TBH 16: Kinatatakutang apo
Habang nakahiga sa kama, pabaling-baling ngayon si Airah. Hindi kasi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ni Throne.
"Isa ka ngang Lionheart."
"Isa ka ngang Lionheart."
"Isa ka ngang Lionheart."
"Haist!" Sambit niya at biglaang umupo. Ipinadyak pa ang dalawang paa sa inis. "Bakit kasi niya sinabi yon? Ayan tuloy di mawala sa isip ko ang salitang iyon." Nagdabog siya at muling ibinagsak ang katawan sa kama.
Kinabukasan muli ng nagsibabaan ang mga Lionheart siblings. Nasa baba na ang lahat maliban kay Airah.
Gaya ng dati nagpapatalbugan na naman sina Alvira at Ava. Kanya-kanyang punta sa paaralan na walang mga pansinan.
Magkaklase sina Airah at Aikah ngunit hindi sila nag-uusap sa school.
Paalis na ng classroom si Airah makitang pinalibutan ng mga kababaihan ang kapatid. Magulo na ang buhok ni Aikah at nakakalat na rin ang mga gamit niya sa sahig.
"Sa pagkakataong ito titiyakin kong matatalo na kita. Tandaan mo yan." Sabi ni Dianne.
Palage na lamang kasing nagta-top si Aikah sa klase na ikinainis ni Dianne.
"Tingnan natin kung hindi ba magagalit sayo ang lolo mo kung malaman niya kung anong klaseng babae ka." Bulong pa nito bago banggaan si Aikah.
"Let's go girls." Sabi nito at nagpatuloy na sa paglakad.
Napahinto ang grupo niya sa paglalakad dahil sa nakapamulsang babaeng humarang sa kanila.
"Who are you to block our way?" Maarte niyang tanong at nakataas pa ang isang kilay.
"Magsorry ka o lumuhod ka? Mamili ka." Airah said lazily.
"What!" Exaggerated na sigaw ni Dianne at tumawa pa. "Me? Alam mo ba kung sino ako?" Sabi niya at tiningnan si Airah mula ulo hanggang paa. "Anak ako ng may-ari ng paaralang ito."
"Dream on." Sagot ni Airah na ikinainis ni Dianne.
"Aba't." Napahinga ng malalim saka tumalim ang tingin ni Dianne kay Airah. "Gusto mong mapatalsik sa paaralang ito?"
"Wala kasi akong nakikitang kalahi ng Don na kasing panget mo kaya imposibleng anak ka ng may-ari ng paaralang ito."
"Girlfriend ako ni Aikoh. Ang lakas ng loob mong harangan ako at laitin."
"Tama. Alam mo bang si Aikoh ang hari ng paaralang ito?" Sagot ng kasama niya.
"Tama. Sa palagay ko baguhan ka lang kaya wala kang alam." Sagot din ng isa pa.
"Kaya mas mabuti pang lumuhod ka ngayon din kung gusto mong mapatawad ka pa namin." Sagot ng ikatlo.
"Tsk. Talunan na nga at mahina wala pang taste sa babae." Sagot ni Airah na ikinausok ng ilong ng apat na babae.
"Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi talunan ang hari namin." Galit na sigaw ni Jessa.
"Ang lakas ng loob mong laitin ang anak ni Tito Arthur." Nanggagalaiting sigaw ni Dianne at sinugod si Airah ngunit napaluhod dahil may tumama sa tuhod niya.
"Girlfriend ka lang pero ang lakas na ng loob mong gamitin ang pangalang hindi naman sayo. Dahil girlfriend ka inaapi mo na ang kapatid niya? Hindi ka ba nahiya? Sabagay, wala ngang kasing kapal niyang mukha mo." Panlalait pa ni Airah.
Naluluha namang napahawak sa tuhod si Dianne. Sinipa kasi siya kanina ni Airah.
"Papatayin kita." Muling sinugod si Airah.
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya na ikinabagsak niya sa sahig.
"Sinampal mo ako?"
"Gusto ko lang bakit may angal ka? Kaya nga kitang sipain sampalin pa ba?"
Susugod din sana ang tatlong kasama ngunit napatigil at napaatras makita ang matalim na tingin ni Airah. Mabilis silang nanghingi ng tawad sa takot na makatanggap din ng napakalakas na sampal at lulubo rin ang mukha katulad ni Dianne.
"Tandaan niyo isang Lionheart ang inaapi niyo. Kung gusto niyong mananatili pa sa paaralang ito mas mabuti pang umalis na kayo ngayon din."
"Aalis na kami. Aalis na kami." Mabilis na sabi ng tatlong babae. Aangal na sana si Dianne ngunit tinakpan na ng mga kasama ang bibig niya. Nagmamadali silang umalis makitang nilagpasan na sila ni Airah.
