Kabanata 50
Maki Say's: Filler Chapter, wag umasa. Promise starting next week masipag na ako mag-update. Nagda-diet ang lola nyo kaya laging masakit ulo ko, di ako makapagsulat, haha! 😂😂😂
No Reaction.
Mahimbing na si Brie sa tabi ko, si Gaelan nakahiga doon sa sahig katabi ng crib ni Rigo, samantalang si Yuki ang umukopa ng sofa sa salas ng kubo.
Nakakabingi ang katahimikan, umokupa ng aking tenga ang mahihinang alon na nagmumula sa labas. Sa isip ko ay nagsisimula na akong magbilang ng oras.
Nararamdaman kong malapit ng matapos ang lahat ng ito. Nahahati ako sa pagitan ng kagustuhan na makita na muli ang aking pamilya at sa kagustuhang manatili sa simpleng buhay na ganito. I feel that something is pulling me to stay this way.
Will it be the same if I will stay here without Gaelan? O baka sya naman ang pangunahing dahilan kung bakit minamahal ko ang katahimikan na ito.
"Gaelan.." I called his name. Nakita ko kasing nakatingin sya sa akin. Hindi ko namalayan na malaya ko syang tinitingnan kanina pa.
"Hindi ka makatulog?" Kalmadong tanong nya.
I nodded. Hindi ko alam kung nakita nya ba yung pagtango ko pero bumangon sya agad. Lumapit sya sa lalagyan ng gatas ni Rigo at inilagay ang isang bote na may tubig sa kamay ni Brie at sa kabila ay ang canister ng powdered milk.
"Anong ginagawa mo?" I whispered.
"Brie will wake up in the slightest noise. Pupwede nating iwan si Rigo sa kanya." Bulong naman ni Gaelan.
"Iiwan? Saan tayo pupunta?" Tumayo ako at sinundan ang kanyang ginagawa.
"Can I date you? Again?" Hinarap ako ni Gaelan, dahil sa kanyang taas kinailangan kong tumingala. It is like he's bothered and wanting to tell something o baka imahinasyon ko lang yon.
"Date? Madaling araw? Baliw ka ba?" I hissed. Napakaweirdo naman ng ganoong ideya. Saka paano kung hindi magising si Brie sa iyak ni Rigo?
"Malapit na." Pumikit si Gaelan at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. It is so amazing how a single touch can speak words unspoken. Binalot ko ang sarili sa balabal at kumuha pa ako ng isa para kung sakaling lamigin si Gaelan kung saan man kami pupunta.
Marahan ang naging pagkilos namin ng buksan namin ang pinto para lumabas. Hindi naman din gumalaw si Yuki, siguro ay tulog na tulog na.
Sa silong ng kubo, kumuha si Gaelan ng ilang pirasong kahoy at gas lamp. What will this be then? Camping? May bonfire?
Nasagot ang tanong ko ng tumapat kami sa isang bangka. Okay, this is getting weird. Papalaot ba kami? Simula pumarito kami sa Sta. Monica, hindi pa ako nakasakay ng bangka. This will be the first. Maaring huli na din kung malulutas na ang problema namin.
"Mapayapa ang dagat." Nilubog ni Gaelan ang kanyang paa sa tubig. "Nasa laot na din ang mga kasama kong mangisda ng ganitong oras kaya wag kang matakot."
"Im not really scared. You're here." Sagot ko. Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan. Sa isang iglap naging mahinahon ang kanina pang malilikot nyang mata.
Inalalayan ako ni Gaelan na sumampa sa maliit na bangka. Agad nyang pinaandar ang motor nito. In less than a minute talaga ngang nasa ibabaw kami ng tubig!
Humahampas ang malamig na hangin sa aking mukha. Parang nagkagulo ang kaba at tuwa na nararamdaman ko sa akin tyan! It is really amazing how God make things work, we can glide on top of a deep sea. Lahat talaga ay posible!
"Kinakabahan ka ba, Tabs?" Pasigaw ang tanong ni Gaelan dahil sa ingay ng motor. Umiling ako. When he's near, I will never be afraid for my own life but for his life. Mas madalas akong mag-aalala para sa kanya. Nakasanayan ko na ata ang ganon. He's very adventurous after all.
Nakikita ko nga ang mga bangka na umiindayog lamang sa ibabaw ng tubig. Halos lahat ay maliliit. Siguro ay natutulog ang mangingisdang sakay non dahil wala akong nakikitang taong gumagalaw.
