Kabanata 18
Maki Say's: First and foremost. Wala pang story ang SALAD. Aksidenteng nalikha lang sila habang nagsisimula ang The Bad Boy's Slave 😂 Pero aking pinag-iisipan bilang mga ganern naman talaga ang genre ko.. Ang TBBS ay isang eksperimento. Gusto ko lang asarin ang sarili ko isang araw na naiinip ako. Nung time na nabwisit ako sa ayaw sa Touch Me Again kasi 'hindi na daw maintindihan'. Eh kasalanan ko ba na ganon ang tema ko. Kalerky.. Romance writer / Mature Content talaga ang laman ng stories ko tapos may mga bagets na napadpad sa TMA tapos ako pa ang mali?!
Sabi ko, makagawa nga ng plot na pambata. Haha Tapos aba, aba, aba! Pati ang mga audience kong forever 21 kagaya ko, sinubaybayan na din pero sorry at hindi ko talaga mapapanindigan ang teen fiction kung walang lesson of the day mula kay Maria. #TularanSiMaria
Maraming Salamat sa suporta! ❤️🙂
Bully.
"And whatever it is, Gaelan's wrong. Ipanalangin na lang natin na wag syang maexpel." Matatag ang boses ni Selene habang nakahawak sa siko ko.
"That is what Yuki and Kiro are doing, pero alam nyo naman si Master Yushima. Ayaw non na mababahiran ang Keio ng eskandalo. Kahit pa hindi iyon totoo." Napapailing na sambit ni Zeus habang tinitingnan ako ng makahulugan.
Si Master Fukuda Yushima ang mayari ng Keio University. Siya ang lolo ni Kiro at Yuki kaya mayroong special grant ang Yukan'na. But despite that special grant, nabanggit ni Selene na mas mabigat ang responsibilidad ng Yukan'na dahil under sila ng special training, they have to be the best in what they do because they will be the highest paid agents in the future. Yukan'na group finances Keio University and its businesses.
"Selene.. Ano ba talaga ang nangyayari?" Bulong ko kay Selene habang naglalakad kami papunta sa Dean's office. Lahat sila ay binabato ako ng tingin na nadidismaya. Nakita ko sina Tish at Sunshine na napayuko ng magtama ang mga mata namin.
Lumingon lingon si Selene sa paligid at nung nakakakuha ng pagkakataon, hinila nya ako sa may chapel. Mabilis nyang naisara ang pinto pagkapasok namin.
"Hindi mo ba talaga alam, Ria?" Nagtatakang tanong ni Selene. I shook my head. Malapit na akong mamatay sa kakaisip!
"Ria, mayroong nag-send ng litrato ni Gaelan at ni Miss Farrah na naghahalikan habang magkahawak kamay. Doon sa may lumang building--" Napasinghap ako sa sinabi ni Selene!
"We received an email last night. Buong Keio ang nakatanggap." Pagkukwento ni Selene.
Hindi ko naman alam kung mayroong ganoon dahil hindi ko nachecheck ang email address ko na provided ng Keio. Wala namang internet sa bahay ni Mama Buding.
"A-at ikaw ang sender.. Nilagay mo sa sulat ang lahat ng nangyari. Tuwing kailan may nangyayari, ilang beses at pati--- pati ang pagpapanggap mo na maging girlfriend ni Gaelan dahil tinakot ka nya. Sinabi mo na gumaganti ka at galit ka sa bully dahil nabully ka noon sa dati mong school. Now the whole school is mad at you, alam mo naman na ang suporta ng mga tao dito ay para sa Yukan'na. Tingin nila ay ipinapahamak mo si Gael. The pictures are so real but---"
Literal na napaawang ang labi ko sa sinabi ni Selene. Nanginig ang palad ko. Hindi ko ginawa yon!
"S-selene! Hindi ko magagawa ang ganoong bagay.." Pumatak agad ang luha ko dahil sa desperasyon. Wala akong pakialam kung magalit sa akin ang buong Keio pero si Gaelan, ayaw kong pag-isipan nya ako na hindi ko itinago ang secret nya.
"Ria.. Naniniwala ako sayo. P-pero ang buong school kasi, at si Gaelan..."
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo ng matuwid. Hindi lang ang pagtatanggol sa aking sarili ang gusto kong gawin, no, hindi man lang iyon sumagi sa isip ko. I need to save Gaelan dahil sa akin ay wala namang masyadong mawawala. No, nothing will change because I am a Floresca.
