TBH 22: Dahil anak mayaman
Gusto sanang ipakita ni Nova ang authority niya kay Airah at sa iba pang mga apo ng Don ngunit hindi yata ito umobra kay Airah. Pinatanggal niya ang mga bodyguards na mas pinapakinggan si Airah para ipakitang siya ang dapat nasusunod sa pamamahay na ito kung ayaw nilang mawalan ng trabaho.
Kaya lang pinabalik sila ni Airah at ito lang ang tanging susundin nila. Para na ring sinampal ng sobrang lakas ang mukha ni Nova dahil dito. Ang malala dahil sinang-ayunan ito ng Don.
Habang naglalakad sa hallway rinig na rinig ni Airah ang malakas na musika kaya hinanap niya kung saan ito nagmumula hanggang sa makarating sa music room at nakita si Aiden na nagpapraktis sumayaw. Pero ilang ulit na bumabagsak sa sahig.
"Tsk! Timigil ka na kasi." Boses ng isang lalake mula sa loob.
"Ikaw ang tumigil. Di ka naman maaring sumali e bakit nagpapraktis ka pa?" Sagot naman ni Aiden.
Nakaharap si Raven sa malaking salamin at nagsasanay ring mag-isa. Dumating naman si Aina na may dalang meryenda at hinila si Airah papasok.
"Magmeryenda muna kayo. Ako ang may gawa nitong cupcake." Sabi niya bago nilapag sa maliit na glass table ang isang tray na may sampong chocolate cupcakes at brown cookies. At isang pitsel ng juice.
Walang imik na lumapit si Raven at kumuha ng cookies.
"Wag mong iapak ng ganyan ang paa mo. Matatapilok ka." Biglang puna ni Airah makita ang maling step ni Aiden. Nang paulit-ulit parin itong nagkakamali lumapit na siya at tinuruan si Aiden kung paano.
"Ganito kasi. Saka yung ekspresyon mo dapat tumutugma sa tema ng sayaw mo at sa nais ipahiwatig ng musika." Sabi niya. " Saka parang nagsasapakan yung music pero yung mukha mo parang namatayan."
Makitang tinuturuan ni Airah si Aiden gumaya naman si Aina. Nahawa na rin si Raven.
Ang kanina'y kanya-kanyang practice nagiging group practice na.
***
School...
Abala ang lahat sa pag-audition para sa mga sinalihan nilang mga kompetisyon kaya naiwan si Airah sa classroom dahil wala naman siyang balak sumali sa anumang mga kaganapan sa paaralan.
"Ate Airah." Napalingon si Airah sa bagong dating at nakita si Aina na hinihingal.
"Anong nangyari?" Tanong niya sa kapatid.
"Si Aiden kasi pinatawag ng guro niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sigurado akong hindi naman siya ang tipo ng taong basta nalang nanakit ng iba." Paliwanag ni Aina.
Agad na lumabas si Airah sa classroom.
***
Sa teachers office.
"Hindi dahil apo ka ni Mr. Arthuro ay pwede ka ng gumawa ng kalokohan." Sermon ng teacher Darren kay Aiden. Siya ang teacher in charge sa section nina Aiden. Isa siya sa mga gurong galit sa mga mayayamang ginagamit ang impluwensya para makuha ang gusto.
"Si Albert naman po talaga ang unang nanapak e." Sagot ni Aiden.
"In all fairness ganyan naman talaga kayong mga young heirs. Puro kalokohan lang ang mga ginagawa. Lalo na dahil may-ari ng school. Ginagamit niyo palage ang impluwensya niyo." Nasabi ito ito ni Darren dahil ito naman kasi ang nakikita niya sa paaralang ito. Ang sinumang may malakas na impluwensiya ang palaging nagwawagi at nang-aapi.
Dahil mas malakas ang nasa likod ni Aiden at mas mahirap si Albert iniisip ni Darren na si Aiden na ang may kasalanan at siyang nang-api dahil sa pagiging anak mayaman.
"Pero wala iyang silbi sa akin. And to think na baka malaman ito ng sakitin niyong lolo baka lalo lamang lumala ang sakit non." Sabi pa nito. Alam ng lahat na nagkasakit ang Don kaya hindi na ito bumibisita pa sa paaralan katulad ng ginagawa nito dati.
"Para fair mag community service ka for one month." Sabi niya.
Ayaw ni Aiden na malaman ng lolo niya ang nangyari at ayaw niyang patawagin ng school ang mga guardians niya. Dahil kapag nangyari yon siguradong bababa lang ang tingin ng daddy niya at ng Don sa kanya. Kaya pumayag na lamang siyang maparusahan.
