Kabanata 16
Inlove.
"Ikaw ang gumawa nito?" Tanong ko kay Gaelan habang nakaupo kaming dalawa sa couch at salitan sa pagsilip sa binoculars.
Hanggang ngayon ay manghang mangha pa din ako sa lugar na nakaayos para sa akin. Nakakapanlambot ng pakiramdam sa sobrang saya.
"Hindi, pinagawa ko lang." Sagot nya. Tiningnan ko sya ng mataman, tumingin din sya sa akin ng masungit na tingin pagkatapos ay napabuga sya ng hangin, umikot pa yung eyeballs nya at nagslouch ulit. Napapansin ko na kapag hindi sya kumportable, nagsslouch sya ng upo.
"Oo, ako na ang gumawa. Kaninang umaga." Sambit nya na parang tinatamad. Napangiti ako ng husto at dumikit pa ng kaunti sa kanya.
"Eh bakit mo ginawa?" Natutuwang tanong ko. Umatras si Gaelan at pinakitaan ako ng nahihindik na mukha.
"W-wala! Bored ako sa bahay eh. Pang-warm up na din sa training ko. Stretch ng muscles, alam mo na. Saka don't make a big deal out of this. Katulong ko si Zeus dito." Aniya sabay tingin sa malayo.
Tumango tango ako.
"Dapat pala mag'Thank you din ako kay Zeus.." Naisip ko.
Pinandilatan ako ni Gaelan ng mata na parang galit. "Bakit ka magte-thank you sa kanya eh idea ko nga ito?!" Naiinis na sabi nya.
Hala, galit naman agad.
"Sige, pakisabi na lang sa kanya na masaya ako.."
"Hindi ko ipapaalam, nandito ba sya? Kung gusto nyang makita ang ekspresyon mo e di sana nandito sya, kaso wala kaya ibig sabihin hindi sya interesado!" Paninigaw na naman nya sa akin. Lumabi ako kay Gaelan. Nagwawala na sya ng sobra. Siguro naririnig ni Manong Guard ang pagsigaw nya.
"Napakasungit mo naman, Yabs!" Reklamo ko. Tumingin na lang ulit ako sa binoculars. Narinig ko ang pagtikhim ni Gaelan at naramdaman ko ang pag-ayos nya ng upo sa malapit sa akin.
"Nagpa-order ako ng pizza, dapat nandito na yun." Pag-iiba nya ng usapan.
Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.
Nakakita nga kami ng isang delivery boy na naka-tayo sa aming harapan pagkalipas ng ilang saglit. Iniabot sa akin ni Gaelan ang cellphone nya at isang PSP na magkapatong para lumapit sa delivery boy.
"How is it so far?" Tanong nung delivery boy ng makalapit sa kanya si Gaelan. Aba't sosyal na engliserong delivery boy. Feeling close pa!
Napaangat ako ng tingin at napansing si Hunter ang may bitbit ng pizza.
"Bakit ka ba nagsalita? Di ba dapat nagdedeliver ka lang ng pizza?" Naiirita na sabi ni Gaelan habang kinukuha ang box ng pizza kay Hunter.
"You're welcome, Gael." Pilosopong sagot ni Hunter pagkatapos ay kumindat sa akin.
Natawa ako pero ako naman ang binalingan ni Gaelan ng death stare nya. Pagkakataon ko naman para umayos ng upo at sumeryoso ang mukha.
Tumingin na lang ako sa PSP ni Gaelan at nakitang naglalaro sya ng NBA. Sinubukan kong pumindot doon dahil sa kyuryosidad at nagulat ako na nakakapaglaro pala ako.
"You're good." Umupo si Gaelan sa tabi ko at pinanood ang ginagawa ko. Kahit ako ay nagulat din! Nakapagshoot ako at halos magtatalon ako sa tuwa!