Hinawakan ni Selene ang kamay ko at naglakad kami sa gitna ng mga matang nagtitinginan na ngayon ay alam ko na kung bakit.
Lumunok ako ng ilang beses ng makarating kami sa tapat ng Dean's office. Kumatok si Selene at natanawan ko na agad si Miss Farrah at si Gaelan na magkatapat na nakaupo. Umiiyak si Miss Farrah samantalang blangko ang reaksyon ni Gaelan at hindi man lang nag-angat ng tingin sa bumukas na pinto.
"A-ahm Dean.. andito na po si Floresca.." Kinakabahan ang boses ni Selene pero mahigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Thank you Miss Valdemar. You may leave us now." Tumango si Dean kay Selene. Alanganing napatango din si Selene bago binitawan ang aking kamay.
"Nandito lang ako sa labas.." Tinapik nya ang balikat ko at tumango ako.
Nang sumara na ang pinto, sari-saring kaba na ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung naririnig ba nila ang ingay ng puso ko. May tunog din ang paghikbi ni Miss Farrah. Tumingin sya sa akin ng masama bago nagpunas ng luha.
"Miss Floresca, have a seat.." Alanganin akong tumabi kay Miss Farrah. Sa upuan kasi ni Gaelan, nakatabi ang kanyang bag at hindi nya inialis. Hindi din sya tumitingin sa akin.
"Gusto kong nandito kayong tatlo bago ako magsimula ng pagtatanong. I want to be fair to everyone. I am sorry to know that you were bullied in your school.."
Nanatili akong natahimik kahit hindi iyon totoo. Kung magsasalita ako, baka ikapahamak ni Gaelan, I have to be wiser this time.
"Miss Floresca, I thought that you might deny the email that was sent last night dahil kaharap mo ang dalawang nasasangkot but I just want you to know that you also made an offense by creating a clamor at school kahit hindi ikaw ang nababanggit doon sa email. If it was you who sent the email, may kaampatang parusa. Ibang usapan pa doon sa nilalaman ng sulat, kung totoo ay makakasama mo sila sa parusa pero kung hindi, I am sorry Miss Floresca but you will be denied your rights in going inside the University's premise."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I never felt so helpless! Lumaki ako na ipinagtatanggol ako ng mga kapatid ko, but now that I am all alone ay ganito pala ang pakiramdam.
"Ito na lang ang itatanong ko sayo... Boyfriend mo ba talaga si Mr. Ancheta?" Sumandal si Dean sa kanyang swivel chair.
Tiningnan ko si Gaelan. Napailing sya at nanunuyang ngumiti.
"Ano? Ayaw mong magsinungaling hindi ba? Then spill it." Panghahamon nya.
"Gaelan, hindi ko magagawa yon sayo!" Asik ko.
"Sinungaling!!" Sigaw ni Miss Farrah sa akin.
"Farrah, stop it." Awat ni Gaelan sa kanya sa kalmadong boses.
Isa pa lang ang nagsalita pero parang bala na ito sa aming tatlo na may kani-kaniyang gustong sabihin. Umingay agad ang opisina ng Dean at kumapal ang hangin. Lumiit agad ang espasyo sa aming tatlo.
Hinilot ni Dean ang kanyang sentido bago ipinatong ang kanyang kamay sa lamesa.
"So Ancheta at Floresca, wala talaga kayong relasyon?" Tanong ni Dean. Hindi ako ang sumagot.
"Wala." Gaelan answered. Taas noo habang ang mga mata nya ay nakatingin sa akin.
"Then Miss Farrah and Gaelan-- Ibig sabihin ay mayroon kayong relasyon. Totoo ang nasa email--"
"I edited the photos." Pikit mata kong sambit. Halos kumawala ang puso ko sa pagsisinungaling. Maiiyak pa ata ako dahil sa pag-amin sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Tumahimik ang opisina ng Dean. Hindi ako makatingin kay Gaelan, bagkus hinarap ko ang Dean at buong tapang na tumingin sa kanyang mga mata.
Bahala na.
"I edited the photos d-dahil galit ako kay Miss Farrah. I am about to fail my math, I tried to blackmail her with the photo but she refused. G-galit din ako kay Gaelan because h-he's bullying me kaya sya ang inilagay ko sa litrato. It's a big joke, Dean. Naisip ko lang isulat kagabi na mayroon silang relasyon p-para magkaroon ng gulo but now I thought it is a shallow plot. Im sorry. I---"
Pumikit akong muli "I deserve an expulsion, Dean."
