Kabanata 54
Gummy Bear.
Gummy Bear: Hi Beautiful 😍
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensahe sa facebook messenger ko. Madaling araw pa pala ito pinadala. Nag-alala tuloy ako na baka psychopath ito si Gummy Bear.
Ako: Who are you?
Gummy Bear: Gummy Bear 🐻🐻🐻
Ang bilis namang magreply. Hindi ba sya nakatulog? Hindi ko pinansin ang mensahe nyang yon. Malamang hindi ko sya kilala. Habang nag-aalmulsal ay binalikan ko ang profile ni Gaelan. Nagulat na lang ako at nakakita na ako ng mga litrato nya doon kahit hindi pa nya ako ina-aadd. I think the photos were set to public.
It was taken from a club, may hawak na shot glass si Gaelan sa kanyang kamay at may kuhang litrato kasama ang ilang mga foreigner. Mukhang malamig kung nasaan man sya ngayon. He's wearing a black winter jacket but he's all smiles. Yung profile picture naman nya ay naka-turtle neck sya.
Aba mukhang nageenjoy sya kung nasaan sya ha.
Inisa isa ko ang litrato. Mukhang mga kaibigan nya. Napahinto ako sa pag-scroll ng makita ko sa isang litratong may katabing babae na may hawak ding inumin na kagaya nya. Magkatabi sila ni Gaelan sa litrato at nakahawak si Gaelan sa bewang nito. The girl has a black wavy hair, payat ito at matangkad.
"Sus, mas maganda ka pa sa girl." Napatingin ako sa tabi ko na si Sam. Kumakagat sya ng saging at nakatingin pala sa ipad ko. Huli na para itago kung ano ang pinagmamasdan ko. Namula tuloy ang pisngi ko.
"T-talaga?" Nag-aalangan na tanong ko.
"Aba oo naman. Makikita mo, aayusan kita bago ka pumasok tapos iupload mo din para makita ni Gaelan. Tingnan natin kung hindi sya mag-drool over your gorgeousness." Buong kumpiyansa nyang sabi.
Bumagsak ang balikat ko.
"Hindi naman nya ako ina-add eh." Nakapag-upload sya ng litrato pero hindi nya ako ina-add. Galit pa din talaga sya.
"Pakipot talaga yan si Baby Boy, parehas ng isa dyan." Ani Sam na nagpaparinig na naman kay Kuya Gilad, then Kuya Gilad kissed her on the cheek. I wonder what happened to this two. Hindi pa sila nakakapagkwento ng love story nila. Feeling ko naka-jackpot si Sam dahil matagal na nyang gusto si Kuya kaya lang sa turingan nila ngayon, parang si Kuya Gilad ang masayang masaya.
Nasunod ang gusto ni Sam pagkatapos naming kumain. Sya ang pumili ng isusuot ko ngayong araw. Isang navy blue dress na tinernuhan ng puting blazer at nilagyan pa nya ako ng manipis na make-up. Medyo nailang ako sa itsura, masyado namang takaw-pansin. Normally I just go for slacks and polo blouse, mas madali kasing gumalaw kapag ganon.
"Hindi ba masyadong maigsi ito, Sam?" Tanong ko.
"Ano ka ba? Hindi! May sasakyan ka naman. O dito tayo sa terrace mo, against your glass door. Pipicture-an kita."
Hinila ako ni Sam papalabas ng terrace ko at sinarhan nga ang aking glass door. She asked me to mimic her pose.
"H-ha? Ganito?" Tanong ko kay Sam na hindi sigurado.
"Tingin ka sa gilid mo, para kunyari stolen. Yan! That's it!" Ginawa ko ang gusto ng sister in law ko hanggang sa masiyahan sya, sya na din ang nagupload sa facebook ko.
"My God! Ang ganda ganda mo!" Tuwang tuwa si Sam habang ibinabalik sa akin ang ipad ko. Tiningnan ko ang kuha ko doon. Maayos naman. Agad na tumunog ang ipad ko dahil sa isang notification.
❤️ Gummy Bear reacted on your photo.
Aba't hindi lang like ang ginawa ni Gummy Bear, puso talaga? Sino kaya ito?
