Kabanata 4
Yabs at Tabs
"Hala grabe. Bakit sila magkasabay kakain?"
"Baka magugunaw na ang mundo.."
"Shh, wag kang maingay, gusto mo bang mapatay ni Gaelan?"
"Gaelan.. May pasok pa ako." Bulong ko sa likod ni Gaelan. Amoy na amoy ko pa ang kanyang pabango kaya umiwas ako ng kaunti, nahiya naman ako.
"Bibilhan mo pa nga ako ng pagkain di ba?" Pabulong na angil nya sa akin. Tumalim ang kanyang titig kaya natakot ako agad.
"S-sige. Anong gusto mo?" Takot na tanong ko sa kanya. Pinagmasdan ko syang kunin ang kanyang wallet at nag-abot na naman sa akin ng 1,000 pesos.
"Bilhan mo ako ng fried chicken saka coke." Aniya. Pinanliitan ko sya ng mata, tinaasan naman nya ako ng kilay.
"Bakit?" Tanong nya.
"Araw-araw fried chicken lang ang kinakain mo." Puna ko. Sinimangutan naman nya ako agad at akmang sisigawan. Iniangat ko ang palad ko para patahimikin sya.
"Tandaan mo, girlfriend mo ako." Bulong ko sa kanya.
"Eh ano naman ngayon?!" Depensa nya habang umuupo doon sa lamesa.
"Dapat mabait ka.. Kasi walang maniniwala kung hindi." Suhestyon ko. Mukha namang nakumbinse ko sya kaya itinikom nya ang bibig nya.
"Humanda ka kapag tayong dalawa na lang." Banta nya.
Hindi ako kumibo at kinuha ang pera sa kanya. Lumapit ako doon sa paborito nyang fastfood at nag-order ng pagkain nya. Pinagtitinginan pa din ako habang bitbit ko ang tray ng pagkain ni Gaelan. Binaba ko ito doon sa lamesang nakalaan sa Yukan'na.
"Yung para sayo?" Tanong nya habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga pagkain. Umiling ako.
"Papasok na ako." Sambit ko. Sinamaan nya ako ulit ng tingin kaya napaupo ako doon sa couch katabi nya.
"Gaelan, hindi ako maaring umabsent dahil hindi pupwedeng bumaba ang grades ko.." Bulong ko muli sa kanya.
"Tch. Ako ang bahala sayo." Sambit nya sabay hiwa sa manok sa kanyang harapan.
Grabe naman yun. Paano akong maniniwala sa kanya eh ginawa nya pa nga akong panakip butas para hindi sila mahuli ni Miss Farrah. Kung sya ang batas eh di dapat hindi sila naglilihim ngayon. Kung sya ang batas dapat si Miss Farrah lumipat ng pagtuturuan para pupuwede na sila.
"Gaelan.."
"Tsk, sige na, sige na. Mamaya susunduin kita sa room mo. Wag kang aalis doon hangga't wala ako, naiintindihan mo?" Medyo napalakas na sabi nya.
'Yieee.. ang sweet ni Gaelan!!'
Napangisi si Gaelan dahil sa narinig nyang komento. Napayuko lang ako. Buti kung matagalan nya ang ganitong set up. Lumabas ako at nagtungo sa classroom ko, halos kasabay ko lang ang propesor.
Nakinig ako ng husto sa discussion pero hindi maiwasan na mawala ako sa focus. Paano ko sasabihin kay Mama na may boyfriend na ako? Kailangan ko bang sabihin yon? Di ba fake lang naman? Kaya lang pag sinabi kong peke, mag-aalala yon kung bakit ginagawa ko ang pagpapanggap lalo na pag sinabi kong manganganib ang buhay ko kapag hindi..
"Miss Floresca, so what is Hypothalamus?" Tanong sa akin ng Professor Laurente. Tumayo ako at napalunok. Hindi ako masyadong nakinig.
"Hypothalamus is a portion of the brain that contains a number of small nuclei with a variety of functions." Pang-huhula ko.
"Important function?" Sumunod na tanong nya.
"It links the nervous system to the endocrine system via the pituitary gland."
"Very good. Nag-aaral. Hindi puro pagpapaganda." Hinampas ni Professor Laurente ang desk ni Tyra na nagme-makeup sa gitna ng klase.
Sumimangot si Tyra "Miss naman. Nandyan si Gaelan sa labas!" Sabi pa nito. Nagbulungan ang mga kaklase ko at halatang kinikilig ang karamihan.
Napalingon din ako sa labas ng classroom namin. Nakita ko doon si Gaelan na nakahalukipkip. Nagtama ang mga mata namin at agad nya akong tinaasan ng kilay. Napayuko ako agad.
Napakaaga naman nya! Mayroon pa kaming 20 minutes na natitira. Nagpaquiz pa si Professor Laurente sa amin bago kami tuluyang pinalabas.
Nakayuko akong lumabas at huminto sa tapat ni Gaelan. Iniabot nya ang kamay nya sa akin at tinitigan ko iyon ng matagal.
