Kabanata 49
Choose.
"Saan tayo pupunta? Anong gagawin natin doon sa bayan?" Excited na tanong ko kay Gaelan habang minamaneho nya ang lumang sasakyan. Nung mga nakaraang araw, palengke na ang pinakamalayong nararating ko at nakukuntento na ako doon dahil hindi naman pupwede.
"I will probably buy you clothes. Mayroong department store doon. We will eat in a resturant tapos we will watch a movie."
Napangiti ako sa kanyang balak. Naplano na pala nya ha! Gusto ko non! Naiinip na din kasi ako sa apat na sulok ng kubo. Nasanay na ako sa ingay ng mga tao sa dalampasigan lalo na yung mga nakikipagtawaran sa banyera ng isda. Maiingay pero masaya din naman.
Napangiti ako ng makita ang isa sa sikat na department store sa bansa. Sa pagkakaalam ko ay pag-aari ito nila Ice. Malaki ang pagkakaiba ng malls ng mga Jacinto sa Ahmed Mall. Ahmed Mall only has branches in the key cities here and abroad, mas madami ang AC mall kaysa sa Ahmed. They are targeting the masses to middle class ngunit hindi pa din maitatanggi ang ganda ng kanilang mga malls.
Yumukod agad ang security ng AC Malls ng makilala si Gael. Mayroong sumalubong sa aming naka-barong na kulay blue at nakipagkamay kay Gaelan habang hawak ang kanyang walkie talkie.
"Soriano, I want a heightened security. Walang makakapasok na kahit anong may patalim o baril dito, malinaw?"
"Yes, Agent Ancheta." Buong pag-galang na sagot ni Mr. Soriano.
"Eh di sana hindi ka pinapasok." Bulong ko kay Gaelan habang binabaybay namin ang daan papasok ng mall. He has a gun! He always bring it anywhere.
"I am with my queen that I need to protect." Sambit ni Gaelan sabay pag-aayos ng baril sa kanyang bewang. Ikinubli nya iyon sa ilalim ng kanyang blue na tshirt. Nasasanay na din ako. He knows what he is doing anyway.
Bawat nadadaanan namin ay nagbibitiw ng sulyap kay Gaelan, he must be the most good looking man in this town! Parang gulat na gulat ang lahat sa kanyang presensya. Sabagay, simula ng tumuntong ako ng Sta. Monica, hindi naman maitatanggi ang maamong mukha ni Gaelan ang siyang aagaw ng atensyon ng kahit sino, he's tall and lean too. Umakbay sa akin si Gaelan at iginiya ako agad sa bilihan ng mga damit.
"Whatever you like, Baby." Nilahad ni Gaelan ang kanyang kamay sa isang stall na mayroong mamahaling damit. This is too much for an island! Umiling agad ako. Lumabas ako pagkatapos mag'thank you' sa mga saleslady na nakahandang mag-assist sa akin at sumunod naman si Gaelan.
"Masyado namang pormal doon. Dito tayo." Tinuro ko kay Gaelan ang tindahan ng casual wear. Tumingin agad ako ng gusto ko. They have everything! Lahat ay katulad ng mga sinusuot nila Mercy at Imang. Kaya magaganda ang kanilang balat dahil pantay ang pagkaginto nito. They are fond of wearing shorts and sleeveless.
Napapalunok si Gaelan tuwing humahawak ako sa mga tank top at maiigsing shorts pero wala naman syang sinasabi. He's supressing himself to overreact, akala siguro ay magagalit na naman ako kapag sya ulit ang pumili ng dapat kong suotin.
Huminga ako ng malalim at binitawan ang mga damit. "Hindi na lang ako bibili. Ang totoo, kumportable naman talaga yung mga binili mo sa akin. Presko." I said. Mukha namang nagulat si Gaelan sa desisyon ko.
He really won't like it if I wear shorts, huh? Sabagay, kailangan ko naman talagang makibagay sa isla. Hindi naman kailangan na pagtinginan pa nila ako.
"Hindi nga? Ayaw mo talaga?" Gaelan asked habang sumusunod sa aking paglalakad. I smiled and shook my head.
"Totoo. Yun naman din ang taste ko pagdating sa mga damit. Kahit hindi ko naman totoong anak si Rigo, mukha na talaga akong losyang, as early as 16."
