Kabanata 31

MAKI SAY's: CONFESSION OF A NAUGHTY SLAVE ang title ng story ng mahaharot na magulang ni Gaelan. R-18 sya although di naman puro ooh at ahh (sige pa?) ang mababasa nyo. Romantic Comedy, nakaprivate ang ibang chapters. Be a responsible reader ❤️✌🏽️

Heather.

Ipinagpaalam ako ni Gaelan sa kanyang Mommy na matulog sa kanila. They accommodated me in their guest room. Sa katabi lang ng kay Gaelan. Ipinapahiram din ako ng damit ni Brandy. They welcomed me warmly. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.

Kami na ni Gaelan..

At hindi mawala ang ngiti naming dalawa.

"Ano bang problema nyo? Bakit ang lawak ng ngiti nyo?" Nakakunot ang noo ni Tita Blair sa amin ni Gaelan. Naka-indian sit kaming dalawa sa kama sa guestroom, kaharap si Tita Blair, si Brooke at Brandy naman ay nakaupo doon sa may paanan ng kama at nanonood ng TV. Nagkukwentuhan pa din kami, nakakatuwa sa kanilang bahay, they really spend time together kay sobrang close nila.

"Masama na bang ngumiti ngayon, Mom?" Gaelan asked, pasimple ko syang kinurot sa tagiliran.

"Ah.. May secret kayo na hindi sinasabi sa amin? Malalaman ko din yan! Brandy, check mo nga si Brianna kung dumating na." Untag ni Tita Blair kay Brandy.

"Dumating na sya Mom.. Nandoon sa headquarters nya." Sagot naman nito.

"Sa basement? Ano naman ang ginagawa doon at hindi nagpakita sa akin?"

"Baka may kinidnap na naman. Hindi ba dati kinidnap nya yung kalaro nya sa kapitbahay dahil na-cutean sya.." Tumawa si Brooke. Kinabahan naman ako, mas malala pa pala sa naiisip ko ang kayang gawin ni Brie.

Hindi kaya nakidnap nya na si Kuya Rab? Ibig sabihin nandito din ang kapatid ko?

"Gaelan. Alam ba ni Brie na kapatid ko ang nagpabugbog sayo?"

Nagkibit balikat si Gaelan. "She never share her plans. Don't worry, sinabi kong wag na syang gumanti sa gumawa sa akin nito."

"Kawawa naman ang Kuya ko. Malalaman ba natin kung kinidnap sya ni Brie ngayong gabi?" Bulong ko muli.

"Alright, we'll check later, Baby." Dinikit ni Gaelan ang kanyang labi sa akin at bahagyang inamoy ang buhok ko.

"Baby?" napangiwi ako ng pinanlakihan kami ng mata ni Tita Blair.

"BABY????" Ulit pa nya sa mas malakas na boses.

Tumalbog talbog pa si Tita Blair sa kama sa sobrang excitement.

"Honeybunch!!" Tumili si Tita Blair, agad naman bumukas ang guest room at sumilip si Tito Garrett na may hawak na papeles at naka-eyeglass pa.

"Si Tutuy may girlfriend na.."

"Hindi ba matagal na?" Nagtaas ng kilay si Tito Garrett.

"Hindi counted ang mga babae nito ni Gaelan. Si Ria lang ang nakilala ko kaya sya lang ang kikilalanin ko."

"Im happy for the both of you.." Niyakap pa ako ni Tita Blair.

"Oh, Im so sorry, Ria.." Malungkot na biro ni Brandy. Binato sya ng unan ni Gaelan.

"Gaelan, be a responsible boyfriend." Seryosong paalala ni Tito Garrett. Kumunot pa ang noo nito. Tumango si Gaelan at hayagan ng hinawakan ang kamay ko.

"Asus! Inlove ang bunso!" Natatawang sambit ni Brooke. Nahihiya ako! Hindi naman namin pinagusapan ni Gaelan kung paano namin sasabihin ito. Gayunpaman, masaya ako na hindi naman namin itago sa kanilang pamilya, ramdam ko din na masaya sila para sa amin.

