TBH 20: Walang karapatan

"Natutuwa ka bang ang daming nawalan ng trabaho dahil sayo? Palibhasa selfish ka e." Sabi ni Ava na lumabas mula sa kwarto niya para lang makita sana si Airah na magiging grounded din sana tulad nila kapag may nagagawa silang hindi maganda.

"Oh, wag mong sabihing mabait ka at matulungin? Bakit? May natulungan ka na ba?" Bara ni Airah.

Namula naman sa galit si Ava kaso wala siyang maisagot. Oo at wala siyang naipatanggal sa kanilang trabaho pero wala rin naman siyang natulungan.

"Saka ako ba ang nagpatanggal sa kanila. Ang hirap kasi sa inyo kung sino yung mas mababa sa tingin niyo iyon na agad ang nasisi at siyang may kasalanan. Pero yung tunay na dahilan kung bakit sila natanggalan ng trabaho di niyo man lang masabi-sabihan dahil dragona siya sa paningin niyo." Iiling-iling na sabi ni Airah at pumasok na sa kwarto niya.

Bago isinara ang pinto may sinabi pa siya sa naiwang kawal.

"Pakisabi sa boss niyo. Maliban kay lolo walang may karapatan ang iba na parusahan ako ayun sa batas nila." Sabi niya bago isinara ang pinto.

Nang isara niya ang pinto ini-lock naman ng mga ang pintuan niya ayun sa utos ni Nova.

"So childish." Sabi ni Airah nang matuklasang hindi na mabubuksan ang pintuan.

Pagdating ng hapunan walang nagdala ng pagkain sa kanya at wala ring tumawag sa kanya para maghapunan na.

Kinabukasan wala pa ring nagbukas sa pintuan niya at wala naman silang narinig na kaluskos mula sa kanyang kwarto.

"Tingnan natin kung ano ang gagawin niya. Kailangan niyang sundin ang batas sa pamamahay na ito."  Sabi ni Nova at tinanong ang isa sa mga katulong kung may ingay na ba mula sa loob ng kwarto ni Airah kaso wala pa rin.

Pinabuksan niya ang pinto kaya lang naka-lock sa loob. Kaya naman inutusan niya ang mga guwardiya na sirain na lamang ang pintuan ng kwarto ni Airah. Nang mabuksan na ito saka nila natuklasang wala sa loob ang dalaga.

***

Kasama ngayon ni Nova ang apat na mga kaibigan niya sa pamamasyal. Gusto niyang kalimutan ang frustration na nararamdaman niya kay Airah kaya naman lumabas na muna siya ng mansion ng makapag-relax.

"Ang tagal mo ding nagpakitang muli. Bakit ngayon ka lang ulit lumabas ha?" Tanong ng isa sa mga kaibigan niya.

"Alam mo naman na abala yan lage sa mga negosyo nila." Sagot naman ng isa pa.

"O baka naman abala sa pagbabantay sa asawa niya. Baka mamaya may iba na namang kinakasama." Patuyang sagot ng isa pa na ikinasama ng mukha niya.

Iniiwasan niya niya ang isang to dahil sumasama lang naman ito sa kanila para makitsismis kaso hindi naman niya maitaboy. Kundi lang to asawa ng kongresman baka kanina pa niya pinahiya.

"Masyado kasi kaming busy. You know na may bago na naman ila-launch na bagong produkto." Nakangiti niyang sagot. Mas lumawak ang ngiti niya makita ang inggit na dumaan sa mga mata ng mga kaibigan.

Masaya siyang nakakasama ang mga kaibigan na ito dahil maaari niyang ipangalandakan ang yaman niya sa kanila lalo na't siya ang may pinakamayamang asawa sa kanilang lima.

Kinuha niya ang isang limited stock na branded dress para kay Aikah, kaya lang napatigil nang may nagmessage sa kanya.

"Bibilhin mo to? Limang milyon kaya ang presyo nito." Makikita ang inggit sa mga mata ni Mrs. Alvaro.

Kung siya lang sana ang nakakuha kay Arthur malamang siya ngayon ang nabibili ang lahat ng gusto. Mayaman nga ang kanyang asawa ngunit hindi kasing yaman ni Arthur Lionheart. Kaya naiinggit siya kay Nova.

Sumama ang mukha ni Nova nang mabasa ang mensahe ni treasurer Lanie. Si Miss Lanie kasi ang namamahala sa mga perang nagagastos ng mga apo ng Don at siya rin ang magbabalita sa sinuman kina Arthur o Avey kapag may malaking halagang nabawas sa treasury ng mansion.

