Kabanata 17



Maki Say's: I just want to greet my not so fiction superhero @gypee9 a Happy Birthday! You are so lucky to have a wife like me, magaling magluto, pasensyosa, mabait--- ay Birthday mo ba? Haha Thank you for being my Garrett Ancheta. Charat! Last na. Thank you for not giving me wattpad like plot twists! Sasakit ang bangs ko kung sakali. Love you :*



Expelled.


"Tama na, Baby Girl.." Tinapik tapik ni Sam ang aking likod. Sya lang kasi ang puwedeng tawagan ko ngayon eh. Nung hindi na lumabas sina Gaelan at Miss Farrah doon sa classroom, tinawagan ko si Sam dahil hindi ako makahakbang pa pauwi sa bahay namin ni Mama Buding.


"Alam mo, hindi ko man alam yang iniiyak mo, naiintindihan ko naman na may kinalaman yan kay Baby Boy." Sam sighed. Pinanood namin ang iilang mga sasakyan na umaakyat doon sa parking lot habang nakaupo kami sa sidewalk sa tapat ng condo ni Sam. Sabi ko gusto kong magpahingin kasi naubos yung hangin ko. Ang sakit sakit naman pala ng ganon.


"Ang tanga tanga ko kasi. Nasasaktan tuloy ako ngayon.. Tama nga ikaw, dapat hindi pa ako naiinlove---"


Iniangat ni Sam ang kamay nya sa ere at kinumpas kumpas iyon kasabay ng mabilis na pag-iling.


"Infatuation lang yan, Baby Girl... Iba ang inlove sa crush. Bago ka mainlove, dadaan ka muna sa crush okay? Yung mga batang kagaya mo, feeling nila inlove na sila doon sa taong hinahangaan nila, pero iba ang inlove Ria, ang love--"


Nangunot ako ng malungkot "Ang love---" Panimula ko.


"Love is extreme, it brings you to the peak of the best and worst feeling. It is forgetting your conviction for somebody else's refuge. It will make you oppose goodness or darkness, or let both ends meet. Love is to hope for the impossible. Love is the anticipation of pain and your response yet when it hurts you, love stays.."


Pinunasan ko ang aking luha habang binabanggit ang mga katagang eksaktong nararamdaman ko kay Gaelan.


"Tama! Eksakto. Teka, pano mo nalaman yon?" Nagtatakang tanong ni Sam. Malungkot akong tumingin sa kanya.


"Baby? Don't tell me." Nanlaki ang mata nya.


"Hala! Shinortcut mo ang nararamdaman mo? N-nagmahal ka? At 16?" Di makapaniwalang sambit ni Sam. Hindi ako nakaimik. 


Hindi ko din alam kung kailan. Kung posible ba... 


If this is crush I won't care for the rules, hahayaan ko ang sarili ko na humanga dahil walang masama. Pero ang pakiramdam ko ngayon, kailangan kong pigilan dahil makakasama. It will break me, tatalon ako sa isang bagay na alam kong mahuhulog lang ako sa pinkamalalim dahil walang sasalo.


Maya maya ay napalitan ng lungkot ang mukha ni Sam.


"Wala man lang salad moments..." Bulong nya sa kanyang sarili.


"Anong salad?"


"Yung kilig lang, Baby.. Yung mga moment namin ng Kuya mo.."


"Bakit Salad?"


"Sus, ang slow mo naman eh.. Iiiiihhh!! SALAD! SAM-GILAD! SA-LAD!" Humalakhak na naman si Sam na parang kinikilig. Tipid akong ngumiti at ibinalik ang tingin sa lupa.


"Dito ka na lang sa akin magsleep, Baby Girl.. Iiyak mo yan ngayon pero bukas dapat nakamove on na. Saka mo na lang sa akin ikwento ha, baka kasi maging murderer ako kapag uminit ang ulo ko kay Baby Boy, wala pa ngang ganap ang SALAD love team, makukulong agad ako."


Tumayo na kami ni Sam para pumasok na sa kanyang condo ng magring ang cellphone ko.