Nagsialisan na sa guest room sina Tita Blair, Brooke at Brandy ng matapos na ang palabas na paborito nila. Naiwan kaming dalawa ni Gaelan.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko sabay dama sa kanyang noo.

"I am very fine now, Tabs.. Nandito ka na."

"Papasok ka na ba ulit sa Keio?" Umaasa akong oo, hindi ko sya madalas makikita kapag wala sya.

"Oo, babantayan ko ang girlfriend ko.."

Ngumiti ako. I am somebody else's girlfriend.

"Hindi kita maipapakilala sa pamilya ko." Malungkot kong sabi.

"Hindi pa ngayon. Someday I will make you proud, that way magiging karapat dapat na ako sayo."

"But I am proud of you.." Singit ko.

"Kulang pa din." Huminga sya ng malalim at kinuha ang kamay ko, he looked at me intensely. "Sorry for not being perfect for you. Kung alam ko lang na kagaya mo ang dadating sana nagpakabait na ako."

Ngumiti ako at tinapik ang pisngi nya, "Basta magpapakabait ka na, okay na ako don."

Tumango si Gaelan at mahigpit akong niyakap. I feel safe. Nawala ang lahat ng pagaalala ko.

Sabay kaming nag-pray ni Gaelan para gumaling na sya ng tuluyan. Ilang sandali lang, pinabalik ko na si Gaelan sa kanyang kwarto para makapagpahinga. Sinubukan kong pumikit pero hindi ako makatulog. Masaya? Kinakabahan? Hindi ko alam. Something has changed, I hope it is for the better.

12midnight.

Nakatingala lang ako sa kisame, o di kaya ililipat ko sa display na water globe ang aking mga mata, baka sakaling antukin ako sa mabagal na pag-angat ng iba't ibang kulay ng tubig na may malamlam na ilaw. Umupo ako at ipinasandal ang aking likod sa headboard. hanggang sa may naulinigan akong sumigaw mula sa kung saan. Naiimagine ko lang ba iyon?

Maya maya pa ay may nadinig ako ulit na sumigaw. Totoo nga! Hindi na ako nakatiis kaya humakbang ako papalabas ng guestroom.

Madilim na sa buong kabahayan. Natatakot ako kaya dumiretso na ako sa kwarto ni Gaelan, swerte na hindi nasara ang pinto. Mahimbing na natutulog si Gaelan that's why I went straight to wake him up.

"Yabs.. Yabs.." Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi. Umungot sya at marahang dumilat.

"May narinig akong sumigaw.." Bulong ko sa kanya.

"H-ha? Saan?"

Umiling ako "I don't know.. I heard it twice."

Tumayo si Gaelan. Nakasuot sya ng shorts at tshirt na kulay gray. Hinawakan nya ang aking kamay habang humahakbang kami pababa ng kanilang hagdan.

Isa pang hagdan pababa ang binaybay namin. Mayroon pang pinto!

Gaelan slowly opened the door at nagulat na lang ako ng bumulaga doon si Kuya Rab. Nakatali ang kamay sa isang upuan. Sa kanyang harap ay nandoon naman si Brie. Kinidnap nga nya ang kapatid ko!

"Brianna!" Sumulpot kami ni Gaelan. Nanlaki ang mga mata ni Brie at mukhang nagulat.

"What are you doing?" Inis na tanong ni Gaelan at lumapit sa kinaroroonan ni Kuya Rab.

"Nahuli ko na sya Gael! Sya ang nanakit sayo!" Hindi ko maintindihan ang kinang sa mata ni Brie. She seems really excited and happy.

"Bakit mo sya iniuwi?" Tanong ni Gaelan.

"Hindi ko sya iniuwi. Sumama sya sa akin!" Pagmamalaki ni Brie. Nasampal ko ang sariling mukha, si Kuya Rab talaga basta maganda, sasama!

"Kuya.." Di ko na natiis at humakbang na ako sa liwanag. Nanlaki ang mata ni Kuya Rab pagkakita sa akin.

