Kabanata 46


Okay.

Huminto kami ni Gaelan sa isang kubo na apat na bahay ang pagitan mula kila Manang Selya. Halos kamukha din ito nung kay Manang Selya. Yun nga lang ay mayroon pang limang baitang ang hahakbangin bago ang pinaka-pinto. Yari sa semento ang una at huling baitang ngunit ang loob ng bahay ay puro kawayan na. Kahit wala pang binubuksang aircon o di kaya electric fan, angat na angat na ang pagiging presko ng lugar.

Binuksan ni Gaelan ang bintana sa pinaka'salas', nilipad agad ang kurtina kasabay ng hampas ng alon sa dalampasigan. Itinabi ni Gaelan sa pinakasulok ang mga bag na bitbit at doon naman sa upuang kawayan ang gamit ni Baby Rigo.

"Sandali, iaayos ko muna ang kama." Gaelan said. Hudyat naman iyon para tambulin ang dibdib ko. Isang kwarto lang ang mayroon, tiyak na isa lang din ang kama doon. Hindi naman sya pupwede doon sa upuang kawayan dahil technically, nakikitira ako sa kanyang kubo. Pupwede naman ako na lang sa upuan matulog kaya lang paano naman si Rigo? Baka daganan lang ito ni Gaelan kung sila ang magkatabi.

Napapikit ako sa naalala ko.

Nahuli kami ng mga magulang namin noon dahil nakatulog kami sa tent kahit wala kaming balak. Ibig sabihin, maaring makatulugan din namin si Baby Rigo dahil parehas kaming mahilig matulog. I cringed at the thought.

I swear! Hindi talaga ako matutulog! Babantayan ko lang si Rigo.

Lumabas si Gaelan mula doon sa kwarto. Walang pinto na nakaharang kaya natanawan ko na agad ang kama na mayroong manipis na kutson. Nakabalot na ito ng puting kobre kama. Hindi ganoon kalapad ang higaan pero masyado ding malaki para sa isa.

"Saan kami matutulog ni Rigo?" Tanong ko.

Nginuso ni Gaelan ang kama.

"I-ikaw?" Sumunod na tanong ko. Nagtaas naman ng kanyang kilay si Gaelan.

"Dyan din. Saan mo papatulugin ang asawa mo?" Mapanuri ang tingin ni Gaelan sa akin. Di ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi! Bakit naman kami tabing matutulog? Wala namang nakakakita sa amin kapag nandito kami! Hindi naman namin kailangang magpanggap kung kaming dalawa lang hindi ba?

"My back aches if I sleep on a hard surface. Kung bibili naman ako ng dalawang kutson para sayo at sa akin, magtataka naman ang mga taga-dito."

"Will they even know if you will do that?" Nagtaas ako ng kilay. Ganoon ba ka nosy ang mga taga dito? Pati ang pagbili ng kutson ay kakamustahin?

"You just saw Sta. Monica at night, you haven't seen it in the morning. Nagugutom ka ba?" Pag-iiba ni Gaelan ng usapan. Kanina ay nakapagdrive-thru pa kami kaya hindi naman ako masyadong gutom. Umiling lang ako at inilagay si Baby Rigo sa kama na ngayon ay nakamulat na.

Kumuha ako ng wipes mula doon sa mga gamit nya at marahang pinunasan ang kanyang buong katawan. Hindi ako sigurado sa ginagawa pero pinalitan ko sya ng diapers. Nakamasid lang si Gaelan sa ginagawa ko.

"You'll be one hell of a good mom." Gaelan said, amused. Tiningnan ko lang sya at binalik ang atensyon kay Rigo, paano naman nya nasabi yun? kung ako nga sa sarili ko, hindi din tiyak ang ginagawa ko.

Kahit hindi umiiyak si Baby Rigo ay tinimplahan ko sya ng gatas. Sa dami ng itinulog nya, napakakonti naman ng paghingi nya ng gatas. Hindi siguro sya reklamador na bata. Ilang buwan na kaya si Baby Rigo?

"Paano ka pala nakarating sa lugar na ito?" I asked. Mukhang kilala na sya ng mga tao sa lugar na ito, ayun nga lang ay bilang Daniel.

"I had a case here before. Drugs. Ibinabagsak ng mga taga-China sa daungan ng mga mangingisda dito. Kinailangan kong magpanggap na mangingisda din para makasalamuha ko sila at malaman ang kanilang ginagawa."