Sabay kaming napatingin ni Sam sa bag ko. Umilaw kasi ang cellphone. Kinuha ko yon at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita ang pangalan ni Gaelan. Iniisip ko pa ang gagawin ko ng mawala agad sa kamay ko ang phone dahil kinuha ito ni Sam at inihagis sa basurahan.


"Don't contact him again. Never. Ever." Umirap si Sam samantalang ako nakatulala sa cellphone kong tumutunog sa basurahan. Lumapit na ang mga pusa at kinagat yon.


I sighed.


Sam is right.. I have to quit it. Gaelan is too high for me. Ordinaryo lang ako pero espesyal sya. His likes is impossible to achieve, naging mabait pa nga sya na yumukod pa mula sa matayog nyang kinalalagyan at nakipagkaibigan sa akin. Naging mabait sya sa akin kahit alam namin parehas na magkaiba ang mundo namin.


Or maybe we aren't friends at all. Kailangan nya ako para pagtakpan ang bawal na bagay na ginagawa nya. 


Oo nga pala. He's just using me.


Nandoon sya sa lebel na mahirap abutin. He has good looks, charm and amazing guts. Puno sya ng confidence at walang pupwedeng bumali. His strong and courageous. He is...


My exact opposite.


Wala ako doon sa mundo nya, ni hindi ko na nga maaalala kung kailan nagsimula na pumasok ako doon. Pero kagaya ng mga bagay na hindi naman parte ng isang malaking larawan, I should get out. His world is not my world.


Nasaktan ako sa bagay na hindi ko naman dapat ikinasasakit.


Naramdaman ko ang isang bagay na bawal para sa akin.


At ang masaklap, sa maigsing panahon lang.


"Sa tingin mo ba, Sam.. Malandi ako?" Nahihiyang tanong ko kay Sam.  Nakahiga na sya sa kama at nagce-cellphone habang ako ay nakaupo lang naman. Pinahiram nya ako ng kanyang pantulog pati na din ang gagamitin ko sa school bukas.


"Don't ever think that Baby Girl. Normal lang ang pakiramdam na yan. Magiging mali lang kapag sineryoso mo yan. Pagbibigyan kita ngayon na umiyak pero kapag pinaabot mo ng linggo yang kakamukmok mo, ako na ang babatok sayo."


Ngumuso ako at napatingin kay Sam na mayroong katext. Bakit kaya ang chill chill ni Sam? Samantalang ako, umiyak na agad eh nakipagdate lang naman si Gaelan sa girlfriend nya. Syempre girlfriend nya yon. Wala naman akong laban dahil hindi ko naman kayang ibigay ang kayang ibigay ni Miss Farrah sa kanya.


Bad kaya yung ginagawa ni Gaelan at Miss Farrah..


Bakit ko ba nagustuhan ang Gaelan na yon? Eh di kapag nagustuhan nya din ako eh di kailangan ko ding gawin yung ginagawa ni Miss Farrah. Hindi ko talaga magagawa yon!


"Baby, ang 16 years old dapat nagfo-focus sa studies. Di ba alam mo naman yon? Bibigyan ka naman ng pagkakataon ng family mo sa lovelife pero tapusin mo muna yang pag-aaral mo kung ayaw mong ipasara ni Tito Al ang Keio."


"Hindi naman ako nagboyfriend, Sam.."


"Hindi pa! Kapag niligawan ka ni Baby Boy, sasagutin mo o hindi?"


Hindi ako agad nakasagot.


"See?! Hindi mo kayang sagutin ang tanong ko! Ay nakung bata ka! Hindi ka pa pupuwede magboyfriend hangga't hindi pa nagkakatuluyan ang Salad!" Napapailing na sambit ni Sam.


"Love mo talaga, Kuya ko?" Pagkakataon ko naman para tanungin sya.


"Love. Love asarin! Ano ka ba, Baby Girl, pati ba ikaw nacoconfuse na?! My feelings for your Kuya is the exact opposite. Di ba 'tulak ng bibig kabig ng dibdib'? That is my way of saying I hate him. Ang sungit kaya ng Kuya mo. Mauubos ang ovaries ko don kakaputok everytime na binabasag nya ang pagkatao ko. Walanghiyang yon eh, bukod sa Nanay at Tatay ko, sya lang nagpapaiyak sa akin."


