TBH 1: Lionheart Hospital


Sa loob ng Lionheart hospital, paroo't-parito ang isang dalaga. Nang makitang lumabas na ang doktor na nag-asikaso sa kanyang ama agad niya itong sinalubong.

"Dok kumusta na po si papa?" Agad na tanong ni Airah sa doktor na kalalabas lang ng emergency room. Nababalot ng pag-alala ang kanyang mga mata habang dinadasal na sana ay may pag-asa pang maiililigtas ang kanyang ama.

"Kailangan niyang maoperahan within 24 hours. At kung madelay ito, we can't guaranty his safety." Agad na pumayag ang dalaga na maoperahan ang kanyang ama.

Inilipat agad ito sa operating room.
Kaya lang, hindi alam ni Airah kung saan kukuha ng pangdagdag na pera para sa mga gastusin sa ospital. Hindi lang yun, hindi siya maaring bumalik sa tinitirhan nila para kumuha ng pera at ano pa mang mga kakailanganin dahil sigurado siyang binabantayan ito ng mga taong umatake sa kanyang ama. Wala siyang ibang dala ngayon kundi ang wallet niya lang na naglalaman ng kukunting halaga.

At kung maaari, pagkatapos ng operasyon ay ilalayo niya agad sa lugar na ito ang kanyang ama. Alam niyang di rin ligtas ang lugar na ito para sa kanilang dalawa. Kailangan niyang makahanap ng paraan.

Siya si Ayesha Airah Aragon. 15 years old. Namumuhay ng maayos kasama ang kanyang ama.

Isang secret detective ang kanyang ama at kamakailan lamang ay tinanggap nito ang isang kaso tungkol sa pagkamatay ng isang Chairman ng malaking kompanya. Matagal na ang nasabing kaso at minsan ng nai-dismiss kaya lang may umungkat nito ngayong nagdaang mga araw at nakatagpo pa sila ng mga witnesses. Nagkataong isa sa mga witness na iyon si Airah.

Nang atakehin ang mag-ama ng mga assassin hindi nila mawari kung dahil ba sa witness si Airah o dahil tinanggap ng kanyang ama ang nasabing kaso? Pero sa hinala ni Airah, siya talaga ang pakay ng mga assassin at ang pagiging saksi niya ang dahilan ng lahat.

Sa isang silid naman ng isang VIP room hindi na mawari ni Arthur ang gagawin. Halos sumabog na ang kanyang ulo sa sobrang galit at pag-alala.

"Kailangan nga ni daddy ng blood transfusion bakit wala man lang kayong mahanap na dugo?" Sigaw niya sa dalawang tauhang inutusan.

"Patawad po sir pero halos malibot na namin ang buong syudad pero wala na raw pong stock ng kaparehas ng tipo ng dugo ng Don." Nanginginig na sagot ng isa.

"Sarado po ang ibang tindahan at ang mga tao namang nakausap namin na magdodonate, bigla nalang pong nawala. At ang iba di na nakarating dito at di na namin alam kung nasaan na sila." Sagot naman ng isa.

Naikuyom ni Arthur ang kamao. Hanggang ngayon ay hinahanap parin ng mga otoridad ang killer na umatake sa Don. Kundi lang nagsakripisyo ang mga bodyguards nito siguradong wala na rin ang Don sa ngayon. Pero wala paring balita si Arthur tungkol sa ginawang imbistigasyon hinggil sa biglaang pag-atake sa Don.

Ang Don na ito ay ang Chairman at may-ari ng Lionheart Conglomerate at L.A trademark na isa sa mga malalaking kompanya na may maraming branches sa iba't-ibang panig ng mundo. Isa siyang bilyonaryo na may bilyon-bilyong networth taon-taon. Kilala siya sa tawag na Don Art, At Arthuro Lionheart ang buo nitong pangalan, 64 years old.

Ang lalaki namang tinatawag na Arthur ay ang panganay niyang anak na siyang may malaking tsansa na hahalili sa kanya bilang Chairman ng Lionheart Conglomerate. Siya si Arthur Lionheart, 34 years old at may asawa na't mga anak.

"Within three hours kapag di pa po mapapalitan ang dugong nabawas sa kanya I'm afraid that..." Hindi tinapos ni Doctor Seo ang sasabihin sana ngunit alam niyang naintindihan ito ng ni Arthur.

Si Dr. Seo, a 33 year old bachelor ay ang matalik na kaibigan ni Arthur na siyang bagong director ng Lionheart hospital.

***

Sa isang restroom ng nasabing hospital naroon ang isang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang nurse. Mapansing walang tao sa lugar na iyun ay agad kinuha ang phone sa bulsa at tinawagan ang kanyang boss.

"Wala na pong problema rito. Sigurado akong wala ng pag-asa pang makakaligtas pa ang Don." Halos pabulong niyang sabi sa kabilang linya.

