Kabanata 9
Para Sa Akin.
"Sample!!"
Tumayo si Rona ng senyasan sya ni Sir Advincula. Kinakabahan ang kanyang ngiti nang umakyat sa stage. Nakababa ang mikropono pero narinig kong sinasabi ni Rona na hindi pa kami masyadong tutok sa stunts.
Totoo naman yun, yung ritmo pa lang ng katawan namin ang pinagtutuunan namin ng pansin. Gusto kasi ni Rona na walang mahinhin o di kaya mas malalaki ang pagkilos ng isa sa amin. Gusto nya ay pare-parehas.
'Then show your dance that you have practiced. Kahit wala munang stunt.' Si Sir Advincula.
Huminga ng malalim si Rona at tiningnan si Sunshine na katabi nya kanina. Si Sunshine at Lexy ang pinakaleader namin bukod kay Rona dahil sila ang Seniors.
"Ayan na, Litsi." Bulong ni Selene sa tabi. Kanina pa talaga sya mukhang wala sa mood. Hindi ko naman alam kung bakit. Sure naman ako na hindi sya mahihiya na sumayaw dahil ilang taon na syang parte ng Elite Circle.
"Ria, tawag tayo ni Rona." Sambit sa akin ni Abby.
"Backstage daw." Ngumuso si Tisha na nakatayo na, tumayo na din si Selene. Parang naging jelly ang tuhod ko sa kaba. Hindi ako nahihiya sumayaw kapag kasama ang squad pero kapag madami nang audience, hindi ko ata kakayanin.
'Saint Vitus, Patron of Dancers, please intercede. Amen..'
Pagdating namin sa backstage, nagpapaypay si Rona ng kanyang sarili, nandoon na din ang ibang miyembro. Tiningnan kami isa isa ni Rona ng may pagbabanta. Kailangan talaga naming umayos.
"Anong suot nyo? Naka-sports bra ba lahat?" Tanong nya sa amin. Tumango ako. Yun ang pinapasuot sa amin kapag practice pero sa ilalim naman ng tshirt. Proteksyon lang kapag nagpapractice kami.
"Remove your shirts, girls. Bilis." Nanlaki ang mga mata ko samantalang agad naman na nagtanggal ng tshirt ang mga kasamahan ko.
Hala, hindi pwede..
"Ano, Floresca? Ako pa ang magtatanggal ng sayo? Wala pa tayong uniform kaya jogging pants na lang muna at sports bra." Anunsiyo ni Rona. Nangulubot ang mukha ko.
Nakakahiya! Panigurado kapag nakita ako ni Kuya Gilad na labas ang tyan, magagalit yon. Si Kuya Rab nga kaya ako pinapataba para hindi ako maengganyo na magsuot ng maigsi..
Nakita ko na naman na pinandilatan ako ni Rona, napatiklop ako sa takot. Alam ko namang nape-pressure sya kaya kailangan ko ding sumunod. Wala akong oras para tumanggi sa gitna ng mga kagrupo kong kinakabahan. That is very wrong in 'teamwork'.
Pinagpawisan ako ng malamig habang dahan dahang tinatanggal ang tshirt na pinahiram ni Yuki. Abala na ang mga kasamahan ko sa pags-stretching, hindi pa kami kumpleto kaya mapipilitan kami na sumayaw kahit halos kalahati lang kami.
Tense na tense si Rona, pabalik pabalik syang naglalakad, hindi na nga sya nag-stretch eh, mas inatupag nya ang mga itsura namin.
"Ponytail your hair! Alam nyo na yan sinasa----"
Natigilan si Rona ganoon din ang mga kasamahan ko sa pagtatali ng buhok. Lahat ng mata nila ay nakatutok sa akin dahil tuluyan ko na natanggal ang tshirt ko.
Bumukas ang bibig ni Selene na parang mayroong gustong sabihin pero nahulog muna sa pag-iisip.
"Pucha, may abs ka, Ria? Wala ka naman palang tyan eh!" Manghang mangha na bulalas ni Selene.
Walang tyan ba ang tawag sa ganito? Saan mapupunta ang kinakain ko kung ganon?
Tinapik tapik pa nya ang tyan ko. Napangiwi ako at tumagilid kay Selene. Nahihiya ako eh.
