TBH 10: Mall

Naghiwa-hiwalay ang magpipinsan pagdating sa mall pero si Aina ayaw humiwalay kay Airah.

"Ate Airah, bagay ba ito sa akin?" Tanong niya na pinapakita kay Airah ang isang itim na blusa.

"Mas bagay sayo itong isa." Sagot ni Airah at kinuha ang isang puting blusa na nakahanger.

"Try to wear that. Babagay yan sayo." Si Airah ang naging tagapili ni Aina.

Isang kulay silver na shoes ang nakita ni Airah. Katamtaman lang ang takong nito at nagustuhan niya ang style. Kinuha niya ito nang bigla na lamang may nang-agaw nito mula sa kamay niya.

"Uy! Nauna kaya si ate niyan." Angal ni Aina at hinabol ang lalaking patungo sa counter.

"Shoes lang yan. Mamili nalang tayo ng iba." Sabi ni Airah at naghanap ng ibang sapatos sa shelves.

"Isang pares nga ng shoes na ito." Sabi niya sa sales agent na nagpapantasya pa sa lalaking nang-agaw sa kulay silver na sapatos kanina.

Napakurap-kurap naman si Aina na halos mahimatay na sa laki ng presyo. Kahit kasi may allowance na siya ngayon nasanay na siyang magtipid at maghihihinayang talaga siya kapag nakakagastos siya ng malaki.

"Ang mahal niyan ate."

"Pera naman ng Don ang gagastusin natin di ba? Kaya wag kang mag-alala." Sagot ni Airah.

Dahil hindi lumaki sa mansion sina Aina, Aiden, Raven, Alvira at Airah, mas malaki ang allowance na binigay sa kanila ng Don. Pambawi sa mga panahong hindi sila natustusan noong mga panahong wala pa sila sa poder ng Don.

Mas malaki naman ang kay Airah dahil siya ang pinakamatagal na dumating sa mansion.

"Kahit ubusin pa natin ang paninda dito, di natin mauubos ang pera niya kaya mamili ka na lang diyan. Wag mo ng problemahin ang presyo." Sabi ni Airah at naghanap din ng sapatos para kay Aina.

Binalot na ng babae ang mga binili nina Aina at Airah at ibinigay na rin ni Airah ang credit card niya.

Patingin-tingin naman si boy kay Airah, pero dedma lang ang dalaga ni di na ito tinapunan ng tingin.

Aalis na sana ang dalawa nang bigla na lamang silang banggaan ng lalaki. Agad humakbang si Airah para makaiwas ngunit si Aina ang nabanggaan na muntik na nitong ikabagsak sa sahig. Mabuti na lang at agad siyang nahawakan ni Airah at napigilan.

Tiningnan sila ng lalaki at nginitian pa sila ng nang-aasar saka ito naglakad paalis.

"Alam mo bata. Gwapo ka sana kaso papansin ka lang. Kapag inulit mo pa to iisipin kong may gusto ka sa aming dalawa."

Si Sydion na pabalik na sa barkada ay napatigil.

"Bata?" Hindi makapaniwalang tanong niya at tinuro pa ang sarili. Sa palagay niya mas matanda siya kay Airah ng isang taon tapos tatawagin siya nitong bata? Nang-iinsulto ba to?

"Matandang isip bata." Sabi ni Airah at tinalikuran na siya.

Napasinghap naman si Sydion sa inis. Tinawanan naman siya ng kanyang barkada.

"Sabi ko na nga ba e. Di tatalab ang charms mo." Sabi ni Nico at tinawanan siya.

May dare kasi silang apat na magkakaibigan kanina. Na kapag may babaeng bibili sa silver shoes aagawin ni Sydion. Tapos titingnan kung mang-aaway ba ang babae o ipagparaya na lamang ang sapatos dahil nagagwapuhan siya kay Sydion. Kaso walang nangyari sa inaasahan nila. Hindi nang-away at nagparaya nga kaso di pinansin si Sydion at parang di nga ito nakita.

Nagkitakita silang lahat sa isang restaurant bago nagtungo sa enchanted kingdom dahil sa request nina Aina at Aiden.