"Hala, marunong ako Yabs!" Tuwang tuwa na sabi ko. Ngumiti sa akin si Gaelan kaya naramdaman ko na naman na nagalit yung heart ko bigla, napawi ang ngiti ko, "N-nagugutom na pala ako." Sabi ko na lang.
Kumunot ang noo ni Gaelan pero tinanggap naman nya ang PSP na iniabot ko. Nawi-weirduhan na siguro sya ng husto sa akin. Bakit ba kasi ang weird ko? Ngingiti lang sya, kinakabahan ako. Eh pag ngumiti naman sa akin ang iba, normal lang naman.
Binuksan ni Gaelan ang box ng pizza pero hindi sya agad kumuha. "Pray?" Tanong nya sa akin.
Ayan napangiti na naman ako... Marunong na talaga syang magpray..
Nagpray ako ng maigsi kasi baka makatulog naman si Gaelan tapos kumuha na kami ng pizza.
"Anong trabaho ng Mama mo?" Gaelan asked in the middle of our dinner, parehas kaming naka-indian sit sa couch kaya lang ay muntik na akong mabulunan sa tanong..
"S-si Mama... Ang trabaho nya, sa mall."
"Clerk? Cashier?"
"Uhm, nagbebenta sya ng produkto ng mall.." Partly true. She's the VP for Sales of Ahmed Chain of Malls.
"Ah, saleslady.." Gaelan nodded.
"Ayun! Ayun nga. Hehe!" Napakamot ako ng aking ulo.
"Ikaw, anong work ng Mommy mo?" Siguro sobrang busy non kaya hindi nya nababantayan ang pagigi ng naughty ni Gaelan.
"She's a model and entrepreneur. She cooks very well so she has a catering business and also a events planner."
"Wow! Siguro sobrang ganda nya no?" Kaya naman pala matangkad at gwapo itong si Gaelan dahil sa nanay nya.
"She is. Mabait pa. My Dad loves her so much, she's funny, kind and loving.." Buong ningning na pagdedescribe ni Gaelan sa kanyang nanay. Lalo tuloy syang naging gwapo sa paningin ko. Ang mga Kuya ko kasi love na love din si Mommy kaya plus pogi points.
"Nung bata ako, I was almost kidnapped by my Dad's secretary, si Mommy ang nakahanap sa akin dahil sa ninja skills nya." Natatawa si Gaelan habang nagbabalik tanaw, ako naman ay hindi halos makapaniwala.
Muntik na syang makidnap?
"Well, that's the main reason why I joined Yukan'na. I was traumatized. Muntik na akong mabitbit ng mga goons, pero si Ninang Peyton at si Mommy ang nagligtas sa akin. My Dad taught me not to trust anyone since then."
"So may trust issues ka na simula non?" Tanong ko.
"Uhm, yeah. Galit ako sa sinungaling na tao. Ate ko na yung secretary ni Dad noon. She gave me a lot of stuffs kaya nakuha nya ang loob ko. Hindi pala totoo. She placed me into danger. The danger that I never talked about to anyone kasi nagagalit pa din ako hanggang ngayon.." Dumilim ang mga mata ni Gaelan at kumuyom ang kamao nya. "It's my secret, Maria." He whispered.
Naawa ako kay Gaelan. Bad secretary naman yon! Nasa earth pa sya pero for sure her soul is being burned already. Hinaplos ko ang nakakuyom na kamao ni Gaelan hangang sa unti unting kumalma ito.
"Hindi na mangyayari yon. Kaya mo na ipagtanggol ang sarili mo." Pagpapanatag ko sa kanya.
"Yes, I will strangle their neck if—"
"Shhh, bad yon. Di ba dapat kapag may gagawa ng masama sayo, tatakbo ka tapos magsusumbong ka sa pulis. Wag mo ilalagay ang batas sa kamay mo Gaelan. Bata pa tayo, our judgment is based on emotions. Kapag galit ka, wala kang papakinggan kundi ang sarili mo, pero paano kung nagkamali ka? Nakapanakit ka na ganon?"
