Kabanata 33
Lagi.
"Ria!"
Nahinto ako sa paghakbang ng mayroong tumawag sa akin. Nakita kong si Rona at Sunshine yon. Mabibilis ang mga hakbang nila at mukhang sinusundan talaga ako. Binigyan ko sila ng ngiti at tuluyan silang hinarap.
"Napag-isipan mo na ba ang itinext namin sayo nung isang linggo?" Tanong ni Rona. Mas lalong tumingkad ang kulay ng kanyang buhok dahil natapat kami sa sinag ng araw.
Naalala ko ang mensaheng yon. Iniimbitahan nila akong muli na sumali sa squad pero ipinahiwatig ni Gaelan na ayaw nya daw akong sumali doon dahil hindi naman daw mabuting na kaibigan sina Rona kahit ipinaliwanag ko na maayos ang pakikitungo nila sa akin. Nung panahong dapat ay ieexpel ako, ako na mismo ang hindi dumalo sa mga practice dahil ayaw kong madamay sila sa aking gusot.
"Pasensya na, Rona. Sa tingin ko ay hindi ko na makakayanan ang ensayo." Malungkot na pagdadahilan ko.
"Kaya lang biglaang umalis si Tisha! Nagkasakit kasi ang Daddy nya at kailangan nyang puntahan sa States, si Selene naman nagquit din kelan lang.." Singit ni Sunshine. "Kukulangin kami ng tao para sa routine. Hindi ba talaga pwede, ha, Ria?"
Gusto ko sanang sumali, kaso ay si Gaelan kasi.. Ayaw kong pag-awayan pa namin..
"Pasensya na talaga.." Nakayukong sabi ko. Ayaw kong makita nila sa mata ko na gusto ko talaga at nanghihinayang ako.
Napabuga ng hangin si Rona at tiningnan akong mabuti.
"You don't have to stop doing things you want to do just because you are in a relationship." Seryosong sabi ni Rona. Napaiwas ako ng tingin.
"Hindi naman sa ganon, Rona.."
"Ria, this is a friendly advice, wag mong pakiutin ang mundo mo sa isang tao. A healthy relationship should grow with you not against you.."
"Rona!" Suway ni Sunshine. Napailing si Rona at tiningnan ako ng nadidismaya. Wala akong nagawa kundi yumuko. I just want to please Gaelan, I want to make sure he's always happy at doon ako nagiging masaya.
Iba naman ang nakukuha kong kasiyahan sa pagsasayaw, pero kung ano man yon, tingin ko ay mas higit ang saya ko kapag si Gaelan ang masaya.
Huminga ako ng preskong hangin kasabay ng pagwagayway ng mga puno, wala pa namang nagbago hindi ba? I am still Maria, trying to make the right choices. Isa lang sa mabuti o masama, doon lagi sa mabuti ang tingin.
Hindi ko nakita si Gaelan sa buong maghapon, nagtetext lang sya na nagpapractice sila ng basketball. Tuwing pahinga nya ay sinusubukan nya akong tawagan para kamustahin.
Busy na din ang Keio. Sa sabado ang opening ng Intercollegiate. May mga nagse-set up ng booths at soundsystem. Umupo ako sa isang plant box na nakapaharap sa maliit na stage na inilagay sa gitna ng field ng Keio. Sa ibabaw ay mayroong mga banderitas na nakasabit sa ibabaw. It is really festive. Bago sa akin ang lahat ng ito.
Napatayo ako ng makita ko si Gaelan na nanggaling sa gymnasium. Kasama nya ang Yukan'na. They are in their varsity shorts, Kulay puti at berde iyon at bilang pang-itaas, nakasuot lang sila ng plain tshirt. Kay Gaelan ay puti. Malawak ang kanyang ngiti habang hawak ang bola at pinapaikot ang kanyang kamay.
He looks happy. So this is one of his passion, sports. Nung isang araw ay nalaman ko na mahilig sya sa music. Hindi ko pa sya natatanong tungkol doon. Maybe I can try to listen to his likes. Marunong akong mag-piano kaya sa classical music ako namulat. Magugustuhan din kaya nya yon?
Pinlano kong maglakad papalapit sa kanya para kahit papaano ay magkita man lang kami. Kaunting oras na lang kasi ay susunduin na ako ni Chief Smiths. Napigil ang paghakbang ko ng magtakbuhan ang napakaraming estudyante papalapit sa stage. Napakunot ang noo ko.
"Heather! Heather!" They are cheering on Heather pero hindi ko sya makita. Kahit ang Yukan'na ay huminto din sa paglalakad.
Ilang sandali pa, nakita ko si Heather na humahalakhak. Hinihila sya ng isang lalaking kaklase paakyat ng stage at mayroong nakasabit na gitara sa kanyang likod.
