Kabanata 34
Never.
Inintay ko ang pagtawag sa akin ni Gaelan pagdating ko sa bahay, ni hindi pa ako nagbihis para lang maabangan ang kanyang tawag. Natutukso akong pindutin ang kanyang numero pero ayaw ko sanang maabala sya. Siguro ay nagmamaneho pa papauwi.
"Young Maiden, pinapatawag po kayo ulit ni Young Master Gilad." Nag-angat ako ng tingin kay Ruby, ang aming kasambahay, pangalawang beses na nya ako tinawag para maghapunan pero hindi ako bumababa. I want to wait for Gaelan's call.
Huminga ako ng malalim, maybe he forgot to call me, mamaya na lang siguro. Pumasok ako sa restroom para mabilisang magshower bago bumaba sa hapag. My brothers are waiting for me. Hindi man lang nila ginalaw ang kanilang pagkain, nahiya tuloy ako.
"Madaming assignment, Prinsesa?" Kuya Ahmed asked. Hindi ako halos makatingin. Natagalan akong bumaba dahil sa pag-iintay kay Gaelan at hindi ko man lang naisip na mayroong nag-iintay sa akin.
"O-oo eh.. Sorry Kuya.."
Kuya Rab shook his head, "Okay lang Baby Botchog."
Wala si Mommy at si Daddy, they are both in Rome. Magiging ganoon kaya ako pag-tanda ko? I would be so occupied because of our business. Parang ayaw ko ng ganoon. Kung saan ang gusto ni Gaelan, malamang yun ang pipiliin ko. His life is very simple, ang tanging gusto lang naman nya ay sasakyan, basketball at music. Kapag sinabi nya sigurong mananatili kami sa Pilipinas, yun din ang gagawin ko. Di ba nga sabi, follow your heart. Na kay Gaelan naman kasi ang puso ko.
Tinagilid ni Kuya Xenon ang kanyang ulo.
"Anong iniisip mo, Ria? Hindi mo na ginalaw ang pagkain mo." Ibinalik ko ang tingin ko sa aking pagkain. Hindi pa halos nangangalahati iyon.
"Y-yung assignment ko Kuya." Sabi kong muli.
Nakumbinse naman ang mga kapatid ko at agad kong tinapos ang pagkain. Nagkwentuhan pa sila ng ilang bagay pero wala na ang utak ko doon kaya nagpasya na ako na umakyat muli sa kwarto, agad kong chineck ang cellphone ko. Wala pa ding tawag mula kay Gaelan. Kadalasan ay nagvi-videocall kami mula sa facetime pero hindi ganoon ngayon.
I tried dialling his number pero busy tone ang lumabas. Ilang ulit at ganoon pa din.
Nakauwi kaya sya ng ligtas?
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pag-iintay. Kinabukasan ko na nabasa ang kanyang mensahe at missed calls.
Yabs Ko: Tulog ka na, Tabs?
Yabs Ko: Im sorry, na-busy ako bigla. I love you. Goodnight.
Sinagot ko naman yon na nakatulog ako ng maaga kaya di ko na naintay ang tawag nya, hindi ko na pinaalam na inabot ako ng late dahil sa pag-iintay pero wala pa din kaya nakatulugan ko na lang. Naghanda na ako para sa pagpasok, dalawang araw bago ang opening ng Intercollegiate at ang performance ng squad. Nilagay ko sa bag ang lahat ng kailangan, pamalit na damit at sapatos, maraming towel at nagbaon na din ako ng energy drink.
Mag-isa akong nag-almusal at nagmadali ako para pumasok sa school. Mayroon din kaming ensayo mamaya but I want to attent my first class. Pinapanalangin ko nga na matapos na ang lahat dahil hindi ko na matagalan ang maglihim kay Gaelan, but I want to surprise him. Ang tanging ipinag-aalala nya lang naman sa squad ay baka awayin ako nila Rona, ang akala kasi ni Gaelan ay hindi ako magaling, baka pagalitan lang ako don. Sinusubukan ko namang galingan eh at hindi naman nagagalit si Rona.