"So you know how to fish?" Mas namangha ako sa isiping iyon. He really changed! Dati nga ay hindi sya kumakain ng isda. Gaelan gave me a weirded look.

"Masama?" Sarkastiko nyang tanong. Umirap lamang ako.

"And how did you know Mang Fritz' name awhile ago?" Kanina ay nagulat din ako doon. Nakalimutan ko lang syang tanungin dahil nakatulog ako sa byahe.

"Itinanong ko doon sa pinagtanungan ko ng bahay ni Chuck De Guzman, I casually asked kung sino ang nagbabantay kay Rigo."

I nodded. I didn't know Gaelan will mature like this. He could stand on his own, make his own decisions and save lives. I am—well, kinda proud of him, as someone, as his ex- uhm, schoolmate.

"At sino naman si Kathryn?" I asked afterwards.

Mataman akong tiningnan ni Gaelan at pinanliitan ng mata. "Selos ka?" His smile turned into a smug.

Nag-iwas ako ng tingin. Malay ko ba kung ipinangalan nya pa ako sa isa sa mga babae nya? Pwede naman kay Heather nya ako ipinangalan para nagkatotoo nang misis nya si Heather. Pangarap nya siguro yon.

"Tsk, hindi ka talaga nanonood ng TV?" Napapailing na sabi ni Gaelan pagkatapos ay hinawakan nya si Rigo at pinakatitigan ito.

"Rigo, si Nanay mo nagseselos na naman." Sambit nya sa harap nito. Pinanlakihan ako ng mga mata.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo!" I said defensively!

"Shhh.. Don't say bad words in front of our son." Masama pa nya akong tiningnan. Nagngingitngit ako sa inis. This guy! Sa ganitong sitwasyon nagagawa pa nyang magbiro at inisin ako.

"Si Kathryn, yung kaloveteam ni Daniel. I was actually trying to pull a joke but Manang Selya bought it so.. Hayaan na natin."

Humalukipkip ako at masama din syang tiningnan. "At bakit mo naman naisip na gawing biro na loveteam ang pangalan nating dalawa?"

"Para meant to be, hindi ba?" He chuckled. Kumindat pa sya. Ugh! Napakapilyo talaga!

I decided to start unpacking Rigo's things. Wala naman akong mapagtatanungan kung ano pa ang kanyang mga kailangan. Hindi ko din alam kung may pera ba kaming dala. Kung meron man, hindi din pupwedeng maglustay dito sa islang ito dahil magtataka pala ang mga tao.

Then Gaelan has to fish? And me? Ako ang magbebenta noong mga isda?

"Hey, anong iniisip mo?" Bulong ni Gaelan ng napansin nyang nahinto ako sa ginagawa. Yakap yakap nya si Rigo.

"I don't know what to do here. I want to talk to my family but I cannot use phone. Are we trapped here forever?"

"Kung maka-trap ka naman porket ako ang kasama mo." Umismid si Gaelan dahil sa pagrereklamo. I mentally rolled my eyes. Parang hindi sya seryoso sa pagtakas namin kanina. Ngayon ay parang mas naging mapayapa sya. Does he think that we are safe here?

"I will talk to Master Yushima tomorrow. Aalamin ko ang pangyayari sa Floresca Empire. I will ask him to send Agent Toshiyo wherever your family is to check on them. Yuki, I believe he will hunt whoever plotted this against your family, hindi yon mahihirapan dahil si Smiths ay dating Yukan'na, madaling makakuha ng leads. And me, I have the most difficult part in this case." Sumandal sya sa headrest ng kama at tiningnan akong mabuti.

"I have to look after you and pretend that I am your husband. Hirap di ba? Ang sungit mo pa naman sa akin." He smiled again so I scowled.

"Wala akong pambayad sa inyo." Nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung magkano pa ang natitira sa amin o kung mayroon pa ba. Nakakahiya kung mageexpect sila ng bayad mula sa aming pamilya lalo na't alam ko na napakamahal ng serbisyo ng kanilang grupo tapos wala pala silang mapapala. Malaking abala ito. I am just praying that Attorney Deuce would take over all the casualties. Kung pwede lang matulog tapos pagkagising mo, wala na talagang problema.

"It's on me. You just need to be a good wife, Baby." Pagpapanatag sa akin ni Gaelan pero imbes na mapanatag ako, bumilis ang tibok ng puso ko. Baby? It is loud and clear.

"Cat got your tongue?" He smirked.

"Don't call me Baby. Porket wala dito ang girlfriend mo." Sagot ko pabalik. Napawi ang ngiti ni Gaelan dahil sa sinabi ko. I just sighed.

