Kabanata 51

                  


Unacceptable.


"Won't you say anything?" Pinakatitigan pa ako ni Gaelan na para bang may sasabihin ako sa kanya.

Umiling ako at ilang beses kumurap.

"I kissed you.." He affirmed.

KInabahan ako bigla. Yung puso ko gusto na namang kumawala. 

The magical feeling of a first kiss was there, nakakabingi, nakakapanlamig at nakakakaba. The sensations were outpouring, parang pinupuno ang buong pagkatao ko.

Kaya lang nag-aalala ako.

Paano na ang pangarap ko na ang mapapangasawa ko lang ang hahalik sa akin? Kiss is special! I am not supposed to give it to him lalo na't hindi ko naman sya mapapangasawa.

"A-anong gagawin natin?" I asked dumbfoundedly.

Ngumiti si Gaelan at pinagdaop ang mga palad namin. "You are mine now."

Binawi ko ang kamay ko at sinimangutan sya. "H-hindi ah! Bakit ba ang flirt flirt mo? M-may girlfriend ka. Di ba? Si Heather.. You are cheating and oh my God! Accessory ako sa cheating. You are so bad. T-this is so bad!" Kulang na lang ay mapa-sign of the cross sa kanyang ginawa.

"Maria, hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko kanina? Wala na kami. Kalma ka nga, pwede? Magigising ang mga isda."

Nawalan naman ako ng kulay sa mukha.

"T-talaga? Magigising sila?" Punong puno ako ng pag-aalala. Nakakahiya naman sa mga isda! Si Gaelan kasi!

Nanliit ang mata ni Gaelan at humalakhak. "You are so cute. Basta, tayo na ulit ha." Sambit nya.

Nagulat ako ng husto. Ganoon na lang yon?

"Hindi pa! Nanligaw ka ba? Nanghalik ka lang ah. Madaya ka."

"Why? Do you give your kiss to everyone? Ano na lang ang sasabihin ng mapapangasawa mo kung hindi sya ang unang nakahalik sayo?"

Napalunok ako. May punto sya. Nakakahiya kung sasabihin kong hindi ko sa kanya naibigay ang unang halik ko. Ibig bang sabihin, si Gaelan na din ang dapat na mapangasawa ko? Huminga ako ng malalim saka pumikit.

"Eh di dapat pala si Miss Farrah ang pakasalan mo kasi sya ang una mong halik!" Sigaw ko. Hindi ko alam na may masakit na parte sa puso ko sa pagsasabi ko non. My God, Ria, its been years!

Tiningnan ako ni Gaelan na parang nagpipigil ng tawa ng dahil sa reaksyon ko.

"Hindi naman sya. Hindi ko na maalala kung sino." Mahinahon nyang sabi. Pinanlakihan naman ako ng mata at binato sya ng buhangin sa dibdib.

"Nakakainis ka! Bakit sa akin may rule, sayo wala?"

"Pag inapply ko ang rule na yon sa sarili ko, paano kita papakasalan? It should be now applicable to you so you would marry me. Halika nga dito.." Hinila ako ni Gaelan papalapit sa kanya kaya napasandal ako sa kanyang balikat. "No one else will marry you. I will give you my surname, matapos lang ang lahat ng to." Hinalikan nya ang pisngi ko. Aba! Masyado na syang nakakarami.

"Can we not talk about marriage, Gaelan?"

"A-ayaw mo?" Nag-alala ang mukha nya.

"It is too early, maari pang magbago—"

"Hindi na. You can hold on to my promise this time. Im not letting you go."

The fear of uncertainty. Yun ang nararmdaman ko. It should be a happy feeling, just lik before. Ngayon, natatakot na akong maulit ang dati at pagdaanan ko na naman. Can I really hold on to his words?

This world teach you to hope but how long?

"Hope until your heart beats for it.." Sambit ni Gaelan na parang naririnig ang iniisip ko. 

---

"Saan kayo nanggaling? Hinahanap na kayo ng mga fans nyo." Bitbit ni Brie si Rigo habang nakasilip sa may bintana. Sa tabi nya ay si Yuki na seryoso ang mukha at nagkakape.

Inabot na kami ng umaga ni Gaelan bago muling pumalaot para makauwi. Panay ang ngiti ni Gaelan samantalang ako ay hindi pa din kumbinsido sa pinapasok namin.

