Kabanata 39



Why?


"Fck!"

"Tutuy!"

Napatingin ako kay Mommy ng yakapin ako. Im still in my hospital bed but the nightmare still held me captive. Muntik na akong mamatay and I just realized that I am alive.

"M-may masakit ba anak?"

Umiling ako at kumapit sa balikat. Napangiwi ako sa kirot ng tumama na bala.

"Ump!" Hinampas ako ni Mommy sa kabilang balikat. Gumapang ang sakit nito sa kabila.

"Aww!" Reklamo ko.

"Bakit ka sumalo ng bala ha? Napakaimposible mo Tutuy! B-buti h-hindi ka napano.." Humikbi si Mommy sa aking harapan. Hinawakan ko ang kamay nya pero agad nya akong sinugod ng yakap. My shoulder still hurts pero ayoko din naman syang alisin yung yakap nya. Akala ko talaga hindi ko na mayayakap ang mga mahal ko sa buhay kaya dinama ko ng husto ang yakap ni Mommy.

"Tigil tigilan mo na ang pagiging agent, Tutuy.. Ha? Masyadong delikado.. Tulungan mo na lang si Honeybunch sa business natin.." Umiiyak na sabi ni Mommy. Pinunasan ko ang kanyang luha.

"Mom.. Ito na ang buhay ko. Wala akong ibang alam gawin kundi ito.. Sinubukan ko naman na tigilan ito dahil kay--" Then an image of her crossed my mind again. I shook my head, here I go again.

"Saka hindi naman masamang magligtas ng buhay." Diverting the topic to a new one.

"Hindi masama? Eh paano kung napano ka ha? Paapatayin mo ako sa lungkot! Ano bang hindi namin naibibigay sayo ng Daddy mo ha? Aba, kahit ano anak ibibigay namin. Sa bahay ka na lang kung ganyan rin lang!"

Hinapit ko sa kanyang bewang si Mommy, "Ikaw naman, Mommy. I am alive. Masyado ka talagang maalalahanin. Kay Daddy ka magfocus, malaki na ako."

"No! Ikaw pa din ang Baby boy ko."

"Isipin mo na lang, I saved a life. Walang iiyak kasi hindi napahamak ang iniligtas ko."

Yeah, I don't think I can see her weeping face again dahil ang mukha nya noong huli kaming nagkita ay hanggang ngayon bumabagabag pa din sa kin. The image of a young girl crying like a baby.

"Hindi mo naman daw kliyente ang iniligtas mo ah. Instinct na ba yan anak? Kinabog mo pa ang mga bayani sa trip mo!"

"Whether client or not, buhay pa din yon. Nandoon ako--"

"Kaya muntik ka ng mamatay. Yung buhay nila mahalaga, eh yung sayo? Anak, never waste your life to someone who doesn't know your worth." Seryosong sambit ni Mommy. Hindi ko mapigilan ang pagngiti.

"Nuks, si Mommy may hugot na naman!" I chuckled. Iniripan lang nya ako.

"Eh kasi naman ikaw Tutuy! Pinagalala mo ako!" Nagpapapadyak pa ang cute kong Nanay. Wala akong ginawa kundi aluin sya. I understand, mahirap ang trabaho ko pero wala naman akong ibang alam gawin kundi ito. Isa pa, hindi ko matiis na hindi ko gawin ang sumalo ng bala para sa taong yon....


"Ancheta. Secure Governor Joson. Wag kang dumikit sa mga guards nya, they shouldn't know that he has A-line agents."

"Copy." Pasimple akong sumagot kahit hindi bumubukas ang aking bibig. Isang gawaing nakasanayan ko na tuwing mayroong misyon.

Why people hire bodyguards kung wala din namang tiwala ang mga ito sa kanila? Anyway, more work for us. From my vision, I can vividly see the main entrance of the pavilion where all the important people gathered. Nakihalubilo ako na tila ka-parte ng mga ito sa suot kong pormal na suit.

