Simula


Bawal.

'First mystery, the annunciation of Gabriel to Mary. Hail Mary---'

"Ang pangit!"

Humigpit ang hawak ko sa rosaryong nasa kanang kamay ko.

Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglalakad sa gitna ng mga estudyanteng nandidiri ang tingin sa akin habang nagpe-pray ako.

'---Full of grace ----"

"Ang taba!"

"Siguro maasim yan! Ang kapal ng damit eh. Longsleeves and long skirt, seriously?"

"Try mong amuyin girl para magising ka."  Sagot naman nung isa sabay tawa ng malakas.

Binilisan ko ang paghakbang ko, ayokong magkasala dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko naman gustong mapunta sa lugar na ito kaya hindi na nila kailangang ipamukha na hindi ako nababagay dito.

Sabi ni Mama maganda daw mag-aral sa Keio University. Hindi daw lahat nakakapasok dito, yun lang daw mayayaman at matalino. Napa-oo tuloy ako. Hindi ko naman itinuturing ang sarili ko na mayaman, matalino siguro, kaya nga ako nakapasok dito dahil scholar ako. Mas gusto ko yung ganon kaysa iaasa na lang sa mga magulang dahil naniniwala ako na ang tao ay pinanganak mag-isa at dapat magsurvive mag-isa. If we are not fit to exist alone, sana may kasama ang lahat ng tao kapag pinanganak o di kaya kung mamamatay.

Pinalibot ko ang mga mata ko sa buong eskwelahan, siguro nga espesyal ang lugar na ito. From expensive paintings to ancient sculptures, to wide lobby and soccer fields. This school doesn't have a canteen, they have Food Alley-- four floors of different food stalls from famous fastfood chains to fine dining. Ang lahat ng mga estudyante dito pinaparada ang mamahalin nilang bag at mga damit. Samantalang ako, pinaparada ko ang bilbil ko na itinatago ko sa makakapal na damit.

Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagiging iba ko.

"Paano ba yan nakapasok dito?" Bulong nung isa. Hindi naman talaga bulong kasi dinig na dinig ko.

Pinanghinaan agad ako ng loob sa unang araw ko ng pagpasok sa college. Tama ba na pumarito ako? Mas gusto ko sanang mag-aral sa eskwelahang pinamumunuan ng mga madre kaysa dito. At least doon mababait ang mga estudyante dahal puro dasal ang aatupagin.

Namimiss ko na tuloy si Sister Aida, yung guidance counselor namin noong highschool. Sya ang nagturo sa aking maging mabait at huwag gumanti sa kapwa kahit na ginagawan ka ng masama.

I sighed. Tumingala ako sa langit sa gitna ng mga nagtatawanan na mga schoolmates ko.

"Patawarin mo po sila. Hindi po nila ang kanilang ginagawa. Amen." Pumikit pa ako para mas maramdaman ko ang spiritual connection ko sa nandoon sa itaas.

"Tabi!" May sumigaw mula sa di kalayuan na boses ng isang babaeng nangungutya sa akin kanina.

Hindi ako kumilos at nanatili lang nakapikit. Tiyak naman ako na hindi ako ang tinutukoy nya dahil wala naman syang pakialam sa akin. Isa pa, hindi talaga ako nagpapaabala tuwing kausap ko ang lumikha.

"Naku Miss, tumabi ka! Mayroon ka na lang tatlong segundo para mabuhay!" Sigaw din nung isa pa.

Napakunot ako ng noo. Bakit parang ako ang sinasabihan nila?

"Ang mga pangit talaga madaling mamatay!"

Unti unting naramdaman ko ang paglayo sa akin ng mga estudyanteng kanina lang ay ginawa akong tampulan ng tukso.

"Waahhhhhhh Si Gaelan!!!!!" May sumigaw na mga babae at halos mabingi ako sa sigaw na yon kahit alam kong malayo na ang boses.

"Yuki! Oh my labs!!!"

"Si Kiro!!!"

"Zeus! Likod pa lang ulam na!"

