Kabanata 37







Last Card.


"Ano ang ginagawa nyo don?" Tunog kulog ang boses ni Daddy. Magkatabi kami ni Gaelan sa pinakasentro ng malapad naming lamesa sa library.

Nakapaharap si Mommy, Daddy, Tita Blair, Tito Garrett at ang apat kong kuya sa amin. Suddenly, our library seems so small. Ang hangin ay katulad ng sa korte na mayroong seryosong paglilitis.

Agad na hinanap ni Gaelan ang kamay ko at hinawakan.

"Get your hands off my daughter!" Sigaw ni Daddy. Nanginginig ang kanyang kamay na tinuro si Gaelan. Umangat ang balikat ko sa gulat.

"Wala namang sakit ang anak ko.." Singit ni Tita Blair.

Sumunod naman si Gaelan sa pagbitiw, tumango ako sa kanya. Sabay pa kaming napabuntong hininga.

"Again, nagpaalam ang anak ko para manood ng concert. Then what are you doing there, huh, Ria?" Dad asked.

"Dad.. Sumaglit lang po kami don tapos nakatulog kami.." Maliit ang boses ko.

"Sumaglit? You knew this ahead? You planned this?"

"Ako po ang nag-aya." Gaelan answered. "Im sorry, Sir."

Hindi sya pinansin ni Daddy, sa akin pa din ang mata ni Daddy. Tila pinipilit na magpakahinahon pero mukhang hirap na hirap si Daddy.

"I told you to stay away from this guy!" Hinaplos ni Mommy ang likod ni Daddy. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pabalik balik na hinaplos ang tuhod ko. This is so stressful.

"Mr. Floresca, nagmula na sa mga bata na walang kakaibang nangyari. And we were all there early in the morning. Nothing happened." Tito Garrett said.

"And we just assume na wala nga?" Sarkastikong tugon ni Daddy.

"Kung meron, Mr. Floresca. Shall we arrange their marriage?" Tito Garrett countered. Kumunot ng husto ang noo ni Daddy.

"Marriage?! What are you talking about? Don't give me an idea Ancheta that this is a set up. Your family is at the advantage if they'll get married.." May pinahihiwatig ang boses ni Daddy at hindi ko gusto iyon.

"Dad!" Suway ko.

"Woah woah. Mr. Floresca, hindi man kasing laki ng yaman nyo but we also have our own empire. Taga-pag mana din si Gaelan ng kung anong meron kami."

"Meron kayo? What you have is so little--" Nanunuyang sabi ni Daddy.

"Dad please!" Nasapo ko ang aking noo.

"We can sign a prenuptial agreement kung ano man ang magiging desisyon nyo--" Si Tito Garrett.

"Pre-nuptial agreement? Bakit? Ano bang meron sila? Your son is just influencing my daughter."

Kumuyom ang palad ko. Napatingin ako kay Gaelan na mukhang nahihilo na din sa takbo ng usapan. His eyes are tired pero nanatili syang nakikinig bilang respeto.

"Dad! Boyfriend ko po si Gaelan." I finally said. Hindi ko na talaga matagalan ang sinasabi ni Daddy sa pamilya ni Gaelan. Nakakahiya. They were so nice to me and now Dad is clearly insulting them.

Katahimikan ang namayani sa library. Napayuko lang si Tita Blair at si Tito Garrett, alam kong wala silang balak sabihin ang katotohanan because they want to protect me.

Napaawang ang labi ni Daddy at Mommy. Ang mga Kuya ko ay mukhang hindi naman nagulat.

"Walang namilit, walang nang-impluwensya. That's all my decision. Ako. Gusto ko po. Mahal ko po si Gaelan."

"Princess! What do you know about love? You are just sixteen!" si Mommy, lalapitan sana ako pero hinawakan ni Daddy ang kamay nya.

"Turning 17, Mom." Matapang kong hinarap ang tingin ng aking mga magulang.

"Still! Anak.. I am so disappointed!"

"H-how could you fall inlove with this guy?" Parang nandidiri na sabi ni Daddy.

"Sir, wag naman po kayong mapanghusga." Wika ni Tita Blair at naiintindihan ko na na-offend sya. I even want to apologize about Daddy's words.

"Mapanghusga? Your son beaten up my son, he had a relationship with his professor--"

"Past is past, Sir. Move on." Giit ni Tita Blair.

