TBH 13: Mana
"Alam mo. Nang dahil sayo mas lumala ang sitwasyon. Gusto mo ba talagang mag-away ang mag-ama ng dahil sayo? Gustong-gusto mo yatang sirain ang pamilyang ito e." Sigaw ni Ava kay Airah.
"Nagkaproblema din sa kompanya dahil sayo. Nagmamagaling ka kasi. Kala mo ikaw na lage ang tama."
"Ano ba. Wag mo ngang sinisisi ang lahat kay Ate Airah. Bakit? Kailan ba nagkakaroon ng saya ang mansion niyong ito? Kala niyo ang saya-saya ng buhay sa lugar na ito noong wala pa si Ate Airah." Sagot naman ni Aina.
"Tumigil na nga kayo. Baka marinig pa kayo ni grandpa." Sabi ni Throne sa kanila.
"Wag na kayong manisi. Dahil pag walang kumilos walang mababago. Kung may pagkakamali hindi na maitatama dahil walang pumupuna. Ganon ang gusto niyo e. Gustong-gusto niyong hayaan nalang kahit mali na." Kalmadong sagot ni Airah at nagkibit-balikat.
Napatigil sila makita ang papababang Don na inaalalayan ngayon ni butler Kim. Si Butler Kim at Doctor Seo lamang ang lage nitong kausap at kasama ngayong nagdaang mga araw.
Agad silang nagsitayuan at binati ang Don. Tiningnan ng Don ang mga apo at tumigil kay Airah. Sina Alvira at Aikoh lamang ang wala dito. Kinausap ng Don ang mga apo at sinabing posibleng mawawala muna siya ng ilang araw. Wala namang nagtanong kung saan siya pupunta.
Sinabi din niya kay Airah na dapat na siyang pumasok sa klase. Hindi naman kumibo si Airah at tinitigan lang ang Don. Tumikhim ang Don dahil naiilang siya sa uri ng tingin ni Airah. Walang nakapansin na pinagpapawisan ang noo niya.
"Kung maaari maging mabuti kayo sa isa't-isa at magtulungan. Hindi mag-aaway."
Sabay-sabay silang nagsabi ng "opo grandpa" maliban kay Airah.
Pagkaalis ng Don kinausap ni Avey ang dalawang anak.
"Throne, Ava. Kung maaari wag na kayong gumawa ng kalokohan. Narinig kong gagawa na ang Don ng Will and testament niya kaya ipakita niyong masunurin kayo at karapat-dapat maging apo niya dahil kung hindi mawawala lahat ng anumang meron sa inyo ngayon." Paalala ni Avey sa mga anak.
"Bakit naman? Kami parin naman ang legitimate grandchildren niya a. Dapat kami ang may pinakamalaking makukuhang shares sa mga mana niya." Reklamo ni Ava.
"Hindi niyo ba nakikita na mas pinapaboran ng Don si Airah? Kaya hangga't maaari wag niyong ginagalit ang babaeng yon. Pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo at ako na ang bahala sa iba." Sabi ni Avey.
Kausap naman ngayon si Raven ng ina. "Malapit ng mawala ang Don. Hangga't maaari wag na wag kang gumawa ng kalokohan. Saka mo na lamang gagawin ang lahat ng gusto mo kapag wala na siya. Hindi ka na makukulong sa mansion at matatali sa mga batas ng mga Lionheart kapag wala na siya." Ito naman ang sabi ng kanyang ina.
"Maari kang makipaglapit kay Airah. Magagamit mo siya para ipabagsak ang iba pang mga tagapagmana ng Don. Siguradong bumaba ang tingin ngayon ng Don kay Aikoh at mas aangat na ang tingin niya sayo kaya makipag-close ka kay Airah."
"Mommy, ipapakaibigan mo ako sa nakakatakot na babaeng yon? Mas nakakatakot pa iyon kay lolo e." Reklamo ni Alvira.
"Kung iyon lang ang paraan para makuha mo ang loob ng lolo mo bakit hindi?"
Napatitig lamang si Alvira sa ina. Pakiramdam niya magmula noong makilala niya ang kanyang tunay na ama parang hindi na yata niya kilala ang ina niyang ito.
Pera na lang ba ang mahalaga? Bakit puro na lang mana ang pinag-uusapan nila? Kung dati tinatanong nito na kumusta na siya ang tinatanong ngayon kung kumusta na ang lolo niya? Kung malapit na ba itong mamamatay o kung mamamatay na ba?
Si Airah naman napapaisip. Iniisip kung itinuturing ba talaga ng mga Lionheart siblings na lolo nila si Don Art o tumira lang sila sa mansion na ito dahil sa mana.