Ibinaba ako ni Chief Smiths sa harap ng parking lot ng Keio. Napakunot ang aking noo ng matanawan ko si Gaelan na binubuksan ang pinto at nakita kong lumabas doon si Heather na maganda ang ngiti. Pinagmasdan ko pa sila hanggang sa maglakad sila patungo sa harapan ng aming sasakyan, masaya silang nagkukwentuhan. Hindi siguro alam ni Gaelan na sasakyan namin ang nandito sa harapan.
"Young Maiden, may problema po ba?" Tanong ni Chief Smiths, I shook my head. Wala sa sarili akong bumaba at naglakad ilang hakbang ang layo mula kay Gaelan at Heather.
"Buti nga at tumawag ka! Kung hindi, siguro hindi ako nakatulog." Si Heather.
"Ang tagal mo nga bago nakatulog. Hindi pa ba umuuwi si Chloe?" Tanong naman ni Gaelan.
"Hmp, hindi pa! Iniisip ko nga kung paano ako makakatulog mamayang gabi."
"Para ka pa ding bata, hindi ka pa din nakakatulog kapag walang katabi." Natatawang sambit ni Gaelan. Sila ba ang magkausap ni Heather kaya hindi nya ako natawagan? Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ang paglalakad sa likuran nila dahil nasasaktan ako, baka mahimatay na lang ako bago ako dumating sa classroom sa sobrang sakit.
Uminit ang sulok ng mata ko. Ano ba tong pakiramdam, nakakaiyak!
Hahakbang pa sana ako ng isa kaya lang ay may pumigil sa braso ko. Paglingon ko, nakita ko si Yuki, nakakunot ang noo nya sa akin. Napabuga sya ng hangin at napailing tapos isang puting panyo ang idinampi nya sa mukha ko para punasan ang nagbabadyang luha. Pagkatapos non hinila nya ako sa pinakamalapit na building. Pumwesto kami sa pinakagilid ng staircase, madilim doon dahil hindi pa nakabukas ang ilaw.
"You are jealous." Bulong sa akin ni Yuki. Hindi ko alam kung ano ang nakikita ko sa seryoso nyang mata. Kung galit ba o nadidismaya.
"H-ha? Hindi ah." Hindi ko alam kung saan ibabaling ang paningin ko. Nakakabasa ata ng isip si Yuki eh!
"Ilang araw na kitang pinagmamasdan, lagi kang nakatingin sa kanilang dalawa. Kung nagsasalita lang ang mga mata mo, alam na din ni Gaelan ang nararamdaman mo."
"Hindi, Yuki. Napuwing lang ako."
"Lagi ka bang magsisinungaling pagdating sa kanya?" Mariing tanong sa akin ni Yuki. Natulala ako sa kanyang mga mata. "Sa akin, magsisinungaling ka din? Di ba sabi mo magkaibigan tayo?"
I pouted, lagi na ba talaga akong nagsisinungaling? Kailangan ko na talagang mangumpisal!
"Masama bang magselos?" Di ko na napigilang tanungin si Yuki. He sighed.
"Normal lang, kaya lang dapat ipinapaalam mo sa kanya."
Umiling ako, hindi ko kaya. Madidismaya sa akin si Gaelan at iisipin nyang hindi ko sya pinagtitiwalaan.
Huminga ng malalim si Yuki at sumandal doon sa pader, "They are bestfriends. Inseparable. Sya ang kaibigan noon ni Gaelan bago kami dumating ni Kiro. Kaya lang nadestino sa Amerika ang mga magulang nya kaya sya umalis. Gaelan as a kid was so heartbroken. Hanggang sa paglaki nga ay nadala nya pa din ang tampo nya kay Heather, but it seems tha they are okay now." Ipignagkibit balikat ni Yuki.
With that being said, hindi ako maaring magselos. Normal lang na magkaroon ng bestfriend ang boyfriend mo kahit na babae pa ito, wala naman kasing pinipiling kasarian ang pagkakaibigan hindi ba.
Ang judgemental ko naman!