Sa mga sumunod na araw, talagang nahumaling na ako sa facebook dahil kay naghahanap ako ng update kay Gaelan, hindi naman ako nabibigo dahil madalas ay meron, naka-public pa. Kaya lang may makulit sa Facebook ko. Kahit hindi ko nirereplyan si Gummy Bear, panay ang padala nya ng mensahe. Nauuna pa syang mag-lagay ng heart sign sa mga litrato ko o di kaya ay kay Rigo. Minsan ay nagcocomment pa sya ng ❤️❤️❤️ na parang nabitin pa sa pagpu-puso nya.
Gummy Bear: Good morning! 😘
Isang ordinaryong araw sa Ahmed Corporate Center ng bigla na namang magmessage si Gummy Bear habang patuloy ang pag-stalk ko sa profile ni Gaelan. Ngayon ay mayroong litrato si Gaelan habang nagjo-jogging at nakasuot ng earphones. Mukhang relax na relax sya ngayon. He must been so stressed the past years, I bet.
Tumunog ulit ang messenger ko.
Gummy Bear: Mas maganda ka pa sa umaga 👍🏻
Napalinga-linga pa ako at tiningnan ang paligid. Hindi kaya stalker itong si Gummy Bear?
Ako: Sino ka ba?
Gummy Bear: 😭😭😭 Nagreply ka 😢😢😢
Ako: Sino ka nga?
Gummy Bear: Im Gummy but you can call me Mine if you want.
Napataas ang aking kilay. Ibang klase naman to si Gummy Bear, masyadong mabilis. Hindi ko na ulit sya pinansin. Bumalik ako sa profile ni Gaelan at nilibang ang aking sarili sa pagtingin sa kanyang litrato.
Ilang beses kong ni-zoom in at ni-zoom out ang picture nya. Kulang nalang mabilang ko ang butil ng pawis sa mukha nya. Namimiss ko na sya. Dati ang lapit lapit nya ngayon ang layo nya na. Parang okay naman sya kapag malayo sya. Hindi nya ba talaga kami namimiss ni Rigo?
Ni-refresh ko ang facebook profile nya at nakita kong may bago syang upload na litrato. Plato na may lamang fried chicken at mashed potato. May caption ito na 'Dinner. Kain ka na 😊'
Ilang linggo na ang nakakaraan ng mapagtanto ko na nasa ibang bansa sya, magkabaliktad ang oras namin eh.
Sino naman kaya ang kinakausap nya? Hindi ko naman alam na ganito pala sya ka-active sa facebook. Bawat pagkilos nya lagi nyang kinukunan ng litrato. Kagaya ng pagkain nya, may litrato pa, ang daming likes at comments kahit wala naman sya doon sa plato.
Kinuha ko ang apple na baon ko. Nauna na namang kumain si Mishel at Kuya Ahmed, dala pa nila si Rigo kaya mag-isa na naman akong kakain. I took a picture of the apple and captioned it 'Lunch 🍎🍎🍎'
Kinagat ko ang apple at tumunog agad ang notification ko.
Gummy Bear: Bakit yan lang ang kinakain mo? ☹️☹️☹️
Ako: Why so concerned?
May sarkasmo ang reply kong yon pero mukhang sineryoso ni Gummy.
Gummy Bear: Oo naman, Maria. Kain ka ng rice saka ulam 🍖🍖🍖
Ako: Thanks Gummy! Kumain ka na?
Hindi agad nagreply si Gummy Bear, nag-indulge na lang ako sa apple na baon ko habang iniintay ang reply nya.
Gummy Bear: Sorry, kumain lang ako..
May kumatok sa pinto ng opisina at bumungad doon si Agent Neto na parang nahihiya. Umayos ako sa pagkakaupo.
"Agent? Yes?" Pinormalan ko ang aking mukha.
"Young Maiden, lunch po.. Napadami kasi yung order ko kanina." Aniya. Nilagay ni Agent Neto sa lamesa ko ang isang food box na mayroong rice at steak. Napakagarbo naman kumain ni Agent Neto, may pa-steak steak pa sa tanghali.
"T-thank you.." Sabi ko kahit nag-aalangan.
