Kabanata 40



Change.

"Ang sakit sa likod!" Nag-inat si Regine paghakbang namin sa labas ng eroplano. Sinuot ko ang aviators ko para hindi naman mag-hello ang eyebags ko sa pamilya kong susundo sa akin.

"Inaantok na ako. I'll probably sleep later. Ikaw?" tanong ko kay Regine.

"Ako din.." binaybay namin ang mahabang lakaran sa loob ng airport para kunin ang luggage namin. Pinagsama-sama namin sa cart ang mga ito at si Regine na ang nagpresintang magtulak.

"Sino ba ang susundo sa atin?" tanong ni Regine habang patuloy ako sa paglalakad. Nagpalinga-linga ako at tumingin sa salamin na naghahati sa mga taong papadating at sasalubong.

Natigilan ako ng mahagip ko ang isang cardboard na mayroong pangalan ko.

"WELCOME BACK RIA!!!" At ang tuldok ng exclamation point ay tila hugis puso pa.

Lumipat ang mga mata ko sa may hawak non. Hindi pa nya ako nakikita kay mabilis ang pagtalikod ko kasabay ng mabilis na pintig ng puso.

"Oh? anong nangyari?" Concerned ang boses ni Regine.

"Y-yung sundo natin--"

"Asan?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Is this a joke?! Bakit naman ang taong yon ang susundo sa akin? Imposibleng may nalalaman sya sa pagdating ko. Not unless my family have to do something with it! Pinagkakaisahan ako? Bakit?

"Ay ang bongga ng pawelcome back! Ang gwapo ng sundo!" Humagikgik si Regine.

"Rej! Siya yung pinag-uusapan natin kanina." Mahinang sambit ko. Agad akong nilapitan ni Regine at hinawakan sa magkabilang balikat habang naka-form ng 'O' ang kanyang labi.

"Sya? As in sya? Bakit ka nya susunduin? Wag ka ngang assuming teh! Baka naman hindi ikaw. Ria lang nakalagay, walang apelyido!"

Napagtanto kong tama si Rej. Imposible din naman na ako nga ang pinupuntahan nya. Isa pa, eh ano naman?

Pull yourself together, Ria!

That was five years ago, kalma.

Huminga ako ng malalim at sinubukang bawiin ang composure ko.

Hinawi ko ang buhok ko at hinayaang ang ilang hibla ay tumabing sa kalahati ng mukha ko. Tumuwid ako sa pagkakatayo at pinagmasdan ang suot kong skinny jeans at puting button down shirt.

Lumabas kami sa may passenger's arrival area na hindi na muli syang tiningnan. I am pretty sure he won't notice me. Nasaan na ba kasi ang pamilya ko?

"Welcome home, young maiden." Itinagilid ko ang ulo ko dahil sa boses na iyon. Fudge! Fudge!

Nanikip ang dibdib ko dahil limang taon ang lumipas at narinig ko ulit ang boses na yon. It is somewhat nostalgic. Kulang ang balik tanaw ko kanina, ito ang kumumpleto. The exact feel of his soothing voice talking to me.

"Hi! Ako si Regine!" Narinig ko ang boses ni Regine na magiliw na tinanggap ang presensya ni Gaelan. Giving me time to redeem myself from the surprise. Nag-paste ako ng ngiti bago tuluyang lumingon.

"Agent Ancheta." Malamig na pagpapakilala ni Gaelan sa kanyang sarili kay Regine. Tumikhim ako.

"Thank you." Pormal na sabi ko. "Can you help us with our things, please?"

Tumango naman si Gaelan na hindi ako masyadong tinitingan. Kinuha ni Regine ang cardboard mula sa kanya.

"Nag-abala pa si Agent ng pa'welcome back!" Natatawang sabi ni Regine.

"It was Samantha's idea. Para madali nyo daw akong nakita." Sagot ni Gaelan habang nagpapatiuna sa pagtulak ng cart.

"Hindi naman kami mahihirapang makita ka." Kumento ni Regine na pasimple kong siniko. She is ogling at Gaelan's behind. Aminado din naman ako na mas lalong umangat ang ganda ng katawan ni Gaelan. He looks more matured now in his black slacks and dark blue polo. Yung imahe nyang naalala ko kanina, halos burahin ng itsura nya ngayon. He seems professional. Ang kilay nyang makakapal ay laging salubong, palinga linga din ang kanyang mata sa paligid, hindi din halos sumilay ang ngiti sa kanya.

Ano naman kaya ang ginagawa nya sa pamilya namin?

Si Regine ang tanong ng tanong kay Gaelan. That, or we will all suffer in silence the whole ride. Traffic pa naman.