Siguro ay namiss lang nila ang isa't isa. They were stucked with who they are years ago. Close pa din sila. Hindi naman magbabago yun hindi ba? Ilang minuto pa kaming nanatili ni Yuki sa katahimkan. Nag-re-reflect ako sa mga pagkakamali ko nung mga nakaraang araw at kung paano ko masusolusyonan, pero mukhang mahirap solusyonan ang bagay na hindi mo alam kung saan nanggagaling.
"Hatid na kita sa room mo?"
"Sorry Yuki.."
"Saan?"
"Kasi pinag-iisipan ko ng masama ang mga kaibigan mo." Paliwanag ko. Yuki chuckled.
"Hindi mo sila pinag-iisipan ng masama, nagseselos ka lang. Kailangan ko bang idefine sayo ang bawat pakiramdam na bago sayo? Hindi lahat ng pakiramdam na hindi maganda, masama na agad. That means you are a real person dahil nararamdaman mo ang lahat ng emosyon. Walang masama o mali sayo, Ria. You are a beautiful person."
Napatingin ako kay Yuki.
"Uhm, inside.. Beautiful inside." Pagtatama ni Yuki. Tumango ako, nakuha ko ang kanyang ibig sabihin. Sabay kaming naglakad patungo sa Science Building para sa klase ko sa Physics, hindi ko na makita si Gaelan pero nagulat na lang ako ng makita ko syang nakatayo doon sa tapat ng classroom ko. Napatingin sya sa amin ni Yuki at agad na nagbago ang kanyang ekspresyon.
"Kanina pa ako nagtetext sayo." Malamig na sambit ni Gaelan.
"Nakasalubong ko sya kanina sa parking lot." Yuki said pero hindi man lang sya tiningnan ni Gaelan.
"Di ba dapat ay kanina ka pa nandito?"
"Gaelan. Hinatid ko lang sa classroom." Seryosong sabi muli ni Yuki. Hindi ako makasagot kay Gaelan. Hindi ko naman maaring sabihin sa kanya ang pinag-usapan namin ni Yuki.
"Papasok na ako.. S-salamat Yuki." Nakayukong sabi ko. Narinig ko pa ang marahas na pagbuga ng hangin ni Gaelan. Hindi ko na sya matingnan. Nagagalit ba sya dahil magkasama kami ni Yuki?
Hindi ako makapagfocus sa klase ko dahil iniisip ko na galit si Gaelan. Lumilipad ang utak ko kung saan saan. Baka sumama na ito kay Gaelan. Yung heart ko nga kasama na nya, pati din ba yung brain?
Ipinagpapasalamat ko ng matapos na ang klase. Mahaba pa ang vacant ko dahil wala ang susunod naming Propesor. Sa hapon pa naman ang ensayo namin dahil may gagawin pa daw sila Rona sa kanilang org. Nakita ko agad si Gaelan na nakatayo sa labas ng classroom, nakapamulsa sya. His eyes darted at me, masama ang kanyang tingin sa akin. Napayuko ako ulit.
Nakakatakot na naman ang tingin nya. Yung kagaya nung dati. Hindi ko naman alam kung ano ang ginawa kong masama. Kasalanan na ba na sabay kami ni Yuki maglakad? Syempre magkakasabay talaga kaming maglakad dahil nasa iisang school kami, saka kasama naman nya si Heather kanina eh.
"Gutom ka na ba?" Malamig na tanong sa akin ni Gaelan.
Umiling ako.
"Kakain tayo." Yun ang sinabi nya. Hindi naman talaga ako nagugutom. Si Gaelan talaga kung ano ang maisipan, yun na yon.
Naglakad kami patungo sa Food Alley. Nagulat pa ako ng makita ko sa lamesa ng Yukan'na si Heather at si Selene.
"Tagal nyo! Gutom na ako." Heather said but she's smiling. Inaantay ba nila kami? Kaya ba kami kakain dahil gutom na si Heather?
Iniwan ako ni Gaelan sa lamesa, alanganin akong umupo. Si Selene ay hawak na naman ang kanyang sketch notebook at nawala na naman sa sarili dahil sa pagdo-drawing. Sinabi nya sa aking magsusubmit sya ng application sa isang Art School sa Brussels kaya iyon ang pinagtutuunan nya. Nginitian ako ni Heather.