May mga notif na darating sa system na ginawa ng team ni Lanie kapag may binili ang mga apo ng Don gamit ang cash card o credit cards ng mga Lionhearts kaya naman nang may sunod-sunod na notif ang dumating sa system nila agad na tinawagan ni Lanie si Don Art kaso naka-off ang cp nito gamon din sina Arthur at Arthron kaya naman si Nova na lamang ang tinawagan ni Lanie.

Hindi nila pinapansin kapag kaunting halaga lamang ngunit ibang-iba ang sitwasyon ngayon dahil dalawang oras palang 20 milyon na ang nabawas mula sa pera ng mga Don.

Halos himatayin na si Nova makita ang notification na nagsasabi na may kumuha na 20 million mula sa isa sa mga credit cards na ibinigay ng Don sa mga apo. Hindi lang yon, patuloy sa pagtaas ang halagang nababawas sa perang nakalaan para sa mga gastusin sa mansion.

"I-trace niyo kung sino sa mga bata ang gumamit ng perang ito." Utos ni Nova bago i-off ang cellphone.

Mabilis siyang nagpaalam sa mga kaibigan at umalis na.

Pagdating niya sa mansion gusto na niyang himatayin makitang umabot sa 36. 5 million ang nagastos ng sinumang gumamit sa card ng Don.

"Madam, natuklasan na po namin kung sino sa kanila ang gumamit sa Lionheart's black card." Salubong ni Lanie sa kanya.

Ang sinumang may hawak sa black card ng mga Lionheart ay maaaring kumuha ng unlimited na pera at mababawas ito sa yaman ng mga Lionheart.

"Sino?" Walang sinuman sa mga anak niya ang may black card kaya di niya maiwasang makadama ng inggit kapag naiisip na may isa sa apo ng Don ang may hawak na black card.

"Si Miss Airah po."

"Si Airah na naman?" Sambit niya na pinipigilan ang galit.

Natutuwa siya dahil sa kanya na ipinaubaya ang pamamahala sa mga libing expenses ng mansion at sa mga bata. Siya na ang magma-manage ng mga papasok at lalabas na pera sa pamilya pero hindi niya inaasahan na magkakaproblema pala siya sa unang linggo ng pamamahala niya.

36.5 million na ginastos lang sa isang araw? Kahit mayaman pa sila pero malaking halaga na ang perang ginastos ni Airah sa isang araw lang.

Pinahanap niya ang dalaga sa mga private security guard ng mga Lionheart ngunit nakabalik na si Airah na nakasakay pa sa isang bagong biling kotse niya. May bagong motorcycle ding binili.

May mga bagong driver at mga bagong personal bodyguards pang kasama.

"Pinatanggal ko na kayo a. Bakit kayo bumalik?" Tanong niya sa walong ex-bodyguards na kasama ni Airah.

"Wag po kayong mag-alala madam Lionheart. Mga bodyguards ko po sila at sa akin po sila magtatrabaho magmula sa araw na ito."

"Nahihibang na ba ang babaeng yan? Pinabalik ba naman dito ang mga pinatanggal na ni Tita. Kala niya siguro boss na siya dito." Sabi ni Ava na nasa itaas ng hagdan at nakapamaywang na pinapanood ang mga kaganapan sa ibaba.

"Alam mo ba to?" Tanong ni Aiden kay Aina.

Umiling naman si Aina. "Hindi. Nang palihim ko siyang dinalhan ng pagkain kagabi nahuli ako ng mga guwardiyang nagbabantay sa kwarto niya kaya bumalik na lamang ako at di kami nakapag-usap." Sagot ni Aina.

Hindi umuwi sina Throne at Aikoh kahapon kaya wala silang alam sa mga nangyayari sa mansion. Nasa barkada naman niya si Raven kaya ang nandito ngayon ay sina Alvira, Ava, Aikah, Aina, at Aiden.

Si Alvira naman natutuwa makitang nawala na ang pagiging kalmado ni Nova. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil may kumalaban na rin sa kinatatakutan nilang reyna ng mansion na ito. Gusto pa nga niyang i-cheer si Airah e. Kaso ayaw niyang ipahalata na natutuwa siya sa mga pinagagawa ni Airah. Kaya para hindi mahalata nagsalita din siya.