"Mommy.." Ungot ni Gaelan.

"Bakit anak? Kung ang Diyos nga nagpapatawad, sila pa kaya? Kahit papaano ang EDSA nakakamove on kapag alas tres ng madaling araw hanggang alas singko ng umaga tapos siya ay hindi makaahon dahil sa mga ginawa mo?" Kunot-noong tanong ni Tita Blair sabay turo kay Daddy.

"Your son even have an ear pierce!" Sabi ni Daddy. Lumambot ang mukha ni Tita Blair at pinanliitan ng mata si Gaelan.

"Pinagalitan ko nga yan ng umuwi sa bahay na may butas ang tenga." Sang-ayon ni Tita Blair.

"And a tattoo!!"

"Lagot sa akin yang Ninang Pey mo. Bakit ka nga ba nagpatattoo?" Dismayadong tanong ni Tita Blair kay Gaelan.

"Sir.. I am all that you said pero mahal ko po ang anak nyo. I cannot change my past kahit magdamag nyo akong pigain dito. But my future? I can make it better." Paninindigan ni Gaelan. He looked at Daddy with determined eyes.

"And you want me to believe that? Once a reckless and rude, will always be reckless and rude! As what Muhammad Ali Jinnah said, once a decision is taken, stand by it as one man. It is who you are!"

"Ay Sir. Do not judge my son, he is not a book, quote unquote Melanie Marquez, Miss International 1979." Sabi ni Tita Blair.

"Sir, I stood by it and I apologized. Now I am deciding to be a better man for your daughter, paninindigan ko din."

"Really? Then stay away from her." Umismid si Daddy.

"Ay hindi naman pwede yon." Tumayo si Tita Blair. "Kapag nagmamahalan ang tao, hindi dapat pinaghihiwalay. Ano? Sa coke na lang talaga hahanap ng happiness ang mga batang to? "

"Mrs. Ancheta. Nasasabi mo lang yan dahil lalaki ang sayo. Sa amin ay babae.." Sambit ni Mommy.

"Ma'am. Yung anak nyo nga, pinapakitunguhan namin ng mabuti sa bahay kahit babae ang sa amin." Sagot ni Tita Blair.

Pagkakataon ko naman para kumunot ang noo. Sino? Babae?

"W-what do you mean?" Naguguluhang ngumiti si Mommy sabay baling sa mga Kuya ko na nagtuturuan kung sino.

"Ayan ho. Yang anak nyong yan." Sabi ni Tita Blair sabay turo kay Kuya Rab. "Sinusuyo ang anak ko." Umismid si Tita Blair. Napayuko si Kuya Rab.

Talaga?

"Radley Brent! Totoo ba yon?" Pagalit ni Mommy.

"Well, I-I.. I just want to make friends with her. Not that I am courting her--"

"Ah ganon? Itinatanggi mo ang anak ko? Samantalang ang anak ko dito eh halos ipagpatayan ang kapatid mo? Naku Honeybunch! Umalis na nga tayo dito! Nakakahiya naman sa alta na ito! Yayamanin!" Galit na sabi ni Tita Blair.

"Babybunch--"

"Naku, hindi. Gaelan tayo na nga. True love waits. Ganon yon. Kami nga ng Daddy mo, kung ano ano ang inabot bago magkatuluyan pero kami pa din sa huli. Distansya lang yan, as long as you are magically connected, kaya nyo yan, quote unquote Papa Jack."

"Mom, please!"

"Ria, you will not be returning to Keio." Banta sa akin ni Daddy at hindi pinapansin ang pagtatalo ni Gaelan at Tita Blair,

"That's unfair Daddy!" Tanggi ko. "I want to study in school."

"Not until you will break up with this man."

"If I will be homeschooled, hindi nyo din naman kami hahayaan na magpatuloy." Pagdadahilan ko.

"Exactly. Ria, you are still young.."

"Dad please."

"I will stand by my decision, Ria. You will break up with this guy. No boyfriend while studying. You will just finish this sem and you will be homeschooled again." Matigas na sambit ni Daddy.

Para akong nalugi, nalukot ng husto ang mukha ko at parang kinukurot ang puso. Awtomatiko ang pagluha ko, hinaplos ni Gaelan ang aking likod, tiningnan nya ako ng makahulugan pero hindi yon nakatulong para tumigil ako sa pag-iyak.