'Gaelan? Yuki? Kiro? Zeus?' Yung sikat na dance troupe dito? Actually pito sila, mayroon pang nagngangalang Rye, Ice at Hunter, hindi lang nabanggit nung mga nagsisigawan.

Sa totoo lang hindi ako pamilyar sa kanila. Nakita ko kasi na laman ng bawat bulletin board ang mukha nila at may nakasulat na YUKAN'NA.  Mukhang dancers.

Na-intriga ako agad sa presensya nila. Didilat pa lang sana ako ng matumba ako sa sahig dahil sa malakas na pwersa ang tumama sa balikat ko dahilan ng pagbagsak ko. Sinadya yon. Binangga ako.

Imbes na magalit, pinagdaop ko muli ang akong mga palad at tumingala muli sa langit.

"Saint Guiseppe, please heal me po." Bulong ko muli ng isang panalangin dahil nasaktan ng husto ang balakang ko.

"Nasaktan kaya?" Bulong ng pinakamalapit sa akin na schoolmate ko.

"Malamang hindi, ang kapal ng damit, ang taba pa."

Kitang kita ko ang makikintab na sapatos ng apat na taong dumaan sa harap ko.

Tumahimik ang buong paligid. Parang may dumaang anghel sa Keio University at nakapagdesisyon sila na magbagong buhay.

"Miss grab my hand." Isang kamay ang tumapat sa mukha ko na syang dahilan ng pagsinghap ng mga nanonood sa paligid.

Tinitigan ko lang ang kamay na yon. Mukhang malambot at masarap hawakan!

Ay! Ano ba yan! Sabi ni Sister Aida, masama daw pinagpapantasyahan ang kapwa, kasama na doon ang mukha, katawan, kamay! Kahit dulo ng daliri!

"Miss?" Untag sa akin nung isa sa Yukan'na member.

"Yuki." Napalingon ako doon sa nagsalita na may kulay brown na mata. Isa doon sa member nung F4 este nung Yukan'na. Nakatingin sya doon sa lalaking nag-aabot ng kamay. Nakapamulsa sya at mukhang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nya bukod sa kaibigan nyang nag-aalok ng kamay sa pangit na kagaya ko. Ang dalawa pa nilang kasama ay tila may sariling mundo at di din alintana ang humihiyaw ng mga pangalan nila.

Bumalik ang tingin ko doon sa nag-aabot ng kamay. Tsinito ang una mong mapapansin sa buong pagkatao nya, mabait at maamo ang mukha. Hindi sya nakangiti at seryosong nakatingin lang sa akin.

"Hindi ba nya tatanggapin ang kamay ni Yuki?" Isang bulong ang narinig ko.

"Sana nga hindi! Baka magka-germs pa ang kamay ni Yuki!"

Napakuyom ako ng palad. Buong lakas akong tumayo kahit na nahihirapan ako. Hindi ako humawak kay Yuki dahil baka lalong magalit ang mga fans nya. Nakarinig pa ako ng pagbuga ng hangin mula sa mga fans nya nang pilitin kong tumayo ng hindi humahawak kay Yuki. They sighed in relief!

"Salamat." Nagawa ko pang magbigay ng ngiti bago ko kinuha ang bag ko na nalaglag at umaktong maglalakad na. Tumango sa akin si Yuki at tipid na napangiti din.

"GIRLS NAKITA NYO YON?! NGINITIAN SYA NI YUKI!!! IM GONNA DIE!!" Eksaheradang sigaw mula doon sa mga nagkakagulo ang huling narinig ko.

Huminto ako sa ilalim ng malaking puno sa quadrangle. Naalala kong kunin ang Registration Form ko sa aking bag. Nakalimutan ko na tuloy na kaya ako nandon sa building dahil papunta na ako sa klase ko sa Math.

Wala akong nagawa kundi pumihit papabalik. Nabawasan na din ang grupo ng mga nandoon sa lobby kaya malaya na akong nakapaglakad na walang mapanuring tingin.