"Mabuti kung ganon. Make sure na di ka nila mahuhuli at siguraduhing di na kailanman magigising ang matandang yun." Sabi ng boses babae sa kabilang linya.

"Masusunod po. Titiyakin ko pong di na aabutan ng bukas si Don Arthuro Lionheart." Matapos sabihin yun ay agad ng itinago ang cellphone sa bulsa at mabilis na umalis sa restroom.

Pagkaalis ng nurse ay may lumabas na dalaga sa isang cubicle at sinundan ng tingin ang tinahak ng nurse kanina.

"Arthuro Lionheart? You seem so familiar." Sambit ng dalagang nakasandal sa pintuan ng isang cubicle.

Almost one hour na ang lumipas pero wala paring balita at halos di na alam ni Arthur ang gagawin. Alam niyang kailangan niyang mas doblehin ang pag-iingat dahil maaaring may mga espiya ang sinumang nagbabalak ng masama sa don sa lugar na ito. Pero di niya alam kung sino sa mga tauhan nila at sino sa mga doktor. Sa lahat ng nandito kay Dr. Seo lang siya may tiwala at sa iba ay wala na. Kahit na sa kanila ang hospital na ito.

Kanina pa siya paroo't-parito na halos ang mga bodyguard sa silid ay gusto ng mahilo dahil sa kanya.

"Bakit wala parin sila?" Tanong pa niya nang bigla nalang may dalagitang lumapit sa kanya. Sa tingin niya nasa Fourteen o fifteen ang edad nito. Bigla nalang itong umiyak at humingi ng tulong. Yumakap pa ito sa kanyang binti habang nakikiusap.

"Pakiusap po. Tulungan niyo po." Mas lalo namang sumakit ang ulo ni Arthur. Ang dami na nga nilang problema dadagdag pa ang babaeng ito?

"Sir! Parang awa niyo na po. Kailangan po kasing maoperahan ng tatay ko. Kailangan ko po ng pera Sir, kung gusto niyo po idodonate ko po lahat ng anumang meron sa katawan ko gagawin ko po. Kahit mata pa, atay, puso o kahit anupaman gagawin ko. Kailangan ko lang po talaga ng pera ngayon-ngayon na!" Walang preno nitong sabi.

Nong una ay nagulat pa si Arthur at nang makahuma ay ilalayo sana ang dalaga dahil mahirap na at isa ito sa mga assassin na umatake sa kanyang ama. Pero nang marinig ang sinabi nitong idodonate niya lahat ng anumang meron siya napansin ni Arthur na mukhang deaperada lang talaga ang dalaga.

"Sir?" Tawag ng isang bodyguard na nagtatanong kung ilalayo ba niya ang dalaga o hindi? Pero nag-stop sign si Arthur at pinagmasdang mabuti ang nakayukong dalaga.

"Magdodonate ka? Then, what's your blood type?" Tanong ni Arthur rito.

"Pero Sir baka kasabwat siya ng mga assassin." Nag-alalang sabi ng butler niya.

Tiningnan lamang ni Arthur ang butler niya, tumango naman agad ito at umalis.

"Di ko po alam sir. Pero kung kailangan niyo po ng dugo ko magpapablood test muna ako." Sagot agad ni Airah habang pinunasan ang pisnging hilam sa luha gamit ang likod ng palad.

Nang mag-angat ito ng tingin bigla na lamang nanigas si Arthur sa kinatatayuan. Ang pamilyar na mga mata at ang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya.

"Sir?" Pukaw ni Airah sa nakatulalang lalake. Bigla namang natauhan si Arthur at tinawag agad tinawag si Dr. Seo na nasa loob ngayon ng silid ng Don, para i-check ang dugo ng dalaga at para malaman kung compatible ba ito sa Don.

Makalipas ang ilang sandali natuklasan nilang type AB rin si Airah at compatible ang dugo niya sa dugo ng Don. Walang problema sa dugo ni Airah kaya agad niyang dinala ang dalaga sa silid kung saan nakaconfine ang walang malay na matanda.

Tumawag din ang butler ni Arthur at sinabi na totoong nasa hospital ding ito ang ama ni Airah at hindi ito nagsisinungaling sa kanila.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ni Arthur sa dalagang nakahiga ngayon sa kama malapit sa hinihigaan ng kanyang ama.

"Ayesha po." Sagot nito na nakatingin lamang sa wrist kung saan nakatusok ang karayom.

Nagtaka si Arthur dahil kalmado lamang ang dalaga habang nakatingin sa wrist nitong may nakatusok na karayom.

"Wag kang mag-alala sa iyong ama. Inuoperahan na siya ngayon at kami na ang magbabayad sa lahat ng mga babayarin." Sabi ni Arthur na ikinalingon ng dalaga sa kanya. At nang magtagpo ang kanilang mga mata ay bigla na lamang tumigil sandali ang pagtibok ng puso ni Arthur.

