Kabanata 53



Maki Say's: Walang SPG ang story na to. This is a Teen Fiction. I do not support teen sex. My mission is to enlighten young people nowadays that True Love can wait. Yes, we may all make wrong decisions BUT don't make it as an excuse. Lagi pa din nating piliin ang tama. Lagi pa din tayo maging mabuti at masunuring anak. Hindi cool ang mainlove ng murang edad, kung hindi man ito maiwasan, wag na wag nyong kakalimutan ang limitasyon ninyo. ☝🏻️

Aside from that, si Maria ay hango sa katauhan at sa pangalan ng Lola ko, hindi pang-espigee sa aking imahinasyon.

Facebook.


"Heather.." Tumuwid sya ng pagkakaupo mula doon sa sofa ng sitting room sa private office namin ni Kuya.

She's wearing a jeans and plain black shirt. Nakapusod ang buhok nya at kapansin pansin ang pagbagsak ng katawan. It was just two weeks since I last saw her, it is very evident that she's gone through a lot.

Luminga linga sya sa paligid. I realized she wants to talk privately. Inaya ko sya sa smoking area ng opisina, isang maliit na pinto mula sa sitting room ay ang bakanteng space na napapaliguran ng bermuda grass at halaman. The city view can be appreaciated from here. Nasa pinakatuktok kasi ang private office namin ni Kuya kasama ng board at conference room.

"Maraming salamat at pinagbigyan mo ako.." Pormal na sambit ni Heather. Yakap yakap nya ang kanyang sarili na nakatanaw sa matatayog na buildings ng Makati pagkatapos ay ibinalik nya ang kanyang tingin sa akin. "We never really talked. Maybe because you hated me before--"

"Heather, I do not hate you. I tried to understand your friendship with Gaelan pero kahit kailan hindi kita kinasuklaman." Wika ko. She smiled sadly.

"Well, I hate you. So much." Pagdidiin niya, kitang kita ko ang pangingilid ng kanyang luha. Maybe there's so much hate in there that she wants to cry.

"Bata pa lang kayo, kilala ko na ang pamilya nyo. Kayo ang bukambibig ni Mommy. That we should be better than Helga's children. I tried, so hard. Akala ko makukuntento na sya doon but she didn't. Noong nakita kita sa Keio.. I thought, wow, small world. Umangat ka ng husto sa paningin ko dahil isa kang Floresca at boyfriend mo si Gaelan."

"Hindi ko pinaalam kay Mommy na nakakasalamuha kita. Although I think, she knows. I want to fight fair. Sinubukan kong makipagkumpetensya sayo pero lagi lang akong bigo. Sugatan. Kasi ikaw ang laging binabanggit ni Gaelan tuwing magkasama kami. How amazing you are. Kung gaano ka kabait. Gaano mo sya napapasaya. Nung umalis ako nung bata kami, wala ka pa eh. Pagbalik ko, sayo na sya.. I hated you to bits. Wala palang iniiwan ang mababalikan kung paano sya dati." Ngumiti sya ng mapait.

Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman nya. I really thought she was the confident one before. Mas nakakalamang sya, mas kilala nya si Gaelan. She's been exposed to the world I wanted to have.

"Ipinagpasalamat ko ng umalis ka. Sa wakas mapapansin na ulit ako ni Gael. Pero sandali lang yon, dahil alam mo ba.. Lagi ka nyang pinupuntahan. Sa Cebu, sa Venice, kasama mo sya. Baliw din kasi yung isang yon. Hindi ko alam na ganoon pala sya magmahal." Tumawa ng pagak si Heather habang pinupunasan ang luha.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Binanggit ni Gaelan ang Venice pero ang pagtungo ko sa Cebu nung araw na iyon ay hindi ny sinabi. Paano nya iyon nalaman?

"Gaelan is exceptional. Sya lang ang iniwan na pwedeng pwede mong balikan. He did not even move. Well, he's the crazy one who loved you from a far. He is really, really crazy about you. Nakakainis, pero sinabi nyang ikaw daw talaga. Ikaw lang. Well, I guess I have to let him go. Ayokong maging kagaya ni Mommy. Gaelan is sticking dahil naawa sya sa akin. Nakita mo naman kung paano sya maawa sa akin. He spared me from your family's wrath."

"Heather, hindi ko alam kung bakit sinasabi mo ang mga ito although I also think that you should have a second chance, ang galit ng magulang mo ay hindi mo dapat pagdusahan. It was not your decision after all." Pagsasabi ko ng totoo.

