TBC 15: Dream family
Pagdating nilang lahat sa mansion walang ni isa man lang ang nagsalita. Halatang hindi kayang makipagplastikan. Halos iniwasan din nilang makasalubong si Airah dahil napakalamig ng aura nito na halos magiging yelo na sila kapag napapalapit sa dalaga.
Kahit ang maingay na si Aina napatahimik na rin mapansin ang cold na tingin ng kapatid.
Makitang umakyat na sa sariling mga silid ang mga pinsan at kapatid naibagsak ni Aiden ang likuran sa couch.
"Hay sa wakas. Nakahinga na rin ako ng maluwag." Sambit niya at napatingin kay Aina na nakatayo parin sa unang baitang ng hagdanan. "Alam mo, parang nandito lang si Lolo sa lamig ng mga tingin ni Ate Airah. Nakakatakot siya." Sabi niya pa kay Aina. Kasing lamig kasi ng pakikitungo ng Don sa kanila ang pakikitungo ni Airah ngayon sa kanilang lahat.
Natatakot din siya sa mga tingin na ibinibigay ni Airah kanina sa kanya kaya halos hindi na siya makahinga kanina. Ngunit nilagpasan lamang siya ni Aina at umakyat na ito.
Naguguluhan namang sinundan ng tingin ni Aiden ang kapatid ngunit nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang maalala ang pagkukunwari niya kanina na hindi nakita si Aina.
Napayuko na lamang siya at bumulong ng salitang "patawad."
Sa pagkakataong ito hindi na sila sabay-sabay na kumain dahil ayaw pa nilang harapin ng bawat-isa. Saka wala naman sa mansion ang Don maging sina Arthur, Arthron, Avey at Nova kaya malaya silang gawin ang anumang gusto nila. Hindi na rin nila kailangan pang makipagplastikan sa bawat isa dahil wala namang nanonood sa kanila.
"Bakit parang walang tao dito?" Nagtatakang tanong ng bagong dating na si Throne. Sa ibang high school kasi siya nag-aaral kaya wala siyang kaalam-alam sa nangyari kanina sa Lionheart Academy.
Napapikit siya nang may naamoy mula sa kusina. Sinundan niya ang pinagmulan ng amoy hanggang makarating sa kusina. Napatigil siya makita ang likuran ng isang babae.
"May bago na naman ba kaming chef dito?" Nagtatakang tanong niya mapansing medyo maliit at bata pa ang katawan ng nagluluto.
"Mukhang chics to a." Napangiti pa siya. Wala dito ang lolo niya kaya malaya siyang tuksuhin ang mga tauhan nila sa mansion.
Isa kasi siya sa mahilig manukso sa mga katulong nila ngunit hindi lang niya pinapakita sa lolo niya sa takot na mapagalitan.
Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran ng nagluluto at kunwari sisilip tapos kapag maramdaman na ng nagluluto ang presensya niya bigla itong lilingon at magkakatitigan sila na magkalapit ng kanilang mga mukha.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Throne sa naiisip na kalokohan. Dahan-dahan na niyang inalapit ang kanyang mukha malapit sa leeg ng babaeng nagluluto kaya lang ang inaakala niyang biglang lilingon, bigla pala siyang mapapatalon-talon sa sakit ng paa.
"Ouch! Ah!" Nasambit na lamang niya saka napatingin sa babaeng umapak sa paa niya.
"Bakit mo ba ako inapakan ha!" Sigaw niya habang nakahawak sa isang paang may sapatos pa.
Hinihintay niya ang gulat na reaksyon ng tagaluto at ang mabilis nitong paghingi ng tawad ngunit makalipas ang ilang minuto walang nangyari sa kanyang inaasahan kaya marahas niyang itinaas ang mukha para makita ang babae ngunit bigla siyang napaupo sa sobrang gulat makita si Airah na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya. May hawak pa itong sandok habang nakapamaywang.
"Teka, bakit ikaw ang nagluluto?"
"Namimiss ko ang luto ni papa." Natahimik naman si Throne makita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Airah na bigla na lamang napalitan ng determinasyon.
"Gusto mong tikman? Masarap to." Nilipat niya ang nilutong chiken adobo sa isang lalagyan saka kumuha ng dalawang plato. Naglagay na rin ng kanin sa isang plato.
Kumuha si Throne ng kutsara at tinikman ang luto ni Airah.
"Woah. Parang lutong bahay lang. Ang sarap. Tamang-tama ang luto ng karne at di nakakaumay." Sabi niya. Ang mga niluluto kasi ng chef nila minsan nauumay siya kapag marami siyang nakain kaya mas bet niya ang luto ni Airah.