Kahit ilang taon na ang lumipas hindi parin talaga makakalimutan ni Arthur ang babaeng minsan niyang minahal. Kung nagkatuluyan lamang sila siguradong magiging kaedad na ni Airah ang magiging anak nila ng babaeng yun. At posible rin kayang magiging ganito kaganda?

Napakaganda kasi ng batang to. That pair of beautiful eyes na direktang nakatingin sa kanya at ang magandang pagkakahugis ng matangos nitong ilong. Pamilyar na pamilyar kay Arthur. Kaya lang walang kabuhay-buhay ang mga tingin na tila ba walang halaga ang lahat ng bagay sa mundo.

Ganito ang mga tingin ng babaeng nang-iwan sa kanya noon. Mga matang kalmado ngunit parang may tinatagong emosyon sa loob. Isa sana itong masayahing babae ngunit naglaho ang sigla sa mga mata nito matapos malaman ang tunay na pagkatao ni Arthur kaya siya nito iniwan. Gaano din ba kasakit ang dinaramdam ng dalagang ito bakit parehong-pareho sila ng mga tingin sa babaeng nang-iwan sa kanya 16 years ago?

Magtatanong pa sanang muli si Arthur pero pumasok ang isa sa mga bodyguard at sinabing kailangan siya sa labas kaya lumabas na muna siya leaving the girl and the old man inside.

Napatingin si Airah sa matandang natutulog ngayon sa kama. Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa matandang nakahiga sa kama. Kung hindi siya niligtas ng kanyang ama baka dalawa na sila ng matandang to na paglalamayan sa susunod na mga araw.

"Tanda! Wag ka munang mamamatay! Kung ayaw mong lalo akong magagalit sayo! Di pa kita nasasapak kaya magpakatatag ka diyan." Sabi pa niya.

Matapos makausap ni Arthur ang kapatid na si Arthron ay agad siyang pumasok muli sa silid kung nasaan ang kanyang ama. Pero nagulat siya dahil wala na sa loob ang dalaga kanina.

"Daddy! Guard!" Mabilis na nagsilapitan ang anim na mga bodyguards. "Nasaan ang babae dito?" Nagkatinginan lamang ang mga guwardiya na halatang nagulat rin. Mabilis nilang tinawag si Dr. Seo upang suriin ang kalagayan ng Don.

"Maayos na ang kalagayan niya." Napahinga naman sila ng maluwag.

"Sir! Tingnan niyo po." Sambit ng isa sa mga bodyguards at ipinakita ang note na nakuha mula sa kama. May nakalagay na nurse sa papel na iyun.

Ilang sandali pa'y may nurse na dumating.

"Director Seo, yung pasyente po sa room 210 bigla nalang pong nawala." Pagbabalita ng nurse kay doctor Seo, pero nagtataka kung bakit nakatingin sa kanya ang mga tao sa loob ng silid na ito.

Nagulat na lamang ang nurse nang dukutin ni Arthur ang cellphone sa loob ng bulsa ng nurse. Aagawin sana ng nurse ang kanyang cellphone pero humarang agad ang mga bodyguard. Sa note kasi may nakalagay na Nurse CP. At alam nilang pinagbabawal gumamit ng cellphone ang sinumang mga hospital workers na nasa oras ng trabaho at nagkataong napansin nilang nagliwanag ang bulsa ng nurse na ito kaya napansin agad nilang may cellphone sa loob. Di nila napansin ang cellphone kanina dahil manipis at maliit lang ito saka busy sila kaya di na nila pinagtutuunan ng pansin ang iba pa mang mga bagay.

Pero dahil sa note na iniwan ng dalagang iyon saka pa nila naisip na posibleng may kinalaman iyon sa kaso ng matanda. Dito din nila napansin kung gaano sila ka mapabiyang tao at kung bakit napahamak ang Don. Iyon ay dahil sa kulang sila sa pag-iingat.

Ni-interrogate nila ang nurse ngunit tikom ang bibig nito. Kahit na may ebidensya silang nakuha sa cellphone nito hindi parin nila matutumbok kung sino ang may pakana sa lahat ng ito.

Wala ding nakapansin sa isang kahinahinalang doktor na pumasok sa lab ni Dr. Seo at pinalitan ang DNA sample na nakalagay sa drawer nito.

"Sigurado na pong magiging negative ang DNA result ng anak niya." Pagbabalita ng kahinahinalang doktor sa amo niya sa kabilang linya. Matapos masabi ang pakay, ibinaba na niya ang telepono.

Sa isang luxurious room naman napangiti ang isang babae bago kinuha ang isang kopeta ng champaign at ininuman ng kaunti.

"Kaunting tiis nalang. Makukuha ko na rin ang gusto ko." Sambit niya pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top