"I know nagalit ka kay Gaelan. Ria, kaya ako nandoon sa Sta. Monica para balaan kayo. Gaelan knew that. Kinausap ko sya para lumayo na kayo dahil paparating na ang tauhan ni Mommy. Medyo nahuli lang ako dahil iba ang araw na sinabi sa akin ni Mommy kung kailan isasagawa ang plano. Mom doubted my loyalty. Inisip nyang sasabihan ko si Gaelan, at tama sya. Hindi ko na kaya ang kabaliwan ni Mommy."  Naging mabilis ang paghinga ni Heather, bumakas ang hinanakit sa maamo nyang mukha. Gusto ko syang lapitan pero ayokong isipin na nagtitiwala ako ng husto. Napahamak na kami dahil sa sobrang tiwala.

"Im sorry Heather but I don't know what to believe anymore."

Heather nodded and looked at me intently.

"For a girl who's honestly saying that she hates you and for a girl who's letting go her love of her life for you, why would I lie? Gaelan has done so much for me as a friend and this is the least that I could do. He loves you. Wag mo sanang sayangin yon." Tinapik ako ni Heather sa balikat. Pagkakataon ko naman para mahulog sa malalim na pag-iisip. Hinayaan kong hanginin ang buhok ko sa pinakamataas na parte ng aming opisina, imagining Gaelan's face when we were young. How did he do the impossible? Ni hindi ko man lang nakita.

Umalis din si Heather pagkatapos ng pag-uusap namin na yon. Naiwan ako sa pag-iisip. Now I really have to apologize to Gaelan. Kaso saan ko naman sya hahanapin? Hindi nga sya nagpapakita.

A part of me hurts. Hinawakan ko ang maliit na kamay ng natutulog si Rigo. Hindi ba nya namimiss si Rigo? Kahit si Rigo na lang.

Mayroon namang rason para bumalik sya at hindi ako iwasan, bakit wala sya ngayon?

I sighed. Yung Gaelan talaga na yun! Mahilig magtago.

As days passed by, my guilt intensified. Habang pinagmamasdan ko ang mga damit ni Rigo na pinamili ni Gaelan bumuhos ang alaala namin sa isla.He liked blue and green. Gusto nya daw kasi magmana sa kanya si Rigo.

But I pushed him away.

Tiniklop ko ang huling damit ni Rigo na pinalabhan ko. I want to personally organize it for him lalo na at weekend naman. Nandito ako sa living room habang inaasikaso ang mga damit.

"Ahm? excuse me.." Sambit ko ng mapadaan si Agent Neto sa aking harapan. Agad syang tumigil sa paglalakad at lumapit sa akin.

"Yes Young Maiden?"

"S-si ano ba.. Si-- ano.."

Nagtaas ng kilay si Agent Neto dahil sa pagkakandautal utal ko. Ask now, Maria. There's no one to ask!

"S-si A-agent Ancheta ba, s-sa iba naka-assign?" Fine! I've said it.

"Agent Ancheta? Brianna or Gaelan?" Kunot noong tanong ni Agent Neto. Then he's making it hard for me huh? I have to be specific now?

"G-gaelan.."

"Oh? I haven't seen Brie and Gaelan in our headquarters for quite sometime now."

Ayun naman pala. Parehas naman palang hindi nagpapakita ang dalawang Ancheta. Why does he need to ask someone in particular?

Bumalik ang tingin ko kay Agent Neto at may mapanuksong ngiti sya. Tinaasan ko sya ng kilay at nag-iwas sya ng tingin. Tumuwid ako ng upo.

"Okay. Thanks." I said.

"Young Maiden, kapag nakita ko ba si Agent Gaelan Ancheta, should I tell him, hinahanap mo sya?" Magalang na tanong nya but I can sense humor in it. Kumunot ang noo ko.

"No. That is just a plain question Agent Neto." Tumayo na ako at binitbit ang mga damit ni Rigo sa aming kwarto.

Naabutan ko si Mishel, Rigo at Kuya Ahmed doon sa kwarto ko. Masama ang tingin ni Kuya Ahmed kay Mishel habang kinakantahan ni Mishel si Rigo. Galit na galit talaga sya kay Mishel.

"May tatlong bibe akong nakita! Mataba! Mapayat! Mga Bibe!!.." Magiliw na kanta ni Mishel. Panay naman ang indak ni Rigo na hindi na mapigilan ang pagtaba.

"Can you stop singing that song?" Narinig ko si Kuya Ahmed habang naglalagay ako ng damit sa cabinet.

"May tatlong bibe akong nakita! Si Ahmed! Mapayat! Mukhang bibe!" Kanta ni Mishel. Hindi ko mapigilan ang matawa.