"Test our sound system!" Natatawang sabi ng lalaki nyang kaklase.
Napapailing na lumapit si Heather sa mic stand.
"Okay! Okay!" Natatawa pa din si Heather. Inilagay nya sa kanyang harapan ang gitara at inayos iyon.
"Mic test.." Nakangising sabi nya. Mas lalong sumigaw ang lahat when she started plucking her guitar.
'I need another story
Something to get off my chest
My life gets kinda boring
Need something that I can confess'
Just when she started singing, the crowd when quiet. Maganda ang boses nya at magaling syang mag-gitara like she's naturally born with it!
"Go Heather!" Mula sa di kalayuan ay pumapalakpak si Selene. I can't help but to adore Heather too. She looks so confident and cool. Now, she definitely bagged the Miss Popular title. Not your typical queen bee, pero iyong boyish at maganda.
'Tell me what you want to hear
Something that will light those ears
Sick of all the insincere
So I'm gonna give all my secrets away'
Lumipat ang mga mata ko kay Gaelan. He looks.. Amused.
Seryoso syang nanonood pero nakangiti ang kanyang mga mata. Hindi ko sya masisisi sa kanyang reaksyon. Nakakabilib naman talaga si Heather. I wonder if I can do anything that will give him chills like this. Yung tipong makikita mo sa mata nya na proud sya dahil girlfriend nya ako at may ginagawa akong kakaiba.
Dumagundong ang ingay sa Keio ng matapos si Heather sa pagkanta. Everyone heard it. Centralized kasi ang sound system and she's really good. Sinalubong sya agad ni Selene at ng Yukan'na. Si Gaelan ang nasa pinakahuli. Gusto ko ding lumapit kay Heather dahil kahit papano ay magkaibigan naman kami pero nakukunsensya akong lumapit.
Nakakaramdam kasi ako ng inggit.
At alam kong hindi iyon tama.
Kumuyom ang palad ko at ipinilig ang ulo. Hindi tama ang ganitong pakiramdam. Wala namang ginagawang masama si Heather pero kung ano anong negatibo ang nasa aking kalooban.
Imbes na lumapit, pumihit ako sa opposite way. Magtutungo ako sa chapel at magsosorry na lang kay Lord. Naging bad ako today.
Kagaya ng dati, tahimik ang chapel, maririnig mo pa ang pagsara ng mabigat na pinto. Walang tao. This is like heaven kung tutuusin. Saglit akong tumitig sa mga kandila sa harapan. Sa utak ko ay walang hanggan ang paghingi ko ng tawad dahil sa naiisip ko. God gave us different qualities and she's good at singing so what's the problem with it? Bakit ako makakadama ng inggit kung may mga bagay din naman na magaling ako..
Kagaya ng...
Kagaya ng ano nga ba?
Mabilis akong lumuhod at pumikit.
'Lord, sorry po talaga kung inggitera ako. Promise hindi ko po sinasadya ang makaramdam ng ganon. Sorry din po kasi nagsisinungaling ako tungkol sa amin ni Gaelan. Alam ko po, hiningi ko na ito ng forgiveness simula nag-umpisa kami, gusto ko lang po iremind sa sarili ko na hindi tama ang ginagawa ko kaya po magsosorry ako palagi hanggang sa makakuha na ako ng lakas ng loob na magsabi ng totoo. Please touch my family's heart to accept our situation just in case. This Lord God, I pray. In Jesus Name. Amen!'
Umupo muli ako sa church seat at muling ninamnam ang katahimikan.
"Sabi na nga ba nandito ang pinakamamahal ko eh.." Napalingon ako sa nagsasalita. Nakangiti si Gaelan at mabagal na naglalakad patungo sa akin. Nakapagbihis na sya ng maong at gray vneck shirt, hinubad nya ang kanyang baseball cap at lumapit sa akin, umupo agad sa tabi ko.
"Kamusta ka?" Kinuha agad ni Gaelan ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri.
"Im okay." Pagsisinungaling ko.
"You don't seem okay." Nagtaas ng kilay si Gaelan. "Nakita kita kanina, akala ko ay lalapit ka sa akin pero tumalikod ka. Tinetext kita, walang reply. You are being a bad girlfriend." Pinanliitan ako ni Gaelan ng mata.
"T-talaga? Sorry.." Malungkot kong sabi. Akala ko talaga ay kay Heather ang atensyon nya kanina at medyo masakit para sa akin ang tagpong iyon.
Ginulo ni Gaelan ang buhok ko "Naniwala ka naman agad. You are still the best girlfriend. Tell me, what happened today?"
'Inisip ka, nainggit kay Heather, at ngayon nagsisisi?'
