TBH 17: Brutal na babae

Walang pasok ang mga Lionheart siblings ngayon ngunit kapansin-pansin na walang gustong bumaba sa kanila at nagkukulong lamang sa mga kwarto nila sina Ava at Alvira. Habang sina Throne at Raven naglalaro lamang ng video game. Si Aiden nagrereview habang si Aina nanonood ng palabas sa TV sa kanyang kwarto.

Bumaba si Aikah sa hagdan upang kunin ang naiwan niyang cellphone sa sala ngunit halata sa mukha ang pagdadalawang-isip at nag-aatubili pang ihakbang ang mga paa ngunit maalala ang cellphone niya na di niya nilagyan ng password, inalis na niya ang takot sa kanyang isip at nagsimula ng humakbang pababa.

"Bluetooth mo sa akin dali." Rinig niyang boses ni Tryzt. Nanlaki ang kanyang mga mata makitang hawak ngayon ni Christian ang cellphone niya at pinagpasapasahan pa nila.

"Hoy! Cellphone ko yan." Inagaw ang cellphone ngunit tinapon ni Christian kay Anthony ang cellphone na sinalo naman nong huli.

"Anthony ibalik mo yan." Sigaw niya. May mga hindi kaaya-ayang mga pose kasi siya sa gallery niya.

Pinagpasapasahan nila ang cellphone niya habang pinagtatawanan.

Tinulak siya ng kuya Aikoh niya na ikinabagsak niya kay Anthony. Niyakap naman siya ng lalaki.

"Say cheese." Sabi ng kuya kasabay ng pagclicked ng camera.

Kapag dadalaw ang mga barkada ni Aikoh sa mansion siguradong mabubully si Aikah dahil siya ang madalas na pagtripan ng kuya Aikoh niya. Na tila ba masayang-masaya ang kuya niyang ito kapag nakikita siyang napapahiya o inaapi ng iba?

Inagaw ulit ni Aikah ang cellphone na hawak na ngayon ni Tryzt pero itinaas ito ng lalake. Tumalon si Aikah para maabot ito ngunit may tumisod sa kanya na ikinasubsob ng kanyang mukha sa sahig.

"O iiyak na yan." Tukso nila habang natatawa.

Isang pares ng tsinelas ang nakita niya kaya napaangat siya ng tingin.

Nakalahad ang isang kamay nito sa tapat ni Aikoh.

"Bakit ko ibibigay? Kunin mo muna." Hamon ni Aikoh at nag-smirked.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Airah. At tumaas ang isang sulok ng labi.

"Feather duster." Sabi niya sa isang maid na siyang naghatid ng meryenda sa mga bisita. Agad naman nitong nilapag ang bitbit na tray at mabilis na kumuha ng feather duster.

Hinampas-hampas ni Airah ang feather duster sa palad habang papalapit kay Aikoh.

"Sinanay mo ang kuya mo na gawin kang libangan kapag naiinip sila. Kung sa una palang ay lumaban ka na hindi na magiging paulit-ulit ang pangyayaring ito." Sabi ni Airah na may ngiti sa labi.

"At ikaw. Naturingan kang kuya pero hindi mo man lang nagagampanan ang pagiging kuya mo." Sabi ni Airah kay Aikoh at tatlong ulit na nag-tsk.

"Pano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" Tanong din ni Aikoh na nakataas ang kilay.

Gusto niyang malalaman kung ano ang gagawin ni Airah gayong nasa mansion sila at posibleng pinagmamasdan sila ng kanilang grandpa.

"Ganon ba? Okay."

Kasunod nito ang hiyaw ni Aikoh na umalingawngaw sa buong mansion na ikinaalerto ng mga guwardiya at mga katulong.

Napatalon-talon ito dahil inapakan ni Airah ang paa. Nang makaalis sa upuan saka pinalo ni Airah ang pang-upo ng lalake gamit ang hawak na feather duster.

"Tama na aray. Aray. Ano ba! Yung... Di na ako bata. Ano ba." Hindi alam ni Aikoh kung saan ilalagay ang kamay. Sa mukha ba o sa pang-upo. Kapag tatakpan niya ang kanyang pang-upo hahampasin ni Airah ang kanyang mukha. Kapag tatakpan naman niya ang mukha tatama ang feather duster sa kanyang pang-upo.

Hiyang-hiya talaga siya sa mga kaibigan na. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin makitang nagpipigil sila ng mga tawa.