"Eh kasi lagi mo syang inaasar, eh ayaw nga nya magpakulit.." Napapakamot ang ulo na sabi ko.


"Para kinukulit lang eh! Pumangit ba sya sa pangungulit ko? Hala sige, matulog ka na dyan. Gisingin na lang kita bukas.." Pinatay na ni Sam ang lampshade at kinumutan ako.


"Wala na akong phone.." Naalaala ko bigla.


"Mabuti nga yon para hindi ka na macontact ni Baby Boy. Goodnight Baby Girl.."


Nang gabing yon, hindi naman talaga ako nakatulog. Slight lang.. Eh kasi iniisip ko pa din si Gaelan. Kung kaya ko lang labanan ang pagseselos ko kapag magkasama sila ni Miss Farrah, gagawin ko. Kaya lang hindi ko kaya eh. Kawawa naman ako pag tiniis ko yung sakit ng puso ko. Iiwas na lang ako, hindi naman siguro nya ako papatayin talaga.

---


Inihatid ako ni Sam sa school kinaumagahan. Ayaw ko pang bumaba ng sasakyan kasi parang naging over dressed naman ako bigla. Ini-style nya yung damit ko ng sobra, kita yung braso ko  sa jumpsuit dress na kulay itim.


"Maganda ka! Tsk. Ipakita mo kay Baby Boy ang alindog ng nag-iisang prinsesa ng mga Floresca." Ipinagtulakan ako ni Sam pababa ng sasakyan kaya wala akong nagawa nung halos tumalsik ako papalabas.


Maliliit ang hakbang ko habang pumpapasok sa school. Hanggang sa napahinto ako dahil may humarang sa dinaraanan ko.


Unti unti akong nag-angat ng tingin. Kahit hindi ko naman tingnan, naaamoy ko talaga sya eh.


"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Masungit na sabi ni Gaelan. Pakiramdam ko pinupunit na naman yung puso ko nang makita ko sya, lalo na napatingin ako doon sa labi nya na kahalikan si Miss Farrah kahapon.


"Wala akong cellphone. Nawala eh. Sige." Yumuko ako at akmang lalagpasan sya pero hinila nya ako sa siko.


"Bakit umuwi ka na kahapon? Di ba sabi ko intayin mo ako?" Nakayuko si Gaelan at nag-igting ang panga nya. Alam ko nagagalit na naman sya pero kung galit sya, masama din ang loob ko. Kahit man lang sa ganitong paraan, the feeling is mutual.


"Hindi ka naman dumating, nagsara na yung lib--"


"Dumating ako, Maria. Nahuli ako ng konti pero dumating ako." Matigas na sabi nya.


"A-ah, ganoon ba. Sige. May klase pa ako." Pilit akong kumawala sa paghawak nya sa siko ko pero ayaw nya talaga akong bitawan.


"Gaelan, malelate na ako." Alma ko. Para kaming ewan na naghihilahan sa gitna ng Keio.


"Bakit ganyan ang suot mo?"


Tumingin ako sa damit ko. Napailing sya at hinila ako. Nagpapabigat ako pero malakas talaga sya. Dinala nya ako sa sasakyan nya na kulay pula tapos may kinuha doon na galing sa paperbag. Niladlad nya ang isang jacket na kulay itim. Kitang kita ko ang nakaburda sa likod gamit ang puti na sinulid.


ANCHETA


Iningat ni Gaelan ang kamay ko para isuot yon pero hindi ako sumunod. Sinamaan nya ako ng tingin.


"Ayoko, b-baka makita ni Miss Farrah na suot ko yan." Umiling ako at humakbang ng isa paatras.


Natigilan si Gaelan. "Since when do you care? Magkaibigan tayo hindi ba?"


Magkaibigan.


Pakiramdam ko namumula ang mata ko sa hapdi. Kailangan ko na umalis bago pa ako maiyak sa harap ni Gaelan.