Unti-unting bumagal ang takbo ng bangka. Inakala kong mayroong problema kaya lumingon ako sa tinitingnan ni Gaelan. I figured out that there's an island behind me, makikita lamang iyon sa malapitan dahil nilamon ito ng kadiliman. Bukod sa maliwanag na bituin sa kalangitan at ang lampara ng bangka ng mga mangingisda na sumasabay sa alon, wala ng makikitang liwanag sa lugar. Ilang hakbang mula sa pampang noong isla, tinalon ni Gaelan ang dagat at umabot yon hanggang tuhod kaya nabasa agad ang laylayan ng maong nyang shorts.
Hinila ni Gaelan ang lubid papalapit doon sa pampang. His muscles flexed while he's doing that. Nanood lang ako dahil hindi pa ako handang tumalon. Baka may natutulog na isda at maapakan ko pa. Kawawa naman.
"Tabs, come on." Inilahad ni Gaelan ang kanyang kamay ng maitali nya ang bangka sa isang putol na kahoy. Inabot ko ang kamay nya pero dumiretso ang magkabilang palad nya sa aking bewang. He did not assist me! Binuhat nya ako na parang bata at ibinaba lamang ng nasa tuyong buhangin na.
Pumula ang aking pisngi, mabuti na lang at madilim, hindi nya mapapansin. Tumalikod sya para kunin ang lamp at ang kahoy. Tinulungan ko syang magset up para sa gagawing apoy. In just a matter of minutes mayroon na agad na apoy. Hindi naman ito ang unang beses na naghati kami sa apoy, the first one was five years ago. The last time that we were together bago kami pinilit na paghiwalayin hanggang sa tuluyan na ngang magkahiwalay dahil iniwan nya ako. Hindi nya tinupad ang pangako nya. My heart still constrict everytime I remember that but I don't want to brought it up again. Unti unti ay natatanggap ko na.
May mga bagay talagang hindi nangyayari para mabigyang daan ang mas mahalaga pang mga bagay na maghuhubog sayo para maging mabuti kang tao.
That Gaelan is not a bad person after all. He pushed me away to make me better and in the process he fell inlove. Ganoon naman yata, sa dalawang nagmahal, may isang maiiwan sa mundong binuo nyong magkasama. Yung isa ay nagsisiya na sa piling ng iba samantalang ikaw, napupuno ka pa din ng tampo dahil mahal mo pa. Mahal mo pa ng sobra sobra.
Acceptance.
I need to teach myself how. Sometimes kindness is not just about compassion and humility, not even being understanding. It is about accepting the reality, that no matter how a good person you are, things won't bend your way. Hindi lahat ng gusto mo ay mapupunta sayo dahil mabuti ka.
"The last time we sat by the bonfire was the last time we were together. Five years ago." Nagsalita si Gaelan habang inayos ang pagkakapatong ng balabal sa aking likod.
Tumango ako at huminga ng malalim. "So is this a premonition or something? Ito na ang huli nating pagkikita? Gaelan, you don't have to do this. Kung hindi ka naniniwala na may kinalaman si Heather sa kaguluhang ito, then don't continue protecting me. Hindi ka magtatagumpay sa mga bagay na hindi mo pinapaniwalaan. You have to put your heart on it."
Totoo yon. I am not bitter or something. Pagod na din kasi ako sa pag-iisip kung ano ba ang dapat sa aming dalawa. I would understand if he would choose Heather. I would understand and accept it.
Mataman akong tiningnan ni Gaelan at inabot ang kamay ko para ilagay sa dibdib nya. I was hesistant at first pero hinayaan ko na, dinama ko ang gusto nyang ipadama. Napaawang ang labi ko. Halos lumabas ang puso nya, naririnig ko pa ang pagtibok nito.
"If these crazy heartbeats are not for you then I don't know what to call it."
"Gaelan--"
"Let me speak.." Pagpipigil nya.
Ang manipis na hangin ang gumulo sa aking buhok. Mas kumalma ako sa paglamig ng aking ilong. It gave me the opportunity to breathe better, pakiramdam ko kasi sumisikip ang dibdib ko. Nakakabaliw palang isipin na maaring maganap ngayong gabing ito ang pangalawang alon ng sakit. Kung magsasabi sya ng totoo malamang masasaktan ako.
Mas sasakit pa pa kaysa sa sorry nya...
Because telling the truth is more painful than 'sorry'.
"She never had me. No one had me after you." Panimula nya. Hindi ako tumutol. Siguro panahon na para pakinggan ko sya.