Sa basketball naman sina Aina, Aida at Airah. Shoot lang ako ng shoot si Airah hanggang sa magtime na.

"Yes, nagawa ko." Napangiti si Airah ngunit naglaho ang ngiting yun makitang si Aikoh na pala ang nasa kinaroroonan sana ni Airah.

"Nanalo ako." Halos magtalon sa tuwa si Raven na siya na palang pumalit sa pwesto ni Aiden at ni-high five pa si Airah.

"Sa Dart tayo." Pag-aya ni Aiden kay Airah at hinila na ito.

"Tsk! Parang mga bata." Sambit ni Aikoh makitang masaya ang mga kapatid.

Sina Aikah at Alvira kasama sina Ava at Throne nasa mga rides na. Sinubukan na yata lahat ng makikitang mga masasakyan.

"Paramihan tayo ng matatamaan." Hamon ni Raven kay Aiden.

"Game."

"Sali kami." Sabi ni Aina at pumuwesto na rin. Kumuha siya ng dart at binigyan din si Airah.

Nag-unahan silang patamaan ang target board.

"Yey! Nanalo kami." Napasayaw-sayaw pa si Aina dahil nakatatlong bullseye si Airah habang nakaisa naman si Aiden at nakadalawa si Aikoh habang wala man lang natamaan sina Raven at Aina.

"Bakit ba ang galing mo? " Sambit ni Raven at napanguso.

"Hindi siya magaling. Di ka lang talaga marunong." Sabi naman ni Aiden sabay tapik sa balikat ni Raven. Sinamaan naman siya ni Raven ng tingin.

Mananalo na ako mamaya. Aikoh, sa pellet gun tayo. Tatalunin natin ang tatlong yan." Sabay hila kay Aikoh at nagtungo sila sa stall na may mga pellet gun.

"Kapag makabullseye kayo ng tatlong ulit maaari kayong pumili sa mga nakadisplay na keychain, kwintas or stuffed toy." Sabi ng nagbabantay sa stall.

Nagustuhan ni Airah ang keychain na kulay pula. Wala namang kahirap-hirap na nakabullseye siya ng tatlong ulit. Kukunin na sana niya ang pulang keychain ng may nauna sa kanya.

"That's mine " Sambit niya at napalingon sa lalaking nang-agaw na naman.

"Bakit ba palage mong inaagaw ang kay ate Airah?" Inis na ring sabi ni Aina kay Sydion na nandito na nakatagpo na naman nila.

"Nauna ko itong nakuha kaya akin to." Nang-aasar nitong sabi. Hindi naman umangal ang nagbabantay sa stall dahil kilala niya si Sydion. Anak ito ng may-ari ng mall na kinaroroonan nila ngayon kaya nag-offer na lamang siya ng ibang bagay kay Airah para di magalit ang alinman sa dalawang panig.

"Hayaan mo na siya. Makakakuha naman tayo ng iba." Sabi ni Airah. Si Aikoh naman nagmamasid lang. Gusto niyang malalaman kung sasabog na ba sa galit si Airah o magkukunwaring mabait dahil may kasama?

"Ang yabang mo a. Ang lakas ng loob mong agawan kami." Matapang na sabi ni Raven na hinarang pa si Sydion. Pero hinila siya ni Airah at nginitian.

"Hayaan mo na. Keychain lang yan. Hindi worth it pag-awayan." Napatingin naman si Raven sa braso niyang hawak ni Airah. Saka muling binalingan ng tingin si Sydion.

"Pasalamat ka talaga at ayaw namin ng gulo. Kundi pa uupakan talaga kita." Sabi ni Raven at tumabi na.

"Sabihin niyo nalang kasi na mga duwag kayo." Panghahamon ni Sydion. Muli na namang sumama ang mukha ni Raven maging ni Aiden pero hinila na sila ni Airah palayo.

"Hindi mo man lang ipaglalaban kong ano ang sayo? Pangalawang beses ka na niyang inagawan a." Galit na ring sabi ni Aina.

"Hindi sa hinahayaan kong maaagaw ng iba ang pinagmamay-ari ko. Mas tinitiyak ko lang kung worth it ba na ipaglaban ko ito. So why not let it go to the person who seems it is more important to him?" Sagot ni Airah at nagkibit-balikat saka namili na lamang sa mga stuffed toys na naka-display.