"Im fine. Kamusta ang practice?" Tanong ko para maipagpaliban nya ang mga tanong nya sa akin.
"Okay din. We are at 100%. All set na."
"Tiyak na madaming sisigaw para sayo." I muttered. Napangiti si Gaelan aat iniangat ang baba ko gamit ang kanyang mga daliri.
"Those won't count kung hindi rin lang ikaw. Uuwi ka na ba? Facetime tayo bago tayo matulog ha." Gaelan smiled and it is contagious, napangiti din ako at napawi ang pag-aalala.
He seems so kind. Well, he is kind. Ano pa bang hahanapin ko kay Gaelan? Mabait, malambing at maasikaso. I shouldn't worry right?
Kaya lang ang hindi ko pag-aalala ay nananatili kung kaming dalawa lang ang magkasama, PERO ang mundo ay maraming tao. Maraming kasali sa buhay nyo. Hindi lang 'Ikaw at Ako'. Meron din talagang 'Iba'.
And I have to get used to it......
'Stop and stare
I think I'm moving but I go nowhere
Yeah, I know that everyone gets scared
But I've become what I can't be, oh'
Isang strum ang pinakawalan ni Heather para tapusin ang kanta. Magkaharap sila ni Gaelan at sabay na kinakanta ang awit na yon. Yung paborito daw nila. Nakatingin lang ako at itinutulak ang sarili sa swing habang nakikinig sa kanilang dalawa.
Heather's been bringing her guitar for three days now. Madalas pagkatapos naming mag-lunch ay mamamahinga kami sa park sa likod ng chapel at madalas syang tumugtog. I learned that Gaelan also plays guitar kaya madami silang napaguusapan na bagay tungkol dito.
Lumipat ang mata ko kay Selene but she's busy sketching. Ang ganda ng kamay nya, magaling syang gumuhit. See? Everyone is good at something. I want to know where I am good at. Siguro ay hindi ko pa nadidiskubre ang sa akin.
"Ikaw, Ria. Do you sing?" Nakangiting tanong ni Heather. Ngumiti ako pabalik at umiling. At ayoko na ding subukin dahil napakagaling nila ni Gaelan, mapapahiya lang ako.
"What do you love to do then? Acting? Photography?"
"Don't give her ideas, Heather. Baka nga subukin nya." Sambit ni Gaelan. Napawi ang ngiti ko at bahagyang napahiya. Hindi nya ba gustong maging magaling din ako sa ibang bagay? Magiging responsibilidad nya ba na bumilib sa akin kahit hindi naman ako magiging sobrang galing?
I felt the urge to tell him that I am quite offended but I choose not to. Everyone's happy and I don't want to ruin the mood. Isa pa, hindi ako marunong kung paano ba magalit. Bad kasi yon di ba?
Tumahimik na lang ako at inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro kahit wala akong maintindihan ni isa. Halos ipagpasalamat ko ang afternoon bell dahil maari na akong umalis na hindi mukhang nagwalkout. Mabilis ang lakad ko, at di ko namalayan na nasa tapat na ako ng classroom ko sa Literature kung hindi pa ako nahuli ni Gaelan sa braso.
"Ang bilis mo.." Ngumuso si Gaelan at mukhang hinihingal. Nag-peke ako ng ngiti, bahagyang kinakapos din ng hininga.
"Maaga kasi pumapsok si Prof Herrera kaya nagmadali ako. Sige na, pumasok ka na. Magkita na lang tayo mamaya."
"Okay, Tabs.. I love you."
Ngumiti lang ako bilang tugon, pinisil ni Gaelan ang aking kamay.
Pinagmasdan ko ang likod ni Gaelan na papalayo pagkatapos nya akong halikan sa noo para magpaalam.
"Ria, free cut. Sick leave si Prof--" Sambit sa akin ni Francis habang sinasalubong ako mula sa pgpasok sa room. Ngumiti ako at tumango.
"Alam ko."
Alam ko dahil nang hindi ko na makita si Gaelan, nagmadali din akong umalis sa classroom. Dumaan ako sa kabilang side na hagdanan patungo sa likuran ng literature building kung nasaan ang headquarters ng Cheering Squad.
Masaya akong humahakbang habang binubuo ang ideya na nasa isip. Binuksan ko ang pinto ng headquarters at sumalubong doon ang katahimikan.
Wala doong tao bukod kay Rona na nagsusulat sa maliit na lamesa sa gilid. Nag-angat sya ng tingin dahil sa tunog ng yabag ng sapatos ko.
"Rona, pupwede pa ba akong sumali?" Tanong ko na mayroong alanganing ngiti. Nagliwanag ang mukha ni Rona at nilapitan ako.
"Talaga? Pinayagan ka ni Gaelan?" She asked excitedly.
Umiling ako.