"Kala niya basta-basta lang makakapagpapasok ng mga bodyguards dito at maid? Ano bang tingin niya sa atin ha?" Tanong niya para mas mag-aapoy sa galit si Nova. Kunwari kakampi siya kay Nova pero sa totoo lang gusto lang niyang mag-away ang dalawa.

"Ikaw. Anong karapatan mong kumuha ng sariling bodyguards na hindi man lang dumaan sa proseso ng pamamahay na ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nova kay Airah.

"Malaya akong gawin ang anumang gusto ko. Sino ka bang pakialaman ako? Sayo ba ang perang ipapangsahod ko sa kanila?" Nakangiting tanong ni Airah.

"Pera para sa ating lahat ang ginastos mo? At saan mo ba ipinamili ang 36 million na kinuha mo? Alam mo ba kung gaano kalaki ang halagang iyon?" Maalala ang perang ginastos ni Airah gusto na talagang mahimatay ni Nova. Siya nga na Misis Lionheart na hindi nakakagastos ng mahigit sampong milyon sa isang araw lang tapos si Airah mahigit tatlumpung milyon pa? Ten years allowance na iyon nina Aikoh at Aikah a. Pagtatrabahuan na niya iyon ng apat na taon bago makuha ang halagang ganoon kalaki.

"Kulang pa iyon para sa isang first miss ng mga Lionheart. Saka ito palang ang unang araw ng pagamit ko sa perang dapat dati ko ng pinapakinabangan. Wag kang mag-alala, umpisa palang to." Sagot ni Airah at tiningnan ang dalawang babaeng kasama niya.

"Pakidala nga pala ng mga pinamili ko sa bago kung silid." Utos niya sa dalawang babaeng kasama sa walong bodyguards na ni-recruit niya.

"Yung sa Third floor malapit sa attic ang magiging bagong kwarto ko." Sabi niya sa dalawa na agad namang sumunod.

Malapit sa silid ng Don ang mga kwarto sa third floor pero walang ni sinuman ang pinayagan ng Don na titira sa alinman sa mga kwarto sa third floor nanlaki ang mga mata ni Nova nang marinig na sa third floor titira si Airah.

"Ipinagbabawal ng Don na may tumira sa third floor kaya hindi pwede." Sabi ni Nova na mabilis na tiningnan ang mga maid nila.

Agad namang humarang ang anim na maid ng mansion makita ang tingin ni Nova.

"Pasensya na. Nasabi ko na kay Lolo na sinira mo ang kwarto ko kaya sinabi niyang sa third floor na lang ako titira." Nakangiting sagot ni Airah na halatang natutuwa sa reaksyon ni Nova.

"Kahit na pinayagan ka ng lolo hindi ka sana dapat basta-basta nalang kumukuha ng mga bodyguards mo." Sagot ni Nova at tinawag ang mga guwardiya ng mansion.

"Guards, paalisin niyo ang mga bisitang ito. Ilagay si Airah sa storage room para magtanda na." Utos niya.

"Ako ang nag-utos sa kanilang bantayan si Airah habang hindi pa ako nakakabalik diyan." Isang baritonong boses ang kanilang narinig na ikinaputla ng mukha ni Nova.

Hinanap nila kung saan nagmumula ang boses saka nakita ang hawak na cellphone ni Airah.

"Ay, oo nga pala. Naka-video call nga pala ako kay lolo. Pasensya na. Nakalimutan kong sabihin." Sabi ni Airah na nakataas ang isang kilay. Halatang sinusubukan kung hanggang saan ang pasensya ni Nova.

"May sasabihin ka pa ba? Kung wala na aakyat na ako." Sabi ni Airah bago lagpasan ang nagngingitngit sa galit na ginang.

Inakyat naman ng mga bodyguards ni Airah ang mga gamit na binili ng dalaga.

"Ate Airah, ang astig mo." Sabi ni Aina na hinabol pa ang kapatid paakyat sa third floor.

"Wala ka bang pasok? Bakit nandito parin kayo?" Tanong ni Airah kay Aina.

Napayuko naman si Aina. Balak kasi nila ni Aiden na hanapin siya kaya naman hindi na sila pumasok sa paaralan.

"Hahanapin ka sana namin. Bigla ka kasing nawala." Nakayukong sagot ni Aina.

Tiningnan ni Airah ang kapatid at ginulo ang buhok nito bago siya nagpatuloy sa paglakad.

"Ate naman e. Tingin mo sa akin bata? Ang hirap kayang magsuklay." Reklamo ni Aina at sinuklayan ang buhok gamit ang mga daliri niya habang patuloy sa paglalakad.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top