"What are you doing here?"

"Kuya. Mahabang kwento.. Ikaw? Bakit nandito ka?" Balik ko ng tanong sa kanya.

"I am trying to hit on this girl-- Wait a minute.. Are you two related?" Tanong nya kay Gaelan.

"Kapatid ko. Brianna, magagalit na naman sayo si Daddy. I will untie him." Tinatamad na sabi ni Gaelan.

"What? No! Hindi pa ako tapos sa kanya." Awat ni Brie.

"Oo nga, hindi pa kami tapos.." Ngumisi si Kuya Rab. Tyak na may naiisip na naman na kalokohan.

"Brie, please. He's Ria's brother. Just. Let. Him. Go. Ayoko ng gulo."

"No. Ayon sa batas ni Brie. Kailangan nyang makulong ng 8 hours at ipapakagat ko sya sa langgam."

"Brie, stop being a kid." Suway naman ni Gaelan.

"I am not being a kid! Pinabugbog ka nya, Gaelan."

"I am getting excited, sweetheart." Ngumisi ulit si Kuya Rab. Pinamulahan ng pisngi si Brie.

"Bastos! Hindi kita type. Pangit!"

"Pangit ako? Anong tawag mo sa kapatid mo?"

"TSE!!"

"I will untie him now." Tumayo si Gaelan sa likod ng upuan.

"Thanks. I owe you one kahit hindi ko pa alam kung bakit nandito ang kapatid ko. Hindi makakarating ito kay Daddy pero magpapaliwanag ka pa." Nilingon ako ni Kuya Rab "Uuwi tayo ngayon. Where's my car?" Kaswal na sabi ni Kuya Rab kay Brie.

"I left it at the bar." Pabalang na sagot ni Brie.

"What?" Gulat na gulat si Kuya. Mahal na mahal pa naman nya yung sasakyan nya, inaasahan kong magwawala si Kuya pero pinagmasdan nya lang si Brie. He looks really amused with her.

"Ihahatid ko na kayo doon sa bar." Pagtatapos ni Gaelan ng pagtatalo.

"Pero bukas na.. I think you are drunk." Seryosong tiningnan ni Gaelan si Kuya Rab. "I cannot allow you to drive Maria when you are drunk."

Hindi nakakibo si Kuya Rab. Napakamot naman si Brie ng kanyang ulo.

"Ang ingay ingay mo kasi eh." Paninisi ni Brie kay Kuya Rab. Sumilay ang pilyong ngiti sa kapatid ko.

"I bet mas maingay ka pa sa akin kapag--"

"Eiw.." Brie rolled her eyes.

"Green minded mo." Siniko ni Kuya Rab si Brie, humagikgik pa sya.

"Pwede ba hindi tayo close! Pangit ka! Makakaganti din ako sayo."

"Payag naman ako kung ngayon mo ako sasaktan."

"Alam mo bang pinlano kong putulin ang patotoy mo at ilagay ko sa noo mo? or sa nose mo para kailangan mong hawiin pag kakain ka... It will be annoying. Or maybe, hindi na kailangan sa nose ilagay kasi panigurado maigsi lang yan!"

Napatakip ako ng aking tenga.

"Brianna! Enough with your green jokes.. Parang hindi babae." Naiiling na sabi ni Gaelan. Ngumuso lang si Brie at pasimpleng kinurot si Kuya Rab sa braso. Hindi umaangal ang kapatid ko ngayon. Hinahayaan nya ang pang-aalipusta sa kanya ni Brie. Sabay sabay kaming umakyat sa mga kwarto.

Walang ginawa si Kuya Rab kundi subukin na i-flirt si Brie pero hindi tumatalab ang charms ni Kuya. Hinatid ni Gaelan si Kuya Rab sa isang guest room pagkatapos ay doon naman ako sa kabila. Paniguradong maraming itatanong si Kuya tungkol sa nangyari ngayong araw. Kaya lang, paano kapag nalaman nyang kami na ni Gaelan?

