Kabanata 7
KABANATA 7
Nakangiti lang ako habang nakatitig pa rin sa candy na nasa palad ko. Kanina ko pa pinag-iisipan kung kakainin ko ba ito o itatago as a remembrance. Hindi ko mapigilang mapaisip.
Really? Ang bad boy ng Osmium nagbibigay ng candy? Is this his of saying 'thank you'? Ang galing naman.
I laughed mentally. Damn, maybe he's not that bad at all. Maybe there's still a good side of him.
"Hoy! Kanina ka pa nakangiti ha? Simula ng Chemistry natin hindi ‘yan mabura-bura," pagpukaw ni May.
Nag-aabang ako ngayon ng taxi habang hinihintay naman ni May ang sundo niya. Hindi niya raw kasi ako masasabay sa paghatid dahil malayo ang bahay nila pero okay lang naman sa ‘kin 'yun, ayoko pang
maging abala sa kanya.
"Wala. Bawal na bang ngumiti ngayon?" sabi ko na nanatiling nakangiti. Kung alam niya lang ang dahilan ng pagngiti ko, alam kong kikiligin din 'to.
"Asus. Ay C, andito na sundo ko. Okay ka lang ba dito?" sabi niya nang makita niyang nakaparada na ang sundo niya.
"Oo naman. Sige mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko,” sabi ko.
"O sige. Pasensya ka na ‘di kita maisasabay dahil sa lakad namin ni Mommy."
I chuckled. "Okay lang, ano ka ba?"
She pouted. "Sige, una na ako sa ‘yo, ha? Bye!" sabi niya at kumaway.
Tiningnan ko lang siya habang papalayo na. Hay, medyo madilim na ang paligid at wala pang taxi'ng dumadaan. Pa’no na 'to? Parang ayoko ko pang umuwi.
Nagdesisyon akong maglakad-lakad na lang muna. Malapit na lang kasi ang children's park dito. Napangiti ako habang nakatingin sa mga batang masayang naglalaro sa playground.
Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Kung hindi kaya naghiwalay ang mga magulang ko, magiging masaya rin kaya ako katulad ng mga batang 'to?
Natawa ako nang mahina nang mapansin ko din ang ibang mga high school student na nakikipagsabayan din sa mga bata sa paglalaro.
Sana ganyan din ako kasaya ngayon.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at pumukaw agad sa pansin ko ang mga lalaking nakatambay sa may puno ng park na si...
Si Carl, pero hindi siya nag-iisa.
May mga kasamahan din siyang sa tingin ko'y mga kaibigan niya.
Masayang naglalaro ang mga ito na parang mga isip bata kung kumilos. Ang isa, pabaliktad na nakalambitin sa sanga ng puno. Ang dalawa nama'y naghahabulan na parang mga bata habang ang isa
naman ay nagbabasa ng libro at nakaupo rin tulad ni Carl na natutulog na suot na nito ang hood
niya.
Umupo ako sa may bench malayo-layo sa may punong tinatambayan nila at tinitigan lang silang lima.
May kaibigan pala siya? Akala ko wala dahil nakaka-intimidate siyang tao. Ang galing naman nila at naging kaibigan nila si Carl. Siguro mga kaklase niya din niya ang mga ito.
Nakita ko namang naalimpungatan si Carl at marahang tumingin sa dalawang kasamahan na naghahabulan at sinigawan. Napatigil naman ang dalawa sa at binatukan ang isa’t isa.
Tumawa naman ang nakalambitin sa puno at mabilis ding tumigil nang nahulog siya sa sanga.
Nagtatawanan naman ang mga ito maliban lang kay Carl na nakakunot lang ang noo. Patuloy ko lang silang tinitigan habang nakangiti. Hindi naman siguro masamang tao si Carl.
Siguro nami-misunderstood lang siya ng mga estudyante sa Osmium.
"Hi, Miss! Mukhang mag-isa ka ah." Napapitlag ako nang marinig ko ang isang boses ng lalaki.
Tumingin naman ako dito at nakita kong may tatlo rin itong kasama. Hinagod nila ako ng tingin at dinilaan ang mga labi nito. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagtingin nila.
"Oo nga, Miss. Gusto mo ng kasama? Pwede kami," dagdag pa ng isa. At tuluyan na nila akong napapalibutan.
Tumingin naman ako sa direksyon nila Carl at nakita kong papaalis na sila. Shit!
"U-uhm, okay lang po ako. U-uuwi na rin po ako,” sabi ko at tumayo.
"Hep hep! Teka lang, Miss Beautiful. ‘Di pa nga namin alam ang pangalan mo, aalis ka na," pigil ng isa.
"Oo nga, Miss. Gusto lang naman naming magpakilala."
Nanginginig na ako sa takot. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong sumigaw ng tulong pero baka mas lalo akong saktan ng mga ito. Or worse, may mga baril or kutsilyo silang dala.
"Uhm, C-Christie po. Sige, aalis na po ako,” sabi ko at tinangkang tumakas.
Hinawakan naman ako ng isa sa braso at hinigit palapit sa kanya. I can smell the beer and cigarette in him. Nandidiri ako dahil sa lapit ng mukha niya.
"Hmm...ang bango mo naman, Miss Beautful,” sabi nito at patuloy na inamoy ang buhok ko pababa ng
leeg ko.
"No! P-Please, po. Bitawan niyo ako,” sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak nito.
"Tss. Dito ka muna, Miss. Enjoy muna tayo. ‘Di ba, mga pre?" manyak na sabi nito at humalakhak din ang mga kasamahan nila.