"Bakit suot ka ng suot ng extra large! Lagi pang naka-longsleeves. Weido ka talaga!" Naiinis na sambit ni Rona pero napapangiti din sya kagaya ng iba. Hindi ko tuloy alam kung nakakatuwa ba o nakakatawa ang itsura ko.
"Ria, toned ang muscles mo." Ani Sunshine habang mataman akong tinitingnan.
Lalong nanlamig ang kamay ko. Paano ako makakakilos ng mabuti kung puro magaganda ang sinasabi nila sa akin? Pakiramdam ko biglang tumaas ang expectation nila.
"Ibibigay ko na ang song. Yung nirehearse natin this week okay?" Sambit ni Sunshine na nagpunta sa dulo ng backstage para ibigay doon sa Student Affairs yung CD namin.
"T-teka, ako yung nasa harap non eh..." Singit ko kay Sunshine.
"Abby at Tisha, sa harap din kayo, si Rona ang nasa gitna katabi ni Ria. Bawal magkamali. Freshies, ayusin nyo." Maayos na sabi ni Lexy pagkatapos ay lumingon sya sa akin at nagbigay ng mabait na ngiti.
"Kaya mo yan, magaling ka. Sabayan mo si Rona pero wag mong kokopyahan ng steps." Sabi nya pa.
Hala! Sabayan daw eh manghang mangha nga ako kay Rona. Napapanganga nga ako kapag humahataw na sya. Tapos lagi pa akong pinapagalitan ni Rona kasi mahinhin daw ako kumilos.
Nilagay namin ang kamay namin sa gitna at sumigaw ng "FIGHT"
Naunang lumabas ang mga nasa likuran, si Selene, Lexy, Sunshine, Anj, Karen at Marga.
Ang daming sumigaw sa labas, mukhang madami silang fans! May mga pumipito pa doon. Yung puso ko parang gusto akong iwan ngayon at umuwi tapos matutulog na lang.
"Let's go girls." Utos ni Rona. Sya ang nauuna sa paglalakad. Bago pa kami makalabas ng stage mayroong sumisigaw.
"Mayroon pa!" Halos mga schoolmates naming boys ang sumisigaw.
Bakit ba sila excited?
Madilim ang stage kaya halos silhouette lang naman ang nakikita is pero bakit sobra naman sila kung makasigaw? Mahihilig ba sa sayaw ang mga tao dito?
Si Tisha ang unang pumunta sa unahan, sumunod si Rona. Bahagya akong tinulak ni Abby para sumunod na kay Rona. Ilang beses akong napalunok lalo na nang nag-static na ang music player. Ibig sabihin ay magsisimula na.
Gusto kong maiyak pero wala na ata talagang atrasan.
Come here Rude Boy, Boy Can't you get it up..
Come here Rude Boy, Boy is you big enough
Take it, Take it
Baby, Baby
Take it, Take it
Love Me
Love Me...
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
(Maki Say's: If you are viewing the video, syempre hindi ito ang cheering squad pero sa imagination ko ganito ang steps nila Maria. Haha Benta. Hip Hop! 😂✌🏽️)
Halos mabingi ako sa sigawan na nanggagaling sa audience. Inisip ko na lang na patatas silang lahat lalo na ng magbukas ang ilaw at yung audience naman ang dumilim. Nakakasilaw sa stage!
At ang daming ----
Patatas!
Patatas!
Patatas!
Ganyan nga Ria! Hindi sila tao, mga patatas yan..
'Si Ria ba yan? Bakit na-deflate? Ang payat nya!'
Patatas!
'Syet, ang galing magsayaw ni Ria! Jealous!'
'Nakakasabay si Ria kay Rona. Girl, pakikurot ako baka panaginip ituuuuu!!'
Patatas na nagsasalita!
Buong pagsasayaw namin, sari saring komento ang naririnig ko. Mabuti sana kung makabuluhan yon kaya lang puro hindi makapaniwala na nangayayat ako kahit sa tingin ko ay hindi naman masyado.
'Ria!! Go Ria!' Sigaw noong nasa likuran. Alam kong mga kaklase ko iyon na lalaki. Hindi ko hinayaan na mawala ako sa focus dahil patay ako kay Rona kapag nagkamali.