Habang naglilinis sa basketball court may tumawag sa kanya.
"Aiden." Hindi niya pinansin ang tumawag sa pag-aakalang mga kaklase lang niyang balak siyang pagtawanan.
"Itigil mo yan." Natigilan siya nang maoagtanto ang boses.
Napaangat siya ng tingin at nakita ang inis sa mukha ni Airah. Kapansin-pansin din ang iritasyon sa mukha ng dalaga. Pinahiran ni Aiden ang pawis sa kanyang noo habang nakatingin parin kay Airah.
"Titigil ka o ingungudngod ko ang mukha mo sa sahig na ito?" Agad siyang tumigil sa takot na totohanin ni Airah ang banta niya.
Ito ang napapansin niya kay Airah, hindi ito marunong magsalita ng hindi parang galit.
"Pumasok ka na sa klase." Hindi na matigas ang pagkakasabi ni Airah.
"Pero." Naitikom agad ang bibig makita ang matalim na tingin ni Airah.
"Magpalit ka at pumunta mamaya sa field kung saan may audition." Utos nito at umalis na.
Si Aiden naman napakamot na lamang ng ulo bago ibalik sa lalagyan ang mga materyales na kinuha niya para sana sa paglilinis.
***
"Papa, gusto ko sanang kunin ang CCTV footage ng classroom 9 at sa iba pang bahagi ng Lionheart Academy." Sabi ni Airah sa kausap sa cellphone niya.
"Okay sige." Sagot ng kabilang linya at naputol na ang tawag. Ilang minuto din may natanggap na siyang email.
Natuklasan niyang palage na palang pinagtitripan ng grupo ni Albert si Aiden. Madalas kinukuha nila ang pera nito. Lumaban na si Aiden nang sabihin ni Albert na papahirapan din nila si Aina dahil hindi sapat ang perang ibinigay ni Aiden sa kanila.
Kung kailan makakaganti na sana si Aiden saka naman dumating si Teacher Darren na classroom teacher nina Aiden.
***
BLAG!
Gulat na napatingin sina Raven at ang buong klase sa sino mang sumipa sa pintuan. Pati ang subject teacher na babae ay nagulat din.
Sino ba namang hindi? Nagsusulat siya sa blackboard e tapos bigla-bigla na lamang may sisipa sa kanilang pintuan?
Bumungad sa paningin nila ang nakakatakot na tingin ni Airah.
"I'll handle everything just get out first." Naguhuluhan man ay napasunod ang guro. Natakot kasi sa tingin ni Airah.
Samantalang si Raven magkamatayan man di talaga niya aamining kilala niya si Airah. Wala ng hihigit pa sa kabrutalan ng pinsan nilang ito. Ano ba kasing maaasahan nila sa monster cousin nila? May mabait ba kasing monster?
"Wow ang ganda tol."
"Talo pang artista."
"Hanep chix na chix." Bulungan ng mga kalalakihan. Mukhang nakalimutan agad nila ang ginawa niyang biglaang pagpasok makita ang kanyang ganda.
"Ang cool niya."
"Syet. Nakita ko na ang the one ko."
"Beware of pretty face." Sa loob-loob ni Raven. "Kapag talaga ako magsosyota ayoko na sa magaganda. Pangako yan."
Ngayon palang kasi naiihi na siya sa takot. Di naman siguro sisipain ni Airah ang pintuan kung hindi gulo ang pakay niya.
"Mr. Albert Lopez. Come forward." Boses palang gusto na talagang maihi ni Raven.
"Come forward." Ulit niya at direktang nakatingin sa sa mga mata ni Albert na nagkataong katabi nina Raven at Sydion.
"What if I don't?" Hamon ni Albert sa dalaga. May putok siya sa labi at may pasa sa mukha.
"Well said then." Sabay taas ng upuan ng guro.
"Ang upuang ito ang pupunta sayo."
"Go. Dahil kapag ako ang natamaan ng upuang iyan dila mo lang talaga ang walang latay." Banta naman ni Sydion. Kinatatakutan siya ng guro kahit ng mga estudyante.
Napilitang tumayo si Albert at nakapamulsang naglakad palapit kay Airah.
"What do you want?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
"You are the director's nephew right?" Cold na tanong ni Airah.
"So what?" Mayabang na sagot ni Albert.
Bogs!
Napanganga na lamang ang lahat. Ilan sa kanila ang napapakurap. Sinapak kasi ni Airah ang pinakamamahal na pamangkin ng director. Bumagsak si Albert sa sahig at halos hindi na makabangon.
"Sa pagsapak iyan kay Aiden."
Muling tumama ang paa ni Airah sa tiyan ng lalake.