"Di bale na. Kunwari wala akong nakita." Pang-een-ganyo ni Tryzt sa sarili para mapigilan ang pagtawa. Napapaubo na lamang siya sa kakapigil.

"Ano ba. Tama na." Gusto niyang gumanti kaso ang sakit ng katawan niyang natatamaan ng feather duster na ito. Samahan pa ng paa niyang damang-dama parin niya ang sakit.

"Masakit masaktan physically ngunit mas masakit masaktan emotionally." Nakataas kilay na sabi ni Airah. Halatang hindi takot kay Aikoh.

"Humanda ka lang sa akin sa school-aray."

Inapakan na naman kasi ni Airah ang kabilang paa ni Aikoh habang patuloy sa paghampas sa lalake.

Napaawang ang bibig ng mga guwardiya makitang si Airah lang pala ang dahilan ng paghiyaw ng pinakabully nilang young master. Akala pa naman nila may mga assassin ng nakapasok sa mansion.

"Hoy! Ano bang hinihintay niyo diyan? Ilayo niyo dito ang babaeng ito." Sigaw ni Aikoh sa mga guwardiya. Nagkatinginan naman ang mga guwardiya.

"Young lady." Tawag ng isa sa mga kawal na tapat kay Aikoh at natatakot din silang maparusahan dahil nabugbog sa harapan nila mismo ang tinuturing na first heir ng Don. Tiningnan ni Airah ang nagsalitang guwardiya. Agad naman nitong naitikom ang bibig makita ang matalim na tingin ng dalaga. Para kasing nakikita niya si Don Art sa mga tingin ni Airah.

Napaatras ang mga guwardiya makita ang matalim na tingin ni Airah. Ang ilan sa kanila napalunok laway. Lalo na ang mga elite guards na minsan ng nasipa ni Airah noong hinahabol nila ang dalaga maging ang mga guwardiya na nakakaalam na tinalo ng dalaga ang isang assassin na papatay sana sa kanya.

Ang walang takot nitong mga mata at matatapang na tingin. Maging ang higpit ng paghawak nito sa duguang kutsilyo nang maabutan nila ay hindi pa nabubura sa kanilang isipan.

"Kayo. Mga kawal kayo ng mansion na ito pero hinahayaan niyong mapahiya ang young miss niyo? Kapag nakikita niyong nambastos ulit ang mga to," sabay turo sa mga kaibigan ni Aikoh, "itapon niyo palabas."

"Tandaan niyo. Nasa Lionheart Mansion kayo. Tila yata hindi niyo ginagalang ang mga tao rito gayong mga bisita lamang kayo. Hindi niyo yata inisip na si Don Art parin ang master dito. Kung umasta kayo parang kayo ang boss dito." Sabi niya sa mga bisita ni Aikoh.

"At ikaw." Sabay tingin kay Tryzt. "Dumalaw ka ba dito para pagtripan ang crush mo? Pagtripan mo lang wag mong bastusin. Subukan mo ulit mangbastos kundi patay ka sa akin." Sabay taas ng isang middle finger kay Tryzt.

Napalunok laway si Tryzt ngunit hindi kaya ng pride niya na magpakumbaba sa isa lamang babae kaya nagtapang-tapangan siyang hinarap si Airah.

"Ganyan ka ba magtrato ng mga bisita ha? Hindi ko alam na ganito pala magtrato ng mga bisita ang isang mayamang pamilya tulad nito." He said in a mocking tone

"Mga bisita nga ba o mga bwisita?" Sagot ni Airah na nakapamaywang.

"Isusumbong kita kay Don Art at sasabihing hindi ka marunong magtrato ng bisita." Mabilis niyang sabi.

"O talaga? Sige nga magsumbong ka. Kapag ikaw ang kakampihan niya bibigyan pa kita ng free kiss. Sige na magsumbong ka na. Gusto mo ako pa ang tatawag sa kanya para masermonan ako?" Hamon din ni Airah.

"Free kiss daw tol. Ako gusto ko yon." Tukso naman ni Christian kay Tryzt na natatawa pero itinikom agad ang bibig makita ang masamang tingin ni Airah.

"O baka naman gusto mong bugbugin kita sa harap niyang Don Art mo." Dagdag pa ni Airah bago tumuwid ng tayo at ipinasok sa bulsa ng short niya ang mga kamay. Nakalabas naman ang hawak na feather duster.