"Tsk, that's not true! Kahit basahan pa ang isuot mo, ikaw ang pinakamaganda sa akin!" Halos isigaw yon ni Gaelan dahilan kung bakit napalingon sa amin ang mga namimili sa paligid. Awtomatiko ang pagpula ng pisngi ko. Gusto ko pa ngang humingi ng paumanhin sa mga naabala dahil sa pagsigaw ni Gaelan.
"Gaelan, wag ka ngang maingay!" Suway ko ng nahihiya dahil kitang kita ko ang ipinupukol na tingin sa amin. Umiling si Gaelan at mukhang may naisip na gagawin.
Hinila ako ni Gaelan sa kamay at dinala sa activity center ng mall kung saan maraming nakaupo at namamahinga mula siguro sa maghapong paglalakad sa mall. Kinakabahan ako sa binabalak nya.
He stood straight at nilingon ang bawat dumadaan, mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko. "Ang ganda ng Misis ko no?" He proudly said. "Ang ganda ng Misis ko!" He shouted in a louder voice kaya nagbulungan ang mga tao. Panay ang hampas ko sa dibdib ni Gaelan pero pinigil nya lang ang aking kamay at hinalikan ako sa noo.
'May asawa na pala. Akala ko pupwede pang maagaw.'
'Ay, ang swerte ni Ate. Mukhang mahal na mahal sya.'
"Tama na nga, Gaelan. Naniniwala na ako sayo. Salamat." Sabi ko para tumigil na sya! Nakakahiya talaga.
"You don't need anyone's eyes on you. Mine is enough." In a husky voice he said. Mas lalo naman akong namula. Why does he keep on saying unnecessary things?! Parang nanuyo tuloy ang lalamunan ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"T-tara na nga! Kung ano ano ang sinasabi mo!" Pag-iiwas ko sa kanyang sinabi.
Pakiramdam ko tuloy pinagtitinginan talaga kami ng husto! Of course, this guy beside me shouted that I am beautiful! Napakamapag-biro nya talaga!
Namiss ko ang magpunta sa mall. Nalibang na ako sa pagtingin tingin ng mga makukulay na bagay na nakadisplay pero wala naman akong gustong bilhin. Sumaglit kami sa baby store para ibili ng gamit si Rigo tapos nagpumilit si Gaelan na bumili ng crib, lumalaki na daw kasi at lumilikot sa pagtulog si Rigo, baka daw madaganan namin.
"Ibig sabihin ay ibibili mo na din ako ng kama?" Excited na tanong ko. Kung si Rigo ay may sarili ng higaan dapat ay mayroon na din ako! Hindi pupwedeng matanggal si Rigo sa aming gitna dahil magiging magkatabi kami non ni Gaelan.
"Bakit kita ibibili? Paano tayo magkakasya doon sa kubo?" Tanong sa akin ni Gaelan, napaisip ako bigla.
"Ibig sabihin tabi tayo?" Tanong ko muli. Ang weird naman non! Hindi magandang tingnan. Ilang segundo akong tiningnan ni Gaelan bago nagpakawala ng malalim na hininga.
"Doon ako sa sahig, alam kong hindi ka naman kumportable." Sumeryoso ang boses nya at nagpatuloy sa pagtingin ng laruan na pwedeng isabit sa crib ni Rigo. Binalewala ko ang kanyang pananahimik. I cannot suggest na magkatabi kaming matulog dahil bad talaga yun! Fake naman ang pagiging mag-asawa namin!
Kumuha din si Gaelan ng unan at manipis na kutson. I think para yun ang hihigaan nya mamayang gabi. Hindi na ako kumibo kahit nahihiya ako. Ako na lang kaya ang matulog doon sa sahig? Pupwede naman akong magtiis ang kaso ay hindi naman papayag si Gaelan.
Pagkatapos namin sa pamimili ng gamit na inilagay muna sa sasakyan ni Gaelan, bumalik kami sa mall kahit inakala kong uuwi na kami. Nararamdaman din kaya ni Gaelan na ayaw nyang umuwi?
Ayaw ko pa din kasing umuwi. Parang ang saya saya ng araw na ito. Hindi binibitawan ni Gaelan ang kamay ko at hinayaan ko sya, siguro ay kailangan pa din naming magpanggap dito?
Pumila kami sa cinema. Tinitingnan ko ang mga palabas. Ano kaya ang gustong movie ni Gaelan? Hindi naman kasi ako mahilig sa pelikula. I like books better. Mas nananamnam ko ang bawat eksena at nailalagay ko ang sarili ko sa posisyon ng mga bida.