"Gaelan, we are officially on a mission." Seryosong sambit ni Yuki ng makaakyat kami sa kubo. Kinuha ko si Rigo mula kay Brie para kamustahin ito. Yumakap agad sa akin si Rigo at napangiti.

"Hindi ako nakakalimot. I just need to secure important matters first." Mariing sabi ni Gaelan.

"Like what?" Tumaas ang kilay ni Yuki. Tumalikod ako dahil masyadong nakakailang ang manyayari.

"My heart." Supladong sagot ni Gaelan. Natapik ko ang aking noo. Sigurado akong magtatanong si Yuki sa akin. He was there. He knows my heartbreaks and sentiments. Ano na lang kaya ang iispin nya kapag pumasok akong muli sa bagay na tinakasan ko limang taon na ang nakakaraan?

Although he never said na nagkamali ako noon. Even so.. Alam nyang nasaktan ako ng husto.

"Puntahan mo si Toshiyo. Paparating na si Hunter para kunin muna si Rigo at Maria." Utos ni Yuki kay Gaelan. Ngayon na pala isasagawa ang plano na

"What? Ayoko, sasama ako. Rigo should come with Hunter pero sasama ako."

"Baby, tama si Yuki, you should go to a safer place." Inakbayan ako ni Gaelan at hinalikan sa noo. Nag-iwas ng tingin si Yuki samantalang si Brie ay ngiting ngiti ng lumapit sa amin.

Hindi pa din ako kumbinsido. Lumapit sa akin si Yuki at hinawakan ako sa braso. Tinitigan nya akong mabuti na parang nangungusap.

"Your family is on their way by now. Napaaga ang kanilang uwi dahil nag-aalala sila sayo. Sya pa din ba ang pipiliin mo?" Bulong ni Yuki sabay bitiw ng matalim na tingin kay Gaelan. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.

"Kayo na ulit? Ha? O my!! Kayo na?"

"Isn't it obvious, Brie? C'mon. Back to work." Tumalikod na si Yuki at nagmartsa papalabas ng kubo. Nagalit ata. I need to talk to him later.

"What? James! I am Nadine! Nakakainis ka naman!" Sinundan sya ni Brie at lumabas na din ng kubo. Nagkatingin kami ni Gaelan, huminga sya ng malalim at niyakap ako mula sa likod.

"Ganoon talaga ang nagmamahalan, maraming kontrabida."

Hinampas ko sya sa braso. "Hindi kontrabida si Yuki, he's just worried about me. Sya ang kasama ko noong mga panahong wala ka."

Umismid si Gaelan, "Nandoon lang sya dahil hinayaan ko. Paano kung hindi? Maghanda ka na, kukunin kayo ni Hunter mamaya."

Labag sa loob kong nag-ayos ng gamit ni Rigo. Tiningnan ko ang paligid ng kubo. I hope we can go back here. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Gaelan sa labas, tumayo ako para silipin. May hawak syang cellphone at may tinatawagan habang nakaupo doon sa bangko sa harapan ng kubo. Nagkatinginan kaming dalawa, kumaway sya sa akin. Napagdesisyunan kong bumaba para kausapin sya.

"Tapos ka na?" He asked.

"Can I sit here with you?"

"Baby, ang clingy mo!" Ngumisi ng husto si Gaelan kaya napasimangot ako. Nagawa pang mang-asar ng isang ito.

Inakbayan ako ni Gaelan at hinalikan sa noo.

Napadako ang tingin ko sa di kalayuan dahil sa isang pamilyar na mukha na titig na titig sa amin.

"Gael.." I whispered.

"Hm?"

"Si Heather yon hindi ba?" Tukoy ko sa isang babaeng nakascarf sa likod ng mga namimili ng banyera ng mga isda, hindi sya umaalis kahit tinitingnan ko na. Nilingon ni Gaelan ang tinitingnan ko. Agad syang tumayo.

"Dito ka lang, titingnan ko." Sambit nya.

Naiwan ako na nakaupo sa bangko ng ilang sandali bago napagdesisyunang balikan si Rigo. Kailangan ko na syang ayusin para nakahanda na sya.

Nakakailang hakbang pa lamang ako sa may hagdanan ng makarinig ako ng putukan sa di kalayuan kasunod ng nakabibinging sigawan. Nag-alala agad ako sa kalagayan ni Gaelan.

Bababa muli ako para tingnan sya ng may humawak sa braso ko.