"I need to rest. Rigo will sleep in the middle, okay?" Pagpaplano ko. Tumango naman si Gaelan. Kapag tumutol pa sya aba ewan na lang.

I just took a quick shower, mabuti at mayroong maayos na bathroom sa kubo ni Gaelan. It is simple but complete. May simpleng TV, lamesang pang-apatan, kalan na mayroong gasul, mini ref (thank God) for sure kakailanganin ito ni Rigo at yung kwarto naman ay napakaraming unan. I love pillows. Hindi ako kumportable kung dalawa lang ang unan tapos paghahatian pa naming tatlo.

Ginawa namin ang pinlano kung paano kami mahihiga. Isang maliit na ilaw lang ang naging liwanag sa gitna kadiliman, pinagana na din ang electric fan dahil sinarhan na ni Gaelan ang lahat ng bintana. Pinagmasdan ko si Rigo na dilat na dilat naman ngayon.

"Baby, you better sleep now." I whispered. Tumagilid si Gaelan at pinagmasdan din si Rigo pagkatapos ay tiningnan ako.

"You too, Baby.." Gaelan said. Tumaas na naman ang aking kilay kaya humagikgik si Gaelan.

"Hindi ikaw ang kausap ko." Masungit kong sabi.

"Don't call Rigo, 'Baby'. Nalilito ako, akala ko naglalambing ka sa akin."

Hindi na ako nagsalita. Sumeryoso ang mukha ni Gaelan pagkatapos ay hinaplos si Rigo sa katawan.

"Ikaw ang matulog. Ako na ang magbabantay kay Rigo."

Tumagilid si Rigo, pagkatapos ay tumagilid muli papaharap kay Gaelan. Parang hindi sya mapakali. I wonder if he's looking for Mang Chuck now. Eerie thoughts about Mang Chuck came across my mind. Naalala ko na naman ang duguan nyang katawan at kung paano sya pumikit pagkatapos nya ang akong bilinan sa kanyang anak. Sana wag syang magmulto.

Wherever he is, I would still hope that he survived. If he did not, I promise to take care of Rigo and to treat him as my own.

Before closing my eyes, I sat down. I forgot to say my prayers. Nagkatinginan kami ni Gaelan.

"What do you need?" He asked worriedly.

"Magdadasal lang ako. Pray tayo." Tumango si Gaelan at binuhat muli si Rigo.

I lead the prayer. I thanked God for the safety of my whole family despite of what happened. Madalas kasi hindi na nakikita ng mga tao na mayroon pang ipagpapasalamat lalo na't puro masasalimuot din naman ang nararansan, but if we will just open our eyes in those small things, we will realize that we are so blessed. The fact the we wake up daily with the capability to fight danger, sickness, hunger and even death is a blessing.

"... And I pray for continuous safety and strength for the whole family, Gaelan and Baby Rigo. These we asks in Jesus' Name, Amen."

I ended my prayer at paglingon ko kay Gaelan, nakatingin pa din sya sa akin.

"I missed listening to your prayers." He said pagkatapos ay maingat na inihiga si Rigo sa kama. Rigo just rolled down.

"Tingin ko hindi sanay si Rigo sa kama."

Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan habang hinahawakan ang kamay ni Rigo. Rigo on the other hand looks frustrated that he cannot sleep. Mas bumibilis ang pag-ikot ikot nya na parang nayayamot.

"Masasanay din siguro sya. Matulog ka na, ako na ang bahala." Wika ni Gaelan.

---

Malalakas na iyak ni Rigo ang gumising sa akin, tumingin ako sa paligid dahil madilim pa. Si Gaelan, mahimbing at hindi man lang narinig ang pag-iyak ni Rigo. I carried the baby and slowly danced him, it is amusing that I am able to carry him with one hand now, ang isa kong kamay ay nagsasalin ng scoop ng gatas sa feeding bottle. Tumahimik na din sya at ininom ang gatas habang nakatingin sa akin. I smiled at him, kahit ginigising ka sa madaling araw ng baby, hindi mo makukuhang magalit kasi ang cute cute nila. Rigo's nose is chiseled. Moreno ang kanyang kulay pero mapula ang kanyang labi. Deep set ang kanyang mga mata at mahahaba ang pilik. I am sure that he will grow up good looking.

Hindi na ako muling nakatulog, bumalik na naman ako sa pag-iisip sa kalagayan ng aking pamilya. Gaano kaya kabilis matatagpuan ang gumawa sa pamilya namin nito? At ang motibo?