"Sorry ha, mapapaaga ang lunch natin. Sabi kasi ng doctor ko, sumakit daw ang tyan ko dahil nalilipasan ako ng gutom." Paliwanag ni Heather. Tumango lang ako kahit sa loob loob ko ay hindi ko maintindihan. Kailangan bang pati ako ay mag-aadjust sa oras ng kain nya? Hindi pa naman ako masyadong kumakain dahil masamang matagtag ang tyan kapag busog. Naghahanda na ako para sa practice namin mamaya.
Dumating si Gaelan dala ang aming pagkain. Ibinili nya din si Heather at Selene.
"Wow! Favorite ko!" Halos mapapalakpak si Heather sa pasta sa kanyang harapan. Yon kasi ang binili ni Gaelan. Kay Selene ay cheeseburger. Sa aming harapan ay nagbaba sya ng pinakbet, steamed prawns at dalawang kanin.
"Kain na, Tabs." Seryosong sabi sa akin ni Gaelan. Hindi ako agad nakakilos. Mataman kong tiningnan ang pinakbet sa aking harapan.
"Tabs." Untag ni Gaelan.
Hindi pa din ako kumilos kaya si Gaelan ang nagsalin ng pagkain sa plato ko.
"Allergic ako sa shrimps." Sabi ko. Nahinto sa pagsandok ng pasta nya si Heather at tinitigan kaming mabuti. Napakunot naman ang noo ni Gaelan.
"Kailan pa?" He asked. There was an awkward silence between us. Awkward talaga kasi natigilan si Gaelan sa pagsasalin ng pagkain sa akin.
"Anong kailan pa? Malamang since birth!" Pilosopong sambit ni Heather. "Bakit hindi mo alam? Tsk. Ria, pwede na sayo itong pasta. Ako na lang ang sa prawns at pinakbet." Alok sa akin ni Heather. Nahihiya akong ngumiti at umiling. Paborito nya yon kaya yun ang binili ni Gaelan.
"Bibili na lang ako ng akin." Tumayo agad ako at hindi na inantay si Gaelan na magdesisyon. Nagtungo ako dun sa salad bar para umorder ng salad at vegetable juice. Bumalik ako sa lamesa namin. Hindi pa din ginagalaw ni Gaelan ang kanyang pagkain.
"K-kain na tayo." Hindi ako makatingin kay Gaelan habang inilalatag ang pagkain sa harapan.
Napailing si Gaelan ng tingnan ang pagkain ko pero hindi na sya nagsalita. Kumain kami ng tahimik. Si Selene patuloy sa pagdrawing at hindi halos magalaw ang pagkain, si Heather naman ay mukhang ineenjoy ng husto ang kanyang pasta.
Hindi ko alam kung magkaaway ba kami ni Gaelan noong araw na iyon. Saglit lang naman kami naging matahimik pero nagpapansinan naman kami. Nagtetext pa din kami noong umuwi pero hindi na kami naguusap sa facetime.
Ganito ba kapag may problema ang isang relasyon?
Ang hirap naman, wala akong mapagtanungan.
Siguro lilipas din ang ganitong pakiramdam.
---
Dumating ang araw na pinaghandaan ko ng husto. Maingay ang buong Keio, ang kalapit na mga school ay imbitado din para sa opening ng Intercollegiate. Tahimik ako sa gilid ng stage habang pinapanatili ang pagiging kalmado. Walang kaide-ideya si Gaelan sa gagawin ko. Ang alam ko ay nagwa-warm up sila sa mas maliit na court ng Keio.
"Ria.. Pumunta ka na sa likod." Nabuhayan ako ng makita ko si Sunshine, sa kanyang kamay ang ang kanyang rubber shoes. Nakaayos na ang kanyang mukha. She's in a high ponytail at mayroong light makeup kaya mas lalong umangat ang kanyang ganda.
Binati ko ang lahat ng ka-team ko noong pumasok ako sa backstage. Abala ang iba dahil inaayusan pa, yung iba naman ay nagbibihis. Mayroong lumapit sa akin na makeup artist at pinaupo ako sa kanyang upuan.
