Kabanata 12
Bakit.
"Hello!" Bati ko kay Gaelan pagkadating ko doon sa lumang building. Araw araw akong nagpupunta dito para bantayan sila ni Miss Farrah kaya lang panglimang araw na hindi dumadaan dito si Miss Farrah. Si Gaelan lagi ang naaabutan ko at nakakatuwa kasi lagi syang nagsusulat ng kung ano sa notebook nya.
Kapag hindi pala sya namabababae, pag-aaral ang aatupagin nya.
"Turuan mo nga ako nito." Wika ni Gaelan na nakatingin doon sa notebook. Napakamot ako ng ulo. Dalawang taon ang lamang nya sa akin, bakit ako ang magtuturo sa kanya?
Pumwesto ako armchair na nakatabi kay Gaelan sa tapat mismo ng room kung saan sila madalas magdate ni Miss Farrah.
Binasa ko ang kanyang libro at mukhang literature ang subject na inaaral nya.
"Di ba hindi ka naman pumapasok?" Nagtataka na tanong ko sa kanya.
"Tch! Pag hindi pumapasok, hindi agad nag-aaral? Hindi lang kami required pumasok dahil may iba kaming gusto. Physical training ang pinagkakaabalahan namin, but in exchange we will be given a college diploma in Business. Pang-display."
"Ah.. Eh di gagraduate kayo ng walang natututunan?" Nagtataka kong tanong.
"Kaya nga nag-aaral ako di ba?! Dali! Turuan mo ako nyan." Pasigaw nyang sabi.
Huminga ako ng malalim at sinimulang basahin ng malakas ang story ni Apollo at Daphne. Tungkol ito kay Apollo na pinagtatawanan si Eros, ang god of love dahil hindi naniniwala si Apollo love. Until ni-struck ni Eros si Apollo ng arrow nya, while yung other end ng arrow naman ang pinangstruck nya kay Daphne kaya opposite ang nangyari kay Daphne, she hated Apollo and chose to remain a virgin for the rest of her life. Niligawan sya ng husto ni Apollo but Daphne felt the opposite, lalo lang syang naiinis kay Apollo. And then one day, they went on a race at magkapantay ang kanilang galing, Eros made a way na maabutan ni Apollo si Daphne, but Daphne prayed to his father Peneus (the God of the River) to open the earth and enclose her, she wanted to be free from Apollo..
"..Suddenly her legs took root and her arms grew into long and slender branches. Apollo reached the laurel tree, and, still enamored with Daphne held the tree in a special place in his heart.." Naramdaman ko ang luha ko sa huling bahagi ng kwento ni Apollo at Daphne. Ang lungkot lungkot naman. Napatingin ako kay Gaelan na nakatitig lang sa akin.
"Dapat kasi tinanggap na lang ni Daphne ang love ni Apollo. Bakit mas ginusto nyang maging puno? Tsk! Mga babae talaga pakipot." Umiling iling si Gaelan habang pinupunasan nya ang luha ko gamit ang kanyang panyo.
"Mahirap kasing magtiwala sa taong hindi naniniwala sa love sa umpisa.." Humikbi pa ako ng isa at napailing si Gaelan.
"At least si Apollo, nagbago sya. Si Daphne nagmatigas. Umiyak ka tuloy ngayon. Pag makita ko talaga yan si Daphne pagsasabihan ko yon." Naiinis na sabi nya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Nagslouch si Gaelan sa armchair at tinaasan ako ng kilay.
"O bakit?" Tanong nya.
"Eh Greek mythology lang naman ito, hindi totoo."
"Yun naman pala eh. Ba't umiiyak ka?" Masungit nyang tanong. Ngumuso ako. Ang sungit nya talaga.
"Nakakaiyak eh."
"Tss. Naging malungkot lang yan kasi si Apollo inalagaan pa si Daphne nung naging puno ito. Dapat dyan kay Apollo, nung naging puno si Daphne, iniwanan na lang niya kung yun rin lang ang gagawin nya. Sus!"