"What do you want?" Tanong sa akin ni Gaelan pagkatapos nyang basahin ang nakasulat sa monitor ng mga showing na movie ngayong araw.
"Ikaw?"
"Im all yours." He then said. Nakuha tuloy nya ang atensyon ko. Umirap ako ng makita kong nakangisi sya sa akin.
"Hindi yon ang ibig kong sabihin. Tinatanong ko kung anong gusto mong panoorin?"
Gaelan snickered. Gusto nya talagang binibiro ako. "I think you will like this movie." Itinuro ni Gaelan ang isang Hollywood film na nagmula din sa isang libro.
"It's an adaptation of my parents' favorite movie." Kwento ni Gaelan. Na-curious naman ako. The film looks classic. Maganda ang babaeng bida at gwapo ang lalaki. I think I have read the book before, hindi ko lang din maalala kung kailan.
Bumili kami ng isang popcorn at dalawang drinks. Gaelan loves coke samantalang orange juice naman ang sa akin, he made me choose the popcorn flavor, of course I chose cheese. Mahaba pa ang ipinakitang trailer ng mga coming soon films bago nagsimula ang movie na papanoorin namin, halos mapangalahati na namin ni Gaelan ang popcorn dahil ang bilis nyang kumain. Kung hindi ko bibilisan ang pagkuha ay mauubusan ako!
"Tsk, dapat pala bumili ako ng tig-isa." Napapailing na sambit ni Gaelan.
"Eh bakit kasi isang popcorn lang ang binili mo?"
"I thought it is sweet, para ka palang dinosaur kumain ng popcorn."
Siniko ko sya dahil sa kanyang sinabi! Malakas din kaya syang kumain.
Tumahimik kami sa pagnguya ng makita na namin ang pagsisimula ng movie. It started with a drunk woman kissing her bestfriend. Napapikit ako agad sa nakita.
"Maria, you are 22 years old for crissakes." Bulong sa akin ni Gaelan habang dahan dahang inaalis ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa aking mata.
"Eh hindi nga ako sanay." Singhal ko. Kahit sa kadiliman ay nakikita ko ang pagngisi ni Gaelan. "Welcome to the world where everybody kiss." Tumawa si Gaelan, hinampas ko sya sa balikat. Okay lang naman ang kiss, basta espesyal iyon. Hindi naman kung kani-kanino ang kahit anong parte ng katawan mo. It is sacred kaya!
"Basta ako hndi ko ikikiss ang kung sino sino." Komento ko.
"That's my girl." Gaelan patted my head. Yun ang huli kong narinig pagkatapos ay sobra na akong nahulog doon sa movie. The girl got pregnant by some random guy but she loves her bestfriend. Hindi nya lang ito masabi dahil mag-aaral sa ibang bansa yung guy. Nung nagkita silang muli, ikakasal na yung bestfriend nya sa iba. She moved on and got married to the father of her child pero sa kasamaang palad, yung bestfriend naman nya ang hindi natuloy sa kasal nito. But she's not free to love the bestfriend anymore. She's married.
Parang hindi talaga sila hinahayaan na magkaroon ng happy ending. Laging wrong timing ang tadhana eh. Parating hindi pupwede ang isa. Para silang magnet na may opposite poles. Madaming ganoon talaga ang sitwasyon. Nakakalungkot isipin.
"...He doesn't deserve you and you deserve far better. You deserve someone who loves you with every single beat of his heart, someone who thinks about you constantly, someone who spends every minute of every day just wondering what you're doing, where you are, who you're with, and if you're OK. You need someone who can help you reach your dreams and who can protect you from your fears. You need someone who will treat you with respect, love every part of you, especially your flaws. You should be with someone who can make you happy, really happy, dancing on air happy.."
"Grabe nakakaiyak." I whispered ng basahin ni Rosie ang sulat sa kanya ng bestfriend nya ng umalis ito. Feeling ko talaga ako ang kinakausap ni Alex. Damang dama ko talaga, halatang halata sa pag-iyak ko. Naghagilap ako ng panyo pero wala akong makita.
"Tsk, umiiyak ka na naman." Walang pag-aatubiling pinunasan ni Gaelan ang mukha ko gamit ang kanyang palad.