Tanaw ko pa sa aking harapan yung mga members ng Yukan'na na yon, para tuloy akong sumusunod sa kanila.

Pumasok sila sa loob ng isang classroom, sunod sunod sila. Tiningnan kong muli ang registration form ko at ang nakaukit na room number doon sa may pinto na pinasukan nung Yukan'na.

Room 1201-- yun ang nakalagay sa form ko. Tumingala ako doon sa may pinto, Room 1201.

Room 1201. Room Twelve Zero One.

Napakurap kurap ako ng ilang beses.

Kaklase ko sila?

Mukhang mas matanda sila sa akin ah.

Naputol ang pag-iisip ko nang dumaan sa harapan ko ang isang magandang babae na mayroong mahabang buhok na kinulot sa dulo. Her sweet scent filled my nose. Grabe ang bango naman non!

May bitbit syang dalawang libro at class records na yakap nya sa kanyang dibdib. She pouted her red lips and swayed her hair bago pumasok sa Room 1201.

Oh wait. So teacher ko sya sa Math?

Requirement din ba sa eskwelahang ito na napakaganda ng teacher para sulit ang binabayad ng mga estudyante?

"Papasok ka ba?" Nakangiti at malambing ang boses nung babae nang sumilip sya sa pinto.

"Y-yes po." Tumango ako at sumunod papasok.

Agad akong naghanap ng mauupuan pagkapasok ko ng classroom. Una kong natagpuan ang bakanteng silya sa likuran pero nang magtama ang mata namin noong nakaupo sa tabi ng bakanteng silya, agad nyang pinatong ang bag nya doon at nagkibit balikat. Ganoon din ang ginawa ng iba pa.

"Miss? You might want to take a seat." Untag sa akin nung magandang teacher. Gusto ko sanang umupo kaya lang ayaw nila akong katabi, gusto ko sanang isantinig.

Umayos ako ng pagkakatayo at naglakad papalapit doon sa unahan kung saan---

Nandoon ang F4 na F7 na ngayon dahil kumpleto na sila!

Nagtaas ng kilay yung kaninang tumawag kay Yuki nang magtama ang mga mata namin, nakaupo kasi sya sa pinakagitna, katabi nya si Yuki sa kaliwa, at sa kanan naman nya nakapatong ang bag nya. Katabi ng bag nya yung tatlo pang myembro nung grupo nila na hindi nya kasama sa paglalakad kanina.

"Gaelan, it would be nice if you will let the lady sit instead of your bag.." Malamyos ang pagkakasabi ng teacher sa kanya.

Ah, Gaelan pala ang pangalan nya.

Agad naman na kinuha ni Gaelan ang kanyang bag at pinatong sa kanyang binti. Tutok ang mata nya doon sa magandang teacher na para bang nagsaboy si Teacher ng silver dust sa kanya at napailalim sya sa kung anong magical spell.

"Dyahe naman oh!" Sabi naman nung katabi nung bag ni Gaelan kanina.

"Isaiah, that's not nice." Pagalit noong teacher doon sa nagsalitang F7 na mas gusto pang katabi ang bag ni Gaelan kaysa sa akin.

"Pero--"

"Ice, stop." Awat ni Gaelan doon sa kaibigan nya na awtomatikong huminto.

Ibang klase. Bawat bitaw ng salita nya may pagbabanta, in fairness, scary.

Nagsimula ang klase at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. Paano ba naman, nakakatakot na may magawa akong mali tapos magagalit itong si Gaelan, baka i-flying kick ako.

Sabagay baka hindi nya naman gawin yon. In fairness studious sya. Nakapangalumbaba sya at nakatingin lang sa blackboard buong discussion.

Naging abala naman ako sa pagsusulat ng lessons ni Miss Farrah. Magaling syang magturo. Mabait pa.

Nakuntento ako sa unang subject ko. Nag-iwan si Miss Farrah ng assignment sa amin pagkatapos ay nagpaalam na.