'Anong ginagawa ni Gaelan?'
'Sinundo nya ba yang geek na yan?'
'Tingnan mo o, hindi tinatanggap ni Maria ang kamay nya.'
'Sinong Maria?'
'Ayang pangit na yan!'
"Kunin mo ang kamay ko, mapapahiya ako." Bulong ni Gaelan ng may pagdidiin. Kinuha ko ang kamay nya at una kong napansin....
Ang lambot!
Hawak kamay kaming naglakad sa corridors. Gulat na gulat ang bawat nasasalubong namin. Hindi ko sila masisisi dahil talaga namang nakakagulat. Isang mataba at isang payat. Ang sakit sa mata.
"Grabe, ang pawisin naman ng kamay mo!" Inihagis ni Gaelan ang kamay ko pagkadating namin sa parking lot ng school at wala ng tao.
Pinunasan nya ang kamay nya sa kanyang pantalon na parang diring diri.
"K-kinakabahan kasi ako eh.."
Totoo naman. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakahawak ng kamay ng iba. At syempre takot ako kay Gaelan. Baka sigawan nya ako o kung ano...
Sabagay kahit anong gawin ko, sisigawan nya pa din naman ako.
"Eh bakit ka ba kinakabahan!" Sigaw nya.
Kita nyo na. Sisigaw talaga sya.
"Sakay na.." Nginuso ang sasakyan sa aming harapan. Isang kulay pula na sportscar, di ko alam ang tawag.
Sumakay ako doon at sumalubong agad ang bango nito.
"Maswerte ka at ikaw ang una kong sinakay sa Dodge ko." Sambit nya pagkasakay nya doon sa driver seat.
"Ah.. Thank you." Sagot ko naman. Sinamaan nya ako muli ng tingin.
Sobra naman, galit ulit.
"Alam mo hindi ko alam kung inaasar mo lang ako o kung ano eh." Reklamo nya.
"Naasar ka ba?"
"Oo, asar na asar!"
"Sorry.."
"Kita mo na! Nakakaasar ulit!"
Hindi na ako kumibo.
"O bakit hindi ka sumagot? Nakakaasar ulit!" Sabi nya.
Kahit ano palang gawin ko maasar sya. Eh bakit ako pa ang napili nyang pagpanggapin na girlfriend nya? Bakit hindi na lang yung katanggap tanggap ang itsura?
Naku, makakaligtaan ko na naman ang pagrorosaryo ko habang naglalakad pauwi dahil si Gaelan ang kasabay ko.
Tinuro ko kay Gaelan kung saan kami dadaan pero alam na daw nya, mas lalo tuloy akong natakot. Sinabi ko ngang ibaba na lang nya ako sa malapit lang sa amin pero tumanggi sya. Nagpapakipot pa daw ako kahit gusto ko namang ihatid nya. Eh hindi ko naman talaga gusto.
Binuksan ko ang pinto ng kanyang sasakyan pagtapat sa bahay namin at mabilis na bumaba.
"Hoy, saan ka pupunta?" Narinig ko pang sigaw nya.
Mabilis akong pumasok doon sa gate at narinig ko ang pagbukas ng kanyang pintuan at pabagsak na pagsara nito.
"Sino ang naghatid sayo?" Tumigil si Mama mula sa pagwawalis.
"Maria!" Mula sa labas ng maliit naming gate, nandoon si Gaelan. Masama ang tingin sa akin.
Sinenyasan ko sya na wag maingay. Nagtataka na ang mukha ni Mama kaya mas lalo akong kinabahan!
"Sino sya?" Tanong ni Mama.
"A-ah.. Si Gaelan po. Kaeskwela ko."
"Anong kaeskwela?" Reklamo ni Gaelan mula sa labas. Namutla ako ng husto! Wala akong balak sabihin kay Mama kung sino sya.
"Uuwi na po sya Mama. Tara na po sa loob. Bye, Gaelan. Bukas na lang." Hinila ko si Mama na nagtataka pero sumunod naman sa akin.
"Sino ba yon, Ria?" Nag-aalalang tanong ni Mama habang ibinababa ang gamit ko sa sofa.
"K-kaibigan ko po," Pagsisinungaling ko.
"Mukhang hindi naman kaibigan. Mukhang masungit ang batang yon!"
"Mabait po sya Mama... Ganon lang po ang mukha nya, mukha po talaga syang may diprensya sa utak pero mabait." Paninindigan ko.
"O sya sige. Basta kung may problema, magsasabi ka sa Papa mo ha. Alam mo na ang gagawin. Walang maaring umapi sayo." Pagpupunto pa ni Mama.
Inabala ko ang gabing iyon sa pag-aaral. Wala naman akong magagawa kundi ang tingnan ang libro ko, nawalan na naman ako ng gana kumain. Nung mga nakaraang araw, si Miss Farrah at Gaelan ang nagkakasala, ngayon naman, ako at si Gaelan.
Kawawa naman ang kaluluwa ng taong iyon.
