Kabanata 47


Tampo.

"Yuki has leads. Smiths' been planning this for 10 years now. Simula pumasok sya sa inyong pamilya."

Napasinghap ako sa sinabi ni Gaelan. Kakatapos lang nyang makipag-usap sa mga myembro ng Yukan'na. Doon sa lumang sasakyan na minaneho nya kahapon nakikipag-communicate. Sabi nya ay mayroong gadget doon or something. So this is how they work huh. Masyadong moderno.

"Kung ganoon, bakit hindi pa noon isinagawa?" I asked.

"Ang planong ganoon kalaki, hindi basta basta mapapatupad. Inantay ni Smiths na mapalitan ang halos lahat ng security ninyo sa loob ng sampung taon at ipinasok nya lahat ng kasabwat nya. Of course, he gained your trust already. Kahit ang manning company ng security guards sa lahat ng inyong mga negosyo ay sya na din ang nagpapatakbo."

I sighed. Ganon? Ang hirap naman pala ng sitwasyon. Determinado talaga ang may kagagawan na saktan ang aming pamilya.

"How about Yuki?" Naisip kong itanong.

"What about Yuki?" Nag-iba agad ang mukha ni Gaelan at para bang may sinabi akong kasalanan.

"Ayos lang ba sya?"

"Anong ayos lang ba sya? He has the same job as mine of course he would be okay."

"Delikado ang trabaho nyo. Hindi naman kayo laging okay." I answered back.

"Bakit ako? Did you ask if I am okay?" Naiirita na ang boses ni Gaelan.

"Oh well.. You look okay." Nagkibit balikat ako.

"I am not okay!" Naiinis na sabi nya sa akin. Umaastang bata na naman sya, wag nya sabihing nagseselos na naman sya kay Yuki. Hindi naman si Yuki ang kasama ko kundi sya.

"Okay? Then what should we do?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"What will you do if Yuki is not okay?"

"Visit him maybe?" Sagot ko naman.

"Tsk." Naiinis nyang sabi pagkatapos ay lumabas na ng kubo. Nagdadabog. Naiwan kaming dalawa ni Rigo. Nagkatinginan kami ni Rigo na bitbit ko sa mga bisig ko.

"Grabe si Tatay no. Ang sungit?" I whispered.

Ngumiti naman si Rigo, ibig sabihin napansin nya din.

Maghapon kaming ganoon. Dumaan na si Mercy kanina at pinagisipan namin kung saan papaliguan si Rigo. Hindi naman sya nagtataka na mukhang wala akong alam sa bata. Sabi nya kasi normal lang iyon na walang alam dahil sanggol na sanggol pa si Rigo at sya ang unang anak ko. Sumang-ayon na lang ako.

Sumilip ako sa bintana ng kubo ng halos papalubog na ang araw. Napakarami ngang tao sa dalampasigan. May mga batang naglalaro, madami ang may mga dalang bilao at banyera ng isda. May mga babaeng nagkukwentuhan. Everyone is busy. Parang hindi mauubusan ng gagawin dito.

Nasaan kaya si Gaelan?

"Kathryn! Halika dito sa ibaba!" Kumaway si Mercy. Doon ko lang napansin na kasama sya sa umpukan ng mga kababaihan. Mayroon syang mga kakwentuhang mga na mga kasing edad nya lang. "Dalhin mo si Rigo, madaming maghehele sa kanya dito! Dali!"

Ngumiti naman ako at sumunod. Bumaba ako at sinalubong agad ako ni Mercy pagkatapos ay kinuha si Rigo mula sa akin. "Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Yan si Minda,  Lynn saka si Imang."

Isa isang kumaway ang mga kaibigan ni Mercy sa akin. Sa harap ng Kubo mayroong mahabang bangko at doon sila nag-aya umupo.

"Lahat kami dito nagtitinda ng kung ano-ano. Ako ang sa puto. Etong si Minda at Lynn, ice tubig at ice candy, si Imang naman ang nagtitinda ng turon at banana cue. Ikaw kaya? Ano ang maari mong itinda? Tiyak na maibebenta mo iyon dahil napakaganda mo! Madalang sa patak ng ulan ang napapadaang maganda dito!" Humalakhak si Mercy at sumangayon naman ang mga kaibigan nya. Ngumiti lamang ako. Paano naman ako naging maganda? Sa buong buhay ko, si Yuki lang ang natatandaan kong nagsabi na maganda ako, bola pa.

Inisip ko kung magbenta kaya ako ng lutong ulam? Makakadagdag na ako sa panggastos, malilibang pa ako, but then again, tiningnan ko si Rigo. Wala naman akong mapag-iiwanan sa kanya.