Lalo akong napasimangot. Wala man lang talaga syang romantic bone. Paano nya nasasabing mahal nya si Miss Farrah kung ganito sya kalamig.
"Mahal nya eh.." Bulong ko.
"Tsk! Hindi pagmamahal ang tawag don. Ang tawag don, pakitang tao. Dahil kung ako ang nagmahal ng ganon, magdadasal na rin lang akong maging puno. Sasamahan ko sya, hindi ko kayang makita syang nahihirapan. I rather choose the same fate as her. Hindi ko bibigyan ng tsansa ang sarili kong magkagusto sa iba."
Napangisi ako. Mukhang may magandang pananaw din naman pala si Gaelan. May pag-asa pa ang soul nya. Magsasagot pa sana ako ng questions sa notebook ni Gaelan ng isarado nya ito.
"Halika na sa chapel tapos lunch tayo." Tumayo si Gaelan at nauna pang maglakad sa akin. Nakakatuwa dahil mukhang nasasanay na si Gaelan sa routine ko. Di na sya nahihiya na pumasok sa chapel.
Umupo agad si Gaelan nang makarating kami sa chapel. Tinapik ko ang kanyang tuhod. Tinatamad syang lumuhod sa katabi ko.
"Anong prayer mo ngayon?" Excited na tanong ko kay Gaelan. Nung isang araw ang pinagpray nya sana daw bilhan sya ng sariling condo ng Daddy nya. Tapos kahapon, sana daw pumasa yung Ate nya sa Entrance Exam sa Harvard.
"Ang prayer ko, wag na masyadong makulit si Maria." Sinukat nya ako ng tingin. Hindi ko maiwasan ang pag-labi. Hindi naman ako makulit! Kuminang ang mata ni Gaelan at pilit na pinaliit yon para takutin na naman nya ako.
"Wag yon. Hindi pwede yon."
"Ano? Mayroong hindi pupwede sa prayer? Di ba nung isang araw sabi mo sa akin 'kahit ano' ang hilingin ko."
"But that's too much!" Protesta ko. Umismid si Gaelan at pumikit na.
Masama pa din ang loob kong nagpray. Madami na akong nasabi. Nahiling ko na ang safety namin ni Gaelan pati na ng pamilya namin, ang blessings at yung wisdom sa pag-aaral namin.
"..Saka sana po, wag na akong makulit. Amen." Panghuli kong sinabi. Naramdaman ko ang panginginig ng balikat ni Gaelan hanggang sa mauwi sa malakas na tawa.
Hinayaan ko lang syang tumawa ng husto hanggang sa tumagal ang panonood ko, ano kayang toothpaste ni Gaelan? Ang bango ng hininga eh.
Tumigil din si Gaelan sa pagtawa at hinila ang kamay ko. Tiyak gutom na sya dahil ilang sandali lang nandoon na kami sa Food Alley. Bumibili sya ulit ng gulay, kilala na nya ang ampalaya, okra, talong at sitaw pero pinakapaborito nya ang chopsuey, sa isda naman nagustuhan nya ang tuna.
'Ang cute nilang tingnan no?'
'Oo nga eh! Relationship goals talaga! Sobrang sweet'
'Pero si Ria talaga ang naka-jackpot kay Gaelan eh.'
"Ikaw na lang ang magbitbit ng tubig." Nginuso ni Gaelan ang dalawang bottled water doon sa binili nya. Hawak nya kasi ang tray sa magkabilang kamay.
Dire-diretsong naglakad si Gaelan patungo sa upuan ng Yukan'na pero wala dito ang mga kaibigan nya. Isang beses ko rin lang silang nakasabay dito eh.
Nagulat pa ako ng sumulpot si Yuki sa aming harapan. Binaba nya ang pagkain na hawak at umupo doon sa tapat namin ni Gaelan.
