TBH 11: Nasirang Cellphone
Pagsapit ng umaga, nagsibabaan na ang mga apo ni Don Art para mag-agahan. Nagsi-cellphone si Alvira habang pababa. Nakatungo naman si Aikah. Ilang sandali pa'y mabilis na bumaba si Aikoh at nabanggaan si Aikah. Nasagi naman ni Aikah si Alvira na nagce-cellphone.
Kasunod nito ang tunog ng pagbagsak ng cellphone ni Alvira sa sahig.
Maririnig ang malakas na tili ni Alvira dahil sa nabasag na phone. Ilang sandali pa'y sinampal na nito si Aikah dahil sa galit.
"Sorry. Di ko sinasadya." Naluluhang sambit ni Aikah.
"Ano bang kaguluhan to?" Umasim ang mukha ni Mrs. Nova makitang may bakat ng palad ang mukha ng anak.
Agad nitong nilapitan si Aikah at tiningnan ang pisngi ng lumuluhang anak.
"Cellphone lang naman yan. Bakit mo pa sinampal ang pinsan mo?" Mahinahong sabi ni Avey kay Alvira.
"Nasa phone kong to ang ire-report ko mamaya. Buti sana kung mamayang tanghali o hapon pa ang report ko e ngayon ng first period namin?" Naiiyak na ring sambit ni Alvira.
"Ipaayos mo nalang."
Nagngingitngit naman si Alvira sa inis at galit na halos gusto na lamang umiyak at sumigaw. Kinuha ang cellphone at umiyak na lamang. Wala siyang laptop dahil ito ang ikadalawang buwan magmula noong na inalisan siya ng laptop bilang parusa sa pakikipag-away niya sa school. Ibabalik lang ito after 3 months. Kaya sa cellphone na lamang niya ginagawa ang mga report niya kaso nasira naman ngayon.
Paano na ang report niya? Paano siya magrereport? Sa dami non hindi niya kabisado lahat. Sumigaw na lamang siya para ilabas ang kanyang frustration.
"Ano bang problema mo Alvira? Hinaan niyo ang boses mo. Baka marinig tayo ni lolo." Puna ni Throne na kalalabas lang.
"E lalampa lampa kasi. Sinagi ba naman ang cellphone ko." Namumula ang mga mata na sagot ni Alvira. Nanginginig na rin ang mga labi sa pagpipigil umiyak.
"Patawad. Patawad." Paulit-ulit na sambit ni Aikah na nakaluhod na habang masaganang umagos ang mga luha sa mga mata.
"Magpabili ka nalang ng bago." Sagot ni Throne.
"Yung mga files ang kailangan ko hindi ang cellphone." Pilit na binubuo ni Alvira ang mga katagang iyon.
"Ano na naman bang ginawa mo kay Aikah Alvira? Nasanay ka na yatang apihin ang kawawa mong pinsan." Sigaw ni Arthron makitang nakaluhod ai Aikah na umiiyak pa. Para kasi itong tupa na inaapi o pinaglalaruan ng isang leon. Lalo pa't ang daming luha sa mga mata at may bakat ng palad pa sa mga pisngi.
Inalalayan ni Arthron na makatayo si Aikah.
"Ganyan naman kayo lage e. Ako nalang lage ang mali." Sigaw ni Alvira at tumakbo na palabas.
Wala namang sumunod sa kanya dahil sanay na sanay na sila sa ugali niya at inisip na nagta-tantrums na naman siya.
Si Airah naman na kanina pa pala nanonood ng show ay Iiling-iling at nagsalita na. Nakasandal siya sa handrail ng grand staircase.
"Hindi ko alam na ganito pala kayo dito. Hindi dahil siya ang mukhang mataray wala ng sinumang iintindi sa nararamdaman niya." Sabi niya at naglakad pababa patungo sa gawi nina Aikah.
"Saka kung ikaw ang may kasalanan wag ka namang umiyak na parang ikaw lang ang naagrabiyado at inaapi. Ginagawa mo ba to para pagmukhaing inaagrabiyado ka at inaapi at para ikaw ang kampihan ng lahat? Sabagay baka naman ginagamit mo ang luha mo para makuha ang simpatya ng iba."