Hinarap ko muli ang paperworks sa aking lamesa. I am assigned to the construction of new branches of Ahmed. Medyo sumasakit ang ulo ko sa budgeting. Kahit high quality dapat ay makakatipid pa din kami sa cost dahil depreciating asset ang building. Hindi makakadagdag sa kita kung hindi ay isang agaran at malaking gastos.
Gummy Bear: Kumain ka na bukod sa apple? 😊
Napatingin ako sa pagkain sa aking harapan. Kinuha ko yon at binuksan. Ginutom agad ako sa amoy ng char grilled steak. Buti ipinaalala sa akin ni Gummy Bear.
Ako: Eating...
Gummy Bear: Eat well 😘
Napakamaalalahanin naman ni Gummy Bear.. Days went on at naging ganoon ang pangyayari. Dumadami na din ang nagiging friends ko sa facebook at patuloy pa din ako pag-stalk sa profile ni Gaelan na hindi man lang ako ina-add.
Kaya lang ngayon, nalulungkot ako. Kasi nagpost sya ng picture na naglalakad sya sa park. Tapos kasama nya ulit doon sa picture yung babaeng kasama nya sa bar. This time, magka-terno pa sila ng tshirt. Nasaktan ako. Gabi na pero binalot ako ng lungkot. Hindi tuloy ako nakatulog.
Ilang ulit kong ni-scroll yung Facebook Newsfeed ko pero paulit ulit ko namang nakikita yung litrato. Hanggang sa mapadaan ako sa post ni Gummy Bear. Pinanood ko ang video na ni-share nya tungkol sa isang cute na baby na pinipigilan ang antok. Sinubukan kong i-click ang profile ni Gummy Bear. Try ko naman kaya ang iba ang i-stalk para may pakinabang ang Facebook ko.
I went to Gummy Bear's timeline. Mostly only shared funny videos at madalas tungkol sa baby. Mahilig ata sya sa bata. No information about him though. At ako lang ang facebook friend nya! Kaya pala ako ang kinukulit eh. Isusuggest ko talaga na mag-add sya ng ibang kaibigan para may makausap sya. Ako kasi hindi ko kailangan ng kausap..
Ngayon lang..
Ako: Gummy bear...
Hindi ko alam kung bakit sya ang naisipan kong imessage. Naramdaman ko kasing mas kailangan kong kumausap ng hindi ko kakilala. Minsan kasi, kung sino pa ang hindi mo kakilala, yun pa ang iintindi sayo, o di kaya may mas magandang ipapayo sayo kasi hindi ka nya kilala, hindi nya kailangang magingat sa sasabihin nya kasi hindi mo naman sya pupwedeng awayin kasi hindi kayo close.
Gummy Bear: First time. Ikaw unang nagmessage.. 🤗
Pero parang weird naman kung mag-oopen up ako kay Gummy Bear.
Ako: Wala lang 🙂 Goodnight.
Gummy Bear: May problema?
I sighed. Nahulaan nya agad? Syempre, maiisip nya yon. Ngayon lang naman ako naunang mag-message sa kanya eh. I decided to tap a reply.
Ako: Wala. Malungkot lang ako.
Gummy Bear: Why?
Ako: Selos :(
Hindi agad nagreply si Gummy Bear, nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya. Akala nya siguro nababaliw na ako o di kaya desperada.
Ako: Ang weird ko! Sorry! Goodnight! Thanks Gummy Bear.
Gummy Bear: Wait..
Hindi ko na sya nireplyan. Bumalik ako sa profile ni Gaelan at pumikitg ng mariin. Sinubukan kong balikan ang post nyang litrato. Pagclick ko nung picture nila nung babae, biglang nawala.
'Post unavailable'
Ni-refresh ko yung facebook page ni Gaelan pero wala na talaga ang litrato at nakita kong nagpost sya ng status 1 minute ago.
'"Matulog ka na. Mahal ka non."
Parang may kumurot sa puso ko.
Gusto kong isipin na para sa akin ang post nyang yon pero parang hindi naman. Bakit naman sya magpopost ng ganon?
At saka ito nga oh, ang daming naglike saka nag-comment. Siguro mayroon syang kausap o ka-chat na pinatutungkulan nya ng post nya. Close siguro sila non. Napupuyat siguro sya habang kausap yon. Samantalang ako...