"Gawin niyo ang anumang gusto niyong gawin ngunit wag dito mismo. Galangin niyo naman ang master ng pamamahay na to."

Isa sa mga kawal ang naglakas loob na magsalita. "Young Master pasensya na po. Pero bilin po sa amin na hindi kami makikialam kung ano man ang gagawin sayo ni Young miss Airah." Sagot ng isa sa mga guwardiya bago tingnan ang mga kasamahan at mabilis silang nagsialisan na parang hinahabol ng mga aso.

Nakangiting umupo si Airah sa isang glass table habang hinampas-hampas sa palad ang feather duster at nakatingin sa nakangiwing half-brother.

Magsasalita na sana si Aikoh nang iangat ulit ni Airah ang isang binti. Ngayon hindi na siya sa paa ni Aikoh nakatingin kundi sa kaselanan ng lalake.

Napalunok laway ang mga kaibigan. Hindi nila alam kung gaano ka lakas ang sipa ni Airah pero base sa pamumula ng mga braso ni Aikoh na natamaan ng feather duster kanina alam nilang malakas ang babaeng ito. Kung tingnan nila kanina parang ang hina lang ng hampas ng dalaga ngunit kapansin-pansin ang mga naiwang latay sa parteng natamaan ng hampas niya.

Mabilis namang tinakpan ni Aikoh ang kaselanan.

"Oo na. Tama na." Agad niyang sabi.

Mabilis namang inabot ni Tryzt ang cellphone kay Aikah na tila ba napapaso.

Sumipol si Christian kaya napatingin sa kanya si Airah.

Napalunok siya ng laway makita ang matalim na tingin ng dalaga sa kanya. Mabilis niyang tinakpan ang mukha gamit ang isang palad at ibinaling ang mukha sa ibang direksyon.

"Sa susunod ayusin niyo ang pagpaparamdam niyo kay Aikah para naman may chance kayo. Di yung pagtitripan niyo siya." Cold niyang sabi na ikinapawis ng mga noo ng magkakaibigan. Ngunit marealize ang ibig niyang sabihin nagkatinginan silang magkakaibigan.

"Manligaw kasi kayo ng maayos." Matapos sabihin ang mga katagang iyon lumabas na si Airah.

"Ah?"

"Manliligaw?" Panabay na sambit ng magkakaibigan.

Mabilis namang umakyat sa kwarto niya si Aikah sa takot na siyang mapagbuntunan ng galit ni Aikoh. At syempre pulang-pula ang mukha dahil sa huling sinabi ng ate Airah niya.

"Anong panliligaw ba yung sinasabi niya ha?" Naguguluhang tanong ni Tryzt.

"Ikaw kasi Tryzt kung manligaw ka diretsuhin mo na." Tukso naman ni Christian na ikinatawa ng barkada.

"Tumigil nga kayo." Inis na sabi ni Tryzt.

"Sino ba yun? Nakakatakot siya ha. Pinsan mo ba yun?" Tanong ni Anthony kay Aikoh na napahawak pa sa kanyang dibdib.

"Yung brutal na magandang newbie na nakayang kalabanin ang mga bully sa school dito pala nakatira? Bakit di mo sinabing dito pala nakatira yung sikat na newbie na yon?" Tanong ni Anthony na kinakalabit pa si Aikoh.

"Apo din ba yun ng lolo mo? Kaninong anak ba siya?" Tanong naman ni Christian. "Ano kayang mararamdaman ni Sydion kapag malaman niyang dito nakatira ang babaeng kumalaban sa kanya?" Nagniningning pa ang mga mata ni Anthony sa naisip na mga posibleng reaction ni Sydion.

"Sa school takot ka rin sa kanya. Di kaya fiance mo siya?" Panghuhula ni Anthony.

"Hindi ako takot sa kanya." Sagot ni Aikoh ngunit marinig ang karugtong ng sinabi ni Anthony mabilis na binatukan ang kaibigan.

Si Tryzt napaubo nang malunok bigla ang sariling laway dahil sa narinig na tanong ni Anthony.

"Oo na. Hindi na takot. Hindi. Hindi halata." Sagot naman ni Christian.

"Sino ba kasi yun?" Pangungulit ni Anthony.

"Anak ni papa sa ibang babae." Walang ganang sagot ni Aikoh. Wala man lang nakapansin sa kanya na hinihipan ang paa na namumula na ngayon.