Kumuha pa ako ng champagne mula sa nagdaang unipormadong waiter para makibagay. I softly moved my head to sway with the jazz music played all over the place.

A static sound from my bluetooth earpiece came in.

"Tng*na, ang ganda ng chicks ni Gov." I heard Ice chuckled from the other line. Halos mapailing ako sa kalokohan nya.

"Jacinto, as far as I know, ikaw ang pinakamalayo dito, ang linaw naman ng mata mo." I murmured kasabay ng kunyaring pag-inom ng wine sa baso.

"Hi! Alone?" A woman in scarlet red gown walk towards me. She beamed a seductive smile habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Fck, hindi ba yan ang reigning Miss Philippines?" I heard Ice again. Hindi ako makapagkumento dahil napakalapit na ng babae sa akin. Paano nya nakilala ang mga sumasali sa beauty contest? I wonder if he watches the coronation night just to see women in bikini.

"Yeah, alone." I answered.

"Would you want some company? Bianca by the way." Iniabot nya ang kanyang kamay sa akin na maluwag ko namang tinanggap. Soft hands, small hips, plump lips, probably a rich kid.

"Malambot na kamay, maliit ang bewang, oh whoah, no underwear?" I heard Ice commented. Sinubukan kong pigilin ang pag-ngisi ko. Ang talas ng mata ng gago.

""Ancheta, ang mata mo, focus on Governor Joson." Agent Toshiyo said, nakamasid sya mula sa drone camera na nakasunod sa akin connected to numerous CCTV monitors inside a van na nakaparada sa labas ng venue. Nagkunwari akong nagkakamot ng batok.

"Pwede bang si Jacinto ang sabihan mo kaysa ako?" Bulong ko bago muling humarap sa babaeng nasa harap ko.

"Nice to meet you, Maxine--" I uttered.

"It's Bianca."

"Oh, sorry."

The girl chuckled. It sounded like a crisp from an ice, cold but distinct.

"Here's my card.." She then said.

"T-Thanks?" Nagtaas ako ng kilay habang tinatanggap ang calling card.

"And my spare key in the hotel where I am staying tonight.." She whispered. The girl flaunted her soft gaze, parang inaantok itong bumaba sa dibdib ko. Bahagya akong tumagilid at pasimpleng tiningnan muli ang kliyente namin.

"Fck, Jackpot! Toshiyo, ako ang ilagay mo sa pwesto ni Ancheta next time, lagi na lang syang front guy!"

"Gago ka, Ice." Si Kiro ang narinig ko sa kabilang linya.

"Why? Mas gago si Ancheta, ang daming pinapalagpas na babae, masyadong loyal kay Heather ang ungas."

"Kasing galing ka nya para maging front? Tsk, makakita ka lang ng babae, nagiging puso na ang mga mata mo--"

Sinubukan kong patayin pansamantala ang Bluetooth headset ko, nakakabingi ang kaingayan ni Ice na sinabayan pa ni Kiro. Napadako ang mga mata ko sa pamilyar na mukha, the couple stands gloriously right in the entrance door. I have seen them in so many gatherings pero ako ang madalas na umiiwas. I am not sure if they can remember me. Hindi naman importante ang gaya ko sa kanila, isa pa ay napakatagal na noong huling nagkaharap kami.

Pinakiramdaman ko ang paligid, pasimple akong lumingon sa entrance ng pavilion. Ang mga guests ay nanatili sa labas para magkwentuhan imbes na manatili sa loob ng venue kung saan ginanap ang isang Art Exhibit ng isang anak ng senador. Bumalik ang tingin ko kay Governor Joson, nakatayo sya sa likuran ng mga taong iniiwasan ko. Hinilot ko ang aking sentido.

Focus, Ancheta.

Napakunot ang noo ko ng may dumaan sa aking paningin na isang maliit na pulang ilaw na tumama sa likod ni Governor Joson. Nagmadali akong naglakad at binuksan ang bluetooth headset.