"Pass kami ni Kiro sa training mamaya ah. Bibili pa kami ng suit para sa Saturday." Baling ni Yuki kay Gaelan. Buong linggo ko na naririnig ang tungkol sa Acquiantance party pero hindi ako makapagkomento dahil baka hindi ako makarating. Hindi pa ako nakakaisip ng palusot kay Gaelan.
Tumango si Gaelan habang nakatingin kay Yuki. Binalingan nya ako at tinaasan ng kilay "Ubusin mo yang pagkain mo." Sabi nya sa akin. I nodded at mabilis na ngumuya ng pagkain, nagagalit kasi si Gaelan pag hindi ko nauubos eh.
Hinatid ako ni Gaelan sa sumunod na klase ko pagkatapos ng lunch at sinundo nya din ako. Paniwalang paniwala na talaga ang buong campus na girlfriend nya ako kahit hindi naman.
Hanggang kailan kaya namin ito gagawin?
Tumikhim si Gaelan ng malapit na kami sa parking lot. Nilingon ko sya at naabutan ko syang nakatingin sa akin.
"Ililibre kita ng gown para sa Akwe. Bili na tayo ngayon." Sambit nya. Natigilan ako saka mabilis na umiling.
"H-ha? Hindi na.. M-may isusuot na ako."
"Talaga? Baka pangit yung isusuot mo ha? Lagot ka talaga sakin."
Alanganin akong ngumiti at umiling.
"Susunduin na lang kita sa Sabado. 8PM pa naman yung Akwe, so.."
Mabilis akong umiling. "W-wag na. Ako na lang ang pupunta..."
Pinanliitan ako agad ng mata ni Gaelan. "Wala ka bang planong pumunta? Iindyanin mo ba ako?"
"P-pupunta!" Patay...
"Subukan mong lokohin ako Maria.. Sinasabi ko sayo..." Pagbabanta nya.
------
"Grabe! Totoo nga ang chismis Iha! Umimpis ka na nga!" Pabalik balik akong sinipat ni Sam. Sya ang may bitbit ng gown ko para sa birthday ni Kuya Ahmed na gaganapin mamaya at ginagawan nya din ako ng panibagong sukat para sa mga damit na bibilhin nya para sa akin.
Tumawa ako. Bata pa si Sam, kaklase nya si Kuya Ahmed noon at magkasundo sila. Si Kuya Gilad naman ang mortal enemy nya. Dati pa yun nagstart, laging pinapalayas ni Kuya Gilad si Sam sa bahay namin pero pagtatawanan lang siya ni Sam at sasabihing wala syang brief.
"Ang bongga din ng gown! 'The' Michael Cinco lang naman ang nagtahi! Windangers nga ako nung dineliver sa bahay, akala ko inaalayan na ako ng damit ni Gilad bilang peace offering. Sya kasi ang nagdala. Sabi nya lang sa akin 'Isuot mo yan kay Ria, umayos ka.'" Wika ni Sam na gayang gaya ang ekspresyon ni Kuya Gilad.
Nagtawanan kami habang tinutulungan ko syang iladlad ang gown sa mannequin. Maganda ang pagkaktahi. Off white gown ito with gold and swarovski embelishments. Mahaba ang dulo habang hapit na hapit naman ang pang-itaas at sleeveless.
Kinuha ni Sam ang notebook nya.
"3PM dadating dito si Albert Kurniawan for your makeup and then at 4PM, bihis na tayo 4:30 diresto na sa mansyon. By 5:30 nandoon na dapat tayo. With traffic siguro mga 6, sabagay 7PM pa naman ang start. Dito na din ako magbibihis ha. Nakahiram ako sa kaibigang designer ko. Ang bongga nyo naman kasi magbirthday. Dinaig pa ni Ahmed ang Debut ko kahit 23 na kami, ikaw lang ang hindi nagcecelebrate, pero tiyak ko sa debut mo baka buong Pilipinas pakainin ng lechon ng mga Floresca." Humagikgik si Sam sa naiisip.