Pinagsisihan ko tuloy na nakatulog ako kagabi! At ang himbing pa. It's like I am sleeping at home that time. Doon kay Gaelan, kumportable ako. But if I could just turn back the time, hindi sana ito mangyayari.

Nakaalis na sina Tita Blair, dumiretso ako doon sa kwarto ko. I am grounded! Kahit cellphone ay wala. Dalawang linggo na rin lang ang natitira sa semester, ibig sabihin ay babalik na naman ako sa dati kong buhay and I don't want it. Nakakasakal. Malungkot. At walang Gaelan.

"Ria, open your door.." Narinig ko ang boses ni Mommy. Pinunasan ko ang luha ko at nagtakip ng unan sa ulo para hindi sya marinig.

"You haven't had anything today. Gabi na at hindi ka pa kumakain." Nag-aalala ang tinig ng Mommy ko. Gustuhin ko mang lumabas dahil kanina pa nya ako binabalikan pero hindi, hindi talaga ako lalabas dahil hindi ako sang-ayon sa desisyon nila. Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako.

I don't feel anything, I don't even want to do anything. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng sariling pamilya. We apologize, why they can't accept it? Sila ang nagturo sa akin magpatawad, bakit hindi ngayon?

Inaksaya ko ang oras ko sa pagpiga ng lahat ng tubig sa katawan ko, mapapahinga ako ng kaunti pero pag naalala ko na naman si Gaelan, naiiyak ako.

Unti-unting tumahimik ang paligid. I bet because it is almost 1 in the morning. Hindi pa din nauubos ang luha ko and I keep on thinking what happened to Gaelan. Pinagalitan din ba sya kagaya ng sa akin? I bet not, his family is more understanding. Mas malawak at mas maalalalahanin. My family is motivated by business, lahat para sa kanila ay puro pera lang, lahat ng pangyayari ay may kinalaman sa pera. May intensyon sa aming pera. Kung ganoon ay sino ang nararapat?

"I fell inlove with your Dad when I was 12.." Narinig ko mula sa labas ng pinto ang boses ni Mommy. Nahagip ko ang aking paghinga, akala ko ay tulog na sya. Seryoso ang boses ni Mommy.

"But it is a one sided love affair. Ayaw sa akin ng Daddy mo because he's inlove with-- my sister."

Napaupo ako sa aking kama dahil sa rebelasyon. Si Tita Helena? Yun ang Ate ni Mommy. Unti unti akong lumapit sa may pinto at hindi gumawa ng kahit anong ingay. Gusto kong marinig.

"Noong una ay hindi ko pinahalagahan dahil bata pa ako, baka paghanga lang. Helena and Pierre Alfred's relationship was smooth sailing kasabay non ay ang Inalagaan kong pagmamahal para kay Pierre Alfred. I was 18 and reckless then.. My welcome party when I got home from France. I secretly got drunk. Alfred was in the guest room but I didnt know. I took off my clothes believing I was in my room. Nagising ang lahat the next morning. They saw us.. My option was to get married o di kaya lalayas ako.." Nanginig ang boses ni Mommy. Napatakip ako ng aking bibig.

"Lumayas ako.. Pero ginipit ng lolo mo si Pierre kaya napilitan ang Daddy mo na pakasalan ako. I should feel Im at the top of the world. Sa wakas! Nakuha ko ang gusto. At 18, I am married to him. Sa loob ng ilang taon bumuo ako ng imahinasyon na mag-asawa kami kahit alam kong sa likod ko ay nagkikita pa din sila ni Helena. Sinabi ko sa sarili ko, 'ayos lang, kasal kami ni Pierre.' I was wrong.. I was wrong, anak." Humikbi si Mommy.

"Pierre cheated on me with my own sister inside our marriage.. Well, not really. It was really Helena in the first place. I was so heartbroken. Ginawa ko ang lahat, binigay ko ang lahat sa kanya. Lahat. I almost lost Gilad at wala sya sa tabi ko. Hindi nya alam na dinadala ko ang Kuya mo noon. He was so sorry for it at galit na galit ako. After a few years, nung sineryoso na ako ng Daddy mo dahil iniwanan ko sya. Kung hindi ko sya iniwan hindi nya mararamdaman ang halaga ko."

