TBH 2: Tagapagmana

3 months later...

Inaakala ng lahat na mamamatay na ang Don ngunit nagising ito pagkalipas ng tatlong buwan. Ilang araw din ang lumipas at bumalik na ito sa Lionhearts mansion.

"Kamusta yung pinagawa ko sa inyo?" Tanong ni Don Art kay Butler Kim.

"Gaya po ng sinabi niyo, pinalitan po nila ang DNA sample ni young master Aiden." Sagot ni butler Kim.

"Pero nakuha parin namin ang tunay na resulta." Dagdag niya pa.

"Papasukin mo si Doctor Seo." Utos ng Don.

Agad namang pumasok si Doctor Seo nang tawagin ni Butler Kim.

"Dala mo na ba ang resulta?" Tanong ng Don kay Doctor Seo.

Agad namang nilabas ng doctor ang dalawang envelope. Kinuha ito ng Don at tiningnan ang nilalaman sa isang envelope.

"Match po ang dugo nina Sir Arthur at young master Aiden pero sa isang resulta po..." Hindi nito natapos ang sasabihin dahil naguguluhan siya.

"Hindi ko tuloy maiwasan kung alin ba talaga ang fake at ang totoo dito." Halos pabulong na nitong sabi.

"Yung nag-donate ng dugo sa akin, nahanap niyo na ba?" Tanong ni Don Art sa dalawa habang tinitingnan ang resulta ng DNA test ni Aiden.

"Hindi parin po. Mukhang may naghahanap sa mag-ama kaya naman napilitan silang lumipat ng hospital sa gabi ding iyon." Sagot ni Doctor Seo.

"May nakuha na po akong impormasyon sa dalawa." Sabi ni Butler Kim at nilagay sa mesa ang isa pang envelope.

Kinuha ng Don ang envelope at kinuha ang laman sa loob.

Ayesha Airah Aragon. Ito ang bumungad sa kanyang mga mata nang mabasa ang unang linya ng sulat.

"Aragon?" Gulat niyang sambit.

Binasa niya ang kabuuang impormasyon na nakasulat sa papel.

Ayesha Airah Aragon. 15 years old. Studied at San Matteo high. Grade 10.

Ngunit napatigil ang Don sa pangalan ng ina ng bata.

Aizy Dianna Aragon.

Mabilis na kinuha ng Don ang isa pang envelope at tiningnan ang DNA test result. Nabitiwan niya ang DNA test result at napatulala.

"Don Art. Ayos lang po ba kayo?" Nag-alalang tanong ni Butler Kim.

Ngunit nang mabasa ang nakasulat sa papel, natigilan din siya. Napatingin siya kay Doctor Seo.

"Iyan ang ipinagtataka ko. Ang isang resulta ay siguradong mag-ama nga sina Arthur at Aiden pero hindi naman nagmatch ang DNA ni Aiden kay Don Art. Di tulad nina Aikah at Aikoh. Pero sa ikalawang sample, sinasabi dito na apo niyo si Aiden at anak siya ni Arthur na ikinalito ko." Sabi ni Doctor Seo.

"Kuhanan niyo ulit ng DNA samples ang mga bata. Dapat hindi nila malalaman." Sabi ng Don at inutos rin sa butler na ipatawag ang kanilang private investigator.

Mas dinoble pa nila ang paghahanap kina Airah at sa amang nagpalaki rito.

6 months later. Sa office ni Don Art.

Nakaupo ngayon si Don Art sa kanyang swivel chair. Kausap ang kanyang private investigator at ang kanyang butler.

"Kumusta na ang paghahanap sa kanya?" Tanong ng Don sa dalawang kasama.

"Nakausap ko na po siya at sinabi na ang tungkol sayo. Hindi man lang siya nabigla na tila ba alam na niya ang tungkol sa inyo." Paliwanag ng butler.

"Hindi kaya kasabwat siya ng mga taong yun para maging isa ding tagapagmana niyo?" Tanong ng butler Kim.

