niya at hinila na siya palayo kina Aina at sa iba.
"Pansin niyo ba na hindi ko na madalas nakikitang may pinagtitripan ang magkakaibigan na iyan?" Tanong ni Aiden.
"Baka busy lang dahil sa pagpapraktis." Sagot ni Raven. Hindi siya naniniwalang wala ng pinagtitripan ang mga kaibigan ni Aikoh. Sila kaya ang pinaka badboy na grupo sa Lionheart Academy.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top