"Kaya lang si Rigo.. Wala syang bantay.." Tiningnan ko si Rigo mula kay Mercy.

"Ito? Itong poging batang ito? Kapag magtitinda ka, pupwede mo namang isabit sayo. Tuturuan kita kung paano. Gamit lang ang kumot maisasabit mo na. Kapag may ginagawa ka naman maari mong ilagay doon sa duyan na binili ni Daniel o di kaya ay ako! Lagi ko naman kayong mapupuntahan eh!"

Bumili nga pala si Gaelan ng duyan kanina para hindi na daw ako mag-aalalang iwanan si Rigo tuwing nagluluto ako. Magandang ideya yon. Sasabihin ko kay Gaelan na sasama ako kila Mercy na magtinda sa dalampasigan.

"Tatlumpung minuto lang naman tayo pupwesto doon sa may dalampasigan! Naku, ubos agad ang paninda! Basta wag kang magpapautang sa mga yon dahil madaling makalimot kapag lumayag na sa dagat!" Naghalakhakan ang mga kaibigan ni Mercy. Ngumiti lamang ako. Susubukan kong magluto habang wala si Gaelan dahil sabi nya alas-sais ng umaga ay kailangan na nilang pumalaot. Tanghalian lang naman kung sakali at dalawang klaseng ulam lang siguro ang sisimulan ko.

Madami pa kaming napag-usapan hanggang sa dumilim na. Hindi ko pa din nakikita si Gaelan na dumadating. Nagtampo nga kaya sya? Nagpaalam na ako dahil magluluto pa ako ng hapunan para sa amin ni Gaelan, ayokong wala syang madatnan na pagkain. I must do my part in this set up.

"O sige Kathryn. Wala pa si Daniel? Baka kasama non si Pedro dahil namiss ang isa't isa! Nag-iinuman na naman." Kwento ni Mercy sa akin.

Nakipag-inuman? Since when was this his hobby?

"Saan nakatira si Pedro?" Nahihiyang tanong ko.

"Si Pedro, tauhan yon ni Kapitan. Matalik na kaibigan ni Daniel yon." Tinuro ni Mercy kung saan banda ang bahay ni Kapitan. Doon daw kasi nanunuluyan si Pedro at doon din madalas makipag-inuman si Gaelan noon.

"Ah sige. Sunduin na lang namin ni Rigo kapag wala pa sya at nakaluto na ako." Sambit ko. Binigyan ako ni Mercy ng mapanuksong ngiti.

"Masyado namang bantay sarado si Daniel sayo. Sabagay, kung ganyan din naman ang napangasawa ko, sa bahay lang sya at nakatali." Nangngarap na humagikgik si Mercy. Ngumiti lamang ako.

Bago ako pumasok sa loob ng kubo bumili muna ako ng ilang sangkap na kailangan ko sa pagluluto. Mayroon kasi kaming katabing sari-sari store kaya natuwa na din ako kahit papaano. Bukas daw ay pupuntahan ako ni Mercy para makapaglakad lakad kami doon sa talipapa at makita ko ang mga paninda doon. Papaarawan din daw namin si Rigo bukas para hindi mamutla at idadaan na din sa health center para macheck up. Grabe, hindi pala ako maiinip dito kung sakali. Madami palang pupwedeng gawin lalo na at nandito si Rigo.

"You are a blessing, Rigo.." Bulong ko kay Rigo bago ko sya iniwan sa duyan. Binuksan ko pa ang maliit na TV para may mapakinggan syang tunog.

I will prepare a fried chicken. Tingnan natin kung hindi mawala ang tampo ni Gaelan dito dahil ito ang paborito nya. Naghanda ako ng breading para sa chicken. I made sure na malasa ito kahit hindi kagaya noong mga sangkap sa Italy ang ilalagay ko. Pabalik balik ang tingin ko sa orasan. It's past seven pero wala pa din si Gaelan. Grabe naman yun magtampo!

Napabuntong hininga na lang ako at inantay makaluto. Kapag pumatak ng alas-otso at wala pa din sya, susunduin ko talaga sya!

Aba at talagang sinubok ako ni Gaelan dahil wala pa sya nang alas-otso. Kinuha ko si Rigo mula doon sa duyan para sunduin ang dapat sunduin. Binalot ko sya sa maliit na kumot at tinakpan ang kanyang ulo, inilock ko muna ang pinto bago tuluyang bumaba ng kubo.

