Kabanata 48
In Public.
"Daniel!" Kumaway ako habang inaabangan ang bangkang dumaong sa dalampasigan. Naghagikgikan ang mga kaibigan ni Gaelan na kasama sa bangka. I did not bother. Bitbit ko si Rigo na bahagya ng matibay ang likod. Isang buwan na kasi kami sa isla ng Sta. Monica at ito na ang kinasanayan ko araw araw. Sinasalubong namin si Gaelan sa pampang. Rigo is always excited. Kitang kita ko naman sa mukha nya.
"Rigo, andyan na si Tatay." I whispered giddily. Itinaas ni Rigo ang kanyang kamay tanda ng pagkatuwa. Hindi ko mapigilang pabirong kagatin ang matambok nyang pisngi. Binubusog sya ni Gaelan sa gatas at sa regular na check up. Noong isang araw nga na nagka-rashes si Rigo, isinugod na agad ni Gaelan sa pribadong ospital. Ang pedia ni Rigo ay doon din nagmula.
"Baby!" Sumigaw ng malakas si Gaelan na nasa unahan na ng bangka. He's beaming like a proud man dahil sinasalubong sya lagi ng kanyang pamilya.
"Sino bang Baby mo pre? Si Rigo o si Kathryn?" Tanong sa kanya ni Pedro habang hinihila ang bangka para itali. Napailing si Gaelan habang lumukso pababa ng bangka.
"Parehas." Sagot nya. I rolled my eyes heavenwards. Napakagaling talagang magpanggap ng isang ito. Simula nung pinag-awayan namin ang pagtungo nya sa bahay ng kapitan na hindi man lang nagpaalam, lagi na syang umuuwi ng maaga. Kadalasan, tutulungan nya akong mamalengke para sa mga sangkap na iluluto ko para sa kinabukasan imbes na si Mercy ang makakasama ko.
Lumapit sa amin si Gaelan at agad ko siyang inabutan ng bagong bimpo para pamunas ng pawis. Hindi iyon kinuha ni Gaelan. Bagkus, humalik agad sa aking noo at pisngi ni Rigo.
"Ikaw naman ang magpunas sa akin para sweet." Bulong nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Wag mo nga akong idamay dyan sa acting mo." Pagsusungit ko, nagsimula na kaming humakbang patungo sa aming kubo. He smiled ear to ear when I faced him.
"Alam mo, gustong gusto ko kapag nagsusungit ka. You grew up very well." He even patted my back.
"Masungit ako dahil hindi ka naging mabait sa akin noon. Inubos mo ang lahat ng kabaitan ko." Sagot ko pabalik. It's now Gaelan's turn to raise an eyebrow.
"Ubos na ang kabaitan mo nyan? Kung ganyan ang lahat ng ubos na ang bait, lahat pupunta sa langit." Inakbayan ako ni Gaelan at hinalikan muli ang tuktok ng ulo ko na para bang tuwang tuwa sa pagsusungit ko. Ano bang nakakatuwa sa masungit?! Palibhasa, masungit sya kaya gusto nya siguro ay ganoon din ako.
"Ako na nga ang magpupunas ng pawis---"
"Dan! Pawis na pawis ka! Ako na!" Sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Gigi. Inagaw nya ang bimpo mula kay Gaelan at maagap itong pinunasan ng pawis. "Ako na ha.. Bitbit mo ang bata kaya hindi mo ito magagawa." Gigi said without looking at me. I think she really hates me. Kay Gaelan at Rigo naman ay napakagiliw nya.
"Ay ang kati-kati! Imang ang daming lamok! Ang kati mangagat!" Napatingin ako kay Mercy na diretso ang tingin kay Gigi habang bitbit ang bilao ng kanyang puto. Si Imang naman ang may bitbit ng ulam na iniluto ko, sya na lang ang pinagbebenta ko dahil ayaw ni Gaelan na makipag-interact ako sa mga mangingisda. Security protocol, I think.
Hindi din tinapunan ni Gigi ng tingin si Mercy at Imang. Ako naman ay nagngingitngit sa inis. Akala ko kasi ay nasa Maynila sya gaya ng kwento ni Mercy. Doon daw ito naka-base bilang veterenarian. Well, I didn't ask about her though, sabi kasi ni Mercy mag-iingat daw ako kay Gigi.
Baka dapat si Gaelan ang mag-ingat dahil tumatama ang dibdib ni Gigi sa kanyang braso sa suot nitong spaghetti strap na itim at maong shorts. Hindi kaya masakit sa pakiramdam ang tamaan ng dibdib?
"Huy. Psst" Sinitsitan ako ni Mercy at ininguso si Gigi at Gaelan. Hindi naman ako makasingit dahil panay din ang hakbang palayo ni Gaelan, pilit itong lumalayo.