"P-please p—" Natigilan ako nang narinig ko ang isang maskuladong boses.
"Get your hands off her. Now," madiin nitong sabi. Tila nabuhayan ako nang nakilala ko ang pamilyar nitong boses.
Nakalapit na pala siya kasama ang mga kaibigan niya. He's looking so mad and dangerous right now, pero parang nagpipigil lang din.
Our eyes met for a second before he turned to the guy who's holding me.
"Uy, Carl! The Almighty! Kamusta—"
Napatili ako nang biglang natumba ang lalaking nakahawak sa ‘kin kanina. Napakabilis ng pangyayari. Nabitawan ako ng lalaki. I sighed in relief at mabilis na lumayo sa kanila.
Nanlaki ang mata ko dahil sa nakikita kong pagbugbog ni Carl sa lalaking humahawak sa ‘kin kanina. He was punching him with no mercy!
Tulala ako habang patuloy na sinuntok ni Carl ang lalaki. Nakita kong umatras ang mga kasamahan ng lalaki at gulat ang mga mukha nito. Parang hindi sila makalapit dahil sa sobrang lakas ng suntok na ginagawa ni Carl sa kasamahan nila.
Halos maligo na sa dugo ang lalaki pero patuloy pa rin ang pagsuntok ni Carl dito. Nakakatakot siya. Ganito ba siya kapag galit? Oh my god. Baka mapatay niya ang lalaki.
"Hoy Carl! Tama na ‘yan! Tingnan mo oh basag na ang mukha. Hahaha!" Narinig kong tawa ng isang lalaki. Nilingon ko siya pati na rin ang iba. Kumpleto sila at hinahawakan ang tatlong lalaking nambastos
sa kin.
Lumapit na ang isang kaibigan niya at inawat siya at doon lamang napahinto si Carl at umahon sa pagkakadagan sa lalaking inulan niya ng suntok.
I saw his fist turned red with blood in it. Gusto kong dumuwal nang makita ang nangyari sa lalaki. Basa ang mukha niya mula sa dugo. Nanghihina na ito at hindi na makatayo.
"Son of a bitch," mahinang sabi ni Carl.
Lumingon siya at tumingin ng direcho sa ‘kin. Biglang kumabog ang dibdib ko nang bigla siyang lumapit
sa ‘kin.
I saw his fist coming towards me. Napapikit ako nang mariin dahil sa takot. Ako na ba ang susuntukin niya? Oh no! Get ready to be punched, Christie!
Nanatili akong nakapikit habang hinihintay ang suntok niya.
But, I was not expecting what happened next. Nadama ko ang mga kamay niya sa pisngi ko.
Dumilat ako at nakita ko siyang nakatitig lang sa ‘kin. Binaba niya ang kamay niya at nilapit nang kaunti ang mukha kaya napaatras ako.
His face softens for a while before it turns into a cold glare. Whaa? Nanlaki ang mga mata ko at tumitig pabalik sa kanya.
"Are you hurt?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakakatitig sa kulay tsokolate nitong mga mata.
"Hey. Are you alright?" tanong niya ulit at sinuri niya ako ng tingin.
Walang salita ang gustong lumabas mula sa boses ko. Masyado akong nao-overwhelm sa nangyayari. Nanginginig pa rin ako sa takot.
"Oy Carl! Ano’ng gagawin natin sa mga 'to?" narinig kong sabi ng kasama niya.
Tumingin siya sa direksyon ng mga kaibigan niya kasama ang mga lalaking nagtangkang saktan ako. Lumapit siya tatlong lalaki na takot na nakatingin sa kanya. Kwenelyuhan niya ang isa.
"Next time I see your faces again, I won't hesitate to kill you. Don't touch her again! You understand me,
assholes?"
"O-Opo, boss." Kita ko ang takot nito. Halos mapahiga ito sa lupa kung ‘di lang siya hawak sa kwelyo ni
Carl.
"I'll spare your life for now with your fucking leader. Go! Before I change my mind,” sabi ni Carl at tinulak nang malakas kaya nadama ito.
Mabilis namang lumapit ang tatlo at tinulungan ang kasamahan nilang duguan at mabilis kumaripas ng takbo. Nagtipon na ang mga tao sa paligid pero nawala din nang sinamaan sila ng tingin ni Carl.
Hindi na ako magugulat kung may tumawag ng police dahil sa nangyari. Sana lang hindi nila masumbong
si Carl.
"Wooh, Carl. Sino’ng mga 'yun? Alagad ni Daniel? Binalato mo na lang sana sa ‘min. Tsk,” sabi ng isa niyang kasamahan.
"Kaya nga pare, eh. Wala tuloy tayong mapaglaruan. Haaay. Gusto ko ding gumanti sa gagong 'yun," buntong-hiningang sabi din ng isa.
Who's Daniel? Are they in some kind of gang? Nakakatakot naman kung ganun yun. Baka balikan nila si Carl at mga kaibigan niya nang dahil sa ‘kin. Sana hindi ako nakagawa ng problema kay Carl. Kawawa naman siya at ang mga kaibigan niya.
But if it weren't for him, baka ano na ang nangyari sa ‘kin. Nakakatakot.
"Tss," tugon lang ni Carl at lumingon sa ‘kin. Our eyes met for a moment before I looked away.
"T-Thank you," I stuttered.
Napalingon din ang mga kasamahan niya. Nanlaki naman ang mga mata nito nang makita ako. Pare-
parehas silang nagtinginan at binigyan ng nang-aasar na ngiti si Carl.
What now?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top