"Wag kang mag-alala. I will tell my parents not to tell anyone about us yet.. I will wake up early. Goodnight Tabs." Kinurot ni Gaelan ang pisngi ko bago tinapik ang aking likod para tumuloy na sa kwarto.

Nakatulog ako ilang sandali lang. Maaga akong nagising at dumiretso agad ako sa banyo para makaligo at makapagbihis. Iniisip ko kung nakatulog kaya si Kuya Rab?

Nasagot ang tanong ko ng makita ko syang nagkakape doon sa may kitchen kaharap si Gaelan at masinsinan silang nag-uusap.

"Ria, uuwi na tayo." Tumayo si Kuya Rab. "Our guards are here."

"I have to say goodbye to Gaelan's parents." Ungot ko. Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Rab.

"No. We are not staying any longer."

"Rab. I have no bad intentions." Tumayo din si Gaelan.

"But she's too young! Just stay away from her. It is better that way."

"We had a bad first meeting." Sumusunod si Gaelan sa aming paglalakad papalabas ng kanilang bahay.

"And I forgive you for that, I apologize too for hurting you. Not my sister, Gaelan."

Napangiwi ako. Sinabi ba ni Gaelan sa kanya? Tiningnan ko si Gaelan ng nagtatanong na mata. Umiling lamang sya.

Ang mga bodyguards ni Kuya ang sumundo sa amin. Tahimik ang naging byahe. Hindi ako tinatanong ni Kuya Rab, mas mabuti na yon kaysa dumami pa ang pagsisinungaling ko.

"You are still young, Ria. This world is not a game."

"I can handle myself Kuya. Pain is inevitable. Actually, your comments about my life is hurting me right now. Hindi mo ba ako pinagtitiwalaan na kailangan mo pa akong ilayo kay Gaelan? That you have to hurt him to make him stay away?" Nilipat ko ang aking tingin sa bintana ng sasakyan. Nahihirapan ako kung paano ako magiging normal pagdating namin sa bahay. I may lie. I will lie and Kuya Rab will see it.

"Bahala ka. Hindi na ako makikialam. Sa oras na saktan ka nya--"

"Wala kang gagawin--"

Huminga ng malalim si Kuya Rab. "Sa oras na saktan ka nya, pwede kang umiyak sa akin. Tutulungan kitang makalimot." Hinuli ni Kuya Rab ang aking kamay. Humilig ako sa kanyang balikat. I couldn't believe he would change his mind like that!

Dumating kami sa bahay, agad na sinalubong kami ni Mommy.

"Bakit magkasama kayo?" Mommy asked.

"Sinundo ko na, 'My. Nagpasundo." Kaswal na sagot ni Kuya.

"So how was Buding?"

"Okay lang po sila.. Ria, prepare for breakfast. May pasok ka pa hindi ba?" Tiningnan ako ni Kuya Rab. Hindi nya ako hinayaang magsalita, in short, hindi din ako nakpagsinungaling.

Nagpalit ako ng damit para sa school. Si Kuya Rab na rin lang ang naabutan ko sa breakfast table at may kausap sa telepono. I couldn't help but to compare our life with Gaelan's. Akala ko masaya na ang amin, pero mas masaya pala sa kanila. Sabay sabay silang kumakain at hindi nila pinaguusapan ang negosyo sa hapag. Maayos din naman ang katayuan nila sa buhay. Bakit kaya hindi namin maaring bawasan ang oras namin sa pagnenegosyo?

"What are you thinking?" Kuya Rab asked.

"Wala tayong kasabay magbreakfast." Ngumuso ako at tiningnan ang laman ng plato ko.

"They all left. Madaming appointment sina Mom and Dad." Pagdadahilan ni Kuya Rab. Tumango ako at sumubo ng tinapay.

Tumikhim si Kuya Rab. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin na parang may gustong sabihin kaya pinanliitan ko sya ng mata. Napabuga sya ng hangin bago magsabi ng salita.

"Y-yung kapatid ba ni Gaelan, m-may uhm, boyfriend na ba yon?" Tanong ni Kuya Rab sabay tingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang aming garden. Napigil ko ang aking hininga.