"You're fired!" Masungit na sigaw ni Kuya Ahmed.

"Oops! May klase pa ako!" Nagpanggap si Mishel na walang naririnig at tumayo na.

"Bye Rigo. Bye Miss Ria!" Maligayang paalam nito at mabilis na lumabas ng pinto. I can't help but to chuckle.

"Tingnan mo ang isang yon." Naiiling na sabi ni  Kuya Ahmed.

"Bakit ba galit na galit ka kay Mishel? Di ba dati kalaro mo yun?" Paalala ko sa kanya. Tuwing bakasyon kasi dinadala ni Mama Buding si Mishel sa bahay at naalala kong silang dalawa ni Kuya Ahmed, pati Sam ang close dahil bata pa ako noon.

"Playmates? She's a bully. Hanggang ngayon bully pa din!"

"Nabubully ang CEO ng Ahmed Malls ng isang college student?" I asked in sarcasm.

"Hindi ko lang pinapatulan dahil babae." Umismid si Kuya Ahmed at kinuha si Rigo mula doon sa mat.

"Pahiram muna kay Rigo, pasyal ko muna." Isiniksik ni Kuya Ahmed si Rigo sa kanyang baby carrier na nakapwesto sa kanyang dibdib. May sarili talaga syang baby carrier para kay Rigo dahil masyado syang magiliw dito. Well at least may father figure sya kahit wala si Gaelan.

Gaelan.

Gaelan.

Stop it Ria. Kung gusto nyang magpakita, makikita mo sya.

Kaya lang paano kung hindi na kahit kailan? Paano kung napagod na syang kausapin ako?

Basta magso-sorry pa din ako. Dapat magpasalamat pa din ako. Gagawa ako ng paraan.

At ang paraan na yon..

"Hello?"

Tumikhim ako habang pumupulot ng lakas ng loob.

"Hello?"

"Yuyu.. Galit ka pa?" Napa-facepalm ako sa tanong ko. Ako ang galit nung huli naming pag-uusap. Ano bang klase ang tanong kong yon?

"Ria.." Sumeryoso ang boses ni Yuki.

"Sorry na Yuki.. Im so sorry.."

"Hindi ako galit. Nagbakasyon lang ako habang nagpapagaling. Kamusta?" Kaswal na tanong nya.

"Are you okay now? Magaling na ang sugat mo?"

"Well, yeah. Kind of." He answered.

"Where are you?"

"Need someone to talk to?" Nabasa nya agad ang nasa isip ko.

"Well, yeah. Kind of."

Mabilis akong nagshower para makipagkita ng personal kay Yuki. We both decided to see each other in a coffee shop near our village. Nagpahatid ako kay Agent Neto. I cannot afford to be stubborn again, ever.

Nakita ko si Yuki na nagiintay doon at nagkakape. Malikot ang mga mata nya at panay ang tingin sa magagandang babae. Pasalamat sya at singkit sya kaya hindi masyadong halata. Sanay na lang kasi ako at kilalang kilala na sya.

"Yuki!" Kumaway ako sa kanyang harapan. Parang nagulat pa sya pagkakita sa akin.

"Akala ko chicks na." Nadidismaya nyang sabi. Umismid ako habang umuupo sa kanyang harapan.

"Anong atin?" Yuki asked.

"May itatanong ako."

"Fire." He slouched in his chair while checking out someone in high waisted shorts and spaghetti strap.

"Nasaan si Gaelan?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik.

"Sana tinext mo na lang ako." Napangisi si Yuki.

"So you know where he is?" Bumangon ang pag-asa sa akin.

"No. Kaya nga sana itinext mo na lang ako."

Nawalan na ako agad ng pag-asa. Hindi man lang ba sya nagpaalam kay Yuki? Ipinagtatanggol sya ni Yuki nung isang araw. Dapat ay binigyan man lang nya ito ng courtesy kung bigla syang mawawala. They are close friends after all.

"Tingin mo.. Bakit  sya biglang nawala? Hindi na ba sya magpapakita? Galit ba sya sa akin? Hindi kaya--"

"Alam mo bang may gusto ako sayo?" Ani Yuki na syang nagpatahimik sa akin. He looks so cool in saying that samantalang muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko.

"Gusto kita. Gusto kitang maging girlfriend, tawaging Baby, gusto kitang alagaan, mahalin, gusto kita." Yuki smiled and but his face remained serious. "At hindi dahil hindi mo ako gusto kaya hindi ko sinubukan, hindi ako sumubok at hinding hindi ako susubok dahil mahal ka ni Gaelan. Sa paraang sya lang ang makakagawa."