Sa halip na sumagot ay lalo namang umiyak si Aikah. Iiling-iling ito at sinabing "hindi ko talaga sinasadya. Sorry."
"Airah tama na. Umiiyak na nga ang kapatid mo o." Sabi ni Arthron kay Airah.
"See. Nakita niyo ang luha niya ngunit may nakapansin ba sa luha at sakit na makikita sa mga mata ni Alvira? Pagsampal lang naman ang mali niya pero pinagmumukha niyo na siyang villain dahil sa butil-butil na luhang lumabas mula sa mga mata ni Aikah."
"Di sinasadya ni Aikah. Oo. Hindi nga. Wala siyang kasalanan. Alam natin yon kaya nga naaawa tayo di ba? Pero dapat bang umiyak siya na parang inaapi siya ng buong mundo? Para ano? Para makuha ang simpatya niyo? Di ko alam ganito ang pamilyang ito." Sambit niya at kinuha ang laptop na hawak ni Arthron.
Inaagaw rin ang cellphone na bitbit ni Aikoh.
"What's wrong with you." Sigaw ni Aikoh.
"Ikaw ang tumisod kay Aikah kaya ibibigay ko ito kay Alvira." Sabi niya at naglakad na rin palabas.
"Wait. Nandiyan ang assignments ko ano ba."
"Airah. Ibalik mo yan. Nandiyan lahat ng mga files ko." Sabi ni Arthron at akmang lalapitan si Airah.
"Gusto ko lang malaman niyo kung ano ang nararamdaman ni Alvira. Sa akin na muna ang mga to hangga't hindi niyo narealize kung bakit ganoon ang reaction ni Alvira." Sabi ni Aikah.
"Saka ayos lang kung lampa ka. Pero kung may maaagrabiyado ka naman palage dahil sa kalampahan mo hindi na kasalanan ng naagrabiyado mo kung magagalit sila dahil nadedehado sila dahil din naman sayo." Dagdag niya pa at tuluyan ng umalis.
"Yung cellphone ko hoy! Ano ba." Sigaw ni Aikoh at hinabol si Airah.
Ilang sandali pa'y nakarinig na lamang sila ng pagharurot ng sasakyan.
Sa loob naman ng kwarto ng isang secret room ng Don. Pinapanood niya ang nangyayari sa living room.
"Hindi parin po ba kayo bababa? Naghihintay na sila sayo." Sabi ni butler Kim.
"Sabihin mo hindi ako bababa."
Tumawag naman si butler Kim sa telepono at sinabing hindi bababa ang Don kaya mauuna na silang kumain. Pagkatapos ay muling bumalik sa kinauupuan ng matanda.
"Ngayon ko lang napansin. Masyado nga palang maraming iniyak si Aikah kaya naman nagmukha siyang inaapi ni Alvira. Kanina nagalit nga ako sa ginawa ni Alvira pero ngayon parang naiintindihan ko na ang nararamdaman niya." Sabi ng Don.
Minomonitor kasi niya ang mga apo at may mga secret camera pa siyang nilagay sa mga kwarto nila. Kita niyang nagpupuyat si Alvira sa pagawa ng report nito sa cellphone niya. At kahit pagbaba niya kanina pinag-aaralan parin ang kanyang topic. Sobrang effort niya tapos bigla na lamang mahuhulog sa wala.
Higit sa lahat maaari namang sa handrail hahawak si Airah bakit si Alvira pa ang natulak niya? Balit di nalang sa handrail napahawak na siyang mas malapit sa kanya? Saka nakapokus lang sila sa pagsampal ni Alvira kay Aikah. Wala man lang umalam sa kung sino ang pinakapuno at dulo nito. Kay Aikoh sila dapat magalit.
Si Arthron naman pinakiusapan na si Arthur na kumbensihin si Airah na ibalik ang laptop niya. Gagamitin kasi niya ito sa presentation niya mamaya.
"Kung wala si Airah baka iniisip kong hanggang ngayon sobrang sama na talaga ng ugali ni Alvira. Pero ngayon, napansin kong may karapatan din naman si Alvira na makaramdam ng galit kapag naaagrabiyado siya dahil sa katangahan ng iba.