"Pinakamabigat na desisyon ang ginawa ko sayo noon. I know it is weak to talk about it now, t*ngina nahihiya nga din ako."
"Don't say bad words!" Mahina kong tinapik ang kanyang mga labi. Napangiti sya sa ginawa ko at hinaplos ang kanyang mga labi pagkatapos ay dinala nya ang kamay nya sa pisngi ko para kurutin.
"Ang tanga tanga ko non. Inantay kong bumalik ka. Para akong batang nag-iintay bumalik sa lobong lumipad. Gusto kitang sundan pero bakit? Ang kapal naman ng mukha ko kung pagkatapos ng gabing yon, susundan kita at saka ako magsosorry. Tiniis ko. Isa, dalawa- tatlong taon. Tatlong taon na ang lumipas. Ibang iba ka na. Nakita kita noon sa Venice. Ang saya saya mo. Hawak kamay kayo ni Yuki habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Tngina gusto kong suntukin si Yuki kasi-- fck, pinapaulanan nya ang reyna ko." Pagak na humalakhak si Gaelan, ako naman ay hindi pa makabangon sa rebelasyon! Nakita nya ako sa Venice! Nagpunta sya noong nandoon ako.
"Pero ano nga namang karapatan ko. Ulan lang yan. Lagnat ang pinakamalalang pwedeng ibigay sayo samantalang ako-- I've caused you your first heartbreak. Ipinagpasalamat ko na masaya ka na, pwede na nga akong mamatay kasi masaya ka na. Kaya lang hindi ako mamatay matay simula nong araw na yon. Kinarama ata talaga ako, sabi siguro sa akin 'tiisin mong gago ka, ginusto mo yan."
"Wag mong sabihin yan.." Sumeryoso ang aking tono. Takot na takot ako sa kaligtasan nya tapos gusto nyang mamatay dahil maayos na ako? Anong klaseng yon.
Mapait na ngumiti si Gaelan at marahang hinaplos ang pisngi ko.
"I want you to be happy. But I cannot stand to see you happy with someone else. Gago ako eh. Gusto ko akin ka lang. Ako lang ang makakakita, ako lang ang hahawak, ako lang ang magmamahal. Gusto ko yung ako lang ang kailangan mo. You will need me so much that you won't need anyone else. Im sorry kung nasasakal kita simula noon hanggang ngayon."
Tumango ako. Mas tumaas ang antipasyon sa mga susunod nyang sasabihin. I am expecting the worst actually. Him saying that he will not do what Yuki is asking him to do.
"Im not into possessive and territorial shts but I crave for you so much that I know I have to find a cure for it."
Tinitigan ako ni Gaelan at nagwala agad ang sistema ko. Ilang beses akong kumurap para makakita ng malinaw. Dahil ngayon, ang labo na ng lahat at sya lang ang malinaw. And I don't want it. Gusto kong makita sya ng buo at ang sitwasyon sa paligid. I might be trapped to wrong choices again.
"And she was willing.." Napabuga sya ng hangin.
"Si Heather?" Maliit na boses kong tanong.
"Pinagbibigyan ko lagi si Rab na uminom dahil nakikibalita ako sayo, he feeds me everything that I need to know about you and in return I give him the information about Brie..."
Napakunot ang noo ko at bahagyang lumayo kay Gaelan.
"How dare you two?!" Naiinis na sabi ko. Naging close pa talaga silang dalawa at pinagkaisahan nila ang mga kapatid nila. Kuya Rab is such a prick!
"Noong birthday month mo last year, naghahanda na ako sa pagbabalik sa Venice. But Rab stopped me, hindi ka na daw babalik dahil magtatayo ka daw ng restaurant kasama ang kaibigan mo he even adviced me to begin again. Akala ko nagpapatawa si Rab but it is your brother, why would he lie? Kahit sana sinuntok nya na lang ako kaysa sinabi nyang walang pag-asa kasi sht ang sakit."
"Ganoon sana ang plano but this year, Daddy has been persistent. Pinilit nya akong umuwi dahil ayaw na daw nilang hawakan ang aming negosyo." Maigsi kong kwento. So Kuya Rab is telling him everything then!
Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at pinagdaop ang palad namin. I stared at it for a moment. Hinipan nya ang kamay ko ng mainit nyang hiniga. Napansin nya pa ata na nilalamig ako.