"You know what, when you are young, everything's new to you. Magdedecide ka base sa iyong naramdaman pero mali, anak. Maling mali. Madami kang masasaktan at pati ang sarili mo, masasaktan mo din. I almost killed myself and I don't want that to happen to you. Hindi mo pa kaya, Baby ka pa. Baby pa kita." Naririnig ko ang pahinto hinto sa boses ni Mommy dahil sa pag-iyak. Sinabayan ko sya sa pagluha. I never thought she went through that! The way Daddy looked at her, it's like she was his everything. Tila walang ganoong pinagdaanan. Tila walang nagtaksil at walang nasaktan.

"We are not saying that Gaelan is a bad person but this is too early. You should be focusing on alot of things, on being a good child, a good student and enjoy your youth rather than focusing on each other. We don't want you to miss anything. Anak, intindihin mo. Nasasaktan na si Mommy.." Masuyong sambit ni Mommy. Tumayo ako. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at natagpuan ko si Mommy na nakasalampak doon sa sahig at punong puno ng luha katabi ang tray ng pagkain na mukhang lumamig na. Hindi talaga sya sumuko sa pag-iintay na labasin ko sya.

I sat on the floor at agad na niyakap sya. Sabay kaming umiyak. I understand that until now she's hurting. Totoo nga na nakakapagpatawad pero hindi nakakalimot. Ang masakit noon ay sasakit pa din sa kasalukuyan ang naiwan nong peklat.

"Im sorry to hear that, Mommy. I love Gaelan so much too.. I understand this is too early but I love him. More than anyone, you should understand this. Please understand, Mommy."

"I know! That is why I am advising you to stay away to a potential heartbreak. You will get heartbroken, nakakatakot na pagkatapos ng napakahabang panahon, iiyak ka pa din kagaya nito kapag naaalala mo ang sakit.." Hindi ako kumibo. I am heartbroken because they are not letting us be. Pero kay Gaelan ay hindi, wala akong nakikitang masama.

That night, hinayaan ko si Mommy na pakainin ako. Tinabihan nya pa ako sa pagtulog. Then the day after was different. Noong pumasok ako, hayagan na ang bodyguards ko. Nakasunod sila sa akin, wala halos makalapit dahil natatakot sila sa mga ito and I almost hated this day.

"Ria!" Tumatakbo si Selene patungo sa akin ng lumabas ako sa aking classroom. "Lunch tayo."

Ngumiti ako at tumango.

Nagtungo kami sa Food Alley kasama ang bodyguards ko. Hinanap agad ng mata ko si Gaelan pero wala sya doon. Alanganing ngumiti sa akin ang Yukan'na. Si Yuki naman ay nakatitig lang sa akin na parang nagsasabing 'I told you.'

"Chief Smiths., pwede pong sa may pinto muna kayo? Kakain lang kami. Tanawin nyo na lang ako mula doon." I said.

"Sige po Young Maiden." Yumuko si Chief Smiths. Umorder kami ng pagkain ni Selene. Nagpapalinga linga pa sya ng umupo kami sa lamesa.

"Wag magbabago ang ekspresyon mo ha. May sulat ako dito mula kay Gael. Baka maiyak ka pa." Bilin ni Selene. Nagulat ako at natuwa pero sinunod ko ang hindi masyadong mag-tatalon sa tuwa. At least kahit papaano ay mayroon sya para sa akin. Gustong gusto ko syang kamustahin!

Iniabot ni Selene sa akin ang isang notebook. Sa unang pahina nandoon agad ang sulat ni Gaelan. Maayos at malinis ang pakakasulat.


"10/16/16, 7AM

Hi Baby.. Kamusta ka na? Well, I am fine. Knowing my parents, they are not ballistic about it. I really hope you are fine. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Don't do anything funny. Mahal na mahal kita. Lagi kang sasama kay Selene para makakapag-usap pa din tayo kahit papaano sa notebook na to. Aantayin ko ang sagot mo.

Love,

Gaelan"


Pinilas ko agad ang sulat ni Gaelan at tiniklop. Pasimple kong inipit yon sa librong dala ko. Excited akong nagsulat ng sagot doon sa notebook.

"Hey, Ria. Kumain ka muna kaya.." Puna ni Selene. Umiling lang ako. Hindi ko na maintay! Sasagutin ko si Gaelan.


"10/16/16, 12PM

Hi Yabs.. Sorry sa inasal ng pamilya ko, please apologize to your parents for me. I am doing fine. All day I was crying yesterday, I did not eat but I did when Mommy cried. I still don't understand why they are so mad about this but my feelings won't change. I love you.. Kumain ka din lagi. Can I meet Selene after class? Sana may sulat ka ulit sa akin. I miss you.. I love you.