"Kung ganon, sinabi siguro ni Aida sa kanya ang tungkol sa pagkatao niya. At kung natutuwa siyang maging isang tagapagmana then bakit hanggang ngayon di niyo parin siya naisama?"

"Ayaw po niyang sumama." Nakayukong sagot ni butler Kim.

"Abduct her." Mariing utos ng Don. Napatingin naman sina butler Kim at Mr. Simon sa kanya.

"Pero Don Art." Sambit ni butler Kim .

"I said abduct her kung ayaw niyang sumama." Mariing utos ng Don.

"Don Art. Baka mas lalo lang kayong kasuklaman ng bata." Di mapigilang sagot ng private investigator niya.

Maalala ng Don ang pagkamuhi na nakikita niya noon sa mga mata ni Aida, muli na namang kumirot ang puso niya.

"Abduct her kung iyon lamang ang tanging paraan para makasama ko ang apo ko." Sabi niya na nakakuyom ang kamao.

"Matagal na panahon siyang ipinagkait sa akin ni Aida. Ako na naman ang magmamay-ari sa apo ko." Maisip ang pinagdaanan ng kanyang apo, hindi niya mawari kung malulungkot ba siya o matutuwa.

Namumuhay si Airah kasama ang adopted dad nito na kailangan pang kumayod araw-araw para mabuhay. Siya na isa sa mga heiress ng Lionheart at ng mga Aragon, nabuhay sa sariling sikap na halos araw-araw nagtatrabaho para lamang makapag-aral. Na dapat ay nabubuhay siyang marangya at nabibili ang lahat ng gusto dahil galing siya sa angkan ng mga bilyonaryo.

"Alam niyo na ba kung nasaan ang kanyang ina?" Tanong ng Don. Napayuko naman si Mr. Simon dahil bigo sila sa paghahanap sa ina ni Airah.

"Ipinagpatuloy parin po namin ang pag-iimbestiga." Sagot agad niya.

Napabuntunghininga ang Don maalala ang ina ni Airah. Hindi kasama ni Airah sa paglaki ang ama ni hindi alam ng ama ni Airah na may anak ito kay Aida. Hindi rin inaakala ng Don na hindi rin nito kasama ang ina at nananatili ito sa mga kamay ng hindi niya kaano-ano. Matigas ang ulo ni Aida kaya hindi na nakapagtataka kung matigas din ang ulo ni Airah.

"Hindi niyo parin po ba sasabihin kay Arthur na may anak pa siya bukod kina Aikoh at Aikah?" Tanong ng Butler.

"Hindi na." Nagulat sila dahil sa tunog ng nabasag na bagay.

"Arthur, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ng Don nang makita si Arthur. Sa paanan niya ay ang nabasag na baso at may nakakalat pang kape sa sahig.

"Dad, totoo ba yung narinig ko? Na may anak kami ni Aida?"

***

Abala si Airah sa pag-aasikaso sa mga customer. "Enjoy your meal."

"Airah. May customer dito sa table 13." Tawag ng kasama niya na buhat-buhat ang isang kahon.

Agad siyang nagtungo sa table 13 upang kunin ang order ng mga customer.

"Ano pong order niyo?" Nakayuko siya habang tinatanong yun dahil inaayos niya ang nagusot na kuwelyo.

"Coffee lang sa akin." Sagot ng isang lalake na pamilyar sa kanya ang boses.

"Kung ano yung specialty niyo dito." Sabi ng medyo may katandaan ng boses.

Pagkatapos maibigay ang order ng dalawang customer saka pa napatingin si Airah sa mga hitsura nila. Kaso nakashades at hood ito pareho.

"Maari ka bang makausap?" Tinanggal ng isang customer ang shade nito at ibinaba ang hood.

Ibinaba ni Airah ang hawak na tray at umupo sa upuang inilaan para sa kanya.