"FCK!" Tumatakbo si Yuki pabalik ng kubo habang hila hila ako at dumiretso sa may upuang kawayan. Sa ilalim non, kinuha nya ang duffel bag ng mga baril na binitbit nya ng pumunta sya dito.

"Ria, magtago kayo ni Rigo doon sa banyo. Wag kayong lalabas hangga't hindi ako ang kumukuha sa inyo."

Nanginig ang kamay ko at nagmamadaling binitbit si Rigo at ang kanyang baby bag. Sinarhan ni Yuki ang pinto ng kubo at nagmamadaling bumaba.

Tiningnan ko si Rigo na wala man lang kaalam alam sa mga nangyayari, umalpas ang luha sa aking mukha habang mabibigat ang paa na humahakbang para magtago sa banyo. Those people are looking for me!

Nandito ba si Heather para panoorin ang pagkuha sa akin?

Magkakasunod na putok pa ang narinig ko; Napatakip ako ng tenga. Animo'y bagong taon at nagpapaputok sa umaga, mahigpit ang yakap ko kay Rigo sa bawat ingay na yon. Pakiramdam ko napakaraming tao sa labas but there's only Yuki, Brie and Gaelan for me. If they are out numbered they do not have to do this for me.

Ungol at malakas na sigaw ang naririnig ko sa labas. May nasasaktan o may natatamaan. Pakiramdam ko napakabagal ng oras dahil hindi natatapos ang mga iyon. Nag-aalala ako ng husto kina Gaelan, Yuki at Brie.

"Nasaan ang Floresca?!" I heard somebody shouted.

"W-wala dito." Si Yuki.

Mas lalong binayo ang dibdib ko ng sunod sunod na pagkalabog. Yuki seems hurt.

Nasaan si Gaelan?

Sumama ba sya kay Heather? Iniwan nya ako?

"Ilalabas mo o mamamatay ka?" Napapikit ako ng husto. I can just imagine Yuki's face. Hindi na ako nag-isip, binitbit ko si Rigo at iniwan sya sa duyan sa salas. Dahan dahan akong sumilip mula sa bintana na natatakpan ng manipis na kurtina. There I saw Yuki, nakahiga sa buhanginan at may iniindang tama ng bala sa tagiliran.

"Huling tanong Yushima, nasaan si Floresca!" Napatakip ako ng aking bibig ng mapagtanto na isa din sa aming bodyguards ang nagtututok ng baril kay Yuki.

Then it is really true. These people are plotting against my family. Hindi man lang namin napaghalataan!

"Nandito ako!" I revealed myself from the window. Nawalan na ako ng pag-asa na may iba pang dadating para iligtas kami. Pinalibot ko ang aking mata sa buhanginan na napakaraming nakahiga at duguan. Lahat sila ay hindi ko kilala. Yuki fought this far! At sa huli nasaktan din sya.

Kasalanan ko!

"Ria.." Yuki groaned.

Enough. I cannot stand innocent people dying just because of me. Kaibigan ko man o kalaban, wala dapat mamatay. Yun lang ba ang ikasisiya nila? Ang may mawalang anak ni Daddy? That's all?

Alam kong mababaw ang kaligayahan nila and I cannot risk anyone's life anymore.

I hate killings! I hate killers! Tingin ko ay hindi ko nababagay sa mundong ito kung parating ganito ang makikita ko sa paligid ko. Nanginginig ng husto ang katawan ko habang inaalala ang katapusan ko.


This is the end, Ria.


"Papatayin mo ako, Sergeant Viernes?" Dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng kubo.

"Soriano, Herrera, nakita ko na ang target." Sambit ni Sergeant Viernes sa kanyang Bluetooth headset habang hindi iniaalis ang tingin sa akin.

Bumaba ako ng hagdan. "I don't want anyone to get hurt. Please, let my friends go." Kalmante kong sabi, naubos na ang aking kaba. Sigurado na akong wala ng masasaktan pagkatapos nito. Life has been good to me and no one deserves to die for me.

Kung kukunin man ako, handa na ako. To die protecting the people you love must be the most serene death that I could face.

"Young Maiden, trabaho lang ito." Pormal na sambit ni Sergeant Viernes.

"Sergeant Viernes, ayokong may masasaktan." Ulit ko.