"Kasi naman, parang hindi talaga sila pupuwede." I sniffed. Napangiti si Gaelan dahil sa pag-iyak ko.
"Dahil pinakita sayo ng tadhana na hindi pupwede, susuko na kayo?" Napailing si Gaelan. "They should just follow their heart."
"Kahit may masasaktan?" Mas lalong nabasa ang mukha ko. Tumango si Gaelan.
"You know what matters? You have to get what makes you happy."
"What if it makes you sad too? At mas lamang yung pagiging sad kaysa sa pagiging happy?" Tanong ko.
"Just feel the sadness while you can still endure it."
"That's awful." I muttered.
"YOLO. Remember that."
"You only live once?"
"You only LOVE once. You have to follow your heart. Bend and reach for it, if it breaks then you can say you have loved truly. No regrets."
Gaelan stretched his arm and extended to my shoulders. Humilig ako sa kanyang dibdib, mas gumaan kasi ang pakiramdam ko. Ayun nga lang parang may mga paru-paro na nagkagulo sa tyan ko.
Kalma ka, heart..
It is a night well spent, dumaan muna kami sa pizza parlor para bumili ng pagkain para kay Mercy at sa mga pamangkin nya. Kanina ay sinabi nyang wag daw kaming mailang at maari kaming umuwi kahit gabi. Nakakahiya naman kung mas magpapalalim pa kami ng gabi at masyado kaming maging masaya.
"Nag-enjoy ka ba?" Gaelan asked. I smiled and nodded. Kahit simpleng pasyal lang iyon malaking bagay na. Dinig ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang naglalakad kami patungo doon sa kubo, malakas ang hangin at maginaw. Ni-stretch ulit ni Gaelan ang kamay nya at inakbayan ko dahil napansin nya ang panlalamig ko.
"Malamig?" He asked. I nodded again.
Natanawan ko agad sa bintana si Mercy habang bitbit si Rigo. Malapad ang ngiti ni Mercy pagkakita sa amin mula sa bintana ng aming salas.
"Oy! Andyan na ang lovebirds! Tamang tama! Naiinip na ang pinsan nyo!" Wika agad ni Mercy sabay lingon sa kanyang likuran.
Nagkatinginan kami ni Gaelan.
Pinsan?
Kinabahan ako agad. Binaba ni Gaelan sa gilid ng kubo ang crib ni Rigo. Sinenyasan nya akong wag umakyat. Mabilis na hinawakan ni Gaelan ang baril na kanina pang nasa kanyang bewang at dahan dahang umakyat.
My heart pounded fast. Gulo na naman ba ito?
"James! Andyan na si Daniel!" May kinausap si Mercy mula doon sa loob.
Sino namang James?
Nakaramdam na ako ng takot dahil wala naman akong kilalang pinsan! At wala akong kilalang James. Are we not supposed to be hiding here? Bakit naman mayroong dadalaw sa amin.
"Fck you!" Nasa pinakatuktok na ng hagdan si Gaelan at napamura bigla habang ibinabalik ang baril sa kanyang bewang. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Nagmadali akong humakbang para tingnan kung sino ang kausap ni Gaelan. Nagulat pa ako ng makita si Yuki na mayroong pilyong ngiti sa labi! What is he doing here?
"Hello Kath!" Halos bumulanghit sa tawa si Yuki na nagpakilala bilang James.
Hindi pa ako nakabawi ng mapansin kong may kinakausap si Mercy sa ibaba ng hagdan ng kubo.
"O Nadine! Nakita mo ba ang sari sari store ni Aling Nena?"
Who's Nadine now?!
Takang taka din ang mukha ni Gaelan ng biglang sumulpot sa may pinto ang kapatid nyang si Brie!
"Hi Daniel & Kath!" Humalakhak si Brie habang sumisipsip sa kanyang softdrinks sa plastic. "Wag mo akong tingnan ng ganyan Daniel ha, may dala naman akong tent." Tumawa muli si Brie sabay upo sa sofa.
James and Nadine? Seriously?!
Tumingin ako kay Yuki ngunit nagtaas sya ng kanyang dalawang kamay, "It is Nadine's idea." Sambit nya.
"Tengene, pangarap ko to. Walang basagan ng trip." Wika naman ni Brie habang hinahawi ang kanyang mahabang buhok. She looks so casual and cool.
Bumaling ako kay Mercy na palipat lipat ang tingin sa amin at halatang gulong gulo na. Naiintindihan ko dahil ako din ay naguguluhan!