Hindi naman nakakatakot sa labas, actually the shore seems fun. May mga bata pa ding naglalaro, may nag-gigitara, inuman at kwentuhan but everyone's behave. Ramdam ko ang buhangin sa pagitan ng suot kong tsinelas habang naglalakad. Madali daw mahanap ang bahay ni Kapitan, yun lang daw ang tanging gawa sa semento dito sa Sta. Monica, mayroong malaking gate at maliwanag ang lahat. Huminto ako sa kahuli-hulihang bahay at nakita ko ang lahat ng sinabi ni Mercy. Ito nga ang bahay ni Kapitan.

The gate is not as big as our house, pero dahil ito lang ang may gate dito, ito talaga ang pinakamalaki. Sementado din ang kanilang daanan. May malaking bungalow sa pinakadulong bahagi at mukhang staffhouse ang nasa bukana ng lupain.

"Saan ka, Miss?" Tanong sa akin nung nakatayo doon sa may gate. Isang Mama na matangkad at may kayumangging balat.

"Itatanong ko lang sana kung andyan si Gae-- Daniel po.." Ugh, I need to get used to it!

"Ah! Si Daniel! Oo! Birthday kasi ni Gigi! Yung anak ng kapitan kaya mayroong inuman. Hindi ba nagpaalam sayo?"

Umiling lamang ako. So nakakain na pala sya.

"Pumasok ka na muna. Ikaw ba si Kathryn? Usap-usapan ngang dumating dito si Daniel na mayroon nang pamilya." Tumango ako ng tipid. Mukha namang mabait yung Mama na sumalubong sa akin. Sinamahan nya akong pumasok sa loob ng bahay ni Kapitan, unti unti akong nakakarinig ng halakhakan sa di kalayuan. Nang makarating na kami sa harap mismo ng bahay, natanawan ko na mayroon ngang salo-salo doon sa loob ng bahay. May nakaset-up na lamesa doon sa magkabilang bahagi ng garden. Sa kaliwa ay grupo ng mga kababaihan at sa kanan naman ay grupo ng mga kalalakihan.

Natigil sa kwentuhan ang mga kababaihan at napatingin sa akin. Kung titingnan mo, mas mayumi silang kumilos kaysa kila Mercy pero hindi mo kakakitaan ng ngiti ang kanilang mga labi. Pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa kaya ako na lamang ang ngumiti kahit bakas sa kanila ang disgusto.

"Daniel! Nandito ang asawa mo!" Sambit nung Mama na kasama ko. Nagsilingunan naman ang mga kalalakihan. Hinanap agad ng mata ko si Gaelan at nakita ko sya doon sa pinakasulok. Mukha syang nataranta at biglang tumayo. Kasabay ng kanyang pagtayo ay isang babae sa kanyang tabi. Makinis ito at napakaputi. Nakasuot sya ng shorts at puting flannel shirt na naka-tuck in sa kanyang manipis na bewang. She's pretty. Akala ko ba bihira ang maganda dito?

Tumayo din ang babae pagkakita sa akin at pasimple akong pinasadahan ng tingin. Sino naman kaya ito?

Agad na humakbang si Gaelan papalapit sa akin. Amoy alak sya at mapula na ang mukha. Simula anong oras pa kaya sya umiinom?

"B-bakit ka a-andito?" Bulong nya.

"Hinanap lang kita kasi oras na ng hapunan. Nag-eenjoy ka pala. Sige, mauuna na kami ni Rigo." Bulong ko din sa kanya. Ayaw ko naman syang ipahiya kahit alam kong mapapahiya sya sa pagsundo ko.

"Hindi. Uuwi na tayo." Hinawakan ako ni Gaelan sa pulsuhan at akmang hihilahin pero nagpabigat ako.

"Ano, Dan? Sinusundo ka na?" Ang nakahalukipkip na babae na katabi kanina ni Gaelan ay mayroong nanunuyang tingin kay Gaelan. It is like she's testing his pride.

"Kailangan ko na ding umuwi, Gigi." Sagot naman ni Gaelan. Naghalakhakan ang mga kalalakihan na kainuman ni Gaelan. Namula ang aking pisngi! Sana pala ay hindi na lang ako nagpunta dito!

"Pakainin mo muna ang kasama mo." Sambit nung Gigi. Agad akong umiling. Ayoko ng magtagal. Kung gustong maiwan ni Gaelan eh di maiwan sya! Kami naman ay uuwi na din.

Narinig ko pa ang pagpapaalam ni Gaelan. Nauna na kami ni Rigo sa may gate at inantay na lamang sya.

"Halika na." Umakbay si Gaelan sa akin ng akmang maglalakad na kami papalayo sa bahay ng kapitan pero pinalis ko ang kamay nya.

"Galit ka?" Bulong ni Gaelan at muli lamang akong inakbayan.