"Hindi ka masasaktan kung sasama ka sa amin." Tiningnan ko ang madilim na mata ng aming tauhan. I remembered his eyes when I was seven. Naglalaro ako noon sa library ni Daddy, naalala ko kung paano sya makiusap sa Daddy ko na pahiramin sya ng pera para sa kanyang anak.

"Your son survived cancer." Wika ko. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha. I remember it all. Ang anak nyang may leukemia na nangangailangan ng atensyong medikal. My Dad did not lend him money, instead, he sent a private plane to their province and directed his child to US for treatment.

Matipid na tumango si Sergeant Viernes.

"That's good to hear." I nodded, naramdaman ko ang mainit na likido sa aking mga mata.

In life, to see good in the bad, you have to understand their needs at magiging mapayapa ka dahil sa pang-unawang ibibigay mo.

"Highschool na sya, Young Maiden." Magalang na sambit ni Sergeant Viernes. Mapait akong napangiti.

"Sige, kunin mo na ako." I whispered.

"Ria, no." May pagbabanta ang boses ni Yuki at nararamdaman kong nagpupumilit syang bumangon pero hindi nya magawa. I ignored him. Ito na siguro ang huli naming pagkikita.

"Yuki, stop killing people. You should live a good life. Everyone should stop killing people." Bilin ko kahit ramdam kong may nagbabara sa aking lalamunan.

"Im sorry, I cannot promise you that." Isang boses ang narinig ko kasabay ng mahinang na pagputok ng baril at ang unti unting pagbagsak ni Sergeant Viernes habang ang mata ay nakatingin sa akin. Kasabay non ang pagpatak ng isang luha sa kanyang mga mata.

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat.

"Andrei Viernes ang pangalan nya.. P-pakis-abi patawad. P-patawad Y-young Maiden." Hirap na hirap nyang sabi bago tuluyang mawalan ng malay.

"Gaelan!" I yelled. Napatakip ako ng aking bibig.

"B-akit mo sya pinatay?" Naiiyak na tanong ko.

"Lahat ng mananakit sayo, mamamatay." Gaelan said as he walked near me, embracing me tight in his arms. I can still smell the metallic scent from his gun. Natulala ako ng husto. This is the second time I saw I dead person and the first time I saw Gaelan killed someone. And I am seriously shocked.

Ako lang ba ang nakakaisip na mas mabuting ako na lang ang mamatay kaysa may mga taong mamamatay o papatay ng dahil sa akin?

Sunod sunod na putok ng baril ang umugong sa isang banda ng isla. Sumiksik ako kay Gaelan dahil sa takot. Nang huminto ito, natanawan ko agad ang miyembro ng Yukan'na na tumatakbo papalapit sa amin.

"We are damn late. Fckers." Nakangisi pa si Ice habang tinitingnan si Yuki. "Padating na ang medics, Yuki." Wika nya ng kaswal na kaswal.

"Baby.." Nag-aalala ang boses ni Gaelan habang pilit na pinagmamasdan ang mukha ko.

Humiwalay ako kay Gaelan at naglakad na papabalik ng kubo, naririnig ko si Rigo na umiiyak, yun muna ang aasikasuhin ko. Binalikan ko sa banyo ang baby bag nya at kinuha ang gatas nya para ipagtimpla sya.

Tulala lamang ako kahit na panay ang iyak ni Rigo. Hindi ko halos malunok ang pangyayari. I know Gaelan killed many people before but it is hard to see him killing someone I know. Yung taong alam ko ang pinagdaanan sa buhay.

Padami ng padami ang tao sa ibaba ng kubo. Tiyak kong pati ang mga taga-isla ay nakikiusyoso na. Mayroon ding tunog ng wang-wang na nagmumula sa di kalayuan, magkahalong tunog ng ambulansya at pulisya.

Naririnig ko ang matitigas na Ingles mula sa miyembro ng Yukan'na habang nagpapaliwanag. Ang iba naman ay nag-iingay dahil hindi sila makapaniwala sa katauhan ni Daniel.

"So, hindi kayo mag-asawa nung babaeng kasama mo? Kliyente mo?" May isang boses babae ang nagsalita.

"Girlfriend ko." Diretsang sagot ni Gaelan.

Nagkandabuhol buhol na ang utak ko. Pakiramdam ko namamanhid pa din ako dahil sa nangyari.

Seeing Gaelan kill someone..

Hindi ko yata kaya na makita ang ganon. I will never get used to that.