"Hindi ka dapat nagpapaapi." Sabi ni Aikah na pinupulot ang nakakalat na mga gamit niya sa sahig.
"Kinalaban mo ang girlfriend ni kuya. Hindi mo pa kilala ang kuya ko. At saka bakit mo ako ipinagtanggol? Hindi mo dapat ginawa yon kaya ko ang sarili ko."
"Hindi kita ipinagtanggol. Ayaw ko lang iisipin ng iba na mga talunan ang mga apo ng Don."
"Wala ka namang pakealam kay lolo di ba? Ano namang pakialam mo kung iisipin ng iba na talunan ang mga apo ng Don?"
"Wala akong pakialam sa reputasyon, ginagawa ko lang to para mang-inis ng tao. Ano? Ayos na ba ang sagot ko?" Sabi ni Airah at nilagpasan na si Aikah.
Napayuko naman si Aikah. Inaakala pa naman niya na ipinagtanggol siya dahil nag-alala ang ate niya sa kanya. Tinanong niya ang mga bagay na iyon kanina dahil naguguluhan siya sa mga ipinapakita ni Airah. Minsan nga naisip niyang masyado na itong nakikialam sa mga buhay nila. Sinasabi nitong kinamumuhian niya ang pagiging Lionheart ngunit nagagalit kapag may nang-api sa kanilang magkakapatid.
"Dianne, are you alright?" Tanong ni Aikoh pagkapasok niya sa clinic. Nalaman kasi niyang dinala si Dianne sa clinic kaya agad siyang pumunta sa clinic.
Bumaha naman ang luha ni Dianne nang makita si Aikoh at agad nagsumbong.
Palabas na ng gate si Aikah nang harangan siya ni Aikoh. Galit na galit ito.
"Sino yung babaeng tumulong sa'yo at makikita niya ang hinahanap niya?" Tanong niya sa kapatid.
"Wala siyang kasalanan. Pinagtanggol niya lang ako." Sagot ni Aikah at lalagpasan na sana ang kuya ngunit hinarang ulit siya.
"Ah, kaya pala ang tapang mo ng sagut-sagutin ako dahil may tagapagtanggol ka na." Sabi nito at nilapit ang mukha kay Aikah. Napatigil siya ng mahagip ng kanyang tingin si Airah na nakasandal sa gilid ng gate.
"Ako ang nanakit sa nobya mo. Ano ngayon sasaktan mo din ako?" Naglakad ito palapit kay Aikoh.
"Hayaan mo na siya bhabe. Kasalanan ko naman e. Binanggaan ko kasi si Aikah kanina na di man lang nanghingi ng tawad." Sabi ni Dianne na kala mo kung sino ng mabait.
Nakawheel chair siya ngayon dahil hindi niya mailakad ang isang paa. Mukha siyang kaawa-awang babae.
"Ipagtatanggol mo ba ang babaeng yan kaysa kay Aikah?" Cold na tanong ni Airah.
"Ako ang sumampal sa girlfriend mo, ipapaexpel mo na ba ako?"
Napatingin lang sa kanya si Aikoh. Ilang saglit ay tumalikod.
"Hey bhabe, bakit ka umalis?" Iniisip pa naman ni Dianne na ipagtanggol siya tapos iiwan lang pala.
"Will you please shut up!" Biglang sigaw ni Aikoh na ikinabigla ni Dianne. Sa unang pagkakataon na sinigawan siya ni Aikoh.
"Sinigawan mo ako? Baka nakalimutan mong kilala ko ang lolo mo? Ah baka gusto mo ng malaman niya ang kalokohan mo?" Hindi na niya napigilang sabi. Kanina pa siya nagagalit at nagkukunwari lamang na mabait para makuha ang simpatya ng boyfriend pero umandar talaga ang pagkamaldita niya kaya kumawala na ang kinikimkim niyang galit kanina pa.
Ngunit pinagsisihan niya ang mga nasabi makita ang cold na tingin ni Aikoh sa kanya.
"Magsumbong kana kong gusto mo at tingnan na lamang natin kung sino ang mapapatalsik sa school na ito."
"What! baka nakalimutan mo anak ako ng director sa school na to? And I can ruin you anytime. Lalo na sa lolo mo."
"Wag mo ring kalimutang kami parin ang may-ari ng school na to at anytime pwede naming patalsikin ang parents mo?" Banta din niya na ikinatigil ni. Matagal pa bago ito nakasagot. "Tandaan mo hindi tayo magkarelasyon at ipinagtanggol lang kita dahil iyon ang usapan nating dalawa. Ngunit magmula ngayon tapos na ang kontrata natin."