Katulad na lang sa rason kung bakit siya naparusahan. Debut iyon ni Alvira at dapat ito ang pinakamasayang araw niya ngunit bago mangyari ang pagbibigay ng 18 roses sa kanya natapunan ni Aikah ng juice ang gown niya. Pinigilan niya ang sarili dahil may bisita sila. At napilitang maghanap na lamang ng ibang maisusuot ngunit nagkukulitan noon sina Aiden at Aina at nasagi pa ang malaking cake na dala na dala ng nag-asikaso sa party. Natapon ito.
Ang cake na pinagsikapng gawin ni Alvira kasama ang kanyang ina nahulog lang sa wala. Dahil dito sinampal niya si Aina na siyang naabutan niya.
Dahil dito hinusgahan siya ng lahat. Sinasabing dahil lang sa cake sinampal na ang pinsan. Iniisip ng kahat na dahil bagong dating lamang si Aina sa mansion ng Don kaya siya inaapi ni Alvira. Wala man lang tumingin sa pinakarason kung bakit niya iyon nagawa.
Sino bang matutuwa na ang dapat bonggang gown mo sana sa debut mo hindi mo na maisusuot at ang cake na pinaghirapan niyong gawin kasama ang taong pinakamahalaga sa buhay mo ay sisirain lamang dahil sa di sinasadyang kasalanan ng pinsan mo.
May karapatan siyang magalit, mafrustrate, manghinayang at mainis. Pero hinusgahan siya agad na wala man lang umintindi sa kanya maging sa nararamdaman niya. Ni-grounded pa siya bilang parusa for being petty and unreasonable niya.
"Ngayon ko lang napansin na may pagka-bias nga pala ako." Sambit ng Don at napapailing nang marealize ang mga bagay na di niya pinagtutuonan ng pansin dati.
Tumatakbo ngayon sa kalsada si Alvira habang umiiyak. Paulit-ulit na sinasabi na "i hate you." "I hate all of you." Ngunit napatigil dahil may kotseng humarang sa daraanan niya.
"Hop in." Sabi ng nasa loob at bahagya pang ibinaba ang bintana ng sasakyan.
Sinamaan niya ng tingin si Airah. Isa kasi ito sa kinaiinisan niya. Para sa kanya pare-pareho lamang silang lahat.
"Gusto mong ilabas ang sama ng loob mo diba? Kaya sumakay ka na." Hindi sumagot si Alvira at tumalikod na upang makadaan sa ibang direksyon.
"Ayaw mo? Gusto mong magkaswelo iyang paa mo?"
Saka napansin ni Alvira na nakapambahay na tsinelas parin siya at manipis ito kumpara sa ibang tsinelas. Ang gusto lang niya ay makalayo ngunit wala siyang direksyon. Napatingin siya sa tahimik na kalsada at sa pinanggalingan niya.
Nasanay na siyang walang susunod aa kanya sa bawat panahong aalis siya dahil sa sama ng loob ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Airah. Si Airah na iniisip niyang masa masahol pa sa kanila at isa sa mga saltang yaman lang din ng Don ang hinahangad.
"Ilabas mo lang ang galit mo. Pagkatapos noon, iiwan na kita." Sabi ni Airah at nag gesture na sumakay na si Alvira.
Umirap si Alvira ngunit sumakay din naman.
Walang imik si Alvira habang nagmamaneho si Airah. Pansin din niya na babalik ito sa dinaanan at iikot sa ibang daan kapag may nakikita silang check point sa unahan.
"Wala kang lisensya?"
"Menor de edad pa ako. Saka wala din akong student license."
"E bakit nagdadrive ka na diyan? Paano kung mahuli tayo?"
"E di lagot tayo." Kasasabi lang nito ni Airah ng sigawan sila ng isang pulis na nasa unahan.
"Tigil!"
"Ayan na nga o." Sabi niya at dideretso sa pagmamaneho kahit na may nakaharang na pulis sa kalsada. Napasigaw naman si Alvira at napapikit pa sa sobrang takot.
Ang pulis na nakaharang kanina ay napatalon sa tabi sa takot na masagasaan.
"Takot naman pala e, haharang-harang pa." Sabi ni Airah at pinaharurot na ang sasakyan.
Kilala niya ang pulis na iyon. Ama ito ng kaklase niyang minsan niyang nakaaway sa paaralan. Dahil wala siyang mga magulang at mahirap lang mababa ang tingin sa kanya ng pulis na iyon. Ginantihan lang niya kaya tinakot niya ito kanina.