Napasinghap ako. Tinitingnan ko lang ang mukha ni Yuki. Kahit ilang taon lang kami magkasama, pakiramdam ko, dinesenyo sya sa buhay ko para maging masaya ako but not in a romantic way.. Kaya hindi ko alam kung ano ang masasabi ko.

"I knew you were in Cebu.. I was there because he asked me to be there. I was in Venice because he asked me to be there. I was a friend because--"

"He asked you to be my friend?"

"No. I was a friend because that's the closest that I could go."

Ang guilt na nararamdaman ko nung nakaraang araw, mas lalo lang nadagdagan. He asked Yuki for my needs! How awful and crazy was that? Hindi ko naramdaman na mag-isa ako dahil nandyan si Yuki and it was Gaelan's idea?

"Madami syang isinakripisyo higit sa inaakala
mo. Kahit sa mga sakripisyo nyang yon, minsan, ako na ang tumututol dahil alam kong nasasaktan ka na but in the end, I'll realize that he's right. Mukha nga lang gago pero tama sya. Kung lumayo sya sayo ngayon baka tama din sya."

"What?" Hindi ko naman ata matatanggap yon! Pagkatapos ng mala-superhero na paglalarawan ni Heather at Yuki sa kanya, then he'll be gone? Nasaan na ba kasi sya? Nagsawa na ba sya sa lahat ng yon? Bakit ngayon pa? Bakit ba kasi hindi nya pinaliwanag noon?

Or maybe..

He said it but I did not believe him. I didn't trust him enough. Mas nakinig ako sa maliit na boses na nasa loob ko. Mas nakinig ako sa sakit na naramdaman ko. Nagpabulag ako at tumanggi na makakita dahil nasaktan ako.

"Antayin mo na lang, kagaya ng pag-iintay nya sayo." Habilin ni Yuki. Ngumiti sya pero hindi umabot sa mata, gayunpaman, I smiled back.

"Thanks for being a friend Yuki. I appreciate it." Hinaplos ko ang ibabaw ng palad nya. Ngumiti sya ng malapad dahil doon, halos mawala ang mga mata nya.

"No need to say thanks. Bayad ako ni Gaelan." Buong confidence na sabi nya.

"Ano?!"

"Kidding! Sisimangot ka na agad. I just want you to know that I am always here. No matter what." He said cheerfully.

"And you will move on?" Paniniyak ko.

"Magdadasal ako kay Taylor Swift, Patroness of Moving on." Yuki said.

"Sira ka talaga! Kay Saint Dwynwen ka manghingi ng intercession." Seryoso kong suhestyon. Sumabog naman ang napakalakas na tawa mula kay Yuki. Nainsulto na nga ako kasi nakahawak pa sya sa tyan nya sa sobrang ligaya at halos maiyak pa!

"I don't know. Si Gaelan lang ata ang magtyatyaga sa ka-weirduhan mo Ria. Sa kanya ka na nga lang!"

Nalukot ang mukha ko. Ngayon naman ay direkta nya akong tinatawag na weirdo.

Umuwi na ako pagkatapos naming magkape ni Yuki. Gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi nya. Yuki's choices are by far the best, he will never break your heart. Swerte ang mamahalin nya. Hindi masakit.

Samantalang si Gaelan..

Si Gaelan ay parang isang produkto, kailangang ibang tao pa ang magbenta sa kanya pra makumbinsi ka because he will never do that to himself.

At ngayon nga ay hinahanap hanap na sya ng sistema ko. After what I learned, nabura na lahat ng tampo ko noong pinalaya nya ako noon. But I wish he could just have said so. He could just have stayed in light rather than in darkness. Paano pala kung mapagsamantala si Yuki? Manonood na lang sya? He will just watch me fall inlove from a far?

Eh mas weirdo pala sya sa akin..

"Miss Ria.." tiningnan ko si Mishel sa aking gilid. Naka-indian sit sya sa aking kama habang inaantay matulog si Rigo. Naglalaro pa kasi si Rigo ng pasalubong ni Mishel na baby rattle.

"Mishel, Ria na nga lang.. Sooner or later you will not be working for me. Kapag nakagraduate ka na, you will be working for Kuya Ahmed." Panunukso ko at pinipigilang matawa.

"Ay hindi yon ang pangarap ko! Mas gugustuhin ko pang maging accountant ng Abu Sayaff kaysa magtrabaho kay Ahmed! Sungit sungit nyan."

"What did you do to make him mad like that?" Natatawang tanong ko. Noong dumating naman si Mishel dito, civil ang tunguhan nila.