"So, agent ka na nagtatrabaho sa mga Floresca. Alam mo may kilala din akong agent eh. Si Yuki Yushima! Kilala mo ba yon?" Tinaasan ko ng kilay si Regine sa aking tabi. Mabuti at nakashades ako kung hindi ay mahahalata ni Gaelan ang reaksyon ko. He's sitting beside our driver.

"Yes. He resigned years ago."

Resigned? Sabi ni Yuki mayroon daw syang misyon sa Venice ah! Pinaglololoko nya ba ako?

"Boyfriend yon ni Ria. Magkasama sila sa Venice."

I almost died in Regine's statement! Ano bang pinagsasasabi ng babaeng ito?!

"A-ah. Ganon ba. Wala na ding akong balita kay Yuki." Narinig kong sabi ni Gaelan na hindi man lang nakita ang kanyang reaksyon. Sabagay. Why the hell would I care?

Hinagilap ko ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Yuki sa whatsapp contacts ko.

Ako: Nasa Pilipinas ka ba?

Mabilis na tumunog ang cellphone ko.

YuYu: Hello sweet sugar coated fairy!

I groaned with Yuki's reply. Hindi na ako magtataka kung nasa Pilipinas din sya, isang bwan ko syang hindi nakita dahil nagbakasyon kami ni Regine sa France. Kung hindi sa kalsada ng Rome nagpalaboy laboy ang isang yon pra maghanap ng broken hearted na bibiktimahin, uuwi nga sya sa Pilipinas.

Ako: Alam mo bang si Gaelan ang sumundo sa akin? At alam mo bang alam ko na resigned ka sa Yukan'na! Tsk. You are such a liar.

YuYu: Galit ka naman agad, cute little thing eh! Eto nga nagte-training ako ulit para maging agent.

Ako: Tigil tigilan mo ako sa endearments mong baduy!

YuYu: Why o why, Baby bomb? 😞

Binalik ko ang cellphone ko sa aking pouch. I never had a serious conversation with Yuki eversince. Ngayon ay naisip ko na nakatulong sa kanya ang paglayo sa Yukan'na. Dati kasi ay stiff sya. Ngayon napakapalabiro.

Nagbeep muli ang cellphone ko.

YuYu: Pretty tiny booboo.. 😍

Ako: Y-U-C-K!

YuYu: 😮😮😮

I almost imagined Yuki making a face. Napangiti ako.

Ako: Haha! I miss you, Yuki.

Natanaw ko na ang entrada ng village namin. Tuwing napapadako ang mga mata ko sa gilid non kung saan ako nagtago para intayin si Gaelan, naawa pa din ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko yun ginawa. Now we treat each other as strangers, hay, Ria! Sayang talaga ang effort mo!

Pumasok ang aming sasakyan sa mansyon. I missed the sight of it. Gusto ko nang bumaba kahit hindi pa humihinto ito dahil sa excitement. Namimiss ko na ang kwarto ko.

Tuluyan nang huminto ang sasakyan. Hinawakan ko agad ang door handle para bumaba ng sasakyan pero bumukas ito agad.

Nakita kong si Gaelan ang nagbukas non. He's still poker face.

"Salamat." Bulong lang iyon at hindi ko na sya muling tiningnan.

Nakasunod si Regine sa akin. Ordinaryo ang tingin ko pagpasok sa bahay. Wala ang mga kasambahay sa paligid. Siguro din nasa opisina pa ang mga kapatid ko.

"WELCOME BACK!!!" Halos mabingi ako sa pagsigaw ng aking pamilya na nanggagaling sa muebles sa iba't ibang parte ng kabahayan! Natawa pa ako ng mapagtanto na nagtago lang sila doon. May pasurprise surprise pang nalalaman!

"Thank you!" Sinalubong ako ni Kuya Rab at niyakap ako. He handed me a black jewelry box with a gold engrave of 'Cartier'.

"Happy birthday Baby Botchog. Welcome back.." Hinalikan ako ni Kuya Rab sa noo. Tinaasan ko sya ng kilay at nginuso ang kanyang regalo.

"That's not a necklace. See for yourself." Bulong nya.

He knows I do not want another necklace. Tuwing nakakakita ako ng kwintas, I really see it as a symbol of a broken promise kaya ayoko na noon.

It is really funny how one person can make a difference. You will view things differently because of a mistake, false hope and a dying love. Sa isang pitik.