"Hindi ka ba takot masira ang pangalan mo sa lolo mo ha?"
Napatingin si Aikoh kay Airah. Ano pa bang pangalan ang iingatan niya? Alam niyang isang salita lang ni Airah masisira na ang pangalan niya sa lolo nila.
Dati inaalagaan niya ang kanyang reputasyon. Hindi man niya ipinagtatanggol ang mga kapatid ngunit hindi naman siya gumagawa ng gulo kagaya nina Raven, Alvira, Ava at Throne. Ngunit isang araw may nagawa siyang pagkakamali na alam niyang ikakagalit ng lolo niya at ikawala ng tiwala nito sa kanya. Nagkaroon sila ng usapan ng director ng school tungkol sa nangyari at kapalit non ipagtanggol niya ang anak ng director na si Dianne. Kaya inaakala ng lahat na girlfriend niya ang babae kahit ang totoo wala naman silang relasyon.
Ngunit ngayong dumating si Airah, pansin niyang maraming nagbago lalo na sa Don. At pansin din niya kung paano tumingin ang Don kay Airah na Ibang-iba sa mga tingin na ibinibigay sa kanila. Kaya kung may gusto man silang kakapitan para mapansin ng Don iyon ay dapat si Airah. Dahil posibleng ito ang bibigyan ng Don sa share nito sa paaralang ito.
Kung ipagtatanggol niya si Dianne sa harapan ni Airah mas lalala ang sitwasyon nilang magkakapatid. Kahapon nga lang parang nababalot na ng yelo ang buong mansion dahil sa lamig ng pakikitungo nila sa isa't-isa baka lalala lang ang sitwasyon. Paano kung bigla na lamang bumalik ang Don at makita ang cold na pakikitungo nila sa isa't-isa? Ayaw niyang magiging malala ang sakit ng Don kaya mas pinili niyang talikuran si Dianne.
Agad na nagsumbong si Dianne sa mommy niya. Nasa ibang bansa pa ito at inaakala niya na ipaghihiganti siya ni Aikoh kaya hindi na niya ipinaalam sa mommy niya ang nangyari sa kanya.
Pagkabalik ng mommy niya mabilis niyang ikinuwento ang panlalait at pananakit ni Airah sa kanya. At ang ginawang pagtalikod ni Aikoh sa usapan nila.
"Mommy! Wala man lang ba kayong gagawin? Sinaktan nila ako."
"Dianne, tandaan mong hindi sa atin ang school na'to kaya wag mo naman sanang ginagalit ang mga apo ni Don Art."
Dahan-dahan namang may namumuong luha sa mga mata ni Dianne.
"Wala ginawa si Aikoh tapos wala din kayong gagawin para sa akin? Mommy turuan mo sila ng leksyon."
"Nakalaan ang school na ito sa isa sa mga apo niya. Paano kung ipapatanggal niya tayo?" Nalaman kasi niyang apo ng Don si Airah at di niya alam kung ano ang standing nito sa buhay ng Don.
"Sino sa kanila? Si kuya Throne? Malapit naman siya sayo. Sina Ava at Alvira? Mga kaibigan ko sila. Yung dalawa pang mga anak ni Tito Arthur? Imposible yun. Madali naman silang paikotin e." Mabilis na sagot ni Dianne.
"Sina Throne at Aikah napapakiusapan. Si Aikoh pwede nating siraan sa lolo niya. Pag si Raven, inaanak siya ng dad mo. But what if ang ikalimang apo ng Don ang makakabangga mo? Sa kwento mo hindi takot kay Aikoh ang babaeng yun. Kay Miss Airah lang taob ang mga Lionheart base sa kwento ng mga inutusan kong mag-imbestiga. Taob daw sa babaeng yun maging ang Don. Gusto mo bang mapatalsik tayo dito?"
"Bakit di mo nalang kaibiganin kaysa awayin mo?"
Mas lalo namang umiyak si Dianne. Makita ang butil-butil na luha ng anak napabuntong-hininga naman ang director.
"O sige na. Ako ng bahala. Wag kang mag-alala, makakaganti rin tayo sa babaeng yon."
Nang makaalis ang ina naikuyom naman ni Dianne ang kamao. Hindi man lang kasi pinansin ng ina ang namamaga niyang pisngi kahit ang masakit niyang tuhod. Wala talaga itong pakialam sa kanya. Yaman ang mahalaga sa kanyang ina maging ng kanyang ama. Alam niyang pinagbibigyan siya palage ng mga magulang dahil iniisip nilang siya ang pag-asa nilang makakapag-angat sa kanila sa mas mataas na estado ng buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top