Imposibleng mayroong makaaway ang mga magulang ko, they are both loved by the people. Magaling silang makisama, lalo na si Mommy na madasaling tao. Napakalalim naman ng galit ng kung sino man iyon at hindi man lang inisip ang kalagayan ng mga taong madadamay.

I looked at Rigo again, he's now sleeping. I gently kissed his forehead and I whispered 'Im sorry'. Kasalanan ko talaga kung bakit sya nawalan ng ama. If I did not escape, then iba ang sakay ni Mang Chuck ng mga oras na yon. Hindi ang kagaya ko na mayroong banta sa buhay.

"Good morning.." A husky voice filled my ear. I froze in an instant. A gentle hand felt my cheeks and a squeeze on my hand made me feel safe again.

"Nandito pa ako." Gaelan said. I nodded. At least someone familiar, hindi ako naiwanan mag-isa pero alam kong hinihiram ko lang sya. Dadating din ang oras na kapag maayos na ang lahat, kailangan ko na syang isaoli kay Heather, o kung matatagal ang pag-aayos, baka iwanan na lang din nya ako at iintindihin ko yon. Hindi naman nya ako responsibilidad. Hindi na siguro sya mababayaran pa ng aking pamilya.

"Nandito lang talaga ako.." He said again. Sa pagkakataong iyon, inakbayan na ako ni Gaelan, he gently kissed the top of my head "Hindi na kita iiwan. Hindi na."

Isang panibagong umaga ang sinalubong namin ni Gaelan. Inihiga namin si Rigo sa kama at pinalibutan ng napakaraming unan para makagawa ng gawaing bahay. Bumaba si Gaelan ng kubo bilang Daniel. Pagbalik nya ay mayroon na syang dalang mga plastic na mayroong lulutuin. Puro lamang dagat ang mga iyon at ilang kilong bigas. Hiniling ko na sana ay mayroong mas kumpletong sangkap but this is all that I got.

Ang boneless bangus na dala ni Gaelan ay ginawa kong fried daing, nagprito din ako ng itlog at nagluto ng fried rice. Hinayaan ko munang bumaba si Gaelan ng kubo habang nagluluto ako. Mukhang madami syang kakwentuhan sa ibaba dahil naririnig ko pa ang kanyang boses na masaya. Hindi sya suplado sa iba. Hindi na sya masungit. O parte ito ng pagdidisguise nya.

Maya maya pa ay umakyat syang muli na may malaking ngiti.

"So this is how it feels to be a Chef's husband?" May kislap sa mga mata nya habang pinagmamasdan ang nakahanda sa lamesa. Ano bang feeling ng isang ito? Nagbabahay-bahayan kami?

"Simple lang ang mga yan. You don't need to be happy about it." Umismid ako sa kanya, hindi naman napawi ang ngiti ni Gaelan.

"Kahit ano, basta luto mo." He said.

Mukhang totoo ngang masaya sya dahil sya ang halos umubos ng pagkain. Na-challenge na naman ako sa pag-iisip ng lulutuin ko sa pananghalian. Ang kaluluwa ko bilang Chef ang bumabangon sa akin. Sana ay mas madami akong sangkap! Pinagplanuhan kong bumaba bago mananghalian para humanap ng maari kong ilagay sa hipon na iniakyat ni Gaelan kanina. Isasama ko na lang si Rigo maglakad lakad.

"Bababa muna ako, Tabs. Hahanap ako ng bangkang pupwede kong samahan bukas para sa pangingisda." Pagpaaalam ni Gaelan habang nasa pinto na. Pumayag naman ako kahit iniisip kong hindi naman na nya kailangang gawin. He has money. But then again, maiisip ko na naman na kailangan nga pala naming makibagay.

I have no idea what this island looks like, kung paano ba mamuhay ang mga tao, kung paano sila kumilos. Mamaya talaga ay maglalakad lakad ako. Wala akong balak lumayo kahit na panatag ako na ligtas ako sa Sta. Monica dahil dito ako inilagay ni Gaelan. Iniiwanan nya nga din ako at nagpapalaboy laboy sya. Isa pa, ako si Kathryn.

"Daniel... Daniel. Yuhoo!!!" Isang malambing na boses ng babae ang narinig ko mula sa ibaba ng kubo. Nag-alala agad ako dahil baka maabala sa pagtulog si Rigo. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi man lang kumilos si Rigo.