"Gigi, ako na. Hindi naman ako bata." Napangiwi si Gaelan habang inaagaw ang bimpo.
Talagang hindi na sya bata! Bakit hinahayaan nya pa ding punasan sya ng pawis ni Gigi? Pinaagaw nya pa ang bimpo nya huh.
"Kahit hindi naman bata, kailangan pa ding alagaan. Kasi kung puro sanggol ang inaalagaan, magiging losyang ka." May pagdidiin ang bawat salita ni Gigi. Nanlaki ang aking mata at pinagmasdan ang sarili. Daster na kulay asul ang suot ko at lagpas lang ng kaunti sa tuhod. Ito ang mga ibinibili sa akin ni Gaelan. Kung nakakalosyang palang tingnan eh di sana binilhan din nya ako ng shorts at spaghetti strap!
Tumahimik ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Gigi. Bumuka ng husto ang bibig ni Mercy na tyak ding nagulat.
Tumalikod na ako. Hindi ko na nga nasabi kay Imang ang presyuhan ng mga niluto kong ulam. Bahala na syang magtinda sa mga iyon. Manonood na lang kami ni Rigo ng TV.
"Please, Gigi. I don't want to be rude but you are insulting my wife and I don't like it." Gaelan's voice broke the silence.
Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin iyon ni Gaelan. Narinig ko pa ang paghakbang ng mabibigat na paa doon sa buhangin. Nginitian ako ni Rigo, siguro ay nawala ang pagkunot ng aking noo kaya gumaan din ang kanyang pakiramdam.
"Baby! Sandali.."
Hinuli ni Gaelan ang aking braso, tumigil naman ako sa paglalakad at nilingon sya. Napangiti ako sa mukha nyang sobrang nag-aalala. He creased his forehead. Bahagya kong inayos ang nagulo nyang buhok at kinuha mula sa kanya ang bimpo at marahang pinunasan ang kanyang noo.
"Nagluto ako ng paborito mo." I said, unti unting napawi ang pag-aalala sa mukha ni Gaelan at kinuha mula sa akin si Rigo para kargahin. Gaelan developed this certain fondness to Rigo, madalas silang maglaro pagkagaling ni Gaelan sa pangingisda. Naikwento pa nga nya sa akin na pinagtatawanan sya ng mga kasamahan dahil lagi syang nagmamadaling umuwi.
Nilahad ko sa harapan ni Gaelan ang niluto kong fried chicken at pinakbet. Ngumiti sya sa akin. Gamit ang isang kamay dahil bitbit nya si Rigo, nagsalin si Gaelan ng kanin sa aking plato at sa kanya.
I sighed. This life is simple. May isisimple pa pala ang buhay nila Mama Buding noon. Ang simpleng buhay na hinangad ko, si Gaelan pa pala ang magpapalasap sa akin. Still, I am worried about my family. Sabi ni Gaelan, mag-intay. Gaano kaya katagal ang iintayin ko? Isang buwan, dalawa? Taon? Or worst baka ganito na lang habambuhay.
"I can almost hear what you are thinking. Anong problema?" Gaelan asked casually. I looked at him, he's eating heartily, basta luto ko napakagana nyang kumain. Hindi ba sya hinahanap ni Tita Blair? Parang tuwang tuwa sya sa pangingisda. Yung kutis nya naging kulay kayumanggi na talaga, he looks more manly though.
"My family. Hanggang kailan tayo magtatago?" Sumeryoso ang boses ko. Si Gaelan naman ay panay lang ang kagat sa manok.
"Hangga't hindi pa ligtas. Yuki is doing his best, I can assure you that. Hindi naman nya gustong magtagal tayong dalawa na magkasama."
"Bakit?" Nag-aalala din ako kay Yuki habang tumatagal ang lahat ng ito. Baka nalalagay sa panganib ang kanyang buhay.
Napabuga ng hangin si Gaelan at mataman akong tiningnan. "Dahil ayaw nyang magkasama tayo."
"Eh di sana pala nagpalit kayo ng posisyon." I whispered.
"Mas gusto mo bang kasama si Yuki dito?" May bahid ng pagkadismaya ang boses ni Gaelan. Tiningnan ko na lang sya ng mataman kundi mauuwi na naman ito sa kanyang pagseselos.
"Not really. I just think that Yuki's family is more on this agent thing. Kung mawala sya ng ganito katagal, walang mag-aalala. Pero ikaw. Si Tito Garrett, Tita Blair, mga Ate mo at girlfriend mo, they will all look for you."
Nagkibit balikat si Gaelan. "Kung magkapalit kami ng posisyon ni Yuki, they won't see me still. Nandoon lang ako kung nasaan ka." Makahulugan nyang sabi.
"Wag ka ngang flirt." Umismid ako.
"So you know what's flirting now?"