"Paano naman kung tama ako? Eh di hindi ko na naiganti ang sarili ko?" Balik tanong nya.
Hay. Ang tigas talaga ng ulo ni Gaelan. Napakamot na lang ako ng aking ulo.
We stayed in silence habang nakikinig ng music pero hindi ako nakaramdam ng inip. Buti nga at hindi na nagtanong pa si Gaelan ng tungkol sa pamilya ko. Paano kaya kung malaman nya na itinago ko ang pagkatao ko? Sabagay, maipapaliwanag ko naman ng mabuti yon.
Hindi naman ako nagtatago ng katauhan para saktan sya. Hindi ko din naman akalain na magkukrus ang landas naming dalawa. Nabiktima lang kami ng pagkakataon. Gusto ko na sana sabihin sa kanya kung sino ako kaya lang trust issues nya nga ang pinag-uusapan namin tapos sasabihin ko na nag-lie ako sa katauhan ko. Like 'Ay oo nga pala, Gaelan. Nag-lie din ako.' Baka magalit sya lalo. Nakakatakot pa naman siya.
"Thanks Maria sa pagtatyaga mo sa pagsusungit ko." Out of nowhere biglang sabi ni Gaelan sa akin.
Ngumiti ako at tumango.
"Eh di ba normal mo na yan? Sabi ng Mom---ma ko.. Dapat daw, yung mga taong masusungit, lalo silang ila-love kasi kulang ng love ang heart nila." Sabi ko. Napalunok si Gaelan habang pinakikinggan ang sinasabi ko.
"S-so? Love mo ako ganon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gaelan.
"Pero nalaman ko na sobrang love ka pala ng Mommy mo kaya hindi ka kulang sa love, hindi love yung ibinigay ko sayo kundi acceptance. Masungit ka talaga pero natiis ko kasi I accepted you." Mahabang paliwanag ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Gaelan.
"Tch. Wala akong naintindihan sa sinasabi mo. Halika na nga, baka hinahanap ka na ng Mama mo." Tumayo ako ng hilahin ako ni Gaelan. Inalalayan nya pa akong makasakay sa kanyang sasakyan.
"Magsalita ka lang." Wika ni Gaelan habang nagmamaneho. Natawa ako.
"Ano naman ang sasabihin ko?" Tanong ko.
"Ikaw si Maria, ikaw ang Tabs ni Gaelan." Lalo akong natawa ng husto.
"Eh bakit ko naman sasabihin yon?"
"Gusto ko."
"Ako si Maria, ako ang Tabs ni Gaelan." Paulit ulit kong nirerecite at ngiting ngiti naman si Gaelan. Hindi ko na namalayan na malapit na kami sa bahay.
"Thanks for tonight, Gaelan.." Kumaway ako kay Gaelan ng ibaba nya ako sa aming bahay. Tumango lang sya. Ang tipid nya talagang ngumiti, kanina naman tawa ng tawa.
Pumihit ako papasok sa gate namin ng magring ang phone ko, nakalayo na ng kaunti si Gaelan.
"Nakapasok ka na sa bahay nyo?" Inalis ko pa sa aking tenga ang telepono para tiyakin kung sino ang tumatawag. Si Gaelan! May nakalimutan ba sya?
"O-oo.. Eto na sinasarhan na ang gate." Sagot ko.
"Okay.. Gising pa sila Mama mo?" Nakapasok na ako sa loob ng bahay, nagmano lang ako kay Mama at itunuro ang aking kwarto. Tumango naman ito.
Binaba ko lang ang aking sling bag at humiga sa kama.
"Gising pa..." Sagot ko.
"Galit sila? Late na ba para umuwi ka?"
"H-hindi.. Saan ka na banda?"
"Eto, kakaliko ko lang sa may kanto sa inyo.." Sagot nya.