"Sino ka?" Di ko mapigilan na mapataas ang kilay sa isang babae doon sa pinakababang baitang ng kubo.

"Ay fierce! Tiger look! Ikaw ba ang asawa ni Daniel? Ako nga pala si Mercy. Kaibigan ni Daniel." Pagpapakilala nya sa kanyang sarili. Malakas talaga ang kanyang boses at masyadong magiliw. Kitang kita ang kanyang personalidad sa suot nyang maigsing maong shorts at kulay rainbow na spaghetti strap. Hindi din pantay ang kulay ng mukha sa kanyang leeg at pulang pula ang kanyang mga labi.

Ex din ba sya ni Gaelan?

"Mayroon akong dalang biko at sapin sapin. Ito oh.." Tinanggal ni Mercy ng takip na tela ang kanyang hawak na bilao. Kitang kita ko ang makulay na puto doon. Nag-effort pa talaga sya huh.

"Girl, tanggap ko na mayroon ng asawa't anak si Daniel, wag mo ako tingnan ng ganyan." Prangkang sabi nya. Napalunok ako at pinilit bawiin ang masungit na ekspresyon ko. How do I look like a while ago? Mukha kayang kakainin ko sya or something?

"Tuloy ka." Sambit ko bilang pambawi. Hindi naman nag-atubili si Mercy na umakyat. Malapad ang kanyang ngiti sa akin at naamoy ko agad ang pambatang cologne sa kanya. She seems nice actually.

Tinulungan ako ni Mercy na maglinis ng kubo ni Gaelan. Kahit pala maliit ay mahirap linisin. Sya din ang nagpalit ng diaper ni Rigo ng nagpoopoo ito. Nagluluto kasi ako ng pananghalian namin ni Gaelan noong nagkaroon ng call of nature ang Baby. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na panoorin si Mercy sa kanyang ginagawa. Ang totoo ay kagabi ko pa pinorpoblema ang parteng ito sa buhay ni Rigo. Hindi ako marunong. Nalaman kong wet wipes lang pala at bahagyang mainit na tubig at bulak ang panlinis sa mga sanggol na kagaya ni Rigo.

Nag-offer pa nga si Mercy ng paliguan ng bata na kinalakihan ng pamangkin nyang one year old na daw ngayon. Sya din daw ang magdadala mamayang hapon pagkatapos nyang magdeliver ng puto sa mga mangingisda na dadaong sa dalampasigan.

"Grabe, Kath! Ang cute cute ng anak nyo ni Daniel! Hindi ko lang makuha kung sino ang kamuha pero dahil gwapo sya at napakaganda mo, ang pogi pogi ni Rigo." Papuri pa ni Mercy habang pinanggigigilan ang tyan ni Rigo.

"Salamat.." I smiled. "Dito ka na mananghalian, nakaluto na ako.." I announced. Ngumiti si Mercy at umiling.

"Naku, hindi na. Ala una pa ako kakain, pagkatapos kong magbenta ng puto. Sa bahay na ako manananghali para madala ko na din ang paliguan ni Rigo at yung mga damit na kinalakihan ng pamangkin ko. Speaking of, bababa na ako. Narinig ko na ang potpot ng mga bangka! See yah later alligator!" Maligayang pagpapaalam ni Mercy. Inihiga nya si Rigo sa upuang kawayan na nasasapinan ng kumot at nahaharangan ng unan.

Natuwa naman ako doon. Sa wakas ay magkakaroon ng gamit si Rigo. Hindi na namin kailangang mamili. I want to give Rigo the nicest things that I saw in Ahmed Mall before, but then again, that mall turned into ashes. Bumalangkas na naman ang lungkot sa puso ko. Kuya Ahmed must be devastated about it. He loves his mall.

Isang yakap sa bewang ang naramdaman ko mula sa likod. Ang baba naman ay nakapahinga sa balikat ko. I can smell his manly perfume despite that he went out under the sun.

"Don't stress yourself too much. Everything will be okay." Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Gaelan.

Huminga ako ng malalim. Kung wala talaga si Gaelan, malamang mababaliw na ako.

"Mahirap ng maging maayos ang lahat, Gaelan. If this will last long, paano na ako?"

Hindi ko inialis ang kamay ni Gaelan. Parang kinukurot ang puso ko sa nangyayari sa aking pamilya at hindi ako mapanatag.

"Paano ka? You don't even have to worry about it. I am here to take you in. You and Rigo and everyone else you want to put in the boat. Kahit anong gusto mo, Maria, yun ang ibibigay ko." Masuyo nyang sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top