"I have to start somewhere. I took small steps but Heather extended her hands. Sabi nya, kahit hindi ko pa sya mahal noon, basta magsimula kami. She gave me the feeling of being entitled. I am entitled to take over my life, hindi yung ikaw ang laging iniisip ko. Pero wala na akong maibigay sa kanya. Kinuha mo na. Sinabi ko na sa kanya noong nagbalik ka at naiintindihan nya. We won't work."
Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Nandito ba tayo para kumbinsehin mo ako na hindi gagawa ng masama si Heather dahil iniintindi ka nya?" Medyo tumaas ang aking boses.
"No.."
"Then what?"
"Inilalayo kita kay Yuki. Im jealous." Diretsa nyang sabi. Unti unting napawi ang pagkunot ko ng noo at napalitan ng nagdududang mata.
"Nagpapatawa ka ba?"
"Seryoso." Lumabi si Gaelan at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. Parang bata!
"Malaki ang problema natin na kakaharapin bukas tapos nandito tayo kasi nagseselos ka?"
Tumango si Gaelan na parang inosente. Hinila nya ang kamay ko at pinabagsak ang ulo ko sa dibdib nya.
"Do not fall in love with Yuki. Ayaw ko ngmaramdaman ang sakit na nakita ko noon. Ang sakit sakit non Tabs."
"Nasasaktan ka pala." Umismid ako at tinaasan sya ng kilay.
"Anong akala mo sa kin?" Masungit na tanong nya.
"Laging nananakit." Inirapan ko sya.
"Alam mo yung totoong masakit?" He asked me.
"Sige! Ano?" Panghahamon ko na pinagsisihan ko dahil hinawakan ni Gaelan ang parehas kong kamay gamit ang kaliwang kamay nya at ang kanang kamay nya ang ginamit nya pangkiliti sa akin! Napahiga ako sa buhangin sa isang sundot sa tagiliran. No one ever tried to tickle me and this one is really really bad! Tawa ako ng tawa!
"Ano ba Gaelan!" Tumili ako ng sobrang lakas! Pakiramdam ko nagecho pa ang isla dahil doon. Sinubukan kong gumanti pero nakatuwid lang ang kanyang braso para hindi ko man lang magawang lumapit. Wala ng tunog ang tawa ko sa sobrang saya, hindi na ako makahinga.
Dahan dahang huminto si Gaelan at pinagmasdan ang mukha ko habang halos mapatumbling ako sa tuwa. Dahan dahan ding napawi ang ngiti ko at napalitan ng kaba.
Be still, heart..
Kinuha ko ang pagkakataon para itayo ang katawan kong nakalugmok. Just when I thought I will be able to strike back, inipit ako ni Gaelan sa mahigpit na yakap nya.
"I missed you so much, Tabs ko.. Miss na miss kita."
"G-gaelan.." I whispered when I felt a liquid from my shoulders. Umiiyak ba sya? Lumalayo sana ako para silipin ang mukha nya pero hindi nya ako hinayaan. Nanatili akong nakakulong sa yakap nyang yon.
"Mahal na mahal kita." He sniffed on my neck and I felt his lips there. I did not panic, instead, I love the feeling of his gentle lips against my skin.
Why am I being weird?!
Sinubok ko muling tingnan ang mukha nya, this time he let me. Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa kanyang balikat habang bumababa ang kamay nya sa aking bewang.
"When the world turns upside down, please remember this--" He said.
Remember? What? I hanged for a bit. Gusto kong unawain ang sinasabi nya pero hindi ko alam kung ano ba ang pagkakasunod sunod ng salita. May mga paru-paro pa sa tyan ko na nagliliparan!
Slowly, he's moving his head towards me, kahit parehas kaming nakaluhod sa buhanginan, nanginginig pa din ang tuhod ko. I know what will happen next but I ended up copying what he's doing. He looks really drunk while he's moving his head towards me. I tilt my head a little bit, and you know, hindi ko alam kung bakit ko yon ginagawa.
"Maria Arabella Kassandra Floresca, what did you do to turn me in to your slave?" He licked his lower lip and I almost lose my consciousness, ganon ba ang epekto kapag ginagawa nya yon?
Halos gatuldok na lang ang pagitan ng aming mga mukha and no, it is not awkward, only fast pounding heart beats.
In one swift, I was drawn in to something new.
The feeling of his lips against mine is foreign.
Kahit naninibago, hindi ako natakot. He just pressed his lips to mine as he slightly bit my lower lip.
Nang humiwalay sya, saka lamang ako natauhan na dapat ay nagulat ako! Nagalit o di kaya ay umiyak.
Ano, Maria Arabella?! No reaction talaga?!
He just got my first kiss!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top