"Naku Kuya, wag si Brie. Kung sasaktan mo lang sya marahil mas masasaktan ka."

"Sasaktan agad? Anong akala mo sa Kuya mo?"

"Manloloko." Diretsa kong sagot. Pabagsak na ibinaba ni Kuya ang dyaryo. Sabi na nga ba nahipnotismo sya sa ganda ni Brie kaya sya napunta sa headquarters nito. Hinayaan nya ang sarili nya magpabihag.

Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Walng nakuhang inpormasyon sa akin si Kuya dahil wala naman akong masyadong alam kay Brie. Isa pa baka kapag nakita nya pa ang ibang Ate ni Gaelan ay doon din lumipat ang atensyon nya.

Ilang sandali pa, bumabyahe na ako patungong school. Mayroong kaba at excitement, makikita ko ulit si Gaelan. Kanina ay nagtext sya na nasa school na sya.

Pagbaba ko ay halos takbuhin ko ang pagpasok sa Keio. Hindi nga ako nagkamali at nag-iintay si Gaelan sa may parking lot. Agad nyang inabot ang kamay ko at mahigpit na hinawakan yon.

Madaming bumati kay Gaelan dahil sa pagpasok nya. Wala namang humpay ang pagngiti at pagbati nya pabalik.

"Gael!" Sabay sabay na sambit ng Yukan'na at mabilis na humakbang patungo sa kanya.

"Bumalik ka.." Hindi makapaniwalang sabi ni Ice.

"I have to. Kailangan kong bantayan ang girlfriend ko." Ngumiti si Gaelan at iniangat ang kamay naming dalawa.

Pinanlakihan ng mata ang mga kaibigan nya, bukod kay Yuki.

"Kayo na?" Sabay sabay nilang tanong. We both smiled bilng kunpirmasyon. Walang sawang nagcongratulate ang mga kaibigan nya sa akin. Tipid lang na ngumiti si Yuki.

"Ang dami mong namiss nung wala ka! Alam mo bang nagtransfer na dito si Heather?" Kwento ni Kiro.

Unti unting napawi ang ngiti ni Gaelan.

"T-talaga?" He asked. Yung kaninang sigla ng mata nya biglang nawala. "Tabs, let's go." Tinapik ni Gaelan ang aking balikat. Ngumiti lang ako sa mga kaibigan ni Gaelan para magpaalam.

Tahimik naming binaybay ang patungo sa classroom ko. I wonder where did the dead air came from. May nasabi bang hindi maganda si Kiro?

Huminto kami sa tapat ng classroom ko.

"Magkita na lang tayo sa chapel.." Anunsiyo ko.

"Hindi, susunduin kita dito. Hapon pa ang klase ko."

Tumango tango ako, wala ng masabi.

"Mag-aaral kang mabuti ha." Ngumisi sa akin si Gaelan kaya napasimangot ako.

"Kailan ba hindi?" Tanong ko.

"Tuwing iniisip mo ako." Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi ni Gaelan! Si Gaelan talaga!

"Hindi mangyayari yon!" Umirap ako. Bumalik ang kinang sa mga mata ni Gaelan at hinuli ang kamay ko. Bahagya nyang idinikit ang katawan nya sa akin. Ang kamay ko ay halos nakadikit na sa kanyang dibdib.

Seryoso nya akong tiningnan, "Mahal kita." Bulong nya. Parang may kung anong humahaplos sa tyan ko kapag sinasabi nya yon. Napapanatag ako ng husto. Mataman nya akong tiningnan, I can feel the electricity that assures me that he means it.

"Mahal---"

"Gaelan.." Sabay kaming napalingon sa nagsalita sa aming harapan.

Kumunot ang noo ni Gaelan, ako naman nagtataka sa babaeng nagsalita. Her skin is white and her eyes are gray. Nakasuot sya ng skintone na dress at puting pumps. Hinahangin ang manipis pero alon alon nyang buhok.

"Heather." Bulong ni Gaelan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top