"Eh bakit hindi mo pa ibinababa ang tawag, baka maaksidente ka."
"Naka-bluetooth headset ako." Aniya.
Tumango tango ako. "Hindi ka ba papagalitan kasi late ka na uuwi?"
"Hindi din. Ang Mommy at Daddy ko, maaga matulog yung mga yon. Pagka-dinner nasa kwarto na agad."
Napangiti ako, "Ang sweet naman nila..."
"Hmm."
Pagkalipas ng dalawang oras......
"Ano, nakapagwash up ka na?" Tanong ko kay Gaelan. Kakabalik ko lang sa telepono pagkatapos ko magsipilyo at mabilis na shower, ganoon din ang ginawa nya pero hindi namin pinuputol ang tawag.
"Ah, yup." Sagot nya. "Matutulog ka na ba?"
"Hindi pa ako antok eh.. Ikaw?" Sagot ko.
"Hindi pa din."
"Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko sa kanya. Ang haba kasi ng usapan namin eh pero madidismaya din ako kung puputulin nya ang tawag. Ang weird ng pakiramdam pero nakakahiya naman kung sasabihin kong ayaw ko pang ibaba nya yung tawag.
"Mmm, wala pero gusto ko naririnig pa din kita."
Napangiti ako, biglang may malakas na naman na force sa dibdib ko na parang gustong tumili na ewan.
Eh bakit naman ako titili?
I hear Gaelan sighed.
"I have this bad habit I need to break, Tabs." Sambit ni Gaelan sa kabilang linya. Kalmado na ang boses nya at tahimik na tahimik sa paligid nya. Hindi kagaya nung akin may tumatahol pang aso sa labas. Naririnig kaya nya?
"Nasanay ako sa boses mo maghapon, parang ayaw kong matapos." Medyo namamaos na sabi nya.
Hala! My cheeks flared in an instant!
Napabangon ako bigla at tinakbo ang salamin sa kwarto ko. Pulang pula ang mukha ko!
"B-bakit naman?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Ewan ko. Bakit nga kaya?" Tanong nya.
"Mmm hindi ko alam, Yabs. Tulog ka na."
Kasi kung hindi pa baka mag-collapse ako sa kwarto ko sa sobrang pagbilis ng puso ko..
Tumawa si Gaelan ng mahina sa kabilang linya, napaupo ako sa sahig dahil naging jelly na naman ang tuhod ko dahil sa paraan ng pagtawa nya.
"Goognight, Tabs. Thanks for today.."
"Goodnight, Yabs."
Hindi ko alam kung sino ang unang nagbaba nung tawag na yon.. Basta ang alam ko, hindi ako. Nakatulog kasi ako na naririnig ko pa ang paghinga ni Gaelan sa kabilang linya tapos pagkagising ko, patay na ang phone ko kasi empty battery na.
----
'Oh my, they are like the perfect couple!'
'They are so bagay! Lalo na ng mag-improve ang fashion sense ni Ria! They look so good togetherrrr..'
'True that girl! They are my OTP!'
'Like Marlan sounds so good, noh?'
Puro labas sa ilong ang boses ng mga naririnig kong usapan tuwing dumadaan kami ni Gaelan. Hindi naman kami laging magkasama. Tuwing nagpepray lang kami sa chapel saka pag kumakain ng lunch, pag library time saka pag-uwian lang kami nagkakasabay. Madalas ba yun? Tatlong linggo pa lang naman na ganoon.
"Puntahan kita sa library mamaya, Tabs." Wika ni Gaelan sa akin bago nya ako iwan sa classroom ko. Tumango ako sa kanya. Ilang hakbang sa mula sa classroom ko ay nandoon ang mga kaibigan nyang F7, inaantay sya. Nagrereklamo si Ice kasi bihira na daw sumama sa kanila si Gaelan. Pero syempre joke lang yon, kasi ako ang salingketket sa kanilang grupo. Madalas kasama nila si Gaelan at ako.