Ano ba, Maria! He saved your life!

But that doesn't give him the right to kill people just because he's saving me. Magkaiba kami ng paraan, I can offer my life to save the people that I love because I will never kill someone. Never. Tinanggalan nya ng karapatan ang isang pamilya na magkaroon ng haligi ng tahanan. The chance to change in the process.

"Maria.. May problema ba?" Napaangat ang balikat ko dahil sa boses ni Gaelan. Hindi ko siya hinarap. Nilagay ko sa bibig ni Rigo ang tsupon at inindayog ang duyan.

"I want to see my parents." Yun ang tanging nasabi ko.

"Tingnan mo muna ako." Utos ni Gaelan pero hindi ko ginawa. Tumingin ako sa labas ng bintana. "May problema ba?"

"Bakit ka pumatay?" Nanginig ang boses ko. Wala ng ibang paraan para ipaliwanag ko ang nararamdaman ko. Alright! I am traumatized! I am scared! Hindi ko matanggap na magagawa nya ang ganoong bagay. Knowing that he do it is different but seeing him do it makes me draw back. Kahit para kanino pa nya yon ginagawa, hindi pa din tama.

Maybe he was too occupied in talking to Heather kaya din nasaktan si Yuki. They took us by surprise noong kinausap nya si Heather. And what? Pupwede naman kasi syang pumatay kapag naiipit na?

"Because he was trying to kill you!" Matigas na sambit ni Gaelan.

"He did not! Dadalhin nya ako sa naghahanap sa akin."

"Pagkatapos ano? Papatayin ka nila?"

"You don't have to kill, Gaelan. Sana itinakas mo na lang ako." Malamig kong sabi.

"You are--- You are disgusted.." Hindi iyon tanong kundi konklusyon.

"Iwanan mo muna ako, Gaelan." Malamig kong sabi. Bumakas ang gulat sa mukha ni Gaelan. Sumunod naman si siya sa gusto ko pagkalipas ng ilang sandali, iniwan nya ako sa kubo. Maya-maya pa ay lumitaw na si Brie na may mapanatag na ngiti.

"Handa na ang sasakyan, Young Maiden. You can go home now." Wika ni Brie. Kinuha nya ang nag-iisang bag ni Rigo. Pagbaba ko ng hagdan ng kubo nakita ko si Gaelan na malapit sa dalampasigan, lumingon sya sa akin gamit ang malungkot na mata. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung paano ko ba kakaharapin ang tingin nyang yon.

Hinanap ng mata ko si Yuki mula sa mga stretcher na isinasakay sa ambulansya. Bawat isa ay may nakabantay na pulis.

"We have a special force unit dediacted to Yukan'na. Kanina pa ginagamot si Yuki." Sambit ni Brie dahil napansin nyang palinga-linga ako. Tumango ako.

Sumakay kami ni Brie ng sasakyan. Nandoon si Brie sa shotgun seat at kami ni Rigo sa likod. Mayroong pumasok sa driver seat at hindi ko kilala kung sino.

"Agent Neto, to Floresca Residence please." Pormal na sambit ni Brie doon sa driver.

"Uuwi na ako?" I asked.

"Yes, Young Maiden. Nandoon na ang pamilya nyo by the time na dumating tayo doon. For the time being we will be assigned for the general security of your family."

"Paano ang may kagagawan ng lahat ng ito? Ligtas na ba kami sa kanya o sa kanila?" Tanong ko.

"Head Agent Yushima is handling it now. Ang huling grupo na maari nilang ipadala para saktan kayo ay nagtatapos kay Viernes. But of course, we don't want to be complacent. Kailangan nyo pa din ng security." Brie answered.

Tahimik ang naging byahe, hindi ko magawang magtanong tungkol sa kalagayan ni Yuki o di kaya ng kay Gaelan. Sinusubukan kong palawakin ang pang-unawa ko, mayroon talagang mga tao na kinakailangang pumatay ng tao dahil sa trabaho kagaya ng pulis at mga sundalo.

Pero ang nakita ko sa mga mata ni Gaelan kanina, he showed no mercy.

Paano ang pamilya ng pinatay nya? Oo at mali ang piniling landas ng mga taong iyon, pero paano na ang pamilyang maiiwan at umaasa? Hindi ba kasali sa considerations yon?