Madalas akong magbirthday sa mga ampunan o di kaya ospital. Ibinibigay sa akin ni Mommy at Daddy yung kailangan kong cash tapos idodonate ko na lang, mas masaya kasi yung ganon. Hindi kagaya ng ganito, aksayado sa pera.
"Sam.. Pupwede bang humingi ng favor?" nakahiga kami sa kama ko habang nakakalat ang fashion magazine sa aming tabi.
"Yes Baby Girl?"
"Pupwede mo ba akong itakas mamaya? Acquiantance Party kasi namin sa school, gusto kong pumunta."
Pinanliitan ako ni Sam ng mata "May boyfriend ka na ba sa school nyo?"
Nag-init ang aking pisngi "W-wala.. Inaantay ako ng kaibigan ko. Hindi ko naman masabi na birthday ng kapatid ko kasi di ba hindi ko nga pinapaalam sa school kung sino ako."
Tumango tango si Sam. "I think makakaalis tayo pero 8PM pa.."
"H-hindi puwedeng mas maaga?"
"Baby Girl, 7PM ang party ng Kuya mo. Andami pang Cheche Bureche ng pamilya mo. Sasabihin ko na lang na may ipapakita ako sayo sa condo ko na malapit lang sa mansyon nyo. Basta kailangan nating bumalik bago mag12 para hindi sila makahalata.."
Tumango ako. Pupwede na siguro akong umalis sa party pagkatapos ng isang oras. Sasabihin ko na lang din kay Gaelan na malelate ako.
Nasunod ang schedule na sinasabi ni Sam. Inayusan ako ni Mr. Albert. Tahimik syang magtrabaho, feeling ko tuloy nalulungkot sya kasi madaming aayusin sa mukha ko. Nang matapos naman na ang makeup ko, napangiti sya ng husto.
"Ayan! Prinsesang prinsesa ka na!" Ani Mr. Albert sa akin.
Ngumiti lang ako at tumango. Nasunod naman ang gusto ko na hindi madidilim na kulay ang ilagay sa akin, earth tones lang lahat. Yung buhok ko naman ay nakabun pero maluwag ang pagkakaayos.
"And for the last touch!" Nilabas ni Sam ang box na kulay pula.
"Regalo sayo ni Ahmed." Kumindat si Sam habang pinapakita sa akin ang makintab na chandelier earrings na gawa sa diamond.
"Hala! Bakit nya pa ako niregaluhan? Si Kuya talaga, sya ang may birthday eh!"
"Isuot mo. Alam mo naman ang mga Kuya mo, mahal na mahal ka non. Ang sarap tuloy mahalin ang isa sa mga kapatid mo kasi alam mo kung paano sila mag-aalaga ng babae. Except kay Gilad of course. Pati na din si Rab kasi baka may Aids yon." Humagikgik si Sam. Dati nga iniisip ko na mayroon silang something ni Kuya Ahmed, pero iniisip ko lang siguro yon dahil wala naman syang naikukwento sa akin.
Sumakay kami ni Sam sa sundo na limousine. Nandoon kasi ang sasakyan ni Sam sa bahay namin. Nakadating kami bago mag-6PM. Sinalubong ako ni Kuya Ahmed. Binigay ko ang regalo ko sa kanya na unan na ako mismo ang gumawa. Nagpaturo kasi ako kay Ate Ailyn kung paano eh. Ako ang nagdesign nung pillow case, pinintahan ko, hindi masyadong maganda pero at least may effort.
"Baby Botchog, gusto ko din ng ganito!" Inagaw ni Kuya Rab kay Kuya Ahmed ang unan na regalo ko. Sumimangot si Kuya Ahmed.
"Bakit? Birthday mo ba?"
"Hindi mo din naman Birthday eh. Next week pa ang totoong birthday mo!" Sagot naman ni Kuya Rab. Natawa lang kami ni Sam habang pinapanood sila. Nakasuit na din ang mga kapatid ko at handang handa na. Nagtipon lang kami sa living room para magkwentuhan.