"Oo, yung ginagawa nyo ni Gigi. Flirting iyon." Pagpupunto ko.
"Did I reciprocate? Wait, akala ko ba hindi ka nagalit doon sa bagay na yon?"
"I am not. I am just giving an example."
"Yung pagfi-flirt ko nakikita mo, pero yung pagfiflirt sayo ng iba hindi mo makita." Umismid si Gaelan. Niyakap nya si Rigo at hinaplos ang likod nito.
"Wala naman kasing nagfiflirt sa akin. Pagsuotin mo ba naman ako ng daster araw araw at halos hindi na palabasin ng bahay, may pagkakataon pa ba?" I fought back.
"Bakit? Gusto mo bang magdamit ng iba? Yan naman ang bagay sayo ah. I like seeing you like that."
"Bakit sila Mercy, dito din naman sila nakatira pero hindi naman sila ganito manamt?" Reklamo ko sa hindi makatarungang pagpapasuot sa akin ni Gaelan ng suway sa modernong pananamit.
"What? Seriously?" Nanunuyang sambit ni Gaelan. "Do you want to be like Mercy and Imang?"
"I don't want to be like them. I just want to look pretty!" Bulalas ko.
"You are pretty! Sino bang may sabing hindi? Hindi mo naman kailangang ipangalandakan pa ang bagay na yon by wearing sexy clothes!" Binagsak ni Gaelan ang kanyang kutsara at tinidor saka humalukipkip.
"I didn't say I want to look sexy! I want to be confident. I don't want to look weird." Huminga ako ng malalim
"You don't look weird to me!"
"Yes, because this is what you want for me! Tinanong mo ba ako kung anong gusto ko? You don't. You always make decisions to yourself, for both of us! You always know what is right! You always get things your way. You like bossing around. Kapag sinabi mo, yun na." Inisa-isa ko ang kanyang pag-uugali.
"Teka, yung pananamit mo pa din ba ang pinag-uusapan natin dito?" Tumaas ang boses ni Gaelan. Si Rigo ay halatang papaiyak na dahil papalit palit na ang tingin nya sa amin. Agad akong kumalma. Hindi magandang nakakakita sya ng nag-aaway but here we are.
"Akin na si Rigo. Mamaya na lang ako kakain." Inilahad ko ang kamay ko pero hindi ibinigay sa akin ni Gaelan si Rigo.
"If you hate me for what I did years ago, I am sorry. Pero mahirap tiisin na paulit ulit mo sa aking ipaaalala ang isang desisyon na ginawa ko noon. You just make me feel miserable over and over."
"Yes, I hated you for that. And I hate that attitude of yours." Tumalikod na lang ako para hindi na muling bumangon ang galit. Gaelan expelled a shuddering breath.
Gustong gusto kong patayin ang sama ng loob pero hindi ganoon ang nangyayari. Kung para lang itong switch, matagal ko ng pinatay. Bakit ba mayroong mga taong ilalabas ang pinakamaganda at pinakapangit na bagay sayo?
Because you let them have a taste of you. Pinakita mo kasi ang kahinaan mo kaya kaya nila iyong gamitin sa ikatutuwa o ikakagalit mo. And for me, he is my weakness, he's doing a good job in making me happy and annoying me at the same time.
Nakaharap lamang ako sa maluwang na bukas ng bintana sa kwarto ng kubo at lumalanghap ng sariwang hangin. Ang bubungan ng aming kapitbahay ang nakikita ko dahil sa may gilid ng kubo ako nakaharap. Kung saan walang mga taong dumadaan. Naririnig kong nakabukas ang TV sa may salas, nanonood na naman si Rigo at si Gaelan ng paborito nilang afternoon drama. Ancheta's are really fond of telenovelas, doon siguro nakakuha ng ideya si Gaelan na ipangalan ako don sa isang artista. Baka ang totoo ay crush nya. Hindi nya lang sinasabi dahil nagagalit ako kapag may babae syang nababanggit. Nagkakataon lang naman na nag-aaway kami tuwing mayroong babaeng involve. Not that I do that intentionally. Not that I am jealous. Nagkakataon lang talaga.
Nang mapagod ang mga mata ko, umupo ako sa gilid ng kama at humila ng libro na binili para sa akin ni Gaelan. Tuwing nagtutungo sya sa bayan, lagi syang may uwing libro saka pagkain sa fastfood o di kaya pizza. He really thinks I miss city life. Hindi naman yon eh, I really miss my family kahit na nageenjoy din naman ako sa pananatili sa Sta. Monica. Kung wala lang akong iniisip na kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay, baka lagi din akong masaya.
Sinumulan kong basahin ang isang libro kung saan nag-apply na caregiver ang bidang babae sa isang paralisadong lalaki. The guy is really tough, hindi ka naman maiinis sa bidang lalaki dahil alam mong mahirap ang pinagdadaanan nya. Kahit gaano ka pa kabuting tao, walang kahit ano ang makakapagtago ng nararamdaman mo.