"Young Maiden, you left your phone." Magalang na sambit ni Gaelan sabay abot sa akin ng telepono. Sinilip ko ito at nakita ko ang missed calls mula kay Yuki. Hindi pa din umalis si Gaelan sa aking harapan kaya hindi din ako gumalaw, nagkunyaring abala sa cellphone.

Isang flash ng camera ang sumilaw sa akin. Parehas pa kaming nagulat ni Gaelan.

"Throwback Thursday oh! Welcome back, Baby girl!Hello Baby Boy!" Humalik si Sam sa aking pisngi. Hinaplos ko ang kanyang tyan na nagdadala sa aking pamangkin.

"Kailan ang kasal?" Tanong ko sa kanya.

"Naku hindi pa! Hindi pa ako sigurado kay Gilad kung talagang natuto na sa leksyon nya. Alam mo naman tayo. Survivor. Kung lolokohin nya pa ako ulit, mas madaling mag-impake kung hindi nakatali." Umismid si Sam at tumingin kay Kuya Gilad. Sumilay ang masayang ngiti kay Kuya Gilad ng magtama ang mga mata nila ni Sam at naglakad papalapit sa amin.

"Welcome back, Ria.. Honey, do you want anything?" Yumakap pa sya sa bewang ni Sam.

"I want you out of my sight. Tse!" Tumalikod si Sam at naglakad patungo sa kung saan. Sinundan naman sya ni Kuya Gilad.

Kumaway ako kay Mommy at Daddy na may kung anong sinasabi sa mga kasambahay namin. Binalingan ko si Gaelan na nakatayo pa din sa aking harap.

Tumunog muli ang cellphone ko. Napatingin ako kay Gaelan na mukhang may sasabihin. Sumenyas ako na sasagutin ko ang tawag at naglakad papalayo sa kanya.

"Hi cotton candy puppy puff!" Bungad ni Yuki sa kabilang linya.

"Kailan mo ba ako seseryosohin?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Baka pag sineryoso kita, magulat ka." Yuki chuckled. Umirap ako sa hangin. Bakit ba ang dami nyang naloloko? He's a sweet talker and that's it. This manwhore.

"Im home." Kinagat ko ang pangibabang labi ko. Nakatayo ako sa gilid na lamesa kung nasaan ang picture frames ng aming pamilya.

"I need someone to talk to." dugtong ko.

I heard Yuki sighed. "Hindi mo ba talaga ako titigilan? Mula Venice hanggang sa Pinas pang-maalaala mo kaya ang pagkakaibigan natin? Do I look like Charo Santos to you?" Reklamo nya. Napalabi ako. Nagsasawa na si Yuki sa mga reklamo ko sa buhay. I cannot blame him. All I talk about in sadness but no reason in particular. I just feel sad.

"Okay.. I'll just see you one of these days." I murmured.

Isang malakas na pagtunog ng motor ang narinig ko na nagmumula sa main door ng mansion. Napakunot ang noo ko dahil narinig ko din yon sa kabilang linya.

There. I saw Yuki confidently walking down his motorcycle. Pinatay nya ang telepono at kaswal na kumaway sa akin.

"Hi Lollipop!" He flashed a playful grin. Halos mapatalon ako sa sobrang saya! He's here! Finally, may kakampi ako. I have yet to ask them what is Gaelan doing here at parang aligaga pa si Mommy sa pag-asikaso dito, I think they are cooking something and Yuki will balance my stress!

"YuYu!" I smiled from ear to ear. Sinalubong ko sya ng yakap. Dinig ko pa ang pagsinghap sa aking pamilya pero ng lingunin ko sila, nagpatuloy lang sila sa kanilang ginagawa.

Bukod tanging si Gaelan ang nanatiling nakatingin sa aming dalawa. Tinaasan ko sya ng kilay kaya nag-iwas sya at ngumiti kay Mommy habang kinuha ang inaabot na juice ng Nanay ko. What's with these people?!

"Gael.." Yuki extend his hands to Gaelan, tinanggap namin nito agad. I wonder if he believes Regine. Pinaniniwalaan nya kayang may relasyon kami ni Yuki? Well, it doesn't matter.

Masaya ang kwentuhan ng pamilya ko sa loob ng aming bahay but we retired early. Napagod kasi kami ng husto sa byahe, isa pa ay madilim na din. Hapon na din namang ng kami ay dumating. Hinatid ko si Yuki sa labas ng bahay ng magsiakyatan na ang pamilya ko.

"Lovely sweetypie, I have to go." Hinawakan ni Yuki ang aking pisngi ag pinanggigilan. Kinurot ko sya sa tagiliran para itigil nya but he did not.

"Bukas magiging busy na ako sa turnover ng business ng aming pamilya." Huminga ako ng malalim. Changes will happen soon.