Hinabol naman sila ng mga police car na naiwasan din naman nila.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ni Alvira makita ang dalampasigan.
"Isigaw mo lahat ng galit mo. Lahat ng hinanakit mo. Iyon lang kasi ang paraan para mapagaan ng kunti ang anumang sakit na kinikimkim mo."
"Isipin mo lahat ng hinanakit na meron ka." Sabi ni Airah at naglakad na paalis.
"Teka. Saan ka pupunta?"
" Iiwan ka. Gusto mo makita kitang iiyak-iyak diyan? Ayoko nga." Nagpatuloy na siya sa paglakad.
"Wag mo akong iwan dito."
"Oo na di na. Dito lang ako." Sagot ni Airah at naglalakad sa buhanginan. Pumulot ng iilang piraso ng mga bato at binato sa tubig sa dagat.
Pinagmasdan naman siya ni Alvira. Makitang nakatalikod na sa gawi niya si Airah at medyo malayo-layo na rin mula sa kinaroroonan niya saka siya nagsimulang umiyak.
Umupo siya sa isang malaking bato at niyakap ang dalawang tuhod saka isinubsob ang mukha rito at humagulgol na.
Una niyang naisip ang kanyang ina. Mahal siya ng ina ngunit dahil lang sa mana pinilit siya nitong tumira sa bahay ng Don para mabibigyan din ng share sa yamang pinagmamay-ari ng Don. Noong una masaya siya dahil nabibili niya lahat ng gusto niya ngunit di kalauna'y narealize niyang iba parin kung kapiling mo ang mga taong itinuring kang tunay na pamilya at pamilyang kasama mong lumaki.
Naisip niyang maipapamukha na niya sa pinsan niyang nanghuhusga sa kanya dati na wala siyang ama na may ama na siya ngayon at sobrang yaman pa. Kaya lang ang tanong masaya ba siya ngayong nagkaroon na siya ng mayamang ama?
Hindi na nga siya anak na walang ama ngunit anak parin siya sa lalaking may iba ng asawa. Ano bang pagkakaiba nito sa pagiging anak na walang maituturing na ama?
Isinigaw na lamang niya lahat ng galit niya at pagsisisi. Pagsisisi kung bakit nagiging isa siya sa mga illegitimate children ng isang Lionheart.
Hindi siya naiintindihan ng ina. Hindi rin naiintindihan ng kanyang ama. Walang nakakaintindi sa kanya, walang tunay na may pakialam sa nararamdaman niya.
"Ayoko sa inyo. Kinasusuklaman ko kayo."
"Pera lang ang meron kayo. Wala kayong mga puso."
"Mga wala kayong kwenta!"
Ito ang mga salitang binibitawan niya habang patuloy sa pag-iyak.
Unti-unti ng tumaas ang sikat ng araw kaya nakakaramdam na rin siya ng init. Natigilan siya dahil may nagpayong sa kanya.
Kaya napaangat siya ng tingin at nakita si Airah na may hawak na isang payong habang ang isang paa sinisipa-sipa ang buhangin.
"Bakit ganyan ka? Nagbabait-baitan ka ba sa akin para makuha ang loob ko? Kung iyan ang inaakala mo hinding-hindi mangyayari yun." Sabi niya at iniharap ang mukha sa dagat.
"Kung tulad mo lang ang makuha ko ang loob wag nalang."
"Aba to."
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Ang panget kaya ng mukha mo ngayon." Panlalait ni Airah makitang hilam sa luha ang mukha ni Alvira at nakakalat pa ang mga buhok sa mukha niya.
Sa halip na magalit lalo namang humagulhol si Alvira. Hindi niya lama kung bakit pero kahit inis din siya kay Airah, ramdam niya kahit papano na sa unang pagkakataon na may dumamay sa kanya. Na sa unang pagkakataon hindi siya sinisi at may nandiyan parin para sa kanya kahit na hindi pa nila kilala ang isa't-isa.
"Kapag nasa gitna ng maraming tao aakalain talaga ng lahat na inaapi kita dahil sa uri ng iyak mong yan. Umaatungal ka ba?"