Lalong naguluhan ang mukha ni Dean pero nanahimik lang si Gaelan, kumuyom ang palad nya at masama akong tiningnan.
"Dean, I will be responsible for this. P-please. I am very guilty." Pagpupumilit ko.
Katahimikan ang namagitan sa amin. Pati ang pag-iyak ni Miss Farrah ay pahina na din ng pahina.
"Okay.. It started in an email, let's end this in an email. I demand a public apology from you, Miss Floresca."
Iniabot sa akin ni Dean ang laptop nya at sa harap nilang tatlo ay gumawa ako ng email para ipadala sa lahat. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagdududa sa akin sarili. If this what it takes to clear his name then I will do it. Gaya ng sabi ko, walang mawawala sa akin.
'Students of Keio University;
I sincerely apologize for the malicious photo and content of the letter I sent last night. Everything is not true. Miss Farrah and Gaelan is not in a relationship, neither Gaelan and I. It is a dishonorable act on my end and I take the responsibility to all of these.
Respectfully yours,
Maria Arabella Kassandra Floresca
Tumango tango ang Dean ng maipadala ko email. Salubong ang kilay ni Gaelan ng maabutan kong nakatingin sa akin pero saglit lang yon dahil binawi nya agad ang kanyang tingin.
"About the expulsion, I need to talk to your parents first. I saw from your file that Budy and Teofilo Sta. Ana are your guardian. Where are your parents?" Tanong ni Dean sa akin na siyang ikinabigla ko. Pinanliitan ako ng mata ni Gaelan. Napaiwas ako ng tingin, he really have strong senses. Sa ngayon, tiyak na hindi lang ang motibo ko ang pinagdududahan nya kundi ang pagkatao ko.
"P-pupwede po bang guardian na lang ang humarap?" Sumubok ako. My parents will not be very pleased with this.
"Not unless your parents are dead. Are they?"
Napakapit ako sa aking mga tuhod. I cannot do that to Mommy and Daddy.
"B-buhay pa po.." Halos bulong iyon.
"Well then, I will first talk to the board and then I will get back to you. For now, kailangan mong iretract ang statement mo sa lahat ng magtatanong and I hope hindi ka gagawa ng kahit anong gulo habang nasa watchlist ka. And you, Mr. Ancheta, stop bullying."
Wala ng iba pang sinabi ang Dean. Sabay sabay kaming tumayo. Nauna si Miss Farrah na lumabas. Sumunod ako sa kanya, nakita ko agad si Selene. Lumiwanag ang mukha nya pagkakita sa akin.
"Mag-usap tayo." Isang mahigpit na kamay ang naramdaman ko sa braso ko.
"Gaelan, nag-usap na kayo sa loob hindi ba? Bitawan mo na si Ria." Pilit na iniaalis ni Selene ang kamay ni Gaelan sa akin pero halos bumakat ang kamay ni Gaelan sa sobrang pagkakakapit.
"Selene.. Sandali. Magkita na lang tayo mamaya." Wika ko.
Alangan si Selene ng bitawan ako. I smiled at her ngunit ng makatalikod na sya, napawi ang ngiti ko. Alam kong nag-aalala sya pero gusto ko ding makiusap si Gaelan.
Hinila ako ni Gaelan paakyat ng isa pang palapag. Nandito ang rooftop. Walang nagagawi dito dahil maraming rooftop ang Keio na maaring gawing pahingahan at ang isang ito ay para sa Faculty.
Nauuna si Gaelan sa akin at sumunod lang ako. Sinubukan kong dumistansya sa kanya pero sadyang mababagal ang hakbang nya kaya nagpang-abot kami. Humarap sya sa akin at malamig akong tiningnan.
"So what's this? Di ba sinabi kong ititigil na natin? Bakit ka pa nagsumbong?!" Napayuko ako sa pagsigaw ni Gaelan sa akin. Nanliliit ang mata nya at hinihingal.
"Hindi ako ang nagsumbong..." Impit ang boses na sabi ko.
"Ngayon hindi na ikaw? Bakit? Natatakot ka na i-bully ka ng Keio? Well, you know what, dinala mo yan sa sarili mo! Welcome to hell, Miss Floresca. Gamitin mo na ang pagdadasal mo, kakailanganin mo yan sa mga susunod pang araw." Buong pagbabantang wika ni Gaelan. Pinagpagan pa niya ang gilid ng blouse ko pagkatapos ay tumalikod na para umalis. Namula agad ang mga mata ko dahil sa ginawa nya.