Tiningnan ako ni Rona doon sa huling parte ng kanta, tinanguan nya ako at alam ko na ang susunod na gagawin.
Backflip.
Sabay kaming umikot sa ere at tinapos namin ang sayaw sa pagsplit bilang isang grupo.
Tumayo kami nang may poise at gumawa ng isang linya para mag-bow sa audience na natahimik. Nagkapit kapit kami sa bewang ng bawat isa at ngumiti sa lahat. Napatingin ako sa pwesto ng Yukan'na dahil hindi sila mahirap mapansin. Nandoon sila sa unahan. Nakangiti si Yuki at nagthumbs up sa akin, sinagot ko iyon ng ngiti. Sila Zeus ay pumapalakpak..
Samantalang si Gaelan..
Si Gaelan..
Walang reaksyon.. Nakapangalumbaba lang sya sa sandalan ng monoblock nya na nakapabaliktad at parang walang kung ano man ang napanood nya.
Hinihingal pa ako at malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pagod pero hindi pa ako naging ganito kasaya.. Masarap sa pakiramdam ang may makakaappreciate sayo. Kahit hindi ang lahat ng tao masiyahan, ayos lang.
"Wow! Mukhang handang handa na ang nagagandahang cheering squad natin ah!" Lumapit si Dean sa gitna kaya kami naman ang tumalikod para bumalik sa backstage at magbihis.
"Good job, Ria." Tinapik ni Rona ang balikat ko.
"Yes, Ria. You're a surprise!" Humagikgik si Lexy. Kumapit si Selene sa akin ng makapagsuot na kami ng tshirt. Inaya nya ako na sabay lumabas.
'Hi Ria!'
'Ria, ang galing mo!'
Napangiti na lang ako sa bawat nadadaanan namin pabalik sa pwesto namin kanina. Napatingin ako muli sa pwesto ng Yukan'na at doon ko nga nakita si Gaelan na masama ang tingin sa akin.
Inaaano ko na naman ba sya?
Nang makadaan kami sa pwesto nila, narinig ko syang magsalita.
'Tss, hindi naman magaling.'
Tumigil si Selene at humalukipkip sa harap ni Gaelan. Hinila ko sya sa braso para lumayo pero hindi sya kumilos.
"Alam mo Gael, ang bitter mo! Hindi mo lang matanggap na hindi na lang ikaw ang nakakakita kay Ria ngayon eh." Umirap si Selene pero hindi pa din umaalis sa pwesto nila.
"Ha! Well Selene, I am just telling the truth. I didn't like what I see." Masungit na sabi ni Gaelan.
"Who cares?!" Angil ni Selene.
Tahimik lang ako sa isang gilid at nakayuko. Tumayo si Yuki mula sa pinakadulong upuan at lumapit sa akin.
"Umupo ka muna, Ria." Hinawakan nya ako sa pulso at inialok ang upuan nya. Alanganin ako na kumilos pero tumayo din si Zeus at tiningnan si Selene para ilahad din ng upuan nya.
"Upo, Selene." Pormal na sabi ni Zeus. Padabog na umupo si Selene sa upuan ni Zeus kaya tumabi na din ako.
"Salamat.." Sabi ko sa kanilang dalawa. Tumayo sila sa gilid at tumingin sa stage dahil sa mga anunsyo ni Dean Aurelio.
"---And on the last day of this month, we will be having our yearly Acquaintance party.." Ani Dean Aurelio.
Umingay ang buong gym, may napapalakpak pa sa tuwa.
"And we encourage the higher years to invite the Freshies to be their date that night, whether it is boys or girls.. Of course our intention is to build camaradarie within everyone." Pormal na sabi ni Dean.
Inanunsyo din kung ano ang magiging theme ng party at kung saan gaganapin. Hindi ako masyadong nakinig sa ibang detalye kasi masyadong maingay yung mga kaeskwela ko. Sabay sabay kaming tumayo ng matapos na ang announcements. Kasabay iyon ng pagtatapos ng oras ko sa school.
Nakasunod ako kay Selene at hindi na nilingon pa si Gaelan na walang ginawa kundi siringan ako.