Nainis naman si Alvira dahil don. Nakailang lait na kasi ang isang to sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon pa baka sinugod na niya ito ngunit ngayon mas gumaan pa ang loob niya at parang gustong magalit na matawa dahil sa pinagsasabi ni Airah.
Napasilip siya kay Airah dahil ibinaba nito ang hawak na payong at umalis. Hindi na niya iyon pinansin at umiyak lang siya ng umiyak.
Magtatanghali na nang makaamoy siya ng inihaw na karne. Tumunog tuloy ang tiyan niya na ikinalingon niya sa pinagmulan ng amoy.
Kumunot ang noo niya makitang nagbabarbecue ito.
Pinapapunta pa talaga sa kanya ang usok.
"Nananadya ka ba?" Inis niyang sigaw rito at napapaubo dahil sa usok.
"At dito mo pa naisipang magbarbecue?"
Nilapitan siya ni Airah at inabutan ng isang bote ng tubig.
"Maghilamos ka muna. Nakakawala ng gutom yang mukha mo."
"Aba to naman." Itinaas ang kamao at akmang suntukin si Airah.
Kinuha na lamang ang bote at binasa ang mukha. Inabutan naman siya ni Airah ng towel.
"Kapag tapos ka ng maglabas ng sama ng loob, magsimula na tayong kumain. Para maibalik yung nawawala nating lakas."
"Bakit ka nasali? Di naman ikaw ang naglabas ng sama ng loob diyan."
"Nakakapagod makita ang panget mong mukha. Samahan pa ng atungal mo naku, nauubusan talaga ako ng lakas."
Makitang pikon na pikon na si Alvira ay natawa na lamang si Airah. Napatawa na lang din naman si Alvira sa inis.
"Saan mo galing ang niluluto mong yan?" Tanong ni Alvira bago uminom ng tubig.
"May inutusan ako."
"Inutusan? Sino?" Sabi niya at muling uminom.
Nginuso naman ni Airah ang kinalalagyan ng kotseng sinakyan nila kanina. Saka nakita ni Alvira ang mga police na nakatayo at naghihintay sa kanila. Naibuga tuloy ni Alvira ang iniinom na tubig.
"Anong sinabi mo sa kanila?"
"Sabi ko kapag huhulihin nila tayo magpapakamatay ka. Kung ayaw nilang magpakamatay ka dapat bilhan niya ako ng ma-barbecue. At saka nalang tayo hulihin kapag nakapagpalabas ka na ng sama ng loob."
"Narinig yata yung atungal mo kaya naawa din sila at sila pa nga ang naglagay sa malaking payong. Sila na din nagpahiram ng payong sa akin kanina. Saka pati iyang towel na ginagamit mo sa kanila galing yan. Pati yang tubig na iniinom mo no."
"ANO!"
"Bakit? Sa palagay mo makakabalik ako agad kapag ako ang naghanda ng mga yan? Wag kang umasa uy."
Napatakip naman si Alvira sa mukha. Hiyang-hiya siya sa mga police na inuutus-utusan ni Airah at nakikisimpatya umano sa kanya. Sa kanya na maituturing na pinakamataray at masama ang ugali sa lahat ng mga apo ng mga Lionheart.
Napatingin siya kay Airah na ganadong-ganado sa pagkain ng barbecue nito.
Dumating naman si butler Kim at kinausap ang mga pulis. Nagpasalamat pa ito dahil binantayan nila sina Airah at Alvira kaya binigyan niya ng pangmeryenda ang mga ito.
Napatingin si Butler Kim kina Alvira at Airah na kumakain na ngayon ng barbecue.
Natawa pa siya maalala ang ekspresyon ni Airah na nakikiusap sa mga police kanina. At sa halip na hulihin tinulungan pa ang dalaga. Naawa rin sila kay Alvira lalo na nang marinig ang panaghoy nito.
"Pasaway na bata." Ang nasambit na lamang niya ngunit natutuwa na rin dahil ayos lang ang dalawa.
Bumalik na siya at ikinuwento sa Don ang lahat ng nangyari.
Si Alvira naman ayaw sanang kumain pero pinapainggit siya ni Airah hanggang sa nagsimula na ring kumain at para na tuloy silang nagpi-picnic ngayon sa tabi ng dagat sa halip na nagtungo rito para magluksa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top