"Uhm, Mercy, maraming salamat sa pagtingin kay Rigo ha. Ito ang pizza, iuwi mo sa mga pamangkin mo." Tumango tango si Mercy at lumapad na naman ang ngiti pagkakita sa pasalubong namin.
"Walang anuman, napakabait ni Rigo, mana sayo, Girl. Goodnight, Rigo! Goodnight Lovebirds! Goodnight din James at Nadine!"
Walang nagsalita sa aming apat at inantay naming mawala si Marcy sa aming paningin.
Agad na sinarhan ni Gaelan ang pinto at ang mga bintana. Masama nyang tiningnan si Brie na hindi mapigilan ang pilyang ngiti.
"What are you doing here?" Naiinis na tanong niya. "And you are Nadine, now? Seriously?"
"What's wrong? Eh nung pangarap mong maging si Daniel Padilla, jinudge ba kita? Hindi di ba?!" Humagikgik na naman si Brie dahil mukhang napikon na naman si Gaelan.
"Fine! Ano ngang ginagawa nyo dito?" Naiinis na sabi ni Gaelan.
"Sabi ni Daddy, babalik na daw ang mga Floresca sa isang linggo. We just have to be very careful about our actions. Kritikal ang susunod na linggo sa atin kaya inutusan kami ni Brie na magpunta dito para dagdagan ang security." Yuki said in a stern voice.
"Security? Ligtas dito!" Kontra ni Gaelan.
"We have a hint of who did this to the Florescas." Wika ni Yuki.
"Then? Hulihin sila at pagsalitain." Suhestyon ni Gaelan.
"Madami ka pang hindi alam, Gael. Did you make a call to Heather last week?" Seryosong tanong ni Yuki.
Nagkatinginan kami ni Gaelan. Huminga ako ng malalim. Of course he would call Heather, girlfriend nya ito.
"W-well. I did. Kailangan ko syang tawagan dahil gusto kong kamustahin si Mommy since I cannot call my Mom directly if I am on a mission dahil sa posibilidad na naka-tap ang linya sa bahay namin. Si Brie hindi ko matagpuan, apparently nagtungo sya sa Dussledorf." Masama ang tingin ni Gaelan kay Brie. Pinanlakihan ng mata si Brie dahil mukhang hindi nya alam na may ideya si Gaelan sa kanyang pinuntahan.
"Hindi ko sinusundan si Radley Brent Supot no! Yun ang mission order ko! Papansin ka na naman!" Masungit na sagot ni Brie.
"Oh my God, you saw Kuya Rab? They are in Germany?" Nawala ang focus ko doon sa pagtawag ni Gaelan kay Heather. I heard my Kuya's name.
"Yes, Ria. They are. Nandoon sila sa nagpahinga habang inaayos ang gusot dito sa Pilipinas. 90% na maayos na kaya wala ka ng dapat ipag-alala." Si Brie.
"Anong kinalaman ng pagtawag ko kay Heather?" Putol ni Gaelan sa kanyang kapatid.
"Dude! You are cheating on Kathryn! That's what it means! Magagalit ang mga Kathniel!" Panunuya ni Brie kay Gaelan.
"Shut up!"
"Gael, noong araw na tumawag ka kay Heather, may nagmamasid dito sa Sta. Monica. I was following the lead ng mapadpad ako dito noong nakaraang araw. Sa lugar na ito mismo ko natagpuan ang makakapagturo sa atin kung sino ang may kagagawan nito sa mga Floresca."
I am slowly absorbing Yuki's words. I cannot even chew it yet.
"So?" Gaelan asked. He crossed his arms into his chest. Yuki sighed.
"Either Heather's phone was tapped kaya may nakatunton sa inyo Or---"
"She gave the suspects your whereabouts." Si Brie.
"I am sure someone tapped her phone. Heather? Ano ang interes nya sa lahat ng ito? She never asked who I am with, sinabi kong nasa Singapore ako para sa isang misyon. Nanghingi pa nga sya ng pasalubong, she was so casual when I talked to her. Yuki, you grew up with Heather too so you know her." Lumakas ang boses ni Gaelan. Kita ko ang disgusto sa tinutumbok ni Yuki at Brie.
"I thought so too. Not until I learned that Ria and Heather are cousins." Seryosong sambit ni Yuki na tinapunan din ako ng tingin. My jaw dropped.