"Hindi. Ayaw ko na kaibigan ka. Gusto ko ako lang mag-isa. Gusto ko yung kagaya ng dati na walang pumapansin sa akin. Ayaw ko na magpanggap na girlfriend mo kasi ayaw ko na magsinungaling!" Pumihit ako papatalikod at naglakad ako ng mabilis.


"Maria!" Narinig ko pa ang pagsigaw ni Gaelan pero hindi na talaga ako lumingon. Ayaw ko na talaga! Kahit magalit pa sya. Kahit ipabugbog nya pa ako, tama na.


'Oh girls! Look at her! She's so gorg! Ang ganda ng damit!'

'Look at her hair.. Bagay din sa kanya ang naka-curls. Para syang angel.'

'Kaya siguro nagustuhan ni Gaelan.'


Kagaya ng dati hindi ko pinansin ang nagbubulungan. Binaling ko ang atensyon ko sa notebook at nagbasa ng past lessons.


'Eeeeeeee!!!!' Natigilan ako ng marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Sa gilid ng mata ko nakita ko ang pag-upo ng kung sino sa bandang kaliwa ko. Naramdaman ko na may pumatong na kung anong bagay sa likod ko, amoy pa lang alam ko na..


Yung jacket ni Gaelan.


Nilingon ko sya ng nakakunot ang noo.


Seryoso naman ang mukha nya na tiningnan ako.


"Sa tingin mo makikinig ako pag sinabi mong ayaw mo? I won't." Umiling si Gaelan at tumingin sa white board.


Gusto ulit tumalon ng puso ko pero pinigilan ko ng husto. Hindi pwede. Eh ano naman kung ipinipilit ni Gaelan ang sarili nya sa akin, kailangan nya kasi ako kaya nya ginagawa yan.


Nag-seat in si Gaelan sa klase ko. Hindi naman sya pinapagalitan ng Prof namin kasi hindi nman sya nanggugulo. Pabalik balik ang tingin nya sa akin pero nagpapanggap akong hindi sya kilala kapag nagkakatinginan kami.


Binigyan kami ng seatwork ni Prof Hernaez na tungkol sa Physics. Lumabas sya sandali at iniwan kami. Nagsimula na akong magsagot sa yellow paper ng may lumapit sa akin.


"Ria, patulong naman ako sa question 8." Tiningnan ko ang kaklase ko na si Leo, suki syang nagpapaturo sa akin. Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko kagaya ng nakagawian.


Nginitian ko sya at binasa ang problem para ipaliwanag ng biglang mawala ang papel ni Leo sa aking desk.


"Sa iba ka na lang magtanong." Masungit na sabi ni Gaelan.


"Ah- S-si Maria kasi ang pinakamatalino sa klase, lagi nya din naman ako--"


"Anong itinawag mo sa kanya?" Madilim ang mga mata ni Gaelan na nakatingin kay Leo. Biglang tumahimik ang klase.


"Maria.." Ulit ni Leo. Nagulat na lang ako ng biglang umangat si Leo sa floor dahil iniangat sya ni Gaelan sa pamamagitan ng pagkapit sa collar ng polo ni Leo. Nawalan ng kulay si Leo dahil sa takot. 


"Ako lang ang pupwedeng tumawag sa kanya ng ganon!" Masama ang tingin ni Gaelan kay Leo. Yung panga nya sobrang tigas at nanliliit ang mata. Kinabahan din ako pero lumamang ang inis.


"Gaelan, ano ba? Bakit ka ba nanggugulo?" Halos maiyak na ako sa paraan ng pagtatanong ko. Natigilan si Gaelan sa ginagawa.


"Ang bad bad mo talaga!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kinuha ko agad ang gamit ko at naglakad na papalabas.


Nakakaiyak!


Hindi ko alam kung saan pupunta. Pinunasan ko ang luha ko dahil pinagtitinginan na ako ng mga estudyante na nadadaanan. Nagpunta ako sa chapel pero hindi ako pumasok sa loob. Dumaan ako sa likod. Mayroon doong playground, walang nagagawi dito pero maganda pa din ang pagkakaayos. Umihip ang hangin pero hindi pa din nito nahanginan ang utak ko na gulong gulo. Umupo ako doon sa isa sa mga swing.


"Maria.."