"Hindi ako, Gaelan!" Isinigaw ko yon kahit nanginginig ang aking boses pero hindi na sya huminto. Galit sya.
Galit na galit sya.
Nanatili ako doon sa rooftop para ibuhos ang nararamdaman ko. Gusto kong isigaw na walang hustisya pero wala namang magagawa iyon.
I stayed there for a while. Hinagis hagis ko ang maliliit na bato na malapit sa akin.
Napatingala na lang ako ng mayroong anino ang tumabing sa akin. Isang panyo ang iniabot nito. Tiningnan ko lang iyon pero hindi ko kinuha. Gusto ko ng malayang pag-iyak. It's no use in wiping tears kung may panibagong yugto din naman ng pagluha.
"Do you know that Gaelan is my bestfriend?"
Hindi ako umimik.
"Si Daddy ang nagprotekta sa kanya simula nung muntik na syang makidnap, lagi kaming nasa bahay nila noon at kalaro namin ni Kiro si Gaelan. We pulled him up from the trauma." Yuki sighed. Kagaya ko ay umupo din sya sa inuupuan kong malaking tubo ng tubig.
"Before I thought we are doing him a favor but Gaelan became a good friend noong iniligtas nya si Kiro mula sa pagkakalunod noong grade 6 kami sa Amanpulo, family vacation ng mga Ancheta at invited kami. Ibinigay nya ang lifevest nya kay Kiro kahit hindi sya marunong lumangoy. Naiyak ako non. Akala ko mawawalan ako ng kakambal at kaibigan. Doon ko nakilala si Gaelan na handang ibigay ang buhay nya para sa iba. When he was chosen by my Dad to lead our batch in Yukan''na Training imbes kay Kiro o sa akin, hindi ako nagdalawang isip. I cannot be as selfless as him. Hindi ko matatapatan ang ugali nyang yon."
Ngumiti ako at tumango. Alam ko namang may itinatagong kabutihan si Gaelan, madalas nga lang ay hindi halata.
"But I believe in you, Ria. I know you know what's going on between Gaelan and Farrah and I know that you did not send that email. Nagalit lang si Gaelan dahil wala syang maituro ngayon kung sino pero Alam kong hindi ka matitiis non." Yuki patted my head. Doon ko napansin na tumigil na pala ako sa pag-iyak. Ang kwento lang pala kay Gaelan ang magpapatahan sa akin.
"This school will be cruel to you after what happened. Kaya pa?" Tanong sa akin ni Yuki, ngumiti ang singkit nyang mata at naglapat ang mapupulang labi. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Kaya pa.." Tumango ako, ganoon din si Yuki. Tumayo sya at iniabot ang kamay nya sa akin pero umiling ako.
"Mauna ka na, dito muna ako.." Bulong ko. Yuki nodded his head at tumalikod na. Nagbilang ako ng sampu bago tinawag ang kanyang pangalan.
"Yuki.." Buong lakas na tawag ko. Natanawan ko ang mga sapatos nya na huminto bago tuluyang makababa.
"Kahit anong mangyari-- Kung sasaktan nila ako, wag kang lalapit. Pakiusap." Wika ko.
"Ria--"
"Your friendship is beautiful. Hindi ako ang sisira nyan. Si Gaelan, takot syang magtiwala. Wag mong sisirain ang tiwala nya sayo na nabuo nyo ng ilang taon." Tumayo ako ng matuwid at matapang na tiningnan si Yuki saka nagpatuloy.
"If everything else fails, if it is too painful, I can always give up.. W-walang mawawala sa akin." Ngumiti ako ng mapait, "There are things that we can sacrifice but a good friendship is not one of them."
Kumuyom ang palad ni Yuki pero nakikiusap ang mga mata ko habang tinitingnan sya.
"If I won't save you, it's because you don't want me to, at naniniwala akong kaya mo pa. Pero kung hindi na, just call my name, Ria. I will ignore the odds just to save you." Mariing sabi nya.
Hindi ako sumagot. Bakit ba ang bait bait nya? Parang mas mabait pa ata si Yuki kaysa sa akin.
"Ria, mangako ka.. Tatawagin mo ang pangalan ko kapag hindi mo na kaya." Untag nya pa.
Tipid akong tumango kay Yuki at bahagyang ngumiti. Nakahinga syang maluwag at nagsimula ng pumihit pababa ng rooftop.