That's what makes you human.
Ang tatlong senses ang gagana sayo habang nabubuhay ka.
Feeling, hurting and loving. Repeat.
Kailan kaya ako matatapos sa hurting phase? Nakakapagod din kasi.
"Tulog na si Rigo. Galit ka pa sa akin?" Napalingon ako kay Gaelan mula doon sa labas ng pinto, bagong ligo. Mukha na naman syang natatakot sa akin. Hindi ko tuloy alam kung tama bang magalit pa ako. Nakakatuwa kasi ang takot sa kanyang mga mata. Parang bata talaga.
Nakunsensya din ako bigla sa aking ginawa. Kung tutuusin matagal na naman ang bagay na yon, dapat ay hindi na ako galit. Isa pa, hindi na naman nya iyon problema hindi ba? Bakit ko pa ipapaalala ang bagay na gusto nyang kalimutan? Kailangan ko talagang kausapin ang sarili. I have to decide to let go of everything.
"Di ba galit ka din kanina?" Sinarhan ko ang libro at inilagay sa gilid ng kama. Itinuro ni Gaelan ang kanyang sarili na para bang nagtataka.
"Ako? Buti sana kung kaya kong magalit sayo." Sambit ni Gaelan habang naglalakad papalapit sa akin, umupo sya sa gilid ng kama ko at kinuha ang aking kamay.
Ngumuso at pinagmasdan ang kanyang ginagawa, pinagdaop nya ang aming mga palad kaya umangat ang pagiging maliit ng kamay ko. "Lagi ka kayang galit sa akin noon."
Pinisil ni Gaelan ang kamay ko saka ngumiti.
"Ganoon lang ako maglambing. Kumportable ako sayo noon kaya nakikita mo ang lahat ng pangit sa akin, pero hindi ako galit. Hindi ako magagalit sayo."
Tumango tango ako, I feel guilty all of a sudden. Kung hindi pa ba guilt ang naramdaman ko kanina.
"Im sorry." Sabay pa naming sabi ni Gaelan. Di ko mapigilan ang pagngiti, ganoon din sya. Nagkatawanan tuloy kaming dalawa! Gumaan agad ang pakiramdam at nawala ang inis ko.
"Punta tayo sa bayan?" Tanong sa akin ni Gaelan pagkatapos ng ilang sandali. Bayan. Ngayon nya lang ako inimbitahan papunta doon.
"Pupwede?" I asked. Tumango tango si Gaelan.
"Sorry, hindi ko naman kasi alam na gusto mo ding lumabas. Gusto lang kitang itago—"
"Dahil hindi ligtas?" I cut him off. I understand.
"Dahil seloso ako."
Hindi ko mapigilan ang pagngisi. "What? Bakit ka natatawa?" Naiinis na tanong nya. I chuckled. Ang pikon nya pero namumula naman ang kanyang tenga at pisngi.
"Magkaiba ang natatawa sa natutuwa." Pinilit kong magpakaseryoso.
"So natutuwa ka?"
"Hindi, natatawa." Tumayo na ako para humanap ng maayos na damit para sa bayan. That's all for now. Nasa relasyon pa din ang isang to. Masyado naman ata syang nadadala.
Pinili ko ang isang sleeveless na bestida, lagpas tuhod ito at kulay of white. Ito na ang pinakarevealing na ibinili ni Gaelan para sa akin. Mabilisan akong naligo habang natutulog si Rigo sa may duyan. Kapag kasi gising sya, hindi ko kayang iwanan. Kasama tuloy sya sa pamamalengke lagi.
Di ko maintindihan ang reaksyon ni Gaelan pagkakita sa akin. Unang beses kong isinuot ang bestidang ito. Nagagandahan ba sya o di nya din nagustuhan? Nailang ako bigla.
"B-bibihisan ko lang si Rigo ha.. Gising na ba?" Nagtungo ako sa duyan para lapitan si Rigo.
"H-hindi sya kasama. Papunta na si Mercy dito, babantayan daw muna nila si Rigo."
Napataas ako ng aking kilay, bakit ko naman ipapaubaya si Rigo kay Mercy? Well, nakikita ko naman ang pagmamahal ni Mercy kay Rigo dahil mahilig ito sa bata gawa ng napakarami nyang pamangkin pero nakakahiya naman!
"Nakakahiya naman yon, Gael." Di ko mapigilang sabihin. "Isa pa, gagawa si Mercy ng puto tuwing hapon. Maabala sya."
"I said I will pay for her time para kahit hindi na sya gumawa ng puto para bukas, bantayan nya lang ang anak natin."
"And why would you do that?" Buong pagdududa kong tanong.
"Because I want to date you.. In public." He said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top