"Hindi ako sigurado kung alam mo na bang ako ang lolo mo." Sabi ni Don Art. Pinag-aralan niyang mabuti kung magugulat ba si Airah sa sinabi ng Don ngunit tila ba alam na ni Airah na lolo niya si Don Art.

"Kung iyon lang po ang sasabihin niyo, aalis na po ako." Aalis na sana siya nang magsalita si Arthur.

"Sandali lang." Panabay na sabi nina Don Art at Arthur.

"Im Arthur, at kahit alam kung hindi mo ako madaling tanggapin but i want you to know that I am your father."

"So, ikaw pala ang dahilan nang pagkabuhay ko sa mundong ito. Then i thank you for that." Halata sa tono ng boses niya na hindi siya natutuwa. "Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin dahil busy ako."

"Please come with us."

"Ayos na po ako sa buhay ko ngayon. Hindi dahil mayaman kayo gugustuhin kong tumira kasama niyo. Kadugo ko man kayo, but I value a family who took care of me rather than the family who are only related to me by blood. Malaki na ako. Hindi ko na kayo kailangan." Bakit kasi ngayon pa lamang sila nagpakita gayong malaki na siya?

"Sinisi mo ba kami dahil hindi ka namin naalagaan noong bata ka pa?" Tanong ni Don Art.

"Hindi. Dahil kapag kayo ang nagpalaki sa akin baka naman matagal na rin akong wala sa mundong ito."

"Sinasabi mo bang hindi ka namin kayang protektahan?" Tanong ni Don Art.

"Itatanong ko pa ba ang bagay na yan?" Nakataas ang kilay na sagot ni Airah.

"Hindi ko sinasadyang saktan ang iyong ina." Paliwanag ni Arthur. Gusto niyang yakapin ang anak kaso alam niyang galit ito sa kanya.

"Hindi namin kailangan ang paliwanag niyo. Tapos na yun. Kaya kung maaari hayaan niyo na lamang ako. Nabuhay ako na wala kayo kaya hayaan niyo na akong mabuhay na hindi kayo kasama. Di naman mababago non ang katotohanang dugo niyo parin ang nananalaytay sa mga ugat ko. Hindi ko naman yun itinatanggi e. Pero di ko na kailangan pang sumama sa inyo. Di na mahalaga yun." Tinatanggap na niya na blood related siya kina Don Art. Sa dugo lang naman ngunit hindi sa isip at sa puso.

"Gusto lang naman sana naming makabawi sayo. Sa lahat ng mga pagkukulang namin." Sagot ni Don Art na pinalambot pang lalo ang boses.

"Paano kung babalik ang lumusob sa tahanan niyo? Gusto mo bang may masamang mangyari sa ama mo?" Bigla niyang sabi na ikinakunot ng noo ni Eyria. Bukod kasi sa kanilang dalawa ng kanyang ama, at sa mga assassin, wala ng iba pang nakakaalam tungkol sa nangyaring assassination attempt. Kaya paano nalaman ni Don Art?

"Isa kang Lionheart heiress ngunit nagtatrabaho ka lang sa maliit na restaurant na ito?" Muli at ya sabi ni Don Art.

"Palatandaan lang yun na kaya kong mabuhay ng normal kahit wala kayo." Cold na sagot ni Airah.

"Airah." Di napigilang sabi ni Arthur para paalalahan siya sa pagsagot-sagot niya sa Don.

"Alam mo bang mas manganganib ang buhay mo lalo na ngayon? Paano kung bukod sa amin may iba pang nakakaalm na isa ka sa tagapagmana?" Nag-alala kasi ang Don baka kikidnapin si Airah o baka naman ipapapatay siya ng mga kalaban ng Don sa negosyo.

"Maaari bang bigyan mo ako ng pagkakataon kahit ngayon lang? Kahit para sa akin lang o sa yumao mong grandma." Pakiusap ng Don kay Airah.

"Paumanhin po. Hindi ko po kayang iwan ang aking ama." Sagot ni Airah at iniwan na sina Arthur at ang Don.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top