"Kung palaging naghihigpit ang Don di ko maiwasang mapapaisip na sa halip mag-alala ang mga apo niya na baka may masamang mangyayari sa kanya baka sabik na sabik pa silang malaman na wala na siya." Sambit ni Airah na napapailing habang paakyat sa hagdan.
Napatigil naman sa paglalakad si Aikoh na papababa sana dahil sa narinig.
Napaangat ng tingin si Airah nang makasalubong si Aikoh. Tiningnan lang saglit at nilagpasan na.
Kinabukasan muli ng nagsibabaan ang mga Lionheart siblings. Nasa baba na ang lahat maliban kay Airah.
Gaya ng dati nagpapatalbugan na naman sina Alvira at Ava. Ilang sandali pa'y bumaba na rin si Airah.
Napatsk si Alvira. Bakit kasi palage nalang silang natatalbugan ng babaeng to?
"Mumurahin lang naman ang sapatos niya." Sabi naman ni Ava na halatang naiinis dahil natatalbugan siya ni Airah kahit na simpleng damit lang ang suot nito.
"Hindi mahalaga ang presyo kung bagay naman sayo at komportable ka dito." Para sa kanya aanhin ang pagkamahal sa presyo at ganda ng kalidad kung di naman nababagay sayo at di ka komportable sa suot mo? Wala ring silbi.
"Sinasabi mo bang di bagay sa akin ang suot ko?" Nakataas na ang kilay na tanong ni Ava.
"Bagay sayo ang suot mo kaya lang di mo yun makikita kung palage kang insecure sa iba." Maganda naman si Ava. Palage namang bagay sa kanya ang suot niya. Ang di lang maintindihan ni Airah kung bakit maiinis parin ito kapag nakikitang maganda ang suot ng iba.
"Hindi ako insecure. Kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan." Mataray nitong sagot.
"Hinding-hindi rin ako maiinsecure sa isa lamang katulad mo." Sagot din ni Alvira.
Iiling-iling na napapangiti si Airah. Wala naman siyang sinabing nai-insecure sila.
Ayaw niyang makipagtalo sa taong ang hirap paintindihin. Siya lang din ang sasakit ang ulo kaya mabuti pang talikuran na lamang.
Bago sila magsialisan may sinabi pa si Alvira sa kanya.
"Di dahil sa ginawa mo kahapon magiging mabait na ako sayo. Wag ka ng umasa." Sabi nito at nilagpasan si Airah.
"Kapag bigla kang naging mabait sa akin iisipin ko talagang may binabalak kang di maganda. Kaya salamat at nagiging normal ka parin." Sagot ni Airah na ikinausok ng ilong ni Alvira.
"Kung ganon kapag magiging mabait ako sa kanya tatawagin niya akong abnormal? Aba to. Kala naman niya magiging mabait ako sa kanya. Hump." Naiinnis niyang sambit at nagmamadali ng umalis.
May sariling mga kotse sina Aikoh, Alvira, Ava, at Throne. Motorbike naman kay Raven. Hindi na sila ihahatid sundo gaya ng dati. Gusto ng Don na magiging independente sila at kanya-kanyang gumawa ng paraan para makapunta sa paralan. May sarili naman na silang mga sasakyan. Pagdadrive na lang ang kulang.
"Saan tayo sasakay?" Tanong ni Aiden kay Aina. Hindi pa siya marunong magdrive kaya wala siyang magawa kundi mag-commute na lang.
"Makikisakay ako kay ate Airah." Mabilis na sabi ni Aina at sumunod kay Airah na patungo sa bagong kotse nito. Sumunod na rin si Aiden at hinila na rin si Aikah kaya naman napasunod din ito sa kanila.
Hindi naman umangal si Airah makitang sumakay ang mga kapatid sa kotse niya.
"Alam mong magdrive?" Panigurado ni Aina. Hindi pa kasi niya nakitang nagdrive si Airah. Narinig na niyang alam na nitong magdrive pero gusto parin niyang makatiyak kung totoo ba iyon.
"Yeah."
"May lisensya ka na?" Tanong muli ni Aina.
"Nop."
"Baka mahuhuli tayo niyan." Nag-alalang sabi ni Aina. "Motorbike ba alam mo din?" Muli niyang tanong.
Tumango naman si Airah.
"Woah. Ang galing. Paano mo natutunan? Turuan mo ako next time ha? Gusto ko ding matuto." Excited na sambit ni Aina.
Tumango ulit si Airah kaya naman abot tainga na ang ngiti ni Aina at sobrang excited na ring matuto.
Pagdating sa school naghiwa-hiwalay na sila ng landas.
Pumasok na si Airah sa bago niyang classroom. Hindi niya inaakala na magiging magkaklase sila ni Aikah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top