'St. Guiseppe, please intervene.'
I whispered before I took my first step outside the faculty building. Hindi na ako nagulat ng Isang matigas na bagay ang tumama sa katawan ko dahilan para mapaupo ako. Mabuti na lang at nakapantalon ako kaya hindi ako mag-aalala sa suot ko.
"Oops, nakaharang ka kasi dyan. Akala namin net.." Humalakhak ang isang babae mula sa higher year. Nagtawanan din ang mga kaklase nya. Tumango lang ako at aalis na sana ng biglang may bumuhos sa damit ko, madumi at mabahong tubig iyon!
Mula sa aking mukha pababa sa aking dibdib, kinilabutan ako sa dahan dahang pagdaloy ng maruming tubig sa aking katawan.
Napatingala ako para tingnan ang may gawa pero muntik pang bumagsak sa akin ang isang balde na pinanggalingan ng tubig na madumi. Maswerte na na nakailag ako. Tanging tawanan na lang ang narinig ko sa buong paligid.
"Why isn't she grateful?! Nabigyan na nga ng pagkakataon para maging girlfriend ni Gaelan pero sinayang nya lang?! Ipinahamak pa si Gaelan!"
"Dapat lang sa kanya yan! Bagay sa mabaho nyang ugali! Eiwww"
Halos magsilayuan ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Mabagal ang paghakbang ko. Iniinda ko pa din ang bola na tumama sa aking tyan kanina. Masakit kasi iyon pati ang pagkakabagsak ko ay sobrang lakas din.
Natanawan ko si Selene mula sa malayo, hahakbang sya papalapit sa akin pero umiling lamang ako. Ayaw ko na pati sya ay madamay pa. I nodded and smiled at her. Gusto ko pa ngang sabihin sana na ayos lang ako kahit hindi naman kaya lang ayoko na magsinungaling.
Pumasok ako sa CR para kahit papano ay matanggal ko ang mabahong amoy sa akin. Mag-isa lang ako doon.
Grabe naman, ano kaya ang mayroon sa tubig na iyon?
Ginamit ko ang handwash bilang pansabon sa aking sarili. Hinayaan ko na pati ang suot ko ay mabasa na din ng tubig. Matutuyo din naman ito kaya lang ay medyo matagal, kaysa umuwi ako kay Mama na mabaho, tiyak na mag-aalala iyon. Mabuti nga at walang Chief Smiths sa loob ng school kung hindi malaking gulo kapag nakita nila ako na ganito ang ayos.
Madaming mag-aalala sa akin kapag nakita akong ganito. Wala nga lang sa lugar na ito. But that's how life is. You cannot choose where to exist, you cannot choose the people you interact with. Hindi perpekto ang mundo and that's reality.
My parents tried to give us a perfect world but there's no such thing. Hihilahin ka talaga ng mundo palayo sa comforts mo. No one can escape reality. No one can escape pain.
A life without pain isn't a life at all.
Mabuti na yung ganito at natututo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Basa ang mahaba ay natural kong buhok, nawala tuloy ang pagkakulot nito sa dulo. Ipinikit ko ang mga mata ko, natuyo ang contact lens ko dahil sa pagkuskos ko sa aking mga mata. Tinanggal ko iyon at muling sumilay ang kulay caramel kong mata. Yung kay Gaelan ay madilim na brown samantalang sa akin ay tila nasobrahan sa gatas. Banaag ang lahi ni Papa sa mata naming magkakapatid. Daddy used to be an orphan from Romania, pero inampon sya ng mga Floresca na hindi nabiyayaan ng anak.
Pinadaan ko ang hintuturo ko sa aking ilong, nakuha ko kay mama ang pagiging manipis at tangos nito, samantalang ang labi ay kay Papa, natural ang pagkakulay pink at ang pout nito.
Isang pagclick ng pinto ang narinig ko, sumunod ang papalayong hagikgikan. Nagtungo ako sa pinto para hilahin iyon pero hindi ito nagbukas. Naka-lock mula sa labas.
Napabuga na lang ako ng hangin. Maari naman akong humingi ng tulong dahil hindi naman nabasa ang dala kong cellphone pero pinili ko na manatili muna sa banyo na ito kung saan mayroong katahimikan.
Tumapat ako sa hand dryer at nagkibit balikat. Magpapatuyo muna ako dito.
Bukas na lang nila ako i-bully ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top