"Tawag ka lang pag kailangan mo ng kausap." Seryosong sabi ni Yuki.

"Nakakaabala ka lang naman! Napakakulit mo."

"Aray naman! Grabe ka sa akin!" Kumapit si Yuki sa kanyang dibdib pagkatapos ay pinitik ako sa noo. Ginantihan ko sya ng pitik sa ilong. Umalingawngaw ang malutong naming tawanan.

"Young Maiden. Kailangan nyo nang pumasok." Natigil kami ni Yuki ng sumulpot si Gaelan sa aming gilid. Tumuwid kami ng tayo ni Yuki.

"I am with Yuki. You don't have to worry." Pormal kong sabi.

"I am not worrying, I am just doing my job."

"If you are doing your job, please avoid meddling with my privacy." Umirap ako.

"Privacy? Nandito kayo sa labas so what's so 'private' about it?"

"Kailangan ba nagtago kami?" Humalukipkip ako.

"That would be awkward." Nanunuyang ngumiti si Gaelan.

"At bakit?"

"Because I am your shadow. I will be your bodyguard."

Pinanlakihan ako ng mata. Like, seriously?!

"Hindi ko kailangan!" I insisted. I need to talk to Daddy. "Yuki, I have to go."

Tumango si Yuki at tipid na kumaway sa akin. "Bye, Peanut butter jelly! Goodnight!"

Naiinis akong nagmartsa patungo sa loob ng mansyon. I couldn't believe this!

Kumatok ako ng mabilis sa kwarto ni Mommy at Daddy, agad akong pumasok doon. Naabutan ko pa silang nanonood ng TV habang magkayakap.

"Hello Princess!" si Mommy.

"Dad, paano namang nangyari na bodyguard ko si Gaelan? I don't need one. Saka bakit close na po kayo?"

"Calm down, Ria." Dad said.

"No! I cannot calm down! Daddy, please. Not Gaelan."

Tiningnan ako ni Daddy ng may pagod na tingin.

"Why not?"

"K-kasi hindi ako kumportable!"

"Because?"

"I don't know. Basta hindi."

"Ako kumportable sa kanya." Daddy said with finality. Mas lalo akong nafrustrate!

"Dad!" Bakit? Bakit bigla? Hindi ba dapat galit sila sa kanya dahil bad sya!

"Ria, he caught a bullet for me. He saved my life." Umupo si Daddy sa kama at sumandal sa headboard.

Doon ako natahimik.

He did that?

Hindi ko man lang alam na nalagay sa panganib ang buhay ni Daddy ng ganon! At ang malaman na si Gaelan pa ang humarang na bala para sa kanya ay napakahirap paniwalaan. When did he become selfless?

"And I think if he can do it for me, he will do the same for you."

"Did we say thanks?" Yun ang naunang pumasok sa isip ko.

"I am not only grateful. Both of us know that he doesn't need an extra income but I still insisted that he work for us because of what he did. You need a bodyguard as loyal as Gael."

Wow, Gael! Nickname na ang tawag ng Daddy ko sa kanya. I rolled my eyes, hindi ko na napigilan. Tiningnan ko si Daddy. He looks tired. Yes, he's old and he probably needs me to take over. Maybe he's worried and I hate it that I need to listen this time, like a kid.

"I don't like him meddling with my personal life, Dad."

"He won't."

"And I don't want to see him 24/7." Pilit ko.

"Impossible."

"What? Why?"

"He sleeps beside your room."

"WHAT?!"

"You're such a baby. May feelings ka pa ba?" Ngumisi si Daddy na parang tinutukso pa ako.

"My God! Dad! That was ages ago!" Napairap ako ng husto.

"Good. He also has a girlfriend. "

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Daddy pero agad din namang nakabawi. Sanay naman na ako. Siguro hindi ko man naturuan ang puso ko na magmahal ng iba bukod sa kanya, alam kung namanhid naman na ako sa sakit. Sa sobrang sakit, ayaw ko na din magmahal ulit kaya nagmumukhang sya pa din. Akala ng iba sya pa din. But I don't think so, wala lang akong balak magmahal ulit na parang baliw na baliw.

Desidido akong kalimutan ng husto ang parteng iyon.

"Remember that he saved your Dad's life, Ria." Bilin ni Mommy bago ako tuluyang lumabas ng kanilang kwarto.

Kahit papaano ay nagbago ang pananaw ko na iniligtas nya si Daddy. I have to say thank you. Kung pinaalam sana nila sa akin noon pa na muntik nang mapahamak si Daddy at niligtas sya ni Gaelan eh di sana nagpasalamat ako sa pamamagitan ng email. Kaya lang ay hindi. Kailangan ko pa tuloy gawin iyon ng personal.