"Sa pagpaparusa sa kanya gayong ikaw naman talaga ang may kasalanan."
Sinipa si Albert at gumulong ito sa sahig.
"Para saan naman ito?" Nahihirapang tanong niya.
"Interes sa ginawa mo."
Inapakan ang kamay na ikinahiyaw ng lalaki.
"Tama na. Para saan naman yan?" Di na napigilang tanong ng kaklase ni Albert. Nag-alala kasi ito na baka mapatay ni Airah si Albert.
"Wala lang gusto ko lang. Bakit may angal ka?"
Nanlilisik naman ang mga mata ni Albert habang nakatingin sa dalaga. Pinilit niyang tumayo gamit ang upuang nasa tabi niya. Nanginginig pa ang mga tuhod habang pinipilit tumayo.
"You'll pay for this." Banta niya.
"Do you think I'm scared?"
Muling napaatras at napasandal sa pader. Habang nasa dibdib na niya ngayon ang paa ni Airah.
"Apologize to Aiden and promise not to do it again."
"No way."
Diniinan ni Airah ang pagkaapak sa dibdib niya. Napaubo ito at may dugong lumabas sa bibig.
"Apologize. Get expelled. Community service o I'll crush your hands. 3 seconds to answer. One. Two. Three—"
"Community service."
"That's good." Sabay alis sa kanyang paa mula sa dibdib ni Albert. Bumagsak naman si Albert sa sahig at wala ng lakas pang tumayo.
Agad naman siyang dinaluhan ng mga kaibigan.
Napatingin si Airah kay Raven na nakatakip na ng libro ang mukha ng lalake.
"Duwag."
"Anong duwag?" Inis na sagot ni Raven at inalis na ang libro na nakatakip sa mukha.
"Kung ganon halika." Sabay taas ng hintuturo telling Raven to come.
Maalala kung paano sumipa si Airah palunok-laway agad si Raven.
"Oo na. Duwag na." Pag-amin agad niya na halatang takot sa pinsan.
"Come here."
"Bakit ba? Wala naman akong kasalanan sayo a."
Sinamaan siya ng tingin ni Airah kaya naman tumayo na lamang siya at naglakad palapit sa pinsan.
Nakapamulsang lumabas si Airah habang nag-alinlangan namang sumunod si Raven.
"Ang lakas ng loob mong manggulo sa klase ng iba." Sigaw ng principal ngunit napatigil makita si Airah. "Ikaw na naman?"
Sumama si Airah sa principal's office.
"Miss Airah, may atraso ka pa sa school pero gumagawa ka na naman ng gulo. Ano bang tingin mo sa mga guro sa school na ito?"
"Mga gurong hindi man lang inalam ang totoo at basta nalang nanghuhusga." Mabilis na sagot ni Airah at pinakita kay Mr. Siy ang cctv footage.
"Isa pa lang yan Mr. Siy pero kaya kong maglabas ng maraming mga kababalaghan sa school na ito na pinagtakpan ng mga katulad niyong nasa posisyon. Bilang isa sa may-ari ng school na ito sa palagay niyo ba palalagpasin ko ito?" May diing pagkakasabi ni Airah.
"Ayusin niyo ang trabaho niyo at linisin ang paaralang ito dahil kung hindi ako mismo ang maglilinis sa inyo." Dagdag pa ni Airah na ikinalunok ng laway ng principal.
Hindi niya inaasahan na kayang maglabas ng ebidensya ni Airah sa kaunting panahon.
"Ang director ng teaching department ang nagluklok sayo sa posisyon di ba? Kaya mo sinusunod ang mga inuutos niya. Gusto kong mag-ipon ka ng ebidensya laban sa kanya para makaalis na siya sa posisyon at kung di mo magagawa yon magpaalam ka na rin." Sabi niya at tumayo na.
"Wala kang karapatang patanggalin kami rito. Hindi lang kayo ang nagmamay-ari ng paaralang ito." Sagot ni Mr. Siy.
"I'll give you one week. Kung hindi parin nalilinis ang paaralang ito magpaalam ka na sa posisyon mo." Sabi ni Airah at lumabas na.
Habang naglalakad napadaan siya sa field kung saan nakapila ang mga estudyanteng nag-au-audition sa mga roles na gusto nilang gampanan sa play. May nakapila rin upang mag-audition sa ibang competition.
"Female lead ang audition na ito. Ilang ulit ko na bang sabihin na ang female lead ng theater play na ito ay magaling kumanta at sumayaw. Bakit ka pa nag-audition kung kanta lang ang alam mo?" Galit na sigaw ng director na isa sa mga judge ng audition na ito.