Great! He's drunk.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung galit ako pero nakakainis kasi. Nakikipag-inuman lang pala sya at hindi man lang sya nagpasabi! Ayos lang naman kung hindi sya nagpasabi basta uuwi sya sa oras ng hapunan. Ano? Basta na lang ako mag-iintay sa kanyang presensya kung kailan nya matipuhan umuwi?

"Quit that internal monologue, Baby. Tell me what made you angry." Masuyong sabi sa akin ni Gaelan.

Aba't nagtanong pa sya?!

Binilisan ko ang lakad ko. Nakakainis talaga! Maingat kong ibinaba si Rigo sa duyan at saka lumapit sa mga gamit nya para timplahan sya ng gatas.

"Hey.." Untag sa akin ni Gaelan. Nakapamewang pa sya doon sa may pintuan. Mas lalo akong nainis sa kanyang itsura. Nagngitngit talaga ako sa inis at parang puputok ako dahil sa pakiramdam na yon.

"Look, I don't care if you are tired but I expect you to be respectful with who's waiting for you!" Matigas na sabi ko. Nagbago naman agad ang mukha ni Gaelan at mabilis na sinarhan ang bintana.

"Wait, Princess. Before you act bratty, isipin mo munang may nakakarinig sayo sa ibaba." Bulong nya habang sinasarhan ang mga bintana.

Wala na akong pakialam!

Humalukipkip din ako sa kanyang harapan pero nagpamewang muli si Gaelan at malalim na huminga.

"First, inaya lang nila ako dahil nakita nila ako sa dalampasigan. I could have txted you pero wala akong cellphone." Pauna nyang sabi pero bakas din naman ang pagkairita sa kanyang boses. Nagagalit ba sya dahil inaaway ko sya? Pwes, galit din ako!

"Second, uuwi naman talaga ako kahit hindi mo ako sinundo."

"Third--" Huminga ng malalim si Gaelan. "Im sorry.. Hindi ko na uulitin." He said sincerely. Gayunpaman hindi nabawasan ang inis ko.

Nanatili ako sa gilid ng duyan ni Rigo at hindi na tiningnan si Gaelan.

"Baby?" Untag ni Gaelan. Malamang ay lasing sya kaya nananawag na naman sya ng Baby!

"Baby, kumain ka na ba? Im sorry. May gusto ka bang kainin? Gusto mo bibili ako sa bayan?" Nilapitan ako ni Gaelan pagkatapos ay hinaplos ako sa magkabilang braso.

"TSE!" Nainis talaga ako at iniwanan ko sila ni Rigo doon sa salas.

Humiga ako sa kama at bumaluktot. Wala talaga akong maririnig! Bahala si Gaelan sa buhay nya! Niyakap ko ang unan at binalak ko pang suntukin pero bad kasi maging bayolente.

I am really frustrated. Is this the life that I want? No! Pero nagtitiis ako at nagpapasensya! Like what he told me, he's all that I got. Sana nga lang ay hindi nya masyadong ipinadadama sa akin na mag-isa ako! These, he's used to all of these and I am not! Kaya nyang ipagpatuloy ang normal nyang buhay, normal na kasiyahan samantalang ako ay hindi. I have to think about my family, my safety and I even have to think why this is all happening to me!

"Did you cook for me?" Narinig ko ang boses ni Gaelan doon sa entrada ng kwarto. Hindi ako kumibo.

"Halika na, sabayan mo ako." Malambing pa din ang kanyang boses. Naiinis ako dahil natutukso akong lingunin sya kahit ayaw ko naman!

"Kumain ka na hindi ba? Nagpunta ka sa birthday. Wag mo ng piliting kumain." Walang ganang sabi ko.

"Your cooking excites me.. Gustong gusto ko na ipinagluluto mo ako."

Hindi ako umimik kahit kaunting kaunti na lang mapapangiti na nya ako. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Gaelan at nadama ang paglubog ng kutson.

"Kanina ako ang nagtatampo sayo, tapos ngayon ako pa din ang nanunuyo?" Pinindot pindot pa ni Gaelan ang aking braso.

"Sige na.. Bati mo na ako, Tabs. Sorry na talaga."

Bumangon na ako at seryoso syang tiningnan.

"Galit pa din ako sayo pero kakain na tayo."

Unti unting ngumiti si Gaelan pagkatapos ay hinaplos pa ang pisngi ko. Pinalis ko lang yon ng kamay.

"Ang ganda ganda mo talaga, Tabs. Ang cute cute mo pa kapag nagtatampo ka. Kahit lagi mong sinasaktan ang damdamin ko, hindi pa din ako magsasawang suyuin ka." Sabi nya pa.

Sumimangot ako kahit ang totoo, nilusaw non ang lahat ng tampong kinipkip ko kanina pa.

Nakakainis ka talaga, Yabs!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top