"Jacinto, I need a backup. Hanapin mo ang may sniper, ako na ang bahala sa kliyente." Kumalabog ang puso ko at nagmadaling maglakad patungo kay Governor Joson. Isang dipa na lang ang layo ko. Ang magagawa ko ay itulak sya para mailigtas pero tiyak na mayroong tatamaan ng bala kung gagawin ko yun.

Mas nag-igting ang pulang ilaw sa likod ni Governor Joson. Hindi na ako nag-isip kundi itulak sya pabagsak at iniharang ang katawan sa taong mapupuntirya ng bala kasabay ng matinis na pagtunog ng sniper at isang pang putok kasabay non. Mabilis ang pangyayari kaya natahimik ang lahat, tila hindi pa nakuha ang nangyari o di kaya'y nabigla. Ibinagsak ng security ni Governor Joson ang kanilang katawan sa politiko para protektahan sa maari pang mangyari.

"Tngna! Na-late ang bala ko! But I think the gunman is dead. Yushima, confirm." Si Ice ang narinig kong nagsalita.

"Affirmative." Sabi naman ni Kiro kasabay ng pagtunog ng isa pang putok na nagmula sa baril ni Kiro, para siguro tiyakin na hindi na makakagalaw pa ang gunman.

Malakas na sigawan ang umusbong sa paligid. Nagtakbuhan ang mga tao at sa isang iglap halos maubos ang laman ng venue. Hinawakan ko ang balikat ko na nataniman ng bala. Unti unti nakaramdam ako ng panlalabo ng mata dahil doon. Mainit at mahapdi. Parang may pwersang humihila sa aking tuhod papalapit sa lupa. My chest felt heavy that I have no choice but to fall down.

"Ancheta, do you copy?" Si Agent Toshiyo ang narinig ko mula sa bluetooth headset. Hindi na ako makasagot. Pinagmasdan ko na lang ang masaganang dugo na lumalabas sa katawan ko.

"P*ta, emergency. Hunter, ambulansya! Ancheta is down." Si Ice muli.

"On my way."

Naramdaman ko ang pagsalo sa aking katawan mula sa likuran.

"Son.. Son.. Hang in there. Smiths! I need a chopper!" Nag-aalala ang mukha ng taong iniligtas ko habang pinagmamasdan ako.

Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko sa tagpong iyon.



"Ikaw talagang bata ka! Tatlong araw kang tulog. Hindi ka na makakaulit. Ilang taon ka na bang agent? Ngayon ka lang natamaan ng bala. Ay hindi pala basta natamaan! Sinalo mo ang bala!" Paulit ulit na tinusok ni Mommy ang sentido ko. Hinayaan ko sya sa kanyang ginagawa. Nasa ganoon kaming posisyon ng may kumatok sa pintuan.

Natigilan kaming dalawa sa pormal na pagpasok ng buhay na iniligtas ko. Inaasahan ko na kakausapin nila ako pero hindi ganito kabilis. Dahan dahang bumaba si Mommy sa aking kama at alanganing ngumiti sa dumating.

"Good morning!" Malambing na wika ni Mommy.

"Good morning, Mrs. Ancheta.. Gaelan."

Yumuko ako para tanggapin ang kanilang presensya.

"Thank you so much for saving, Alfred." Hinawakan ni Mrs. Floresca ang aking mga kamay, nagulat ako sa pagsugod nya na mangiyak ngiyak pa. Tipid akong tumango.

"No problem, Ma'am." I want them to think that it is just my social responsibility to save lives, kung hindi man ay nakasanayan ko na dahil sa uri ng trabaho. Reflex, maybe.

"Uhm, kami na ang magbabayad ng hospital bills---" Mr. Floresca said.

"Ay hindi na ho! Nakakahiya!" Mommy cut off. Tumango ako sa kanyang sinabi bilang pagsang-ayon.

"No, kung hindi sa pagligtas mo sa akin--"

"Sir.. Parte ho iyon ng trabaho ko. Wala po akong hinihinging kapalit." Paglilinaw ko.