-Maria"


Ganoon tumakbo ang isang linggo. Walang patid ang sulatan namin. Sa gabi ay nangungulila ako. I miss the late night texts and videocalls. Pero hindi naman lahat ay makukuha mo hindi ba? Nagkasya na lamang kami sa pasulat sulat. Hindi ko nakita si Gaelan sa loob ng isang linggo. Hindi kasi ako hinihiwalayan ng bodyguards ko, pero lagi daw nya akong nakikita. Paminsan minsan ay nagkukumento pa sya sa suot ko.


Ginagawa kong pampaantok ang paulit ulit na pagbabasa ang mga sulat nya. Hindi naman makapagbagbag damdamin ang nilalaman ng ilan. Minsan kung ano lang ang nangyari sa klase nila o napag-usapan nila sa kanilang bahay. Naka-kunsumo na nga kami ng tatlong notebook, madalas kasi masyadong mahaba ang sinasabi ko. Ayaw ko kasing maubos ang usapan namin at magsawa kami sa sulatan. Ito na lang ang kinakapitan ko, Ito na lang ang natitira sa amin.


"10/21/16 12PM

Hi Yabs.. Next week ay birthday ko na. Alam mo naman yon hindi ba? Wag ka ng mag-isip ng regalo. Ang wish ko talaga makita kita. Miss na miss na kita. Pero wag kang mapressure. Ipinipilit ko pa ding unawain ako nila Daddy. Kanina nga si Kuya Gilad binilhan ako ng sarili kong condo, si Kuya Rab ay niregaluhan ako ng sariling sasakyan, they both said they want me to be independent. Although Dad disapproved. Medyo KJ ang Daddy ko. Hehe :) At least my brothers aren't overreacting now. Nakikita kasi nilang malungkot ako. I love you! Anong lunch mo? Ako kalabasa saka chicken adobo :) Kain madami.

Love,

Tabs"


"10/21/16, 1PM

Hello Tabs.. Ang cute mo today. Yeah. I know when is your birthday. I am still thinking for a gift. Glad to know that your Kuyas are finally enlightened about your independence. But I think Rab is just winning my empathy. My sister almost killed him last night, pero masayang masaya pa din sya sa piling ni Brie kaya sumisipsip sya kay Mommy at sa aming pamilya. I love you. I ate Tuna and Mango Juice. I tried to bake blueberry cookies, count it, it should be 10, not unless Selene ate one. I hope you like it. Mahal kita.

-G"


"Ay grabe si Gael, walanghiya! Pinagbintangan pa ako!" Kumento ni Selene habang nakikibasa ng sulat dito sa may park sa likod ng chapel. Ibinagsak nya ang isang tupperware ng cookies na gawa ni Gaelan sa aking binti. Excited akong binuksan yon at inamoy. Ang bango! Pumikit pa ako at ninamnam ang bawat kagat.

"Sarap na sarap lang?" Nagtaas ng kilay si Selene. "Baka binili nya lang yan sa tabi-tabi! Si Gael pa! Bolero yun, sinungaling—"

"Selene!" Suway ko.

"Fine. Fine. Siya na ang gumawa. Mukha ngang napuyat ang loverboy."

Inubos ko tuloy ang maghapon sa kakaisip kung ano ang maari kong ibigay sa kanya. Nakaupo ako sa garden at pinagmasdan ang mga pananim namin doon. Dumako ang mga mata ko sa succulents at cactus.

Napangiti ako. I love succulents, under the family of cacti. Naalala ko ang sinabi ni Mommy tungkol sa halamang ito. It means protection, chastity and endurance. Kumuha ako ng bagong paso at ako mismo ang naghanda ng lupa at naglipat ng bagong panganak na succulents.


"10/21/16, 8PM

Yabs, alagaan mo yung succulent. It is still a baby. Succulents are known to adapt to situations and environments pero bantayan mo pa din ha. Tonight, we discussed about their plans about me going back to homeschooling :( I am really sad. I want to say that we aren't communicating but I cannot lie about us anymore. It breaks my heart. I won't speak but I won't lie. Any better plans? I love you.