Mabilis na naglaho ang F7 sa tabi ko sa pangunguna na naman ni Gaelan. Ang iba kong mga kaklase naman ay parang mga langgam na nagsisunuran sa kanila.

Naiwan akong mag-isa dahil hindi naman ako nagmamadaling umalis. Lunch break naman ang kasunod ng klase ko na ito.

Maayos kong sinalansan ang libro at notes ko sa bag bago tumayo at maglakad patungo sa Food Alley.

Kinapa ko ang bulsa ko at binilang ang pera ko habang naglalakad sa quadrangle.

Sixty pesos. Magji-jeep pa ako mamaya kaya 40 pesos na lang ang para sa pagkain.

Pasimpleng umikot ako sa Food Alley para humanap ng kakasya sa 40 pesos. Sa isang sulok nakita ko doon ang F7-- F6 na lang ngayon dahil wala na si Gaelan. Nakita ko pang umangat ang gilid ng labi ni Yuki ng magkatinginan kami. He may be the friendliest (kung friendly bang matatawag ang pagsmirk nya) among the group. I gave him a nod at bumalik sa pagsisiyasat ng food stalls.

Argh! Pinakamura ay sandwich na nagkakahalagang 75 pesos. Di bale na nga! Sa bahay na lang ako kakain. Isang klase lang naman at uuwi na ako.

Dinig ko ang pagkalam ng sikmura ko sa mga pagkaing nakikita at naamoy ko kaya napagdesisyunan ko na lumabas na lang ng Food Alley.

Luminga linga ako nang marating ko ang exit ng Food Alley para humanap ng lugar kung saan mayroong pinaka-kaunting tao. Yung hindi ako mapansin. My eyes landed to the seemed oldest building (but not too old building) in Keio.

Walang tao.

Malalaki ang hakbang ko na naglakad patungo doon.

Excited akong makarinig ng katahimikan mula sa buong maghapon na ingay at panghuhusga. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong makalayo sa ingay.

Umupo ako sa four-seater armchair na nakasalansan doon sa labas. Nakapaharap ito sa mga kwartong madilim at walang laman. Pinatong ko ang bag ko sa armrest at doon ko napiling ipahinga ang aking ulo.

Itutulog ko na lang ang gutom.

"Mmm.."

Huh?

"Mmm.."

"Ssshhhh.."

??

"Mmm.. I-- I cannot hold it, G.." Boses ng isang babae.

?????

Dala na naman ng kyuryosidad hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na parang nahihirapan.

Sabi ni Sister Aida, dapat daw kahit sa estranghero maging matulungin ako. Sinundan ko ang ingay na naririnig ko hanggang sa natagpuan ko ang tamang kwarto. The windows were shut closed at mayroon pang kurtina na nakatakip mula sa loob. Sinubukan kong iikot ang doorknob but it's locked.

Susuko na sana ako at lalayo ng mapansin kong mayroong maliit na sinag ang nanggagaling mula sa loob. Yumuko ako at lumuhod para sumilip sa pinanggalingan ng sinag, may maliit na butas ang pinto. Almost a 25-centavo coin peephole!

"Mmmm.." I heard a woman's voice again.

Sumilip na ako ng tuluyan doon sa peephole, maliit ang butas. Sobrang liit pero hindi yon hadlang para hindi ko makita ang kaganapan doon sa loob.

I gasped with what I saw!

Si Gaelan, nakaupo sa isang monobloc chair at sa kanyang binti ay nakaupo ang isang babae na wala na sa ayos ang damit.

They were kissing passionately at kung saan saan naglalakabay ang kamay nilang parehas.

I almost vomit at maglalakad na sana papalayo but my feet's locked.

Napakunot ang noo ko nang bumaling sa gawi ko ang mukha ng babaeng kasama ni Gaelan dahil hinahalikan nya ito sa leeg.

Napatakip ako ng bibig at wala sa oras na napasign of the cross!

Hindi to pupwede!

Because I saw Miss Farrah on top of Gaelan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top