TBH 21: Drama play
Malapit na ang annual festival na gaganapin sa bawat pagsapit ng Lionheart Academy anniversary ng Lionheart Academy. Maraming mga events ang gagawin at isa na dito ang beauty contest at Theater/drama play. Ang dalawang events na ito ang main events ng annual festival ng L.A.
Kung sa beauty contest kailangan ng beauty and brain sa theater or mixed drama play naman kailangan ng main leads ng talent sa acting, pagsayaw at pagkanta. Higit sa lahat may kagandahan at may potensyal na sumabak sa show business.
Kadalasan sa magiging main leads o lead star ng play ay nagiging mga artista. Imbitado naman ang mga kilalang mga tao sa lalo na ang mga reporters at media na kapag gaganapin na ang dalawang events na ito.
Ginawa ang nasabing events para mas tumaas ang prestige ng paraalan at nakasanayan na rin ng lahat na may mga director ang pupunta st mga talent scout kapag dumating na ang araw ng dalawang events.
Marami na rin sa mga gumanap sa theater play lalo na sa mga nagiging main leads ng play ang sumikat at naging successful ang mga buhay sa showbiz kaya ang mga kabataang may balak mag-artista o sumikat sinikap na magsanay ng mabuti umaasang makasali sila sa theater play kahit extra lang o ba kaya sa beauty pageant kahit di magchampion.
Kaya lang masyadong strict ang pagpipili nila ng maaaring gumanap.
"Sa pagkakataong ito, may mga dialogue ng isasama sa play. Hindi lang sayaw pagtugtog at pagkanta." Paliwanag ng guro.
Ang play na gagawin nila sa taong ito ay request ng isang sikat na director. Gagawa sila ng kwento na isasadula nila sa pamamagitan ng pagtugtog, pagsayaw, pagkanta at pag-arte sa camera.
Marami na ang nag-audition para sa magiging tagapagtugtog. May mga estudyante na ring napili na isa sa gaganap sa play ngunit may mga karakter parin ang nanatiling bakante katulad nalang ng main leads na binubuo ng isang lalake at babae.
Walang balak sumali sa play si Aikah. Mas gusto niyang tumugtog ng piano kaya sumali siya sa piano contest ng school. Sumali naman sa singing contest si Aina dahil mas gusto talaga niyang kumanta.
Ang grupo ni Aiko ang kabilang sa mga tagapagtugtog at magiging boyband group sa play. Isa naman sina Raven at Aiden sa mga dancers ng play.
****
Aikah's p.o.v
"Nakakapagpraktis ka na ba?" Tanong ni mommy na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Gusto kasi ni mommy na sumali ako sa audition para maging bida ng theater play namin sa school pero mas gusto kong tumugtog ng piano.
"Hindi pa po ma. Sa piano contest ko kasi gustong sumali." Sagot kong nakayuko. Natatakot akong baka magagalit siya. Masama pa naman ang mood niya ngayong nagdaang mga araw.
"Sa tingin mo ba, makukuha mo ang simpatya ng lolo mo sa ganyan? Gusto kong ikaw ang magiging lead star ng play niyo sa school. Para magiging proud sayo ang lolo mo. At malalamangan mo ang iba niyang mga apo."
Ganyan si mommy. Gustong angkinin ang simpatya at tiwala ni lolo gamit ang mga anak. Wala kaming ibang ginawa kundi ang makipagkumpetensya sa mga pinsan at mga kapatid ko. Maging lamang kami sa kanila. Ipakitang mas magaling kami kaysa sa kanila.
Pagod na akong makipagkompetensya sa iba pang mga apo ni lolo. Gusto ni mommy na magiging perfect apo kami sa mga mata ng Don. Tinitingala hinahangaan at kinaiinggitan. Gusto ko din naman sanang gawin ang gusto kong gawin katulad ni ate Airah. Para kasi kaming mga puppet o robot sa mansion na ito. Na sinusunod lamang kung ano ang iniuutos.
"Anak, sana naman maiintindihan mo ako. Di mo ba nakikita? Mas pinapaboran ng lolo mo ang anak ng kabit na iyon kaysa sayo na tunay niyang apo. Kapag ang babaeng iyon ang pipiliin ng Don na magiging tagapagmana sa Lionheart empire paano na lamang tayo Aikah?" Pakiusap niya.
Minsan talaga naitatanong ko na sa aking sarili kung minahal nga ba ako ni mommy o minahal lang niya ako dahil posibleng isa ako sa makakatulong sa kanya na makuha ang Chairman position sa Lionheart Empire.
Hindi niya mapipilit si kuya dahil parang si ate Airah lang iyon na ginagawa ang gusto.
"Hindi po ako sasali sa play." Determinadong sagot ko. Mas magiging sikat man ako kapag magiging lead star ako sa play pero mas masaya akong tumugtog ng piano kaysa magiging sikat sa ibang bagay.
Kasunod ng sagot ko ang pagsampal ni mommy sa aking pisngi. Natabingi ang aking ulo sa lakas ng sampal at dahan-dahang tumulo ang aking mga luha. Tumakbo na lamang ako palabas sa silid ni mommy at pumasok sa aking silid at dito umiyak. Isinubsob ang mukha sa unan.