I only met Heather in school! Kilala ko sya bilang bestfriend ni Gaelan and that's it!
"Alam mo ba iyon, Ria? Pinsan mo si Heather." Ulit sa akin ni Brie. I shook my head in shock. Wala akong alam.
"M-maybe she doesn't know it too. And if she does—" Wika ni Gaelan.
"If she knows it bakit hindi nya sinabi? Hindi nya sinabi kahit kanino." Kalmado ngunit may pagdidiin ang boses ni Yuki.
"Well baka hindi nya alam!" Pagpupumilit ni Gaelan. Hinilot ko ang aking sentido. Ayoko ding manghusga kung ganoon ang sitwasyon.
Daddy is an adopted child from Romania. Samantalang si Mommy ay may nag-iisang kapatid na babae. Si Tita Helena, whom we never met. Pinutol nito ang komunikasyon kay Mommy simula pa noon.
"Helena Martina Ortega-Wilson. Is she your aunt, Ria?" Tanong sa akin ni Yuki. I nodded. I know Helena Martina Ortega, by name.
"Wait there Yuki, it sounds like pinagbibintangan mo agad si Heather dahil magkadugo sila ni Maria. Is that a big deal now? Kapag kamag-anak, suspect na? Do you have proof? Nasaan na ang pagiging agent mo?"
"Ikaw, nasaan na ang pagiging agent mo? Motive and opportunity are present, wag kang bulag."
"Ano ang motibo? She's at our age!" Pasigaw na sambit ni Gaelan.
"At this age, we already killed alot of people!" Pagpupunto ni Yuki.
"We killed BAD people, Thorn." Unang beses na binanggit ni Gaelan ang second name ni Yuki, umiwas ng tingin si Yuki dahil sa pagbanggit ng pangalan nyang iyon at binalikan ng matalim na tingin si Gaelan.
"But we are still capable of killing, Gael."
"Heather will not do that. She's innocent." Pilit na kinakalma ni Gaelan ang sarili kahit nakakuyom na ang kanyang kamao.
Matagal na nagtagisan ng tingin si Yuki at si Gaelan. Napailing si Yuki pagkalipas ng ilang sandali.
"Okay, you said it. Ria, pack your things." Mariin ang pagkakasabi ni Yuki at akmang lalapit sa akin.
"What? Why?" Malakas na itinulak ni Gaelan si Yuki papalayo bago pa man makalapit. Bumagsak si Yuki sa sahig dahil na-out of balance sya!
"Gaelan!" Sabay naming suway ni Brie. Lalapit pa lang ako ay agad ng nakatayo si Yuki. Galit na galit itong hinarap si Gaelan.
"You cannot protect our client. You cannot protect, Ria if you are being selective. Lahat ng nasa paligid ni Ria ay suspect! Lahat! Kahit ang nanay mo, tatay mo, kapatid mo, ako o kung sino pa sa amin. You see Smiths, huh? Isang Smiths na naman ang dadating sa mga Floresca kung sarado ang utak mo. This is a fcking conflict of interest! Iniiwasan ko lang na masaktan si Ria sa poder mo, iniiwasan ko lang na mag-away tayo, Gael. Ria, pack your things." Utos muli ni Yuki.
Susunod na sana ako ng pigilin ako ni Gaelan sa braso. Natigilan ako ng magtama ang mga mata namin ni Gaelan. Nakita ko don ang tingin ng nakikiusap pero ilang saglit lang ay nagbago na naman ang mga ito. It became cold, so cold.
"What are we supposed to do with Heather?" Walang kaemo-emosyong tanong ni Gaelan. Kitang kita ko sa mata nya ang galit at frustration na pinagbibintangan ni Yuki ang girlfriend nya. Tingin ko ay hindi pa din sya kumbinsido sa sinabi ni Yuki but he's torn in deciding whether to drop my case because she believes in Heather or to continue because he already started my case.
"We have to move fast. Call her again tomorrow from the next town. Nakaabang na doon si Toshiyo. Kapag nagbago ang pattern ng sumusunod sa inyo at magtungo sa kabilang munisipyo, we will bring Heather to question."
Nag-igting ang panga ni Gaelan. I feel sorry that he has to go through with this. Bakit pati sa ganitong sitwasyon, kailangan nyang mamili sa pagitan namin ni Heather? Can he prove Heather's innocence while keeping me safe?
The answer is no. He has to choose one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top