"Kain muna tayo, Ria. Wag ka na tatanggi kasi sexy ka naman na!" Humalakhak si Selene. Ngiti lang ang itinugon ko habang naglalakad kami papuntang Food Alley. Dumiretso kami doon sa fastfood. Ibinili din nya ako ng pagkain at tig-isang tray kami na bitbit.
Luminga kaming dalawa para maghanap ng pwesto pero bigo kami dahil nagtungo din sa Food Alley ang mga estudyante ng Keio dahil pare-parehas na natapos ang mga klase namin.
"Selene!" Kumaway si Ice sa pwesto ng Yukan'na at nginuso ang kanilang upuan. Maluwag pa doon at maari pa silang magimbita ng iba.
Napatingin ako kay Gaelan na nakahalukipkip at tinitingnan ang reaksyon ko. Tatanggi sana ako pero naglakad na si Selene papalapit sa kanila, sumunod na din ako.
"So, may date ka na ba Ria sa Akwe?" Tumikhim si Ice at tiningnan ako habang kumakagat ng burger. Oo nga pala at ako lang ang Freshman dito. Inaasahan nilang mayroong date ang Freshies.
"Hindi naman siguro si Gaelan kasi break na kayo di ba?" Humalakhak si Kiro. "Etong kakambal ko kasi---"
"Kiro.." Awat ni Yuki sa kambal nya bago ako balingan at ngumiti ng nahihiya.
Nagtaas ng kilay si Kiro at ngumisi habang napapailing.
"Ako." Napatingin kaming lahat ng magsalita si Gaelan. Kanina pa kasi sya tahimik.
"Ako ang date nya. Hindi pa kami break. Sinong may sabi? Tss." Dugtong pa nya.
Hindi ko naituloy ang pagsubo ng French Fries ko. Halos masamid kasi ako. Akala ko pa naman nakalusot na ako kay Gaelan dahil galit sya!
Ngumuso si Gaelan ng tingnan ko sya tapos tumingin ulit sa malayo. Pag hindi naman ako nakatingin sa kanya, nakikita ko sa gilid ng mata ko na inoobserbahan nya ako.
Nang matapos na kaming magsnacks, nagkani-kaniyang paalam na ang Yukan'na. Tumayo din kami ni Selene dahil nandyan na ang sundo nya. Humalik si Selene sa aking pisngi bago patakbong tinungo ang palabas ng Food Alley.
Inayos ko din ang bag ko at nagpaalam sa natitira sa lamesa na si Yuki, Rye at Hunter. Pati din pala kay Gaelan nagpaalam ako kaya lang tumayo sya kasabay ko, saka sumunod din sya sa paglalakad ko!
Halos malapit na kami sa school exit ng magsalita si Gaelan.
"Hindi ko gustong date ka." Mapakla ang pagkakasabi ni Gaelan.
Tumango ako at ngumiti ng tumapat kami sa may parking lot ng school. Alam ko kasing hanggang dito na lang sya dahil nakita ko na ang kanyang sasakyan.
"Okay." Sagot ko.
"Tss! Nakakainis ka talaga, Maria!" Ginulo ni Gaelan ang kanyang buhok na parang inis na inis na talaga.
"Ria na lang." Ngumiti ako at itinama ang pagtawag nya sa pangalan ko.
"Ayoko. Ria ang tawag sayo ng lahat. Ako lang ang tatawag sayo ng Maria, naiintindihan mo?" Umismid si Gaelan. Tumango ako at ngumiti.
"Okay." Pumihit ako para maglakad na papalabas ng school.
"At saka--"
Tumigil ako sa paghakbang.
"T-tabs ka pa din para sa akin." Mahinang pagkakasabi ni Gaelan. Lumingon ako sa kanya, hindi ko napigilan ang paghagikgik. Inaasar na naman nya ako. Akala nya talaga pikon ako.
"Ikaw pa din si Yabs ko." Sagot ko sa kanya at saka tumawa. Napalunok si Gaelan, nilagay nya ang parehas na palad nya sa kanyang bulsa tapos umiwas sya ng tingin sa akin..
Akala ko uusok ang ilong nya sa galit kapag inasar ko sya.
Ang weird weird nya ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top