----
"Mmm.. I missed you.. Baka naman totoo na ang tsismis sa inyo ni Maria ha." Narinig ko ang medyo malakas na bulong ni Miss Farrah mula doon sa room kung saan sila nagtatagpo ni Gaelan.
"Hindi, Babe.. Magkakagusto ba ako sa kanya? Kahit dulo ng daliri mo hindi pupwedeng ikumpara sa kanya."
"Dapat lang, magseselos talaga ako! Ayy!!! Ano ba Gaelan! Be gentle naman!" Humalakhak si Miss Farrah at ako naman ay nagsimulang ikabit ang earphones ko. Pumikit ako para pagtakpan ang gutom na nararamdaman.
Ilang bigas kaya ang matitipid ko dahil sa kawalang gana sa pagkain simula pumasok ako sa Keio? Ilang oras din kayang pangungumpisal ang katumbas ng pagsisinungaling namin ni Gaelan?
"Maria.. Maria." Nakaramdam ako ng pagyugyog sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na nakatayo sa harap ko si Yuki Yushima! Ang isa sa F7 este Yukan'na. Pinakiramdaman ko agad ang paligid kung mayroon bang ingay mula doon sa silid nina Gaelan, nakahinga ako ng maluwag noong wala.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko naiwasang tanungin. Nakahanda na ang aking depensa, kailangan ko syang mailayo dito kahit anong mangyari!
"Nakita kasi kita, natutulog ka. Akala ko may sakit ka."
"W-wala... Halika na." Tumayo ako at hinila sa braso si Yuki para ilayo sya dito sa old building pero hindi sya nagpahila.
"Nasaan si Gaelan?" Tanong nya sa akin at nagpapabigat.
"W-wala. Wala sya dito."
Tumaas ang kilay ni Yuki. "Talaga? Wala? Di ba lagi kayong magkasama kapag lunch break at dito kayo nanggagaling?" Nabitawan ko ang kanyang braso dahil wala naman akong lakas para hilahin sya.
"M-minsan lang yon." Depensa ko. Lumikot ang mga mata ko dahil ang hirap maagsinungaling!
"Ah, minsan lang pala yon." Tumango tango sya kahit halata pa din ang pagdududa sa kanya.
'Kayo na daw ni Gaelan? Para kasing hindi ka pa nya naipapakilala sa amin." Naging isang manipis na linya ang labi ni Yuki, parang binabasa nya ang susunod na magiging reaksyon ko.
"Ah. Hehe, kailangan pa ba non?" Ngumiti ako ng alanganin.
Nagpamulsa si Yuki at tinitigan akong mabuti, mas lalong nanliit ang singkit nyang mga mata.
"Syempre. Bestfriend namin si Gaelan, we should know.." Nagkibit balikat pa ito habang naglalakad papaikot sa akin. Huminto sya sa harap ko at iniangat ang baba ko na para bang inuutusan nyang magsalita ngayon din.
Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakatuon sa mga mata nya. Kinakabahan ako. Hindi ko na alam kung paano pa pagtatakpan ang kalokohan ni Gaelan. Lalo na kung mayroong lalabas napag-ungol mula doon sa classroom siguro magtatatakbo na lang ako at aantayin ang kamatayan ko sa kamay ni Gaelan dahil mabubuking sya.
"Yuki." Sabay kaming napalingon sa likod. Nakatayo doon si Gaelan, mag-isa lang sya at salubong ang kanyang kilay.
"Gaelan."
"Bakit mo kausap ang girlfriend ko?" Matigas na tanong ni Gaelan. Ngumisi si Yuki.
"So totoo nga?"
Naglakad si Gaelan papalapit sa amin at nilagpasan nya si Yuki! Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tiningnan ako ng may pag-aalala.
"Okay ka lang ba, Tabs?" Nakakakumbinse ang mga mata nya na nag-aalala.
"Tabs?" Sabay pa naming naisantinig ni Yuki pero mas mahina ang sa akin.
"Endearment ko sa kanya." Umismid pa si Gaelan kay Yuki. "Ganoon talaga di ba ang may relasyon? Right Tabs?" Kumindat pa si Gaelan sa akin at itinapat pa nya ang kanyang bibig sa aking tenga "short for taba." Bulong sa akin ni Gaelan na may halong pang-iinsulto.
Nakuha ko agad ang kanyang ibig sabihan. Ang Gaelan talagang ito! Napakapilyo nya at presko.
"Ah, oo naman Yabs.." Ngumisi ako at bumulong din sa tenga ni Gaelan. "short for Yabang. Wag kang magrereklamo, nakatingin ang kaibigan mo.." Sabi ko sa kanya.
Tumango tango si Yuki atg sumeryoso ang mukha, hindi ko mabasa ang ekspresyon nya. Sakto naman tumunog ang bell for lunchtime. Kaya kahit papaano ay naligtas kami, yun nga lang ay patuloy akong siniringan ni Gaelan habang naglalakad papalayo ng old building.
Facebook: Makiwander Stories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top