Ngumiti ako kay Gaelan.
"Mm, okay. Kung may gagawin pa kayo nila—"
"Ako ang maghahatid sayo pauwi. Antayin mo lang ako sa library." Putol nya sa sasabihin ko. Tumango ako, hindi naman sya magpapatalo eh.
Ngumiti si Gaelan at ginulo ang buhok ko bago pumasok sa classroom. Inantay nya pang makaupo ako ng maayos bago sya umalis sa tapat ng classroom.
'Nakakainggit si Ria! Nasa kanya na ang lahat. Huhu!'
'OA mo, may anim pa. Si Gaelan lang ang na-ekis sa listahan.'
Napangiti ako sa kanilang sinasabi. Grabe naman sila, friends lang kami ni Gaelan eh.
Nagtungo ako sa library pagkatapos ng klase ko kagaya ng nakagawian. Lie low kami ngayon sa cheering squad dahil next week kami magpupuspusan para sa Intercollegiate. Kumuha ako ng libro sa Psychology at nagbasa basa ng kaunti. Si Gaelan lang naman ang inaantay ko. Nalibang ako sa binabasa.
"Ria, papasara na ang library.." Nagangat ako kay Miss Cecil at nilibot ang mata sa buong paligid. Wala na ngang tao. Inabot pala ako ng tatlong oras sa library at alas-sais na nga ng hapon na hindi ko man lang namamalayan.
Sinikop ko ang mga librong kinuha ko pero pinigil ako ni Miss Cecil, "Ako na. Gumagabi na, baka wala kang masakyan." Itinuro ni Miss Ces ang bintana sa labas. Ngumiti ako at nagpasalamat.
Nasaan na kaya si Gaelan?
Sa second floor ng Arts & Letters ang library kung saan ako madalas na sinusundo ni Gaelan. Mabilis akong humakbang sa hagdan pababa. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Malamang ay naging busy sya sa training ng Yukan'na kaya nakalimutan nya akong daanan. Kaya ko naman umuwi mag-isa.
Ako: Uwi na ako. Okay lang ako. Ingat :)
Binalik ko sa aking bulsa ang cellphone at nagpalinga linga sa buong field. Wala na halos esudyante dahil 4:30 pa lang ay dismissal na ng lahat maliban na lang ang mayroong extra curricular activities, ngayon nga ay madilim na. Humakbang pa ako ng isa ng mapatingin ako sa isang bahagi ng school.
Natuon ang mga mata ko sa lumang building, mayroon kasing nakatayo doon.
Pinanlakihan ako ng mata ng makita kong naroon si Gaelan at si Miss Farrah, sa tapat ng room kung saan sila madalas nagpupunta. Kitang kita ko ang paghawak nila sa kamay ng isa't isa habang seryosong nag-uusap.
Pakiramdam ko pinupunit ang puso ko. Natigilan ako at hindi makaalis sa kinatatayuan ko.
Huminga ako ng malalim habang inaasahan ko ang susunod na mangyayari sa pagitan nilang dalawa.
Napapikit ako ng tama ang hinala ko.
Naglapat ang kanilang mga labi at naghahati ngayon sa isang mainit na halik.
That day, I felt how it is to be dead while you are still gasping for air.
Nahulog ang luha sa aking mga mata na parang butil ng nagdadalamhating ulan.
Sa likod ng utak ko nandoon ang maliit na boses na pilit kong iniignora, sinisigawan ako ng tinig na yon.
Stop Being Naive, Maria!
Paulit ulit ang boses na kumakalampag sa damdamin ko.
Mas lalong nanginig ang palad ko ng tumulak si Gaelan at Miss Farrah doon sa loob ng classroom na hindi pinuputol ang halik.
Unti-unti kong pinakawalan ang palad ko at sumuko sa maliit na boses na yon dahil tama ito.
Im inlove.
And it is painful as hell...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top