Alas nuebe ng gabi nang maisipan kong magpahangin sa attic.
Pagdating ko sa itaas nakita ko ang isang pigura na nakatalikod sa gawi ko. Mabilis akong nagtago ng mapalingon siya.
"Sinanay niyo akong mabuhay sa sariling sikap. Tumayo sa sariling mga paa. Pero wag niyo namang kalimutan na naging ina ko parin kayo. Hindi niyo dapat pinapabayaan ang anak niyo." Natigilan ako marinig ang boses ni ate Airah. Nandito din pala siya.
"Alam kong kaya mo yan. Anak kita e." Rinig kong boses mula sa isang cellphone kaya muli akong sumilip.
"Alam mo wala kang kwentang ina. Hinahayaan niyo ako sa anumnag gagawin ko. Ni di niyo tinuturo sa akin kung ano ang tama at mali. Hindi yung ako pa yung sisita sa mga mali niyo. Ma, hindi lahat ng naiisip kung desisyon na inaakala kong tama ay tama nga. Bakit ba hinahayaan niyo nalang ako?"
Nakavideo call pala siya sa mama niya. Hindi ko gaanong makita ang mukha ng kausap niya dahil natatakpan ng buhok niya ang cellphone.
"Tama naman ang mga desisyon mo. Bakit kita pagsasabihan? Ayaw mo ba niyan? Malaya ka kaya." Sagot ng babae.
"Matalino ka naman. Alam mo na kung ano ang tama at mali dahil mana ka sa akin."
"Mama!"
"Yes?" Parang nakikita ko ang old version ni ate Airah kung may galit sa kanya, ganyan na ganyang tono ang ginagamit ni Ate.
"I hate you."
"Sige na. I know that..." Sagot ng babae. " You love me." Dugtong ng babae sa sinabi.
"Ma!" Pansin ko ang frustration sa boses ni ate Airah ngunit mahihimigan mo rin na naiiyak na siya ngunit pinipigilan lamang.
Minsan parang gusto kong mainggit sa kanya dahil may mama siyang hinahayaan ang anak sa anumang gusto nito. Bakit hindi nalang iyon ang nagiging ina ko? Pero minsan naisip kong kaya ko ba kayang mabuhay mag-isa katulad ni ate Airah?
Ayun sa kwento ni lolo. Sa edad na two natuto na siyang kumain mag-isa. Sa edad na 4 siya na ang naghuhugas sa pinagkakainan niya at nagluluto ng sariling pagkain. Sa edad na 6 siya na ang naghahanap ng sariling kakainin. Nagsimula siyang buhayin ang sarili gamit ang sariling sikap niya. Sinasanay ng matulog mag-isa sa iisang bahay na walang ibang tao maliban sa kanya. Walang kasamang ina at ama.
Hindi ko alam kung anong buhay ang naranasan niya na naging dahilan kung bakit mahirap sa kanyang tawaging lolo si grandpa at papa si daddy. At kung titingin siya kapansin-pansin ang lamig ng mga tingin niya sa amin lalo na kay daddy at mommy. Siguro kami ang sinisisi niya kung bakit lumaki siyang mag-isa.
Ilang sandali pa'y napaharap siya sa akin na ikinagukat ko. Hindi agad ako nakagalaw. Ngunit hindi ko nakikitaan ng gulat ang kanyang mga mata at ibinaling na niya ang tingin sa langit na may kakaunting mga bituin. Naglakad ako palapit sa kanya at tumayo sa tabi niya.
Tahimik lang kaming dalawa. Ilang minuto ang nakalipas nagsalita rin siya.
"Hindi man lahat ng inaakala mong tama ay nakakabuti. Ang mahalaga, binabago mo kung ano mang mga pasya mong hindi naging mabuti ang nagiging resulta nito sa iba at sa'yo."
"Bawat magulang may kanya-kanyang prensipyo at paniniwala. Minsan akala nila na ang pasya nila ay siya ng nakakabuti para sa kanilang mga anak. Di nila alam na sa paniniwalang yun, lumalayo ang loob ng kanilang mga anak sa kanila. At minsan naipagkait pa nila ang kaligayahan ng mga anak. Madalas nagiging dahilan pala ng pagkasira ng kinabukasan ng anak."
"May kanya-kanya silang paraan ng pagpapalaki. Dahil akala nila iyon na ang nakakabuti sa mga anak nila. Hindi lahat ng mga magulang ay tama. At di rin lahat ng iniisip mong tama ay tama nga."
"Bakit mo ba iyan sinasabi?"
"Binabasa ko lang yung script na bigay ng guro tungkol sa play. Natamaan ako kaya nakakarelate ako sa script." Sagot niya kaya napatingin ako sa maliit na booklet kung saan nakasulat ang script ng play namin. Lahat kami binigyan ng booklet na katulad kay ate Airah para mabasa namin at mai-interpret kung ano ang emosyon na dapat naming ipakita kapag ire-recite na ang mga linya ng bawat karakter na gagampanan namin.