Pinatawag na kami ng pumatak ang 6:30. Doon ko pa lang muli nakita si Mommy at Daddy. Kakadating lang nila galing sa Business travel.
"Mommy!" Tumakbo ako at sinalubong ng yakap si Mommy. Lumapit din ako kay Daddy at yumakap.
Mas close ako kay Mommy kaysa kay Daddy. Si Daddy kasi medyo cold sa amin. Yun ang paraan ng pagdidisiplina nya.
"You've lost weight!" Sinipat ako ni Mommy habang hinahawakan ang bewang ko. Ngumiti lang ako bilang tugon. "I miss you Baby.." Hinalikan ako muli ni Mommy sa noo. Ang ganda ni Mommy sa suot nyang pula na gown. Nakalugay ang kanyang buhok pero maayos ang pagkaka-blowdry. Maganda ngumiti si Mommy, sabi nya, yun daw ang dahilan kung bakit nainlove ang masungit na Daddy ko sa kanya.
Si Daddy naman ang pinagmanahan ni Kuya Gilad at Kuya Xenon. Seryoso at cold. Gayumpaman, mararamdaman pa din ang love nila sayo.
"Ria, may pasalubong kami sayo. Nandoon sa kwarto mo ang mga chocolates na paborito mo from Greece." Ngumisi ako at muling yumakap kay Daddy.
"Thanks Dad. You're the best."
Tinaasan ako ng kilay ni Daddy "Talaga? Baka ipinagpapalit mo na kami sa Mama Buding mo."
Ngumiti ako at kinurot si Daddy sa magkabilang pisngi para pangitiin ang kanyang labi.
"Seselos ka po?"
"Eh, hindi ka na umuuwi dito simula nag-aral ka sa University."
"Sorry po, busy lang... Bawi po ako sa sembreak." Hinalikan ako ni Daddy sa noo at niyakap ng mahigpit.
Nagsimula ang party. Mayroon pang emcee na pinakilala ang buong pamilya namin isa-isa. Typical gathering ng mga politiko at negosyante ang party ni Kuya Ahmed. Mahigpit ang security sa loob. Bawal ang media sa amin. Masyado din kasing pribado si Daddy at ayaw nya na makilala kami ng lipunan dahil malaking risk daw sa amin.
**kring **kring
"Asan ka na?!" Halos mailayo ko sa aking tenga ang cellphone. Nag-alala ako ng makitang si Gaelan yon.
"S-sorry. Nakalimutan kong magtext na medyo male-late ako.." Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang naglalakad papalayo sa mga tao.
"Ha! Pinagiintay mo ako? You have the guts ha! Baka akala mo na gusto kitang maka-date? Well, Maria. I don't!" Masungit ang kanyang pagkakasabi.
"S-sige.. Hindi na lang ako pupunta. Sorry.."
"Anong hindi ka pupunta?! Kahit naman ayaw ko tinitiis ko lang na makasama ka." Pasigaw nyang sabi.
"Kaya nga hindi na ako pupunta para hindi ka na mag-tiis..." Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno sa garden namin. Ramdam ko na ang pagod dahil sa dami ng ginawa ngayong araw na to.
"Lubus-lubusin mo na! Pumunta ka na dito! Kapag hindi ka dumating sa loob ng isang oras lagot ka talaga!" Pananakot nya pa.
Hinanap agad ng mata ko si Sam na kausap si Kuya Ahmed. Kailangan kong makaalis. Mukhang nakuha ni Sam ang gusto kong sabihin ng mapadako ang mga mata nya sa akin.
"Nasabi ko na. Dali! Excited na akong ipakita sayo yung gawa ni Anne Koh na naka-weave na gowns!" Sumenyas si Sam habang lumalayo kami kay Kuya Ahmed.
"We shall return, Ahmed. This is not goodbye. Love you!" Nagflying kiss pa si Sam kay Kuya Ahmed, sakto naman na nakasalubong namin si Kuya Gilad na nakasimangot kay Sam.
"Love you?" Tanong pa ni Kuya Gilad.