Nang matanawan ko na ang daan patungo sa aming mansyon, nakahinga ako ng maluwag, napakaraming sasakyan ang nakaparada. Naniniwala akong nandito na nga ang aking pamilya.

Inihinto ni Agent Neto ang sinasakyan namin sa harap mismo ng main door ng bahay. Likod pa lang ay nakikilala ko na agad ang aking mga kapatid.

Napakunot ang noo ko sa isang hindi kilalang babae ang nakaangkla sa braso ni Kuya Rab. KInulayan ng blonde ang kanyang buhok at nakasuot ng leather pants at pulang cropped top.

"Ay tingnan mo nga naman si supot oh.. tsktsk." Napapailing na bulong ni Brie. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, inabot ko si Rigo kay Brie at nagmadali akong bumaba para puntahan ang aking pamilya na mukhang mayroong diskusyon sa mga pulis.

"Daddy!" Tumakbo ako ng mabilis at yumakap sa kanya. Masaya akong nakita sila na buo!

"I am so glad you are safe, Hija.."

"Ria, oh my God, my princess!" Yumakap din sa akin si Mommy, nangilid ang luha ko. I never imagined I would miss my family this much! Noong nasa Venice ako, halos ayaw kong umuwi kahit inaabot ng ilang buwan bago kami magkita, pero ngayon, isang buwan lang ang lumipas, masayang masaya ako na nandito sila.

Niyakap ko isa isa ang mga Kuya ko. They all look fine but weary. Nandito din si Attorney Montemayor para magbigay ng run-through tungkol sa aming mga negosyo. Kitang kita ko ang pag-aalala ni Mommy sa mga biktima ng naganap na kaguluhan sa establishments namin, higit pa sa mga ari-arian na nawala.

"They are all fine. Walang maghahabla ng kaso. Nakausap ko ang bawat pamilya.." Pagpapanatag ni Attorney Montemayor.

Nakaupo ako sa arm rest ng sofa na inuupuan ni Mommy at Daddy. Ang mga Kuya ko ay may kani-kaniyang pwesto at matamang nakikinig sa isa sa mga pulis tungkol naman sa aming seguridad. Hindi ko masyadong maintinidhan ang gusto nilang ilagay sa black list ang taong gumagawa sa aming pamilya nito. 

"Mr. Floresca, nasa custody na po ngYukan'na ang suspect. Inaantay po kayo doon ni Agent Yushima." Si Agent Neto ang lumapit sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko. This will be the end of everything. Kyuryoso din ako kung sino ang may gawa and I believe that we deserve an explanation to all of this. Sana mabigyan ng hustisya ang lahat ng nasaktan.

"Young Maiden.." Pumasok sa main door si Brie habang bitbit si Rigo. Muntik ko ng makalimutan! Umawang ang labi ni Kuya Rab at matamang tiningnan si Brie.

"M-may anak ka na?" Nagtatakang tanong ng kapatid ko, his expression was priceless! Gulat na gulat talaga sya.

"Eh ano naman po sayo, Young Master?" Magalang pero mataray na sagot ni Brie.

"Sumama na kayong lahat patungo sa Headquarters. Everybody deserves the truth behind this ruckus." Wika ni Daddy.

"Ako na ang bahala." Bulong sa akin ni Brie. Itinuro ko kung saan ang kwarto ko para doon sila manatili. Tumango naman si Brie.

Sa isang limousine kami sumakay. Walang tigil si Kuya Rab kundi tanungin ako kung anak daw ba ni Brie yung baby na dala nya at kung sino ang asawa.

"Mahabang kwento Kuya, mamaya na." Bulong ko. Sya lang kasi ang panay salita sa sasakyan habang ang lahat ay malalim na nag-iisip.

"Rab, wag kang masyadong patay na patay. Maraming nasasaktan sa ganyan." Singit ni Sam na nakaupo sa tabi ni Kuya Gilad. Tinitigan sya ni Kuya Gilad at malambing na hinaplos ang kamay. Iniiwas lang iyon ni Sam at umirap.

"Sabihin mo na kasi Ria. May boyfriend? May asawa? Tsk! Bakit hindi sinabi sa akin ni Gael yon?" Naiinis na sambit ni Kuya Rab. Mukhang naiilang na ang babaeng katabi nya na nakalimutan nya ding ipakilala sa akin.

"Kuya, may kasama ka." I uttered. Hindi kumibo si Kuya Rab at nahulog na lang sa malalim na pag-iisip.