"Kinamusta ko lang naman sya.. Tapos dahil nabalitaan ko na madami syang naging girlfriend dahil lagi syang pumapayag, tinanong ko sya kung pwede nya ba ako maging girlfriend. Aba nagalit! Choosy pala!" Naiiling na kwento ni Mishel. Napakunot ang noo ko.

Hindi kailanman tumanggi si Kuya Ahmed na makipag-girlfriend kahit kanino. Pinauunlakan nya ang lahat. Bakit kay Mishel ay ayaw nya?

Hindi nya ba type ang mga babaeng morena?

But Mishel is very pretty. Aside from her tanned skin, pantay pantay ang mapuputi nyang ngipin, she has small dimples in both cheeks and her eyes are very expressive. She could pass as a fashion model, I would say.

"Itatanong ko lang sana kung may facebook ka?" Ani Mishel habang pumipindot sa bago nyang ipad na iniregalo ni Sam.

"Facebook? Social networking site yan hindi ba?"

"Hello, oo! Don't tell me wala?" Nanlalaki pa ang mata ni Mishel.

Umiling ako na mas lalo nyang ikinadismaya.

"Sige, gawa tayo. Sayang ito. Pupwede kang makibalita sa mga kaibigan mong naglaho na parang bula."

"Ganoon ba?" Isang ideya ang pumasok sa aking isip. Ibig sabihin ay maari akong makibalita kay Gaelan?

Inilagay ni Mishel ang mga detalyeng kailangan ko. Buong pangalan ko, ang trabaho at iba pang general information na pupwede sa facebook.

"And ang huli... Profile picture. Dito ka, smile ka!"

Alanganin akong pumwesto sa headboard ng aking kama.

"S-sandali, pupwede ko bang isama si Rigo?"

"Of course!" Dali daling kinuha ni Mishel si Rigo at ibinigay sa akin. "Dahil ayaw mo pang matulog babylove, picture picture muna tayo."

Ilang beses kaming kinunan ni Mishel habang yakap yakap ko si Rigo. Wala namang humpay si Rigo kakatawa kay Mishel kaya ang ganda ganda ng kuha nya. Ito ang unang beses na nagpicture kaming dalawa. Nakakatuwa ang pakiramdam.

"Uploaded!" Pagkatapos naming pumili ng litrato, nag-upload na si Mishel ng litrato. Sinubukan din i-log in ni Mishel sa Ipad ko ang facebook account ko pagkatapos ay in-add nya ako. Ininvite nya din ang mga Kuya ko, si Selene, si Yuki, si Regine, si Mercy at Imang.

Isa isang nagconfirm ang mga ito. Si Selene ay nagmessage pa.

Selene: May anak agad!

Napangiti ako sa mensahe ni Selene.

Ako: Oo. Mahabang kwento. I will visit you one day.

Tulog na si Rigo sa kanyang crib, gising pa din ako. Walang sawa akong tumingin sa facebook ng mga kapatid ko, particularly kay Kuya Gilad. Ang dami ko palang nalagpasang event sa buhay nila. Pinagsisihan ko tuloy ang paglayo ko ng matagal.

Nang magsawa ako, naalala ko ang isang bagay.

I went to the search engine of my facebook. Kabado kong tinype ang pangalan nya. Well, susubok lang naman ako. Tiyak na wala namang facebook yon.

Nagulat pa ako sa lumabas na resulta sa search engine.

'Gaelan Blake Ancheta- 4459 Friends'

Weh? Ganoon kadami ang mga kaibigan nya? Pinakatitigan ko ang profile picture nya. It is like he's in other country. Nakangiti sya at nakasuot ng gray na turtleneck sweatshirt.

Asan ka na kaya ngayon?

'Add Friend'

Pagkatapos kong pakatitigan ang litrato nya. Sinubukan kong i-add. Wala kasing makikita sa facebook nya kundi ang profile picture nya. I want to see more of it. Hindi naman siguro nya mamasamain na i-add ko sya. Tutal may pinagsamahan naman kami.

Inantay ko na-i confirm nya ako, pero hindi nya ginawa.

Nawalan tuloy ako ng pag-asa. Pinatay ko na ang lampshade ko at napagdesisyunang matulog na lang ng biglang tumunog ang ipad ko. Nagmadali akong icheck ang notification ko.

'Gummy Bear is adding you as a friend'

Gummy Bear? Sino naman kaya ito? Ang profile picture nya ay isang gummy bear candy, kulay rainbow pa.

Nacute-an ako sa profile picture nya kaya inadd ko na lang tapos natulog na ulit ako na hindi pa din ina-add ni Gaelan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top