"I know.. Alam kong wala. But please.. Just this one. No, I have another thing to ask aside from this one.."

Sumeryoso ang mukha ni Mr. Floresca. Tiningnan ko syang mabuti at nag-intay ng kanyang sasabihin.

"C-can you.. Can you work for my family?" Alanganin nyang tanong. Napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahang manggagaling yon sa kanya. They have a lot of agents. Ang head ng kanilang security na si Smiths ay nagmula pa nga sa ikalawang batch ng Yukan'na.

"Sir, I have a girlfriend."

Dammit!

Hindi ko alam kung bakit yon ang nasabi ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko paulit ulit! Pagkakataon naman ni Mr. Floresca para magulat and I understand why! Why am I being weird?!

"A-ah.. Of course.. Hindi naman-- hindi naman pagiging boyfriend ng anak ko ang hinihiling ko sayo.. She's in Venice and staying there for good. I am asking you to be the head of my security. Matagal tagal na din akong hindi umaasa sa security, kadalasan ay para sa mga anak ko na lang but what happened to Governor is an eye opener. Pinupuntirya ng masasamang tao ang kagaya ko. I want a round the clock security for my family and I have spoke to Senior Agent Yushima about this, pumayag sya na iassign ka sa aking pamilya." Mahaba nyang litanya.

"So then, it was decided." Sambit ko. Kung saan naman ako ilagay, hindi ako makakapagreklamo dahil ito ang trabaho ko, hindi kami namimili ng misyon.

"It was, but I want to ask your opinion about it. Kung hindi mo naman gusto ay hindi ko ipipilit." Pormal na sabi ni Mr. Floresca.

Tiningnan ko si Mommy na nakikinig sa usapan at nagkibit balikat lamang, bakas ang pag-aalangan.

"Okay, Sir.." Tumango ako. Napabuga ng hangin si Mommy ng malakas, hinawakan ko lang ang kanyang kamay para intindihin nya ako. I have to do this. Trabaho ko ito.

Nagpaalam si Mommy para icheck ang mga gamot ko. Nanatili lang doon si Mr. & Mrs. Floresca para makipag-usap sa akin. Mostly the conversation went about the set up. Hindi ko tinanong ang paraan ng pagbabayad. As an agent of Yukan'na, the salary will definitely be paid in Yukan'na but Mr. Floresca insisted to pay my services apart from what they will pay my agency. Hindi na ako nakipagtalo dahil pagod pa din ang katawan ko dahil sa operasyon.

Isang katok ang pumutol sa aming usapan. Akala ko ay bumalik na si Mommy pero nagkamali ako, pagkabukas ng pinto ay nandoon si Heather na may nag-aalalang mukha. She's wearing a maong shorts and a ripped loose sleeveless top. Mukhang kakagaling pa lang nya sa trabaho.

"Twin!" Yumakap pa sya agad sa aking bewang. Hinaplos ko ang kanyang likod.

"What are you doing here? Hindi ba mayroon kang concert ngayon?" I asked. Vocalist sya ng isang banda. Imbes na tutukan ang kanilang negosyo, ito ang kanyang napili dahil ayaw nya na umalis muli sa Pilipinas.

"Rehearsal pa lang ngayong umaga. Tumakas lang ako. Sabi ni Tita, gising ka na. Pinag-alala mo ako." Yumakap muli sya sa akin. 

"I am fine. Hindi ako makakapunta sa concert mo but I will definitely buy a dvd. Goodluck. Bumalik ka na doon."

Hindi pa din humiwalay sa pagkakayakap si Heather. Nasanay na ako sa pagiging malambing nya. It is one of the things why I know I can work it. This might probably work.

What's not to love about her? She's kind, sweet, caring and beautiful. Paulit ulit kong sinasaksak ang utak ko sa katotohanang iyon.