Inabot kami ng halos isang oras dahil sa traffic. Ang pamilyar na gate ang bumungad sa amin. Headquarters ito ng Yukan'na. Matagal na simula ng huli akong makapunta dito. Ang tatlong nauunang itim na sasakyan ang nakipag-usap sa gwardiya, the black cars are owned by Yukan'na. Ang bagong tumatayong security namin. Sa likod ay mayroong tatlo pang sasakyan at hindi bababa sa sampung naka-motorsiklo sa paligid. 

Huminto kami sa tila mansyon ng Yukan'na pagkatapos ang napakahabang private road ng lugar. An ambulance chopper was there, palagay ko ay sakay nito si Yuki. Isang pang helicopter ang natatanawan ko sa likod ng mansyon, nandito na kaya si Gaelan?

Naunang bumaba si Daddy at Mommy, sinalubong sila ni Agent Yushima, ang Daddy ni Yuki.

"Nandito na siya. Dinala namin for questions. Si Colonel Sta. Ana ay nandito din para i-conduct ang interrogation." Seryoso ang boses ni Agent Yushima. Sumunod kaming lahat ng igiya nya kami papasok. Sa ikalawang palapag, tumapat kami sa malapad na pinto. Mahinang katok ang ginawad ni Agent Yushima bago tuluyang buksan ang pinto.

My eyes widened when I saw whose sitting on the investigation chair.

"Heather.." I whispered. Nakaposas pa sya at punong puno ng luha.

"Helena." My mother breathed. Napatingin ako sa katabing babae ni Heather, she looks exactly like Mommy!

"Nagkita din tayo, Helga.." May panunuya ang kanyang boses ng bigkasin ang pangalan ng Mommy ko. "Pierre, kamusta?" And he called my Daddy by his first name.

"Helena, what are you doing?" Nagtiim bagang si Daddy at halatang nagagalit.

"Sa akin ang lahat ng ito. Pinaghirapan natin ang lahat ng iyon, Pierre!" Sigaw ni Tita Helena kay Daddy.

"Enough. Can we proceed with the questions kahit na malinaw naman na si Helena Martina Ortega-Wilson ang may kagagawan ng lahat?" Attorney Montemayor said.

"Inaamin ko ang lahat—"

"Mom!" Tutol ni Heather.

"J-just let Heather go." Si Tita Helena.

"Mahirap yan, Mrs. Wilson. Your daughter was caught near the crime scene a while ago." Agent Yushima said.

Ibig sabihin sya nga ang nakita ko kaninang nakamasid sa amin?

"Near the crime scene, Agent Yushima. Hindi nandoon mismo." Napalingon kaming lahat sa bumukas na pinto. Si Gaelan ang nandoon, nakasunod sa kanya si Hunter at pinipigilan sya sa braso.

"Agent Ancheta, what are you doing here?" Kunot noong tanong ng matandang Yushima.

"Nandoon ako sa crime scene, hindi ko sya nakita." Matigas na sabi ni Gaelan at ikinagulat ko yon.

That's not true! Heather was there! Kitang kita sya ng dalawang mga mata ko.

Hindi kumibo si Heather at napayuko na lang.

"But the moment you called her last week, nalaman ng mga hired killers ang kinalalagyan nyo ni Miss Floresca hindi ba? That's Yuki's speculation, that you did call her that is why the hired killers went to Sta. Monica. Well, I don't know where Yuki got the information but---" Tila naguguluhan na tanong ni Agent Yushima.

"I did call her pero hindi nya nasagot ang tawag. Hindi kami nagkausap simula nandoon kami and that's the truth." Seryosong sabi ni Gaelan. I shook my head because I cannot take it. Inaantay ko syang tumingin sa akin pero hindi nya ginawa.

"Gael, Im scared!" Humihikbing sambit ni Heather.

I know. He's covering up for Heather at nakaramdam ako ng sakit dahil doon.

"Im here." He assured, awang-awa ang kanyang mga mata na nakatingin kay Heather. Ramdam ko ang luhang gustong bumagsak sa akin pero pinigil ko.

Maybe he has reasons pero wala akong karapatan kwestyunin ang kanyang pamamaraan.

His bad habit in protecting people is unacceptable for me so he do it to Heather who's willingly taking him in.

--

Maki Say's: Very very few chapters remaining. All the questions will be answered. Antay lang :) Thanks for reaching this far!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top