"Alam mo ba na kapag nalaman ni grandpa na magaling kang magluto siguradong matutuwa yon at posibleng makuha mong lalo ang loob niya?"
Napatigil si Airah sandali sa pagkuha ng kutsara ngunit ipinagpatuloy din muli saka humila ng upuan.
"Nagluto lang ako para makakain at hindi para mas magustuhan ng Don." Sagot niya at kumuha ng kanin.
"Kumain ka nalang din kaya. Mamaya ka nalang magbihis."
Napatingin si Throne sa suot niyang puting uniporme saka napatingin kay Airah na nagsisimula ng kumain. Humila na rin siya ng upuan at umupo.
"Bakit hanggang ngayon ayaw mo parin siyang tawaging lolo?" Tanong niya habang kumukuha ng kanin.
"Hindi mo rin tinatawag na dad si Tito Arthur. Hindi mo ba talaga sila kayang tanggapin?" Tanong ni Throne.
"Lolo ko siya by blood. Dugo lang ang namamagitan sa aming dalawa. Kung gusto niyang tawagin ko siyang lolo patunayan na muna niya na karapatdapat siya. At kung gusto ni Sir Arthur na tawagin ko siyang papa ipakita na muna niya ang kanyang pagiging ama."
"Iparamdam at ipakita nila ang palatandaan ng pagiging grandfather and a father pero kung sa DNA lang sila bumabase I might call them grandpa o Tito but bilang respect lang sa edad nila at hindi dahil sa lolo ko o kadugo ko sila."
Maalala ang pagtalikod ni Aiden kay Aina sa kabila ng pagiging malapit nila sa isa't-isa, ang pagsawalang kibo nina Alvira at Ava at tila nag-eenjoy pa sa nangyayari kay Aina, at ang mga walang pake na tingin nina Raven at Aikoh kahit na inaapi ang kadugo nila muling sumiklab ang poot na nararamdaman ni Airah kanina. Kapag nakakaramdam siya ng galit madalas kumakain na lamang siya o magluluto kaya nagluto siya ngayon.
"Anong silbi ng pagiging magkadugo niyo kung ikinakahiya ka naman at di rin matanggap-tanggap? At para kang ibang tao na hindi kilala at nakikita? That is not what we called a family nor a relative." Sandali siyang tumigil habang nakatitig sa walang kibong pinsan.
"A real family specially for parents is the one who care, who understands and accept all your flaws, guides you to the right path not to abandon you and let you live on your own trying hard to survive at a very young age. Not this kind of family who is just being connected by blood but not by heart." Kadalasan kasi nagpapanggap lang sila na mabuti sa isa't-isa lalo na sa harap ng Don sa pag-aalang lalala ang karamdaman nito.
"Kung dad ko siya let him show and take his responsibilities as a father. Hindi dahil sa nagmatch ang DNA namin or dahil sa siya ang naglagay ng sperm sa katawan ng mama ko. Hindi ako naghahangad ng pamilyang hanggang sa pangalan at dugo lamang konektado." Sabi niya pa.
"I think your thinking about your dream family. Gusto mong magkaroon ng kumpletong pamilya na gagabayan at aalagaan ka hanggang sa lumaki. Ipagtanggol at protektahan at hindi pinapabayaan. You're thinking that this is the supposed to be called a family pero hindi lahat ng pamilya ay perpekto at gaya sa pinagpapantasyahan mo. At kagaya lang ang Lionheart sa mga hindi perpektong pamilya."
Natigilan naman si Airah. May punto kasi si Throne. Pangarap niya na magiging katulad sa ibang mga bata na kasama ang mga magulang. Ngunit si Airah , iniwan lang na mag-isa at pinilit na palakihin sa paraang inaakala ng kanyang ina na siyang nakakabuti sa kanya.
Si Throne naman napaisip din sa sinabi ni Airah saka naalala ang sinabi ng Don sa kanila noon.
"Ipakita niyong apo ko kayo di dahil sa dala niyo ang apelyido ko." Gusto ng Don na ipakita nila ang pagiging apo sa pamamagitan ng pagpapahalaga nila sa Don at sa pagsunod sa mga payo nito.
Maraming mga kondisyon ang ibinigay nito sa lahat ng mga apo at kung sino ang makakaabot sa lahat ng mga expectations na inaasahan niya sa pagiging isang huwarang apo iyon ang magmamana sa mga major shares ng mga kayamanang pinagmamay-ari niya.
"Isa ka ngang Lionheart. Manang-mana ka kay lolo."
Muling natigilan si Airah sa narinig. Lalo na sa seryosong mukha ni Throne.
"Tsk! Kumain na nga lang tayo." Sabi niya at nagpatuloy na ulit sila sa pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top