Tumikhim si Mr. Floresca kaya napahiwalay si Heather sa pagkakayakap sa akin.

"Ma'am, Sir, this is Heather, m-my girlfriend." Pagpapakilala ko. Tumango lamang si Mr. Floresca at ngumiti lamang si Madame Helga. I felt awkward. Limang taon ang nakakaraan ay halos ipaglaban ko ng patayan ang kaisa-isa nilang anak na babae, and here I am, introducing a new girlfriend to them. Maybe some things aren't meant to be but still happened for us to learn. Yung buong pagkatao mo ay parte ng isang malaking puzzle, hindi basta basta mabubuo kung wala ang isang pangyayari.

And with that I realized,

There's no such thing as great love. As you get old, you will look for a companion than someone to hold and to give you the feel of a tight knot in the stomach, kasama na siguro sa pagtanda ang hindi mo maramdaman ang mga ganong pakiramdam, masyadong teenager ang kiligin. Aminado naman ako na naging mapusok ang kabataan ko kaya tiyak ko na kung hindi ko binago ang desisyon ko, wala din akong kakayanan na pasayahin sya. Madami din namang magbabago pagkalipas ng panahon. 

Magmamahalan pa kaya kami hanggang ngayon kung abutin kami ng ganito kalayo? Probably not. People change and feelings change. I guess.

Umalis din si Heather pagkalipas ng ilang sandali. Maayos syang nagpaalam kina Mr. & Mrs. Floresca na hindi nya siguro alam na magulang ni Maria. Hindi ko na din ipinakilala. Matagal na panahon naman na iyon. Irrelevant sa kung anong meron sa amin ngayon.

"Mauuna na din kami." Tinapik ni Mr. Floresca ang aking braso. Ngumiti ako at tumango.

"Maraming salamat, Sir. I will see you after my recovery."

Naunang lumabas si Ma'am Helga sa may pinto. Nagpaiwan si Mr. Floresca at mataman akong tiningnan.

"About what happened years ago---"

"Kalimutan na po natin yon, Sir. Isa pa, I believe she's doing fine. Tama kayo."

Makahulugan akong tiningnan ni Mr. Floresca bago malalim na bumuntong hininga.

"Okay, Son.. We got to go.." Malungkot nya akong nginitian saka tinalikuran.

Doon nagsimula ang paninilbihan ko sa mga Floresca. Anim na buwan ang lumipas at naging maayos ang lahat. Lahat ng schedule ni Mr. & Mrs. Floresca ay alam ko. Hindi naghihiwalay ang mag-asawa kahit saan sila pumunta, doon ko higit na nakilala ang mag-asawa. Wala pala silang ipinagkaiba sa mga magulang ko kung maglambingan.

"Gaelan, we will stay in our house this whole afternoon." Sambit ni Mr. Floresca, lumingon ako sa likuran dahil nakaupo ako sa tabi ng kanilang driver.

"Okay, Sir."

"Sa tingin mo, ano kayang surprise ang gusto nya?" Si Ma'am Helga.

"Hindi ba naghanda na si Samantha? Baka mainis na naman yon dahil OA tayo." Humalakhak si Mr. Floresca, itinutok ko ang mata ko sa kalsada at nagpalinga linga, naghahanap ng posibleng panganib.

"By the way, Gael?"

"Yes, Sir?"

"Can you pick up my daughter at the airport after?" Kaswal na tanong ni Mr. Floresca. Pinanatili ko ang kalmadong mukha kahit biglang sumikip ang paghinga ko sa sinabi nya.

Daughter. Isa lang naman ang anak nilang babae.

"Yes, sir." I managed to answer formally.

Kaya ngayon nakatayo ako sa arrival area ng airport, my palms are sweaty at halos magkaroon na ng concert sa loob ng dibdib ko sa lakas ng pagtambol. Hawak ko pa ang plakard na ibinigay sa akin ng girlfriend ng panganay ng mga Floresca.

'WELCOME BACK, RIA!'

Why the heck am I doing this? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top