"Lahat ba talaga kayo ay magaganda?" Hindi makapaniwalang tanong ng makeup artist. Ngumiti lamang ako sa kanya. "Ang mga mata mo, kakaiba ang pagkabrown, ang ganda ng hugis ng ilong mo at labi! Ilang taon ka na?"
"16 po. 17 na next month."
"Isang taon pa, sumali ka sa Binibining Pilipinas ha? Pasok ang beauty mo doon!"
"Lahat ata kami ay sinabihan mo nyan." Natatawang sabi ko habang nilalagyan ako ng foundation sa aking mukha.
"Naku hindi. Kitang kita ko sa mata mo na mananalo ka doon!"
Madami pang iginiit ang bading na makeup artist, susubukin daw nya akong ipasok sa ganoong pageant, nagsawa na din ako sa kakatanggi dahil ipinagpupumilit nya talaga.
Nauulinigan namin mula sa backstage ang nakakabinging sigawan. Mukhang nagsimula na ang opening remarks. Bumukas ang TV sa backstage para ipakita ang kaganapan sa labas. Isa isang ipinapakilala ang magrerepresenta sa bawat school, natural ay madami ang sumisigaw para sa Keio kahit madami ding taga ibang school dito.
Sumunod at pinakahuli ay ipinakilala ang basketball team. Pinatay pa ang ilaw bago binanggit ang bawat school. Mas lalong nagwala ang mga estudyante at lumabas ang napakaraming banner sa paligid. Lahat ay tutok doon sa TV lalo na ng ipakilala ang basketball team ng Keio. Unang lumabas ang ibang mga players na hindi ko kilala, at syempre, ang panghuli ay ang Yukan'na. Kahit sa backstage ay nagtitilian ang mga bading at babae, lalo na ng ifocus ang camera kay Gaelan. Nakaramdam ako ng sobrang pagmamalaki dahil madaming sumisigaw para sa kanya. I am so proud of him. Nakakatuwa na ako ang pinagtutuunan nya ng pansin kahit pa napakadaming humahanga. I will support him all the way.
Kitang kita ko ang paglinga linga ng mga mata nya. Ako kaya ang hinahanap nya? Baka hindi naman, baka naghahanap lang sya ng pamilyar na mukha dahil mukhang hindi sya kumportable sa camera. Nahagip ng camera si Heather na may sariling banner para kay Gaelan. Ngumiti si Gaelan sa kanya at tila nahimatay ang kanyang mga kaklase. Hindi ko ininda yon, magkaibigan sila at tama lang na i-cheer nya si Gaelan.
I will give him the best cheer today, para sa kanya ang performance ko ngayon.
'And now, the moment that we've all been waiting for! The cheerdance competition!'
Hindi ko alam na may iiingay pa pala ang Keio dahil sa announcement na yon. Dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Unang innanounce ang pangalan ng Roman University, sila daw ang mahigpit na kalaban ng Keio. Napakaganda ng routine nila, pansamantalang nagduda ako sa routine na inihanda namin, hindi kaya masyadong simple? O baka magkamali ako at maging dahilan ng pagkatalo ng team.
"Kinakabahan ka?" Nilapitan ako ni Rona na hindi inaalis ang tingin sa TV. Nakahalukipkip sya at napansin ko ang pagkinang ng kanyang kutis, ang ganda ganda nya din ngayon.
Hindi na ako nahiyang tumango.
Ngumiti si Rona. "Normal lang yan. Tuwing nagpeperform ka, isipin mo lang kung para kanino mo ginagawa ang lahat ng ito. We perform as a team and we got each other's back. Hindi naging maganda ang simula natin, but you gained friends in the squad. Isipin mong wala kang kaibigan na dapat malaglag sa bawat routine, isipin mo na mo din na iingatan ka ng kaibigan mo para hindi ka mapahamak kaya ialis mo ang takot. Hindi ka namin pababayaan at wag mo din kaming pababayaan." Tinapik ni Rona ang aking balikat. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil doon, she deserves to be the leader, she always say the right words when you need it.