"I love you more, Gilad!" Sambit ni Sam habang hindi tumitigil sa paglalakad.
"Samantha!" Sigaw ni Kuya Gilad. Ako lang ang lumingon kay Kuya Gilad samantalang si Sam ay dire diretso lang habang tawa ng tawa na ginalit na naman si Kuya Gilad ko.
Hinanap namin ang kotse ni Sam ng makarating kami sa labas ng bahay namin. Nakita naman namin agad na nasa pinakaunahan ng pila ng mga sasakyan doon sa labas.
"Fasten your seatbelt, Baby Girl.."
Seryosong nagmaneho si Sam pagtungo sa Keio. 15 minutes lang, nakarating na kami.
"Ay bongga ang school. Madaming gwapo dito?" Tanong ni Sam habang pinagmamasdan ang maliwanag na Keio mula sa labas.
"Mayroon. Konti.." Nagkibit balikat ako.
"O sya. Pasok ka na. Wag mo akong intindihin, dito lang ako sa coffee shop, tamang tama dahil may deadline akong article doon sa Mega Magazine. Sulat muna ako. Kailangan ko ng katahimikan. Text lang, Baby Girl." Ngumiti si Sam, bitbit ang kanyang laptop, pumasok na sya sa coffee shop na nasa labas ng school pero pag-aari pa din ito ng Keio. Wala ngang tao ngayon, siguro lahat nandoon sa party. Naglakad na ako mula sa parking lot hanggang sa Function building ng Keio na tinatawag na Charm Building. Parang Hotel ang lobby ng Charm, pinatayo ito para sa lahat ng activities ng Keio na pormal.
Sinalubong ako ng receptionist at hiningi ang ID ko. Ni-tap nya doon sa isang maliit na scanner at ibinalik muli sa akin. "Enjoy the party, Miss Floresca."
Ngumiti ako at tumango. Sumakay ako ng elevator at pagbukas nito, bumungad sa akin ang malapad na hall na maganda ang pagkakaayos. Kulay blue, red at yellow ang malamlam na ilaw sa lugar. Nasa gilid lang ang mga lamesa habang sa gitna ay ang malaking dance floor. May ilang nagkakasiyahan na sa pagsasayaw sa saliw ng mabilis na music.
'Oh my gosh. Ang ganda ng gown. Im gonna die in jealousy. Like right now! OMGGGG!!!'
'Grabe, mukhang tunay ang nakalagay na accents sa gown! Entricate ang design!'
Ilang papuri pa sa suot kong gown ang narinig ko mula sa mga kababaihan. Paano kaya nila nasabi na tunay na crystals ang nakalagay sa gown?
"W-wow.." Nasa tapat ko ngayon si Yuki. May hawak syang baso sa kanyang kamay at ngiting ngiti na nakatingin sa akin.
"K-kanina ka pa inaantay ni Gaelan sa table namin. Tara." Hinawakan ako ni Yuki sa siko, madami kaming nakakasalubong na mga estudyante na panay ang tingin sa akin.
Buti na lang at madilim, hindi nila mahahalata ang pamumula ng pisngi ko.
Kinakabahan ako habang natatanaw ko si Gaelan. Naka-slouch na naman sya at nakasimangot habang nakatingin doon sa dance floor. Kahit nakasimangot sya, ang lakas pa din ng dating nya. Naka-suit kasi sya ngayon at talaga namang bumagay sa kanya.
"Gael, nandito na si Ria.." Sambit ni Yuki sabay tapik sa balikat ni Gaelan.
Dahan dahan na lumingon sa akin si Gaelan, nanliliit ang mga mata nya habang mabilis na tumayo para galit na harapin ako.
Bumukas ang labi nya pero nangunot ang noo nya. Tinitigan nya ako ng husto. Napayuko ako at naghanda na sa pagsigaw nya. Kasalanan ko naman kasi..
"B-bakit ngayon ka lang?" Mahinahon nyang sabi.
Ganoon ko ba sya katagal pinag-intay?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top