Naiinis na siya. Ang dami ng nag-audition sa female lead role pero wala pa rin siyang nakikitang karapat-dapat sa role na ito. Napayuko naman ang estudyanteng pinagalitan niya at umiiyak itong bumaba sa stage.
Si Director Martin Liu ay isang sikat na film director na masyadong estrikto sa pagpipili ng mga artistang gaganap sa mga pelikulang ginagawa niya. Nagpresinta siyang maging direktor sa play na ito dahil gusto niya ang script at ang ideyang nais iparating ng kwento sa pamamagitan ng musika.
Nangako ang may-ari ng script na ibibigay nito ang copyright ng script at ang karapatang gumawa ng movie mula sa script na ito kay direk Liu kung siya ang magiging director ng theater play ng Lionheart Academy.
Sumunod na nag-audition si Aikah. Pasado siya sa pagkanta at di naman gaanong panget ang pagsayaw niya. Magaling din itong umarte kaya bahagyang nawala ang pagtagpo ng kilay ng director dahil may nakita na siyang pwedeng pumasa sa magiging female lead. Pasado rin sa ganda si Aikah at may potensyal na maging artista.
Ang di lang makuha ni Aikah ay ang pagpapalit ng emosyon na mula sa saya, nagiging malungkot at biglang makaramdam ng despair and hatred. Hindi rin nito kayang kunin ang sinister expression na isa sa dapat magiging emosyon ng female lead sa theater play nilang ito.
Bumaba na si Aikah na nagpapasalamat na di siya nasigawan tulad ng iba at nakita pa niyang tumango-tango ang mga judge sa kanya. Tinawag na ang susunod na mag-audition habang si Aikah naman napatigil makita si Airah na pinapanood ang mga estudyanteng nag-audition sa singing competition.
"Ate, kinabahan ako." Sabi ni Aina na nilapitan si Airah at hawak ang number niya.
"Pinapunta mo ba ako dito para manood sa audition?" Tanong ni Raven.
"Nandito lang pala kayo. Bakit mo ba ako pinapunta dito Ate Airah?" Tanong ni Aiden na kakabihis lang.
"Gusto niyong sumayaw di ba?" Tanong niya kina Raven at Aiden. Napaiwas naman ng tingin ang dalawa.
Hindi nakasali sa audition si Raven dahil ni-disqualied siya ng namamahala sa program ng school dahil daw hindi siya magandang ehimplo ng paaralan. Ang sinumang matanggap sa audition ay may posibilidad na sumikat at magiging artista. Hindi daw siya karapat-dapat makita sa publiko at sisirain lang daw niya ang reputasyon ng paaralan kaya naman nagalit si Raven sa narinig at di na nag-audition pa.
"Lionheart ka ba talaga? Bakit kaunting salita lang aatras ka na?" Sabi ni Airah. "Duwag talaga."
"Anong duwag? Tingnan mo mamaya at mag-au-audition ako." Sabi ni Raven at umalis. Kinausap ang naglilista ng mga pangalan ng mga sasali sa audition ng pagsasayaw. Pero agad ding bumalik.
"Na saiyo daw number ko." Sabi ni Raven kay Airah. Itinaas naman ni Airah ang dalawang hawak na papel na may numero.
"Pero ate Airah, may mga pasa ako sa mukha." Sabi ni Aiden.
"Problema ba yon?" Sabi niya at ginulo ang buhok ni Aiden.
"Teka, anong ginagawa mo?" Tanong ni Aiden kay Airah dahil tinanggal nito ang dalawang butones ng polo niya.
"May badboy bang maayos ang suot?" Sagot ni Airah. Napaisip naman si Aiden at ilang sandali pa'y tinupi ang manggas ng kuwelyo.
"Uy, gusto tung ganyang theme ng sayaw." Sabi ni Raven. "Yung badboy ang dating. Pero mas maganda kung marami tayo." Sabay tingin kay Airah.
"Di ako nakapag-practice." Sabi agad ni Airah nang maintindihan ang tingin ng pinsan at kapatid.
"Sali din ako. Ikaw ang nagturo sa amin di ba?" Tanong ni Aina. "Sali lang tayo. Back-up dancers lang nilang dalawa. Di naman tayo importante kaya ayos lang."
"Oo nga. Sige na." Pagsusumamo ni Aiden na hinawakan pa ang kamay ni Airah.
"Sige na kasi." Pagsusumamo din ni Aina.
Alam na nila ang kahinaan ng cold nilang kapatid kaya ayan ginagamit na nila.
Ang cold na mukha ni Airah bigla na lamang napalitan ng naguguluhang ekspresyon. Ilang sandali pa'y napalitan ng helplessness.
"Sige na nga. Oo na."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top