Nanlambot ako ng marinig ang boses nya. Bakit ba sya sunod ng sunod?


"Im sorry. N-nagsorry ako doon sa kaklase mo. Sorry.. Wag ka na magalit. Nainis lang naman ako kasi--" Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan kumuyom ang kanyang palad at malungkot akong tiningnan.


"Sya pinapansin mo, ako hindi.."


Itinulak ko ng kaunti ang sarili ko sa swing huminto ito ng hinawakan ni Gaelan ang inuupuan ko.. Nakaupo sya sa harap ko at inilebel ang mukha nya sa akin.


"Sorry na. Hindi na ako magpapa-late ulit. Sorry na, Tabs." Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakikiusap. Umiwas ako ng tingin pero ibinaling nya ang mukha ko patungo sa kanya at hinuli muli ang mga mata ko.


Pumikit ako. Nanghihina ako sa paraan ng pagtitig nya at parang ikinukulong ako nito sa ibang dimensyon.


"Ayaw ko na magpanggap bilang girlfriend mo, Gaelan. You don't have to be nice because I am doing you a favor. Ayoko na."


"Eh di wag na.. Wag na tayong magpanggap.. Kung ayaw mo na, hindi na.. Im sorry, Tabs." Nanigas ang katawan ko ng bigla akong yakapin ni Gaelan. Nakapatong ang baba ko sa kanyang balikat, yung kamay nya nananatili sa likod ko at yung isa sa ulo ko.


"Wag ka na magalit.." Pakiusap ni Gaelan. It sounded like strings. Bawat salita mayroong hinihila sa puso ko. Tumutunog ng malakas pero malamyos. Unti unti kong iniangat ang mga kamay ko para gayahin ang paraan ng paghawak nya. Lalong idiniin ni Gaelan ang sarili nya sa akin ng maramdaman nya ang haplos ko.


Bumuhos ang luha ko habang kumukuha ng lakas ng loob, kitang kita ko ang pagdikit ng kulay asul na tshirt ni Gaelan sa kanyang balat dahil nababasa na ng luha ko.. I need to stop. Now.


"Im sorry, Gaelan.. I don't want to be part of this anymore.." Buong lakas akong kumawala sa yakap ni Gaelan kahit hirap na hirap ako.


Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Gaelan dahil sa sinabi ko. Tumayo sya pero mas mabilis akong tumakbo. 


Isang bagay na pinagsisisihan ko.


Hindi ko alam na yun pala ang huling pagkakataon na makikita ko ang mga mata nya na nakikiusap sa akin, because the next day..


"Ria! Buti dumating ka na.." Nag-aalala ang mukha ni Selene ng salubungin ako sa gate ng Keio, umaga pa lang pero tila nagtitipon ang mga estudyante at lahat sila ay mayroong kumpulan. Kumunot ang noo ko.


"Pinapatawag ka ni Dean.." Mahinang bulong ni Selene.


Sa likod ni Selene, nandoon si Zeus na masama ang tingin sa akin.


"Tsk, after what he has done to you? Seriously?" Napapailing si Zeus habang nadidismaya akong tinitingnan. Napaawang ang labi ko dahil mukhang galit sa akin si Zeus. Nakakatakot din pala yon kapag galit.


Kinabahan ako pero wala naman akong matandaan na ginawang pagkakamali.


Ano bang nangyayari?!


Nakita ko sa di kalayuan na naglalakad si Ice, Hunter at Rye. Lahat sila ay may matang matatalim na ipinupukol sa akin habang naglalakad papalapit.


"You'll regret this, Ria." Sambit sa akin ni Ice.


Naguguluhan pa din ako. Ang dami ding mata ang nakatingin sa akin. Yung iba ay naawa, pero karamihan ay galit.


"A-ano ba? Stop it, guys... Hindi pa natin alam ang side ni Ria.." Humarang si Selene sa akin na para bang handa syang ipagtanggol ako sa kahit ano.


"Selene.. Mas kakampihan mo yan kaysa sa kinakapatid mo? Gaelan will be expelled!" Galit na sambit ni Rye habang galit na tinuturo ako.



Ano ba talaga ang nagawa ko?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top