-Maria"


"Ano ba ito? Pagdalahin daw ba ako ng paso?" Reklamo ni Selene habang nasa chapel kami. Maliit lang naman ang paso, kaya nga itong sikupin ng isang buong kamay.

"Sige na Selene. Next sem mamimiss mo din ako.. I will not be studying here anymore." Malungkot kong pagbabalita.

"What? B-bakit? Nahuli na ba tayong tatlo? Sabihin mong hindi na kayo nag-uusap.."

Umiling ako. "It is no use. Decided na si Daddy. Hopefully ibalik na sa akin ang cellphone ko by then."

"Ang lungkot naman non, Ria!" Bulalas ni Selene.

Iniisip ko pa lang ang ideya parang hindi ko na kaya. Paano kung hindi ako bigyan ng cellphone? Hindi pa rin ba kami magkakausap ni Gaelan? And then what? Magkakalimutan kami. Parang mapait na pagkain yon sa aking dila, gusto kong iluwa.


"10/22/16, 2PM

Hi Baby.. I will take care of the succulent though it is my first time holding a plant. Pag-aaralan ko pagdating sa bahay. Papadamihin ko para sayo. About homeschooling.. Hindi ko din kaya yon, Baby. Better plans you asked? ESCAPE. What do you think? I love you and I am serious.

-G."


"10/22/16, 3PM

Escape? What do you mean?

-M"


"Magtanan tayo." Napalingon ako sa aking likod. Nasa library ako at pumipili ng libro sa pinakadulong shelves, free cut namin at inaantay ko lang ang sagot ni Gaelan sa aking huling sulat bago sana umuwi. Otherwise hindi ako makakatulog dahil sa salitang 'escape'.

Natulala ako pagkakita kay Gaelan, ngayon ko lang sya muling nakita. Inisang hakbang ni Gaelan ang pagitan namin at niyakap ako mula sa likod. I closed my eyes, my nose welcomed his scent and my knees trembled with his sight. Nalaglag ang hawak kong libro mula sa aking kamay. Humarap ako ng tuluyan sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. I missed this. I missed him so much! Nabasa ang aking mata sa sobrang tuwa. Hinaplos ko ang kanyang mukha, ang kanyang mata, ilong at labi, hinuli nya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I missed you, Yabs. I missed you.." I sobbed. Kumapit ako sa kanyang damit, my grasp is so tight, Para akong bata na nawala at muling nakita. Ayaw ko na halos humiwalay sa yakap nya but then sinubok kong dumistansya dahil baka may makakita sa amin kahit nasa labas ang bodyguards ko pero hindi ako pinakawalan ni Gaelan.

"Don't worry. Miss Cecille is for us." Tukoy ni Gaelan sa aming librarian.

"Ano ang sinasabi mo sa sulat mo?" Tanong ko kay Gaelan. May kinuha sya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang isang manipis na gintong necklace, ang pendant nito ay shooting star. Hindi ito magarbo o kung ano, pero magandang maganda ito sa paningin ko.

"Tomorrow will be your last day in Keio, and the day after is your 17th birthday, pupuntahan kita sa bahay nyo sa araw na yon kung isusuot mo ito bukas. Itatakas kita. Bago magsimula ang party mo, magkasama na tayo." Hinihingal na sambit ni Gaelan. Hindi ako halos makapaniwala sa naririnig ko.

"G-gaelan—Sigurado ka ba?"

"Pag-isipan mo, wear that only if you are decided." He said firmly.

"Paano kung hindi? I—I mean, kung hindi tayo magtagumpay? They will stop us. Mas malala pa sa ngayon ang mangyayari."

"This is our last card, Baby. Magkakahiwalay din tayo kapag umalis ka na sa Keio, there is no way that we will see each other again. They will send you abroad."

"What? No!" Walang ganoong napag-usapan. Homeschool! It is what they told me last night. Umigting ang panga ni Gaelan.

"Brie told me! Sinabi sa kanya ni Rab ang plano ng pamilya mo. They will send you abroad, Tabs. Wala ng tayo pagkatapos ng bukas." Hinawakan ni Gaelan ang pulsuhan ko at mataman akong tiningnan. His eyes are longing and hoping. Namumula ang gilid nito at tila maiiyak na.

That can't be. They cannot send me abroad. Homeschool is what they said. Malinaw yon.

An image crossed my mind, napapikit ako dahil sa imahe.

And then I realized that we have a house in Romania, my father's hometown.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top