"Woah. Nakakalat pala talaga ang lahi niyo ha. Pero ang ganda niya. Pwede ko kaya siyang diskartehan?" Nakangiting tanong ni Christian.

"Subukan mo kung di ba niya paduduguin iyang ilong mo." Sagot ni Aikoh na napapangiwi kapag nagagalaw niya ang paa.

"Wala pang humihindi sa hitsurang to." Mayabang na sagot ni Christian.

"As if namang mahuhulog ang loob nin sayo. Puputi nalang ang buhok mo sa baba, hindi mangyayari yon." Bara naman ni Tryzt.

"Or kahit kuminis pa sa baba." Gatong ni Anthony sabay tawa.

"Aikoh. Di ka ba nanghihinayang?" Tanong ni Anthony at siniko pa ang kaibigan.

"Ipanghihinayang ang ano?"

"Na naging kapatid mo ang babaeng kasing ganda at kasing cool niya." Sagot ni Anthony na nakatanggap na naman ng hampas mula kay Aikoh.

"Sinong manghihinayang sa brutal na babaeng yon? Pinaglihi naman yata yon sa Amasona. Sino bang lalaking magkakagusto sa brutal na babaeng katulad niya ha?"

"Ako. Ako type ko ang tulad niya."

"Masochist ka ba?"

"Hindi pero hindi lang yata ako." Sabi ni Anthony sabay nguso sa nakatulalang si Tryzt na nakatayo na may bintana.

Sumilip din sila para malaman kung ano ang tinitingnan niya sa ibaba. Dito nila nakita si Airah na kinkuhanan ng mga larawan ang mga bulaklak at mga paruparo sa may flower garden.

"Ang cute pala niya." Sambit ni Christian.

"Para siyang model." Sagot naman ni Anthony.

"Para siyang anghel kung hindi nagagalit." Sabi ulit ni Christian. Kung di sila binatukan ni Aikoh hindi sana sila matatauhan.

"Mga baliw ba kayo? O mga bulag lang? Alin ba ang maganda diyan? Ang panget kaya niya." Galit niyang sagot. Sinipa pa ang mga binti ng mga kaibigan bago paika-ikang umakyat sa hagdan papunta sa kanyang kwarto.

Nagkatinginan naman sina Tryzt, Christian at Anthony.

"Bakit ba siya naninipa?" Anthony.

"Saan ba siya nagagalit?" Christian.

"Di kaya nagselos siya?" Tanong din ni Tryzt.

"Baka nainggit dahil di sila pwede ng half-sister niya." Matapos sabihin ni Christian ang mga salitang ito nakarinig sila ng kalabog. Natapilok pala si Aikoh at muntik pang mahulog sa hagdan.

"Magsilayas na nga kayo." Sigaw niya sa mga kaibigan.

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan bago nagsilabasan. Pansin kasi nila na mas galit na galit na si Aikoh.

Napahinga naman ng maluwag ang mga katulong at mga guwardiya makitang nagsialisan na rin ang mga mapanggulong mga bisita.

Kapag kasi dumadalaw ang mga ito lalo na kapag isinama ang dalawa pang mga young heirs na mga kaibigan ni Aikoh siguradong gulo lang ang gagawin nila sa Lionheart mansion. Lalo na kung hinahayaan lamang sila ng Don kung ano ang gusto nilang gawin.

Minsan ng nakaaway nina Raven at Throne ang mga kaibigan ni Aikoh. Minsan na ring napahiya sina Alvira at Ava sa magkakaibigan na ito kaya naman para makaiwas sa gulo pinili na lamang nilang iwasan ang mga magkakaibigan na ito. Dahil kung hindi tiyak na magiging magulo ang buhay nila sa Lionheart Academy.

"Alam mo bang hindi na magiging tahimik ang buhay mo kapag kinalaban mo sila?" Napalingon si Airah sa nagsalita sa kanyang likuran.

"Sila ang mga pinakabully sa school at may mga background na mas mataas pa kay grandpa." Sabi ni Throne kay Airah.

"Kaya naman pala takot kayo sa kanila." Sagot ni Airah at ibinaba ang hawak na camera.

"Wag kang mag-alala. Hindi nila magagawa sa akin yon." Sagot ni Airah at nakapamulsa ng naglakad pabalik sa loob ng mansion.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top