May anim na schools pa ang sumunod. Nalilito na ako kung alin nga ba ang pinakamagaling. They were all great. Uminom ako ng kaunting tubig dahil nararamdaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko. Pinagmasdan ako ang sarili ko sa salamin, I am wearing the squad uniform, white and green stripes, lantad ang tyan at binti but this looks sporty, not in any way seductive. Ang buhok ko at malinis na ipinusod sa likod na ikinulot ang dulo at nilagyan ng puting ribbon. The make up is light pero tumingkad ang kulay ng aking mga mata.
Pinasalamatan ang Unibersidad de San Miguel na huling nagperform, may kumatok sa aming nakaheadset na may hawak na folder, pinalapit na kami sa sa floor. Bago lumabas ay nanalangin kami bilang team, tama lang ang aming ginawa dahil paglabas namin mula sa dressing room ay sobrang ingay na ng crowd. Nahati kami sa dalawang grupo, ang grupo nila Rona ay nagtungo sa kabilang parte ng court.
'And now, last but not the least. The pride and glory of Keio University! The Keio Elite Pep Squad!'
Halo halong sigawan at palakpakan. Everyone's excited! Natabunan na din ng excitement ang aking kaba. Humupa ang hiyawan at napalitan ng katahimikan ng namatay ang ilaw. I can smell anticipation in the air.
Pumaibabaw ang tunog ng malakas na drums hudyat para pumwesto si Sunshine at salubungin ag cartwheel ni Rona mula sa kabila.
'KEIO! KEIO!'
The crowd went wild ng lumiwanag ang ilaw, lalo na ng mas naging mabibilis ang pagtatagpo ng aming grupo sa gitna dahil sa halo halong cartwheel at flips, ang tugtog ay tila tunog sa lumang ninja movies at mas lalong lumalakas at bumibilis ang pagtambol ng drums. Ginawa ko ang sa akin at sinalubong si Eunice dahil kami ang panghuli, just when we are complete in the middle, sabay sabay kaming nagsplit.
'GO RIA FLORESCA!!!'
Alam kong si Selene ang sumigaw noon pero hindi ko nilingon dahil nagfocus ako sa stunt at steps ng aming grupo. Everyone's energetic! Naka-paste ang ngiti sa aming mga labi na parang hindi nakakaramdam ng kahit anong hirap o pagod!
Limang minuto ang itinagal ng aming pagsasayaw. Sa loob ng limang minuto ay walang tigil ang pagsigaw sa aming mga pangalan!
May mga taga ibang school din ang napapansin kong sumisigaw ng aking apelyido. Of course, there's a surname at the back of my cheering uniform, maliit lang iyon pero kitang kita.
"Ria, are you ready?" Halos pasigaw na tanong ni Gab dahil sa ingay. Simple akong sumenyas ng tango at umapak sa palad nila ni Harold. This is the finale stunt at ako ang nasa gitna, sa likod ko ay nakaalalay ang lahat ng squad members.
Lord, please make me safe. Amen.
Iniangat nila ako at inihagis paitaas, hindi magkandamayaw ang pagsigaw ng crowd! Ngumiti ako habang isa isang ginagawa ang stunt na aming iniensayo, paulit ulit akong nag-tumbling sa ibabaw ng aking mga team at hindi man lang ako nakadama ng takot.
"Ria! Ang galing mo!" Hindi napigilang ibulalas ni Rona. I winked at her.
Just when I did the final bend and the final pose kung saan nagtatatalon ang lahat ng estudyante, nagtama ag mata namin ni Gaelan. Kitang kita ko ang madilim nyang mga mata. Nagtiim bagang sya at bigla na lang umalis na parang galit na galit.
Bumalik sa akin ang kaba na hindi ko man lang naramdaman kaninag nagpeperform ako.
Bakit? May ginawa ba akong mali?
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata, mabuti na lang at sumabay ang pagpatay ng ilaw. Gumuho ang pag-asang binuo ko ng ilang araw na makita sa mga mata nya ang nakita ko kung paano sya maging masaya sa pagkanta ni Heather. Mas malala pa yung reaksyon nya noong una nya akongmakitang sumayaw. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang disgusto dahil sa ginawa ko.
Maingat akong ibinaba ng teammates ko kaya mabilis ko ding pinalis ang aking mga luha.
He will just never be proud of me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top