Para sa kanya hindi dapat pag-awayan ang mga simpleng bagay lang. May mga pagkakataon kasi na mas malaki ang pinsalang maidudulot sa pag-aaway at pakikipaglaban sa isang bagay na mahalaga sayo kaysa sa halagang maibibigay nito. Aanhin pa ba ang halaga nito kung mas malaki ang pinsalang maidudulot nito dahil lang sa pagtatanggol sa karapatan mo at sa pride mo? Para kay Airah mas pipiliin niya kung ano ang mas nakakabuti at hindi sa kung ano ang karapatan niya. At ang simpleng bagay na katulad sa ginagawa ni Sydion ay di dapat pinapalaki. Sa palagay niya nang-iinis lang naman talaga ito.

Gusto ni Sydion na magalit sila at mainis. Bakit niya iyon pagbibigyan?

"Kapag ang tao gusto kang pikonin ipakita mong di ka apektado at dapat kalmado kalang. Kung gaano ka kapmado ganon din sila kaasar dahil di nila nangyari ang ninais nilang mangyari." Bulong ni Airah kay Aina para kumalma ang kapatid. Tumango-tango naman si Aina at kumalma na rin.

Ngumiti na ito habang kaharap si Sydion. "Baka gusto mo rin to. Sayo na rin." Sabay abot pa sa stuffed toy na rabbit kay Sydion.

Sumama naman ang mukha ni Sydion dahil hindi nangyari ang ninanais niyang mangyari. Naaasar siyang bumalik sa kanyang mga kaibigan na magvivideo sa kanila.

"Nakakainis." Sambit niya pa.

"Sabi ko inisin mo ang mga Lionheart na yan hindi yung ikaw ang mainis." Sabi naman ng isa sa kaibigan niya na may galit kina Raven at Aikoh.

Papunta na sana sina Alvira at Ava sa kinaroroonan nina Aikoh ngunit makitang paparating ang mga kaibigan nila mabilis silang naghiwalay ng landas. Ayaw ni Alvira na malamang magkasama sila ni Ava lalo na kilala si Ava na pinakamataray sa Lionheart Academy at kinaiinisan ng mga babae.

Ayaw naman ni Ava na malaman ng iba na kasama niya ang maarte niyang half-sister baka awayin siya ng mga kaibigan niyang ayaw kay Alvira dahil anak lamang ito ng daddy niya sa ibang babae. Kinakahiya niya ito.

Lumayo din sa kanila si Aikah sa takot na masira ang imahe niya dahil lang sa mga mataray at maarteng mga pinsan. Si Throne naman dire-diretso sa direksyon nina Aikoh at ng iba pa. Sa grupong ito wala siyang nakikitang kaplastikan.

Hindi niya inaakala na ibang-iba ang cold na Airah sa mansion at ang madaling pasayahin na Airah sa labas. Ang matakutin na Aina sa mansion na halos ayaw ng magsalita dahil sa takot na magkamali at ang masiglang Aina sa labas. Ang palaging nakabusangot na Aikoh sa mansion at ang nakangiting Aikoh habang pinapanood ang mga half-siblings sa ngayon. Ang Raven na rebelyoso sa mansion at ang Raven na parang spoiled little brother kapag kasama sina Airah at iba pa. Ang tahimik na si Aiden sa harap ng Don at ang carefree na Aiden sa harap nina Airah at sa iba pa. Ngayon lang niya nakita ang side na ito nina Aikoh, Raven, Aiden at Aina. At nakita lang niya ang side nilang ito nang dumating sa buhay nila si Airah.

Napatingin siya sa nagtatagong si Ava na halos takpan na ang buong mukha para di makita ng mga kaibigan. At kay Alvira na nagmamadaling naghanap ng mapagtataguan. At kay Aikah na nagdadalawang isip lumapit. Napailing lamang si Throne at tuluyan ng nakalapit kina Airah.

Niyaya na rin niyang umuwi ang mga pinsan dahil wala na man silang gagawin pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top