Hindi ko pa binasa yung sa akin dahil ayoko sanang sumali. Tungkol nga pala sa family, love, betrayal, hate, at pagsasakripisyo ng mga magulang para sa mga anak ang theme ng play namin sa taong ito. Dati about sa pangarap ngayon naman about sa family.
"Madalas akong nakakagawa ng mga pagkakamali at saka ko lang nalalaman na mali pala ako kapag nakikita ko na sa ibang tao ang parehong sitwasyon. Tapos sisihin ko ang mama ko kung bakit di niya sinabi na mali pala ako." Sabi niya sabay turo sa isang linya sa booklet.
"Hindi kasalanan ang makagawa ng pagkakamali dahil walang perpekto sa mundo. Ang kasalanan ay ang alam mong mali ka ngunit wala kang balak itama ang pagkakamali mo." Kasunod ng linyang iyon ay may naka-high light pang iba.
"Ito yung dialogue ng male lead na gaganap sa play." Sabi ni ate makitang nakatingin ako sa naka-high light na paragraph.
"Tingnan mo kung iyon ba ang tama at ang mas nakakabuti. Pag-aralang mabuti ang nagiging resulta sa bawat pasyang ginagawa mo. Hindi lahat ng pasya ng mga magulang para sayo ay ang siyang nakakabuti sayo. Hindi rin lahat ng inaakala mong tamang pasya mo ay magdudulot ng kabutihan sa kinabukasan mo."
"Ikaw ba. Kaninong pamamaraan ang sinusunod mo?" Tanong ko sa kanya matapos basahin ang script.
"Sinusunod ko ang anumang sinasabi ng aking puso. Naging mali man ito o naging tama ang mahalaga hindi ko sinusunod ang aking ina na sa simula palang alam kong maling daan na ang tinatahak niya."
Maling daan ang tinatahak. Naisip kong bigla si mommy.
"Hindi man ako sigurado kung tama ba ako. Ang mahalaga alam kong mali ang mama ko kaya hindi ko gagawin o gagayahin ang alam kong mali. At kung masama man ang nagiging resulta sa mga napili kong desisyon, kukuhanan ko na lamang ito ng leksyon at gawing aral para hindi muling magkamali." Seryoso niyang sabi.
Ang isa sa mga napansin ko sa kanya, hindi siya cold at di rin naman pala ganoon katahimik depende nga lang sa kung kailan niya gustong magsalita o manahimik. Saka namimili din siya ng kinakausap.
Napatitig lamang ako sa kanya habang siya nakatingin sa langit. Kung sana'y katulad ko siyang may lakas ng loob at may tiwala sa sarili kaya ko na sanang magpasya para sa sarili ko. Kaya ko na sanang gawin ang mga bagay na gusto ko. Kaya lang hindi ako kasing tapang niya.
Hindi ko kayang mabuhay mag-isa katulad niya. Na kahit wala ang gabay ng ina nakakaya niyang buhayin ang sarili niya sa sariling sikap, sariling desisyon at paniniwala. Kapag ako ang napunta sa lugar niya baka hindi ko kakayanin.
"Kapag gusto mong makalaya mula sa kontrol ng mga magulang mo, iisa lang ang paraan. Ang maging independente at matutong tumayo sa sariling mga paa." Bigla niyang sabi. Narinig kaya niya ang sinabi ni mommy sa akin? Ano bang alam niya tungkol sa akin?
"Halata sa mukha mo na may misunderstanding kayong mag-ina." Sabi niya at tumawa pa ng mahina.
"Minsan naitatanong ko kung bakit si mama pa ang nagiging ina ko pero kapag nakikita ko ang ina mo napapasabi ako na mabuti nalang pala at si mama ang naging ina ko."
Napaisip din akong bigla. Kapag nagkapalit kami ng sitwasyon baka kung ano na ang nangyari sa akin ngayon at baka kung ano na rin ang nangyari sa kanilang dalawa ni mommy.
Bigla ko tuloy naisip si Daddy. Isa siyang mabuting ama para sa amin ni kuya Aikoh at bumabawi rin sa kanyang iba pang mga anak. Kaya lang alam kong hindi siya nagiging isang mabuting asawa. Halata naman sa dami namin. Pero hindi ko maiwasang maisip kung magiging ganito kaya kahigpit sa amin si mommy kung hindi dahil sa mga anak ni Daddy sa ibang mga babae?
Sa pagkakatanda ko sinusuportahan kami ni mommy sa lahat ng mga gusto namin. Ngunit unti-unting nagbabago ang lahat pagdating nina Aiden at Aina at mas lumala pa ang sitwasyon nang dumating si Airah lalo na nang mahahalata kay lolo kung gaano siya ka bias kay ate Airah.
Pangarap ni lola noon na may magiging sikat na artista sa mga apo niya kaya siguro naisip ni mama na isali ako sa play na ito.
Hindi ko na tuloy alam kung mag-audition ba ako o di na? Napatingin ako kay ate pero umalis na pala siya.
Bumaba nalang din ako para makapagpahinga na.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top