Bumaba ako patungo sa kusina. Noong nasa Venice ako, kumuha ako ng Culinary arts. Dalawang taon ko itong inaral. Narelax ako ng husto pagmasdan ang magagandang pastry. Makukulay na pupwedeng kainin. Kumuha ako ng mga sangkap para sa naiisip ko. Nutella s'mores. Madali lang namang gawin.

Sinilip ako ng isa sa mga kasambahay at nag-alok ng tulong pero umiling lamang ako. I want to do this all by myself.

"Nagbebake ka?" Napalingon ako kay Regine na pupungas pungas.

"Yes."

Hinawi ko ang buhok ko sa pamamagitan ng braso pagkatapos ay binalikan muli ang mixer.

"Ano meron? Hindi mo pa ipinagpabukas."

"Mabilis lang ito, s'mores lang."

"Tulungan kita?"

"Hindi na. Tingnan mo ang itsura mo oh. Tingin ko ay iisipin mong panaginip lang ang usapan nating ito kinabukasan. Go back to sleep. If you are not sleep walking." Biro ko. Regine made a face pagkatapos ay tumalikod sa akin.

Nilagay ko sa molder ang naihanda kong mixture pagkatapos ay nilagay sa oven. Hinarap ko naman ang marshmallow at ang pagtunaw nito sa butter. Kailangan ay maingat para hindi masunog.

Nang maluto na ang nilagay kong mixture sa oven, isa- isa ko itong pinalamanan ng softened mallows. Habang ginagawa ko iyon ay nakita ko si Gaelan na pumasok sa kusina. Hindi nya pa ako agad napansin at dumiretso sya sa ref para kumuha ng tubig. Di ko naialis ang mata ko sa kanya kaya ng napadako ang tingin nya sa akin ay tinaasan nya ako ng kilay. Bumagsak ang mata ko sa ginagawa.

He saved your Dad's life, Ria. Wag masungit.

Naramdaman kong umupo si Gaelan sa bar stool kung saan ako abalang nagbe-bake, mabagal syang umiinom ng tubig sa baso nya na parang wine ang nandoon. Aba't umupo pa talaga!

Minadali ko ang pagpapalaman ng s'mores at inilipat iyon ng cookie jar. Lalagyan ko pa sana ng ribbon kaya lang nakikita naman nya ang ginagawa ko.

"Oh." Iniabot ko ang jar ng hindi tumitingin.

"Baka sabihin mong wala kong heart, thank you ko yan kasi niligtas mo si Dad." Sambit ko. Nang harapin ko sya, nakataas na naman ang kilay nya sa akin!

Ano bang problema nya?

Iniangat ni Gaelan ang kamay nya at akmang hahawakan ang mukha ko kaya napaatras ako ng kaunti. Hinuli naman nya ang balikat ko at mas inilapit pa sa kanya.

"Puro harina ang mukha mo." Seryoso nyang sabi habang pinapagpagan ang mukha ko.

Nakakainis! Baka sabihin nyang pinaghirapan ko ng husto ang ginawa ko. Dapat pala ay binawasan ko ng asukal para mukhang walang effort!

Napatitig ako sa mukha nya habang ginagawa nya yon. He changed. Pag kumunot ang noo nya magkakaroon ng guhit sa pagitan ng ilong. Tapos mas nakadepina na ang kanyang panga.

"Pumangit ka." Di ko napigilang sabihin.

"Ikaw din." Sabi naman nya. Humaplos sa aking ilong ang mainit nyang hininga. Pinili kong ignorahin yon.

"Pero mas pangit ka." Pamimilit ko.

"Mas pangit ka, hindi mo lang matanggap." Seryoso pa din ang kanyang mukha sa pag-aalis ng harina sa mukha ko.

Sumimangot ako at pinalis ang kamay nya.

"Quits na tayo sa pagliligtas mo ng buhay ng Daddy ko. Nagthank you na ako."

"Cookies?" Nanunuya nya akong tiningnan sabay angat nung cookie jar.

"Masarap naman yan! Isa pa, hindi lang naman yan ang ibibigay ko. I will pray for you too. Siguro hindi ka na nagpepray kaya ka tinamaan ng bala. Tsktsk."

Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Gaelan. Mas lalo ko syang kinunutan ng noo.

Nagmartsa na ako papalabas ng kusina ng naiinis.

"You still hasn't changed." Mula sa kusina ay isinigaw nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top