"Matulog ka na. Mahal ka non."
Binasa ko na lang ulit ang post nya. Iniisip ko na mahal pa din ako ng iniisip ko.
With that thought, I fell asleep.
I woke up feeling light. Nagising ako sa pagyakap sa akin ni Rigo tapos kinakagat nya ang pisngi ko. Nag-ngingipin na kasi sya.
"Good morning Baby! Inaantay mo akong magising?" I asked. Tumawa si Rigo. Kinuha ko ang ipad ko at agad kaming nagpicture. I post it right away captioned as 'Good Morning from the Florescas 👩🏻👶🏻'
Agad na tumunog ang notification ko sa ipad. Alam ko na agad kung sino yon.
❤️ Gummy Bear Reacted on your photo
Gummy Bear Commented on your photo 'Kulang ng Daddy 👪'
Feeling close talaga to si Gummy Bear. I ignored the comment and prepared a milk for Rigo. Nilagay ko muna sya sa crib nya. Kadalasan ay nakakalimutan ko na syang ilagay sa crib nya dahil nakakatuwa syang katabi. Behave sya at hindi madalas manggising.
Tumunog muli ang notification ng ipad ko. I checked it and I saw Francis commented. Isa sa kaklase ko sa Keio.
Francis Guerrero: Ganda ni Mommy 😛
Napangiti ako. Tumunog muli ang ipad ko at nakitang magcomment muli si Gummy Bear. It is a reply comment to Francis.
Gummy Bear: 😠😠😠😡😡😡
Ano ba itong si Gummy Bear? Mang-aaway pa ata. I deleted his reply before Francis can view it.
Tumunog naman ang messenger ko.
Francis Guerrero: Did you report my comment? Did I offend you? Sorry 😩😩😩
Ako: What? I did not...
Binalikan ko ang comment box at wala na din doon ang comment ni Francis. What is happening?
Ako: Facebook glitch maybe. Good morning Francis! 😉
Naghanda na ako pagpasok sa opisina. Ngayon ay naiiwan ko na si Rigo sa bahay kahit papaano. Si Mishel pa din ang tumitingin sa kanya kaya lang noong nagsimula ang pasukan, madalas na syang wala sa mansyon. Daddy assigned a Yaya and a nurse for Rigo. Nakakatuwa. Namiss ata ni Mommy at Daddy ang may Baby sa bahay kasi kung ano ano ang binibigay kay Rigo.
And yes, this is one of the days that I have to leave him at home. 80% na kasi ang construction project namin, next month I will start talking to suppliers for the actual construction. Inihahanda ko na ang sarili ko sa stress.
Tuwing umaga ay nasa opisina ako at kapag sa gabi naman ay nagtutungo ako sa coffee shop para magbasa ng libro. I am so exhausted and I think I need this to keep me going. Ipinagpapasalamat ko nga na dumating si Rigo sa akin, kahit papaano ay nalilibang ako. Naiinggit nga lang ako kasi minsan gusto ko ding maging Baby.
Habang nagbabasa ako, tumunog na naman ang ipad ko, hindi ko sana papansinin kasi si Gummy Bear na naman yan. Kaya lang wala syang tigil sa pagtunog.
Ako: Yes?
Masungit na reply ko sa mensahe ni Gummy Bear. Napatingin ako sa orasan ko at saka ko lang napansin that I stayed in the coffee shop and it is almost midnight! Kawawa naman si Agent Neto sa labas ng coffee shop.
Gummy Bear: Can't sleep :(
Ako: Bakit naman? Matulog ka na, mahal ka non.
Naalala ko naman bigla ang post ni Gaelan, effective yun eh, nakatulog ako.
Gummy Bear: TALAGA!!! Alright. Goodnight!
Natawa ako at inayos na ang libro na nasa harapan ko.
Gummy Bear: I still can't sleep.
Ako: Why?
Gummy Bear: Jetlag.
Doon ko napagtanto na nasa ibang bansa pala sya nung kausap ko sya dati. Eh bakit kung makaasta sya para kaming parehas ng oras.
Niloloko naman ata ako nito eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top