"Hindi nya alam. Hindi naman nya ako direktang binabawalan, isa pa gusto ko syang surpresahin." Kumpiyansang sabi ko. I want to be good at dancing, siguro ay magiging proud si Gaelan dito kahit noong una nya akong makitang sumayaw ay hindi nya nagustuhan.
Gagalingan ko ang ensayo! Alam kong hindi naman imposible dahil nagawa ko na noon.
One on one ang naging training sa akin ni Rona para sa mga napag-iwanan kong mga sayaw. Tahimik nya akong ipinagpapaalam sa mga klase ko para sa ensayo kaya pagkahatid sa akin ni Gaelan sa classroom ay nagtutungo ako sa headquarters. The squad members were also advised to keep it a secret, at least for the time being.
"You will be thrown Ria. Kaya?" Striktong tanong ni Rona. Ilang ulit akong tumango. Ni hindi man lang ako nakadama ng takot. I want this! Makikita ako ni Gaelan ng husto kapag nangyari yon.
Kumapit ako sa balikat ni Sunshine at Emma habang inaapakan ko ang kanilang palad. Bumwelo sila para ihagis ako kasabay ng aking pagtalon.
At nang ginawa ng ang routine ang saya ng pakiramdam ko! Gusto ko sa ere! Gusto kong lumipad. Hindi lang dahil sa makikita ako ni Gaelan kundi dahil alam kong kaya ko itong gawin ng maayos. I am at least good at this!
Si Rona ay mayroong alarm na tumutunog 30 minutes bago matapos ang klase ko na dapat kong pinasukan. I will rest pagkatapos ay babalik muli sa classroom na parang walang nangyari.
Tumunog ang cellphone ko habang namamahinga ako sa dancefloor at nagpupunas ng pawis.
Yabs Ko: Tabs, baka hindi kita makasabay kumain. Sumakit ang tyan ni Heather. Ihatid muna namin ni Selene. Eat on time. I love you Baby.
Napabuntong hininga ako, hindi na ako sumagot. Nilagay ko muli sa aking bag ang cellphone. Hindi na ako bumalik sa classroom dahil doon. Tiningnan ako ni Rona ng nagtataka.
"I can still practice. Wala si Gaelan, may inasikaso." I said, tatlong araw na rin lang ang natitira para sa main event, I should practice while I still can. Tumango si Rona na tila naiintindihan ang sinasabi ko.
"Pahinga ka muna. We don't want you to experience muscle fatigue. Dumito ka muna kung wala kang pupuntahan."
Ganoon nga ang ginawa ko. Gustong gusto kong ialis sa isip ko na wala si Gaelan ngayong araw at kasama nya si Heather pero nahihirapan pa din ako. I can't really find words to describe this bad habit that I keep on doing.
Nagseselos ako sa kaibigan ni Gaelan at maling mali iyon. They are friends and I should stop worrying!
Tumingin ako sa cellphone ko na nagfaflash ang numero ni Gaelan, tumatawag sya. I don't even have the guts to answer. Hindi dahil sa galit ako sa kanyang ginawa kundi dahil galit ako sa sarili ko kung bakit unti unti akong binabago ng ganitong pakiramdam.
Isang mensahe muli ang pumasok pagkatapos ng tawag.
Yabs Ko: Tabs? Are you okay? Pabalik na ako dyan.
Napakunot ang noo ko. Bakit naman sya babalik? Naihatid na ba nya si Heather?
Tumunog muli ang cellphone ko sa isang tawag, sa pagkakataong iyon, sinagot ko na.
"Hello."
"Tabs, bakit hindi ka sumasagot? Ayos ka lang ba?" Tahimik sa paligid ni Gaelan kaya bakas na bakas ang kanyang pag-aalala.
"A-ayos lang ako. Kamusta si Heather?" Mahinang tanong ko.
"Ipinakuha ko na sa driver ni Selene."
"B-bakit?"
"I can't drive her and drive back after, that would take too much of my time. Gusto na ulit kita makita.. Baka pagbalik ko ay pauwi ka na, ayoko non." I can imagine Gaelan's sincere eyes and it made my heart melt.
I pouted habang pinagdidiskitahan ang sintas ng rubber shoes ko.
"You don't have to do it." I said, kahit ang totoo ay parang pinipisil ang puso ko sa tuwa.
"I don't but I want to do it."
Tumayo na ako at sumenyas kay Rona na papalabas na ng headquarters. Dumiretso ako patungo sa parking lot para salubungin si Gaelan. Saktong sakto naman na dumating ang sasakyan nya at bumisina pa sa akin. Malapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang kanyang pagpark.
Tumakbo si Gaelan papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"I missed you.." He whispered. "Every minute."
And that was the best feeling.
Sana ay ganito lagi..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top